《My Enchanted Tale》Charm 49 ❀ Liahnna and Fiona
Advertisement
Naging estatwa na ata ako dito noong unti-unting mag-sink sa akin ang kalokohang ginawa ko. Say what? Naging kami ni Louie dahil sa padalos dalos na kilos ko, ang malala naging girlfriend niya ako instantly. Walang ligaw ligaw, at ako pa ang loka lokang may kasalanan. Aish.
Hiyang hiya tuloy akong harapin iyong nakababatang kapatid ni Louie. Goodness, tinuring ko siya na akala mo'y kabit or something pero ang totoo naman pala talaga, wala akong laban sa kaniya dahil kapatid siya, kadugo. Siyempre blood is thicker than water.
"Ayisha!" Tawag sa akin ni Bella subalit hindi ko siya pinansin.
"Miss na girlfriend ni kuya." Napapikit naman ako ng mariin noong marinig ko ang boses ni Liahnna o noong kapatid ni Louie. Nakakahiya talaga ako, parang wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya.
"Ryleen." Halos mapatalon ako sa gulat noong marinig ko ang boses ni Louie. Dahil wala na akong choice, itinaas ko ang ulo ko ng unti-unti at nakita ko ang mukha ni Bella at Liahnna na nakangiti at mukhang natatawa pa din.
"A-Ano, sorry, sorry, sorry, sorry, sorry talaga Liahnna, hindi ko kasi alam. Aish. Nakakahiya ako. Okay lang kung hindi mo ako patawadin alam ko naman na talagang kalokohan iyong ginawa ko, pero sorry talaga---" Hindi ko na tapos iyong sinasabi ko noong putulin iyon ni Liahnna sa pamamagitan ng pagtawa.
"Ate, you are really hilarious." Natatawang pahayag nito. "Also, don't say sorry to me. I really like you na." Dugtong pa nito na nakapagpataas ng kilay ko. Mag-rereact pa lamang sana ako kaso sinunggaban niya ako ng yakap.
"T-Teka teka, nalilito pa talaga ako. Magkapatid kayo? Paano?" Tanong ko.
"Syempre, babes." Natigilan ako noong tawagin ako ni Louie na babes, parang inatake ako ng sang-daang libong kuryente. Ang lakas ng epekto, aish. "Iisa kami ng tatay at nanay." Agad naman akong napa-poker face dahil sa sinagot ni Louie. Napaka-tino talaga nitong sumagot minsan.
"S-Saka, joke lang iyong ginawa ko kanina, joke lang." Pilit na sabi ko kasabay ang pekeng ngiti. Akala ko kakagatin nila iyon, subalit tiningnan lamang ako ni Louie ng seryoso, kaya naman medyo kinabahan ako.
"Tss." Banggit pa niya.
"Hala? Galit ka, osige wala ng bawian." Nanlaki ata ang sarili kong mga mata noong ako ang nag-sabi noon. Like what the heck? Ano ba itong pinagsasabi ko? Aish! Ang gulo gulo ko talaga. Nababaliw na ata ako.
Natawa naman lalo si Bella at Liahnna doon.
"Wala talagang bawian. Tss." Pahayag ni Louie na kalmado pero ang ekspresyon sa mukha seryoso. Wala na talaga akong kawala sa gulong ginawa ko. Argh.
"Mabuti pa umupo tayo doon. Hindi iyong nakatayo tayo dito." Suggest ni Bella at saka niya tinuro iyong mga parasol na mayroong mga table at chairs. Walang imik imik dumiretso kaming lahat doon.
Noong makaupo kaming lahat. "So, ano nga? Magkapatid kayo? Bakit hindi ko alam?" Tanong ko kay Louie.
"Bakit tinanong mo ba kung may kapatid ako?" Pilosopong sagot niya. Napataas naman ang isang sulok ng labi ko dahil sa asar. Sabi ko nga, kaoag nagaasaran kami ganito siya sumagot.
