《My Enchanted Tale》Charm 48 ❀ The Book

Advertisement

Matapos ang parang pag-higop sa akin ng liwanag, bigla na lamang ang parang bumagsak ng sobrang lakas. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko dahil parang ang sakit ng katawan ko dahil sa nangyari.

Habang nangyayari iyon, nagulat ako noong parang may lumapat na labi sa labi ko. Unti-unti hindi ko mapigilan mapangiti dahil doon. Ang labing ito ang minsan ng dumikit sa labi ko. Hindi ko alam pero alam kong kay Louie ito. Dahil na din sa biglang pagwawala ng puso ko, siya lang naman ang nakakagawa sa akin ng ganito. Iyong tipong presensiya niya pa lang, parang gusto ko ng tumalon sa saya.

Noong ngumiti ako naramdam ko na bigla inilayo niya ang mukha niya sa akin kaya naman unti-unti akong dumilat habang hindi pa din naalis ang ngiti sa labi. Napatingin ako sa paligid at doon ko nakita na nasa kakaibang kwarto ako.

Napaka-elegante ng itsura nito at halatang mayaman ang may-ari. Napakalawak din ng paligid. Napansin ko naman ang kamang hinihigaan ko, ang laki noong kama at mayroon pang mga rose petals, at mayroon din akong hawak na isang puting rosas.

Napatingin din ako sa suot ko ngayon. Isang kulay puting bistida na parang pang-dyosa. Hindi ko tuloy maiwasan, mapakunot noo dahil doon. "Anong trip ito?" Mahinang bulong ko pa sa sarili ko dahil para akong binihisan ng pang-prinsesang namatay.

Napaharap tuloy ako kay Louie upang magtanong subalit naka-awang ang labi niya habang nakatitig sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagka-bigla at pag-tataka, in short, para siyang nakakita ng multo.

"Louie," Tawag ko sa kaniya at saka ako lumapit sa kaniya at winagayway ang kamay ko sa unahan niya. Kumilos naman siya subalit naka-kunit pa din ang noo. "Anong meron? Bakit ako nakaganito? Nakakita ka ba ng multo?" Sunod sunod na tanong ko.

"R-Ry-Ryleen?" Hindi makapaniwalang tanong niya habang na-uutal pa.

"The one and only. Bakit sino pa bang Ryleen ang kilala mo?" Sita ko sa kaniya. Hindi ko alam ang nangyari pero bigla na lamang niya akong niyakap ng sobrang higit.

"Ryleen..." The way he say my name was so soothing, intense and magical at the same time. Iyong pagkakayakap niya din sa akin parang ayaw na niya ako pakawalan pa kahit kailan. Parang nangungulila siya ng lubos at nangangailangan, subalit noong makita niya ako parang napuno ang kasiyahan niya, hindi lamang iyon, parang naging greedy din siya na gusto pa niya. Hindi ko alam pero sa simpleng galaw niyang iyon, iyon ang naramdaman ko.

Parehas kaming natahimik at naririnig ko pa ang tila paghikbi niya kaya naman niyakap ko na din siya pabalik. "Shhh." I comforted kahit hindi ko naman alam kung bakit siya naiyak.

Ilang sandali lamang humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "I-Ikaw ba talaga si Ryleen?" Halos basag na boses ang gamit niya noong tanungin niya ako, kaya naman ngumiti ako at tumango.

Matapos ng tugon ko na iyon, kitang kita ko ang pag-liwanag ng mata niya at pagkakaroon ng apoy doon. Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako kinabahan sa mga matang iyon, parang imbis na magdadala iyon ng sumpa parang kalmado at masayang apoy lamang ang nandoon.

Hindi kaya? Nakokontrol na niya ng tuluyan ang eyes of fire? "Nakokontrol mo na ng tuluyan?" Hindi mapigilang tanong ko. Halatang nagtaka siya kaya't nag-salita ulit ako.

