《My Enchanted Tale》Charm 46 ❀ Twisted Identity

Advertisement

My hidden identity.

***

Inilagay ng hari at reyna ang kamay nila malapit kay Ayisha pagkatapos ay umilaw iyon. Inaalam siguro nila kung may kaugnayan siya sa kanila at kung siya ang prinsesang matagal nang nawawala.

Medyo nagtagal iyon, ngunit nagulat kami noong bigla na lamang mahimatay ang reyna mabuti na lamang at nasambot agad siya ng hari. Tinulungan namin siyang iupo ang reyna sa mga upuan. Mukang hindi natuloy ang ginagawa nila dahil biglang nawalan ng malay anh reyna.

Matapos iyon hindi ko na napigilan magtanong. "Naguguluhan po kami? Si Ayisha? Ang prinsesa?" Pag-sisimula kong mag-usisa. Kung ganoon nga, lao akong nasaktan dahil ngayon lamang nila nakilala si Ayisha pagkatapos patay na ito. Masakit sa puso at damdamin.

"Posible, magkamukang magkamuka si Ayisha at ang hari." Sabi naman ni Kyle. Napakunit noo naman ako. Ano ba talagang nangyayari? Magtatanong sana si Louie ngunit naunahan na siyang mag-salita ng hari.

"Nagsimula lahat noong nakaraang digmaan."

"Sugod!" Malakas na sigaw ko. Ang hirap hirap na ng mga nangyayari. Ang dami ng nasira sa Charm World. Marami na ding namatay dahil sa digmaan.

Nakikita ko ngayon ang mga charmer na lumalaban para ipagtanggol ang mundo namin. Palakas na ng palakas ang pwersa ng kalaban. Ang dami na nila. At unti unti na ring nanghihina ang mga charmers.

Matapos ang pakikipagtunggali namin, kasama ako ay nakaramdam ako ng pagod kaya naman nagpahinga muna ako at bumalik sa palasyo. Baka nanganganib na din ang reyna, lalong lalo na at buntis pa siya.

May shield naman ang palasyo ngunit hindi panatag ang loob ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa reyna. Siya na lamang ang mayroon ako pati na din ang magiging anak namin.

Noong makarating ako sa palasyo ay agad kong tinungo kung nasaan ang aking reyna Elsa.

"Mahal kong, hari." Nakangiting bati nito sa akin. Para naman akong nakahinga ng maluwag dahil maayos siya. Hinalikan ko siya sa pisngi at inalalayang umupo. Malaki na ang tyan niya, ano mang oras maaari na siyang manganak. At iyon ang ipinangangamba ko. Bakit kailangan sa gitna pa ng digmaan siya maaring manganak?

"Kamusta ang digmaan?" Tanong niya saakin. Habang hinihimas himas ang tyan niya. Napabuntong hininga ako. Ang gulo sa labas ng palasyo, ang daming pagsabog, mga kamatayan, at halos masira na ang buong mundo namin.

"Magiging maayos din ako lahat." Malumanay na wika ko. Kahit ikinukubli ko ang katotohanan sa kaniya, hindi ako magsisisi dahil para lamang ito sa kapakanan niya.

"Nagsisinungaling ka. Malapit na tayong matalo, hindi ba?" Natigilan ako dahil sa tanong nito at pati na din sa pagkakatitig niyo sa mata ko.

"Huwag kang magkaila, mahal ko. Alam ko kapag nagsisinungaling ka. Bakit ba kasi hindi mo ako hayang gamitin ang majestic light spell?" Malambing na sabi niya. Isa siyang light charmer at ang majestic light spell ay ang pinakamataas na kakayanan ng isang light charmer na siya lamang ang nagtataglay.

"Hindi, Elsa. Hindi ko hahayaang isa-alang alang ang buhay mo at buhay ng anak natin." Matigas na sabi ko. Isang sugal kung gagamitin niya ang speel na maaring magwakas ng labanan. Oo nga't malaking tulong ito sa digmaan, ngunit maari naman silang mawala sa akin.

