《My Enchanted Tale》Charm 42 ❀ Traitor
Advertisement
Iyong inaakala mong kakampi mo, siya pang tratraydor sa iyo.
***
Napasalampak na lamang ako sa sofa dito sa living room, dahil sa pagkayamot. Hindi ko naman akalain na ganoon ang nangyari kanina. Nainis lamang ako ng todo noong iwan ako bigla ni Ryleen, sumagi na lamang sa isip ko na wala siyang paki-alam sa akin kaya naman hindi ko maiwasan hindi mainis. Pagkatapos mapapaliwanag na sana dapat ako,mnabulilyaso pa dahil mukang mainit din ang ulo niya.
Kasalanan ko ito, hindi ako nag-iingat sa mga salitang binibitawan ko. Pati emosyon ko kahit napipigilan kong umapoy ang mga mata ko, nailalabas ko naman basta bast na parang hindi nag-iisip.
Hindi ko alam pero, simula noong makasama ko si Ryleen naging ganito, oo, kaya niyang pakalmahin ang sistema ko, kaya niyang pagaanin ng napakabilis ang loob ko, nagagawa din niyang kontrahin ang sinumpang mga mata na taglay ko, subalit parang may kapalit iyon at iyon ay ang paglabas ng emosyon na matagal ko ng tinatago. Pasalamat na lamang ako dahil parang pinipigil pa din ng presensya ni Ryleen ang pag-aapoy nito.
Hindi ko alam, napapatigil niya ito, subalit para kaya din niyang palalain ito. Aish. Ang gulo. Nakaka-loko lamang ang mga nangyayari ngayon.
Maya maya naramdaman ko na lamang na may tumapik sa balikat ko at umupo sa katabi ko. "Problema niyo ni Ayisha?" Simpleng tanong ni Kyle. Napailing na lamang ako.
"Wala." Tipid na sagot ko.
"Kung wala, anong iyong nangyari kanina ha?" Pangungulit pa niya. Napabuntong hininga na lamang ako mukang wala akong takas sa kaibigan kong ito. Tiningnan ko siya at mukang pursigido talaga siyang malaman kung bakit.
"Kanina sa charm edifice." Pagsisimula ko. Tahimik lang siyang nakikinig. "May nakita ako kaya nag-iba mood ko." Patuloy ko pa. Napatingin sa akin si Kyle na para bang nanghuhula kung sino iyong nakita ko.
"Don't tell me, si--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya, noong magets ko na alam na nga niya at iisa ang nasa isip namin.
"Yes. Si Fiona. Nakita ko siya, nabuhusan pa nga niya ako ng tubig sa damit. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon o ano, basta ang alam ko lang, nainis agad ako dahil sa kaniya." Diretsong banggit ko.
"May epekto parin siya sa'yo?" Tanong ni Kyle, medyo natigilan naman ako doon, pero sinagot ko pa din iyong tanong.
"Oo, galit ang epekto niya sa akin." Walang alinlangan na sagot ko. Narinig ko namang ang pagpapakawala ni Kyle ng hininga dahil sa sinabi ko.
"Ayusin n'yo na lamang ni Ayisha iyong pinag-awayan niyo. Dapat nga hindi mo ginanoon si Ayisha kanina, baka naman kasi may dahilan siya. Bakit ka ba nagagalit ha?" Pagtatanong niya sa akin.
"Nagalit ako dahil kay Fiona, pagkatapos nasigawan ko na lamang siya dahil hindi ako makapag-isip ng matino, hindi ko naman iyon sinasadya, naalala ko lang kasi iyong kagaguhang nangyari dati. Iniwan pa niya kaya nainis ako. Para kasing wala lang ako sa kaniya. Tss." Paliwanag ko, natawa naman si Kyle ng marahan doon.
"Ang babaw niyo." Komento pa nito. Binigwasan ko siya sa tyan dahil doon.
"Baka kasi kaya umalis si Ayisha ay dahil gusto ka lang niya bigyan ng space at time. Kitid din kasi ng utak mo minsan, dude. Ayusin mo nga iyan. Unti-unti ka ng nagbabago, pagkatapos babalik ka nanaman sa pagiging walang modo, at padalos dalos lagi. Tsk. Kausapin mo siya kapag malamig na ang ulo niyo parehas. Mabilis niyong maayos iyan." Payo niya sa akin saka nakipag-apir.
