《Spoken Word Poetries》Untitled #1

Advertisement

isa , dalawa , tatlo ,

sa isang iglap , ako’y nahulog sa’yo.

ang puso ko’y kinuha mo ,

wala akong palag sa mga mata mo.

ang mga mata mong nagniningning

na para bang sa langit , mga bituin.

hayaan mo akong ika’y mahalin ,

ito lamang ang aking hiling.

apat , lima , anim ,

ngayo’y sa iyo nakatingin.

nakatitig sa iyong mga ngiti ,

pinagmamasdan bawat pitik ,

bawat galaw , bawat pikit.

pito , walo , siyam ,

hindi mo ba nararamdaman ?

ang mga titig sa iyong likuran ,

ang mga nakaw na litratong kinuhanan ,

at ang pagmamahal na sa’yo inilalaan ?

tanga ka ba o sadyang manhid lang ?

kung ako na lang sana edi hindi ka masasaktan.

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click