《My Enchanted Tale》Charm 38 ❀ Happiness
Advertisement
***
Mahabang katahimikan ang namayani. Bakas naman sa muka nila ang gulat sa sinabi ko, pero natahimik silang lahat. Hindi siguro nila maitanggi sa sarili nila na maaring iyon na ang puwedeng solusyon dito.
"We will think about it." Si Kyle ang bumasag sa katahimikan tapos hinila niya si Bella at umalis sila doon. Si Vien at Charlene naman halos sabay napabuntong hinga at magkasamang umalis na din dito. Kaya naman solo na kami ni Louie ngayon.
"Tayo na lang kaya pakasal." Agad kong nabatukan si Louie dahil doon. Loko din talaga ang isang ito, lalo kapag may topak.
"Biro lang." Natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero, mukang hindi man lamang siya natinag.
Matapos niyang tumawa. Hinila niya ko papunta sa may balcony. Ang ganda ng view. Sunset! Napaka-refreshing tingnan ng langit na may iba't ibang kulay, red, orange, white, at parang violet. Nakakagaan sa pakiramdam makita ito.
Maya maya may nakita ako fire ball sa unahan ko, lumingon ako. Galing kay Louie. Ngumiti lang siya sa akin, kaya humarap na lang ulit ako sa magandang view. Pagka harap ko doon sumabog yung fire ball na ginawa niya at nagkaroon ng iba't ibang kulay mula doon. Natuwa naman ako dahil doon.
"Maganda ba?" Tanong niya, nakita ko sya sa gilid ko. Nakangiti sya.
"Sobra." Iyan na lang ang sinagot ko. Habang nanunuod ako ng sunset may naisip ko. Simple but extraordinary lalong lalo na katabi mo at kasama mo pang manuod ang taong nagpapasaya sayo, ang taong mahalaga sa buhay mo
***
Maya-maya dumiretso na ako sa kwarto namin ni Bella at humiga agad sa kama. Napansin ko ding wala si Bella kaya hinayaan ko na lamang. Ano kayang mangyayari sa kanila.
Mahal naman ni Bella at Kyle ang isa't-isa hindi maitatanggi iyon. Kaso, baka ituring nila ang lahat na masyadong mabilis, lalo na kasal ang pinag-uusapan. Hindi naman kasi basta basta iyon.
Subalit, kung titingnan mo mukang nakatakda naman silang dalawa para sa isa't-isa. Ang saya nilang panuorin kapag magkasama, tapos makikita mo sa mga mata nila na parang mawawalan sila ng ganang mabuhay kapag nawalay sa isa't-isa.
Wala naman sigurong masama kung ang iisipin nila ay ang magpapasaya sa kanila hindi ba? Sabihin na nating mabilis ang mga pangyayari at iba pa, pero hindi ibig sabihin noon hindi magiging maayos ang relasyon nila.
Advertisement
"San ka galing?" Agad akong napabagon at napalingon noong may biglang mag-salita at pumasok dito sa kwarto. Andito na pala si Bella.
"Oh, andyan ka na pala. Galing ako sa balcony kanina, kasama ko si Louie." Pahayag ko. Ngumiti naman siya sa akin at saka umupo dito sa kama.
"Anong nangyari sa inyo ni Kyle?" Tanong ko naman. Bago pa sagutin ni Bella ang tanong ko, nag-buntong hininga muna siya at biglang humiga sa kama. Nabitin tuloy ako, hindi sumagot sa tanong ko.
"Bella, ano nga? May kasalan na bang magaganap?" Excited na tanong ko. Humarap naman sa akin si Bella na walang ekspresyon sa muka. Ang sarap tuloy batukan nito. Asar.
Umupo naman siya pero nanatiling tahimik. Parang bumilis tuloy ang tibok ng puso ko dahil sa ina-akto niya. Mahabang katahimikan ang nangyari, pagkatpos tumungo siya. Kinabahan naman ako doon, baka kasi masamang idea na tinanong ko siya.
"Bel---"
"Oo, Ayisha." Mula sa pagkakatungo ay inangat niya ang ulo niya habang mayroong ngiting nakapinta sa muka.
Samantalang ako naman ay natigilan at parang na-estatwa sa pagkaka-upo sa kama. Nanatili akong nagmamasid sa itsura niya, pero isang matamis na ngiti pa din ang nakasilay doon.
Teka? Tama ba ko ng dinig? Tama ba yung narinig kong 'Oo, Ayisha'? Unti unti nag-proseso sa isipan ko ang sinabi niya. Hanggang sa hindi ko na maiwasang sumigaw.
"Omg! Omg! Omg!" Paulit ulit na sigaw ko habang pumapalakpak. Napatalin tuloy ako sa kama. "Sabihin mo Bella tama ba ang pagkakarinig ko?" Paninigurado ko ulit. Walang alinlangan namang tumango si Bella.
