《My Enchanted Tale》Charm 47 ❀ Fairytale

Advertisement

***

Matapos kong marinig ang mga katagang iyon ay nilamon ako ng liwanag napunta na naman ako sa madilim na lugar, para akong nakalutang habang nakahiga doon. Subalit imbis na maging magaan ang pakiramdam ko kabaligtaran ang nangyari, para kasing andami kong dinadala sa kalooban ko.

"Alam ba ng gods and goddess na dark sorcerer ako? Bakit pinili pa nila ako bilang elemental guardian kung alam nila?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. Oo nga't maraming nasagot na kasagutan sa pagkatao ko, nalaman ko na din ang katotohanan, pero may pumalit naman na mga tanong.

"Bakit wala akong tattoo?" Isa pang katanungan ang lumitaw ulit sa utak ko. Kung dark sorcerer man ako, bakit wala man lamang patunay na isa nga ako sa kanila?

"Ang ina ko, si mama Shaysil? Nasaan na siya? Anong nangyari sa kaniya matapos noon?" Iyan ang isa pang gusto kong malaman. Ang tunay kong ina gusto ko din naman siyang makasama at makita, kaya't tahimik kong hinihiling na sana nasa maayos na kalagayan siya.

Habang paulit ulit kong naiisip iyong mga tanong, unti unti din na bumabagsak ang mga mata ko, dahil sa bigat ng pakiramdam na nararamdaman ko. Noong tuluyang pumikit ang mga mata ko, naramdaman ko ang pagoatak ng isang luha mula dito. Tsaka ako tuluyang nilamon ng antok.

***

"Ryleen, Ryleen... Please comeback to me." Hindi ko alam pero noong marinig ko ang boses na iyon, para akong ginising sa antok na kanina ko pa nararamdaman. Marahan kong iminulat ang mga mata ko, subalit dilim lamang ang pawang nakikita ko.

"Mahirap palang mawala ka sa tabi ko, pakiramdam ko ano mang oras mawawalan nanaman ako ng kontrol sa sarili ko." Tila musika sa pandinig ko ang boses niya, napaka-amo at nakakagaan ng pakiramdam.

"Ang dilim ulit ng mundo ko ngayon, hindi ba pwedeng paliwanagin mo ulit?" Nag-susumamong hiling niya. Patuloy lamang ang pag-echo ng mga katagang binitawan niya, at dahil sa mga salitang iyon nagkaroon ako ng lakas ng loob na maka-alis sa lugar na ito.

Tumindig ako kahit hirap na hirap ako maka-aninag sa dilim. Ilang sandali lamang, may nakita akong liwanag para itong malaking star. Pilit ko siyang inabot, pero gumalaw ito na tila ba nagpapahabol, kaya't hinabol ko ito.

Hindi ko ito mahabol, kaya't tumigil ako. Pumikit na lamang ako at nagconcentrate. Pagkatapos binuksan ko ang mga mata ko. I released the power of earth nakita ko naging kulay green na parang vines siya, at nanatiling nakahaba papalayo sa akin.

I released the power of water. Nagform siya ng waves at humaba uli papalayo saakin. Kasunod kong pinakawalan ang kapangyarihan ng hangin. A white fluffy cloud appeared. Matapos iyon, I released the power of fire at nagform sya ng pa habang fire. Huli kong pinakawalan ang kapangyarihan ng ilaw. Nagform siya na parang sign ng thunder.

Sabay sabay ko silang pina-ikot, kung titingnan mo mula sa itaas parang bumuo ako ng araw. Nasa gitna ako, at mabilis na umiikot iyong mga powers na ginawa ko na parang sun rays. Unti-unti lumutang ako at sumabog ang ginawa ko, at saka iyon nag-resulta sa isang malaking liwanag.

Bakit pa ko pa hahabulin ang ilaw na iyon kanina, kung kaya ko namang gumawa? Napangiti na lamang ako ng palihim. Lumapit ako sa liwanag na iyon at hinigop ako noon at parang umikot ang paligid ko.

Medyo nahihilo ako dahil sa nangyari subalit napasigaw na lamang ako noong maramdaman ko na para akong nalaglag.

***

"Umiyak ba talaga siya?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala na may pumatak na luha sa mata niya kanina, gayong wala namang buhay ang katawan niya.

