《My Enchanted Tale》Chapter 46* Breaking Up

Advertisement

====

Let me tell you, I Love You. One last time.

===

[Ayisha's POV]

"Nagawa ko naman ang Lahat di ba?" Tanong ko Kay Bella. Nandito kami sa labas nasa garden. Gusto ko lumanghap ng sa sariwang hangin.

"Oo tama na 'yun, sya ang nang-gago. Syang nawalan." Ramdam ko yung galit ni Bella. Tumingin ako sa langit. Eto, nanaman. Tutulo nanaman yung Luha ko.

"B-Bella b-bakit ganun? Ang sakit sakit pa rin? Di ba pedeng gamutin 'to ng magic? 'Di ba pedeng, sa tulong ng magic mawala na 'tong sakit na nararamdaman ko?"

Bakit ba Kasi ganun? Yes. I am blessed with five powers, I'm the most powerful charmer here. Pero, kahit ano palang kapangyarihan mo. Kahit ikaw pang pinakamakapangyarihan. You will be hurt. Masasaktan at masasaktan ka pa din.

"A-Ayisha. Please be strong." Niyakap ako ni Bella. Parang unti unti bumalik sa ala-ala ko Kung paano ako nasaktan ng todo.

Kung paano ako nagmakaawa sa harap Nya. Kung paano ako umiyak sa harap Nya. Kung paano Nya dinurog ang puso ko, at Kung paano Nya putulin ang kaisa-isang pag-Asa ko.

Tuesday.

He must have a damn good reason.

Umalis ako doon at nagpasyang pumunta sa moonlight cresent garden. Pumunta ako sa portal Kung saan ako pedeng makapunta sa mortal world.

Hindi ko man Lang ininda o napansin na nadoon na agad ako. Hindi ko man Lang naramdaman ang Hilo. Kasi, ang tanging nararamdaman ko Lang ay sakit.

"Gago mo! Bakit mo ko ipagpapalit sa kanya?" Mahinang bulong ko. Kinagat ko yung Labi ko, at pinigilan ang muling pag iyak ko ng malakas.

Umupo ako malapit sa falls wala akong paki-alam Kung mabasa man ako. Basta gusto ko Lang kahit papano maging okay ako. Kahit papano mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.

Parang may nakita akong image, yung mga panahong aso't pusa pa kami. Noong nag-visit kami dito sa mortal world. Lagi kaming nagtatalo. Lagi kaming nag-aaway. Oo, gusto ko mawala yun dati. Ayaw na ayaw ko sa kanya dati.

Pero, Ngayon? Iisipin ko pa Lang namawawala Lahat yun parang... Parang Hindi ko kaya.

I stayed there for a while. Medyo kumalma ako. Pero parang Hindi man Lang nabawasan yung sakit... Ang mahirap pa, parang kinakaiin ako ng galit.

Bumalik na ako sa charm world, at pumunta sa Bahay Nina Kyle. Pumunta ako sa kwarto ko doon. Kaso, habang nadaan ako doon, parang nakikita ko yung masasayang ala-ala ko kasama sya.

Nakakainis naman eh! Naiiyak nanaman ako.

"A-Ayisha." Napalingon ako. Si Ash.

"Leave me alone. Ash. Please." Walang emosyong sabi ko. Tumango naman sya at lumabas.

Hindi ko alam, pero. Damn I'm hurt! Tuwing pipikit ako yung muka Nya ang nakikita ko, yung masasayang Araw namin ang nakikita ko. Shit! Bakit ganun?!

Then parang nagflash yung mga narinig ko kanina. Langya! Ang hirap pala. Ang hirap hirap. Gusto ko Kalimutan yung kanina kaso. Hindi mawala sa isip ko.

Napapikit ako ang madiin. At napa-upo sa sahig.

I saw them with my own eyes. They were kissing. Damn! Why do I feel like this?! That scene is tearing me apart. Nakita ko naghahalikan sila kanina. Kitang Kita ko!

Suddenly, all I feel is anger. Damn them!

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta all the things na nakikita ko, tinatapon ko para gumaan naman pakiramdam ko.

Ang dami ng basag. Maging sarili ko nasasaktan ko na. Galit ako. Galit na galit ako. Parang Lahat ng bagay na ginawa ko para sa kanya walang kwenta. Ginamit Nya Lang ako.

Panakipbutas Lang ako.

Hindi Nya ko mahal.

He just use me.

Narinig ko Lahat yun. Narinig ko Lahat. At nakita ko pa sila. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Galit na galit ako. Nagwala ako. Kahit papano throwing those things I felt relieved. Kahit papano nababawasan yung sakit. Kahit papano.

