《My Enchanted Tale》Charm 48 ❀ Hypnotism

Advertisement

My Enchanted Tale [48]

====

The prophecy is starting. Everyone is dying.

===

*CHAPTER 48~ HYPNOTISM*

[Bella's POV]

Pagkadating ko sa room. Shet hinihingal ako. "H-h-hubby!" Sigaw ko. Lahat ng atensyon sa klase nasa akin.

Agad tumakbo si Hubby saakin at niyakap ako. "Bat ka tumakbo ha, Wife? Hindi mo ba natiis na Hindi Makita ka-gwapuhan ko?" Face palm. Dyos ko. Nasa isang serious situation ako. Gwapo pa din?

"Listen. *hingal* Ayisha..." Tumahimik ang buong klase iniintay Kung anong sasabihin ko.

"What? Anong nangyari Kay Ayisha?" Tanong ni Hubby.

"We need to go there, she's in great trouble."

"What?!" Napatingin ako sa nag-react. Lakas maka react ng gago ah. Asa namang concern sya. Ma sapak ko tong Gagong Louie na 'to eh.

"Tara na Dali!" Sigaw ko Kay na Charlene. Agad naman kaming tumakbo. Aligaga na din ako. Madaming dark sorcerer doon. At nagpaiwan si Ayisha.

Nakakainis! Hindi ko alam Kung bakit Nya ko napasunod. Yung boses Nya Kasi eh. It's really like a command.

"Wait! Para mas mabilis, let's fly." Sabi ni Vien at agad na lumipad, hinawakan ko ang kamay Nya para makasama ako.

Si Charlene naman ginamit ang tipak ng Lupa at pinaandar ito ang mabilis, dun din nakasakay si Hubby at Ash.

"Saan tayo Bella?" Hindi maintidihang tanong ni Vien.

"Yung isolated room! Yung Hindi nagagamit, yung Medyo malayo sa building!" Sigaw ko. Sure ako rinig yun Nina Charlene.

Damn! Hindi ko maintindihan. Pero kinakabahan ako ng todo. What if may masama nanamang mangyari Kay Ayisha? What if makuha sya ng dark sorcerer? What if. Aish! I need to calm down. But bullsh*t! I don't know how in this situation.

Habang papalapit kami ng papalapit sa room na yun. Yung bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Lalo akong kinabahan ng todo. Napapikit ako ng madiin. Natataranta Lang ako. Magaling si Ayisha magaling sya.

Pero damn it! Iba talaga nararamdaman ko! Hindi ko maipaliwanag. Sobrang kabado talaga ko. Hindi ko alam Kung bakit pero. Geez! It was like...

Something will happen bad.

Pa bilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Yung kamay ko nanlalamig na. I was freaking worried about Ayisha!

Maya maya pa, natanaw ko na yung room. Sa wakas andito na kami! Pagkababa ko dun. Agad akong tumakbo at binuksan ang pinto.

Eto na sobrang kabado pa din ako. Nakakakaba. Nakakatakot. Dandahan kong binuksan yung pinto at...

"Oh, god! Thank you, you are safe!" Agad kong niyakap si Ayisha. Yumakap naman sya saakin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Vien Kay Ayisha.

"Ah? Wala na. Talo ko na sila." Monotone na sabi ni Ayisha. Tapos lumabas sya. Lumabas na din yung anim pa naming kaklase. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Kala ko talaga.

"Salamat naman ligtas ka. Ang galing mo talaga natalo mo Lahat ng dark sorcerers dun!" Masayang sabi ko.

"What?! Dark sorcerers?!" Sabay sabay na sabi Nina Charlene. Kinuwento ko naman sa kanila yung nangyari. Pero Hindi man Lang nagsalita si Ayisha.

Weird.

"Tara na sa room." Biglang Aya ni Ayisha. Tumango naman ako at hinawakan ko yung kamay ni Ayisha at nagsimulang maglakad pumunta sa room.

"Si sir?" Tanong ko.

