《My Enchanted Tale》Charm 30 ❀ Stalker
Advertisement
Jealousy can make you a stalker.
***
Naka-upo ako ngayon sa isang sulok ng halos masirang training room. Katabi ko din si Louie at parehas kaming hindi nagsasalita. Pakiramdam ko rinig niya ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa pagod at iba pa. The silence between us was comforting, it's the kind of good one. Hindi awkward, hindi din nakakabingi. Parang nag-iintayan lamang kami na kumalma at mawala ang lahat ng iniisip namin, saka kami mag-uusap.
Ang gulo din ngayon sa training room, iyong maputing pader at kisame nito naging kulay abo at mukang sinunog.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Saka ko napagpasyahan magsalita. "Iyon pala ang kapangyarihan ng mga mata mo?" Mahinang banggit ko. Ngayon lang ako natakot ng sobra sobra, kakit kasama iyong lalaking nakakapagparamdam sa akin na safe ako sa tabi niya.
"Hmm-hmm." He retorted while nodding his head. Tumingin siya sa akin gamit ang maamong ekspresyon, mukang guilty at nagsisi talaga siya sa nagawa niya kanina. Lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.
Ganoon pala iyong kapangyarihan ng mga cursed eyes niya. Ang higupin ang charm ng iba.
"Kapag hindi ko na makontrol ng tuluyan ang sarili ko at parang may sarili ng isip ang charm ko, doon nag-sisimula ang kasamaang hatid nito. Kung anong charm ang nasa range niya, at kaya nitong higupin makukuha ito mula sa'yo. Kaya sinabihan kita kanina na huwag gamitin ng charm mo, dahil mawawala lamang ito sa'yo kapag tuluyang nahigop iyon ng charm ko." He explained mellowly.
"Ilang beses na nangyari ito sa iyo?" I asked.
"Madami na, bata pa lamang ako, ganoon na ang nangyayari, minsan napapatigil ito kapag nangingialam na ang mga gods at goddess, minsan naman hindi kinakaya ng katawan ko at nahihimatay ako kaya kusa itong tumitigil." Mahinang wika nito.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. So, bata pa lamang siya ang laki na ng burden na dinadala niya. Kaya siguro minsan napaka-ilap niya sa tao, dahil kailangan niyang kontrolin ang emosyon niya, na kailangan niyang isakripisyo ang pagkakaroon ng kaibigan para maging ligtas ang mga ito. Hanga ako kay na Bella, Kyle, Charlene at Vien. Nagawa nilang maging kaibigan si Louie.
"I'm monster. You should be afraid of me." Nasaktan agad ako dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang kalungkutan at pagiging isolated niya sa mga salita niya.
"Why would I be afraid of you, when I'm the one who can kill the monster inside you?" I replied euphoniously.
Napatingin agad siya sa akin ng nagtataka dahil sa sinabi ko. Parang tinatanong ng mga mata niya, kung ano ang mga sinasabi ko.
"Noong una nagtataka ako, bakit nga ba may mata akong kulay kahel? Bakit nga ba parang kakaibang lakas ang nararamdaman ko kapag taglay ko ito. Nasagot na ang mga tanong na iyon kanina, Louie. If you have the eyes of cursed fire, I have the eyes of the serene fire. Ang mga matang ito," Tumigil muna ako sandali at ipinakita sa kaniya ang orange na mga mata ko. "Ang nagpakalma sa'yo. Ang nagtanggal ng galit sa puso mo." I continued while smiling at him genuinely.
Napatingin siya sa akin ng hindi makapaniwala. "You mean... That's the counterpart of the cursed eyes? Iyang mga matang iyan ang magpapakalma agad sa akin kapag lumalabas ang mga apoy na mata ko?" He queried unbelievably.
I nodded mutely. "Oo. Kaya huwag ka ng matatakot sa mga nararamdaman mo, huwag mo na i-isolate ang sarili mo. Every time you feel overwhelming emotions, just look at me, and these eyes will calm you down." Matapos kong sabihin iyon, nagulat ako noong bigla niya akong yakapin.
Advertisement
"Kaya pala... Kaya pala lagi magaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga matang iyan." He whispered. I smiled.
Humiwalay din agad siya sa pagkakayakap sa akin. "I'm sorry. Nakita mo pa ako sa ganoong estado." He looked at me with apology in his eyes. So I gave him a sweet beam.
