《My Enchanted Tale》Chapter 44* Broken into Pieces
Advertisement
===
Too quick, too sudden.
===
[Ayisha's POV]
"Ayisha, please kausapin mo kami." Umiiyak Ngayon si Bella sa harap ko. Andito ako sa isang sulok ng kwarto sa Bahay ni Bella.
"No! Umalis ka na!" Sigaw ko. Hindi ko alam. Punong puno ako ng galit Ngayon. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko akalaing mangyayari ang mga bagay na 'to.
"Ayisha. Please. Bestfriend Kita. Wag ka mag-alala wala na si Louie sa Bahay ni Kyle. Kaya please bumalik ka na doon." Pag-mamakaawa Nya.
"N-no. I-I w-anted to be -alone. P-please." Umiiyak na sabi ko.
"Ayisha... I'm here. We're here." Tapos lumapit saakin si Bella, kasama si Vien, Charlene, Ash, at Kyle. Wala na kong nagawa humagulgol na ako Kay Bella.
Pinag-papalo ko ang dibdib ko. Ang sakit... Ang sakit sakit!
"Shhh. Magbabayad si Louie sa panloloko Nya. Magbabayad sya sa panloloko Nya sayo. Ayisha." Bulong saakin ni Bella.
Hinawakan ko sya at niyapos. Ang sakit sakit Kasi eh, yung niloko ka ng mahal mo. Yung pinaniwalaan mong mahal mo sya pang loloko Sayo.
Sa loob ng isang linggo sobrang daming nangyari. Sobrang daming sakit din ang dinanas ko. Isang linggo na ang lumilipas pero, tandang tanda ko pa din Kung paano ako niloko ni Woo Wee. Kung paano ako niloko ng taong mahal ko.
"Shhhh..." Pagpapatahan saakin ni Bella.
Ang sakit. Sobra. Ano bang ginawa kong Mali para saktan Nya ko? Ano bang ginawa kong Mali para hiwalayan Nya ko at ipagpalit Kay Fiona?
Niloko Nya Lang ba ako? Dahil una pa Lang mahal pa Nya sa Fiona? Kaya ba nag-sorry saakin si Fiona noon Dahil ganito? Dahil sasaktan Nya ko?
Sobrang SAKIT. Sobra. I'm broken into pieces.
Sa sobrang kaiiyak. Hindi ko alam pero, unti unti nilamon na ako ng antok.
***
Nakatulog si Ayisha kaiiyak. Hayop na Louie na yun! Anong karapatan nyang paiyakin ang bestfriend ko?!
"Hubby. Dalhin natin si Ayisha sa Bahay mo. At pagkatapos may haharapin ako." Galit na bigkas ko. Kinuha saakin ni Kyle ang tulog na si Ayisha.
"Charlene, ash, Vien. Bantayan nyo sya ah? Ayaw kong mawala ulit sya sa paningin natin. Please, Hindi natin alam kaya nyang Gawin." Sabi ko Kay Vien, Ash at Charlene. Tumango naman sila. Kitang Kita ko sa mata nila ang awa para Kay Ayisha.
Sa nakaraang isang linggo sobrang daming nangyari.
Ang sabi ng head ng school hypnotize daw sila, kaya Hindi nila napansin na may nakapasok na pala. Nakakatakot ang mga dark sorcerers Ngayon, ang gagaling nila.
It was Friday noong ganapin ang masquerade ball. Kung saan naganap ang pakikipaglaban Nya sa dark sorcerer. Nahimatay sya noon, Dahil sa pagwawala at pagod. Okay pa sila noon ni Louie, si Louie pa nga ang nakapag-pakalma sa kanya.
The next day which is Saturday. Halos kalahating Araw walang Malay si Ayisha. Pero, noong nagising sya nagwawala nanaman sya, her light brown eyes. Turned to red again. Grabe ang pagwawala ni Ayisha. Para Syang nababaliw. Parang Hindi sya yung Ayisha na kilala namin.