"Kyaa! Omg! Ikakasala na kayo ni Kyle? Bella, omg." Hindi mapakaling sabi ko at saka umupo ulit sa kama at nakipag-apir sa kaniya. Sobrang saya ang naramdaman ko ngayon para sa kanilang dalawa. Hindi ko maipaliwanag iyong buong nararamdaman ko, basta sobrang saya.
"Kalma, Ayisha. Late reaction ka na nga, ang OA pa ng dating." Natatawang sabi ni Bella, pero hindi ko iyon pinansin at dinilaan lang siya. Saka ako nagpagulong gulong sa kama dahil sa sobrang kilig. Haha.
Tumigil ako sa pagiging parang kiti-kiti at humarap ulit kay Bella. "Totoo talaga iyon sinabi mo Bella ha? Ikakasal na kayo?"
"Oo nga! Kulit, paulit ulit ka na dyan." Wika niya. "Napag-isipan na din naman namin. Magpapakasal kami, pero kapag hindi naging maayos ang relasyon namin dahil ilang taon lang tayo, maghihiwalay na lang kami. Pero sa ngayon, our decision is final. We'll get married soon. Para hindi matuloy ang kasal nila ni Vien. Saka okay lang naman sa akin at sa kanya. Parehas naman namin alam ang nararamdaman ng isa't-isa." Paliwanag niya kaya't nagtitili nanaman ako na para bang ako iyong ikakasal. Haha. Wala kasing mapag-sidlan ang kasiyahan ko.
Advertisement
"Ang swerte mo. Kyaaa~!" Sigaw ko ulit.
"Anong nangyayari?!" Napalingon naman kami bigla ni Bella sa pinto noong halos lumagabag ito. Nandoon sina Kyle, Louie, Charlene at Vien na mukang nagtataka at nag-aalala, natigil tuloy ako sa pag-sigaw
Lumapit agad si Louie sa akin pagkatapos ay hinawakan ako sa pisngi. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Agad naman akong tumango doon.
"Bakit kayo andito?" Tanong naman ni Bella.
"Sigaw kasi kayo ng sigaw. Akala namin may nangyari na." Sabi naman ni Kyle tapos lumapit na din kay Bella. Pagkatapos sina Charlene umupo na din sa kami namin.
"Aba! Si Ayisha, sisihin nyo makatili wagas." Natatawang sabi ni Bella. Napa-nguso naman ako dahil doon.
"Tch! Sino ba naman hindi titili nung sabihin mong payag na kayong makasal ni Kyle." Depensa ko naman, habang naka-cross arms. Bigla namang natahimik ang lahat kaya't nagtaka ako. Magtatanong na sana ako noong bigla na lamang tumili ng sabay si Charlene at Vien.
"Bellaaa~ Kyleeee~ Omg!" Tamo iting mga ito, reaksyon ko reaksyon din naman nila.
"Congrats, dude." Biglang sabi ni Louie kay Kyle, tapos nagkamayan sila. Niyakap naman bigla ni Kyle si Bella mula sa likod habang naka-upo. Bigla tuloy kaming napatiling tatlong babae.
"Sasakit tainga ko sa inyo eh!" Reklamo ni Bella, pero tinawanan lang namin iyon.
"Sus. Kilig ka lang dyan eh." Nagkatinginan kaming tatlo Nina Vien pareparehas kasi kami ng sinabi.
"Ako, payakap nga!" Nagulat ako noong biglang sinabi at gawin iyon ni Louie. Pakiramdam ko tuloy namula ng sobra ang muka ko.
"Sige na, kayo na ang may partner. Kami na ang wala." Malungkot at nakasimangot na sabi ni Charlene kaya't nagkatawanan kami.
Nagtagal sila sa room namin nila Bella ng konti pang oras, pero maya maya rin naman umalis na sila. Bukas magsisimula na kami mag-plano para sa kasal nila. Samantalang iying training ko, tuloy parin.
Ang saya ng nangyari ngayon, sana magtuloy tuloy na.
***
The next 6 days
Andito kami ngayon ni Kyle sa training ground sa ilalim ng pond na yun.
Mabilis kong natututunan ang lahat ng tinuturo niya sa akin, kasi nung mga nakaraang araw masaya at magaan lang pakiramdam ko. Siguro nakatulong iyon para maging ganado ako sa training at magawa ko ng mabilis at pulido ang mga itinuturo niya sa akin.
Ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay ang kalabanin ang higanteng whale shark na ito, kahit malaki sya sobrang bilis niya kumilos
Sumakay ako sa ibabaw nito at gumawa ng lubid gawa sa tubig at itinali ko sa kaniya. Nagwala ito kaya napabaliktad baliktad ako. Nalaglag tuloy ako nakawala nanaman sya. Aish! Kahapon pa itong balyenang ito.