Humarap sya sa likod doon ko nakita si Sir. "Okay na sya. Natanggal na yung hypnotism sa kanya at natalo ko yung dark sorcerer na kumuha sa katawan Nya, si sir na talaga yan." Paliwanag ni Ayisha. Tumango naman ako dun.

Ang weird nila. Ang tahimik ni Ayisha maging nung anim saka si sir. Nagtataka ako sa kinikilos nila. Pero baka pagod Lang. Nakipaglaban sila eh.

Advertisement

Wala naman akong nararamdaman na dark sorcerer kaya okay naman Siguro.

Masaya kaming bumalik sa room. Nakahinga ako ng maluwag nung Makita ko kanina si Ayisha. Sobrang kabado ko Kasi kanina. Grabe talaga. Kala ko may nangyari nanaman na masama.

Hindi ko mapapatawad sarili Kung may nangyari Kay Ayisha.

But there's something really weird.

**

[Ayisha's POV]

No! No! No! Nakikita ko yung isang dark sorcerer na ginagaya yung itsura ko. Shet! This can't be! Hayop talaga 'tong Dave na 'to!

Matapos yung kanina, agad Nya kong nilapitan at kinuryente. Naging Dahilan yun ng todong panghihina ko. Itinali nila ko sa isang upuan at nilagyan nung anklet na nagpipigil ng kapangyarihan. At Ngayon kitang Kita ko Kung pano gumagawa ng isang clone yung isang babae. Maybe it's her power a clone power.

She's making a clone of me. "Stop that! Damn all of you!" Sigaw ko nakakainis wala nanaman akong Laban!

Tumawa Lang ng parang demonyo si Dave. Tapos ng Gawin yung clone ko. Unti unti,gumawa ulit sila ng clones. Yung clone ni Sir! Damn! Planado talaga.

"The six of you." Agad namang lumapit Kay Dave yung anim. Sh*t! They are under controlled.

"Gusto ko susundin nyo Lahat ng gusto ko? Maliwanag?" Sabi ni Dave dun sa anim.

"Masusunod." Parang zombie na tugon nila.

"Wag kayong makinig sa kanila!" Sigaw ko. Pero Hindi man Lang nila ako pinansin. Nakakainis! Wala akong magawa!

Tumawa nanaman yung Dave at humarap saakin. "Wala kang magagawa." Nakangising sabi Nya. Curse him to hell!

"The six of you. Report all the moves that the charmers are making. Gamitin nyo 'to para kontakin kami. Every moves. Every plan. Report it to us. Be our eyes and ears in here." Mapanganib na sabi ni Dave.

"All clear." Sabay sabay na sabi nung anim. Saka sila binigyan ni Dave ng maliit na device. Yun Siguro ang kelangan nila para macontact sila.

"Okay na yung clones. We need to move. May papadating." Sabi nung babaeng gumawa ng clones. Tumango naman si Dave at agad akong hinawakan sa Braso at binuhat ng parang sako.

"Aaaaa! Ibaba mo ko! Ibaba mo ko! Padating na sila! Tatalunin nila kayo!" Sigaw ko Hindi man Lang ako pinansin ni Dave at bigla na Lang nagkaroon ng portal, geez!

"Tara na. Bahala na ang mga clones na yan. Control natin sila." Agad sumunod yung pitong dark sorcerer! Agh! Nakakainis! Saan nila ko dadalhin?!

"Ibalik mo ko dun! Ibalik mo ko!" Sigaw ko. Nakakainis sila!

"Ano kala ko saamin tanga? Ikaw nga pakay namin doon. Isasama ka namin sa mundo namin." Halos kilabutan ako sa narinig ko. Nagsimulang umikot yung portal. Sh*t!

Dahil sa liyo. Everything went black.

**

Unti-unti napa mulat ako. Nakakakilabot ang nakita ko. Nakakatakot. Nasa isang lugar ako na nakakatakot.

Napalingon ako sa isang Banda. Muntik na kong mapasigaw ng todo sa nakita ko. Isang bungo. Dahil sa nakita ko, nagising ang diwa ko.