"Aaaaaa!" Nagitla kami sa malakas na pagsigaw. Agad kaming napatakbo sa kwarto Kung nasan si Aysiha. Nagitla ako sa nakita ko. Nagwawala si Ayisha. Ang dami ding sirang gamit.
"Papatayin ko mga dark sorcerers! Papatayin ko sila!" Sigaw Nya. Lalapitan ko sana sya, pero Itinaboy Nya ulit ako.
"Ayisha! Calm down!" Sigaw ko. Pero, nagwawala nanaman sya.
Lumapit si Louie sa kanya, pero tinaboy Lang sya nito. Pero, niyakap ni Louie si Ayisha. Nagpumiglas si Ayisha. Pero, hinigpitan Lang ni Louie yung yakap Nya.
"Shh... I'm here... I love you. I love you." Rinig kong bulong ni Louie, unti unti kumalma si Ayisha. Woah ah. Yun Lang 'I love you' ni Louie nakakapagpakalma Kay Ayisha napangiti naman ako dun.
Advertisement
Unti-unti kumalma si Ayisha a habang umiiyak. Hanggang sa nawalan ulit sya ng Malay. Hiniga sya ni Louie sa Kama. Tapos bumababa na kami maliban Kay Louie.
"Salamat Louie. Mabuti na papakalma mo si Ayisha." Sabi ko. Ngumiti saamin si Louie at nagsalita.
"Anything for her." Nakangiting sabi Nya. Hay. Ang swerte ni Ayisha Kay Louie.
**
Kinagabihan.
"Bella! Ba't di nyo man Lang ako ginising!" Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag saakin. Nandito Kasi kami sa salas, nanunuod.
"A-Aysiha?" Nauutal na tanong ko. Ngumiti sya at lumapit saamin.
"Are you okay?" Tanong ni Louie. Masayang tumango si Ayisha at umupo katabi ni Louie.
"Nga pala, anong nangyari noong masquerade ball? Huling tanda ko Lang kinalaban ko yung mga dark sorcerers. Natalo ko ba sila?" Tanong Nya.
"Hindi mo naaalalang nagwala ka at at--" pinutol ko yung sasabihin ni Charlene.
"Ah? Oo! Natalo mo sila! Ang galing mo nga eh! Pano mo nagawa yun?" Tanong ko.
"Ah? Yun ba? Ewan ko. Basta alam ko Lang gusto ko silang patayin Dahil sa ginawa nila sa mahal ko sa buhay." Simpleng sagot Nya.
"Ah." Yun na Lang ata ang nasabi ko.
"Master Ayisha! Anong apelyedo ni Sisa?" Naramdam ata ang mga fairies ng tension kaya iniba nila ang topic.
"Ah? Si Sisa? Yung nasa noli me?" Tanong ni Ayisha.
"Oo! Oo! Ano master alam mo?" Tanong ni Sapphire.
"Ahm? Ah? Hindi eh." Malungkot na sabi ni Ayisha.
"Hahah! Ang apelyedo ni Sisa ay Mistreet!" Tuwang tuwang sabi ni Sapphire. Sinabi ko naman yung mga Sinabi ni Sapphire, para maintindihan Nina Ash at Fiona.
-Long silence-
Hala?! May Mali ba sa Sinabi ko? Este sa trinanslate ko? "Ah eh? SisaMistreet!" Nagtatalong sabi ni Sapphire, sabay tawa ng ibang fairy.
"Guys, SisaMistreet daw." Ulit ko.
"Boom! Waley ka sapphire!" Natatawang sabi ni Charlene. Pero, kahit papano nawala yung tension. At isa Lang ang nasa isip ko. Ibig sabihin. Walang ma-alala si Ayisha sa ginawa Nya? Pero, bakit? Pano?
*
Sinabi ko Kay Kyle na Kay Ayisha na kwarto Muna ako tutulog. Pumayag naman sya. Bait talaga ng hubby ko.
Pag kapunta ko dun. Nagitla ako sa nakita ko.
