《My Enchanted Tale》Charm 50 ❀ Fairies

Advertisement

Pumasok na kami sa loob ni Louie. Nakita namin si Bella at Kyle magkatabi sa sofa, habang tahimik na nanunuod. Si Charlene at Vien naman naka-upo sa carpeted na sahig at kumakain ng popcorn, samantalang si Ash at Fiona tahimik lamang na nanunuod habang naka-upo sa sofa. Si Liah naman ganoon din, tahimik na nanunuod.

"Kuya!" Biglang sigaw ni Liah kaya napatingin silang lahat sa amin.

"Nandyan na pala kayo? Movie marathon tayo!" Excited na sabi ni Charlene, umupo naman kami. Katabi ko si Liah, she clung her arms to me. Sakto namang nakatingin si Fiona dito, kaya nakita kong inirapan siya ni Liah.

"Masters!" Napangiti ako sa mga tumawag sa amin. Ang mga fairies namin! Nakakatuwa, okay na din si Sapphire noong naging okay na din ako. Masaya nila kaming pinalibutan.

"Master Bella!" Tili ng napaka-makulit na si Emerald at saka masayang tumalon talon sa harapan niya. Nakakatuwa tuloy silang tingnan, halata mong close na close.

"Master Ayisha." Tawag naman sa akin ni Sapphire at saka nakipag-apir sa akin. Pagkatapos ay nag-giggle pa. Mukhang masaya ang naging adventure ng mga fairies na ito, dahil hanggang dito dala-dala pa din nila ang kasiyahan.

"Master Kyle!" Lumapit naman ang isang lalaking fairy na nakasuot ng kulay Blue kay Kyle. Si Onyx, ang gwapo nung fairy ni Kyle, ang lakas ng dating.

"Master Vien!" Masayang bati naman ni Pearl sa master niya. Napangiti naman si Vien dahil doon.

"Master Charlene!" Agad inikutan ni Garnet si Charlene at parang may masayang ibinulong dito, kaya naman natawa na lamang ng marahan si Charlene. Ang cute tingnan noong mga fairies habang nakikipag-usap sa kaniya kaniyang masters nila.

"Master Louie." Napalingon naman ako noong marinig ko ang may pagkamalagong at matikas na maliit na boses ni Jasper. Nakipag-apir lamang din siya kay Louie. Mukang good vibes na good vibes ang mga ito.

"Master Fiona!" Sigaw ng isang fairy na kulay silver. Kaso hindi ko siya naintindihan dahil tanging tunog lamang ng bell ang narinig ko. Mukhang ito ang fairy ni Fiona dahil doon ito lumapit at ngumiti.

"Master Ayisha, siya si Beryl, master niya si Fiona. Her power is ice!" Masayang sabi sa akin ni Sapphire. Kaya naman napatango ako. Ice pala ang kapangyarihan ni Fiona, contradicting power ng fire.

"Waaa! Master Bella alam mo ba, alam mo ba? Ang saya nung adventure namin. Kung saan-saan kami pumunta at ang saya-saya talaga. Ang daming magagandang places at iba pa!" Lakas makatili ni Emerald. Tumawa naman kaming dalawa ni Bella sa pinagsasabi ni Emerald.

Napatingin naman ako sa iba, nakakunot noo sila. Oo nga pala, kami lang ni Bella ang kayang makaintindi kay Emerald.

"Other fairies, translate niyo na lang ang sinabi ni Emerald." Sabi ko, na agad naman nilang sinunod. Naintindihan ko sila maliban kay Beryl. Nakipaglaro yung fairies sa amin. Ang kulit kulit nila, gabi na pero hindi pa din nauubusan ng mga kalokohan.

"Alam niyo matulog na kayo, hindi ba kayo napagod sa adventure niyo?" Tanong ni Bella sa kanila, subalit sabay sabay silang umiling at nag-salita. Hindi ko tuloy maintindihan dahil sa katinisan ng boses nila. Ang gulo.

"Ayaw pa namin." Nakasimangot na sabi sa akin ni Sapphire.

"No. Matulog na kayo, please. Pagod din kami, ang dami nangyari ngayong araw siguro pwede namang matulog na tayo, hindi ba?" Inaantok na suggest ko. Napahikab na din ako dahil mukhang tinablan na ako ng antok at pagod.

"Japer and Sapphire, convince them. Antok na si Ryleen." Mahinanong pahayag ni Louie at saka niya ako inakbayan. At hinalikan sa hilid ng noo. "You should sleep." Mahinang bulong pa niya.

Advertisement

Umakyat na kami ni Louie papunta sa kwarto kung saan kami natutulog ni Bella, habang mukhang kinukumbinsi pa noong iba na mag-si-tulog na dahil gabi na rin naman at may pasok pa bukas.

