《My Enchanted Tale》Charm 31 ❀ Sapphire
Advertisement
***
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Ang bigat kasi sa may tyan ko, parang may nakadantay sa akin. Napa-mulat ako dahandahan at nakita ang paligid, maliwanag na at sikat na sikat na ang araw.
Napangiti tuloy ako at umupo na. Noong naka-upo na ako unti-unti akong nagtaka kung bakit para iba itong bahay na nakikita ko.
"Hmm." Nanlaki agad ang mata ko noong bigla na lamang may humigit ulit sa akin pahiga at niyakap ako. Pakiramdam ko nabato ako bigla. Hindi ako makagalaw lalong lalo na noong maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.
Shit. Paanong katabi ko si Louie ngayon? Anong nangyari? Teka... Pagkaka-alam ko nasa school kami dahil dinala niya ako sa lotus light garden, pero anong ginagawa namin ngayon dito?
"Ahm? Louie?" Mahinang tawag ko sa pangalan niya. Jusko po. Bitawan na niya ang pagkakayakap niya sa akin maawa siya. Mahihimatay ata ako dahil sa ginagawa niya.
Hindi pa din siya gumising kaya ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya na nakapulupot sa akin at saka ulit umupo sa kama. Huminga ako ng malalim ng sobrang daming beses. Natataranta kasi ako ngayon, like omg. What the heck am I doing here? Bakit ang aga aga pero yakap ako ni Louie? Ibig sabihin ba noon? Magkatabi kaming natulog? Ahh! What the heck!
"Ryleen." Nanlaki agad ang mata ko noong bigla niya akong tawagin.
"Nabato ka na dyan?" Pa-cool na tanong niya ngunit hindi pa din ako humarap sa kaniya. Kaya narinig ko ang pag-'tss' niya.
Umalis na ata sa kama si Louie dahil medyo naramdaman ko iyon. Nagulat ako noong bigla na lamang nasa harapan ko na siya, kaya't napasigaw agad ako.
"Walangya ka Louie!" Hindi mapigilang sigaw ko kaya't natawa siya.
"Huwag ka ngang, kabahan diyan. Natulog lang tayo. OA mo." Straight na sabi niya at saka naglakad palabas dito ng kwarto. Noong makalabas siya, para akong nakahinga ng maluwag.
Maya-maya lumabas na din ako ng kwarto. Agad akong nagandahan sa nakikitang interior design dahil sobrang ala mortal world ito. Para tuloy akong gumising sa isang prestihiyosong condominium sa kabilang mundo.
"Morning." Narinig kong bati ni Louie sa isang dako. Kaya tumungo ako papunta doon. Nasa kitchen pala siya. Naka white shirt naman siya at shorts kaya hindi ako ganoong naiilang. Pero, ang hot pa din ng dating niya kahit bagong gising lamang.
"Morning din." I greeted. Saka ako umupo sa may parang counter table, habang tinitingnan siyang mag-prepare ng breakfast.
"Bakit ako andito?Kaninong bahay ito?" I asked.
"Nakatulog ka kagabi, dinala kita kayna Bella, kaso wala siya doon. Kaya dito ma lang kita dinala." Plain na sabi niya saka nag-si ulang mag-hiwa ng mga ingredients na lulutuin niya. Ang galing niya, daig pa ako.
Advertisement
"Bakit naman magkatabi natulog?" Pagtatanong ko ulit.
"Iisa lang ang kama at kwarto dito. Ako lang naman nakatira dito, nasa fire circle land ang parents ko. Saka hindi ako sanay matulog sa sofa, at alangan namang pabayaan kita dun sa sofa? Kaya tabi na lang tayo. Tutulog lang naman." He explained, kaya napatango na lang ako at pinanuod ulit siyang mag-luto.
Hindi nagtagal natapos din siya sa niluluto niya at sobrang bango ng amoy noon. Nakakagutom kaagad. Naglabas siya ng pinggan at saka niya nilagyan iyon ng pagkain at inabot sa akin. Nag-prepare din siya ng kaniya.
"Salamat!" I said joyfully, saka nag-simulang kumain.
