《My Enchanted Tale》Charm 29 ❀ Sorry

Advertisement

Your voice says that you hate me, but your actions scream that you care for me.

***

Dalawang linggo na ang lumipas simula noong tanungin ko si Bella tungkol kay Fiona at hanggang ngayon sobrang ilap niya sa topic na iyon.

Iyong napag-usapan namin ni Ash na magkikita sa weekend ay hindi pa din natutuloy hanggang ngayon. Hindi ko naman kasi akalain na magiging busy din ako. Nag-sisimula na din kasi akong magtraining sa pag-kontrol pa ng iba pang elemental charms.

Samantalang si Louie, dalawang linggo na niya akong iniwasan. Noong una, akala ko okay kami, pero habang nagtatagal. Hindi na niya ako pinapansin, pagkatapos minsan ang sama ng tingin niya sa akin. Kitang kita ko din sa mata niya ang pagka-inis. Minsan nga parang hangin na lamang ako sa kaniya.

Simula ng gawin niya iyon. Hindi na ako mapakali. Sa pagkakatanda ko wala akong ginawang mali sa kaniya, kaya't punong puno ako ng pagtataka ngayon kung bakit iniiwasan niya ako.

Minsan naiisip ko, baka dahil kay Fiona. Baka bumalik na siya, kaya nilalayuan na niya ako. Gusto ko mang tanungin sa kaniya noon kung sino si Fiona, hindi ko naman magawa.

Gulong gulo na din ako sa sarili ko. Affected ako sa biglang ginawa niya. Minsan ang lungkot lungkot ko na lang ng hindi ko alam ang dahilan, pagkatapos papasok sa isip ko iyong masasayang araw na kasama ko si Louie. Tapos bigla kong ma-re-realize baka kaya ako nalulungkot ay dahil na mimiss ko siya. O baka hindi naman?

Ewan ko. Mababaliw na ata ako. Sobrang confusing ng mga nangyayari ngayon. Hindi magkasundo ang utak at puso ko.

Nalayo na din ako kay Louie ngayon, dahil alam kong mas makabubuti iyon, pero iyong puso ko minsan parang hinahanap siya. Lalo na kapag natatanaw ko siya sa malayo, nakakaramdam ako ng kung ano. Pero, iniisip ko na lamang na panandalian lamang itong mga emosyon na ito.

"Ayisha!" Muntik na akong mapatalon noong biglang may nagsalita. "Kanina ka pa nakatulala okay ka lang ba? Next class na kaya." Nagtataka akong napatingin kay Bella dahil sa sinabi niya.

"Next class na?" Paninigurado ko pa. Tumango na lang siya.

"Tsk tsk tsk. Ikaw ha, master Yisha. Bakit ganiyan ka ngayon ha?" Tanong naman ni Emerald sa akin. Umiling iling na lamang ako sa kaniya, at saka inimpis ang gamit ko.

Nakisabay akong maglakad sakanila. Papunta sa next class ko, hindi na kami magka-klase ni Bella sa next class, pero madadaanan iyong room ko, kaya sumabay na ako.

"Ano ba kasing iniisip mo Ayisha?" Bella queried.

"Nagtatalo kasi iyong isip ko. Basta magulo." Iiling iling na sabi ko. Totoo naman kasi kahit ako, hindi ko na minsan maintindihan ang mga pinag-iisip ko.

"Tsk, tsk, tsk. In-denial. Stage one." Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni Bella. "Oh, room mo na. Bye!" Noong sabihin iyon ni Bella. Napatingin ako sa harap ng room at doon na nga ang room ng next class ko, so I bid them good bye.

Umupo na agad ako sa dulo, malapit sa bintana. Noong tumingin ako doon, napabuntong hininga ako. Pinagmasdan ko ang garden na nakikita ko at nakita ko doon si Louie.

Nagulat at natigilan ako ng dahil doon. Mukang nagka-cut nanaman siya. Hindi na talaga nag-bago. Umakyat siya sa isang puno at umupo sa sanga noon. Akala ko kung anong gagawin niya doon, pero mukang matutulog lamang naman.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan lamang siya. "Sino siya sa buhay mo?" I unconsciously said.

"What?" Agad akong napalingon noong biglang may magsalita sa katabi ko.

"Oh? Ash." Bati ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. "Himala hindi ka nag-cut." Dagdag ko pa. Natawa naman siya dahil doon. Isa pa kasi itong lalaking ito na mahilig mag-cut.

