《Spoken Word Poetries》Akala

Advertisement

Akala ko ika'y masaya, akala ko ako'y sapat,

Akala ko ako'y iyong mahal, akala ko lang pala.

Sa mga akalang ito, ako'y umasa.

Ngayo'y aking natanto, hindi pala dapat.

Ginawa ko ang lahat para ika'y mapasaya

Pati sariling kasiyahan, aking sinuko na

Lahat ng mayroon ako, ibinigay ko na

Akala ko ika'y kuntento na, pero hindi pa rin pala

Mula pa noong una ika'y aking mahal na

Sabi mo hindi pwede dahil may mahal ka ng iba

Ako'y nagluksa, di nakakain ng tama

Kayo'y naging masaya ngunit kalaunan iniwan ka niya

Ika'y lumapit sakin, heto naman akong si tanga, tinanggap ka

Tinulungan kitang makalimot, hanggang sa ako ang mahal mo na

Pero lahat pala'y isang napakalaking akala lang

Akala ko ako na, pero siya pa rin pala

Ako'y nalilito, ako'y nagtatanong

Ano bang meron siya't sa isang iglap ako'y nalimot mo

Ako yung nandito nung ika'y dumanas ng delubyo

Ngunit heto siya't nagbabalik, ikaw nanama'y naglaho

Muli, ako na nama'y iyong sinaktan

Iniwan na para bang wala lang

Ako na naman ang naiwang luhaan

Habang kayong dalawa'y masayang naghaharutan

Akala ko nagawa ko na siyang burahin sa iyong puso

Akala ko ako na'ng nagpapaliwanag sa'yong mundo

Akala ko ikaw sa akin ay nakuntento

Pero tangina nitong mundo, akala ko lang pala

    people are reading<Spoken Word Poetries>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click