《My Enchanted Tale》Charm 45 ❀ Lost Princess

Advertisement

I remember tears streaming down your face when I said, "I'll never let you go."

***

Tahimik lamang kaming lahat kahit paminsan minsan ay narinig ko ang hikbi ni Charlene at Vien.

"Mukang pati, panahon nagluluksa." Walang buhay na wika ni Bella. Napatingin ako sa kaniya. She's not crying. Hindi ko pa nakikitang umiyak sya mula kanina. Subalit, mababakas mo sa muka niya ang sakit na dinaramdam ng puso niya.

"Bakit ganito?" Umiiyak na sabi naman ni Charlene. Inalo naman siya ni Vien na umiiyak din. Samantalang si Kyle ay tahimik lamang na pinipigilan ang mga luha. Kanina nakita kong pumatak ang mga iyon, habang magkayakap sila ni Bella.

Buhat-buhay ko ngayon ang walang buhay na katawan niya. Andito na kami sa labas ng andonadong gusali at makulimlim ang langit, parang may nag-babadyang ulan.

Nakatulala lang ako habang karga ko si Ryleen. Nakokontrol ko na ulit ang emosyon ko kaya't hindi ako nag-wawala. Pero,kahit ganoon, nakakaramdam pa din ako ng magkahalong galit at sakit. Hindi pa din ako makapaniwala na iniwan na niya kami. Masyadong mabilis iyong mga pangyayari na matutulala ka na lamang imbis na paniwalaan iyon.

May pumatak nanaman na luha mula sa mga mata ko at kasabay noon ang pag-patak ng malakas na ulan. Hindi namin ininda ang ulan na iyon, bagkus ay hinayaan lamang namin dahil parang nagdadalamhati din ang langit sa pagkawala niya.

Naalala ko iyong boses niya at pagiging madaldal niya. Nawawarak iyong puso ko. Kahit gaano pa siya kadaldal o kakulit pagtitiisan ko lahat iyon, bumalik lamang siya sa akin.

Ryleen, please gumising ka na, masamang biro iyang ginagawa ko. Namimiss ko na agad iyong kakulitan mo. Iyong mga panahong nangunglit ka pati na din kapag tahimik lamang tayo sa tabi ng isa't-isa. Hindi na talaga kita aawayin bumalik ka lang. M-Mahal na kita saka mo naman ako iniwan...

Hindi ko napansin nasa may highway na kami. Tumawag si Vien ng pegesus. Hindi ko pinansin iyon at ginamit ko ang sarili kong kapangyarihan para makalipad. Na-una akong umalis habang buhay buhay ko pa din si Ryleen.

"Gumising ka na, mahal kong reyna. Ang bigat mo oh." Mahinang banggit ko sa kaniya, umaasang babarahin niya ako o di kaya naman ay babatukan. Ngunit walang nangyari, napapikit na lamang ako ng madiin. Ang sakit, sobra.

Hindi ko alam kung saan kami napadpad. Pero, nakita ko na lamang nasa harapan kami ng bahay ko. Kaya't napag-pasyahan kong pumasok kami sa loob dahil sa malakas na ulan. Inihiga ko siya sa kama ko. Ginamit ko din ang charm ko para matuyo siya. Her face is blank.

Tinitigan ko iyon, umaasang mumulat din sila. Lagi kong nakikita ang ganitong klaseng itusra ni Ryleen. Lagi komsiyang pinanunuod noon kapag nakakatulog siya, tuwing pinagmamasdan ko ang mukang ito, wala akong ibang maramdaman kundi magiging masaya at kuntento. Siya lamang ang nakapag-paramdam noon sa akin, kahit simpleng pagtitig lamang ang ginagawa ko.

Pinaalam ko din agad kayna Bella na nadito kami dahil mamaya baka mag-hanap sila.

Tinuyo ko na din lamang ang sarili ko ay patuloy siyang pinag-masdan. Ang amo talaga ng muka, mukang anghel. Nakakagaan sa pakiramdam pagmasdan, sa,antalang ngayon bakit bigat ng loob ang nararamdaman ko?

Advertisement

Napatungo na lamang ako sa kama habang hawak hawak ang kamay niya. Pagkatapos may biglang nag-flashback na ala-ala sa akin. Iyong pagkakataon na dito siya natulog ang cute ng reaksyon niya noon. Naalala ko din iyong unang pagkakataon na nahalikan ko siya sa labi. Napakasaya noon, subalit ngayon naghahatid ito ng kalungkutan sa akin.

Naiiyak lamang ako sa mga naalala ko kaya naman lumabas muna ako saktong mayroon atang dumating. Tinungo ko ang pintuan at tama nga ako, nandoon sina Kyle. Agad ko silang pinapasok.

"San siya?" Walang buhay na tanong ni Bella. I looked at the way to my room, kaya pumunta siya doon, kasunod sina Kyle. I headed to the kitchen. Ang hirap pala na mawala agad siya. Bakit ganun? Sobrang sakit. Ngayon ko naramdaman na parang hindi ko kakayanin na wala siya. Ngayon ko na-realize kung gaano ko siya mahal na mahal.