Advertisement

Napa-upo ako sa sahig. I held my legs and cried in pain again.

"Ayisha..." Napalingon ako. Si Bella. I wanted to be alone. Baka Kung ano Lang magawa ko Kay Bella.

"Umalis ka!!" Sigaw ko sa kanya. Pati, si Bella madadamay sa nararamdaman kong galit.

"Ayisha. Please..." Nagitla ako ng makitang umiiyak si Bella. Alam Nya? Parang lalo akong nainis. Tangna. Muka akong kawawa.

"No! Leave me alone!" Sigaw ko ulit sa kanya. Please Bella. Leave me alone. Ayaw ko. Baka masaktan Kita. Hindi ko alam nagagawa ko pag-galit ako. Pag galit ako. Galit Lang talaga nag nararamdaman ko.

Bella's crying. Bella. Naman wag ka umiyak. Lalo akong nanghihina. Kahit papano Dahil sa presensya ni Bella, Medyo nawala yung galit ko. Pero, argh. Ang sakit talaga. Nakakapagmura talaga eh.

Lumapit sya saakin, saka ako pinakitaan ng nakakasilaw na ilaw. Kaya unti unti, gumaan pakiramdam ko. Unti-unti. Nilamon ako ng antok.

Thank you Bella. Thank you.

*

NP: Let Me Be The One - Julie Ann San Jose (version)

.

Umaga na noong nagising ako. Nagitla ako na nakita ko padin si Louie at Fiona dito. Nasa kwarto pa din ako, natanaw ko Lang sila sa baba.

Humarap ako sa salamin. Muka akong zombie. laki ng eye bags ko, tapos pagang-paga yung mata ko. Ang gulo din ng buhok ko. Loose na din yung damit ko.

Nahagip ng mata ko yung tattoo sa likod ng balikat ko. Nadagdagan nanaman sya. Pumikit ako, pagkamulat ko I saw my light brown eyes turned to red.

Then a scene flashback... Yung nangyari sa masquerade ball. Wait? Napatitig ako sa muka ko. Nagawa ko ba talaga yung mga bagay na yun? Napalayo ako ng konti sa sarili ko. Is my dark side invading me? No. No.

Naalala ko na ang Lahat. Hindi ko akalain na magagawa ko. I just did something horrible.

Pumikit ako then pinakalma ko sarili ko. Dapat Hindi ko Hayaan na lumabas ang pagiging dark sorcerer ko. I must hide it.

Huminga ako ng malalim. The his voice echoed inside my head. "Shh... I'm here... I love you.. I love you..." Unti unti parang kumalma yung sistema ko.

Kumalma ako. Pagkamulat ko. Light brown na uli kulay ng mata ko.

Kung napapakalma ako ng salita ni Louie, ibig sabihin mahal Nya talaga ako. Kahit papano yun ang pinanghahawakan ko. Dapat Hindi nila makitang ganto itsura ko. Dapat maging malakas ako sa harap nila.

Inayos ko sarili ko. I used light power para kahit papano maging maayos yung mata ko. Umubra naman. Inayos ko yung sarili ko. Hindi pa naman kami hiwalay di ba? May pag-Asa pa.

Dapat Hindi ako magmukmok at magalit sa kanya. Kasi, Hindi pa kami hiwalay. May pag-Asa pa. Meron pa.

Bumababa ko. Hindi ko pinahalata sa kanila na may nangyari. I also gave a look na wag nila ako pangunahan, para Kay Ash at Bella Dahil sila ang nakakaalam.

Saka kinausap ko din yung dalwa na wag ako paki-alaman.

Hindi ko sila pinansin. Humiwalay din ako sakanila. Ayaw ko Kasi baka masaktan ko sila. Lalong lalo na pag-galit ako.

Breakfast.

"Babes. Di Muna ko sasabay." Halos mawalan ako ng boses habang sinasabi yan sa kanya. Napatigil din sila sa pagkain. Mukang kinakabahan din sila sa inaasta ko. Ang sakit nanaman sa dibdib.

He gave me a look. Then he spoke. "Bakit?" Simpleng tanong Nya. Gustong gusto ko Syang murahin. Kaso pinigilan ko sarili ko.

Baka Hindi pa naman sya makikipaghiwalay. Kami pa Hindi ba? Saka, ayaw ko pa. Mahal ko Kasi sya. May pinanghahawakan pa ko. Sinabi Nyang mahal Nya ko. Pinanghahawakan ko pa din yun.

Advertisement

"I just want to be alone." Halos Hindi ko agad masabi ang mga salitang yan.