Unti-unti umupo ako, mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang paningin ko. Nakita kong nakakatakot na selda. Nasa isang kulungan ako. Nakaposas yung kamay at paa ko. At may rehas na may tinik yung kulungan ko.

Meron ding nakakatkot na istatwa ng putol na ulo ng lobo sa pader ng kulungan ko. Ang tanging liwanag Lang din na nakikita ko ay ang kulay green na Apoy mula sa isang torch.

Nakaramdam ako ng kaba Dahil sa nakita ko. Napalingon ako sa isang selda na katabi ko. Meron itong maliit na espasyo Sapat na para Makita ko Kung sino ang nasa loob ng selda.

Lumapit pa ko ng konti sa pader na may butas para Makita ko Kung sino ang nandun sa kabilang selda.

Advertisement

"Sir Dallena?" Mahinang bulong ko, sabay ang pagtakip ng bibig ko. Nakaka-awa si sir. Yung damit Nya punit-punit na. At may bakas din dun ng dugo. May hiwa na din ang balat Nya at nakataas pa ang kamay Nya at para Syang nakabitin Dahil nakatali ang kamay Nya paitaas, samantalang hinang hina na sya. Abot Nya pa ang sahig pero, lustay na lustay na sya.

"Sir..." I called his attention. Agad naman Syang lumingon. Hinahanap Nya Kung nasan yung tumawag sa kanya.

"Sir... Sa kanan." Mahinang bulong ko. Agad Syang lumingon sa kanan, pero alam ko Hindi Nya ako nakikita Dahil, maliit Lang ang awang ng pader dito, parang butas lamang.

Rinig naman Kasi ang harang lang ay ang pagitan pero ang mga selda ay hanayan at magkakatapat.

"Listen. Kung sino ka man. Wag na wag kang titingin sa mata nila kahit anong mangyari." Nahihirapang sabi ni sir.

"Sir. It's me. The elemental guardian. Anong ginawa nila Sayo? Marami ba tayo dito?" Tanong ko. Nagitla si Sir nung malaman nyang ako 'to.

"Nakuha kanila. Damn your a great lost!" Hirapan na sabi ni Sir.

"You need to go back to charm world. You need to. They all need you." Dugtong pa ni sir. "Listen carefully. Wag na wag kang titingin sa mata nila. Pumikit ka lang kung kinaka-ilangan. If pinilit ka nila. Gawin mo Lahat ng makakaya mo. Please be safe, they all need you." Mahinang pahayag ni sir.

I nodded. Dapat maging matatag ako. Dapat Hindi ako magpatalo. I need to be strong. Kelangan matalo ko sila. Kelangan maging matapang ako.

Maya maya pa. Kinilabutan ko Dahil may narinig akong yabag ng paa. May pupunta sa kinaroroonan namin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang kabado ako. Dagdagan mo pa ng tunog ng parang kinakaladkad na rehas o bakal. Nakakangilo.

Lalong lumakas yung tunog na yun. Hindi ko mapigilan makaramdam ng kaba. Tapos bigla pang namatay yung Apoy na kulay green. Bigla akong nanginig. Alam ko Hindi ko dapat maramdaman 'to. Kaso nakakapangilabot talaga.

Nakarinig pa ko ng tunog na pasipol-sipol. Nanlalamig yung kamay ko sa kaba. Napaatras din ako sa kinatatayuan ko. Napapikit ako. Nakakangilo yung tunog. Maya maya biglang nawala yun.

Kaya dandahan napamulat ako. Kaso, lalo ata akong kinabahan ng Makita ko ang pares ng paa na nakatayo sa labas ng selda Kung nasaan ako. Lalo pa kong kinabahan nung Makita ko yung mahaba at malaking espada na nakatungkod. Marahil ito yung naririnig ko kanina.

Dandahan kong itinaas ang ulo ko para Makita ko Kung sino ito. Nang-Makita ko Kung sino ito. Galit ang biglang naramdaman ko. Walang sabi sabi, bigla akong tumayo at sinugod sya.