"Iyong mga mata mo, hindi ko alam pero noong makita ko parang walang hatid na panganib." Malumanay na banggit ko.

"Nagbago? Hindi ko naramdaman. Wait, ibig bang sabihin nito, nakokontrol ko na?" Masayang tanong niya, hindi ko alam pero napatango ako ng mabilis dahil doon. Sa wakas, hindi na niya kailangan pa maging cautious sa nga bagay bagay at hindi na din niya kailangan ng mga mata ko dahil magagawa na niya iyong kontrolin ng kaniya.

Advertisement

Masaya na lamang kaming napangiti sa isa't-isa hanggang sa may marinig kaming pagkabasag ng isang bagay.

"A-Ayisha?" Agad akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses. At doon ko nakita si Bella, Vien, Charlene, Kyle at Ash. Dali dali tuloy akong napatakbo papunta sa kanila, at iniwasan iyong nabasag.

"Nakakamiss kayo, parang ang tagal ko kayong hindi nakita." Pagsasalita ko habang nakangiti sa kanila. Pakiramdam ko kasi ilang dekada ko sila hindi nakasama.

Umaasa akong yayakapin nila ako or something pero hindi man lamang nila ako kinibo. "B-Buhay ka?" Nauutal na tanong ni Charlene habang nakatulala sa akin. Sasagot na sana ako subalit naunahan ako ni Vien.

"You've got to be kidding me." Iiling-iling na mahinang banggit ni Vien.

"What's happening? How come?" Hindi mapigilang banggit naman ni Ash while looking at me intently, para bang pinagmamasdan niya ako kung ako ba talaga ito o hindi.

"Ayisha?" Kunot noong banggit naman ni Kyle, saka ako hinawakan sa balikat.

"A-Ayisha na bestfriend ko?" Mangiyak ngiyak na banggit ni Bella at saka ako biglang sinunggaban. Muntik na akong ma-out of balance dahil doon. Noong yakapin ako ni Bella pinalibutan din ako noong iba at niyakap din.

Humihikbi din sila parang si Louie kanina. Hinayaan ko na lang muna sila kahit nagtatakha ako sa inaakto nila. Maya maya humiwalay din sila sa akin kaya naman hinila ko sila papunta sa may kama, malapit kasi kami doon sa nabasag na bagay baka kasi mapaso pa sila.

"Buhay ka na ba talaga? Hindi ba ito panaginip?" Tanong ulit ni Bella.

"Bakit? Kung makapag-sabi ka naman 'buhay ka na ba talaga' para naman akong namatay." Nakasimangot na sagot ko sa kaniya.

"Oo nga, namatay ka naman kasi." Walang pankundangan na sagot niya, kaya naman ako ang natigilan. Nangilabot pa nga ako dahil sa narinig ko. Paanong namatay ako?

"Nakikipag-lokohan ka ba, Bella? Ako? Namatay? Baka naman nakatulog lang ng mahaba." Tugon ko, kasi posible naman na nakatulog lamang ako dahil nga noong ipinakita sa akin ang nakaraan at pinag-mulan ko.

"Nakatulog na walang pintig ang puso?" Kontra naman ni Vien. Hindi ko tuloy alam ang magiging reaksyon ko dahil doon.

"Pero, may point din si Ayisha. Paano kung buhay siya kahit walang pintig ang puso niya? Alam niyo kasi kapag hinahawakan ko siya ang init pa din ng katawan niya." Biglang dahilan naman ni Bella, kaya naman napatango ako.

"Tama si Bella. Baka may magic lamang na bumalot sa akin kaya nawalan ako ng pintig ng puso, pero sigurado ako, hindi ako namatay dahil... ah basta, hindi ako namatay." Nakangiting banggit ko, kaya naman para silang nakahinga ng maluwag dahil doon.

"Namatay man o hindi, basta ang mahalaga andito ko na ulit, sapat na." Nakangiting banggit ni Louie sabay hawak sa kamay ko ng palihim, kaya hindi nanaman napigilan ng puso ko ang magkarera.