"Puwede kitang tanungin?" Biglang tanong ko. He nodded and I saw a glint of assurance in his eyes.
"Ahm, bakit mo ako iniiwasan nitong nakaraan? Alam mo bang nagalit at nainis ako doon? Naiinis ako sa'yo, nagagalit ako sa sarili ko. Para mo kasing iniwan nanaman ako." I stated, and he chuckled. Napasimangot naman ako doon.
"Kidding aside." He said matapos niya akong pagtawanan ng kaunti. "Ewan ko din, naiinis ako kapag nakikita kita. Nagagalit ako. Nararamdaman ko tuloy na ano mang oras puwedeng hindi ko makontrol ang charm ko, kaya umiwas ako. Lalong lalo na kapag malapit sa'yo si Ash. I really have the urge to burn both of you."
Nakaramdam agad ako ng kaba dahil sa sinabi niya. Alam ko kasing kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. Mabuti na lang talaga umiwas siya, ayoko pa masunog. Ang sakit pa nga ng balat ko hanggang ngayon dahil sa kanina, tapos itong isang ito, gusto pa pala ako sunungin.
"But, don't worry. Naiisip ko lang iyon. Hindi ko naman kayang gawin iyon." Para akong binunutan ng tinik sa dibdib dahil sa dinugtong niya.
"Bakit ba ayaw mo ata kay Ash? Mabait siya, kilala naman siya nina Bella, he even helped me in the test." Pangatwiran ko sa kaniya. Pero he just shrugged.
"I just hate his guts." Maikling sagot nito.
"Ang moody mo talaga. Teka, paano itong room? Anong sasabihin natin?" Tanong ko. Hindi naman kasi ata puwede na iwan namin ito ng ganito. Mukang may dumaang bagyo ng apoy.
"Don't worry about that, I'll just call the mechanic charmers. Ako na bahalang magpaliwanag." He replied simply, so I nodded silently.
Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya, saka niya inilahad ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman agad iyon at naramdaman ko agad ang malambot at may pagka mainit na palad niya. Tinulungan niya akong tumayo at hinigit niya ako bigla ng hindi binibitawan ang mga kamay ko.
Noong makalabas kami ng training room. May mangilan ngilang estudyante ang napatingin sa amin. Mabuti na lamang at kakaunti ang mga nandito dahil oras na din ata para sa klase. Speaking of class, late na ako sa unang klase ko.
"Louie, ang dungis natin tapos may klase pa ako." Bulong ko sa kaniya.
"Umalis na muna tayo dito. Let's go to a shop so you can change your clothes." He retorted, aalma pa sana ako na huwag na pero huli na. Nakatawag na agad siya ng pegasus at agad niya akong isinakay doon.
"Don't be so stubborn, just do what I say." Sabi pa niya noong makasakay kami parehas sa pegasus. Natawa na lamang ako ng kauntian doon at saka tumango. Inutusan niya iyong pegasus na pumunta sa kung saan.
Ang bilis bilis nito, at ang lamig ng malakas na ihip ng hangin, ngunit hindi ko na iyon ganung kinatakutan dahil mas nag-eenjoy ako. Nasanay na din siguro ako.
Hindi nagtagal nakarating kami sa isang parang boutique. Pinapasok agad ako ni Louie sa isang fitting room na walang kahit anong damit kaya't nagtaka ako. Pero nagulat ako noong parang may mga choices ng damit sa may salamin. I tried choosing in those, at noong makapili ako ay clinick ko lamang ito at biglang iyon na agad ang suot ko. Ang galing! Pagkatapos iyong muka at buhok ko naging maayos na ulit. Astig talaga ng mga magic dito.
Advertisement
Noong makuntento na ako sa simpleng itsura at suot ko lumabas na ako. At saktong labas din ni Louie sa isang fitting room.
"You look simply gorgeous." He said while mesmerizing my look. I cringed. Napahawak din ako sa mga kamay ko at napa-yuko. Nakaramdam talaga ako ng todong hiya.
"Bolero." Iyon na lamang ang lumabas na sakita sa bibig ko, kaya't natawa si Louie. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at matapos iyon, nag-cut kami ng klase dahil dinala ako ni Louie sa kung saan saan dito sa parang downtown ng enchanted land.
Being with him makes me feel happy and secured. Simpleng ngiti niya alam kong masaya talaga siya at ganoon din ang hatid noon sa akin.