Advertisement

"Kaklase kasi kita, kaya hindi na ako nag-cut." Pahayag niya. Napa-hawak naman ako sa pisngi ko dahil doon. Jusme, bakit bigla biglang bumanat ang lalaking ito.

"Luh naman, ang lakas mo mag-biro ngayon ah." Nahihiyang wika ko sa kaniya. Magsasalita pa sana si Ash noong biglang dumating iyong erudite kaya't napatahimik kaming dalawa.

Nag-discuss na iyong erudite, pero nalipad pa din iyong isip ko. Napatitig na nga lang ako sa natatanaw kong si Louie at hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya.

Aish. Naiinis na ako sa sarili ko minsan. Masyado na akong pre-occupied these days, at imbis na mag-concentrate sa mga charms ko, nalilihis doon ang mga pinag-iisip ko.

Hindi dapat ako ganito. Bilang elemental guardian, marami pa akong kailangan matutunan, malaman, at gampanan. Pero, eto ako hindi magawang makapag-focus sa mga bagay na iyon at sa halip ang inaalala ko pa ay si Louie, si Fiona at ang magulong pakiramdam ko.

Nakinig na lang ako sa erudite, mabuti na lamang at naaliw ko ang sarili ko sa pagiging active sa klase niya. Hindi naman kasi pwuedeng maapektuhan ang pag-aaral ko sa mga bagay na nagpapagulo sa isipan ko.

Hindi din nagtagal natapos ang klase.

"Want to go lunch with me?" Ash asked, napatingin ako sa kaniya dahil doon. Nakatayo na siya at mukang iniintay kung sasama ba ako o hindi.

"Hmm. Kung sa amin ka na lang ulit sumabay?" Pag-aaya ko sa kaniya. Nitong nakaraan kasi tuwing lunch kapag nakikita ko siya inaakit ko siya na sumama sa akin para kasabay namin siya nina Bella.

Si Bella lang talaga ang may kilala kay Ash noong una, kaya't pinakilala ko na lang siya sa barkada, ngunit hindi kasama doon si Louie, dahil hindi naman siya nasabay ng lunch kapag nakikita niyang kasama ako.

"Good idea." Maikling tugon nito sa akin, kaya't nag-ayos na ako ng gamit at saka tumayo. Bago pa kami tuluyang makaalis sumulyap ako sa bintana kung saan ko siya nakita kanina, ngunit wala na siya doon. Napa-buntong hininga na lamang ako.

Tumungo na kami ni Ash papuntang cafeteria. Tahimik lamang ako at malalim ang iniisip.

"Penny for thoughts?" Banggit ni Ash. Para naman akong nakawala sa sariling mundo ko noong mag-salita siya.

"Huh? Wala wala. Huwag mo na akong intindihin." Mahinahong sabi ko sabay tingin sa paligid. Madaming charmers na ang patungo sa cafeteria o di kaya naman ay aalis muna ng school.

"Spacing out again?" Narinig kong tanong ni Ash. Napatango na lamang ako dahil doon.

"A litte bit. Why?" I asked, muka kasing nag-aalala ang tono ng boses ni Ash. Siguro nagtataka siya, kanina sa klase active ako pagkatapos magiging ganito ako ngayon.

"Nothing. Napansin ko lang ang pagbabago ng mood mo. Okay ka naman sa class kanina, but then suddenly bigla kang naging tahimik." He spoke.

"Hayaan mo na. Napagod lang siguro ako bigla, alam mo na bigla kasing ang daming gawain. Nakaraos na nga sa mga test, may panibago nanaman." Natawa siya ng marahan dahil sa sinabi ko.

"Kaya nga minsan it's better to ditch class." Ang bad influence talaga nito.

"Iyon ay kung matalino ka talaga. Ikaw, kayang kaya mo kasi biniyayaan ka ng katalinuhan, samantalang ako nganga." I kidded. He chuckled.

"Ano ka ba, huwag ka mag-isip ng ganiyan. Matalino ka din naman." He vocalized, natawa naman ako ng kauntian doon. Ako? Matalino? Nakikipaglokohan na itong si Ash.

Maya-maya lang nakarating din kami sa cafeteria. Nakita namin sina Bella, mukang katatapos lamang umorder ng pagkain, kaya't dumiretso kami doon ni Ash.