Naisip ko tuloy sandali, kung gaano ko namiss si Louie, na para bang hindi ko siya kayang mawala sa buhay ko. Parang sa sandaling tiningnan niya ako sa mata nahulog na ng tuluyan ang puso ko, at laking pasasalamat ko naman noong saluhin niya ito.

Bumaling naman ako ng tingin kay Bella. Hindi ko din alam kung sasabihin ko sa kaniya ang katotohanan o hindi, gusto kong sabihin sa kaniya kaso baka manganib ang buhay niya. Sayang ang binuwis na buhay ng ama ko at ang paghihirap ni ina at mama para lang mailigtas ang buhay niya. Hindi ko din kayang mapahamak si Bella... Siguro sa ngayon, itatago ko muna itong sikreto, baka hindi pa ito ang tamang panahon. Sasabihin ko din naman, ayaw ko lang gawing komplikado ang mga pangyayari ngayon.

Advertisement

Alam ko wala akong karapatan nailihim ang tunay na katauhan ni Bella pero, kung kaligtasan ni Bella ang pag-uusapan mas pipiliin kong matahimik na lang, para sa kapakanan niya.

Ngunit sa ginawa kong ito, mapatawad sana ako ni Bella, nang prinsesa, nang pinsan ko...

Nag-kwekwentuhan kami nina Bella, noong bigla na lamang may pumasok dito, kaya naman nalatayo kaming lahat at nag-bigay galang. Ang pumasok dito ay si ama... I mean, si Haring Rolan, kamukhang kamukha kasi siya ni ama kaya't napagkamalan ko. Kasama niyang pumasok ang reyna.

Noong una ay halata ang gulat sa mukha nila subalit kinalaunan ay nawala din iyon at napalitan ng ngiting mayroong lubos na kasiyahan at saka sila dumiretso sa akin at walang pag-aalinlangan akong kinulong sa mga bisig nila.

Agad akong napa-isip ng dahil doon, alam kaya nilang ako ang anak ng kakambal ni haring Rolan?

"Maari ka ba namin maka-usap ng ikaw lamang?" Tanong ng reyna. Tumingin ako sa paligid ko at sumang-ayon sina Bella, pagkatapos ay isa isa silang umalis. Si Louie naman ay bigla na lang akong hinigit at hinalikan sa noo. Nakaramdam tuloy ako ng pagiging panatag dahil doon.

"I love you, remember that." Bulong pa niya, kaya naman pakiramdam ko namula ng todo ang pisngi ko. Ang lakas ng epekto noon sa buong sistema ko.

Naka-alis na ang barkada at naiwan kaming tatlo dito. Nakaramdam ako ng paka-ilang kaya naman tumungo ako. "Mahal na hari at mahal na reyna." Wika ko.

"Alam mo ba ang iyong tunay na katauhan?" Nagulat ako noong itanong ng hari iyon. Sinabi ko na nga ba kaya bigla na lamamg nila akong niyakap kanina dahil may alam na sila. Paano kaya nila nalaman? Siguro gamit ang ritwal o kung ano mang may kinalaman sa kapangyarihan.

"Alam niyo na po ba? Paalisin niyo na po ba ako dito?" Lakas loob na tugon ko. Kung alam nila ang katauhan ko, siguradong alam din nila na dark sorcerer ako, kaya naman baka paalisin na nila ako dito.

"Hindi." Madiing banggit ng reyna ngunit malambot ang ekspresyon niya sa mukha. "Hindi ka namin paalisin, kung pagbibigyan mo pa ang kahiligan namin, marapatin mo sana na dito na lamang tumira sa palasyo." Dugtong pa niya.

"Hindi po. Doon na lamang po ako sa mga kaibigan ko. Maayos naman po ang lagay ko doon, at saka mas kumportable po ako. Pasensiya na po sa pagtanggi ko." Nahihiyang banggit ko.