"Bakit ka sumama kay Ash ng solo kahapon? I already told you not to go with him alone." Sabi niya habang kumakain kami.
"Iyon nga kasi iyong parang favor niya matapos iyong test. Ang tagal na nga nakaplano noon, kaso kahapon lang natuloy. Huwag ka nga dyan masyadong magsabi ng kung ano ano kay Ash. Mabait siya, lagi din siyang nakakasama ng barkada." Paliwanag ko sa kaniya, pero mukang hindi pa din siya kumbinsido. Kaya hindi na ako nagsalita pa at kumain na lamang
Matapos naming kumain. Naligo siya, samantalang ako, hindi. Wala naman akong damit.
Pagkatapos hinatid niya ko kayna Bella. Naabutan ko si Bella, nag-uumagahan. Kaya daw pala wala si Bella dito kagabi kase, hinanap daw niya ko, kaso ayun nga hindi nahanap. Si Emerald nangungulit agad sa akin. Umalis din agad si Louie, matapos akong ihatid.
***
"Bella? Alam mo ba kung bakit iniwasan ako ni Louie noon?" Tanong ko sa kaniya. Nag-aayos ngayon si Bella. Mukang aalis may kailangan daw siyang gawin sa school kahit walang pasok. Inutusan ata nung erudite. Isasama niya din si Emerald, kaya solo ako ngayon na maiiwan dito sa bahay.
"Hmm. Hindi ko sigurado ha? Pero, tinanong ko si Kyle. Sinabi niya na parang nag-usap sila ni Louie noon." Nagkaroon agad ako ng interes dahil sa sinabi ni Bella.
"Anong sabi?"
"Nagtanong daw si Louie sa kaniya kung bakit pakiramdam niya daw naiinis na lang siya bigla bigla kapag nakikita ka at kapag nandyan si Ash sa paligid mo." Patuloy na sabi ni Bella.
"Ano daw? Bakit?" I asked.
"Simple lang Ayisha. Nag-seselos si Louie. Kaya siya naiinis sa'yo kasi nakikita niya na may kasama kang iba, na para bang may kaagaw na siya sa atensyon mo. Ay nako, ewan ko ba sa inyong dalawa ni Louie. Hello, like ilang buwan na ba kayo magkasama? Tapos sabi mo pa sa akin, siya pala iyong nakilala mo noong bata ka. Hindi na ako magtataka kung mahulog kayo sa isa't-isa." Mahabang sabi nito na siyang ikinatahimik ko.
"Master Yisha, byebyebye!" Masayang sabi ni Emerald, at saka sila naglakad ni Bella paalis ng bahay. Bella also bid goodbye, kaso hindi ko iyon ganoong napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
Advertisement
Teka... Ako? Mahulog kay Louie?
May possibility. Pero, parang ang gulo naman. Nitong nakaraan wala lang naman sa akin ang lahat. Ngunit, bakit parang habang tumatagal may kakaiba na akong nararamdaman? Pilit ko pang itinatanggi sa sarili ko noon na wala akong nararamdaman sa kaniya.
Nagalit din ako ng palihim dahil sa pag-iwas niya sa akin ng hindi sinasabi ang dahilan at naiinis dahil litong lito na ako sa mismong nararamdaman ko.
May possibility nga kaya na mahulog ako sa kaniya? Kaso, parang ang hirap naman. Si Louie na moody, na jerk, magugustuhan ako? Ang hirap naman atang paniwalaan noon.
Ano ba ito. Nahuhulog na ba talaga ako?Sabi kasi nila signs daw ng ganun ay ang lagi mo siyang iniisip, kapag nakikita mo siya iyong araw mo buo na, tapos parang nagdidiwang iyong puso mo pag-andyan siya? Tapos iyong kapag magkasama kayo, parang kayo lang dalawa? Kapag may kasama siyang iba nasasaktan ka. Ganoon ba talaga ang mga signs na iyon?
Hindi, baka naman napipigilan pa itong nararamdaman na ito. Pero, paano kung nagtuloy tuloy? Kakayanin ko ba? Aish! Ano ba ito, letche. Ayoko ng mag-isip ng kung ano ano. Para akong nakikipag bargaining sa mismong sarili ko.