"Ah ganoon? Sige babawiin ko na--"
"You can't. Hindi pwede. Hindi ko hahayaan." Maangas na tugon niya, kaya naman napa-zip ako ng bibig.
"Liah is my younger sister. Hindi ko siya nababanggit dahil masyado siyang spoiled sa akin at hindi mo naman tinatanong. Makulit siya, sobra. Kapag kinuwento o binanggit ko siya sayo, at nakita mo siya at nagkataon pa na nakilala mo siya? Magyayabang iyan." Paliwanag ni Louie. Napa-'Ahhh' naman ako doon. Parehas din palang mayabang ang magkapatid na ito.
Advertisement
"Hindi kaya!" Biglaang imik ni Liahnna. "Sinisiraan mo ko kuya. Ang sama mo talaga!. Hindi, ate Ayisha kaya ayaw akong ipakilala nyan sayo dahil hindi niya naman talaga ako ganoong pinakikilala, saka galit iyan sa akin kaya ganoon. Kababati lang naman kasi talaga namin kanina." Saad niya pagkatapos medyo lumungkot ang muka niya.
"Bakit naman galit sayo itong si Louie?" Curious na tanong ko.
"Kasi daw ang kulit kulit ko. Tapos, ako ang may gawa kung bakit naghiwalay sila ni Fiona." Nagulat ako sa sinabi ni Liah, para akong na caught off guard noon, para kasing may tumarak sa puso ko.
"Liah!" Saway ni Louie.
Fiona na naman. Kaya pa pala sila nagkagalit ay dahil sa kaniya, talagang importante si Fiona sa kaniya dati dahil parang ang lakas lakas ng epekto nito sa kaniya hanggang ngayon.
"Ipapakilala sana kita mamaya kay Liah, naunahan mo lamang naman ako. Gayunpaman, okay na din naging akin ka naman." Nakangising saad ni Louie kaya naman napa-irap ako, ang lakas mag-change topis. Psh.
"Ikaw Bella, bakit hindi mo manlang ako nawarningan?" Tuon ko naman ng pansin kay Bella. Kasi sa tagal nilang magkakaibigan nina Louie, dapat kilala nito ang kapatid ng lalaking ito.
"Hindi ko namukaan si Liah, ang laki kasi ng ginanda niya ngayon. Nakita ko na siya dati isang beses lang, noong unang punta nya dito sa Enchanted Land, ang alam ko kasi nakatira si Liah, sa parents nila ni Louie sa Fire Circle land. At saka madalang lang talaga banggitin ni Louie na may kapatid siya." Paliwanag niya. Kaya pala... That explains everything, kaya din siguro sweet na sweet iyong magkapatid dahil ngayon lang ulit sila nagkita, at sabi nga ni Liah kanina kababati lamang nila.
Napatango tango naman ako. "Kaya pala sobrang sweet niyo kanina." Nakangiting banggit ko.
"Ngayon ko lang kasi siya nakabonding ulit Ryleen, kapatid ko iyan, little sister kaya namiss ko din naman iyan. Himala nga nagustuhan ka niya, samantalang noon--" Hindi na natapos ni Louie ang sasabihin niya noong magsalita si Liah.
"Kuya! Basta, Ayisha I like you, kasi alam kong mabuti siya saka mahal na mahal mo siya, tingnan mo kanina, imbis na umiyak si Ate Ayisha, pinaglaban kaniya unlike Fiona, isang gatong lang bumigay na." She spoke as she rolled her eyes.
"Patay!" Napatingin kami kay Bella nang sumigaw siya ng biglaan.
"Bakit?" Tanong ko.
"Mag-gagabi na Ayisha! Magba-bake pa ko para kay Hubby! Dali samahan mo na ako!" Nagmamadaling banggit niya at saka ako hinigit.
Sumunod naman agad si Liah at Louie. Mukhang nabarino pa nga si Louie dahil hinigit ako ni Bella, narinig ko kasi ang pag-'tss' niya. Hindi din nagtagal nakarating kami sa isang parang supermarket dito.