***
"Let's go?" Excited na sabi niya. Natawa naman ako doon. Para kasing bata na nakuha na din ang gusto niya sa wakas.
"Tara!" Masiglang sabi ko at saka ngumiti.
"Saan mo ba gusto pumunta? Ahmm, Mortal World? It'll be nice in there." He spoke. Pero, mabilis akong umiling iling.
"Sabi kasi nina Bella, huwag daw muna ako pumunta doon. Delikado." Paliwanag ko, napasimagot siya ng ilang segundo pagkatapos ay parang nag-lit up ulit ang muka niya.
"Hmm. How about the amusement parks and malls here in enchanted land?" He asked. Ramdam ko ang eagerness niya pumayag ako, kaya't tumango agad ako.
"May ilan na akong napuntahan, pero iyong iba hindi pa. I think that'll be a good idea." I retorted joyfully.
"Okay. So, let's go." Excited na wika ni Ash at saka siya tumawag agad ng pegasus.
Kasama ko ngayon si Ash dahil tinupad ko na iyong sinabi ko sa kaniya na lalabas kami. Nakakahiya naman kasi sa kaniya, ang tagal na nung usapan namin tapos ngayon lamang natupad.
Weekend na din ngayon. At simula noong pag-uusap namin noon ni Louie, hindi na siya umiwas sa akin, pero minsan nakikita ko pa din sa kaniya ang pagkainis, kaya't pinandidilatan ko siya ng mata dahil doon. Baka mamaya hindi nanaman siya maka-kontrol. Nakikita kong naiinis siya sa akin kapag kasama ko si Ash. Ewan ko ba sa lalaking iyon, wala namang nakakainis doon. Napaka-bipolar talaga.
Lumipad na iyong pegasus pero bago iyon tuluyang lumipad kanina, parang nakaramdam ako ng pares ng matang nakatingin sa amin. I just shrugged dahil wala namang tao sa paligid kanina. Baka guni-guni ko lamang.
***
"Wow! May ganto pala dito." Manghang sabi ko.
"Oo, maganda sa loob, parang amusement park na may mall, tapos parang gubat din siya. You'll enjoy being here." Ash said while smiling nagulat naman ako noong bigla niyang hawakan ang kamay ko at saka hinila papasok sa loob.
Medyo nailang ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko, pero kinalaunan naging maayos na lamang sa akin iyon, lalong lalo na noong nag-simula na kaming mag-libot sa napaka-laki at napaka-lawak na lugar na ito.
Para akong batang first time ipinasyal ng magulang sa isang amusement park, dahil sa sayang nararamdaman ko. Tinitingnan ko pa lamang iyong mga rides, na-e-excite na ako.
"Ash!" Masayang tawag ko sa kaniya, noonh makakita ako ng ride na gusto kong sakyan. "Gusto kong sumakay doon." I said as I pointed the roller coaster. Ngumiti naman si Ash sa akin.
"Nice choice." He spoke, saka ako nakipag-high five sa kaniya. Pumila agad kami doon, mabuti na lamang mabilis ang service dito, at saka nag-tap lang ng card si Ash, para makasakay kami.
Rinig na rinig ko ang tilian ng ibang charmers kaya't natatawa ako. Mas malala nga iyong bus at portal na papuntang mortal world ang sa ride na iyan. Habang nag-iintay ng turn namin para makasakay. Nakaramdam nanaman ako ng pakiramdam na parang may sumusunod sa amin.
Lumingon lingon ulit ako sa paligid, pero muka namang busy ang lahat. Pinagsawalang-bahala ko na lamang ulit. Ang daming charmers ngayon dito, baka isa lamang sa kanila.
"Tara." Napalingon agad ako kay Ash noong hilahin niya ako. Turn na pala namin. Agad kaming umakyat ni Ash sa kauna-unahang upuan sa ride. Napangiti din agad ako noong makita iyong track, mukang adventure kasi. Malaki itong roller coaster, at saka open naman itong amusement park, kaya't okay lamang.
Noong maka-sakay na lahat ng kasama namin, at nagsimulang umandar ang ride, kumabog ang puso ko sa excitement. Ilang sandali lamang naging mabilis ito, kaya't itinaas ko ang kamay ko habang sumisigaw. Ganoon din ang ginawa ni Ash. Enjoy na enjoy kaming dalawa sa eide, hanggang sa natapos din ito at bumababa na kami.
