《Spoken Word Poetries》August 16 , 2017

Advertisement

hindi ko kailanman naisipan gumamit.

hindi kailanman sumagi sa aking isip.

ako’y inosente ngunit bakit sa akin nangyari ,

isang ‘di makatarungang pangyayari ?

isang estudyanteng walang muwang ,

pinatay sa hindi sariling kasalanan.

nasaksihan ang kahalayan

ng mga opisyal ng bayan.

bibili lamang sana sa tindahan ,

ngunit ‘di na nakabalik pa sa tahanan.

pinaslang , adik kung pagbintangan.

nasaan na ang pinangakong katarungan ?

huli sa akto , mga buwayang nag-aabutan.

nagwika , “boss , baka sumabit tayo diyan.”

ano itong aking nasaksihan ,

‘di ba sila dapat ang ating maaasahan ?

ngunit bakit ako ang pinagbintangan ,

sa dapat isuplong na mga kasalanan ?

tila nagkasala dahil aking nasaksihan.

ito ba ang mga pusong makabayan?

isang estudyanteng walang muwang ,

namatay sa nasaksihang kahalayan.

paalam, ngunit di ko kasalanan.

nga pala , Kian delos Santos ang pangalan.

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click