Hinatid ako ni Louie sa labas ng kwarto at saka siya nag-paalam. Noong makapasok ako sa kwarto hindi ko mapigilan hindi mapangiti. Ang saya lamang ng pakiramdam ko ngayon, sana hindi na ito matapos.

Humiga na ako sa kama at unti-unting nilamon ng antok.

* * *

"Do you still love Fiona?"

"Yes."

"No, hindi pwede! Aaaah!" Sigaw ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa mukha ko at noong magising ako sa nakakatakot na panaginip na iyon. Napa-upo agad ako mula sa pagkakahiga at hindi ko alintana na basa ko, dahil mas nangingibabaw sa akin ng mabilis na tibok ng puso dahil sa kaba.

"Do you still love Fiona?"

"Yes."

Pag-eecho muli sa akin ng mga salita na mula sa panaginip ko. A-Ano? Mahal pa din ni Louie si Fiona? Agad kong pinilig ang ulo ko dahil sa iniisip ko. Hindi, bakit naman mahal pa niya si Fiona? Panaginip lang iyon. At saka ang sabi naman kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa katotohanan. Tama, iyon nga iyon.

"Master Ayisha!" Napitlag ako noong may maliit na boses ang sumigaw sa tainga ko. Napahawak tuloy ako doon. Ang sakit sa tainga noong tili.

"Sapphire." Saway ko sa kaniya. Mukhang siya din ang may gawa kung bakit basa ako ngayon. Psh. Mang-gigising lamang aba't kailangan pa ba akong basain? Kakaiba din talaga mag-isip itong fairy na ito. Tch.

"Ayaw mo kasing magising master! Ginamitan tuloy kita ng power ng water!" Mabilis na pagdadahilan niya, at saka nag-pout. I snorted. Oo na, cute na siya pero hindi na niya ako kailangan gamitan ng charm niya.

"Master! 7:30 am na! May pasooook kayooo!" Sigaw niya sa akin. Nyii. Tinis ng boses niya. Tinakpan ko na nang tuluyan ang tainga ko dahil doon at saka naglakad papunta sa banyo. Impatient naman nitong si Sapphire, tirisin ko siya, makita niya.

Naligo na ako, at habang naliligo hindi ko maiwasan hindi isipin iyong panaginip. Paano kaya kung malaman ni Louie ang reason ni Fiona, kung bakit nagawa niya iyon, patatawarin ba siya ni Louie? Magkakabalikan ba sila?

Ipinikit ko na lamang ng madiin ang mga mata ko. Nag-o-overthink nanaman ako.

Matapos kong maligo, nag-ayos na ako nang sarili. Medyo natagalan iyon, dahil kahit papaano gusto kong maging presentable dahil matapos ang halos ilang araw ngayon lamang ulit ako tatapak sa school. At pagkaka-alam ko may ilang charmers na nakaka-alam na patay na ako, kaya naman ayoko na makita nila ako na mukhang bangkay, at saka girlfriend na ako ni Louie, ayoko naman na maliitin nila ako.

Simula ngayon, dapat kaya ko na ipagtanggol ang sarili ko at dapat mas maging matatag na ako. Napahinga ako ng malalim at lumabas ng kwarto patungo sa living room ng bahay ni Kyle.

Walang tao sa living room kaya naman tumungo ako sa kusina at doon ko sila nakita na nag-hahanda ng pagkain. "Good morning!" Masayang bati sa akin ni Charlene, kaya naman binati ko din siya at nginitian.

"Babes." Salubong naman sa akin ni Louie sabay kiss sa cheeks ko. Ngumiti naman ako sa kaniya. Naalala ko na naman tuloy iyong bad dream ko. Aish! Dapat mawala iyon sa isip ko! Mahal ako ni Louie, dapat hindi ako nag-dududa doon dahil wala naman iyong magagawa na maganda.

"Woo wee." Tawag ko sa kaniya, he glared at me. Kaya naman natawa ako ng marahan doon. Alam ko kasing naasar siya kapag tinatawag ko siya noon minsan dahil nga pang-utal. Kasalanan mo bang mali ang dinig ko noon? Choo-wee nga ang unang dinig ko noon.

Advertisement

"Ayaw mo? Kapag Chu-wee kaya?" Natatawang pang-aasar ko sa kaniya.

"Ryleen." He warned with his oh-so-famous-masamang-tingin. Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso dahil doon. Basta talaga ako ang namimikon sa kaniya napaka-bilis nitong mawala sa mood. Pero, sure naman nababawi ito mamaya ng pang-aasar.

"Joke lang, bakit? Mr. Stanford ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagtatataas baba ang dalawang kilay. Ngumisi naman siya dahil sa sinabi ko.

"Ang maging Mrs. Stanford ka." He retorted candidly.