"Hayop ka! Pakawalan mo ko dito!" Sigaw ko. Ngumisi naman sya dahil hindi ko man lang sya maabot Dahil sa bakal na nakapulupot sa dalwa kong wrist at sa ankle sa paa ko. Nakakainis. Bakit ba ko nakatali ng ganito sa bakal?

Yung kaba at takot ko kanina biglang nawala. Dahil sa galit ko Kay Dave. Hayop sya! Nasaktan Nya na ko dati hinding Hindi ko hahayaan na masaktan nya ulit ako ngayon.

Tumawa sya saakin. Nakakatakot na tawa. Tawa ng demonyo. Tumindig lahat ng balahibo ko sa batok ng dahil sa tawa nya. Nakakapangilabot na tawa.

"Ako nanaman nakakuha Sayo? Hay. Hindi ka pa nasanay." Parang bored na bored na sabi Nya.

"Ikaw nga ang nakakuha saakin," I smirk at him. "Pero. Ako. Ang. Papatay. Sayo." Then I gave him my sweetest death glare.

"Huh. Let us see. You are nothing but a fool." Nakangising sabi Nya saakin. Ang totoo naiinis ako sa sarili ko! Bakit ba Kasi Hindi ako nag-iingat! Nakuha tuloy ako ng mga dark sorcerer na 'to. Nakakainis. Nahulog ako sa patibong nila.

"Alam mo bang planado na ang Lahat? Ang tanga mo naman kasi eh. Hinayaan ko na may maramdaman ka kanina dun sa teacher o sabihin na nating ako. I gave you a force na magtutulak na dark sorcerer yung teacher slash ako naman talaga. Ang tanga mo. Nahulog ka sa bitag namin. Sugod ka ng sugod. Wala ka namang Laban." Nakangising sabi nya. Nakakainis!

Sinadya nya pala na may maramdaman ako para sumunod ako sa kanila. At mahulog sa bitag nila. Ako pala ang pakay nila. Agh!

Nagpumiglas ako sa mga posas pero wala. Ang hirap talaga. Hindi ako makalapit man Lang sa kanya. "Humanda ka saakin pag naka-alis ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Hay. Ewan ko nga Kung bakit Hindi ka pa namatay noon. Nagulat nga ako sa balita na buhay ka pa. Biruin mo yun? Na buhay ka pa mula sa kamatayan? Ibang klase. Pero sisiguraduhin ko sayo ngayon. Mamamatay ka na!" Sobrang nakakatakot yung boses nya. Alam ko hindi ito ang oras para matakot.

Kaso Meron paring parte saakin na kinikilabutan ako, kahit galit ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa baba. Ayaw ko syang tingnan sa mata. Binalaan ako ni sir kanina. Alam kong makakatulong ang bahala nya.

"Wag mong sasaktan ang elemental guardian!" Rinig kong sigaw ni sir. Ngumiti nanaman si Dave at biglang naglakad sa katabing selda katabi nung selda ko. kung asan si sir.

"Wag mo Syang idamay! Ako kailangan mo 'di ba?! Bumalik ka dito! bumalik ka!" Sigaw ko. Imbis na bumalik saakin. Nakarinig ako ng pagbukas ng selda. Nanlaki ang mata ko. Agad akong sumilip dun sa maliit na butas.

"Parang awa mo na!" Rinig kong sigaw ni sir. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.

"Walangya ka talaga! Dave! Ako ang pinunta mo dito! 'Wag mo idamay si Sir!" Sigaw ko. Itinaas ni Dave yung espadang hawak Nya.

"Ang ingay mo Kasi eh. Papatahimikin muna kita." Nakangising sabi nya. Nanlaki ang mata ko. Wag mong sabihing?

"No! Bumalik ka ditong hayop ka! Wag kang mandamay ng Iba!" Sigaw ko pero tila wala Syang narinig. Naiyukom ko yung kamay ko. Parang awa nyo na. Wag. Please. Wag.

"Please. Wag mo kong patayin." Nangangatal na sabi ni Sir.

"Sumigaw ka pa Kasi eh. Sumigaw ka pa. Sayang. Pero, paalam na Sayo," napasinghap ako. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang Gagawin ko. Bigla akong nakaramdam ng matinding takot.

