《You are the reason》CHAPTER 1
Advertisement
"Diyos kong bata ka! Anong nangyari sayo?" Bulalas ni Nanay ng makita niya akong parang zombie ang hitsura. Buhaghag ang buhok. Nangingitim ang ilalim ng mata.
"Hindi ako nakatulog, Nay." Sagot ko na patuloy ako sa paglakad patungo sa kusina.
Hindi ko magawang makatulog dahil sa text na iyon. Mag damag lamang akong nakatulala sa kisame. Iniisip kong sino ba ang taong iyon. Anong kailangan niya sa akin?
"Pumarini kana para maka ligo ka na nang mag mukha ka ng tao." Natatawa pa ito habang nilalagay ang mga nilutong pagkain sa mesa. "Mukha ka ng Zombie dahil diyan sa buhok mo, hindi ka man lang nag suklay muna bago bumaba." Umingos lamang ako at hindi na umimik.
Kumakain ako habang gumugulo parin sa isip ko ang mga misteryosong mga bagay na natatanggap ko.
Una, palagi akong nakakatanggap ng mensahe sa numerong hindi ko kilala.
Pangalawa, laging may nagpadala ng mga regalo sa tuwing may mahahalagang okasyon sa buhay ko, tulad na lamang tuwing birthday, Christmas and New year.
Pangatlo, pakiramdam ko sa tuwing naglalakad akong mag isa ay parang may taong sumusunod sa akin.
Tatlong taon na ang nakalipas simula ng nakatanggap ako ng kung anu- anong bagay galing sa kung sinong hindi ko kilala. Kahit ilang beses ko na itong i-block ay nag iiba lagi ito ng numero, ma text lamang ako. Hanggang sa nagsawa na ako kaka block ng number kaya hinayaan ko na nalang, as long as hindi ako nasasaktan.
Matapos kong kumain at maligo. Agad din akong umalis para pumasok sa opisina. Dahil araw ng lunes ngayon, nagkasabay sabay ang pasok ng mga estudyante at mga empleyado kaya nagkaroon ng traffic sa bandang Alabang Station dahil sa dami ng mga sasakyan at mga pasahero.
"G-good morning, Sir" kinakabahan kong bati habang nakayuko. "Pasensya na po, traffic po kasi kaya medyo late po ako."
Advertisement
"It's okay." anito
Agad kong inaangat ang ulo ko. Nakakagulat. Tama ba ang narinig ko?
"Sir?"
Ngumiti lang ito, matapos nitong itanong sa akin ang schedules ay agad na akong pinabalik sa pwesto ko.
Naguguluhan man ako ay bumalik ako sa table ko. Isa akong secretary sa kumpanyang ito. Nakakagulat ang inasta ni Mr. Montes. Hindi naman ito dating ganun makipag usap sa akin lalo na kapag may nagawa akong mali.
Una, ayaw niya sa mga taong late na kung pumasok.
Pangalawa, ayaw niya sa taong late lalo na kapag ako ang gagawa nun.
Ewan ko ba, sa tuwing na le late ako palagi niya akong pinapatawag sa office at doon pinapagalitan ng bongga. Pero iba ang nangyari ngayon, pinatawag niya ako kanina dahil nalaman nitong late ako pero ganun na lang ang gulat ko dahil tinanong niya lamang sa akin ang schedules niya today, then here we go, nothing happened. Walang sermon. Walang tambak na papeles.
Napapa-iling na lang akong nag trabaho habang gumugulo parin sa isipan ko ang nangyari. Hindi ko namalayan ang oras.
Bigla kong tiningnan ang cellphone ko. Ano kayang nangyari kay Acee? Hindi na ito nag chat simula ng mag hiwalay kami kagabi. Baka busy na naman ang bruha sa panonood ng mga BL series. Hilig ko rin ang panonood tuwing wala akong pasok. Nakakatawa lang dahil mas kinikilig pa ako sa BL kesa sa mga straight. No hard feeling pero totoo 'yun. Kahit hanggang sana all lang ako. 'Yung feeling na kinikilig ka nalang sa relasyon ng iba. Minsan naisip kong hindi na ako hahanap ng lalaki para sa akin, feeling ko kuntento na ako sa gedli taga sana all sa relasyon ng iba.
Isa si Acee sa mga taong itinuturing kong matalik na kaibigan. Isa siya sa mga taong naging sandalan ko sa tuwing nararamdaman ko ang pangungulila ko sa 'kanya'.
Advertisement
Dahil sa sobrang daming say ng buhay ko nakalimutan ko na ang oras,kung hindi pa kumalam ang sikmura ko hindi ko pa maisip na kumain. Hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil nagmamadali akong pumasok.
Iniwan ko muna ang table ko at pumunta sa comfort room. Inayos ko ang buhok kong nagulo. Hindi ko namalayan dahil sa marami akong ginagawa kanina. May minsan kaseng napapahawak ako sa ulo ko lalo na kapag may hindi agad ako naiintindihan sa ginagawa ko. Lalo na ngayong wala akong tulog.
Matapos kong mag ayos ng sarili ko ay agad akong bumalik sa table ko.
"I miss you so much, My Angel." basa ko sa note na nakadikit sa labas ng paper bag, "My Angel? Kung alam mo lang kung gaano ako ka demonyo."