Advertisement

Kahit umiyak siya sinimulan ng Hari at Reyna ang ritwal para malaman kung siya nga ang prinsesa na matagal ng nawawala.

Nag-chant sila ng mga salitang hindi namin maintindihan. Pagkatapos ay itinapat nila ang kamay nila kay Ryleen at may liwanag na sumilaw sa aming mga mata.

Nag-intay kami ng ilang sandali dahil medyo mahaba ang proseso na ginawa nila, ngunit noong matapos iyon isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa amin ng reyna at saka tumulo ang luha niya.

Lumapit naman agad si Bella sa kanila pagakatapos ay niyapos ang reyna upang pakalmahin. "Siya po ba ang prinsesa?" Hindi mapigilang tanong ni Bella.

"Hindi siya." Umiiyak na paulit-ulit na banggit ng reyna. Kahit isnabi iyon ng reyna, hindi ko pa din mapigilang magtaka, bakit ganoon? Kung hindi si Ryleen ang prinsesa, bakit kawangis na kawangis niya ang hari?

Ano ba talagang nangyayari? Ano bang mayroon sa nakaraan? Bakit parang mayroong binura ang charm world sa kaisipan ng lahat?

***

Unang sumilay sa aking mga mata ang pag-iyak ng isang sanggol. Patuloy ito sa pag-iyak, subalit noong lapitan siya ng isang lalaki at babae ay bigla itong tumahan. Noong una akala ko si Rolan ang kumalong sa sanggol, subalit noong makita ko ang mukha noong babae na kasama niya ay alam kong ito si Ransen dahil si Shay ang kasama niya.

"Ayisha Ryleen ang gusto kong pangalan kapag babae." Mahinahong banggit ni Ransen na agad namang sinang-ayunan ni Shay. Ngumiti pa iyong sanggol noong marinig niya ang kaniyang oangalan. Mukhang nagustuhan niya ito.

"Ayisha Ryleen Vassileia." Wika pa ni Shay na mayroong masayang ngiti sa mga labi.

Nawala ang imaheng iyon at napalitan ng naghihingalong imahe ni Shay. "Mahal na mahal kita anak ko, pasensya na sa nagawa ko, gusto lamang kitang protektahan, mahal na mahal kita lagi mo sana iyang tatandaan." Malungkot na sambit nito sa sanggol.

Napabitaw na lamang ako mula sa ritwal dahil hindi ko na kaya pang makita ang susunod na mangyayari. Awang-awa ako sa kalagayan ni Shay. Kung nailigtas lamang namin siya noon, sana hindi siya nawalay sa anak niya.

Kahit pa dark sorcerer si Shay, alam kong may mabuting puso siya at hinding hindi mo maikakaila iyon. Wala naman kasi iyan kung dark sorcerer ka ba o hindi, nasa nilalaman naman iyan ng puso mo.

Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang batang ito. Ang elemental guardian na ito. Ang anak ni Ransen at Shay. Ang pamangkin namin ni Rolan. Ang secondary Princess, kung hindi lamang napatalsik noon si Ransen at Shay. Alam kong siya pa din ang nararapat sa trono ngayon.

Alam ko nakita din ni Rolan ang nakita ko. Sobrang hirap parin tanggapin. Alam ko rin na walang naramdaman si Rolan na pagiging dugong dark sorcerer ng batang ito, dahil ikinukubli iyon nang kabutihang puso niya. Manang mana siya sa kaniyang ina.

Napamulat na lamang kaming dalawa ni Rolan. Nakita kong lumapit sa akin ang asawa ni Clifford at niyakap ako. Bigla na lamang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa simpleng akap na iyon.

Hindi namin alam ni Rolan kung nasaan ang anak namin at hindi man lamang namin alam kung ano na ang itsura nito o kaya'y kung nasa mabuting lagay ba ito. Subalit, mas malala at mahirap pala ang sinapit ng pamangkin ko, pati na din ng magulang niya. Parang walang wala iyong sakit na dinanas namin noon, sa dinanas na sakit nila.

"Siya po ba ang prinsesa?" Tanong noong asawa ni Clifford.

"Hindi siya." Paulit ulit na banggit ko habang umiiyak. Masakit din sa akin ang nangyayari. Kung tutuusin maaring kong itiring na parang anak ko na din ang anak nina Shay, dahil kadugo iyon ni Rolan at sobrang halaga sa akin ng mga magulang niya.