"Ganito, hiwalay na lang muna tayo, para mas mabilis, sabi ni Kyle sa akin dun na daw muna tayong lahat sa bahay niya. Kaso, wala ng pagkain, kaya bumili na tayo para maraming stocks, si Hubby kasi pinatawag sa palasyo kaya hindi niya ako nasamahan, balak ko din sanag mag-bake para sa kanya mamaya." Sabi sa amin ni Bella, kaya naman tumango kami. Buhay may asawa nga naman. Busy.
Matapos sabihin iyon ni Bella, hinigit na lamang ako ni Louie paalis kay Liah at Bella. "Hoy, kay Bella ako sasama." Banggit ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako ng masama doon at saka niya pinag-intertwined iyong kamay namin.
"Tss." Asar na imik pa niya. Natawa tuloy ako ng palihim dahil doon. Nag-bibiro lang naman ako, masyado talagang pikon ito.
Kumuha kami ng cart at namili kami ng mga pagkain at iba pa. Habang naglalakad lakad kami hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko, everything feels right. Ang gaan at ang saya lamang sa pakiramdam.
Advertisement
Namimili ako ng brand ng isang bread noong bigla na lamang may bumunggo kay Louie. Uminom iyong babae ng bottled water niya, (pwede buksan iyon dito kahit hindi pa bayad, wala naman nakakatakas dito na hindi nagbabayad.) Mukhang sinadya pa noong babae ang nangyari. Nabitawan ko tuloy iyong tinapay at lumapit sa kanila.
"Tss." Narinig ko ang maangas na pagkakabanggit ni Louie noon at saka nag-iwas ng tingin doon sa babae at tumingin sa akin. Bakas sa muha niya ang pagka-irita. Ang bilis niya talaga mapikon.
"Sorry, sorry." Paulit ulit na wika noong babae at saka hinawakan iyong damit ni Louie na nabasa. Mukhang iyon ang agenda niya kaya niya tinapunan ng tubig si Louie. Tch, bakit ba kasi ang gwapo ng isang ito at ang daming nagkakandarapa sa kaniya?
Hinawakan ko iyong kamay noong babae. "Hindi mo kailangang gawin iyan, miss." Madiing saad ko. At saka ako gumamit ng kapangyarihan ng apoy oara patuyuin ang damit ni Louie.
Naramdaman ko naman na inakbayan niya ako dahil sa maayos na pagkontrol ko sa kapangyarihan ko. "Wala ng problema hindi ba? You can go." Nakangiting banggit ko pa doon sa babae.
"Miss, ikaw ang huwag maki-alam sa amin. Bakit ka ba bigla bigla na lamang susulpot dito?" Mataray na tanong niya. Napangisi naman ako doon, hindi pala niya kilala ang elemental guardian dahil parang hindi siya natinag sa akin.
"None of your business." Matapang na sambit ko at saka ako umalis sa harapan noong babae, at dahil naka-akbay sa akin si Louie siyempre kasama ko siyang umalis doon.
"Aish. Nakakainis iyong babae. Halatang nanadya." Inis na mahinang pagsasabi ko sa sarili ko subalit mukhang narinig iyon ni Louie dahil narinig ko ang mahinang tawa niya.
"Possessive ka na, Ryleen?" Panloloko pa niya, kaya naman siniko ko siya ngunit hindi man lamang siya nasaktan doon kahit kaunti.
"Ang tapang ng mahal ko. Lalo akong nahuhulog sa'yo." Malambing na banggit niya na dahilan ng pag-pula ng mukha ko. Ghad! Sinapian ba itong si Louie at bumanat ng ganoon?
"Tigilan mo ako. May bipolar disorder ka nanaman." Irap na imik ko sa kaniya. Imbis na mag-salita, hinawakan na lamang niya ulit ang kamay ko at saka kami nag-lakad lakad uli para makapamili pa kami ng mga kailangan sa bahay ni Kyle.