Mabuti na lang laging nagpapayo sa akin si Kyle. Mabuti na lang din at kababa ko siya. Siya ang lagi kong nagpapagsabihan ng problema, nakakatuwa din maging kaibigan ang katulad niya.
Advertisement
Umakyat na lang muna ako sa kwarto ko, para makapag-isip isip. Mamaya kakausapin ko si Ryleen para maayos na ito, hindi ko pa man din maatim na ganito kami ngayon. Ayoko noong nag-iiwasan kami, nakakabaliw.
***
Hindi ako makatulog dahil parang nakakaramdam ako ng kaba at takot. Hindi ko alam kung bakit parang nasa isang masamang kalagayan ako ngunit wala naman. Nalilito ako dahil maayos naman ako kanina pagkatapos bigla ko itong mararamdaman.
Bumababa muna ako papunta sa kusina para uminom ng tubig. Baka dala lamang ito ng sobrang pag-iisip ko. Kumuha agad ako ng bote ng tubig at saka iyon ininom, ngunit iyong kakaibang pakiramdam na kaba, inis at takot hindi maalis. Tss. Nababaliw na ba ako?
"Oh? Louie." Napalingon ako noong may makita akong pigura sa dilim. Base sa boses si Bella iyon.
"Gising ka pa?" Wika niya. Itinapon ko muna iyong bote sa basurahan at saka naglakad papalapit sa kaniya. "State the obvious, Bella." Walang ganang tungon ko, narinig ko naman ang pag-ismid niya.
"Si Ryleen?" Tanong ko. Magkasama pa din kasi sila sa kwarto kahit kasal na si Bella at Kyle. Masyadong gentleman ang kaibigan kong iyon kaya ganon.
"Wala sa kwarto. Pero, nag-text naman siya sa akin na huwag na natin siyang hanapin at okay lang siya. Hayaan mo na baka kailangan lang noon na mapag-isa, ganoon pa naman iyon." Sagot ni Bella, kaya't napatango na lamang ako.
Bumalik na lamang ako sa kwarto at nahiga. Habang nakatitig sa kisame. Hindi pa din mawala iyong pakiramdam ko na may mali. Kinakabahan na natatakot ang pakiramdam ko, ako nga ba ang nakakaramdam nito o hindi?
***
Ang lamig iyon agad ang naramdaman ko noong magkamalay ako. Medyo nanginginig din ang katawan ko dahil doon at idagdag mong sariwa agad sa isip ko ang nangyari kanina.
Unti unti kong minulat iyong mga mata ko. "Gising ka na pala." Nakangising sabi nang isang dark sorcerer na nakataklob ang muka gamit ang parang pandong ng kapa. Kinilabutan agad ako dahil sa presensiya niya.
Gagamit sana ako ng kapangyarihan, pero nagtaka ko ng hindi to gumana. Anong nangyayari?Tumawa lang yung dark sorcerer sa akin. "Hindi ka makakagamit ng kapangyarihan, elemental guardian." Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Alam niyang ako ang elemental guardian?
"A-anong pinag-sasabi mo dyan ha?" Kinakabahang sagot ko.
"Elemental guardian hindi ba? Ang dali mo naman palang kunin akala ko mahihirapan ako kanina. Pagkakataon nga naman mukang umaayon ang tadhana sa mga plano namin." Nakangising banggit niya.
Gusto ko siyang sugudin sa pinag-sasabi niya ang kaso nga lang hindi ko magagawa dahil nakatali ako sa upuan at hindi ko pa magamit kapangyarihan ko. Nakakainis, siguro balak nila akong patayin o di kaya naman ay isama sa kanila. Ugh, ano na lang ang gagawin ko?
"Bakit hindi ko magamit ang kapangyarihan ko?" Asar na tanong ko sa kaniya, habang pinipilit makawala sa pagkakatali ngunit nasasaktan lamang ang pulsuhan ko dahil sa pagpupumilit kong makawala.
