《THE TWO SIDE OF US》Chapter 1- Gale

Advertisement

"Bunsoy, una na si ate ha?" nginitian lang ako nito kaya hinalikan ko ito sa noo bago ako magtungo sa kusina.

"Ma eto may extra kita ako kanina, ipang grocery ninyo para naman magkaroon ng laman tong ref natin." malayo paman ako ay rinig ko na si Kuya Gael.

Napahinto naman ako habang nakikinig sa kanila.

"Pasensya kana anak hindi na ako nakapag grocery nung nakaraan dahil naipambili ko na ng gamot ni bunso." mahinang sabi ni Mama pero sapat na para marinig ko ito.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa narinig ko, sobrang hirap naman ng buhay.

"Goodmorning ma, kuya." tila nagulat sila sa bigla kong pagsulpot.

"Poganda naman ng kapatid ko!" lumapit naman si Kuya Gael saakin at ginulo ang buhok ko.

"Kuya ano ba, para kang bata. Papasok na ako kaya bitawan mo nako." naiinis kong sabi dito tsaka ko pinag tatampal ang kamay nyang ginugulo parin ang buhok ko.

It's around 7:30 na kaya kailangan ko ng pumasok, 8 pa naman pasok ko pero kailangan kong maging maaga dahil ngayong araw darating ang magiging Adviser namin.

"Kumain ka muna Gale." aya ni Mama at pinag sandok na ako ng makakain kaya no choice ako kundi kumain.

Naupo na kaming tatlo, kumain ng walang kubuan. Panay buntong hininga naman ako dahil hindi ako sanay na tahimik si Mama.

Matapos kumain, tumayo na ako at kinuha na ang backpack ko at kinuha ang sobre doon.

"Eto Ma oh, idagdag mo sa pambili ng kailangan dito sa bahay at kailangan ni Bunsoy. Sahod ko iyan nitong buong linggo sa Resto. Mauna napo ako." pagkasabi ko nun, tinalikuran ko na sila at lumabàs na ng bahay.

Sumakay na ako sa luma kong motor na YAMAHA YTX 125, regalo ito sakin nina Mama at Kuya nung 18 birthday ko. So ngayon mahigit 2 years na ito saakin ito yung ginagamit kong pang service ko sa araw araw kaya nakakatipid ako kahit papaano.

Today is Monday i have 8 am class kaya kailangan ko ng pumasok hanggang 3 pm lang naman ako today kaya after ng class e diretso na akong Resto.

My name is Haven Gale Robles 20 years old a 3rd year College at Cadence University. Scholar ako dun kaya kahit papano may allowance akong natatangap kada na 10k a month, bukod pa don sila na nag provide ng mga gamit buti nalang at hindi required ang uniform kaya mas nakakapag suot ako ng mga damit na gusto ko.

Advertisement

Hindi kami mayaman kaya naman pursigido akong makapag tapos ng pag aaral.

Tatlo kaming mag kapatid, panganay ay si Kuya Mark Gael Robles 28 years old, wala pa itong pamilya fresh grad palang ito kaya medjo hirap pa siya sa pag hahanap ng trabaho. Then ang bunso namin an si Heaven Jas Robles 8 years old girl, may sakit ito sa puso "Congenital Heart Condition" nalaman namin ito last year kaya halos lahat ng naipon ni Mama e naubos na dahil sa pampapagamot ni Bunsoy.

Nakarating na ako sa parking lot ng school, isinuot ko muna ang Salamin ko bago ako nagtungo sa classroom ko.

"The fuck, a nerd?" narinig kong pag mumura nung isang nadaanan ko.

"A nerd sa Cadence University talaga ba? HAHHAHAH" tawa nito kaya naman naagaw nya ang pansin ng mga ilang studyante na sabay tawa din ng mga ito.

Hinayaan ko nalang sila at naglakad na ako diretso sa Classroom pero bago ako makatapak sa loob may kung sino nang humila sa akin. Upang hindi ako makatuloy sa loob na siya namang ikinagulat ko ng may nahulog na timba mula sa taas na puno ng itim na pintura.

"Pay attention, stupid." she said tsaka ito tumalikod at pumasok sa loob.

Hindi ako agad nakapag react, buti nalang at hinila niya ako. Kung hindi para akong taong gasa ngayon.

"Come in." cold na sambit nito kaya tinignan ko lang ito at pumasok nadin ako.

Kita ko naman na tila manghang mangha ang mga hangal na studyante, tameme ang mga ito. Kaya umupo na ako sa pinaka dulong upuan.

"Sinong may gawa non?" napabaling ang tingin ko ng mag salita uli yung babae.

Tahimik ang buong classroom, walang nagtangkang magsalita sa kanila.

"I said sino ang may pakana ng iyon?" ang cold naman nya, nakakapangilabot ang boses nya.

"Sino kaba? Tsaka anong pake mo ba ha?" one of the boys said.

"I did asked first, so you better answer me. And shut your mouth if nonsense din ang lalabas dyan sa mabaho mong bunganga." napanganga naman ako sa banat nito.

"Fuck you!" a boy curse her.

"No thanks. Mr. Andrew E." she smirk. Nag tawanan naman buong classroom. Ako naman e nag pipigil ng tawa, hanep bumanat e HAHAHAHHA.

"SHUT UP!" parang batang galit na galit naman yung Andrew E daw.