"Boom!" Sabay tuloy kaming napalingon noong bigla na lamang may sumigaw sa kanila. Si Charlene pala na tatawa tawa. Hindi lamang si Charlene, lahat sila maliban kay Fiona tumatawa dahil sa kalokohang sagot ni Louie sa tanong ko kanina.

"Ang umagang-umaga ang dami ng langgam." Natatawang saad ni Vien.

"Nakakabitter dito, kuya at ate." Pang-loloko naman ni Liah, kaya naman natawa na lamang kami ni Louie. Inalalayan pa niya akong umupo sa upuan, dahil kakain na kami ng umagahan. Lihim din akong napangiti sa simpleng gesture na iyon ni Louie. May pagka-gentle man din pala ang isang ito.

"Mabuti pa sila, may partners na." Charlene said bitterly.

"Kaya nga. Tayo kaya, Charlene kailan?" Segunda naman ni Vien.

"Nako, mga ate, nga nga tayong tatlo dito. Si ate Bella at kuya Kyle happily married. Si ate Ayisha at kuya Louie, wagas ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend... And ehem, iyong crush ko po dito, na si Mr. Time Manipulator, laging nakadikit kay... hmmm... Fiona." Liah stated, as she giggled.

"May crush ka kay Ash?" Agad naman na banggit ni Louie sa seryosong tono.

"Joke lang, kuya! Ang high blood mo. Tsk. Niloloko ko lang naman, kasi you know, may partners kayo, kami wala. Mamaya sa school hahanap ako, huwag kang mag-alala." She kidded. So we laughed heartily.

"Tss." Tanging reaksyon ni Loie mukhang seseryosohin pa iyong biro ni Liah. Overprotective nga ito sa kapatid niya. Ang cute tuloy sa paningin ko.

"Mabuti pa ang aking foods. Mahal na mahal ako." Napatawa naman kami sa sinabi ni Charlene. "Hinding hindi ako sasaktan nito, bubusugin pa lagi ako." Dugtong pa niya.

"I agree, Cha." Natatawang tungon naman ni Vien, kaya't nag-apir iyong mag-bestfriend. Pagkatapos noon, tahimik na lamang kaming kumain, kahit may paunti-unti kaming kwentuhan, tungkol sa mga kung ano anong bagay.

* * *

Pagkatapos namin kumain, sumakay na kami sa bus. Nakangiti lang ako habang dinadama ang hangin sa bus. Wala nang epekto sa akin yung bus, na dati-rati sinisigawan ko ng todo.

Pagkadating namin sa academy. Ako agad ang usap-usapan. Rinig na rinig ko agad pagkamangha nila pati na din ang pagkagulat sa mukha ng iba. Siguro ito iyong nakaka-alam na patay na ako, subalit hindi naman talaga.

"Ang elemental guardian!" Sigaw ng isa, kaya nagkaroon ng sunod-sunod na bulong-bulungan, at chismisan.

"Buhay nga siya."

"Grabe! Tagal niyang nawala."

"Omygosh! She is really alive!"

Iyan ang karamihang naririnig ko. Naramdaman kong hinawakan ni Louie iyong kamay ko, saka kami pumasok sa gate. Pagkapasok doon,mtuwang tuwa ang mga fairy sa nakita nila, samantalang ako naman ay natigilan sa pagka-mangha.

"Wow!" Sigaw nung mga fairies namin.

"Ano ito? Fiesta?" Tanong ko naman, habang nakatingin pa din sa sumalubong sa amin dito sa sa harap ng school. Natutuwa kasi ako sa nakikita ko.

"Hindi. Hindi. Peryahan iyan." Agad napabaling ang atensyon ko sa biglanh namilosopo sa akin. Wlang iba kung hindi ang napaka-galing kong fairy na si Sapphire.

"Naku, ikaw na fairy ka, tirisin kita dyan, makita mo." I said at saka ako nagbanta gamit ang daliri ko, subalit hindi man lamang natinag ang fairy na ito. Bagkus tinawanan pa ako gamit ang maliit niyang boses.

"Kaya mo, Master?" Pang-aasar niya.

"Oo kaya ko." I said as I glared at her, at nag-panggal na huhulihin ko siya, kaya naman agad siyng nag-tago sa likod ni Louie habang sumisilip silip pa sa akin.

"Joke lang master, ikaw naman!" Masayang sambit niya at saka lumipad lipad, natawa na lamang ako ng marahan doon. Napansin ko naman iyong si Emerald, may kalandian sa isang tabi. Ang landi talaga nitong si Emerald, nilalantod si Onyx.

"Pero, Emerald. Ang ganda mo." Pambobola ni Onyx. Hindi ko mapigilan hindi mapatawa ng palihim doon. Nakita ko naman ang questioning look ni Louie dahil sa pagtawa ko ng mahina, kaya naman tinuro ko sa kaniya si Emerald at Onyx. Napangisi na lamang siya.