Tumawa ito ng nakakatakot at nakakakilabot. "Tanga ka talaga. Nakikita mo iyang nasa paa mong anklet? Isang anklet yan na pumipigil sa kapangyarihan ng sino mang may suot nan na charmer. Talino namin ano? Naimbento namin iyan, hindi katulad niyo mga bobo." Mapanuyang sabi niya. Naiyukom ko naman kamao ko.
"Pakawalan mo ako!" Sigaw ko sa kaniya.
"Tanga ka talaga. Sa tingin mo papakawalan kita?" Maangas na wika niya saka lumapit sa akin. Doon ko naaninag muka niya. Nakakatakot siya. Iyong mga mata niya kulay itim lahat, wala man lamang puti doon o kahit ano. Pakiramdam ko namawis ng malamig ang mga palad ko noong makita ko iyon.
Advertisement
"Hinahanap ka kaya nila?" Pang-asar na tanong niya. Lalong dumoble iyong kaba ko dahil doon, baka saktan din nila sina Bella. Hindi ako makakapayag doon.
"Siguro hindi dahil pinadalhan ko na sila ng isang mensahe." Nakangising pahayag niya saka niya ipinakita ang cellphone na tila nang-aasar. Napa-tiim bagang ako dahil doon. Mukang mag-solo kong kahaharapin ang dark sorcerer na ito.
***
Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o kakabahan ngayon. Pinapatawag na kasi si Kyle at Bien sa palasyo at siyempre isasama ako nila ako, para na din tumutol at sabihin sa kanila na kasal na kami.
"Wifey!" Sigaw ni Kyle. Kaya dali dali na kong bumababa. Wala pa din si Ayisha, baka nasa bahay ko lamang siya. Hinahayaan ko na lamang muna dahil ayoko namang mangulit tungkol aa probelma nila ni Louie. Isasama din namin si Charlene dahil witness siya sa nangyaring kasal. Si Louie naman, hindi ko alam kung nasaan baka natutulog pa.
Lumabas na kami ng bahay at may mga pegasus na sa harap ng gate kaya sumakay na kami. Sa iisang pegasus lang kami ni Kyle si Charlene at Vien naman tig-isa.
Hindi din nagtagal, nakarating din kami sa Charm Palace, noong makita ko ito namangha agad ako. Bago ka makapasok sa loob, may malaking gate munang dadaanan. Pagkatapos may bantay doon sa gate na iyon. Higanteng kawal na nakasuot ng oarang pang knight and shining armor. Ichecheck ka muna nila ng masinsinan at dadaan ka din muna sa parang gate na magsasabi kung may dala ka bang pahamak sa mga nasa palasyo o wala. Nakapasok naman kaming lahat, kaya't patungo na kami doon.
Sinalubong agad kami ng mga kawal at inihatid sa kung nasaan ang hari at reyna. Kinabahan tuloy ako bigla, pero hinawakan ni Kyle ang kamay ko at saka ngumiti, kaya kahit papaano nagkaroon ako ng lakas ng loob.
Andito kami sa room na puro glass window, makikita mo ang kabuuan ng Enchanted Land. Pagkatpos may five thrones at sa tapat noon may dalawa pa na mas magarang tingnan. Iying lima siguro ay para sa princes at princesses ng iba't-ibang land at iyong dalawa sa hari at reyna.
Maya maya dumating si Angelica Anthurium, naging kaklase namin siya dati. Mautak at magaling din siya, pero kung sa pagkontrol ng earth si Charlene pa din ang pinaka magaling para sa akin. Kaya siguro siya napili ay dahil matapang siya at makakatulong pa. Princess na siya ng Earth Wall Land.
Sumunod sa kanya si Jade Steven Douse kaibigan ni Kyle dati. Water element din kase siya. Pogi pa din siya, ngumiti siya sa amin kaya naman binati namin siya. Kung hindi dahil sa pamilya ni Douse, siguro si Kyle ang napili, pero mas gusto na hindi prince si Kyle.
May halos padabog naman ang sumunod sa kaniya. Si Louie Blake Stanford pala, andito pala sya? Mukang naiinis siya. Prince kasi siya ng Fire Circle Land at mukang labag sa loob niya. Nako, dapat asawahin na nitong sangganong ito si Ayisha bago pa magkaroon ng paligsahan.
