《My Enchanted Tale》Chapter 60* Last Pages ( Part 2 )

Advertisement

My Enchanted Tale [60]

***

Moving on, Moving forward, life goes on.

***

[Ayisha's POV]

Hanggang Ngayon, Hindi ko pa din matanggap na wala na sya. Hanggang Ngayon umaasa pa din ako na babalik sya. Hanggang Ngayon iniintay ko pa din ang Araw na magiging masaya ako ng tuluyan.

Pero mukang iintayin ko na Lang 'yun Kasi. Yung puso ko. Kelan man Hindi titigil kahahanap sa kanya.

Sobrang dami kong pinagdaanan para Lang maka-move on Kasi wala na sya. Araw Araw naging kalbaryo para saakin.

Araw Araw parang ikamamatay ko Dahil wala na sya.

Tuwing titingin ako sa kamay ko, wala na. Wala 'yung singsing namin. Noong namatay si Woo Wee nawala 'yun sa daliri naming dalwa. Ipinaliwanag saakin ni Bella na pag namatay na 'yung kaibiak o yung asawa mo mawawala na Lang ng kusa 'yung sing sing.

Sobrang sakit ng bawat Araw, minsan nga hinihiling ko mamatay na Lang din sana ako. Kasi wala na akong ganang mabuhay pa. Hirap mahirap ako sa bawat Araw na lumilipas at wala sya sa tabi ko.

Pero tuwing naalala ko yung hiling Nya? Kahit papano sumasaya ako. Napapangiti ako, naalala ko Kasi yung mga masasayang Araw na kasama ko sya.

Kahit papano unti-unti naka kaya ko ng mabuhay. Nagagawa ko na. Pero aaminin ko laging may kulang. Laging may wala. Laging Hindi kumpleto.

"Mimi! Mimi! Mimi!" napabalikwas ako ng may tumawag saakin.

"Oh bakit baby?" Tanong ko sa anak ko.

"Mimi, mimi! Ghusto po ni Bree chun!" tapos itinuro Nya 'yung chocolate sticks sa ibabaw ng ref. agad ko namang kinuha 'yun.

"Mimi! Achu din poh! Mimi! Achu din! Gushto din po ni Brei chun!" Sabi nung isa pa at itinuro din 'yun.

Inabot ko naman sa kanila 'yun.

"Hihihi chalamat po Mimi! Hihihi. Lab chu Mimi!" Tuwang tuwnag sabi nung kambal saakin. Niyakap ko naman sila. Cute talaga ng dalwang 'to.

Limang taon na din ang lumipas mula ng mamatay si Woo Wee. Pero buhay na buhay pa din sya sa isip at puso ko.

Lahat sila naka move on na. Ako na Lang ata ang Hindi pa.

"Mimi! You chell a stowy first?" Sabi nito habang nakain ng chocolate sticks. Ang Amos na tuloy! Ang kambal na 'to ang isa sa dahilan Kung bakit ako nabubuhay at kinakaya mabuhay sa Araw Araw.

"What story?" Tanong ko Kay Bree.

"Ahm! I want the stowy! That is Enchanted!" tuwang tuwang sabi nito. Napa-isip ako, Enchanted Story? Hmmmm. Yung story naman ni Woo Wee ang pinaka-Enchnated para saakin e.

"Story namin ni Didi nyo?" Tanong ko. Sabay naman tumango 'yung kambal saakin. Kinuwento ko sa kanila yung My Enchanted Tale ko, Enchanted Tale namin ni Woo Wee.

Tuwang tuwa sila habang pinapakinggan 'yung story namin.

Maya maya pa, mukang nakatulog na 'yung dalwa. Nakahiga na silang dalwa sa lap ko e. Ang cute cute talaga nitong mga Angel ko.

**

"Ayisha. Naku, nabusisi ka pa ata ng makulit na kambal ko." Natatawang sabi ni Bella saakin. Andito kami Ngayon sa kusina, naghahanda ng dinner.

Yung kambal nasa sala nakikipaglaro sa mga ninang at ninong nila. Namely. Charlene, Vien, Fiona, Castle, night, Ash, Liah and Clair.

"Okay Lang 'yun. Masaya naman kalaro 'yang kambal nyo ni Kyle e. Ang kulit." Natatawang sabi ko.