"Ngunit Rolan, hindi lang buhay ko ang nakataya dito. Buhay din ng napakaraming charmers." Malungkot na saad niya. Saka ako hinawakan sa pisngi. Parang nag-mamakaawa din ang mga mata niya kaya umiwas ang ng tingin.

"Hindi, Elsa. Intindihin mo naman ako. Manganganib ang buhay mo at ng anak natin. Hinding hindi ko hahayaan mangyari iyon. Mahal na mahal ko kayo. Kayo na lamang ang mayroon ako." Makasarili kung makasariling tingnan, ngunit buhay na ng dalawang pinakamamahal ko ang nakasalalay dito.

Advertisement

Malaking tulong talaga ang majestic light spell dahil ito na ang pinakamataas na spell o charm na maaring gamitin ng isang light charmer, subalit malaking sugal din ito dahil halos buong lakas niya ang makukuha sa pag-gamit niya nito

***

Kinagabihan.

"Aaaaah!" Napatingin at napatakbo agad ako sa kwarto namin ni Elsa. Andun siya para magpahinga, pero nagulat ako noong mayroong sumigaw.

Narinig kong ulit ang malakas na sigaw kaya't nataranta ako. Nakarating din agad ako sa pinto ng kwarto at agad binuksan iyon. Nakita ko ang reyna, hawak hawak ang tyan niya at may dugo na din akong nakikita.

Natulala at nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. O Diyos ko, tulungan niyo po kami!

Agad kong inalalayan si Elsa pahiga sa kama. Sigaw siya ng sigaw at hinahapo na din siya. Mayroon ding namumuong butil ng pawis sa noo niya. "Rolan!" Sigaw niya, na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko.

"A-Ano? Ma-manganganak ka na ba?" Natatarantang tanong ko.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Oo, Rolan manganganak na ako!" Malakas na sigaw niya sa akin. Biglang na blanko ang isip ko noong sabihin niya iyon. Manganganak na daw siya, subalit ano bang ginagawa kapag mayroon ng mangangak?

"Tulong, tulong, tulog! Ang reyna manganganak na." Malakas na sigaw ko. Ngunit walang dumating kaya't sinigawan nanaman ako ni Elsa. Palakad palakad ako kung saan saan dahil hindi ko talaga alam ang gagawin.

"Aaaahh!" Sigaw nanaman niya.

"Hinga, hingang malalim Elsa. Kumalma ka." Pagsasabi ko sa kaniya, bagkus parang sa sarili ko lamang kaya ko nasabi iyon, dahil ako ang hindi mapakali.

Agad niya akong hinila noong makalapit ako sa kaniya, hinawakan niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Kada mapapatili siya ay nagugulat ako, at nanakit ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"R-Rolan!" Sigaw niyang muli.

"Ano?" Hindi magkaintindihang tanong ko sa kaniya? Napalingon ako sa may pinto wala pading, napalibot ang paningin ko sa buong kwarto at sa bintana. May nakita akong babaeng naka taklob ang muka gamit ang kapa.

"Ikaw! Ikaw! Tulungan mo kami!" Sigaw ko sa kaniya dahil sa pagkataranta. Agad naman siyang lumapit sa amin.

Inayos niya ang pusisyon ng reyna. Alam kong hindi dark sorcerer ang babaeng ito dahil hindi nakakaramdam ng dugong dark sorcerer siya.

Ang mga royal blood ay may kakayanang tumukoy kung sino ang mga dark sorcerer nararamdaman na lang namin iyon.

Sigaw ng sigaw si Elsa habang hawak hawak ang kamay niya. Tumutulo din ang luha niya sa mata dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kahit ako ay naiiyak na din dahil sa nakikita ko.

Ilang sandali lamang, nakarinig kami ng iyak nang sanggol.