Umupo na din si Vien sa upuan niya, siyempre as a Princess of Air Heaven Land, deserve na deserve ni Vien ang tronong iyon.
Napabaling naman ako sa bagong dating. Siya pala talaga ang napili as a princess for enchanted land. Hindi na ako ganoong nagtaka, parents pa lamang niya malakas na ang kapit sa konseho dito pati na din sa hati at reyna, parang alaga na din siya ng makakapangyarihan, kaya siguro ganoon.
Fiona Jelyn Stygian. Mukang isa din siya sa dahilan kung bakit hindi maipinta ang mukha ng sanggano ngayon. Hindi naman ako galit kay Fiona. Naging kaibigan ko din naman siya. Pero, nandoon parin iyong tampo dahil sa pang-iiwan niya saamin. Tumingin siya sa akin at ngumiti, ngiting malungkot. Napatingin naman ako kay Louie. There's a fire in his hand. Hanggang ngayon siguro magkagalit pa din sila.
Maya maya lang, may biglang parang trumpet na tumunog. Isang signal iyon na nandito na ang hari at reyna, kaya mabilis kaming umayos ng tayo at nag-bow. Naramdaman ko na ang presensiya niya kaya naman nakaramdam ako ng kaba.
"Magandang umaga sa inyong kahat." Wika ng isang tinig, kaya't inangat na namin ang mga ulo namin. Mukang iyong reyna ang nagsalita, ang amo ng muka niya pati na din ng boses niya. Ang ganda niya. Ngunit, noong matitigan ko siya ng masinsinan, may napansin ako... may kamukha siya. Hindi ko lamang matukoy kung sino.
"Kamusta na kayong lahat?" Wika naman ng Hari tsaka siya ngumiti, at inalalayan ang reyna pa-upo. Tiningnan ko din ang hari at napagtanto ko na may kamukha din siya. Omg! Omg! Bakit parang kahawig niya si... Ayisha? Tama ba? Si Ayisha? Hindi ako sigurado, pero parang may pagkakahawig silang dalawa.
"Maayos po, mga kamahalan." Magalang na sabay sabay na tugon nila. Napa-tungo naman ako ng marahan, dahil hindi ako nakasagit doon. Pagkatapos ay tumingin pa sila sa akin. Pasalamat na lamang ako noong ang binigyang pansin nila ay si Vien.
"Amethyst of Air Heaven Land. Maari kabang pumarito sa unahan sandali?" Malumanay na wika ng reyna. Pag-uusapan nanamin ang mga bagay bagay na ito.
Tumayo si Vien at lumapit sa mahal na reyna. Yumuko muna siya bago, pumunta sa harap. "Ikaw din Clifford ng Water Tribe Land, maari ka bang tumungo dito?" Nginitian muna ako ni Kyle na parang sinasabi niyang magiging okay ang lahat, bago niya pina-unalakan ang kagustuhan ng reyna.
"Kayong dalwa ay aming pinagkasundo. Alam niyo iyan. Napagplanuhan na namin ang lahat. Sa makalawa gaganapin ang pagtatakda at kasal ninyo. Sina-sang-ayunan niyo ba ito?" Tanong ng hari na mayroong malawak na ngiti.
"Mawala ng galang na po. Ngunit, hindi po namin ito sinasang-ayunan." Mahinanong pahayag ni Kyle, kaya naman nagtaka ang hari at reyna. "Kasal na po ako, mga kamahalan kaya po wala ng magaganap na kasalan." Dugtong pa niya.
"Anong iyong winiwika Clifford?" Naguguluhang tanong ng reyna.
"Una po sa lahat, may mahal na ako, kahit itakda niyo pa po ako Kay Amethyst, hindi po ako makakapayag. Dahil kahit anong mangyari ang puso ko, ay matagal nang nasa isang babae. Pangalawa, alam ko pong mali ang ginawa ko, nakatakda na po ako pero nagpakasal pa po ako. Ikatlo, hindi ko po kasi kayang mawalay sa babaeng mahal na mahal ko, kaya't nagpakasal kami. Alam ko po ang kasalanan ko. Nag mahal lang naman po ako. Sana po'y maunawaan nyo. Ipataw niyo na po ang parusang nararapat sa akin. Huwag lamang po sa babaeng mahal ko." Halos mapaluha ako dahil sa sinabi ni Kyle, tagod na tagos iyon sa puso ko. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang sana ay malampasan namin ang mga problema naming dalawa.