"Mimi! Mimi!" Napalingon agad kami ni Bella noong tawagin ako nung kambal. Aba! Nagtatalon pa 'yung dalwa.

"Babies. Wag kulitin si tita." pagsasabi ni Bella.

"Peyo, Nanay?" Naka pout na sabi ni Bree sa Mommy Nya, oo. Ang nanay ng dalwang kambal na 'yan ay si Bella at Hindi ako. Ang tatay din ay Hindi si Woo Wee Kung Hindi si Kyle.

Advertisement

Ang tawag Kasi nila saakin ay Mimi. Sinanay ko. Gusto 'yun tawag nila saakin. Saka tinuring ko na rin silang parang anak ko. Kaya kahit pamangkin ko Lang sila. Anak ang Turing ko sa kanilang dalwa. Sinanay ko nga din na ang tawag nila sa picture ni Woo Wee ay Didi e.

Nakakatuwa Kasi, parang anak talaga namin sila ni Woo Wee. Kahit anak naman talaga sila ni Bella at Kyle. Anak ko nga minsan tawag ko jan sa kambal e.

"Chanel Chloe Bree Clifford! Chance Caeden Brei Clifford!" Agad nagtakbuhan sa likod ni Bella yung mga anak Nya

"Waaaaa! Nanay! Nanay! Si tatay oh!" sumbong nung dalwa. Agad namang sumulpot si Kyle at niyakap ang mag-iina Nya. Hindi ko maiwasan Hindi maiingit, pano kaya Kung buhay pa si Woo Wee? Ganan kaya kami kasaya?

Kiniliti sila ni Kyle. Nakakatuwang tingnan ang saya saya nila.

"Hahahahaha! Hubby tama na! Hihikain yung kambal Sayo e!" Natatawang sabi ni Bella.

"Ano Caeden at Chloe Awat na?" tanong ni Kyle sa kambal.

"Opo tatay tama na po!" Hinihingal na sabi nung kambal katatawa.

Biglang kinarga ni Kyle yung kambal. "Waaaa! Supwerman tayo tatay?" Tanong ni Bree habang tatawa tawa naman si Brei.

Biglang tumakbo si Kyle palabas ng kusina. Natawa na Lang kami ni Bella.

"Ang kulit talaga ng mag-aama ko na 'yun." natatawang sabi Nya. Napangiti naman ako dun. Cute kaya ng pamilya nila.

Pagkatapos namin magluto ni Bella ng dinner lumabas na kami sa garden kami mag-didinner dun sa malapit sa pool.

Pagkadating namin dun. "Waaaa! Ninang dyosa! Hihihi!" Tatawa tawang sabi ni Bree habang nakikipaghabulan Kay Charlene.

Tapos si Brei naman nakikipag kulitan sa mga tito Nya. Si Bree maingay saka may pagka mega phone. Niloloko nga ako. Saakin daw mana. Tapos si Brei namang mana Kay Kyle. Mayabang din. Hahaha! Pero matalino.

"Caeden!" Tawag ni Kyle Kay Brei noong bigla nitong kunin ang kamay ni Bella at sabihing, "Nanay? Sino gwapo? Ako si tatay?" tanong ni Brei Kay Bella.

Natigilan kaming Lahat. "Syempre! Ang baby Caedan ko!" tapos hinalikan ni Bella ang anak Nya sa pisngi.

"Wifey ko! Ako kayang gwapo!" Biglang sabi ni Kyle.

"Hahaha! Hindi na mukang dumating sa buhay natin si Caedan!" Natatawang sabi ni Bella. Biglang tumayo si Kyle at niyakap si Bella saka hinalikan sa pisngi.

"Sino gwapo?" tanong ulit ni Kyle.

"Si Chance Caedan Brei Clifford!" proud na sabi ni Bella. Tapos napatingin kami Kay Brei bigla din nitong niyakap si Bella.

"Tatay! Tatay! Gwapo daw ako, sabi ni nanay!" Tapos nag pogi sign pa si Brei. Nagtawanan tuloy kami Lahat.

"Eh, Hubby? Sino pinakamaganda dito?" tanong ni Bella. Ngumisi naman si Kyle at nilapitan si Bree saka binuhat. Tapos kiniss sa cheeks.