Matapos ang ilang sandali nakasalubong namin si Bella at Liah. "Tapos niyo na ba pinamili niyo? Tara na, gagabihin tayo. Liah will stay there with us." Nakangiting bigkas ni Bella. Napangiti at napatango na lamang kami ni Louie doon.
Nag-bayad na kami sa lahat ng pinamili namin at saka sumakay sa pegasus para makarating agad sa bahay. Noong makalapag ang pegasus ma sinasakyan namin, agad sinalubong ni Kyle si Bella at tinulungan sa dalahin nito.
Hindi din nakatakas sa paningin ko kung paano halikan ni Kyle si Bella sa pisngi ng pasimple ang sweet talaga ng dalawang ito.
"Sayang hindi ako nakasama, wifey." Narinig kong banggit ni Kyle kay Bella.
"Okay lang, hubby kasama ko naman sina Ayisha, Louie at saka si Liah." Nakangiting banggit ni Bella kaya naman nabaling sa amin ang tingin niya, hindi pala sa amin, mukhang kay Liah kasi siya napatitig.
"Liah!" Banggit naman ni Charlene at Vien. Ngumiti naman si Liah dahil doon.
"Hello po, mga ate at kuya. Kamusta na?" Masiglang bati ni Liah at saka lumapit sa kanila. Agad namang nakipag-apir ang barkada sa kaniya. Pagkatapos noong si Kyle na ang aapiran niya, bigla na lamang siyang niyakap ni Kyle, kaya naman nagulat ako.
"First love." Natatawang banggit pa ni Kyle. Napatingin agad ako kay Louie dahil sa inasta noong dalawa, pati na din kay Bella napa-sulyap ako na para bang nag-tatanong na 'walang halong biro, tinawag ni Kyle si Liah na first love?' Lumapit si Bella sa amin ni Louie dahil doon.
"Yes, Ayisha. Hubby's first love is Liah, kaso bawal. Walang talo talo pagdating sa kapatid." Nakangiting banggit ni Bella na parang hindi man lamang nakaramdam ng selos sa nangyari. Sabagay, alam ko naman kung gaano siya ka-bait at ka-open minded.
Humiwalay na iyong dalawa sa yakap, pagkatapos biglang nilapitan ni Kyle si Bella at inakbayan at saka dinala sa harap ni Liah. "Liah, meet my wife." Malaki ang ngiti sa mukha ni Kyle noong sabihin niya iyon. Nakaramdam ako ng kilig para kay Bella. Ang sweet.
"Wife?" Takhang tanong ni Liah. "Girlfriend?" Sunod pa na tanong niya. Agad namang umiling si Kyle.
"No, as in wife, asawa. Kinasal na kami." Paglilinaw ni Kyle kaya naman napa-awang ng labi si Liah.
"Wow, congratulations! Hindi man lamang ako inimbita sa kasal." Biro ni Liah at ngumiti ng totoo. Ang bubbly talaga ng batang ito, pero may pagka-mataray din ang dating.
"Pasensya na, Liah. Private wedding iyon, muntik na ngang hindi matuloy." Natatawang sabi ni Bella. Kaya naman nagkatawanan kaming lahat, hanggang sa nag-akit sina Charlene at Vien na pumasok na kami sa loob.
"We have also two additional visitors, besides, Liah." Vien told us. Nagtaka naman kami sa sinabi niya, pero dumiretso pa din kami at pinasa-walang bahala iyon
Pagdating namin sa living room. Nanlaki ang mata ni alouie dahil sa nakita niya. Kaya naman tiningnan ko kung sino ang nakaagaw ng pansin niya. Isang babaeng maganda at kalmado ang mukha. Parang nakita ko na ang babaeng ito. Inaalala ko kung saan at oarang nagkaroon ng bombilya iyong utak ko.
Siya iyong babae na nakita namin sa mall noon, kaya bigla na lamang nagalit o nag-iba ng mood si Louie. I-Ibig s-sabihin? Maaring ito si Fiona?