"Anak ko..." Nahihirapan sabi ng reyna. Nakita ko din na hinahabol niya na ang hininga niya at nakangiti ng pagkatamis tamis lalo na noong masilayan niya ang mukha ng aming anak.

"R-Rolan, ang a-anak ko g-gusto kong mahagkan." Hinihingal na sabi niya. Karga karga pa din ng tumulong sa amin ang sanggol namin

"Prinsesa." Wika noong babae.

"Prinsesa?" Mag kasabay na tanong namin ng reyna.

Tumango naman ang babae. "Salamat sa tulong mo." Nakangiting sabi ko. Habang nakahain ang kamay ko upang kargahin sana ang mahal na prinsesa. Ngunit nilayo niya ito kaya't malaking pagtataka ang namuo sa aking isipan.

"Akin na ang mahal na prinsesa." Wika ko ng may awtoridad. Umiyak muli ang sanggol namin at gustong gusto ko na itong kunin noong pagkakataon na iyon, subalit nag-salita siya.

"Lahat ng magandang kalooban ay binibigyang kabayaran. Ang lahat ay nakatakda ay magaganap at magaganap kahit anong pigil nating lahat. Kukunin ko ang mahal na prinsesa upang mabayaran ko ang malaking utang na loob ko sa inyo. Huwag kayong mag-alala, protektado siya sa kamay ko. Hindi ako masama. Tulong ang hatid ko sa inyo. Nawa'y maunawaan niyo. Sa darating na panahon, kakaharapin ng mga bagong manganak na sanggol ang malupit na tadhana. Huling paalam na ito. Kapakanan niyo ang inaalala namin." Mapait na wika niya bago tuluyang mag-laho.

Advertisement

"Pangalagaan mo sya!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, pero bakas ang pag-kabigla at hindi maintindihang pakiramdam ang nararamdaman ko.

"Ang anak natin!" Malakas na hinagpis namin ng reyna. Wala kaming nagawa kundi ang maiyak ng maiyak.

Maya maya lamang mayroong umilaw sa kama at inilabas noon ang isang sanggol. Agad ko yung nilapitan at hinawakan. Subalit bigla na lamang mawalan ng malay ang reyna. Inalalayan ko muna siya bago ko balikan iyong sanggol.

Hindi ito umiiyak kaya't nagtaka ako. Inilapit ko ang muka ko malapit sa ilong nito at natuliro ako noong malaman ko na wala na itong buhay. Nanginginig ko itong inilapag muli sa kama. Alam kong hindi ito ang anak namin. Alam ko iyon. Nararamdaman ko. Ngunit sino ito?

May nakita akong sulat sa saplot nito. Kinuha ko ang sulat at binasa.

"Nakatakdang manganib ang buhay ng tunay na prinsesa, kaya't palabasin nyiong patay na siya. Para wala ng umangkin sa kaniya. Nasa akin ang prinsesa, proprotektahan namin siya. Mapatawad niyo sana ako. Itong sanggol na ito ay anak ko, ngunit namatay siya ng ipanganak ko. Sanay bigyan niyo siya ng magandang libing. Iyon lang ang hihilingin ko."

Naguguluhan ako sa nilalaman nito, kaya't pinunit ko ito at sinunog. I'm a fire charmer.

"Mga kamahalan." Napatingin ako sa pinto, ang mga tauhan sa palasyo.

Agad silang nagtatakbo saamin ng reyna. Tumindig ako. "Ayusin nyo ang Reyna." Malumanay na sabi ko. Kahit may tumutulo na luha sa muka ko.

"Patay ang prinsesa." Iyon ang huling mga salitang sinabi ko, bago lumabas ng kwarto ng iyon.

Lumipas ang mga araw, hindi namin matanggap ng reyna ang nangyari kahit alam namin na para sa kapakanan iyon ng anak namin. Hindi man lamang namin siya nahagkan at nahalikan. Kapapanganak pa lamang niya subalit kinuha na agad siya sa amin.