"Syempre! Si Chanel Chloe Bree Clifford!" biglang nagpout si Bella sa Sinabi ni Kyle. Haha! Loko 'tong mag-asawa na 'to e.

Maya maya kumain na kami. Nakakatuwa si Bella at Kyle. Mommy na mommy na at daddy na daddy na. Nakakatuwa nga e. Hindi spoiled yung kambal sa kanila. Sobrang bait din nung kambal. Kung Kay Bella at Kyle Hindi sila spoiled saakin spoiled na spoiled sila. Haha! Mimi nga tawag saakin e.

Saka spoiled din yan sa mga ninang at Ninong nila.

Si Castle at Charlene? After five years? Well. Sila na. Officially sila na talaga. Yung totoo na Hindi na yung lokohan na napilitan. Sa hinaba haba ng nangyari, na uwi rin sila sa totohanan. Si Castle Hindi na sya babaero. Kay Cha na Lang talaga sya! Aba! Subukan nyang magloko Kay Cha! Haha!

Advertisement

Si Vien at Night, going strong. Oo matapos ang sobrang habang indenial moment nila, nanging sila din. Buruin mo 'yun? Pede pala sila para sa isat isa. Kahit ba laging murahan ang maririnig mo jan sa fvcking couple na 'yan. Sweet naman!

Si Ash at Fiona? Well. Mrs. Raven na si Fiona. Kasal na din sila. And guess what? Fiona is 7 months pregnant na! Buruin mo 'yun? Sila sila din 'yung nagkatuluyan? Haha, love nga naman sobrang mapaglaro!

Si Liah? May nanliligaw na jan. Niloloko ko nga e. Na lagot sya sa babes ko, tapos tinatawa nan Lang ako. Loka yun a! Haha! Pinapahirapan nga ni Liah yung nililigawan Nya e. Si Xenon ba yun? Basta yun yung nanliligaw sa kanya.

Si Clair? Ayun childish pa din! Haha! Pero eto si Clair may boyfriend na! O di ba? Naunahan pa si Liah. Haha! Pero grabe yung dinaanang butas ng karayom ng Boyfriend nitong si Clair. Kawawa yun sa daddy Nya e

At ako? Eto patuloy na nabubuhay para Kay Woo Wee. Patuloy na nag iintay para sumaya na ng lubusan. Limang taon na ang lumipas. Pero, sya at sya pa din. Imbis na mawala sya sa isip at puso ko, lalo ko Lang Syang minahal.

Kahit wala na sya, alam ko Hindi ako titigil na mahalin sya.

"Charl ko! Wag na wag mo ko kakalimutan ah?" Sabi ni Castle Kay Charlene.

"Oo naman." nakangiting sabi ni Charlene Kay Castle.

"Kahit ilang taon?" ulit pa ni Castle.

"Sympre!" Mabilis na sagot ni Charlene. Hindi na sila ganung nagbabarahan. Ipinapakita na nilang mahal nila ang isat isa.

"Talaga ha? Kahit Sampung taon pa?"

"Oo naman. Ikaw kaya si Castle ko." sweet na sabi ni Charlene. Nagtilian tuloy kami. Sweet ng dalwang 'to!

"Talaga? Kahit magpakailan man? Hinding Hindi mo ko malilimutan?"

"Kulit mo! Oo nga!"

"Sige. Sabi mo e. Pero. Knock? Knock?" Sabi ni Castle.

"Who's there?" tanong nanaman ni Charlene.

"Tamo yan! Wala pang isang minuto! Nakalimutan mo na!" Lahat kami biglang nagtawanan Dahil sa Sinabi ni Castle! Haha! Loko talaga nito eh!

"Tatay! Tatay!" napalingon kami ng tawagin ng aming prinsesa na si Bree si Kyle.

"Bakit baby Chloe?" tanong ni Kyle! saka pinunasan ang Amos ni Bree. Kain Kasi ng kain.

"Batit po ang weley ni ninong tassel?" Nagtawanan kaming Lahat sa Sinabi ni Bree. Lokong bata! Pahina tuloy si Castle. Hahaha!

"Alam mo Charl? Ang Ganda mo. Ang bait mo. Ang hot mo. Ang talino mo. Kaso may kulang pa e." iiling iling na sabi ni Castle.

