《Sabi Ko Na Nga Ba (SOONHOON ff)》Jihoon.30
Advertisement
**
Ngayong araw Ang anniversary ng Meanie. Ewan ko kung Anong kabaduyan ang gagawin ng Nog nog na bf ni emoboy, pero kasi parang busy'ng busy sila nila Cheol, jun, vernon, josh , chan at si Hoshi .
Maghapon kahapon hindi ko nakita maski anino ni hoshi. Gabi na sila umuwi tapos parang wala sya sa mode kaya hindi ko nalang pinansin.
" Mga hyung punta na tayo dun sa kubo " sabi ni chan samin.
" bakit anong meron dun ? " tanong ni jeonghan hyung.
" dun nga po kasi yung surprise ni gyu hyung kay wuno hyung. " sabi ni chan.
" nasan nga pala si emoboy? " tanong ni seok.
" sinama ni gyu kanina , may pupunta daw sila e. " sabi ni kwan.
" Ah , oh tara na " sabi ko at pumunta na kame dun sa kubo na sinasabi nila.
" Wow , " sabay sabay na sabi nila.
" Ang ganda naman ng setup nila dito" manghang mangha na sabi ni jeonghan hyung.
Pano ang daming mga flowers na nakapaligid sa labas nung kubo tapos may malaking monitor parang sa sinehan . Tapos may mga upuan sa labas na may lobo na nakalagay tapos yung paligid puros naka lagay na picture nila. Alam mo yung parang pag fiesta yung nakasabit sa kalsada? ganon pero mga picture nila nakalagay tapos may tugtog na lovesong sabi nila josh yun daw kasi fav. daw yun ni wuno .
" Hi Ji, " biglang sulpot ni cheol sa tabi ko. nginitian ko lang sya . Akala ko kasi si hoshi yung lumapit sakin.
" Parang ang lungkot mo naman " sabi nya.
" hindi, kulang lang siguro ako sa tulog " sagot ko sakanya.
" ayan na sila hyung " sigaw ni Chan.
tapos dumating na sila wuno at gyu . Nakapiring pa nga ang mata ni wuno ee. Tapos inaalalayan sya ni gyu magka holding hands pa. Kaya napangiti ako. Halatang halata na mahal nila ang isat isa .
" ang dami naman kasing kaartihan nog ee may papiring pa si mayor " sabi ni wuno habang nag lalakad.
." ganyan talaga wunoQ " sabi ni gyu. tapos nung nasa gitna na sila huminto sila.
" ready ka na ba wunoQ? " tanong ni gyu.
" lagi naman akong ready basta ikaw " sagot ni wuno kaya nag tilian sila kwan, hao at jeonghan hyung .
" tangina mo wuno ang harot harot nyo " sabi ni hao. Kaya natawa nalang ako.
Advertisement
Biglang sumensyas si gyu kay joshua tapos nag patugtog sya.
" Pangak ko, na hindi kita iiwanan..
Pangako ko, na hindi kita sasaktan... ikaw lang ang sinisigaw ng puso kong ito "
" Hi WunoQ. Biruin mo yun , 3years na tayo ? nakatagal ka sa kabaduyan at kakornihan ko .. " sabi ni gyu habang hawak nya yung kamay ni wuno tapos niplay ni josh yung video , picture sya na nicompile para maging video. Puros sweet moment ng meanie.
" Dinggin mo ang awitin ko iaalay sayo ... "
" Alam ng lahat na mahal na mahal kita WunoQ. alam mo rin naman yun diba? Mahal na mahal kita at hinding hindi ako mag sasawang mahalin ka " sabi ni gyu at hinalikan ang kamay ni wuno. Yung gaga naman hindi makapag salita naiiyak lang sya .
" Dito ka lang saaking tabi... Kapiling ka bawat sandali, gusto lang mayakap ka't mahagkan. Pangakong di pakakawalan ."
" Alam kong hindi ako perfect boyfriend. Minsan nasasaktan din kita kahit hindi ko naman sinasadya. Pero sana tatagan mo lang wunoQ. Kasi hindi ko talaga kaya pag wala ka. " Sabi ni gyu at hinalikan ang nuo ni wuno.
" Oh dito ka lang , sa aking tabi... "
" Alam mong hindi lang ikaw ang nakarelasyon ko, pero ikaw lang yung minahal ko ng ganito. Papalit palit ako ng gf dati .. Kasi hindi ko makita sa kanila yung hinahanap ko. Pero nung dumating ka sa buhay ko. Lahat yata ng hinahanap ko napunan mo. Sayo ko natutunan ang salitang kuntento. Yung hindi Sobra pero hindi rin kulang . Sapat na sapat ka na para sakin at wala na akong hihilingin pang iba. " ewan ko kung bakit pero naiiyak ako sa mga pinag sasabi ni gyu. Ang swerte swerte ni wuno at nakahanap sya ng mingyu na mag mamahal at tatanggapin sya ng buo. Hayts .. Nakakaingit.