Tumango naman sila biglang respeto sa disisyon ko. "Alam mo na pala ang lahat, kung pagbibigyan mo ako, maari ko bang malaman kung paano mo nalaman at kung nasaan na ang kakambal ko at ang asawa nito?" Malumanay na tanong ng hari.

Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko kaya't hindi ako nakapag-salita agad. Iniisip ko pa lamang ang nangyari kayna ama at ina, hindi ko na mapigilan mapaluha.

Naalerto naman ang hari at reyna sa inasta ko, kaya naman parang nag-panic sila, kaya nag-salita na ako. "Huwag niyo po ako alalahanin. Pasensiya na po sa pagiging emosyonal ko. Pinakita po sa akin ang nakaraan, kaya nalaman ko ang buong pagka-tao ko." Sagot ko sa tanong ng hari kanina lamang kaya naman tumango sila ng reyna.

"Si Ransen?" Nasasabik na tanong ng reyna, na parang umaasana sasabihin ko sa kanila na nasa maayos na kalagayan ang magulang ko. Imbis na sumagot ako, napa-iling iling na lamang ako at saka tinakpan ang mukha ko.

Naramdaman ko na lamang ang pagyakap nila sa akin, kaya naman lalo akong naiyak. Mukha kasi nakuha nila ang gusto kong sabihin, mukhang napagtanto nila na wala na si ama.

Tahimik kaming umiyak na tatlo doon. Paminsan minsan ay naririnig ko ang pag-singhot ng hari, apektado talaga siya ng sobra. Hindi ko siya masisisi, kakambal niya iyong nawala. Ramdam ko din ang sakit at pagdadalamhati nila.

"Maging matatag po sana kayo." Mahinang banggit ko sa kanila. "Huwag din po kayo, mag-alala lagi ko po kayong dadalawin dito." Dugtong ko pa, para naman mapagaan ko ang pakiramdam nila.

"Ang pamangkin namin, napaka buti talaga ng puso. Manang mana ka sa Ina mo. Mahal na mahal ka nila lagi mo iyang pakakatandaan." Malambing na saad ng reyna kaya naman pinilit kong ngumiti at saka ako marahang tumango.

"Tara na sa labas, nagpapa handa ako ng kasiyahan. Dahil ikaw ang mahal naming prinsesa." Pilit na ngiti pa ang pinakawalan ng hari, kaya naman hindi ko mapigilan magtakha sa sinabi niya. Ako? Prinsesa? Oo, nang dark sorcerers. Magtatanong na sana ako subalit inunahan ako ng hari sa pagsasalita.

"You're really the true princess of this kingdom, of this world. Panganay si Ransen sa akin, at sya talaga ang Hari, ipinasa niya lamang saakin ang trono. Pero, sa puso ko siya pa din ang namumuno dito. Prinsipe lamang ako. Si Ransen ang karapatdapat. Makulit man iyon, sobrang responsable naman niya. Tandaan mo, iyo ang lahat ng nakikita mo dito. Iyo lahat ng ito, dahil ikaw naman talaga ang prinsesa, dahil ikaw ang anak ng tunay na hari, ikaw ang anak ng kakambal kong si Ransen." Hindi ko mapigilang yakapin ang hari dahil sa sinabi niya

"Huwag ka na malungkot, mahal na prinsesa. Halika ka na sa baba." Nakangiting banggit ng reyna. Kahit na mayroon pa ding lungkot sa puso ko, kahit papaano na-uungusan iyon ng kasiyahan ko ngayon, dahil nakilala ko ang kakambal at naging kasangga ng ama ko.

Naglakad kami patungong dinning at noong makarating kami doon. Nakahanda na ang lahat at ang engrade ng itsura. Napakahaba ng table at mayroon pang oarang mga candle lights at malimanay na musikang tumutunog.

Dumating na din bigla ang mga kaibigan ko, kaya't nag-salita nag hari.

"Magsimula na tayong kumain."