Pinili naming sundin ang nabasa ko sa sulat. Sinabi ko kasi iyong sulat na kay Elsa. Ang sinabi niya lamang sa akin ay magtiwala ako at masasagot din sa tamang panahon ang mga nangyayari.

Napakalungkot namin ng mawala ang prinsesa. Hindi kami makausap ng maayos. Lalong lalo na ang reyna palagi na lamang siyang nakatulala na para bang wala ng ganang mabuhay pa. Hindi ko mapigilang mapaliha tuwing nakikita ko siyang ganoon.

Nagtagal ang labanan ng dark sorcerers at charmers. Unti unti kaming natatalo. Habang nagluluksa pa kami sa pagkawala ng prinsesa. Sa digmaan ko din ibinuhos ang galit ko.

Hindi ko alam ang nangyari pero habang naglalaban kami. Nakakasilaw na ilaw ang biglang umultaw. Napatingin ako sa pinaggagalingan noon. Sa palasyo.

Agad akong nagpatakbo ng kabayo, pabalik sa palasyo. Hindi pa ganoong kagaling ang reyna. Mahina pa siya dahil sa panganganak niya. Maaring mawala rin siya sa akin!

Pagkadating ko dun. Nakita ko siya sa veranda ng palasyo. Habang ginagamit ang majestic light spell. Niyakap ko siya mula sa likod. Narinig ko ang hikbi niya. Nadala ako dahil sa mumunting tinig na iyon. Hindi ko mapigilan na matakot at maiyak.

"Tapos na." Hingal na sabi niya saka nawalan ng malay. Habang may luhang pumapatak mula sa mga mata.

***

Matapos nyang gamitin ang kapangyarihan niya. Naging maayos na ang labanan. Sa tulong noon, natalo namin ang dark sorcerers.

Naging maayos na din ulit ang lagay ng reyna. Mabuti na lamang at hindi siya ganoong nanganib. Kahit tapos na ang digmaan, at marami ng nagsasaya, kami lang ang malungkot dahil sa pangungulila namin sa prinsesa.

Ni hindi man lamng namin siya nabigyan ng pangalan.

"Charmaine Miracle." Napatingin ako kay Elsa, noong malumanay niya iyong bangitin. Niyakap niya ako, at narinig ko nanaman ang paghikbi niya kaya hinagod ko ang likod niya.

"Charmaine Miracle?" Tanong ko sa kaniya.

"Charmaine Miracle. Iyan ang gusto kong pangalan niya. Isa siyang milagro at biyaya para sa akin kaya't Miracle, at isa din siyang napaka-espisyal na sanggol na puno ng karisma at mabuting puso kaya't Charmaine. Kung nandito lamang siya at kasama natin... Gusto kong masakama ang anghel natin... Pagkatapos itatawag ko sa kaniya ay Miracle, dahil isa siya sa milagro ng buhay ko." Umiiyak na wika niya, hinagod ko ang likod niya at pinatahan hanggang sa makatulog siya.

Inanunsyo namin noon sa buong palasyo ang balita ng namatay na ang prinsesa at alam iyon ng buong charm world.

Ang prinsesa namin na si Charmaine Miracle Vassileia. Mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal namin siya.

End of Flashback

"Iyan ang tunay na nangyari sa totoong prinsesa." Malungkot na sabi ng hari. Nakaramdam ako ng awa at sakit dahil sa pinag-daanan nila. Hindi ko akalain na ganoon pala ang nangyari sa prinsesa.

"Miracle... Miracle..." Napatingin kami sa reyna. May natulong luha sa mata niya. Agad namin siyang nilapitan. Pagkatapos ay nagkaroon na ulit ito ng malay.

"Nawa'y walang ibang makakaalam ng pinag-usapan natin. Sana'y maintindihan niyo." Napatango naman kaming amin --Charlene, Vien, Louie, Kyle, Ash at ako-- Ang dami naming nalaman ngayon. Sana talaga buhay pa si Ayisha para naman nakasama niya ang magulang niya, kung siya man ang prinsesa.