"Lakas mambola. Psh." Sabi ni Emerald, pero makikita mo sa maliliit na pisngi nya na nagblu-blush siya, kaya nagtago siya sa likod ni Bella. Habang si Bella at Kyle tinawanan lang iyong dalawa.

Ang naintindihan lang naman ni Bella ay si Emerald tapos si Onyx kay Kyle. Ako lang ang nakakaintindi parehas sa kanila.

"Emerald! Ang landi mo." Pang-aasar ko kaniya sabay tawa.

"Yishaaaaaaa!" Sigaw ng cute na fairy saka lapit sa akin, "Ouch!" Napahawak tuloy ako sa tungki ng ilong ko dahil ang lakas ng pagkakabangga sa akin ni Emerald doon, mapikon ata sa pang-aasar ko.

"Anong meron sa inyo ni Onyx ah?" Tuloy ko sa panloloko sa kanila. Lumapit na din sa amin si Onyx.

"Nililigawan ko siya." Diretsong sabi ni Onyx.

"Wahahahahahha!" Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa. Medyo napatakip ako ng bibig, madami na palang napatingin sa akin. Paano ba naman, tumawa akong mag-isa. Sorry naman. Hindi ko naman sinasadya, hindi ko lang na-take iyong napaka-prankang sagot ni Onyx, na dahilan kaya nag-blush si Emerald.

"Ikaw ha, Emerald! Ano yan, alam ni Bella yan?" Tanong ko kay Emerald subalit agad siyang umiling iling. "Shhh. Huwag kang maingay Yisha!" Sabi pa niya, habang nakatakip ang maliliit na kamay sa pisngi.

Lalo akong natuwa dahil sa sagot niya. "Bella! Iyong fairy mo, lumalandi!" Sigaw ko. Nanlaki ang mga mata ni Bella at Emerald sa sinabi ko.napapaghalataan na mag-amo nga sila. Habang si Sapphire, napansin kong humahagikhik dito sa balikat ko. Yan, tama yan. Mag-amo din kami. Malakas ang trip parehas.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella.

"Yisha!" Saway naman sa akin ni Emerald, kaya't dinilaan ko siya.

"Si Emerald! May malanding ugnayan kay Onyx." Pag-sasabi ko sa kanila, kaya naman nagkatawanan kaming kaming lahat. Samantalang si Onyx at Emerald nagtago sa likod ng masters nioa mukhang hiyang hiya dahil sa sinabi ko.

"Kung kailan pa duma-moves si Onyx. Mag-asawa na nga mga masters nila." Natatawang sabi ni Charlene. Medyo pabulong iying mag-asawa kasi lihim pa din naman iyong naganap na kasal at saka baka maging usap-usapan lamang dito iyon.

Nagkulitan pa kami, with the fairies habang naglalakad papunta sa klase namin. Magkakaklase naman kaming lahat sa klase na pupuntahan namin. Maliban lang kay Liah, na sa ibang klase siya dahil mas bata siya sa amin, at iba ang level niya.

Nasa isang helera kami sa likod ng classroom. Katabi ko si Louie sa kanan at sa kaliwa naman si Bella. Iyong mga kaklase naman namin, hindi mapigilan na hindi mapalingon dito sa likudan. Sino ba naman kasing hindi titingin?

Prince of Fire circle land, princess of air heaven land, princess of enchanted land, the powerful charmer of the element---light, water and earth, a mysterious time manipulator and me, as the elemental guardian. Nagsama-sama lang naman kami, kaya hindi maiiwasan ang pagtitinginan sa amin.

Tuwang tuwa sila na kaklase namin sila, at bulungan sila ng bulungan, kaso natigil iyon noong biglangdumating iyong erudite at nag-discuss ng subject niya.

Matapos ang maunting discussion niya na may pagka-boring bigla niyang sinabi na may announcement siya.

"Our Annual Academy's Festival will start on the next day. And on the second night, it's the Annual Masquarade Ball." Pahayag noong teacher na mukhang kina-excite nang lahat. Ang dami agad nilang mga murmurs para sa gaganaping piging.

"Louie, ano iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Gawain iyan dito school. Annual Festival ng academy, kaya may mga designs dyan kanina ibig sabihin ay start na ng festival ng academy. Sa susunod na araw pa naman kaya gagawa pa ng mga booths." Paliwanag niya kaya naman napatango ako. Iyon pala ang explanation noong mga nakita kong kanina na parang pang-amusement park at fiesta.

Matapos yung klase, lumabas na kami. Wala na daw klase, para makapag-prepare na sa mga booths.

Tumakas kami ni Louie sa booth namin. Madami na naman sila doon, kayang kaya na nila iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-excite sa magaganap sa mga susunod na araw. Sana maging masaya iyong annual celebration pati na din iyong masquerade ball.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click