Advertisement

"Elsa, kailangan na nating bumalik sa palasyo." Mahinag wika sa akin ng hari.

"Subalit ang elemetal guardian." Bulong ko sa kaniya na may halong kalungkutan. Ngayong alam na namin ang katauhan niya, gusto ko siyang dalhin sa palasyo at bigyan ng maayos na libing.

"Mga kawal! Dalhin sa palasyo ang bangkay ng elemental guardian!" Sigaw ni Rolan, dahil doon kahit paano para akong nabunutan ng tinik. Nginitian naman ako ng pilit ng hari. Napahawak na lamang ako ng kamay sa kaniya biglang pasasalamat sa oag-tupad ng munting kahiligan ko.

"Po?" Hindi mapigilang sabat ng mga kaibigan nito.

"Mahal na hari, mahal na reyna, bakit niyo po kailangan dalahin doon si Ayisha? Maari po bang huwag na? Matalik na kaibigan ko po siya. Dito na lang po siya sa pangangalaga namin." Saad ng asawa ni Clifford. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko ang sakit sa boses niya kaya't nilapitan ko siya at niyakap.

"Pasensya na, ngunit kailangan. Siya ang elemental guardian at nararapat lamang sa kaniya na dalhin doon. Maari naman kayong sumama kung gugustuhin ninyo." Mahinang banggit ko sa kanila.

Pagkatapos noon ay kinuha na nila ang bangkay ng anak ni Ransen at Shay. Kaya pala kamuka sya ni Rolan. Si Ransen pala ang ama niya, patunay lamang na magkamukang magkamuka ng ang kambal.

Hinawakan ni Rolan ng mahigpit ang kamay ko. Hinawakan ko din ito. Alam ko nahihirapan siya sa nalaman niya. Lalong lalo na na anak pala ng pinakamamahal nyang kakambal ang elemental guardian.

Nakasakay na kami sa karwaheng dalawa. Habang ang iba naman ay sakay ng Pegasus.

"Iyong asawa ni Clifford kung titigan mo siya, kawangis mo siya, mahal kong reyna. Sa unang tingin hindi mo ito mapapansin, ngunit kung tinitigan mo nang masinsinan, doon mo iyon mapapatunayan. Ang gaan ng loob ko sa batang iyon." Wika ng hari, habang nakatingin sa labas ng bintana ng karwahe.

"Magaan din ang pakiramdam ko sa kaniya, parang noong una natin siyang nakita, pati ang yakao niya iba ang hatid na pakiramdam sa sakin." Malumanay na pahayag ko.

"Ang swerte ng batang iyon. Ipinaglaban siya ni Clifford sa harap natin. Nakakatuwa. Lubos at walang hanggan ang pag-ibig nila sa isa't isa. Parang ang pagmamahal ni Shay at Ransen, hahamakin ang lahat." Banggit ng hari na mayroong ngiti sa labi.

"Hayaan mo, pagtuuanan muna natin ng pansin ang maayos na libing ng pamangkin natin." Malungkot na wika ko.

Sana nakasama namin kahit sandali ang pamangkin namin. Pero hindi, napagkaitan nanaman kami. Bakit ganito ang nangyayari sa amin? Kahit anong pilit namin na bawiin ang mga nawala sa amin wala pa din kaming laban? Oo, hari at reyna kami ng mundong ito subalit bakit tila wala kaming magawa?

Ang anak ko kaya? Nasaan siya? Charmaine Miracle...

***

Tahimik na lamang kaming sumunod sa kagustuhan ng hari at reyna. May karapatan naman silang kunin ang bangkay ni Ryleen, dahil elemental gurdian siya, isang makapangyarihang charmer, na maaring bigyan ng seremonya sa palasyo.

Habang nakasakay sa pegasus, hindi ko maiwasang mapatingin kay Bella, na naka-yakap sa likod ni Kyle ngayon. Kahawig talaga ni Bella ang reyna. Noon napapansin ko na na parang pamilyar ang mukha ng reyna, hindi ko lamang matukoy kung bakit. Subalit noong maglapit ang mukha ni Bella at ng reyna kanina, doon ko napatunayan na magkahawig sila.