Sabi nila love is a battlefield. You need to try, you need to fight in order to win and to survive the pain. Yes. Love is a ruthless game. Walang pinipili, walang kinakampihan, masasaktan at masasaktan ka. But love is the happiest feeling you'll ever feel. I also want to experience that. But I'm afraid I might lose. Pero pano ko malalaman kung talo ko? Kung di ko pa sinusubukan?
Umiling iling ako. Kailangan kong tanggalin ang mga iniisip ko. Masyadong bago ang lahat ng ito para sa akin. Ano ba naman daw kasi iyong sinabi sa akin ni Bella bigla. Naguluhan tuloy ng sobra ang utak ko dahil doon.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Umaasang magiging klaro na muli ang utak ko, at mawala na ang mga walang kwentang thoughts na iyon.
Habang nakapikit nagulat ako noong, parang may kakaibang enerhiya na bumalot sa akin.
"Panahon na para magsimula ka." I heard a voice of a male, parang boses ng fire god.
"Sanayin mo na ang kapangyarihan mo ng mas mabuti." Boses babae naman ang kasunod kong narinig, sa tingin ko earth goddess ang nagsabi noon.
"Andito kami gagabay sa'yo." Panlalaking boses ulit ang narinig ko, at sigurado akong water god ang nagsabi noon.
"Tutulungan ka namin, upang makaya mo." Maamo at magaan na boses babae ang kasunod na umimik. Tandang tanda ko ang boses na iyon, mula iyon sa air goddess.
"Huwag kang susuko, andito kami, lagi sa tabi mo, sa puso mo." The light goddess told me mellowly.
Napangiti na lang ako matapos noon, pakiramdam ko kasi nawala lahat ng confusions ko kanina at tanging charms ko na lamang ang naiisip ko ngayon.
Nagmulat ako. Nakita ko ang simbolo ng limang elemento ng nakapalibot saakin Ang dahon para sa earth, ang waves para sa tubig, ang fire para flame, ang cloud para sa air at ang star para sa light.
Umikot ikot ito saakin at, biglang nasamasama sa harap ko. Pagkatapos parang sumabog ang liwanag, kaya napapikit ako.
Matapos ang ilang sandali unti unti kong minulat ang mga mata ko, nakita ko ang magagandang kulay na sumabog para tuloy itong confetting na ilaw. "Boo!" Napitlag ako sa biglang nang-gulat sa akin.
"Boo!" Ulit pa niya habang lumilipad sa harap ko? Napatitig ako sa kaniya, kumurap kurap ako. Panaginip ba ito?
"Hello!" Sabi niya habang kumakaway.
"Omg, sino ka?" I asked.
"Ako si Sapphire!" Masiglang wika niya.
"Boo! Ako si sapphire ang iyong elemental fairy! Nice to meet you!" Tapos lumapit siya sa muka ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Tapos umikot ikot sya sa akin, bawat ikot o galaw nya may dust na nalabas, iba iba pa ang kulay nito, ang ganda.
"Sapphire? Fairy ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ako? May fairy na? Omo. Pagkatapos ganito pa ka-cute at kaganda?
"Oo, ako si sapphire! Ang fairy mo. Kulit mo din ano? Paulit ulit? Paulit ulit?" Mataray na sabi niya. Napatawa naman ako doon. May pagka-pilosopo din pala ito, parang ako.
Ang ganda niya, nakasuot sya ng maliit na fluffy dress na may rainbow color, at iyong buhok niya kulay blond, tapos naka sintas iyon. Mas magandang version ni tinker bell si Sapphire.
Mukang magkakasundo sila ni Emerald at ng iba pang fairy. Excited na akong ipakilala siya sa iba. Sigurado matutuwa din si Bella kapag nakita niya ang maliit na creature na 'to.
"Tara na!" Biglang sabi niya, tapos pilit paring hinihila iyong daliri ko. Cute! Sandali, anong sabi niya? Tara na?