Parang nawalan ako ng boses. "S-sir..." Mahinang bulong ko. Para kong naistatwa. Wala na si sir. Nakakapangilabot. Nakakatakot.

Kitang-kita ko kung paano pinugutan ng ulo ni Dave si sir. Tumalsik talsik pa ang dugo ni sir sa muka ni Dave kaso imbis na mandiri, ngumiti pa ito at mahinang tumawa. Nakakatakot sya. Nakakapangilabot. Sa isang iglap. Wala na si sir. Hindi ko alam pero, naramdaman ko na Lang may tumutulong Luha galing mata ko.

"H-hayop ka!" Mahinang bigkas ko. Nakita kong tumingin sa butas si Dave ng selda. Napaatras ako ng konti. Bumalik yung takot ko kanina. Nanginginig yung buong katawan ko. Hayop sya. Ang sama sama Nya, bakit Nya kelangan pugutan ng ulo si Sir?

Itinaas ni Dave yung napaka-talim na espada. At nakita kong pinunasan Nya yung dugo dun gamit ang kamay Nya. Nakakadiri. Nakakatakot. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Pinunasan Nya yung espada Nya gamit ang kamay Nya, pero may mga dugo padin na hindi nawala at tumutulo dun sa espada.

Dandahan lumabas sya dun sa selda. Kinaladkad nanaman Nya yung espada. Nakakangilo. Nanlalamig ang kamay ko Dahil sa nararamdaman ko. pinapawisan na din ako sa noo. Pero alam kong malamig na pawis yun.

Napapikit at na patungo ako. Wala man Lang akong nagawa.

"Baka gusto mong matulad ka sa kanya?" Kinilabutan ako sa narinig ko. Kaya dandahan akong napamulat. Agad akong nakita ay yung espada nya na may bahid pa ng dugo habang natulo.

Binuksan Nya na din yung selda ko. Nanginginig akong umatras. "Wag kang mag-alala. Hindi mo pa oras. Tutulungan mo pa kami."

Napatitig ako sa kanya sa mga Sinabi Nya. Pero agad kong iniwas ang tingin ko. Kelan man hinding hindi ako tutulong sa kanila! Hinding Hindi ko Gagawin yun!

"Nababaliw ka na. Kelan man hinding hindi ako tutulong sayo. Sainyo. Mamatay Muna ako bago mangyari yun," matigas na bigkas ko sa kanya.

Tumawa nanaman sya. Lalo akong napa-atras sa tawa Nya. Kahit kelan talaga yung tawang yun. Nakakatakot.

"Sumama ka Muna saakin. May gustong makakita Sayo." Tapos lumapit sya saakin. At bigla akong hinawakan sa pisngi. Agad akong winaksi yung kamay nya. Nakakadiri sya. Nagkaroon pa tuloy ng dugo ang pisngi ko.

"Wag na wag mo kong hahawakan!" Sigaw ko. Pero bigla Nya kong hinawakan sa panga ng napaka-diin kaya Hindi ko maiwas na dumaing sa sakit.

"Wag kang maarte. Dahil baka mapatay kita ng wala sa oras!" Asik Nya saakin. At agad na hinawakan ang braso ko ng sobrang higpit.

Unti unti nawala yung posas at agad na hinawakan ni Dave ang kamay ko palikod at dun ako pinusasan ng bago. Hawak Nya ang espada Nya at agad na itinapat sa leeg ko habang nasa likod ko pa din sya.

Nanlaki ang mata ko at Napalunok ako. Ayoko pang mamatay ulit.

"Lakad!" Sigaw nya. Nasindak ako kaya't kahit nanginginig napalakad ako ng wala sa Oras. "Pag nagpumiglas ka laslas ang leeg mo tandaan mo yan." Mapanganib na bigkas Nya saakin. Labag man sa loob ko. Tumango ako.

"Madali ka naman pala kausap eh. Kailangan sisindakin ka pa." Narinig kong mahinang tawa Nya. Lakad lang ako ng lakad samantalang tinuturo nya saakin ang direksyon.