"Kung iyong mamarapatin, maari ko bang malaman kung sino ang iyonh asawa?" Tanong ng reyna. Tumango si Kyle at lumapit sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko. Pumunta kami sa harap at ipinakilala niya ako sa kanila.
"Siya po kamahalan ang bumihag sa munti kong puso. Ang asawa ko po, Yzabella Fyzerille Clifford." Hindi ko maiwasan hindi kiligin dahil sa sinabi niya. Ang swerte ko talaga.
Ngumiti ang Hari at Reyna sa aming dalwa. Bahagya akong nagulat ako. "May naalala kami sa inyong dalawa. Ipaglalaban ang pagmamahalan hanggang dulo. Wala na siguro kaming magagawa. Maging maligaya sana kayo." Pahayag ng hari na nakapagpasaya sa akin ng todo.
Lumapit silang dalawa sa amin at saka kami niyakap. Hidni ko alam pedo noong yakapin ako ng reyna nakaramdam ako ng yakap ng isang ina. Matagal na din kasi akong ulila. Simula ng mamatay ang magulang ko noong bata pa ako.
"Kung walang magaganap na kasalan mula Kay Amethyst at Clifford. Siguro panahon na upang buksan ang paligsahan, para sa babaeng babagay sa ating dalwang prinsipe." Saad ng hari. Nahuli agad ng mata ko ang pagka-gulat at inis sa mukha ni Louie. Nako, kailangan na din ata nilang ikasal ni Ayisha o di kaya naman ay sumali dapat si Ayisha sa paligsahan.
***
Maliwanag na, pero wala pading tulong na nadating saakin.
"Talagang walang dadating na tulong sa'yo. Nakalimutan mo ba ang ginawa ko kahapon at sa isang munting teknolohiyang dala?" Agad bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis.
"Sino ka ba ha? Ano bang kailangan mo saakin ha?!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ako? Oo, nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala ng pormal sa iyo, elemental guardian. Ako si Dave Caliginous, a powerful dark sorcerer. Nautusan ako para kunin ka at pahirapan ka bago ka patayin." Ang sama niya, kitang kita ko sa mata niyang purong itim iyon.
"Hindi mo ako mapapatay!" Sigaw ko sa kaniya. Mukang napikon siya sa sinabi ko at bigla na lamang niya akong kinurynte. Nasaktan at halos mag-hingalo na agad ako dahil doon. Mangiyak ngiyak na din ako.
Nakaramdam agad ako ng pang-hihina. Ano bang klaseng kuryente iyon? Nanghihigop ng lakas? Siguro nga. Nanginginig ako dahil sa takot. Wala akong laban sa kaniya, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Paano ka nakapasok sa Charm World?!" Kahit nanghihina at parang paubos na agad ang boses ko dahil sa ginawa niya, pilit ko pa din iyong itinanong.
"Simple lang, napakadali ngang makapasok dito. Napakadali ding mauto ng mga nandito. Itatago lang namin ang marka ng pagiging dark sorcerer at magpapanggap na mabait. Mayroon din kaming mga panlagay sa mata upang hindi kami makilala. Mayroon din kaming bagay na pumipigil sa mga detectors dito, upang malaman na dark sorcerer kami. Ganun lang kadali. Marami kami dito, kalat na. Humahanap din kami ng puwedeng mag-traydor na charmer. Aalukin namin at kapag hindi sila pumayag kamatayan ang kasagutan." Nakangising paliwanag niya, nakapaghatid naman iyon ng kilabot sa akin.
Natahimik ako dahil doon. Akala ko papabayaan na niya ako, ngunit bigla nanaman niya akong kinuryente, nangisay ang buong katawan ko. Napasigaw din ako sa sobrang sakit. "Aaaaaah!" Hidni ko mapigilan hindi maiyak dahil lalo akong nanghina.