"A-Ayisha? Ano yan?" Tanong ko particularly sa tattoo nya sa likod ng balikat Nya.
"Bella. Hindi ko alam. Hindi ko alam. Pano ko nagkaroon nito?" Tanong Nya saakin. Nakakapagtaka naman saan galing yung tattoo nyang itim na hugis korona, maliit Lang sya pero alam ko kakaibang tattoo yun.
Nakita ko si Ayisha na parang may ina-alala. "Be-Bella! Alam ko na! Nakita ko na 'tong gantong tattoo! Alam ko na!" Sabi Nya, pero biglang napilitan yung emosyon Nya ng takot at pagkabigla.
"Bella. Y-yung tattoo. Nakita ko 'to sa mama ko. Kay mama Shaysil. Ganto din yung tattoo Nya as a dark sorcerer kaso may Iba Lang design yung tattoo pero nasa gitna nun katulad na katulad nito." Kinakabahang sabi ni Ayisha.
"Bella? Ibig sabihin ba nito? Magiging dark sorcerer na ako? Bella. Ayaw ko. Ayaw ko." Natatakot na sabi Nya,
"No! Hindi! Di ba ang mommy mo kahit ganun, tinanggap sya ng mga kaibigan Nya? saka kahit may tattoo sya, mabait sya. Kaya wag ka mag-alala." Sabi ko.
Mukang Kinalma ni Ayisha ang sarili Nya saka, huminga ng malalim.
"Siguro nga Bella." Hindi namin Sinabi sa kanila yung about sa tattoo. Lalong lalo na ako ang nakaka-alam na ang mommy Nya ay dark sorcerer.
Pero, bakit nalabas na yung tattoo nya of being a dark sorcerer? Di kaya Dahil yun sa galit at pagwawala Nya?
Advertisement
Is the dark side of her is already occupying her identity?
Di kaya Dahil sa galit at poot kaya nagkakaroon na sya ng tattoo? Iniling iling ko yung ulo ko. Mabuti ang puso ni Ayisha, I know, she'll choose our side. The good side.
*
Sunday.
Masaya Lang kami, walang kaming ginawa kundi mag-movie marathon at Iba pa. Pumunta din kami sa Enchanted park. Nagitla nga ako noong biglang sumama si Castle saamin at ang bongga pa...
"Charlene is my Girlfriend." Sabi ni Castle. Ayun inasar namin si Charlene.
Masaya ang naging Sunday namin. Magkakahiwalay kami per couple, si Ayisha at si Louie. Si Fiona at Ash, Charlene at Castle, Ako at si Hubby, well, si Vien? I don't know.
Habang namamasyal kami ni Hubby, nakita namin si Vien nakasama si? Si Night? Nakakatuwa nga eh. Mukang inis na inis si Vien. Haha. Cute nila tingnan.
Our day was ended happily. Kitang Kita ko yung saya sa mata ni Ayisha.
*
Monday.
Pagdating namin sa academy, all are preparing. Lahat naghahanda na. Yung dating tahimik na academy namin, Ngayon minu-minuto nakakaramdam ka ng shock waves. Busy Lahat sa pag-tr-training.
Lahat naghahanda. Alam nila matapos ng pangyayari sa Masquerade ball, madadagdagan pa yun. Dahil, nagsisimula na. Magsisimula na ang pagdedeklara nila ng digmaan.
All students are training they're power, para mas maging malakas pa ito.
Nakikita ko sa mata ng bawat isa Kung paano sila kapursigidong mapalakas ang kapangyarihan nila.
Noong hapon.
At napansin ko si Louie, Iba ang kinikilos Nya Ngayon. Lagi Syang nakatingin Kay Fiona. Parang nag-uusap sila sa mata ni Fiona.
Bati na sila? I mean, okay na sila? Baka ganun. Ipinagsawalang bahala ko na Lang. Atleast okay na sila. Hay. Sa wakas bati na din sila.
Napansin ko Kasi Iba talaga. Lalong lalo na nung umuwi kami, pagkatapos sa school. Imbis na si Ayisha ang asikasuhin ni Louie biglang naging si Fiona. Anong nangyayari?