Tumayo ang Reyna at nilapitan si Ayisha kaya't sinunandan ko siya. "Miracle..." Mahinang usal niya. Hindi ko alam kung bakit parang may nag-udyok sa akin na hawakan siya sa balikat noong ginagawa ko iyon nagulat ako noong bigla niya akong yakapin.

Hinagod ko ang likod niya at hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano, sana ganoon din siya.

Ilang saglit lamang lumapit sa amin ang hari at nginitian niya ako at hinawakan at ginulo ang buhok. Napangiti naman ako doon. "Ituloy na natin ang ginagawa natin mahal na reyna, para malaman natin kung siya ba ang prinsesa." Malumanay na sabi ng hari kaya naman umatras ako mula sa kanila.

Gagawin na sana nila ang parang ritwal noong matigilan silang dalawa, kaya naman napalapit kami doon.

"Paano?" Mahinang banggit ni Charlene at Vien.

"Anong nangyayari?" Tanong naman ni Kyle.

"Ryleen..." Narinig ko ang gargal na boses ni Louie habang maluha luhang nakatingin sa katawan ni Ayisha. Hinawakan din niya ang kamay nito.

"Lumuluha ba talaga siya?" Mahinang bulong ni Ash sa tabi ko. Kaya't napatango ako ng marahan habang nakatitig sa kaniya hanggang sa maluha na din ako.

Tama ba itong nakikita namin? Lumuluha ba talaga si Ayisha? Subalit paano? Wala na siyang buhay hindi ba?

***

Madilim.

Kanina, galing ako sa matinding sakit subalit ngayon ay wala na akong kung hindi panlalamig.

Nasaan ako? Bakit puro dilim ang nakikita ko? Nanginginig akong tumayo kahit wala akong makita sa paligid. Gusto kong sumigaw pero parang natuyuan ako ang lalamunan dahil walang tinig na lumabas mula sa akin.

Ilang sandali lamang nagulat ako noong bigla akong masilaw dahil sa isang napakatingkad na ilaw. Unti-unti ding nag-adjust ang mga mata ko dahil doon, at nakita ko si Louie umiiyak.

Naguluhan ako dahil doon at nagkaroon din ng kirot sa puso ko.

"Ayisha..." A voice called me.

Napatingin naman ako sa isa pang liwanag. May nagflflash na scene dun. Ibat ibang scene simula noong bata pa ako at kasama ko pa ang mga itinuring kong magulang, pati na din iyong unang pagkakataon na nagkakilala kami ni Louie.

Maraming ilaw na biglang umultaw at kahat ng iyon mayroong sinaryo ng buhay ko. Hindi ko mapigilan mapaluha habang nakikita ko ang mga ala-alang iyon. Lahat ng mapait at masaya nakikita ko.

Kahit may halong lungkot ay natutuwa ako habang nakikita ko iyon. Subalit sa isang iglap bigla na lamang dumilim ulit ang lahat.

"Ayisha..." Someone called.

"Ayisha..." Lumingon lingon ako para makita ko kung sino iyon. Napansin ko sa isang banda na mayroong maliit na ilaw, na akala mo ay firefly lang sinundan ko ito.

"Ayisha..." Tawag ulit noong boses. Habang sinusundan ko iyong maliit na liwanag, habang tuloy pa din ang pagtawag ng boses na iyon sa akin. Pamilyar yung boses. Sobrang pamilyar.

Tumigil yung liwanag, kaya napatigil din ako. Ngunit hindi nawala ang pagtataka ko kung bakit ako nandito at sa kung ano ang tunay na nangyayari.

Aabutin ko sana yung liwanag pero bigla itong lumaki. Pagkatapos ay hinigop ako nito.