Nasa likod ko pa din sya at nakatututok pa din saakin ang espada nya. Ang hirap maglakad. Nakakatakot dahil baka bigla akong matilapid o kung ano man panigurado tapos ang buhay ko.

Maya maya pa. Tumigil kami sa labas ng isang kwarto.

"Kamahalan narito na po ang inyong bisita." Sigaw ni Dave sa pinto.

"Pasok." Lalo akong kinilabutan sa narinig ko. Nakakatkot ang boses na iyon. Kung nakakatakot ang boses ni Dave, eto doble ang kabang ibinigay saakin. Nangangatog na ang tuhod ko Dahil dito.

"Wag ka masyadong manginig. Hindi mo pa nga sya nakikita eh." Nakakalokong sabi ni Dave. Hindi ko sya pinansin at napalunok ako. Parang parang... Hindi ko kaya.

Otomatikong bumukas ang pinto. "Lakad!" Sigaw saakin ni Dave. Hindi ako makalakad agad dahil sa kaba at takot ko. Naramdaman ko na Lang ang matalas na espada na lumapat sa leeg ko. Sh*t.

Agad akong napa-abante Dahil dun. Narinig ko pang mahinang tawa ni Dave. Kung wala ako sa sitwasyong ito. Baka kanina ko pa napatay 'tong hayop na 'to.

Nasa loob na kami ng kwarto ng bigla nyang tanggalin ang espada sa leeg ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Salamat naman.

Pero. Mas makaka takot pala ang kwartong ito. Malaking kwarto ito. Merong Kama sa isang tabi yung pang-sinauna yung merong parang kurtina. Tapos ang sapin ay parang balahibo ng lobo o kung ano mang-hayop. Meron ding sofa na ang dulo ay ulo ng dragon. Idagdag mo pa yung fireplace na ang kulay ng Apoy ay kulay green. Ang dami ding mga nakadisplay sa pader ng mga karumaldumal na pagpatay sa charmers na nakapinta sa mga frames. May lamesa din sa harap ng sofa at ang lamesang yun ay may bungo sa ibabaw. Nakakatakot ang lugar na ito. Titingnan mo pa Lang sobrang nakakakilabot na.

Maya-maya pa. Bigla akong hinila ni Dave at inupo sa sofa na yun. Halos manginig ako dahil dun. Nakakatakot ang lugar na ito.

"Iwan mo kami Dave. Dalhin mo din dito ang isa ko pang pinangangalagaan." Hindi ko alam Kung nasan ang nagsalita. Pero ang boses Nya labis na nakakatakot. Halos gusto ko yakapin ang sarili ko at magtago sa isang lugar na walang makakakita saakin Dahil dun.

Umalis si Dave patungo sa pinto. "Dave! Parang awa mo na! Wag mo kong iwan dito!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit nya hindi nya man Lang ako pinansin. At tuluyan ng lumabas at nilock ang pinto.

Tumayo ako, kahit nanginginig ang buong katawan ko. Naglakad ako papunta sa pinto. Kaso bigla akong nadapa. Pagkatingala ko. "Aaa!" Halos mapatalon ako sa nakita ko. Isang mabangis na lobo na parang halos may dugo pa ang ngipin ang nakita ko. Agad akong napa-atras at nakahinga ng maluwag ng Makita kong istatwa lang pala iyon sa pader.

Naglakad ulit ako at lumapit sa fireplace. Ang kulay berdeng Apoy. Hindi ito ganun kainit. Pero parang malamig din ang Apoy na ito. Tumingin ako sa taas noon may nakita akong malaking picture frame.

Ang suot nito ay itim na damit, ang kanyang mga kuko sobrang hahaba. Meron din Syang hawak na parang stick na ang itsura ay dragon na patayo at ang dulo ng bibig nun at may lamang sphere. Meron din Syang kwintas na suot kulay itim na bilog na perlas na may nakapalibot na Ahas. Habang papataas ng papataas ang tingin ko. Kinakabahan ako. Ano kayang itsura nya?

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click