Magtatanong pa lamang sana ako kung sino siya pero may nauna ng umimik sa akin.
"Fiona." Pabulong na sabi nilouie pero nakarating sa pandinig ko. Nanigas ata ako sa kinatatayuan ko. Ito iyong babae na ayaw kong makita, na natatakot akong makita. Pinag-masdan ko siya, napaka-demure at calm niyang tingnan halatang halata mong galing sa maayos at prestihiyosong pamilya.
Pakiramdam ko bigla akong nanliit ako bigla. Bagay na bagay silang tingnan ni Louie kapag pinag-dikit mo sila. Habang nakikita ko ang presensiya niya hindi ko maiwasan magalit sa kaniya. Para namang napakabait niya pero... I hate her... I just hate her.
Maybe you can call this hate, the cause of envy, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon, siguro dahil na din alam kong minahal na siya noon ng mahal ko ngayon. Hindi naman ako perpektong tao, mararamdaman at mararamdaman ko ito.
"Ayisha." Napansin ata ni Ash na nagkaroon ng awkward silence na namamagitan sa amin, kaya naman tinawag niya ang pangalan ko.
"Ah?" Wala sa sariling tanong ko.
Hindi ko alam pero bago pa may makapag-salita sa kanilang lagat inunahan ko na. "Sa kusina lang ako, aayusin ko ito." Paliwanag ko sa kanila at saka dumiretso doon, naramdaman ko naman na sumunod sa akin, I'm not sure kung sino, hindi ko na kasi nilingon iyong sumunod.
Sinimulan ko ng ayusin iyong mga pinamili namin.
"May I help you?" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses. Si Ash. Ngumiti na lang ako sa kaniya. Akala ko pa naman si Louie iyong sumunod, si Ash pala. Okay na din naman na siya ang sumunod komportable naman ako sa kaniya.
"Ahm? Kilala mo iyong babae kanina? Bakit parang nag-iba ang atmosphere doon noong magkaharap kayo?" Tanong ni Ash. Agad naman akong napailing doon.
"Wala naman. Hindi ko siya kilala. Bakit?" Sagot ko sa kaniya He patted my head tapos ginulo niya ang buhok ko, that made me pout.
"Silly. You're not comfortable with her because of Louie, right?" Sabi pa niya. Hmp! Bilis naman nitong makiramdam. Natawa na lamang ako doon ng marahan.
"Oo na nga lang. Wala akong takas sayo." I retorted while chuckling heartily. Mabuti na din pala na siya ang pumunta dito kaysa kay Louie, at least hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness at alam pa niya ang dahilan kung bakit ako umiwas doon.
"So what's goong on, between you and Louie?" Mukhang curious na curious si Ash. Napabuntong hininga na lamang ako at inilapag ko sa lamesa iyong prutas.
"Hmm." Hindi ko maiwasan hindi mapangiti habang naiisip ko na kami na. Pero natangal din iyong ngiti na iyon noong maalala ko iyong mukha ni Fiona na nakita ko kanina.
"Why? Nakangito ka pagkatapos napasimangot ka?" Usisa ni Ash, umiling iling na lamang ako.
"So, are you dating Louie?" Muntik na akong masamid dahil sa direktang tinanong niya. Napaka-direct to the point talaga nito kahit kailan. Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya at saka ako marahang tumango.
"Oo, kaya ako ngumiti kanina, kaso napasimangot ako kasi nandito pala si Fiona." Pag-amin ko sa kaniya ng totoo. Imbis na isang ngiti ang matanggap ko mula sa kaniya, isang buntong hininga ang naging sagot niya.
"So I guess you are happy with him." Hindi ko alam kung ako lamang ba o parang ang bitter noong pagkakasabi ni Ash? Saka iyong pagbubuntong hinga niya din.
"May problema ba?" Malumanay na tanong ko.