"That was fun." He commented while giggling. "Tama ka." I said while chuckling, saka ako nakipag-apir ulit sa kaniya.
Nag-lakad lakad ulit kami para sa puwede naming kasunod na sakyan na ride. Noong makapili kami sinasakyan agad namin iyon. Enjoy na enjoy kaming dalawa. Pero, tuwing nakapila kami minsan, may nararamdaman talaga ako na parang may sumusunod sa amin. Tulad ngayon.
"Ash, nararamdaman mo? Parang may sumusunod sa atin." I said.
"Guni-guni mo lang yan, Yish. Ang daming charmers ngayon." He replied. Napatango tango na lamang ako, ganoon nga siguro.
Turn na ulit namin para sumakay ng ride, kaya't sumakay na agad kami. Katulad ng ibang nasakyan namin, tuwang tuwa pa din kami, para nga kaming bata na dalawa.
Maya-maya pa noong mapagod kaming dalawa sa kapapasyal at kasasakay ng rides, inaya niya akong kumain. Agad naman akong oumayag dahil nakakagutom din sumigaw sa mga wild rides at iba pa.
Dinala ako ni Ash sa isang restaurant, at naghihintay na lamang kami ngayon ng order namin. Medyo matagal bago dumating iyong order, pero noonh nasa table na namin iyon. Amoy pa lamang nakakabusog na. Sobrang bago nito, nakakagutom talaga.
Nag-simula na kaming kumain ni Ash. Parang may sariling mundo muna kami dahil sa gutom. Dahil gutom talaga ako, mabilis kong naubos ang pagkain ko. Ganoon din si Ash.
Paalis na kami sa restaurant noong napatingin ako sa isang banda, mayroong lalaking nakataklob ang muka sa dulo, pinantataklob niya iyong parang book ng pamimilian na mga pagkain, iyong parang menu.
Pamilyar iyong features niya. Teka, parang kilala ko kung sino iyon, aaka iyong pakiramdam ko parang siya iyong kanina pa sumusunod sa amin. Medyo malayo na kami sa restaurant pero tanaw ko pa din, kaya lumingon ulit ako.
Doon nakita ko siyang unti-unting ibinababa iyong menu, at halos matawa ako ng sobra noong makita ko kung sino iyon.
"Louie?" I murmured unconsciously.
"Huh?" Natauhan ako noong biglang mag-salita si Ash. Mabilis kong iniling ang ulo ko dahil doon.
"Bakit? Wala ah, wala." Sabi ko pa sa kaniya, kaya't nagkibit balikat na lamang si Ash at nag-patuloy kami pamamasyal. Subalit, hindi mawala sa isip ko ngayon na nandito si Louie at sinusundan niya kami. Napapangiti tuloy ako ng wala sa oras. Hindi ko kasi akalain na ang isang katulad niya na ubid ng yabang at taas ng pride, palihim na sumusunod sa amin.
Nakakapagtaka naman. Para saan? Siguro dahil ayaw niya talaga kay Ash. Lagi kasi niyang sinasabi nitong nakaraan na huwag na huwag akong sasama kay Ash ng solo. Kaya siguro sinusundan niya kami ngayon. May pagka-baliw din talaga nag isang iyon.
Sana kung magtatago siya at susunod ng susunod sa amin, huwga siyang papahalata. Ang bilis kong nahalata dahil nararamdaman ko ang pagka-pikon ng aura niya. Pft. May kalokohan din pala itong si Louie.
Naglalakad kami ni Ash ngayon habang nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Pagkatapos hahawakan sana ni Ash ang kamay ko noong bigla na lamang may dumaan na lalaki sa pag-itan namin sobrang bilis noon kaya't hindi ko nakita kung sino.
"That's rude." Ash murmured. Kaya napahabol ako ng tingin sa kung sino iyong bastos na iyon. Nakatalikod siya mula sa amin, pero kilala ko kung kaninong pangangatawan iyon.
"Hahaha." Hindi ko na napigilan na matawa dahil sa inaakto ni Louie. Loko talaga iyon, siya lang naman iyong bastos kanina.
"Why?" Ash queried. Clueless pa din ngayon si Ash sa nangyayari. Umiling na lamang ako sa kaniya at sinabing huwag akong intindihin.