Nag-dinner kami walang Imikan si Ayisha at Louie. Hmmm. Pero hinayaan ko na Lang at ang inasikaso ko ay ang hubby ko, baka magtampo pa. Nag-away kami noong isang linggo eh.
Pumunta ako sa balcony. Tapos nakita ko si Louie at Fiona sa garden. Napatingin naman ako sa gilid ko, andun si Ayisha.
"Ayisha? Napapansin mo?" Tanong ko Kay Ayisha. Nakatingin Kasi sya Kay Louie at Fiona na nag-uusap sa garden samantalang kami andito kami sa taas sa balcony. Kita naman namin sila.
"Alin? Wala yan. Bati na daw sila. Mas okay nga yun para, wala ng awkward moments saamin." Tapos nag-smile sya. Pero alam ko, ayaw Lang aminin ni Ayisha sa sarili Nya nagseselos sya.
Tumalikod si Ayisha. Buti na Lang tumalikod sya! Kasi nakita ko si Louie niyakap Nya si Fiona! Damn! Pag nalaman ko Lang na niloloko ng Louie na yan si Ayisha humanda sya!
*
Tuesday.
Lalong naging weird si Louie, napapansin ko pasulyap sulyap sya Kay Fiona. Tapos minsan Kung maka-titig sya Kay Fiona, parang ayaw nyang pakawalan sa titig Nya.
Nagbrebreakfast kami. Katapat ko si Louie at Kyle. Tapos may Iba talaga eh.
"Oy! Bella! Grabe ka makatitig sa babes ko ah!" Psh. Oo grabe nga ako makatitig sa babes mo, pero 'yang babes mo naman grabe makatitig Kay Fiona. Gusto ko sana sabihin Kay Ayisha kaso, pinigilan ko sarili ko.
"Haha, Hindi ah! Kay hubby kaya! Magkatabi sila ni Louie, Ayisha." Palusot ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ayisha.
Academy.
Dahil nga, nagtataka ako sa kinikilos ni Louie, sinundan ko sya. Naku talaga! Pag nanloloko 'tong hayop na 'to!
Sinundan ko sya, at nakita ko sya sa lotus light garden, may katagpo sya. Babae. Nakatalikod yung babae. Pero, alam ko si Fiona yun. Kilala ko si Fiona. Naging kabarkada din namin sya. Lalo akong nagtaka. Bakit sila magkikita ng patago? Lilingon lingon Kasi si Louie, parang ayaw nyang may sumusunod sa kanya. Buti na Lang magaling ako magtago.
Parang nag-uusap si Louie at Fiona.
Pero...
Ang kinagitla ko ay... Napatakip na Lang ako ng bibig ko. Panong nagawa ni Louie 'yun?! P*tang*na! Mapapatay Kita Louie! Nakita ko si Louie na biglang hinalikan si Fiona sa Labi.
Pakingsh*t! Bakit nila ginawa yun! Behind the back of Ayisha?! Sinabi na nga ba kaya nitong Monday may kakaiba na! Pusang gala! Wag na wag magpapakita yang Louie na yan sa Bahay! Kasi ako mismo ang makakalaban Nya!
Anong karapatan nyang lokohin ang bestfriend ko?! At ipagpalit sa ex Nya?!
Patuloy na hinahalikan ni Louie si Fiona! Si Fiona naman tangna! Humahalik din! Susugudin ko na sana sila. Kaso..
Pakingshet!
Napatigil ako ng Makita ko si Ayisha sa isang puno na nagtatago... At kitang Kita Nya ang ginagawa ni Fiona at Louie! Paking shet talaga!
Tapos nakita ko Syang nagtatakbo kaya sinundan ko sya, kaso Hindi ko na naabutan.
Damn!!
-
Noong hapon na, nakita ko si Ayisha iyak ng iyak. Hindi ko na Kasi sya nakita sa academy. Kami pa Lang ni Ayisha dito sa Bahay. Kasi, nauna kong umuwi. Hindi na nga ako nakapagpaalam Kay hubby.