Gumawa ako ng maraming water weapon at ipinagbabato sa kaniya, pero niisa walang tumama. Kumuha ako ng timing at sumampa uli sa likudan niya. I balanced myself on the top of the whale shark, para tuloy siyang naging surfing board sobrang laki nga lang.
Nagwala nanaman ito dahil sa ginawa ko. Gumawa ako ng malaking water knife, at tinarak ko ito sa likod niya, malakas na ungol ang narinig ko. Para tuloy akong naguilty dahil sa ginawa ko. Kahit medyo labag sa loob ko hinayaan ko na lamang iyon at agad akong gumawa ng water rope at ginamit ulit iyon sa kaniya para matigil siya sa pagwawala. At matapos ang ilang sandali, sa wakas naitali ko rin siya.
Nagawa ko din at hindi na nanlaban iyong whale shark.
"Yes! Natapos din!" Masyang wika ko. Nakita ko naman si Kyle na nakangiti.
"Mabuti naman binilisan mo, tatlong oras na lang, wedding na." Nakangiti ng sabi ni Kyle, kaya't napangiti din ako ng sobrang lawak.
"Bilis! Tara na excited na ako." Aya ko sa kaniya.
"Oo na, oo na. Wait lang!" Nauna kase ako pag-ahon sa kaniya. Agad kong tinuyo yung sarili ko, at agad lumipad patungo sa portal!
Excited ako dahil ngayon ang kasl, subalit hindi ito ganoong engrande. Kami kami lamang ang nakaka-alam ng kasal, dahil baka kapag nalaman ito ng iba ay madami ang tumutol, kaya naman ang kasalang magaganap ay isang malaking sikreto.
***
Advertisement
- In Serial1363 Chapters
VRMMO: The Unrivaled
Lu Chen used to be a ranker of the most popular VRMMO game, Spirit of Grief. After a car accident turned his dreams into dust, his disability left him incapable of escaping the pit of mediocrity he was thrown into. Helpless and defeated, his story ended.Two years later, the Eternal Moon Corporation launched a new VRMMO called "Heavenblessed", and Lu Chen stumbled into another terrible accident that left him in a complicated situation far beyond his ability to handle. That won't stop him from rising to the top, however. Not again.Come witness the rise of the sword-wielding zombie and the relationships he makes during his journey to the apex! For riches and bi- ahem, for career and love!He wields a demonic sword from Hell, he dons armor shining with Heaven's light. His boots stride across the sky as his helmet devours the souls of his enemies. On his left side sits the Goddess of Death. On the other, the Angel of Beauty.From the land of ice and death, a generation of Asura Kings rises, their roars reverberating throughout the world.Tremble in fear, noobs!
8 8156 - In Serial1353 Chapters
Refining the Mountains and Rivers
A young man's life changes when he stumbles upon a mysterious item. Qin Yu had never been a lucky person. Weak of body, bullied by his peers, and with only his friend as his family, he struggles day-by-day to live. But everything changes when he stumbles upon a little blue lamp. An immortal and demonic cultivating adventure.
8 3344 - In Serial2455 Chapters
Mortal Cultivation Biography
A poor and ordinary boy from a village joins a minor sect in Jiang Hu and becomes an Unofficial Disciple by chance. How will Han Li, a commoner by birth, establish a foothold for himself in in his sect? With his mediocre aptitude, he must successfully traverse the treacherous path of cultivation and avoid the notice of those who may do him harm. This is a story of an ordinary mortal who, against all odds, clashes with devilish demons and ancient celestials in order to find his own path towards immortality.
8 1050 - In Serial1503 Chapters
Dragon Prince Yuan
Destiny stolen at birth, the prince of the once mighty Great Zhou Empire, Zhou Yuan, has been plagued all his life by a fatal poison, forced to suffer powerlessly until one day when fate draws him into a mysterious domain where he meets a beautiful girl in green, a bizarre dog-like creature and an unfathomable old man in black.Join Zhou Yuan as he is thrust into the whirlpool of destiny while he seeks the pinnacle of cultivation.
8 1057 - In Serial677 Chapters
Ranker's Return
In the early days of the virtual reality game, Arena, meleegod was the strongest ranked player! He deleted his character and suddenly left. In order to restore his bankrupt family, he returned to Arena!"Do you want to create a character?"
8 1715 - In Serial1525 Chapters
Monarch of Evernight
Qianye rose from hardship but was felled by betrayal. From then, one man, one gun; he tread the path between Evernight and Daybreak and became a legend. Even if Evernight was destined to be his fate, he still intends to become the ruler who dictates.
8 22861