" Dalangin ko , pag ibig mo ay di mag bago...
Pangarap ko, di ka mawalay sa piling ko.. Ikaw lang ang nag iisa ... Sa puso kong ito... "
" Mahal na Mahal talaga kita hyung , hindi ko kakayanin kung mawawala ka sakin .. Kaya sana mangako ka na ikaw lang at ako hanggang dulo " sabi ni gyu tapos naiyak na din sya . Lumapit sa kanya si wuno at pinunasan yung luha nya.
" Napaka iyakin mo talagang kapre ka, bakit naman kita iiwan ee ikaw ang buhay ko, para mo naring sinabi na mag pakamatay ako kung iiwanan kita " sabi ni wuno.
Advertisement
" dingin mo ang awitin ko , na para lang sayo...
Dito ka lang sa aking tabi, kapiling ka bawat sandali... Gusto lang Mayakap at mahagkan.. Pangakong di pakakawan..."
" Dito ka lang , o dito ka lang .... Saaking tabi. "
" Hyung ipangako mo na dito ka lang sa tabi ko ha ! na hinding hindi mo ako susukuan kahit anong mangyari. " sabi ni gyu. tapos lumuhod sya sa harap ni wuno. May inabot na lalagyan sakanya si hoshi , akala ko singsing pero nung binuksan na bracelet pala , tapos sinuot nya kay wuno habang nakaluhod parin. Pero punatayo sya agad ni wuno.
" ikaw nga hindi mo ako sinukuan dati ee , kaya hinding hindi ako susuko . Mahal na mahal kita nog ... Pangako dito lang ako sa tabi mo always and forever. Wala mang porever , papatunayan ko sakanilang lahat na ikaw ang one and only love ko. Na hanggang dulo ikaw lang ang mamahalin ko. Na kahit ipanganak ulit ako, Ikaw at ikaw parin ang pipiliin kong mahalin " sabi ni wuno. tpos sinuot nya rin kay gyu ung couple ng bracelet na binigay sa kanya ni gyu.Tangina ang drama nila mamamatay na ba sila.? biglang niyakap ni mingyu si wuno at hinalikan to. Myghaad ang tagal nga ee may kasama pa yatang dila haha 😂 Pero hinayaan lang namin sila anniversary naman nila ee.
" Happy anniversary wunoQ. "
" happy anniversary MingoyQ."
" HAPPY ANNIVERSARY MEANIE " sigaw namin at nag si lapitan kame sa kanila at nag group hug.
Pumasok na kame sa loob ng kubo kasi nandun ung foods na niluto ni gyu.
Paasok palang ako hinila ako agad ni hoshi.
" Hoy anong problema mo ? " sabi ko sakanya pero sinabihan nya lang ako ng wag maingay at dinala dun sa puno kung saan ko sya kinantahan.
" May problema kaba? " tanong ko sakanya.
" Si Ara kasi umalis na . " malungkot na sabi nya. Oo nga pala hindi ko din napansin un si ara girl kanna.
" bakit saan pumunta ? " tanong ko.
" pinauwi na ng parents nya kas ikakasal na sila ng fiance nya nxt month kaya kailangan nya ng pumunta ng New york . " malungkot na sabi nya. Ano bayan hindi man lang ako nakapag paalam kay ara. Kahit papaano rin kasi naging close kame. Saglit nga lang.
" Okey lang yan nandito pa naman kame ee " pag papakalma ko sakanya. ngnitian nya naman ako kaso halatang pilit lang.
" Wag ka ng ngumiti kung peke din naman " sabi ko sakanya .
" hindi naman peke yun, ikaw nga lang nakakapag pangiti sakin ee " sabi nya .
" Sus ayan ka nanaman sa kakornihan mo " sabi ko sakanya.
" Seryoso ako nuh" sabi nya.
Sus ak nga nakakapag pangiti sakanya pero si ara parin iniisip nya tsk!
" Hindi ko sya iniisip nalulungkot lang ako kasi , umalis na sya hindi na yun babalik ee , nakakamis lang kasi bago kame naging mag bf/gf mag bestfriend muna kame . " sabi nya luh? napapadalas na yata ang thinking out loud ko.
" namimis ko din naman sya pero wala naman tayong magagawa yun ang gusto ng parents nya ee " sabi ko.