Patuloy akong nagtatakha dahil doon, subalit pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil baka dala lamang iyon ng pangungulila ko kay Ryleen kaya't ang dami kong naiisip na kung ano ano.

Hindi nagtagal, nakarating din kaming lahat sa palasyo.

Pina-handa nila ang mas magandang bier para kay Ryleen. Nagkaroon din ng pagbabasbas. Sobrang royal ng dating dahil inutos ito ng hari. Akala mo kamag-anak nila si Ryleen, dahil sa mga ginawa nila para sa kaniya.

May isa pa pala tanong na gumugulo sa akin. Bakit kawangis ng hari si Ryleen? Ano ba talagang nangyayari dito? Ang gulo para sa akin ng mga nangyayari.

Umalis muna ako doon at nagpahangin.

"Bakit mo ba ako kailangan iwan, Ryleen?" Hindi mapigilang tanong ko. Tama nga sila, kung kailan wala na saka mo malalaman kung gaano ito kahalaga sa'yo. Kung kailan wala na saka mo lamang mapapagtanto na mahal mo na pala.

Huli na ba talaga ang lahat para sa amin?

"Wala na ba talaga ako dyan sa puso mo?" Napalingon ako dahil sa narinig kong boses. Hinayaan ko na lamang siyang tumayo malapit sa akin. Wala akong panahon na makipag-talo o makipag-away sa kaniya. Matagal na siyang wala sa puso ko, dahil ngayon malinaw sa akin ang lahat na si Ryleen na ang laman nito.

"Blake, hindi ko na ba talaga maibabalik ang dati?" Wika pa niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ako nag-buntong hininga. "Mahal na mahal pa din kita, tandaan mo iyan." Dugtong pa niya, bakas ang kalungkutan sa boses niya.

"Fiona, matagal na tayong tapos. Huwag mo na sana akong guluhin pa." Mahinang wika ko sa kaniya.

Matapos iyon, umalis ako sa harap niya at umakyat kung saan nilagak si Ryleen. Pag-akyat ko doon, walang ang barkada. Marahan kong tinungo ang daan papunta sa kama kung sana siya nakahiga.

Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil sa nakikita ko, ang ganda pa din niya. Naka white dress at may flower crown siya ngayon. Aakalain mo na prinsesang natutulog lamang. Mayroon din siyang hawak na white rose sa kamay niya.

Para siyang si Aurora ng sleepng beauty. Sa pamamagitan ng isang halik, maaring magising siya sa mahimbing niyang pagkakatulog. Umupo ako sa tabi ng kama at nagsalita.

"Ryleen, Ryleen... Please comeback to me." Mahinang wika ko, umaasang pag-bibigyan niya ang munting hiling ng puso ko.

"Mahirap palang mawala ka sa tabi ko, pakiramdam ko ano mang oras mawawalan nanaman ako ng kontrol sa sarili ko." Pag-susumamo ko sa kaniya. Ang hirap na wala siya dito para pakalmahin at pagaanin ang pakiramdam ko. Parang may kinuhang isang malaking parte sa akin noong nawala siya.

"Ang dilim ulit ng mundo ko ngayon, hindi ba pwedeng paliwanagin mo ulit?" Paliwanagin mo ulit ang mundo ko Ryleen. Natatakot na ako sa kadiliman, para akong kinakain noon at parang hindi na ako makatakas sa nakakatakot na bangungot na ito.

Matapos kong banggitin iyon, unti unti kong nilapitan ang mukha niya ang mukha ko. Hindi ba noong hinalikan ng prinsipe si Sleeping beauty, nagising siya? Pwede naman iyon hindi ba? Baka gumana, kahit mas para siyang si Cinderella.

Tinawid ng labi ko ang maikling distansiya ng labi niya. Hinalikan ko siya habang mayroong tumutulong luha sa mga mata ko. Nakalapat lamang ang mga labi namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ilang segundo kong hinayaan iyon, subalit noong aalisin ko na sana ang mga labi ko ay mayroon akong naramdaman.

Parang... parang ngumiti ang mga labi niya. Marahan kong iminulat ang mga mata ko dahil doon. At agad akong napalayo sa kaniya noong makitang naka-mulat na siya habang mayroong mga ngiti sa labi.

"Ryleen?" Hindi makapaniwalang bigkas ko.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click