Napahugot ng malalim na hinga si Ash at saka umiling. "Don't worry about it, Ayisha. Pabayaan mo na lamang ako. Ayokong makagulo sa inyo, pero agh, basta, hindi ko ugali na mang-sira ng relasyon... So, congratulations sa inyong dalawa. Alam ko namang mahal niyo ang isa't-isa." Kalmadong banggit niya.
Tatanungin ko pa sana siya noong may maramdaman akong presensiya na lumapit sa akin. "Oh, dude." Bati ni Ash. "Congrats pala." Dugtong pa niya. At saka kinamayan si Louie, mabuti na lamang tinggap iyon noong isa.
"Sige, kayo na lang muna dito. Lalabas lamang ako." Matamlay na banggit ni Ash, kaya naman napasunod ang tingin ko sa kaniya. Parang kanina lamang okay pa kaming nag-uusap ah, bakit biglang naging ganoon?
"Anong meron kay Ash?" I asked Louie. Tingnan niya ako sa mata at saka pinitik ang noo ko.
"Tss." Tanging imik niya at saka ako sinimulang tulungan na mag-ayos ng pinamili namin kanina. Tahimik lamang kaming dalawa, at hindi ko mawari kung komportable ba ako sa katahimikan o hindi. Hindi din kasi ako ganoong mapakali.
Imbis na kausapin si Louie, nanatili na lamang akong tahimik. Ganoon din naman siya. Hindi nagtagal natapos iyong pag-iimpis namin kaya naman napag-pasyahan kong magpahangin muna. Walang paalam akong lumabas papuntang garden.
Dinadama ko ang malamig na ihip ng hangin noong maramdaman ko na bigla na lamang may yumakap sa likod ko. Napasinghap ako ng mahina dahil doon. Subalit hindi ko tinggal ang pagkakayakap sa akin ni Louie. Tindig at hulmahan niya alam ko na.
"Let's talk." He murmured near my my bare ear. Hindi na lamang ako umimik at dinama ang pagkakayakap niya, pakiramdam ko nawala lahat ng alalahanin ko dahil sa simpleng ginawa niya.
"Are you mad?" He asked, I shook my head lightly.
"I love you, my queen." Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko dahil sa biglaang sinabi niya. Alam na alam talaga niya ang mga salitang makakapagpagaan sa pakiramdam ng babae. Tch.
"Mga pambobola mo, Louie ha." Biro ko sa kaniya, subalit narinig ko lamamg ang mahinang tawa niya na parang kumiliti sa puso ko.
Nakakatuw ana naririnig ko na iyong malayang pagtawa niya ngayon na dati hindi ko man lamang naririnig dahil tanging 'tss' lamang. Parang dati lang noong laging nakakunit ang noo niya at napapahilot na lamang sa sintido niya, samantalang ngayon ngiti at maaliwalas na mukha na ang nakikita ko. Ang bilis din ng panahon at oras.
Nanatili kaming ganoon ng ilang segundo, tahimik lamang subalit para kang nakalutang sa alapaap. "Tara sa may pool side." Akit niya, at saka hinawakan ang kamay ko kaya naman pumunta kami doon at inilublob ang paa namin.
"Si Liahnna Blair Stanford, siya ang aking little sister, I'm very protective when it comes to her dahil na din nag-iisa ko siyang kapatid pagkatapos babae pa. Sobrang kulit noon, at sobrang spoiled pa sa akin, ewan ko ba, nadadala ako ng charms niya. Katulad ko, she's also a fire charmer. Seventeen na siya ngayon, pero hanggang ngayon, dependent pa din siya. Hindi ko siya gaanong pinapakilala sa tao. Ayoko kasing may umaaligid-aligid sa kaniya na lalaki, lalong lalo na kapag nalaman pa nila na kapatid ko siya, lalo siyang dudumugin. Maganda nga, isip bata naman siya." Napangiti ako ng palihim dahil sa ikinukwento ni Louie. Hindi ko akalain na ang supladong kagaya niya, nagkwekwento sa akin ng ganito.
