《TULANG MAHARLIKA》KARAMAY

Advertisement

Tula ay nalilikha sa tuwing ang damdamin ko'y nabibigatan,

Ngunit Tula rin ang siyang nagpapagaan sa aking nararamdaman,

Tula ang nagbibigay sa akin ng Pag-asa habang kasandigan ko rin ang Papel at Pluma,

Sa mga panahong ako'y nagdurusa at nag iisa

Dahil sa tula, ang bawat nadarama ay nagagawang ipakita,

Gamit ang matatalinghagang salita at metapora,

Kung saan ito'y nagagawang itago ng simbolismo,

At kahit na nasasaktan ito'y natatakpan sa pamamagitan ng paggamit ng kariktan

Hindi man isang makata na bihasa subalit patuloy akong lilikha ng tula ,

Sapagkat Tula ang nagsisilbi kong instrumento,

Upang makapag bigay nang aliw sa mga tao,

Na gaya ko ay nangangailangan din ng inspirasyon para bumangon at harapin ang mga hamon

    people are reading<TULANG MAHARLIKA>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click