Sana ako na lang iyong napahamak, sana ako na lamang iyong nawala. Hindi ko kasi kaya na siya itong kinuha sa akin. Nakakalokong buhay nga naman ito. Bullshit!

"Magiging masaya ba siya?" Napatingin ako noong may marinig akong boses. Nakita ko si Bella na kararating lamang ngayon dito sa kitchen.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa tingin mo magiging masaya si Ayisha habang nakikita kang miserable? Magiging masaya ba siya kung nakikita ka niyang ganiyan?" Natigilan ako panandalian dahil sa sinabi niya. Alam kong hindi siya magiging masaya. Pero, nawala iyong pangarap ko. Nawala iyong pangarap ko na makasama siya habang buhay. Tila nawalan na ng patutunguhan ang buhay ko ngayon.

"Hindi. Alam kong hindi." Madiing bigkas ko. "Pero masisisi mo ba ko kung ganito reaksyon ko? Bullshit Bella! Mahal na mahal ko iying pinatay nila. Mahal na mahal ko Bella!" Sigaw ko habang mayroong tumutulong luha. Kung kailan ko naramdaman na sobrang saya ko kapag nandyan siya, na mahal ko na siya, saka pa siya nawala.

"Louie---"

"Oo Bella, miserable ako sa pagkawala niya. Hindi mo ako masisisi, si Ryleen ang nagturo sa akin kung paano uli maging masaya, siya ang nagbigay ng direksyon sa buhay ko. Paano ko magagawang maging maayos kung wala na iyong dahilan ng mga pagbabago at ngiti ko ha?" Paglalabas ko ng sama ng loob sa kaniya.

"Ang sakit lang na makita iyong mahal mo habang nawawalan ng buhay sa harap mo, pero wala kang magawa. Parang guguho yung mundo ko habang yakap ko siya! Sana pinatay na lang din nila ko. Ang hirap mabuhay ngayon Bella. Oo nga't hindi siya magiging masaya kung makikita niya akong ganito. Ngunit, hindi ko pa kaya maging okay para sa kanya. Ikaw ba Bella, bakit hindi ka man lang umiiyak? Bakit para g hindi ka man lang naghihinagpis? Kamamatay lang ng bestfriend mo subaliy wala kang pinapakitang emosyon, ni walang luhang lumalabas dyan sa mata mo. Kaibigan ka ba talaga---"

Hindi ko natapos ang sinasabi ko noong bigla na lamang akong sampalin ni Bella. Napasobra pala ako, dahil sa sakit na nararamdaman ko. Kailangan matigil ito. Hindi pupwedeng magtuloy tuloy ito, baka malaman na nila ng tuluyan ang tungkol sa mga mata kong isinumpa. Napaiwas na lamang ako ng tingin kay Bella dahil sa nangyari.

Advertisement

"Damn you, Louie! Iyong koneksyon namin sa isa't-isa walang ka pantay noon para saakin. Hindi porket hindi ako naiyak, wala akong paki-alam sa kaniya. Alam mo na mas doble iyong sakit ng pagkawala niya saakin. Ang tagal ko siyang nakasama, mas madaming alaala na mahirap kalimutan, mas madaming hinanakit ang nararamdaman ko. Mahal na mahal ko iyong bestfriend kong iyon! I would dare to risk my life to save her! Oo, hindi ako naiyak. Pero, hindi mo ba alam na kahit hindi ako naiyak, mas masakit ang dinadanas ko? She's the only family I have! Pagkatapos nawala pa. Kapatid na turing ko sa kaniya Louie, kaya huwag na huwag mong kukwestsunin kung kaibigan ba niya talaga ako. Kasi nakaka-bullshit lang. Tandaan mo masakit din sa akin ang lahat! Ayoko lang na makita niya akong mahina, dahil sigurado akong hindi niya iyon magugustuhan. Kahit naman papaano mas gusto ko naman na masusunod iyong gusto niya kahit wala na siya." Habang sinasabi sa akin ni Bella iyon, tuloy tuloy ang pagpatak ng hula sa mga mata niya.

Naramadaman ko iyong pagmamahal niya kay Ryleen. Ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasama ang loob. Karaniwan napaka masiyahin niya. Masyado akong nadadala ng damdamin ko, dapat hindi ko siya sinabihan ng ganoon.

"I'm sorry." Mahinang banggit ko, tumango lamang siya at saka nag-tatakbo paalis sa kusina ko. Iyong mga luhang bumabagsak sa mga mata niya, punong puno ng lungkot at sakit.

Ano bang rason mo Ryleen para iwan na lamang kami lahat agad?

***

The next morning.

Tahimik at walang buhay. Iyang mga salitang iyan ang pinaka-mag-lalarawan sa amin ngayon.

Dito na kami natulog sa bahay ni Louie, dahil nga isa lang kwarto dito at si Ayisha ang nandoon dito kami sa salas lahat na tulog. Pumunta na ako sa kwarto ni Louie para tingnan si Ayisha. Nakita ko doon si Louie, nakaupo sa sahig hawak hawak ang kamay niya.