Advertisement
Viscount's Rise
With his father dead and his brother inheriting the earldom, Braydon sets out to inherit the family’s neglected title, Viscount of Cliforge, the only land of the Kingdom on the other side of the Brimstone Mountains. His new lands are on the border that is held peaceful by an uneasy truce and the same lands that claimed his father’s life on the battlefield. With no reputation in noble society and no military might to speak of he will be a long way from challenging his brother whose land is some of the most prosperous in the empire, and has the backing of their younger brother, who has the smarts to raise their position even further. Will he become another casualty to the lands that have already claimed his father, or become something more as he climbs his way to prominence? At least he can be sure that his brother would never see him rise peacefully, and the neighbouring Grand Duke desires the last territory of the kingdom on the eastern side of the mountains. His position is anything but stable, he will do anything to change that and build his realm. Chapters are posted every other day at 11am and pm (gmt).Basically just selecting Gore and Traumatising Content to cover myself, profanity is guaranteed though.
8 200Queen of Devouring
Word Count: 388 850 and 1414 pages. (8-10k words per chapter) There should be a chapter every second week or so since I'm writing another novel as well. Synopsis: Do you fear shadows? Elena was born of shadows. Although her name means exactly the opposite of it, is there a shadow without a bright sun? But she soon had to find out that there was an apocalypse, and she was supposed to be the evil monster against the humans. The humans, who were mere mortals not long before her birth. Little did anyone know that she was a legendary creature, who had nothing to do with the apocalypse, which reason of was unknown. What was it? That was something everyone wanted to know. There was a reason for her birth, though, which must stay a secret. Will she find her own goals as well or has she no way to stop before her final destination? Follow her blood and manipulation filled path to see. ------------------------------ My Discord server: https://discord.gg/XMSzDPH I thank BlackStarLine and CounterOfKills for helping me editing my chapters! :) ----------------------------- I hate tragedy, rape, and NTR, so you are never going to see either of those. P.S:. I downloaded the cover picture from DeviantArt. All credit goes to its original owner. Madelyn Black re-colored their eyes. I thank her for that. :)
8 156Just a Simple Guy
Earth has been transformed, people can gain power previously imagined only in stories but what does this mean? One person is trying to figure it out while staying rather low profile but... Thats obviously not going to work out as this is a story about him. About the not so simple guy named Salim Douglas and his trip through the system that has taken over his world.
8 191Spiral of Chaos
The world is brutal. The weak are abused and die, and the strong are the ones who remain.Yet the strong are the ones who are mad.And where madness reigns and all good men meet tragic ends, Thatch is but a child.Alone, weak, and struggling to survive, he becomes the foremost witness to the brutality of men.And he would surpass all of them one day, in madness and brutality, in kindness and sincerity.And he would change the world.For better or for worse.
8 200SI Field Trip
Peter's life had finally been looking up. After being adopted and made Peter Stark two years prior and with a boyfriend of two years, Peter couldn't have asked for more.Of course, the infamous Parker Luckᴛᴍ strikes again, and a field trip to his home is sprung upon the young boy. With Flash to worry about and the one secret he has so far kept from his new family potentially being revealed, Peter is struggling to keep happy.What will this bring for the young Spiderling? Will his family discover his secret? Will his class discover his other secret? Will the web of secrets he's spun catch up to him? What will happen when all is revealed, and will Flash make it out the other side?Yes this is probably overdone but I wanted to do one that isn't just loads of one shots and is kinda fluffy and hopefully not overly cliché(?) Idk guys let me know what you think.Just so everyone's aware there will be some Parley, Loki friendship, IronDad and a trans!peter. Read on if you want :)No. 1 in #HarleyKeenerNo. 1 in #fieldtripNo. 1 in #tripNo. 1 in #parkner{Completed}
8 168My Alpha (My Alpha Series Book 1 boyxboy)(under revision)
••His eyes sparkled like the ocean against his pale skin while his pink lips stood out, asking to be kissed. ••
8 213