Nag-makaawa ako sa kaniyang tama na subalit hindi niya ako pinakinggan, sinabi niya sa akin na dapat lamang daw akong mag-hirap. Patuloy lamang niya akong pinahirapan, halos naghihingalo na din ako dahil sa ginagamit niyang kapangyraihan.
Natumba din ang upuan kung saan ako nakatali kaya't napasama ako sa pagbagsak. Nakaramdam ako ng malakas na pagtama ng ulo ko sa semento at kasabay noon ang malakas na sigaw ko dahil sa matinding sakit. "Aaaah!"
Lumapit iyong ibang kasamahan niya sa akin at inayos ulit iyong upuan. Napapikit na lamang ako, dahil para akong tinangalan ng kaluluwa at lakas.
Louie... Please... Tulungan mo ako...
Nakapikit ang lang ako. Ngunit agad din akong napamulat noong biglang may pumasok. Gusto kong humingi ng tulong, ngunit hindi ako makapag-salita.
"Dumating ka na pala? Mabuti at naisipan mong kumampi na saamin." Ririnig kong tinig noong Dave.
"Mabuti nga at kumampi na ko sa inyo. Asan siya?" Rinig kong sabi noong kapapasok lamang. Noong marinig ko ang boses niya, napantig ang taing ko, dahil pamilyar iyon.
"Nasa sulok." Pahayag noong Dave. Ilang sandali lang nakarinig ako ng mga yapag ng paa papunta sa direksyon ko.
"Sabihin mo, kailan maganda patayin ang babaeng iyan?" Boses ni Dave ang narinig ko.
"Kung pagbibigyan niyo ako. Ako ang mag-uutos kung kailan." Narinig ko nanaman ang pamilyar na boses na iyon, hanggang sa may naramdaman akong kamay sa mukha ko at kasunod noon at kadiin na paghawak niya sa baba ko.
"Kamusta, Ayisha?" Noong marinig ko ang boses na iyon, agad kong iminulat ang mga mata ko kahit nahihirapan ako. Nanginginig ko siyang tinitigan, siguro ay mababakas ang gulat at takot sa akin ngayon.
"Ash." Tanging bulong ko.
***
Advertisement
- In Serial68 Chapters
Saga of the Soul Dungeon
When Caden dies in an accidental fall, he is merged with a dungeon core in another world. The problem with that? The dungeon core wasn't dead, and he has share mind-space with it. And that doesn't take into account mastering his new abilities well enough to escape from the powerful wizard that is, understandably, leery about allowing a dungeon to escape. Even after he manages to escape he needs to found and manage a dungeon. Of course the location he chose might have a few issues of its own. He is on the border of two human nations who are not particularly pleased to share. A sentient plant race claims the dungeon as sacred ground. And, amidst the chaos, teams of adventurers just want to make a living and figure out how to deal with the latest challenge. Just so readers know, Caden is not a murder-hobo. He is a genuinely nice person trying to make the best of his situation. If you want a main character that revels in killing people, this is not the book for you. This is a reworking, and continuation, of my original novel into first person. And it is going great! The writing is well past where my original novel got to. This work will never be dropped. Hiatuses may happen due to life, but I will never abandon this fiction. Currently 20+ chapters on Patreon
8 110 - In Serial77 Chapters
Decompose!