"Ryleen, gising ka na. Natutulog ka lang hindi ba?" Mapaklang bigkas niya habang umiiyak. Kahapon pa siya ganiyan. Kitang kita mo sakaniya iyong sakit. Maliban sa akin, alam kong si Louie ang pinaka nasasaktan ngayon. Mahal na nila ang isa't-isa, saka pa nabulilyaso.

"Louie," I called him. Humarap lang siya sa akin. "Papunta na sina Charlene at Vien sa enchanted forest, doon ko pinaayos sa kanila ang magiging bier ni Ayisha." Naiiyak na wika ko, kaya tumingin ako sa taas at huminga ng malalim para naman hindi magunahan ang mga luha ko sa pagtulo. Tumango na lamang siya at hinalikan si Ayisha sa noo.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Ayisha noong maramdaman ko na mainit iyon. Nagtaka ako dahil doon, dapat malamig na ang bangkay niya. Hinawakan ko siya sa muka subalit mainit pa din. Tiningnan ko ang pulsuhan niya subalit wala itong pintig. Inilapit ko din ang ulo ko sa dibdib niya subalit walang tumitibok doon, kaya napa-buntong hininga na lamang ako. Baka gawa lamang iyon ni Louie kaya parang ang temperatura niya ay buhay pa.

Inayusan ko si Ayisha. After that, dinala na namin siya sa Enchanted Forest. We saw the fairies, naiiyakan din sila. Wala na din kasi si Sapphire.

Nagtanong sa akin sina Emerald kahapon kung anong nangyari. Masaya lang naman daw sila naglalaro pagkatapos, bigla daw nawalan ng malay si Sapphire at ayun,mnawalan ng buhay. We explain everything to them. Sobrang iyak din sila ng iyak sa nalaman nila. Lalong lalo na noong nalaman nilang pati si Ayisha patay na.

"Elemental Guardian had passed away, let's give her honor." Narinig kong wika ni Kyle. Matapos naming ilapag sa bier niya si Ayisha. May mga nakapalibot na bulaklak doon. All her favorite flowers and color are there.

Umupo kami na kami sa mga upuan. Mayroong matataas na opisyal ang nandito. Kakaunti lang naman ang mga charmers, dahil hindi namin ito pinag-sabi sa iba. Baka kasi kumalat at matakot lamang sila ng todo, dahil wala na si Ayisha.

Nagising na din si Ash kagabi at noong malaman niya ang balita. Lagi na lamang siyang nakatulala at hindi maka-usap. Baka nga sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Kanina pa din pumapatak ang luha niya sa mata habang nakatingin sa kawalan.

Si Charlene at Vien pagang paga na iyong mata nila. Tahimik na umiiyak sa isang tabi. Si Kyle at ako humuhugot ng lakas sa isa't isa. Samantalang si Louie hindi na umiiyak pero nakatitig lang siya sa katawan ni Ayisha.

Maya maya lamang may narinig kaming tunog ng trumpet kaya napatayo kaming lima. It's the queen and king. Nakasakay sila sa karwahe. Matapos nilang makalapag. Dumiretso sila sa bangkay ni Ayisha.

"The Elemental Guardian." Malungkot na sabi ng hari. Nagulat kami sa nakita namin. May pumatak na luha mula sa mga mata nito, pati na din sa reyna.

Pagkaka-alam ko hindi pa nila kilala si Ayisha kaya nagtataka ako noong makita ko silang parang nasasaktan ng todo todo. Anong nangyayari? Lumapit kami sa kanila. Pinagmasdan ko si Ayisha at ang hari, tama nga ako. Magkamukha sila!

Teka? Paanong? Bakit? Bakit sila magkamuka? Kaya pala noong una kong makita ang hari ay nasabi ko parang kahawig niya si Ayisha. Para silang pinagbiak na bunga, mukha silang mag-ama.

"Maybe she's the lost princess of ours." Narinig kong imik ng reyna saka niyakap ang hari. Napantig naman ang tainga ko doon at punong puno ng pagtataka silang tinitigan.

"Hindi ba patay na ang main princess, mga kamahalan?" Tanong ni Vien na sana'y itatanong ko din. Lumayo kami ng kaunti sa mga opisyal, kaya kami na lamang ang nagkakarinigan.

"Oo, iyon ang sinabi namin na patay na ang prinsesa, pero hindi totoo iyon dahil pagkapanganak na panganak pa lang niya. Kinuha na agad siya saamin. Noong panahong nanganak ako, may nagaganap na digmaan dito. Kaya't nakuha ang mahal na prinsesa. Ngunit, pinalabas namin na patay na siya para, hindi na siya pagka-interesan pa ng dark sorcerers. Sigurado din kaming hindi dark sorcerer ang kumuha sa kaniya. Napakiusapan namin siyang itago ang prinsesa. Pumayag naman siya. Ang malaking pagkakamali lang namin hindi namin nalaman kung sino siya." Paliwanag ng Reyna. Nanlambot ako sa narinig ko.

Maari kayang si Ayisha ang nawawalang prinsesa namin na inakala naming patay na? Is it possible that she is our lost princess?

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click