《Spoken Word Poetries》Untitled #2

Advertisement

salamat , sa siyam na taong iyong binigay

asahan mo , ito'y aking babaunin habang buhay

salamat , sa lahat ng ipinaranas na sakit at lumbay

ako'y natauhan , hindi ka nararapat sa aking buhay

pasensiya na kung ako'y bibitaw na

aking hiling lang naman ay sumaya ka

sinubukan ko namang ipaglaban ka

ngunit parang mas masaya ka sa kanya

salamat sa siyam na taon ng pagmamahal

sa siyam na taon na ika'y aking naging kaibigan

salamat dahil kahit saglit , ako'y iyong pinagbigyan

na ipakita at ipadama sa'yo ang tunay na pagmamahal

mahal , ito na nga , pakakawalan na kita

sana sa pag-alis , mahanap ang tunay na saya

sa panahon na lilipas , ako ri'y makahahanap ng iba

ngunit asahan mo , ika'y mananatili sa aking puso , sinta

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click