"You, shut up. Mr. Andrew. Good morning everyone, I'm Professor Calli Jane Alonzo your adviser for this year. So sit down everyone and get 1/4 sh*t of paper." dali dali naman silang nag siupuan, maging si Mr. Andrew ay natulala sa mga narinig nya. Hinila nalang siya ng katabi nya para makaupo ito.

Advertisement

"Write your Full name. Start with your Last Name, Age, Address. Favorite song and lastly put your reasons why did you choose this course." mahabang lintanya nito, seryoso ba siya sa Favorite song? Taray naman ma'am, musician yarn? HAHAHAAHAHA

"Anong nakakatawa Ms. at the back." napatigil naman ako ng marinig ko ang boses nito, hindi ko napansin na napalakas na pala ang tawa ko.

"Ay wala po Ma'am. Sorry po." kabado kong sabi dito, sinamaan naman ako nito ng tingin.

Madali ko ng isinulat ang mga kailangang info ni Ma'am.

"Pass your paper." iniabot ko nalang ang papel ko sa harapan ko, tinatamad ako tumayo e.

Isa isa lang naman tinatawag ni Ma'am tsaka konting pakilala lang.

"Ms. Robles." madali naman akong tumayo at ramdam kong nakatingin ang lahat saakin.

"Yes po Ma'am?" nakatinging tanong ko dito.

"I said introduce yourself." iritadong sabi naman nito. Napakamot naman tuloy ako ng batok, excited naman kase.

"Have Gale Robles, 20 years old." sambit ko sabay yuko.

"Okay, sit down." yay! yun na yon? Bahala ka nga dyan Ma'am. Naupo nalang ako at nilabas ang sketchpad ko, mahilig kase akong mag drawing. Madalas tumatanggap ako ng mga nagpapadrawing, sketch or paint para makatulong din sa pambili ng mga kailangan at pang gastos sa bahay.

"Let's starr our discussion tomorrow, Class dismiss!" napatigil nalang ako ng marinig ko iyon, like the fuck? Hindi ko namalayan na tapos na pala ang class sa sobrang focus ko sa pagssketch.

"Stay, Ms. Robles." napatingin naman ako dito, kasalanan ko?

Nang makaalis na silang lahat, naiwan nalang kaming dalawa ni Ma'am. Nakaupo lang ako sa upuan ko, inaantay ko kung anong binabalak nitong si Ma'am.

"Come here." ako lang ba tong tili nakakarinig ng ibang lambing sa boses ni Ma'am? Wala akong nagawa kaya tumayo nalang ako at lumapit sa kanya.

"Let's go, kakain tayo ng lunch together." bago pa ako makapag react, hinila na ako nito.

Bumalik lang ako sa katinuan ng nasa Parking Lot na kami ng school. Kaya napahinto naman ako.

"Ma'am wait. San naman po tayo pupunta? May cafeteria naman po ang school, pwede na po tayo mag lunch at tsaka bakit mo naman po ako isasama?" hanep naman tong adviser namin, hinila ba naman ako. Baka kidnapin pako nito tsaka nagtitipid ako.

"Tsk really you dont even remember me?" tila naiinis na ito saakin kaya taka naman akong napatingin dito wala naman kase akong maalalang nagkita na kami or what ni Ma'am.

"Wiat lang po Ma'am ha. Hinay hinay lang po, anong "really you dont even remember me?" ka dyan?." panggagaya ko dito.

"Pero sorry po kase ngayon lang po kita nakita." paliwanang ko dito.

"Wtf! Nang aasar kaba talaga miss new one?" natawa naman ako ng bahagya sa kinilos nito, para siyang batang inagawan ng candy.

"Ouch!" that made me stop, hinimas himas ko naman ang noo kong pinitik nito.

"Last week at Zoren Restaurant around 5:45 pm." kunot noo naman akong tumingin dito. Himunga muna ako ng malalim bago tinignan ito ng diretso sa mata at nginitian ng pilit.

"Ah baka nga po ma'am, madali po kase akong makalimot e. Pasensya napo" yumuko ako dito. Magpapaalam na sana ako dahil medjo nagugutom nadin ako pero hayop neto ayaw akong tantanan?

"No, Youre going to come with me. So lets go." namalayan ko nalang na naisakay na ako nito sa kotse nya.

She's the hot girl, i've been telling you Gale.

Really, Haven? She's hot pero teacher yan oy.

Apply ka kayang sugar baby nya? HAHHAHAHAH.

That made me make tap my forehead.

Wtf Haven! Just sleep, lumabas ka nalang mamayang shift nalang sa Resto. Kung ano ano pinagsasabi mo, baka kabagin tayo nito e.

"Gale. Are you okay? You look like talking to yourself." she said and smile. Fudge! Ang ganda bhee.

"Really ate? In front of our chicken!?" that made me hold my heart, may nagsalita sa backseat.

"What the fuck, Twins! What are you doing here?" kunot noo nitong tanong, maging siya napahawak sa dibdib nya dahil sa gulat.

Sinong hindi magugulat na may kambal ang prenteng nakaupo sa backseat at kumakain ng isang Bucket ng chicken from Jolibee.

"Hi baby/babe!" sabay bati nung dalawa, siya namang biglang pagpreno ni Ma'am.

Buti nalang at nakapag seatbelt ako, kung hindi tumilapon nako dito.

"Shut up the two of you!" masamang tingin ni ma'am sa dalawang wirdo sa likod.

"Ma'a-----"

"Shut Up!" hala siya galit yarn? Inirapan pa ako nito.

----------------

Enjoy reading, guys!💙

    people are reading<THE TWO SIDE OF US>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click