Nag-patuloy kami ni Ash sa pamamasyal at tuwing aakbayan o di kaya'y magtatangka si Ash na hawakan ang kamay ko, may biglang sumusulpot na 'bastos' o di kaya'y bigla na lamang siyang may itutulak na charmer papunta sa amin.
Samantalang ako ay gusto na talagang humagalpak ng tawa dahil sa childish moves ni Louie. Ganoon pala talaga siya kaasar kay Ash na kahit itong mga bagay na ito gagawin niya. Ang sarap tuloy lokohin noon kapag nagkita na ulit kami o kaya'y nagkasama.
Maya-maya napagdisisyunan namin ni Ash na pumunta sa mini theater, kung saan may live action na parang musical.
Humanap agad kami ng magandang upuan at matapos ang ilang sandali, nagsimula na din iyon. Tuwang tuwa ako sa pinanunuod ko, noong maramdaman ko na may nakatingin nanaman sa amin.
Natawa tuloy ako. Mabuti na lamang at nakakatawa din iyong nangyayari sa stage, kaya't okay lamang ang biglang pagtawa ko. Maya maya lumingon ako sa likod at doon may nakita akong lalaki na nakatakip ng advertisement paper sa muka.
Noong makita ko iyon, sigurado na agad ako na siya iyon. Habang natatawa napalingon ako kay Ash, pero nagulat ako noong makita siyang nakatingin sa akin. Ang lapit tuloy ng muka namin sa isa't-isa.
Iiwas na sana ako, kaso may tumamang bote sa ulo ni Ash, kaya siya na ang umiwas.
"Darn." Rinig ko pang mura nito, habang hinihimas ang ulongnatamaan ng bote na galing sa napaka-childish ngayon na si Louie.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay Ash, kahit sa loob loob ko natatawa ako. Ang lakas kasi ng topak ni Louie batuhin ba naman si Ash, kawawa tuloy.
"Yes. I'm fine." He retorted, saka kami bumalik sa panunuod ng musical.
Hindi nagtagal natapos din iyong show kaya't umalis na kami ni Ash at patuloy pa ding naglibot dito. Sumakay din kami sa iba pang rides at nagpunta sa kung saan saang store. I'm really enjoying this day. Tapos idagdag mo pa ang mga kakaibang trip na ginagawa ni Louie.
Medyo napagod din ako, dahil mag-gagabi na din. "Ash, pagod na ako. Uwi na tayo." Akit ko sa kaniya, habang humihikab.
"I see, mukang pagod at nag-enjoy ka naman kaya. Tara uuwi na. But, before that, let me take you to a place." He said. Hinila agad niya ako kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kaniya.
Pumunta kami sa labas ng Enchanted Park, at nagulat ako noong makita ko ang napakalaki at nakapakulay na fountain.
"Ang ganda!" Manghang banggit ko habang naka-fix ang mga mata ko sa fountain.
"I'm glad you liked it." I heard Ash say, pero hindi ko na siya nilingon dahil masyado ang naakit ng magandang tanawin na ito. Nag-iiba iba pa iyong kulay ng fountain, tapos tila sumasayaw pa ito kasabay ng isang awitin.
Maya maya biglang nag-iba iyong kanta, mula sa masiglang music, naging slow ito, kaya parang nag-slow dance din iyong tubig. "Ash, ang ganda talaga." I said. Nagtaka ako noong hindi magsalita si Ash, kaya tiningnan ko siya at nagulat ako sa kasunod niyang ginawa. Hinapit niya ako sa bewang.
"A-Ash." Nauutal nabanggit ko, dahil nakaramdam ako ng pagkailang at kaba.
Itutulak ko na sana si Ash, ngunit bigla na lamang may humigit sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko noong makita ko kung sino ito. "L-Louie?" Nagtatakang wika ko.
Sinamaan lamang ako ng tingin ni Louie at nakita ko ang namumuong apoy sa mata niya, kaya mabilis kong iniba ang kulay ng mata ko at tinitigan siya. Mabuti na lamang at noong gawin ko iyon, nawala ang mga apoy sa mata niya.
"Anong ginagawa mo dito?" Painosenteng tanong ko. Hindi siya nagsalita at bigla na lamang akong hinila papalayo kay Ash.
Umiimik pa si Ash ngunit hindi ko na iyon ganoong naintindihan noong tuluyan na kaming nakalayo at bigla na lamang akong isinakay ni Louie sa pegasus.