" kaya nga , wag kana mag selos ikaw lang naman mahal ko ee " sabi nya sakin kaya nabatukan ko sya.
" pinag sasabi mo dyan , balik na nga tayp dun baka hinahanap na nila tayo " sabi ko sakanya At aalis na sana . Pero hinila nya ako .
" wait lang may bibigay pa ako sayo ee " sabi nya at nilabas ung box na katulad ng binigay ni gyu kay wuno .
." Ano yan ? "
" bracelet malamang"
" Alam ko pero, anong gagawin ko dyan? "
" Try mong kainin bebeboi " sabi nya at inirapan pa ako ng gague
" bakit mo ako binibigyan ng ganito ? " tanong ko sakanya.
" ee kasi nga diba ? ilikeyou " sabi nya , putik hindi talaga ako ready sa gantong mga pangyayari Tsk!
" ayie namumula sya kinekeleg ang bebeboi ko " sabi nya at kinikiliti pa ako , kaya nasapok ko nanaman sya.
" kapag ba , sinuot ko ibig sabihin gusto din kta? " tanong ko sakanya tapos tumango sya. Sinuot ko naman yung bracelet at sinabi sakanya na bumalik na kame dun sa kubo.
" OMGHAAAD ! BEBEBOI IBIG SABIHIN BA NITO kjszxmnz " hindi nya pa natatapos yung sasabihin nya hinila ko na sya .
" Oo ilikeyou din " bulong ko sakanya.
" Ano? hindi ko marinig ee. "
" Wala ang bingi mo ee. "
" Ang daya mo naman "
" Tara na "
-*
Huehue ang korny ko myghaaad 😅😅
Advertisement
- In Serial7 Chapters
Here's Our Princess, Take Care Of Her! (And Don't Get Killed By The Dragon)
A young man’s life is turned not-quite upside down when all of a sudden elves from a magical realm appear in his apartment and dump their princess on him because a big, unkillable dragon said so. Take care of her, kay thanks bye!
8 113 - In Serial61 Chapters
Kidnapped by the Mafia on Purpose
I was kidnapped by the mafia I know that sounds like a bad thing but for me it couldn't come at a better time. So I let them take me I will act like a victim so they think they won but will I be able to keep acting like I'm some naive girl or will they find out that I'm not the person they thought I was.My name is Samatha Robert if you took one look at me you would think there's nothing too special about me. I live with the mayor and his family they took me in when I had nowhere to go. But when I'm at the wrong place at the wrong time I end up getting kidnapped by the mafia they assumed I was the mayors kid who happens to be my best friend but It actually couldn't have come at a better time because what I thought that I left in the past is resurfacing. so I'll go with them on my own free will but how long can I keep up this act until they find out the truth
8 185 - In Serial57 Chapters
Saved By a Gangleader ✔️
19 year old Ray gets abused by her foster parents that don't want anything to do with her. She's in her fourth year of university planning to become a doctor. Ray is extremely smart, known for her kindness and most of all, she's very shy.21 year old Ace is a quiet and dangerous gangleader. He's never been seen with friends, smiling, or even talking. He's majoring in business, but everyone knows about his most known gang in the country, therefor he is feared by everyone.What happens when Ray bumps into a walking wall named Ace King in her vulnerable state? What causes Ace to start questioning this 19 year old?
8 208 - In Serial35 Chapters
Scarlet Heart Ryeo~Fanfiction
*What if Go Ha Jin wasn't the only one that went back in time to Goryeo? *Y/N just a regular girl who happens to be a fan of the drama Scarlet Heart Ryeo. What happens when she finds herself actually in the past, in Goryeo? Will she change the future or try to keep everything the same? Will she fall in love along the way? I fell in love with the Drama, so I decided to write a story involving it (: *Cover Photo isn't mine. Credit to the owner**Most characters are not mine, also basing it off the story!*
8 99 - In Serial21 Chapters
The Boy in the Woods (boyxboy)
Tragedy hits the pack. Damian and Galen, the twin Alpha heirs, suggest to put the past behind them and move the pack elsewhere. They leave America and move the pack to Canada, but as they settle in, rumours of a creature living in the area gets to them and causes curiosity to arise. The town's own little mystery makes everybody question the same thing. Who is The Boy in the Woods?
8 126 - In Serial45 Chapters
Tunes Of Betrayal: Temptations Playlist
Spencer and Lexy have been best friends since birth. When Spencer comes home on Summer vacation from Tisch School of the Arts, Lexy introduces her to her girlfriend of seven month Ashley Davies, who Spencer falls head over heels in love with.
8 104