Dear diary. When you read stories about some people missing and returning after years of absence claiming they were living in another world, your first reaction is to scoff and dismiss a story as a tall tale, right? I know I did. All the time. Until it happened to me and I no longer did. That day was today. Some god of thunder smote me. If it were Chris Hemsworth, I wouldn't mind but it was some barbaric Hitite god that abaondned Earth some four millennia ago. Yes, what can I say? I love the seventh art. I have more hours watching movies than any other activity, including sleep. What? Do you think I'm exaggerating? Maybe I am. I'll really miss hollywood the most. And my biggest regret is that I never got to visit the holy city of cinema. I did not come to another world to be a hero even though there was hints that they hoped I'd save it. I did not come with overpowered abilities able to, dunno, leap tall castles in a single bound, faster than a speeding crossbow bolt, be more powerful than a eight-horse carriage, the bounds. No. After the asshole god that murdered me brought me to his world, he gave me some boons from his discount bin and "The Power of my Soul (tm)". Forgive my french, I hope you understand I am rather upset at dying. And he somehow decided that my power is to recycle stuff. How awesome is that? Not much at first, I must admit. At least I got all my camping stuff and equipment with me. There's no lycra in the other world. I'll make it someday, but that day is not today. So here I am. In another world, in the middle of nowhere. I'm no heroine. As the song goes, I'm your basic average girl. And I'm assumed to be here to save the world. But almost everything can stop me, because I'm not named Kim. Wish me luck, diary. ------------------------------------------------------------------------ This novel is going have the following features: slow-paced slice-of-life No GameLit / LitRPG elements. Movie references. Sandra likes the seventh art. Journal / diary style crafting (includes chemistry, engineering and metallurgy) low magic technological advancement (for Sandra, at least. She is not against sharing though) personal relations clash of perception between the modern and ancient customs. bits of tension, fighting, and plot here and there. I won't repeat myself though. Once she crafts a good batch of soap, for example, she'll just note, "I crafted soap again." Once it is estabilished how she obtains compound X, compound X2 that is obtainable from the same process will also just be mentioned. I'll try to be as realistic as I can with the crafting, chemistry, and technology. Cover: Public Domain Image by StockSnap from Pixabay. No attribution required but we do it anyway.
8 118 - In Serial11 Chapters
Craftsman
Its 2020 and a new VRMMO game is about to hit the market. It's revolutionary and freeform game systems claim to enable you to do anything you desire! 3x time compression guarantees that everyone from students to doctors to athletes will have time to play it. Jaden is only interested in one thing though. Crafting. This will be a VRMMO crafting story. Fights will be almost entirely powered via Jadens equipment. slightly advanced real-world tech. Relevant Keywords: Blacksmithing, Alchemy, Crafting, Gathering, Gadgeteer, Enchanting, Magic Im a fledgling Author with minimal experience (mainly my other hiatus story here on the site) so any feedback is extremely helpful. I do have a discord server that can be found in my bio if you would like to interact with me and others reading the story more directly (alternatively you can also PM me on here or comment). updates should be every day or two, but my discord is where you can find out if I won't be posting on a specific day.
8 69 - In Serial34 Chapters
The Professional
After winning the lottery and using the money to disappear from normal society, getting tortured and losing a limb, a man who would never share his name in the real world delves into the virtual gaming world in an attempt to hold onto what little remains of his already damaged mind.Entering a world of both beauty and danger, he finds far more than he bargained for. It soon becomes clear that he is one of the smallest fish in this virtual lake. To walk the tightrope to the end and achieve victory, you must be a professional. He is anything but.
8 106 - In Serial105 Chapters
Super Sekken (An Action Shonen Story)
This is the author’s first story ever written. It may not be great, but do check it out, and I hope you enjoy! I’m currently working on its sequel. Hope. Courage. Self-value. Friends. These all were traits that former junior high soccer champion and first year Miyuki Sekken had none of until she first walked into the doors of her local High School. Despite being a sports athlete phenomenon in her school district, Miyuki dreaded its attention, and even quit her career in pursuit of living a simplistic daily routine. This daily routine would be inevitably interrupted when she chooses to 'branch out' by talking to people. Whether it be a chance of bad luck, fate, or karma, Sekken ends up speaking to someone who was unknowingly suffering from a curse: a curse that causes anyone who tries to get close to them to disappear. Miyuki Sekken would be the next victim, finding herself face-to-face against a once-thought mythical mafia. This gang is not just any gang either, but one who is run solely by the school students of Maguro High, who hold secrets to powers unheard of by the world. How will this first year survive? Will she conquer her anxiety and thwart the gang's vicious rule? Or will she end up losing more than she could have imagined? P.S. I am not a good drawer, so I use Picrews and photo editors to get the general idea for my characters' designs. Rights to the Picrews used go to their respective authors.
8 188 - In Serial14 Chapters
The Blue Beyond
When an strange new organism crash lands on the small research planet Kazi, Head of Security Nickolas Johns is tasked with destroying it. But that isn’t easy when your past keeps coming back to bite you. Will they be able to stop the spread?
8 58