"Eh? Ano pala ha?" Sabi ni Cha.

"Yung apelyedo ko." Biglang namula si Cha kaya nagtilian kami bigla! Gwabe na ituu! Hahaha!

Nanging masaya ang dinner namin Dahil sa mga kulitan at Iba pa. Nakakatuwa din Kasi yung kambal ang saya saya nila kasama nakaka wala ng problema.

Pagkatapos kumain.

Pumunta ako sa kwarto namin ni Woo Wee. Napatingin ako sa malaking frame na nakasabit. It was our wedding picture. Illusion charmer gumawa nan. Ang galing Nya nga e. Luhang kuha Nya yung gusto kong maging itsura.

Maya maya pa, umupo na ko sa Kama.

Limang taon na ang lumipas. Pero bakit ganun? Parang kanina Lang. Nakahiga kaming dalwa jan at wala na Syang buhay. Parang kanina Lang umiiyak pa ako ng todo at halos mamatay na. Parang kanina Lang b-buhay pa sya. Parang kanina Lang nangyari ang Lahat...

Pilitin ko man, Hindi ko makalimutan. Yung gabing 'yun. Yung gabing kinuha sya saakin 'yun ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Yung gabing 'yun. 'Yun ang bangungot ng buhay ko.

Flashback

"I love you. Magpapahinga na ko ah?" hirap na hirap akong pigilan ang paglakas ng iyak ko. Nagsumiksik ako sa kanya.

"Goodnight babes. Tutulog na ko." Sabi Nya.

"Gusto ko marinig boses mo bago ko matulog. Good night babes. I love you."

"I love you most. G-goodnight." tapos napakayap na ko sa kanya ng todo. Napahagulhol na din ako ng todo.

Eto na ata ang pinakamahirap na I love you at goodnight na Sinabi ko sa tanang buhay ko. Ito na ata ang pinakamahirap at pinaka masakit at pinakamalungkot na pagtulog sa buhay ko.

Kasi bukas giging na ko sa panaginip ko at haharapin ang bangungot ko.

Niyakap ko sya. Hanggang sa naramdaman ko na Lang wala ng tibok ang puso Nya. Ang sakit sobrang sakit. Wala ng makakapantay sa sakit na nararamdaman ko.

Ito na ata nag pinakamahabang gabi sa buhay ko.

Yung Oras na nawalan ng pintig ang puso Nya. Parang nawala na din yung akin. Yung Oras na tumigil yung paghinga Nya naging mahirap na para saakin ang Lahat. Yung Oras na tumigil noong nawala sya, nawala na rin ako ng ganang mabuhay.

Tumigil ang mundo ko. Tumigil ang Oras ko.

***

Nakakasilaw na sikat ng Araw ang gumising saakin. Unti unti kong minulat ang mata ko.

"Mmmm. Babes, gising na." Napatigil ako sa Sinabi ko. Biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ako makagalaw. Bigla na Lang tumulo ang Luha ko. Napatitig ako. Ang lamig Nya na. Wala na dins yang pulso.

At halos mawalan na ng kulay ang muka Nya. Hinawakan ko yung kamay Nya. Hinalikan ko ito. Napahagulhol na Lang ako bigla.

"Babes... Babes... Nagbibiro ka Lang 'di ba? Nagbibiro ka Lang. Gising ka na o." Umiiyak na sabi ko. Hindi sya nag response kaya napahagulhol na Lang ako ng todo.

"Babes!" malakas na sigaw ko. Habang hawak hawak padin ang kamay Nya. Tinapik ko pa yung pisngi Nya nagbabakasakali na magigising sya doon.

Oo pinapaasa ko Lang 'yung sarili ko. Oo niloloko ko Lang yung sarili ko. Oo ginagawa ko 'yun. Kasi kahit papano. Gusto ko maibsan 'yung sakit na nararamdaman ko.

"Aaaaaaaaa!" Napasigaw na Lang ako, para mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko. It hurts like hell!

Parang Hindi ko na kakayanin mabuhay pa.

Nagitla ako ng biglang lumagabag ang pinto. Napatigil silang Lahat ng Makita nila si Woo Wee. Bigla na Lang pumatak ang Luha ni Bella. Biglang nagsumiksik si Liah.