"Te-teka. Saan mo ako daldalhin?" Tanong ko sa kaniya, pero hindi nanaman niya ako pinansin at pinalipad na niya iyong pegasus, leaving Ash behind. Naguilty tuloy ako kay Ash, hindi man lang ako nakapag-paalam sa kaniya. Kaya't nakaramdam ako ng pagka-asar kay Louie.
Matagal din kaming nakasakay sa pegasus. Hindi ko alam kung sana kami pupunta pero nanatili kaming tahimik. Medyo nababanas lang ako sa ginawa nitong isang ito. Masyado kasing nakakabastos. Oo, natatawa ako sa ibang ginagawa niya kanina, pero to that extent, parang sana hinayaan niya si Ash o kaya ako na makapag-paalam ng maayos sa isa't-isa. Okay lang naman na tangayin niya ako sa kung saan, pero sana hindi siya nang-bastos.
Tumigil na sa paglipas iyong pegasus at doon ko napansin na nakababa na pala ito. Napataas naman ang kanang kilay ko noong makita kong nasa academy kami.
Advertisement
A Mailman as a Superhero
The world changed in less than an hour. Across the world people, animals and plants changed, evolved. Some say for the better. Others say for the worse. Some are waiting for the other shoe to drop. They will tell you "There's no such thing as a free lunch." For Rene Wilder it's just another day delivering the mail in the world's coldest capital.
8 254Rebellion of the Exps: Exp 8
Freedom is a shackle. Exp 8 is a living weapon. After awakening in an isolated lab, one instinct fuels him: a burning desire for freedom. His creator, Devlin, will stop at nothing to keep Exp 8 subservient to his will, even if it means sending droves of weaponized warriors to capture him. To break out of Devlin's hold, Exp 8 stages a rebellion, using both his wit and power to unite his fellow Exps against their creator. But not all enemies can be converted, and Devlin is not the only one with plans for the rogue weapon. The sentient inventions Exp 8 and his allies encounter become more powerful, fanatical and merciless with each wave. Driven by instinct and the desire to free his people, Exp 8 perseveres through conflict and loss. Is freedom worth the cost if he alone desires it? A sci-fi anime-style experience packed with intense battles and other-worldly abilities.
8 191The Celestial Venture
Arriving at the Sol System in her spaceship, the Tin-Can, a winged humanoid named Kree continues a life-long search for something she believes will bring many answers. After meeting an alien local to Europa, named Twy'la, the two set off together, not knowing just how far they will get in their adventure, as they each discover more about themselves, about the galaxy, and much more.
8 81The Man Who Taught The Machine
A game developer finds himself reborn into the world he created. He also made the powerful AI that controls the system, so what happens when he finds out the system created him more than once? Shane Carther works as a developer for an ambitious new AAA game. The game, Endless Veil is an open-world RPG with contextual quests and endless procedural generation powered by an AI Director of Shane's own making. The game world is populated by random events, dungeons, NPC outposts, portals, boss fights, wandering merchants, and more. Through machine learning, all of these encounters have context and backstory. Right before the game's launch, Shane wakes up inside his own game. At first, this looks like a blessing as Shane has a robust custom class that gives him many more opportunities than usual to acquire power—and exciting loot. Shane quickly learns that life in his game's world is authentic and deadly. Even though he respawns endlessly after dying, there are fates worse than death and rebirth. Fates like discovering you've already been reborn into Endless Veil many times and failed. New Chapters Posted Every Tuesday, Thursday, and Saturday! *I am now aware another author has previously used the same copyright-free cover image I am using. While their story is no longer being supported on Royal Road, I do plan on replacing my book's cover with something more custom later on!
8 28612 Zodiac!!
100 years ago Humans was on war that last 30 years long....considered war lasted so long ,some scientist try to end the war by make zoonic beast,a beast or an animal that has been gene manipulated...which was also the first gene modification in history.Human who were on verge extinct created Zodiac,A multi purpose mechanical armor which covered majority of your body and equipped by special O.S(Operational system) which using Species of animal,insect and even mithycal beast way of act..This system boost your overall performance and how your brain works..For example Bear program,which boost short-range ability and allow the unit too make the brain prioritize do short range attack,this is a tale to make the strongest nation in history using 12 Zodiac whis ability able to demolish 1 country
8 178Switched
I'm not really good with BBS books. I'm still learning about them. And I'm still learning about their opposites or whatever they're called. ? sorry. I'm not good with descriptions.
8 66