"Para sa ating prinsesa!" Dugtong pa uli nito. Nakita ko naman nanlaki ang mata nilang lahat. Natawa na lamang ako ng marahan dahil sa reaksyon nila.

"Pamangkin ko ang elemental guardian, kaya ko siya pinadala dito. Anak siya ng kakambal ko." Pahayag ng hari kaya naman mukhang nalinawan sila. Maayos at masayang natapos ang pagkain namin. At matapos iyon napag-pasyahan ko na pumunta sa isang veranda ng palasyo.

Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Ang bait ng pakikitungo sa akin ng hari at reyna. Nakakagaan ng loob.

"Ayisha?" Agad akong napalingon noong may marinig akong tinig. Si Bella pala. Lumapit siya sa akin at tumanaw din sa veranda, kitang kita namin ang ilaw ng buong syudad dahil gabi na. Tahimik din naming dinama ang haplos ng hangin.

"Pamangkin ka nang haru at reyna?" Malumanay na tanong niya sa akin. Matahan akong tumango kasabay ang kagustuhan kong sabihin sa kaniya nag katotohanan ngunit pinigilan ko iyon.

"Alam ko na lahat Bella, noong wala akong malay, ipinakita ang nakaraan sa akin-- ang lahat lahat sa nakaraan." Mahinang tugon ko.

Humarap siya sa akin. Kaya't nagtanong ako sa kaniya. "Noong nagtanong ako sa'yo dati, kung may napatalsik bang hari at reyna, bakit nindi mo sinabi sa akin ang totoo? Alam mo bang sila ang magulang ko?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hindi. Hindi ko alam na sila ang magulang mo. Ang alam ko lang, kaibigan sila ng magulang ko." Makungkot na saad nito.

"Kaya hindi ko sinabi sa'yo. Na ikuwento sila ng magulang ko sa akin. Nakita ko sa mata nila iyong sakit, habang kinukwento nila sa akin iyon. Ako naman kasi may kasalanan, kung hindi lang ako tanong ng tanong. Si Haring Ransen at Reyna Shaysil. Napatalsik sila dahil sa pagiging dark sorcerer ng Reyna. Kailan man hindi naging masama ang tingin ko sa kanila, dahil sa paliwanag ng magulang ko. Kitang kita ko kung pano nila pinahalagahan ang ama't ina mo, Ayisha. Namatay ang mga magulang ko noon, sa kagustuhan nilang bawiin ang ama at ina mo sa dark sorcerers. Kaya hindi ko ma-ikuwento sa'yo noon, Ayisha. Masakit kasi sa akin iyon. Dalia Gartone and Wilson Gartone, are my parents name. Alam ko kaibigan din nila ang Hari at Reyna. Subalit hindi nila ganoong naiikuwento sa akin iyon. At saka, hindi rin naman kasi ganoong nagkita kita noon ang hari at reyna at magulang ko, dahil nga nasa mortal world na ako noon at natatakot sila para sa kaligtasan ko."

Napakabait talaga ni Bella. Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kaniya na siya ang prinsesa ngayon. Ngunit hindi ko kayang irisk ang buhay niya. Mas maigi na ako na lang ang mapahamak kaysa siya.

"Alam mong dark sorcerer ang ina ko. Matatakot ka ba sa akin? Isa akong dark sorcerer Bella." Malungkot na pahayag ko.

Imbis na lumayo, lumapit siya saakin at niyakap ako. "Hindi, matalik na kaibigan kita, kaya kahit ano ka pa, o kahit sino ka pa tanggap kita." Malumanay na paliwanag niya.

"Salamat Bella. Salamat." Nakangiting sabi ko.

"Nga pala, paano iyan? Ngayong alam niyo ng ako ang pamangkin ng Hari at Reyna? Ibig sabihin alam na din nilang dark sorcerer ako." Nag-aalalang banggit ko.