Pero, nakasalubong ko kanina si Ash paalis dito sa Bahay, Mukang alam din ni Ash. Umalis Lang si Ash para bumalik sa academy at gusto sugudin si Louie. Sinabihan ko sya na wag Gawin yun Dahil ayaw kong pangunahan si Ayisha. Nakinig naman si Ash. Pero, bumalik pa din sya sa academy Dahil kailangan sya doon.
"Ayisha..." Lumapit ako sa kanya, yung mata Nya kulay pula nanaman. Saka ko napansin yung tattoo Nya, shit! Nadadagdagan! Nagkaroon ito ng isang guhit na parang vines na gumagapang.
"Umalis ka!!" Sigaw saakin ni Ayisha. Ang gulo ng buhok Nya, saka yung damit Nya Medyo loose na din, kaya nakita ko yung tattoo Nya.
"Ayisha. Please..." Umiiyak na din ako. Ramdam ko yung sakit. Alam ko nahihirapan si Ayisha Ngayon.
"No! Leave me alone!" Sigaw Nya ulit saakin. Nagitla ako ng bigla Syang magwala at inihagis Nya ang gusto nyang ihagis.
Wala akong magawa. Iyak ako ng iyak. Habang nakikita ko kung gaano nasasaktan yung bestfriend ko. Nilapitan ko sya at ginamitan ng pampatulog gamit ang nakakasilaw na ilaw.
Noong makatulog sya, nilapitan ko sya at niyakap. Saka ako humagulgol ng iyak. Ako ang nasasaktan sa nangyayari. Ano bang ginawa ni Louie?! Bakit Nya sinaktan ng ganito ang bestfriend ko?! Hayop sya!
*
Wednesday.
Ang kapal ng muka ng p*ta! Dito pa din natulog si Louie at Fiona! Grabe! Ang lakas ng loob! Gustong gusto ko silang sampalin at palayasin. Pero, Hindi ko magawa. Dahil si Ayisha. Hiniling Nya saakin na wag ko silang paki-alaman.
Lumayo si Ayisha saakin-saamin. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya buong Araw. Bother na bother na ako. Hindi Kasi sya umattend ng training or class.
"Wife? Anything wrong?" Tanong ni Hubby.
Umiling ako. Hahayaan ko na si Ayisha ang magsabi sa kanila. Ayoko Syang pang unahan. Pero, naiiyak nanaman ako. Lalong lalo na pag-naalala ko yung nangyari kahapon yung pagwawala Nya.
Ayisha's broken.
Samantalang ako, wala akong nagawa kundi manuod. Wala akong nagawa kundi yakapin at damayan sya, wala akong magawa. Grabe yung sakit na dinanas Nya. Sobrang sakit na maging ako apektado ng sobra.
Wednesday. The day that everything is broken. Ayisha's hardest day.
-
Noong gabi Hindi ko makausap si Ayisha pero, Hindi naman sya nagwawala. At noong gabi, Hindi na umuwi dito si Fiona at Louie, naipinagtaka nila. Pero nanatili akong tahimik, para Kay Ayisha.
*
Thursday.
Nawala si Ayisha.
Nang Dahil nawala si Ayisha, napilitan akong sabihin sa kanila yung nangyari. Muntik ng sugudin ni Kyle si Louie lalong lalo na nung nakita Nya si Louie at Fiona na magkasama. Mga hayop!
Pinigilan ko sila. "Please. Wag Kyle. Hanapin Muna natin si Ayisha." Sabi ko Kay Kyle. Buti na Lang pinigilan Nya yung sarili Nya,
Hinanap namin si Ayisha, til we find her, sa enchanted forest. Parang Hindi sya si Ayisha. Nagwawala sya doon.
Pinapatumba Nya yung puno kada na madadaanan Nya. Tapos, ang nakakatakot pa she's using her power kaya nagkakaroon ng shock waves. Nagwawala sya ng todo.