"Okay." Walang ganang sagot Nya. Napakagat Labi ako at napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng damit ko Dahil, pinipigilan ko Luha ko.

Hindi man Lang ako, hinalikan o inintindi ni Woo Wee. Mukang nagtataka na din mga kasama namin sa Bahay, pero, pinagsawalang bahala ko na Lang Muna.

Academy.

Hindi ako pumunta sa kahit anong klase o training ko. Andito Lang ako sa lotus light garden. I just wanted to be alone. Umupo Muna ako.

Nakatulala Lang ako. Buti na nga Hindi na natulo Luha ko eh.

Napatingin ako sa gitna nung pond. Parang nung isang Araw Lang anjan kaming dalwa masaya. He even surprised me. Sobrang saya ko ng Araw na yun.

Napalingon ako sa katabing puno Kung nasan ako, he's favorite spot. Tanda ko noon Hindi ko pa alam kapangyarihan ko he's the one assigned para turuan ako. Naalala ko pa nun, sobrang highblood Nya sa kakulitan at kadaldalan ko.

Napatawa ako ng mahina habang naalala ko yun.

Ang gwapo Nya pa nga pag-tulog eh, tapos lagi Nya pa ko kinukulit at tinatawag na babes. Sarap Balik balikan ng mga ala-ala namin noon.

Nalala ko din Kung gaano ako kasaya noon nung malamang nag-seselos sya Dahil Kay Ash. Noong ng friendly date kami. Nakakatuwa sya nun, naging stalker na talaga sya saamin nun. At isa Lang ang masasabi ko. Grabe sya magselos.

He even bring me here noong gabi para Makita ko ang Ganda ng buong lugar. Napatingin ako sa mga lotus. Ang gaganda nila noon habang umiilaw. Saka yung air heaven land ang Ganda. At ang mas nagpaganda pa doon ay Dahil kasama ko sya.

Napangiti na Lang ako Dahil sa mga ala-ala habang masaya kaming dalwa.

Kaso napatingin ako sa isang puno dito. Yung punong yun. Dun ako nagtago, para Hindi nila ako Makita.

Sumakit nanaman lalamunan ko. Napatingin ako sa langit para pigilan ang Luha ko. Napakagat Labi na sina ko para Hindi ako maiyak. Kaso, peste. Wala na nagunahan nanaman sila. Lalong lalo na nung bigla kong na-alala ko yung nangyari kahapon.

"Maybe? Noong una. Baka panakipbutas. Kasi noon ikaw pa din talaga ang mahal ko. Nauunahan Lang ako ng galit. Kaya siguro inakala ko na mahal ko sya Dahil I'm seeing you through her. But Fiona. Hindi. Hindi ko sya minahal. I don't love her. It's just a show."

"Mabuti naman. Akala ko talaga pinagpalit mo na ko sa kanya. Alam mo ba Kung gaano ako selos na selos tuwing nakikita ko kayo?"

"Don't be. Ikaw ang mahal ko. At Hindi sya, never ko naman Syang minahal."

Napahawak ako sa bibig ko. Bakit ganun? Ang sakit sakit talaga eh. Pinipilit ko naman na wag nang masaktan eh. Napapakalma Nya ako pag nagwawala ako. Saka he also tell me that he loves me kaya alam ko kahit papano may pag-Asa pa.

We're not yet over kaya kelangan maipakita ko sakanya na mahal ko sya. Dapat maipakita ko yun. Tama Hindi dapat ako panghinaan ng loob.

"Be strong. Ayisha. Be strong," bulong ko sa sarili ko saka, tumayo na.

Kaso, natatakot ako harapin sya, baka bigla Syang makipaghiwalay. 'Wag kang nega.' Aish. Tama dapat Hindi ako nega.

Magkaklase kami Ngayon sa isang training. Buti na Lang at may 5 mins pa bago mag-time doon. Pumunta na ako dun. Huminga pa ako ng malalim. Dapat Hindi ako umiyak iyak Lang.

Pagkadating doon, Hindi pa man ako nakakapasok sa room ang dami ng bulong-bulungan.

"Si Fiona at Louie na ba ulit?"

"Maybe, look at them. So sweet!"

"Eh 'di ba, girlfriend Nya ang elemental guardian?"

"Ewan baka hiwalay na sila."

Huminga ako ng malalim at pumikit ng sandali. Dapat Hindi ako paapekto. Hindi pa kami hiwalay. At Hindi kami maghihiwalay.

Pagkapasok ko sa room.

Sh*t! Sana pala Hindi na Lang ako pumasok. Parang sumakit nanaman yung dibdib ko. Ang hirap nanamang huminga.