Nilibot ko ang mga mata ko para sana magtanong kung may nakakita kong sino ang naglagay ng paper bag na may lamang foods sa table ko pero wala akong makitang pwedeng pag tanungan. Halos lahat kasi ng employee ay nasa baba ngayon dahil lunchtime ng karamihan.
Natawa ako sa nakita kong laman ng box. Grabi ang effort, ah. Ibinalik ko na lamang ang box sa paper bag, nagdadalawang isip ako kung kakainin ko ba o hindi. Hindi ko naman kasi alam kung kanino ito galing, baka may lason pala yun, wag na lang ayoko pang mamatay ng maaga.
Nabaling ang atensyon ko sa cellphone ko na nasa ibabaw ng table.
"Bess, punta tayo sa bahay ni Alexa, may pa libre ang bruha. Maraming tsokolate bess!"
"Hoy, bruha ka rin! Bakit hindi ka nagpaparamdam nitong nagdaang araw." nakasimangot ako habang nag reply.
"Hehe. haylabyo bess. muah muah. Busy ako sa buhay, duhh"
Natawa naman ako sa reply niya. Parang ewan talaga 'to minsan. Alam ko naman na masyado itong busy sa trabaho niya, gustong gusto ko lang talaga itong asarin.
**
"Hoy , bruha kanina pa ako dito sa parking area." agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone dahil sa lakas ng boses ni Acee. "Kanina pa umiiyak si Alexa, mapapanis na raw ang cake wala pa tayo."
"Paki sabi kamo sa bestfriend mo, apaka OA nya." natatawa akong sagot habang inaayos ang gamit ko. "Heto na ako paalis na ako, magpapaalam lang ako kay Sir."
Tamang tama nakita kong lumabas si Mr. Montes.
"Sir, uuwi na po ako."
Tumango lang ito "Sa Monday kailangan mong pumasok ng maaga, may meeting tayo sa Batangas." At nauna na sa akin maglakad.
"Elle, ang gwapo ng boses ng boss mo kapag ganyang malumanay magsalita, ghurl" malanding sabi ni Acee sa kabilang linya.
"Manahimik ka, ngayon lang yun mabait." Tinawanan lang ako ng bruha dahil siya ang lagi kong kinakausap kapag nasesermunan ako.
"Hintayin mo nalang ako diyan, pasakay na ako elevator walang signal dun."
"Dalian mo, gaga ka" walanjo talaga ang babaeng yun. Binilisan ko na ang paglalakad para maka baba agad ako, kukutungan talaga ako ng dalawang yun.
"Excuse me?" Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Saan ang office ni Mr. Montes?"
"Marky? Buhay ka?"
Author's Note: Mag iiwan lang ako ng mga favorite quotes ko kahit di related sa story. HAHAHA
"Everything I do. I do it for you."
- Type
Advertisement
- In Serial24 Chapters
Reborn as a Legend
Credits to Mary Evans for the Cover! Alfrich Deus was an overworking salaryman who had no purpose in life. The life he had was an empty, pointless cycle of work, sleep and eating. A man who drudged through a dull life, regretting the friends and family he never made. Alfrich's life suddenly ends when he was killed ‘accidentally’ by a clumsy God, who on realising what she had done, felt ‘remorse’ and granted him a second life. Or so he thought. Alfrich didn’t know that he was killed on purpose in desperation, he didn’t know he was forced conscript to fight off the hordes of Nightmares. Reborn into another world, Ezekill sets out into the world to live properly this time. Without knowing his true fate until the truth was shoved on his face. Armed with modern knowledge fighting against all odds the world threw at him. This story takes you on an adventure filled with tales of wonder, including enchanted swords, merciless monsters and hard magic. Updates every 10 days.
8 80 - In Serial10 Chapters
The Infernal Blade
Daniel wasn't exactly a normal kid on Earth. Being a mute homeless orphan wasn't the most fun. But his new family and four sensei's made life worthwhile...till he got shot. Now he's stranded in a strange forest with nothing but a rusty spear and his martial arts to help him survive. A.N: Currently under construction and undergoing reboot.
8 249 - In Serial19 Chapters
Epoch
Humanity is gone. An unknown disaster long since wiping out the entirety of civilization. To our young feathered blacksmith though, such things about long forgotten life matters not. No, more pressing issues consist of the local Tower that pierces into the heavens suddenly collapsing. Finding one's self stuck repeating a cycle of three days and worse of all, being stuck with a spirit guide who doesn't know how to be quiet.
8 163 - In Serial7 Chapters
Shadamy love story
Sonic tells Amy he's with Sally. When Amy hears Sonic is with Amy she starts changing but is it because of the heartbreak or could it be something else? Will they be able to get the old Amy Rose back or will it be too late? Find out in this story.
8 168 - In Serial10 Chapters
Sky: CotL canon lore, theories, and observation
[THIS BOOK CONTAINS MAJOR SPOILERS FOR SKY: CHILDREN OF THE LIGHT]A book about the lore of Sky: Children of the Light's confirmed canon lore, theories made by people from the official discord server, and observation made by multiple people from the fandomExtras: Concept arts
8 77 - In Serial6 Chapters
why don't we smuts *not a lot of sexual scenes, more cute*
just some cute stories I've made of the boys but never published, if you want sexual content go look at my other wow smut story please!!! gonna be posting quite a few of these since the sexual ones got boring to write lol, anyways enjoy!
8 68