《You are the reason》CHAPTER 3
Advertisement
"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong nang makita ko ang babaeng minsan ko ng nakita.
"Hello, Brielle, Nice meeting you...again." nakangiti nitong bati sa akin ngunit batid kong peke ang mga iyon. Nilingon ko sina Nanay at Tatay pero nakatingin lamang ito sa amin, sa akin. Nilingon ko si Mommy ngunit nakaupo lamang ito habang nilalaro ang kanyang mga daliri. Hindi mapakali. Ano na naman kaya ang pakay nito at may kasama pang haliparot.
"Anong ginagawa nyo dito? Ba't magkasama kayo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.
Nakatingin lang ako ng tumayo si Mommy at lumapit sa akin para sana yakapin ako pero agad akong umiwas.
"Elle"
Napatigil ako ng marinig ko ang tawag nya sa akin.
"Elle, I'm sorry. Patawarin mo ako. H-hindi ko sinasadya." Naluluha itong nakatingin sa akin.
Natawa naman ako. Ganun na lang yun? Hindi sinasadya? Nagpapatawa ba siya?
"Hindi sinadya? Hindi mo sinadyang iwan ako?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw.
"O-oo"
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa babaeng parang walang pakialam sa paligid. Naka-upo lamang ito katabi ni mommy na kinakalikot ang kanyang mga daliri habang nag kokoyakoy pa ang mga paa.
"Ako? Dito na ako titira. Total bahay ito ni mommy, so wala namang problema dun. Right mom?" Tingin nito kay mommy.
"M-mommy?" Gulat kong tanong "Mom? A-anong ibig sabihin nito? Anak mo?" Turo ko pa sa babae na umirap sa akin.
Hindi ito naka sagot agad. Hindi nito alam kung ano pa ang susunod na sasabihin.
"Mom!" sigaw ko " Anak mo rin yan?!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, nag halo halo na ang nararamdaman ko.
"Oo, kapatid mo si Sarah. Panganay mong kapatid pero hindi kayo mag kapatid sa ama."
Napaatras ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Nanghihina akong napaupo sa sofang malapit sa akin. Nilingon ko si Nanay at Tatay na hindi rin malaman kung ano ang gagawin.
Advertisement
Pero maya maya pa ay naramdaman kong niyakap ako ni nanay na mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Anak, tahan na. Umakyat ka muna sa silid mo para makapag pahinga ka." Maya maya sabi ni nanay makalipas ang ilang minutong pag iyak ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Napansin kong wala na si Mommy at Sarah sa kung saan sila kanina naka upo. Binaliwala ko nalang at dumeretso sa kwarto at humiga sa kama.
"Bess nasaan kana?" Agad na tanong ni Alexa matapos kong sagutin ang tawag.
Nakalimutan ko!
"Ayyyy..halaaa bess, sorry nagkaroon ng emergency dito sa bahay." Nakangiti kong saad upang hindi mahalata na galing ako sa pag iyak.
"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Agad nitong tanong.
"O-okey lang ako bess" kaila ko, hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang mga pangyayari dahil ayoko ng abalahin pa sya.
"Sige ibaba ko na, susunduin ko pa si Acee dun sa labas."
Hindi na ako muling nag salita at ibinaba na ang telepono.
Bumalik ako sa pag higa sa kama at doon tumulala sa kisame na kanina ko pa tinitingnan simula nang pumasok ako dito. Siguro kung nakakapagsalita lang ang butiki, kanina pa siguro kami nag-usap.
Parang ang lungkot-lungkot nya rin, katulad ko.
"Okay ka lang ba? Wag kang mag-alala darating din ang araw na magiging masaya rin tayo." Kausap ko sa kanya. "Siguro kaya tayo nakakaranas ng mga problema 'di dahil sa deserve natin, nararanasan lang natin ang ganito kase kaya natin itong malampasan."
Natawa naman ako nang gumalaw ito na para bang naiintindihan ang mga sinasabi ko.
"Elle anak, bumaba ka na mag tanghalian na tayo."
Narinig kong tawag ni nanay na may kasama pang katok. Hindi ako sumagot hindi dahil sa ayaw ko pa kumain, ayaw ko lang makasama ang bisita namin. Si Mommy. Si Mommy na bigla nalang susulpot matapos akong iwan sa matagal na panahon. At hindi lang sya mag-isa, may kasama pa.