"Kuyaaaa, no, no! Hindi, Hindi pede! Kuyaaaa!" malakas na sigaw ni Luha habang naiyak at nagtatakbo papunta Kay Woo Wee. Hinawakan Nya yung kabilang kamay nito.

"Gumising ka Kuya! Gising! Masamang biro 'yan! Kuya naman e! Wag Muna please? Wag? Kuya!" lalo akong napahagulhol noong Makita ko si Liah. Hindi Nya alam ang Gagawin Nya, nagwawala sya.

Para Syang batang iniwan ng magulang sa Kung saan. Nakaupo at nagwawala, nagmamaktol. "kuyaaaa! Please naman oh! Wag mo kami biruin ng ganyan!!!" malakas na sabi Nya. Habang nagwawala.

Hinawakan Nya yung kamay ni Louie at inalog-alog. "Kuyaaaa!" Naniniwala ng dibdib ko sa nakikita ko.

Biglang lumapit si Clair Kay Liah at niyakap ito. Lalong lumakas ang iyak ni Liah noong yakapin sya ni Clair. "Liah, shhh." Pagpapatahan ni Clair.

"Yung Kuya ko Clair oh! Pag sabihan mo nga! Lakas magbiro e! Naiyak na ko Lahat Lahat! Hindi pa din binabawi 'yung joke Nya." Pagwawala Nya.

Lumapit sya bigla Kay Woo Wee at hinawakan ang balikat nito saka inalog alog. Nanghina ako sa nakikita ko. Napatakip na langa ko ng kamay sa muka. Hindi ko na kaya yung nakikita ko. Hindi ko na kaya,

"Tama na, Liah. Please. Tama na." Narinig kong boses ni Clair.

"No! No! Hindi ako titigil dito! Tang*nang buhay 'to! Kuya bumangon ka na jan please?! Kuyaaa!" Malakas na sigaw ni Liah.

Naramdaman ko na Lang na may biglang yumakap saakin. Hindi ko alam Dahil sa yakap na yun napahagulhol ako ng todo.

"Woo Wee! Bumangon ka na jan! Di ka ba aawa sa kapatid mo?! Nagwawala na sya oh! Baka naman gusto mo ako pa yung magwala?! Bumangon ka na jan oh! Please!" Hindi ko mapigilan yung sarili ko bigla biglang kumawala Lahat.

Naalala ko yung nangyari kahapon. Wag daw ako umiyak. Pero Hindi ko kaya lalo na Ngayon e! Hindi ko kaya!

"Woo Wee! Parang awa mo na! Please come back to me! Wag ka namang ganyan! Napaka unfair mo e! Nauuna ka masyado! Hindi ka makapag intay! Woo Wee!" Malakas na sigaw ko, saka sya niyakap.

Pero Hindi namn Lang sya nag response.

"Mahal na mahal Kita. Pero bakit ganto? Bakit?" Hindi ko napigilan yung sarili ko, gustong gutso ko ng magwala. Gustong gusto ko na.

May yumakap saakin, pero inalis ko yung pagkakayakap Nya saakin. At niyakap ulit si Woo Wee. Hindi. Hindi ko sya kayang iwan.

Nagitla na Lang ako ng bigla nila akong ilayo Kay Woo wee. "Wag! Wag! Wag nyo ko ilayo! Parang awa nyo na! Wag please!" malakas na sigaw ko. Pilit nila ako hinigit papalayo Kay Woo Wee. Nagwawala na ko, nagpupumilit at nagpupumiglas ako sa kanila. No! Hindi ko iiwan si Woo Wee.

"Bitiwan nyo ko! Parang awa nyo na! Parang awa nyo na!" Malakas na sigaw ko.

"Calm down Ayisha! Calm down!" sigaw nila saakin. Nagpumiglas ako ng todo at hinarap sila.

"Calm down?! Pano?! Sabihin nyo saakin pano?! Kung kaya ko ba ginawa ko na?! Pano?! Sabihin nyo saakin pano ko kakalma knowing na... Knowing na..." Napahawak ako sa noo ko, Hindi ko kaya yung sasabihin ko. Napa-upo ako sa sahig at napahilamos sa muka ko.