Pinigilan namin sya, pero, maging kami muntik Nya ng masugatan. Muntik Nya na kaming masaktan. Pero nakita ko na Lang na nahimatay sya.
Saka namin sya dinala sa Bahay. Napaiyak na Lang ako seeing her like that sobrang sakit yung dinulot ni Louie sa kanya. Sobra.
*
Friday. (Ngayon)
Nawawala nanaman si Ayisha.
Hanggang sa natagpuan namin si Ayisha sa Bahay ko. Ang gulo nung Bahay, mukang nagwala nanaman sya. Hayop na Louie na yan! Pagbabayaran ny ang ginawa Nya sa bestfriend ko!
"Charlene Vien. Please take care of her. Ginamitan ko sya ng pampakalma. Hindi sya magwawala pagkagising Nya." I said. Tumango naman yung dalwa.
"Ash. Please take care of her," sabi ko Kay Ash. Tumango naman si Ash.
Sumama saakin si Kyle para puntahan ang hayop!
Galit na galit din si Kyle ramdam ko yun. Huminga ako ng malalim at tumingala para pigilan ang Luha ko. Ako ang nasasaktan pag nakikita ko si Ayisha na miserable.
"Tara na." Sabi ko Kay Kyle. Sumakay kami ni Kyle sa iisang pegasus. Mabilis naman kaming nakarating doon. Sa Bahay ni Louie.
Pagkadating doon. Nagitla ako sa dinatnan ko.
Si Louie at si Fiona magkayakap. Susugudin ko na sana sya kaso naunahan ako ni hubby. Agad nyang tinulak si Louie at sinuntok.
"Kyle!" Sigaw ni Fiona. Ako ang lumapit sa kanya at sinampal sya nag pagkalakas lakas. Napa-upo sya Dahil sa lakas ng sampal ko sakanya.
"Kulang pa Sayo yan! Ahas ka! Malandi! Impokrita!" Sigaw ko Kay Fiona.
"Wag mo pagsalitaan ng ganyan si Fiona!" Rinig kong sigaw ni Louie. Naka-upo sya sa sahig Ngayon Dahil sa suntok ni Kyle sa kanya.
"At kakampihan mo pa talaga 'yang babaeng yan?! P*ta! Magsama kayo! Ang lalandi nyo!" Sigaw ko sakanila. Then a tear fell down.
Tumayo si Louie sa pagkaka-upo at pinunasan ang dumudugo nyang Labi Dahil sa suntok ni Kyle.
He smiled na lalong kong kinagalit. Sinugod ko sya at pinaghahampas sa dibdib. "Hayop ka! Anong karapatan mong saktan ang bestfriend ko! Damn you! Louie! Ganun ganun mo na Lang ba itatapon yung relasyon nyo Dahil jan sa babaeng yan ha?! Dahil jan Kay Fiona na yan ha?! P*tangna nyo! Mga hayop kayo! Lalong lalo ka na! Pinagkatiwala ko Sayo bestfriend ko Dahil akala ko! mahal mo sya! Pero akala ko Lang pala yun! Hayop ka! Anong nangyari Sayo?! Fck you Louie! Fck you! Cursed you to hell! Wala kang karapatan saktan si Ayisha! Wala!" Sigaw ko sa kanya habang naiyak.
Naramdaman ko naman na hinigit ako ni Kyle. Tapos sinuntok Nya nanaman si Louie.
"Hayop ka pare!! Anong ginawa mo?! Ang gago mo! Tangna mo!" Sigaw ni Kyle. Tumawa naman ng mahina si Louie na lalo kong kinainis.
Naiinis ako Kasi, wala manlang Syang ipinapakitang emosyon.
Naiinis ako Kasi, parang balewala Lang sa kanya ang Lahat.
Naiinis ako Kasi, ganun Nya Lang kadali ipinalit si Ayisha Kay Fiona.
Naiinis ako Kasi, ang gago Nya para iwan si Ayisha.