Advertisement
Si nanay Mendy ang nag-alaga, nagpalaki, at nagpaaral sa 'kin simula pagkabata. Ito na ang nagsilbing nanay ko simula ng iwan ako ni Mommy para sumama sa boyfriend nito sa ibang bansa.
Iniwan nya ako na parang basura, matapos akong iwan hindi na nagawa pang lingunin. Kahit ganun pa ang nangyari sa akin ay hindi ito nilihim ni nanay at tatay sa akin, itinuring nila akong parang tunay na anak.
Sabi nila wala daw magulang na natitiis ang anak pero bakit ang nanay ko, ngayon lang nagpakita sa akin kung kailan kaya ko ng mabuhay na wala sya? Kung may mga magulang na hindi kayang tiisin ang anak pero may anak na kayang tiisin ang magulang at ako yun. Ako ang gagawa nun, ipaparamdam ko rin sa kanya na kaya ko ring wala sya. Kinaya ko nga noon, e. Ngayon pa kaya na nasanay na ako? Pero alam kong hindi ako ganun kasaamng anak. Anong gagawin ko?
Hindi ko sya kailangan, kuntento na ako kay nanay at tatay. Masaya na ako na wala sya, e. Okay na okay na ako.
Bakit hindi nalang sya umuwi dun sa jowa nyang mahal na mahal nya?
"Punyemas na luha naman 'to, oh."
Nakakainis talaga minsan ang tadhana. Kung kailan masaya kana, dun naman darating yung mga bagay na magpapagulo sa buhay mo. Kung kailan tanggap mo na hindi talaga ikaw yung pinili ng nanay mo tapos bigla biglang darating at sasabihin sayo na hindi niya sinasadyang iwan ka.
Bakit hindi noon? Bakit hindi noon na kailangang kailangan ko ng nanay na mag aalaga sa akin? Bakit hindi noong palagi pa akong umaasa na merong mommy na darating tuwing birthday ko? Bakit hindi noong sabik na sabik ako na ipakita ang mga matataas kong grado. Bakit hindi noon?
Advertisement
- In Serial8 Chapters
Elysian Toil
After being paralyzed by a work accident, a Neptune Colony mechanic is given the opportunity to have his consciousness transferred out of his shattered body and into Elysium, a virtual cosmos of endless worlds where users are treated as gods. However, on the night before his induction, a mysterious woman appears before him and asks him to postpone his trip to the supposed paradise in order to save countless lives.
8 161 - In Serial7 Chapters
The Worst Proposal Ever
What is a servant meant to do when he is forcefully thrust into the Golden Crown, an order of magic that fights monsters, diseases, and disasters for the sake of humanity? Could it get worse? Yes, yes it can. The Grand Mage creates a tournament for his daughter's hand in marriage. Of course, she has other ideas and blackmails Anon to compete and win so he can win and divorce her. Anon will have to deal with both dreams that aren't his own and arrogant mages that despite wanting nothing to do with him can't leave him alone.
8 128 - In Serial64 Chapters
~danganronpa chatfic~
wow im so surprised people read this! anyways join everyone on this very weird chatfic! may be a few chapters of real life interaction and some of the chapters are inspired by roleplays me and my friend do! thanks Polter 😉
8 106 - In Serial10 Chapters
Peace Online - India
Facing the fear of World War III, United Nations decided to take all the conflicts virtual. All the researchers and developers at hand created a virtual reality interface called peace online. The time frame was set to the Iron ages and each country was given limited spots to create and develop their territory within 5 years... This is the story of Aarv Bhosle... A 19-year-old youth-created his own territory according to his father's wishes and dominated the entire world with his military strategies. This is the story of experiencing India's greatest regrets in history...
8 110 - In Serial39 Chapters
Dragon Princess Reborn
Original version here: http://www.royalroadl.com/fiction/1180 Who can stop the humans' greed when what they seek is right in front of their eyes? A girl whose fate has been stolen away by her relatives finally obtain freedom within death... But is death truly the end of her suffering? Or maybe it simply was the beginning of her story. "This world is filthy..." Said a girl wielding a black sword covered with blood "Maybe...but it actually just makes it even more beautiful." Follow her adventures as she swears to keep her destiny within her two small hands, followed by friends and enemies in a merciless world.
8 161 - In Serial15 Chapters
dream x Georgedream x Sapnapsapnap x Karlsapnap x punzsapnapxkarlxquackity requests are openthis is my first FF/smut Story so please don't judge meEnglish is not my first launguage and I'm dyslexic so I'm sorry if I spell anything wrong.
8 141