"Pano? Pano? Ko kakalma... Ngayong wala na sya? Pano? Madali Lang ba yun ha? Madali Lang ba yun? Edi sana ginawa ko na. Edi sana kumalma na ko kanina pa." Mahinang sabi ko.

Niyakap ako ni Bella. "Shhhh. Shhhh." Pero Humahagulhol din naman sya.

Nakarinig kami ng isang malakas na lagabag. Napatingin kami Kung saan galing yun, sinuntok ni Kyle yung pader. "Tang*na! Tang*na!" Mahinang bigkas Nya, tapos sumuntok ulit sya ng isa at pinag sisipa yung pader.

Tapos bigla Syang napaluhod. Umalis sa pagkakayap sakin si Bella at lumapit Kay Kyle. Hinang hina si Kyle. Parang wala sya sa sarili Nya noong yakapin sya ni Bella parang naging lantang gulay sya.

"Ang sakit. Ang sakit wifey." tahimik na sabi Nya.

Habang nakikita ko si Kyle na ganun. Hindi ko na kaya pa. Hindi ko na kaya. Nanlalabo na ang paningin ko, hanggang sa...

Wala na akong nakita...

***

Unti unti iminulat ko 'yung mata ko, agad akong tumingin sa kabilang dako ng Kama. Umaasa na makikita ko dun si Woo Wee. Hindi naman ako nagkamali nakita ko sya.

Inangat ko 'yung kamay ko. Hahawakan ko sanan sya, kaso bigla na Lang Syang naglaho na parang bula. Napakapit ako ng mahigpit sa kumot ko. Eto nanaman yung mga Luha ko nag-uunahan nanaman.

"Bakit mo ko iniwan agad?" tanong ko.

"Bakit ka naman masyadong nagmadali ha?"

"Di ba? Sabi mo tutulog ka Lang? Bakit di ka na gumising?"

"di ba sabi mo, magpapahinga ka Lang? Bakit parang pang habang buhay ang pagpapahinga mo?"

Pinalo palo ko ang dibdib ko. Ang sakit sobrang sakit. Di ba pedeng maging manhid na Lang ako? Di ba pedeng wag ko na maramdaman yung gantong sakit na nararamdaman ko Ngayon? Di ba pedeng ibalik nyo saakin yung pinakamamahal ko?

Wala akong ginawa Kung Hindi tahimik na umiyak habang hawak ko 'yung litrato Nya. Sobrang sakit Kasi e. Sobra.

*

Napunta dito sina Bella sa kwarto, kina kamusta ako. Dinadalhan ng pagkain. Tinatanong Kung kaya ko daw ba pumunta sa burol ni Woo Wee. Pero Hindi ako nagsasalita.

Kasi feeling ko, kada iimik ako, may nakabara sa lalamunan ko, feeling ko may tumutusok sa puso ko.

Ilang Araw na din akong nagkukulong sa kwarto at Hindi kumakain. Ilang Araw na kong ganun. Ang sakit sakit Kasi e.

Tapos nawala pa yung singsing sa daliri ko, at daliri ni Woo Wee. Namatay na daw Kasi yung kabiak kaya kusa yung nawala. Di ba pedeng mag stay yung singsing na yun?yun na Lang Kasi ala-ala ko na kasal kami. Pero nawala pa.

"Ayisha?" Hindi ko pinansin yung tumawag saakin sigurado naman Aalis din yan mamaya.

"Ayisha. Sa tingin mo ba magiging panatag si Louie na nakikita kang ganyan? Ilang Araw ka ng di kumakain, di lumalabas sa kwarto. Ilang Araw na." narinig kong pagsinghot ni Bella Dahil nagpipigil nanaman sya ng iyak.

"Ayisha naman o. Please..." Hindi ko pa din sya pinansin.

"Pag ready ka na. Nasa baba Lang si Woo Wee mo nagiintay doon." Oo nag-iintay ang malamig na bangkay Nya.

Dito ang burol ni Woo Wee. Dapat nga sa palasyo kaso ako ang nakiusap. Bilang asawa Nya pumayag naman sila.

Umiyak Lang ako ng umiyak. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ganito? Kada naiisip ko sya kusang tumutulo ang Luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Ano ba yung wish mo?"

"Don't cry."

"Hirap naman nan."

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click