Naabutan ko Lang naman si Woo Wee na yakap si Fiona yung para bang sa fairytales yung Medyo naka-slant pa. Pucha naman oh! Sa Lahat ng maabutan ko.

"B-babes?" Hindi ko alam Kung saan ako humugot ng boses para masabi yang mga katangang yan. Ang sakit sakit nanaman Kasi eh.

"Oh? You're here," p*ta! Oo I'm here! At kitang Kita ko yang pang-gagago nyo saakin.

"Yes I am." Tapang tapangang sagot ko. Nakita kong nag-smirk si Woo Wee at biglang hinalikan si Fiona sa pisngi.

"Wait here Hon. We're gonna be official." Agad akong tumalikod Dahil sa mga salitang yun. Eto na ba? Makikipaghiwalay na sya? Wag Muna please. Wag Muna.

Agad akong tumakbo papunta sa splash ground. Ayaw ko na marinig yung mga sunod na sasabihin Nya. Ayaw ko muna. Dinudurog nanaman ako.

Hindi pa ba Sapat yung nakita ko noong isang Araw? At Ngayon harap harapan pa talaga? Aaaaah! Nakakapanghina sila! Ngayon pa sila naging ganun Kung kelan may magaganap na digmaan!

Habang naglalakad ako papunta sa splash ground may nakita ako.

"Wag mo ko sundan loko ka!" Sigaw nung babae.

"Ehhh! Babes naman eh!" Sabi nung lalaki habang hinahabol yung babae.

"Che! Ewan ko Sayo!"

"Babes! Alam ko namang Hindi mo ko matitiis."

Shit naman oh. Parang kami ni Woo Wee dati. Dati, ang sakit Lang isipin na mawawalan na ng kami. Sakit sakit Lang isipin na ipinalit Nya na ako. Iniisip ko pa Lang parang Hindi ko na kaya.

Konting Oras pa. Konting Oras pa. Hindi ko pa kaya.

*riiing riiing*

Napatawa ako pero may pumatak na Luha, ang haba ng pangalan Nya sa phone ko. Sya nagpalit nan eh, sya naggawa ng name jan.

I smiled bitterly, mukang Ngayon mawawala na yan. Hindi ko sinagot yung tawag. Please konting Oras pa. Konting Oras pa.

Tumigil yung pag riring.

Parang kahapon Lang andito ko ng Dahil sa kanya ah, hanggang Ngayon ba naman?

"Konting Oras pa. Hindi ko pa kaya. Mahal na mahal pa din Kita." Mahinang bulong ko. Iba pala nagagawa ng pagmamahal kahit magpakatanga ka na Gagawin mo pa din.

Ang tanga mo talaga, Ayisha. Umaasa ka pa din. Kahit alam mong hihiwalayan ka Nya.

Tumunog nanaman yung cellphone ko.

"Ganun mo ba talaga kagustong hiwalayan na ko?" Tanong ko sa harap ng cellphone ko. It really hurts.

Babes ko Bipolar ko Woo Wee kong poging pogi :* calling...

Nagbuntong hininga ako. Isa pa. Pag tumawag pa ulit sya. Ibig sabihin wala na talaga. Mukang hanggang dito na Lang talaga kami. Ang sakit sakit. Ano bang nagawa ko? Anong nangyari? Damn it! Sobrang sakit eh.

Wag ka tumawag please... Wag...

Pinunasan ko yung Luha ko. Maya maya, tumunog nanaman cellphone ko.

Babes ko Bipolar ko Woo Wee kong poging pogi :* calling...

Nanginginig na sinagot ko yung tawag. Shet eto na talaga. Gago mo Woo Wee! Ang gago mo para ipagpalit ako sa Iba!

"H-Hello?" Kinakabahang sabi ko.

["We need to talk. Asan ka?"] Kung normal 'to. Sigurado ako maeexcite ako ng todo. Kaso Hindi eh. Kinakabahan talaga ako.

"I-importan-te b-ba?" Kinakabahang tanong ko. Please sabihin mo wala Lang. Kinakamusta mo Lang ako.

["Yes importante. Asan ka?"] ito na talaga. Patuloy ako sa pag-iyak ko habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.

"A-andito sa s-splash ground." Mahinang sabi ko.

["Punta kami jan."] then the call ended. Tumindig ako at pinunasan yung Luha ko. Hindi dapat ako paapekto. Pero, damn! Ang sakit eh.

Saka. Sabi Nya. Pupunta kami jan. So this is really is it?

Nanghihina yung tuhod ko ang sakit Kasi talaga eh. Nagtago Muna ako sa isang puno. Maya maya nakarinig ako ng tawanan.