"Ang iyong katauhan, iyo ng malalaman. Humanda sa rebelasyong iyong matutuklasan." Narinig kong sabi ng isang tinig. Inaamin ko kinilabutan ako dahil doon.

Ilang sagit ang lumipas noong bigla na lamang akong iluwal ng liwanag sa isang lugar. Punong puno ako ng pagtataka at parang paulit ulit pa din ang boses na narinig ko kanina.

Ang katauhan ko? Malalaman ko na?

Nawala na lamang bigla ang atensyon ko sa naiisip ko noong makita ko ang buong kapaligiran para akong nasa isang palasyo.

Parang nagkakagulo dito kaya't nagtry akong tawagin ang isa sa mga nakasalubong ko habang natakbo ngunit bigla na lamang ako noong nilampasan na para akong isang multo, noong una ay nagulat ako subalit nag-sink in din sa utak ko ang nangyayari, nandito ako para panuorin lamang ang lahat.

Madami talagang natakbo papunta sa itaas kaya't nakitakbo na din ako. "Ang reyna, manganganak na! Bilis." Iyan ang mga karaniwang naririnig ko kaya naman parang nataranta din ako, grabe din kasi ang pagkataranta lo.

Maya maya tumigil iyong nagtatakbo at pumasok sa isang pinto kaya naman mabilis din akong pumasok doon. Pagkarating ko doon, ay malakas at matinis na sigaw ang aking narinig. "Aaaah!" Sigaw nito.

Mayroong isang babae na nanganganak, ito siguro ang reyna. Hawak hawak niya ang kamay ng hari habang sumisigaw. May babaeng nagpapaanak sa kanya, at marami ding nakapalibot na mga katulong upang tulungan iyong babaeng nagpapaanak.

Maya maya pa, nakarinig kami ng isang iyak. Sanggol na umiiyak. Napatingin ako dahil doon. Mangiyak ngiyak iyong hari noong masilayan niya ang mukha noong sanggol. Ang lambot ng titig niya doon, halatang halata ang pagmamahal.

"Prinsipe!" Masayang wika ng babaeng nagpapa-anak. Walang pag-aalinlagan ay binuhat ng hari iyong sanggol at hinagkan. Napangiti naman ang reyna doon, subalit bigla na lamang siyang sumigaw ulit.

Lahat ng nakapaligid sa kaniya nataranta. "May isa pa!" Sigaw ng isang babae. Hindi nagtagal matapos ang sigawan ay nauluwal na din ulit ng reyna ang isa pang baby.

"Isa muling prinsipe." Wika ng babae. Nagbunyi ang lahat dahil doon. Kambal na prinsipe ang anak ng hari at reyna. Nakakatuwa silang pagmasdan ang sasaya ng mga mata nila.

"Ransen Yvel Vassileia, ang ating panganay." Wika ng hari na mayroong masiglang ngiti sa labi habang nakatingin sa reyna.

"Rolan Yves Vassileia, ang itatawag natin sa ikalawa." Nakangiting sabi naman ng reyna.

Matapos banggitin iyon ng reyna biglang tumigil ang lahat. Walang ingay ang maririnig. Kaya't nagtaka ako. Itinapat ko iyong kamay ko at winagayway sa harap ng isang kawal subalit nanatili silang nakatigil lamang.

Patuloy akong nagtataka, ngunit bigla na lamang gumalaw ang paligid ng sobrang bilis. Pakiramdam ko umikot ang ulo ko dahil doon.

8 years later.

Matapos ang parang pag bilis ng oras ay ang pag-iiba ng lugar kung nasaan ako. Inilibot ko ang paningin ko at noong gawin ko iyon, parang pamilyar iyong lugar, para itong enchanted land subalit may pagka-luma ang dating.

"Magtago tayo, Rolan dali andyan na ang mga kawal." Sigaw ng isang boses ng batang lalaki. Agad kong hinanap ang pinagmumulan ng boses at mayroon akong nakitang dalawang bata na nag-uusap.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click