"Saan tayo pupunta?" I asked. "Kayna Charlene, magsisimula ka na ng mas masinsinang training. Kaya halika ka na. Huwag kang patumpik tumpik pa dyan. Aalis na tayo." Natawa naman ako dahil sa pagmamadali ng maliit na ito.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.
"Sapphire!" I called her. "Ang cute ng fairy ko." Magiliw na banggit ko. Pero, bigla siyang nag-pout kaya't natawa ako ng marahan. "Hindi ako cute, maganda ako." She said saka niya ako sinabihan na mag-ayos na.
***
Advertisement
Resurrect Nobody
Dreams are concepts that should guide you through life on a path towards a better future. For Colt West, his dream brought his life to a complete standstill. One day, as he is making his way through the halls of his university, he crosses paths with the one thing he wants to destroy: Death. This incident ends his life as he knows it, leading him down a spiral of madness and insanity. Having been given a second chance at life, will he be able to capitalize on it to seize his dream of resurrecting the dead?
8 86The Emperor's Hound
Alyn is a page serving in Fourth Star Court, going to lessons with the others in her year and learning what is required of a noble in the Nine Star Courts. One day, to her surprise, she is summoned to attend her assigned patron, Lord Miervaldis, on a mission from the Sun Emperor himself; to investigate a murder in Fifth Star Court. A scribe has been killed, and the only suspect is the lord he served, one Lord Cassian. Upon arrival at Fifth Star Court, Miervaldis commences his investigations and Alyn works hard in following up the leads available; the bullying Lord Cassian himself, his disgruntled heir, and the son of the man Cassian killed in a duel, among others. In the midst of the tangle of suspects and their motives, it becomes apparent to Alyn that there is far more going on behind the scenes. Lord Miervaldis has secrets of his own; he may not be the harmless eccentric she thought at first. Where should her loyalties lie? How exactly is the Sun Emperor involved? What is really going on? Alyn will find her loyalty tested to the limit as Miervaldis' investigation turns up more trouble than he bargained for.
8 195The Progress of Perfection
Kyle Hensworth is a self-proclaimed genius attending his second year at the Magic Academy of Vornn. Coming from a noble family practically overflowing with prodigies of all kinds; Kyle has a lot to prove. Because of this burden, everyone he encounters treats him with scorn and jealously. Tired of living in his families shadow, Kyle embarks on an adventure in an attempt to prove his worth through actions, instead of lineage. 'This adventure isn't anything like the story books...'
8 58The Other Daughter (RWBY)
A warrior princess born into leadership, two worlds divide her, yet she has no idea. One day, that will all change in the blink of an eye.
8 86A Royal Warrior
Skela has always been proud of its military might, originally a land of ruthless warriors and evolving to a land of warriors with politics. The kingdom, though not large in terms of land, now boasts thriving farms, a hardy and proud people, and a larger royal family than has been the case in years. The king and queen are in wonderful health, with two twins coming upon the age of eighteen. As a young princess, Alena has many skills under her belt; she is fluent in multiple languages, is well-versed in combat, and is beloved by many. However, her twin brother Krin is an expert politician and leader, utterly ruthless, and has a way of appealing to people's hidden desires. As their parents have yet to name an immediate heir to the throne, the siblings must discreetly battle for the Crown of the Night while winning their parent's favor, Alena utilizing her sense of righteousness and virtue, and Krin, his lack thereof. In her efforts to garner support, Alena finds herself in a new land with strange customs, left wondering at the state of affairs she'll return to.
8 146Smiling Chaos
A tale of betrayal, lies and love. SeJun University is like a jungle. Everyone belongs to a clan, a group or club. The groups leaders hate each other more than anything and it's obvious to guess why.Their one mission , conquer the school and make everyone obey them. The question is how far are they willing to go to achieve this goal Falling in love is easy even with your enemy but choosing your heart when things go south is probably the thin line that defines true love. When you come to this school, one thing is for certain. Trust no one.. Even close Friends tie hatchets over each other's heads . Lovers break their own hearts just to survive.. Being a someone in this school is like walking around with a dart board when everyone is trying to hit the bulll s eye..
8 153