Naiinis ako Kasi, putapete! Ayaw kong nakikita si Ayisha na nagwawala, umiiyak ng Dahil sa kanya. Hayop sya!
"Gago ka Louie! Wag na wag kang magpapakita saamin! Tandaan mo yan! Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya, sabay bigay ng isang malakas na sampal.
Advertisement
- In Serial50 Chapters
Spirit Realm
https://www.wuxiaworld.com/novel/spirit-realmThis novel is not mine nor translated by me. For offline reading purposes only. All credits and acknowledgements goes to the author and the translator(s).Official Synopsis: Thirty thousand years ago, the Heaven Fighting Race who called themselves "Gods" invaded Spirit Realm. Hundreds of races rose up in resistance, but ultimately suffered a crushing defeat. The human race was the first to concede, and the rest of the Hundred Races soon followed in succession.During the subsequent ten thousand years, all of the races were enslaved by the Heaven Fighting Race. They were cruelly treated, and lived beneath the shadow of terror.The Heaven Fighting Race's march of conquest did not stop there. With Spirit Realm as the starting point, they invaded other secret dimensions, and spread war to all corners of existence. After greatly exhausting their combat strength, they were finally defeated by the Hundred Races who took advantage of this opportunity. With no other choice, they fled to the starry skies outside the realm.Thirty thousand years later, in an era where the Heaven Fighting Race has already faded to become ancient legend, an amnesiac youth possessing the Heaven Fighting Race's bloodline is being fostered in an insignificant household. Whilst struggling to live on, he silently awaits the day of the bloodline's awakening.SR Team: alyschu, Craxuan, wyhcwe, Nabuch
8 199 - In Serial17 Chapters
Trap and Fade: The Worst Fantasy
Light blinds the man. Dark dreads the man. His confusing existence reached from apathy to unexpected fate. Aoki Sasaki is the one who suffered for this. He bears from nothing to something. He who struggles is the one who stumbles from nothing. He craves satisfaction to cure his apathy. ----------------------------------------- This is the story of the boy named Aoki Sasaki who was sent to the world which he stumbled to be prejudiced as "The Greatest Threat throughout this world" although it gave him no clue as of—why? Even if fate offers him to create his own peace, what will be the result of the world? Follow his journey to ignore these circumstances before someone will chase and hunt him down.
8 89 - In Serial115 Chapters
This Game We Call Life
My name is Jack, I am a martial artist who spent most of his life on a mountain. But for the past two years I have been at a public school. Why? So I can learn more about the life most people lead, and it is BORING. Luckily I have some other fun things to do for entertainment. Well, none of that matters now because….. I took elements from other series in this genera, like re:monster and change:new world, but the story itself is mine. suggestions are always welcome if anyone finds a grammatical mistake or a mistake with a table please point it out in the comments so i can fix it, thank you.
8 369 - In Serial33 Chapters
ZDMN - Arjun - MDKD Drabble Book
This book contains drabbles on different shows of Shaleen Malhotra plus drabbles based on my different booksCover credits: @_Anusha_69
8 186 - In Serial76 Chapters
Reactions to DR Ships
I decided to join the bandwagon and to my own one. I have no life. cri. SPOILERS FOR V3
8 194 - In Serial12 Chapters
ɢᴏɴɴᴀ ʟᴏᴠᴇ ᴍᴇ
"𝘼𝙣𝙙 𝙤𝙝, 𝙮𝙤𝙪'𝙧𝙚 𝙜𝙤𝙣𝙣𝙖 𝙡𝙤𝙫𝙚 𝙢𝙚 𝙔𝙤𝙪'𝙧𝙚 𝙜𝙤𝙣𝙣𝙖 𝙬𝙖𝙣𝙣𝙖 𝙝𝙪𝙜 𝙢𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙨𝙦𝙪𝙚𝙚𝙯𝙚 𝙢𝙚"- 𝗧𝗲𝘆𝗮𝗻𝗮 𝗧𝗮𝘆𝗹𝗼𝗿
8 164