"Ready? Magiging official na tayo." Narinig ko yung boses ni Woo Wee. Yung boses nya parang excited na ang saya saya.

Ang sakit Lang.

"Tara. Nasan sya?" Rinig kong tanong ni Fiona. Puta naman! iniisip ko pa Lang na hihiwalayan Nya ko Ngayon parang Hindi ko na kaya.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. At nakita na nila ako.

"Ayisha. Anjan ka pala." Sakit. Ayisha ang tawag Nya saakin. Ni Hindi Nya man Lang ako natawag na Ryleen o Babes.

"Bakit b-babes?" Maang-maangan na tanong ko.

"Wag kang tanga Ayisha." Singit naman ni Fiona. Ibang Iba si Fiona Ngayon. Ang taray Nya. Ang sama Nya. Mukang lumabas na tunay na kulay Nya.

"Oo nga naman. Ayisha. Wag kang tanga. Alam natin pareparehas kung anong pinunta namin dito." Sabi ni Woo Wee. Parang Hindi ko matanggap na sa kanya galing yung salitang yun. Ang sakit sakit Lang.

"B-bakit ano ba y-yun?" Kinakabahang sabi ko. Kahit alam ko ang pinunta nila dito ay para hiwalayan ako.

"Ayisha. I'm br----" pinutol ko yung Sinabi Nya.

"Makikipaghiwalay ka saakin? Bakit? Bakit?" Galit na tanong ko habang naiyak, wala na bumigay na ko. Ang sakit eh, ang sakit.

Ouch. Ang sakit. Harap harapan pa nyang Sinabi saakin?? Puta pala sya eh!

"Eh hayop ka pala eh! Sapat na bang rason yun?! Papatunayan ko Sayo na mas higit ako sa kanya, mas mahal Kita Woo Wee! Mas!" Inis na sigaw ko sakanya habang patuloy na tumutulo Luha ko. Bakit ba ganto kasakit yung nararamdaman ko?

"Wag kang tanga Ayisha! Saakin Sapat na yun! Hindi Kita mahal! kaya Sapat na yun para hiwalayan ka!" Walang ka emo-emosyong sabi Ni Woo Wee saakin.

"Hindi! Hindi totoo yan Woo Wee! Alam ko Hindi totoo yan! Mahal mo ko! Mahal mo ko!" Pinalo palo ko sya sa dibdib.

"Ano ba! Ayisha! Itigil mo na nga yang katangahan mo!" Sigaw Nya saakin habang hawak Nya yung dalwang kamay ko.

Parang bigla akong nakakita ang lungkot sa mata Nya, pero mabilis yun napaltan ng malalamig ng titig.

"Ano gusto mong Gawin ko?! Ipilit ang gusto mo?!"

"Wala akong sinabing ganyan! Ang akin Lang bakit mo 'to ginagawa saakin?! Bakit pinili mo kong saktan?! Bakit?!"

"Hindi Kita minahal! Hindi! Kasi si Fiona Lang! Si Fiona Lang!----" pinutol ko sinasabi Nya tangna! Ipamuka daw ba?!

"Paano na ako?! Ha?! Paano na ako?!" Nanghihina na yung tuhod ko. Nanginginig na ako. Bakit mo ba ginagawa saakin to Woo Wee? Mahal na mahal naman Kita ah. Mahal na mahal.

"Hindi pa ba malinaw Sayo Ayisha? I'm choosing her over you." Walang ka emo-emosyong sabi Nya.

"Mahal naman Kita ah? Ako na Lang please? Ako na Lang? Please... Ano gusto mo lumuhod ako sa harap mo? Ano gusto mo magmakaawa ako?" Sunod na sunod na tanong ko. Pucha! Nakalimutan ko na pride ko.

"Stop this nonsense. Ayisha," ang sakit. Nonsense Lang to sakanya? Unti unti akong lumuhod at hinawakan sya sa kamay.

"Eto na Louie oh. Eto na... Please... Please... Ako na Lang... Lumuhod na ako Sayo. Nagmakaawa na ko Sayo. Nag muka na akong tanga para Sayo... Please.." Ang tanga ko. Wala na kong pride na natitira, ubos na ubos na. Wala na. Ang tanga tanga ko. At alam ko yun.

"Ayisha! Tama na! Tama na! Hindi Kita mahal! Hindi ba malinaw Sayo yun?!" Sigaw Nya. Wala na akong nagawa unti unti akong tumayo.

"Malinaw na malinaw. Paulit ulit ka na nga eh. Unli ka? Unli ka?" Tumawa ako, pero p*tangsh*t! Mas masakit pala 'to!

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click