"No. Wala ng may alam na dark sorcerer ang reyna noon, the light goddess, deleted all the memories na may naging dark sorcerer na reyna. Ang alam nila may napatalsik lamang sa pwesto dahil sa kapabayaan. Iyon lamang. Ako naman, kaya alam ko ay dahil nga sa kakulitan ko noon. Ang tanging may alam lang na dark sorcerer ang Reyna noon ay ako, ang hari at ang reyna, iyong dalawa pang kaibigan nila at bukod dun wala na. Ikaw pala. Alam mo din." Matawang tawang sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Akala ko alam na din nina Louie.

Matapos naming mag-usap tumungo na kami sa kwarto namin at natulog.

****

The next morning.

Mag-solo akong pumunta sa library ng academy. Nag-paalam din ako kanina sa hari at reyna. Pinaki-usapan ko din sila na huwag na ipaalam sa iba na prinsesa ako, para iwas usapan na din, mabuti na lamang at pumayag sila.

Mabuti na lang walang charmers ngayon sa library, maliban sa staffs, may kaunti daw kasing nakaka-alam na patay na ako. Pasalamat na lamang ako at mukhang hindi alam iyon ng staffs.

Agad kong tinungo iyong mga libro at tinapat ko doon iyong key of hearts na na sa akin. Bumukas iyong harang na parang maliit na glass shield. Kaya agad kong kinuha iyong libro at iyong mga nakapalibot na susi doon. At pumunta ako sa pinaka sulok.

Naalala ko,kasi iyong sinabi noong light goddess noon. Kaya sinunod ko ang instructions niya.

Matapos kong gawin ang inutos niya biglang lumutang ang libro at umikot ito. Napansin ko din, na parang tumigil ang oras, iyong parang nagfreeze lahat ng mga staffs dito. Pagkatapos dandahan bumababa iyong libro.

Binuksan ko siya, pero wala namang laman. Nag-scan pa ako ng ibang pages subalit wala pa ding nakasulat.

Wala akong magawa kaya, pinaglaruan ko iyong kapangyarihan ko, light power to be particular. Gumawa ako ng light circle, pagkatapos nilaro laro ko siya, ifinoform ko sya sa iba't ibang shape

Habang nilalaro ko iyon, napatingin ako doon sa libro. Nagkakaroon na iyon ng sulat!

Inalis ko iyong light dahil akala ko nagana na pero nawala ulit iyon. Nag-gawamulit ako ng light circle at nagulat ako noong makita kong mayroon ulit iyong sulat. Saka ko napag-tanto na kailangan ng ilaw para dito.

Tinapat ko iyong kamay ko doon sa page noong libro at nag-gawa ng ilaw. May mga drawing akong nakikita. Tanging drawing lang, isang bulaklak na half color white at half color black.

"Bakit ako walang tattoo?" Tanong ko sa isip ko. Tapos biglang umilaw iyong libro, at nagkaroon ng sagot... ang galing, namangha ako panandalian dahil doon. Mahiwaga talaga ang libro na ito.

"Dahil mabuti ang puso ng half dark sorcerer at half charmer na iyon, kaya hindi pumipinta sa bahagi ng katawan niya ang marka ng pagiging masama." Iyan ang nakalagay sa libro.

"Alam ba ng goddess and gods na dark sorcerer ako?"

"Hindi alam ng mga dyos at dyosa kung paano tukuyin ang pagiging dark sorcerer ng isang nilalang, subalit alam nila kung paano tumukoy ng mayroong mabuti at purong puso sa sama at ganid. Noong una hindi nila alam na ikaw ang anak ng dating reyna at hari. Subalit natuklasan din nila iyon, at minaralat nilang ipaalam sa'yo ang pinagmulan mo, upang mas mangibabaw pa din ang kabutihan sa puso mo, gaya ng iyong ina."

Maya maya, nag buklat ng kaniya iyong libro.

"Idinikta na ng tadhana ang lahat, walang sino man ang makakapigil sa mga maaring mangyari." Bigla akong kinabahan dahil sa nabasa ko.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click