"Need help?" Agad na tanong ni Ash kay Bella. Ngumiti si Bella, kaya't kinuha niya ang tray na dala dala ni Bella kanina. Hinayaan na lamang ni Bella na si Ash ang mag-bitbit noong tray. Sumunod din sina Vien, Charlene kung saan patungo si Ash. "Naks, Bella. Tinulungan ka tapos kami hindi." Natatawang sabi ni Charlene.

Advertisement

"Baliw ka, hindi 'nun kaya ang tatlong tray." Bella replied laughingly.

Maya maya biglang sumulpot si Kyle. "Naka-order na kayo?" Biglang tanong nito saka kami inakbayan ni Bella.

"Si Ayisha na lang at si Ash ang hindi pa." Bella answered. "Saka din ikaw, Kyle." Dugtong pa niya.

"Ah. Sige, tara Ayisha o-order." He said, saka niya ako hinila sa mga pagpipilian ng pagkain. "Una na ako." Paalam ni Bella. Tumango na lamang kami sa kaniya.

Habang nakapila, dumating si Ash kaya't kumuha na din siya ng gusto niya. Saka kami pumunta sa table ng magkakasama. Nagkwentuhan kaming anim. Medyo ka close naman nitong apat si Ash kaya kumportable lamang kaming lahat sa isa't-isa.

Nakakatuwa nga si Ash, parang bata. Pero kung titingnan mo parang sobrang misteryoso, kasi iyong style niya karaniwan all black, saka ang angas na ang cool ng dating, pero kapag kami na ang kasama niya para siyang anghel.

Nagkulitan kami habang kumakain, at sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa magagaslaw na galaw namin, biglang lumapat ang labi ni Ash sa pisngi ko, kaya't napatili sila Vien.

"Omo!" Bella exclaimed.

"Dude, walang ganyanan." Kyle uttered.

"Hindi ko sinasadya. Sorry." Ash apologized sincerely. Tinukso naman siya noong ng babae, samantalang ako ay nakaramdam ng matinding awkwardness. Dahil ata sa nangyari natahimik ako, at mukang nakaramdam ang barkada, kaya't natahimik din sila.

We ate peacefully at noong patapos na kami, biglang nag-salita si Kyle.

"Anong meron sa inyo ni Louie? Napapansin ko lang para kayomg nag-iiwasan." Natigilan agad ako dahil sa binaggit niya. Hindi agad ako nakapag-salita dahil hindi ko din alam kung paano mag-re-react.

"Tama Kyle, napansin ko din iyon. Hindi na kayo nagkukulitan o kaya'y nag-aasaran. Tapos kapag kasama ka namin Ayisha, laging wala si Louie, tapos kapag kasama namin si Louie, hindi ka nalapit sa amin." Agad na segundo ni Charlene.

Napapansin pala nila iyon. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ewan ko din, basta isang araw lumayo na lang siya sa akin. Samantalang ako, hindi ko din naman alam paano aakto kaya lumayo na lang din ako." Mahinang banggit ko. Naramdaman ko naman na tinapik ako ni Bella sa balikat.

"So that explains your sudden mood change when he's near." Ash commented plainly. "Hayaan mo na siya, Ayisha. Don't get affected by his lack of sensitivity." Dugtong pa niya.

"Tama si Ash, Ayisha. Ganoon talaga si Louie, insensitive sa nararamdaman ng iba. Kapag may gusto siyang gawin walang nakakapigil sa kaniya. Sanggano kasi e." Natawa naman sina Charlene dahil sa sinabi ni Bella.

"Nakakapagtaka rin kasi kung bakit bigla bigla siyang naging ganoon. Parang bago iyong test, close na close pa kami. Hirap espelingin nung lalaking iyon." I said as I breathed heavily.

"May problema sa'yo 'yun Ayisha kaya ganoon. Baka may nabanggit ka na kinainis niya." Kyle spoke, habang nakatingin sa akin ng malumanay.

"Sa pagkakatanda ko wala naman. Siya nga ang may sinabi na lamang bigla bigla. Iyong 'Fiona' ba iyon? Basta, sinabi niya ang pangalan na iyon noong natutulog siya. Teka, sino ba iyon?" Tanong ko sa kanila. Ngunit, noong tingnan ko sila, bakas ang gulat sa mga muka nila.

Nagkatinginan pa sina Bella, Kyle, Charlene at Vien na parang may nasabi akong mali. Samantalang kami ni Ash ay nanatiling walang kaalam alam sa palitan nila ng tingin.

"Okay lang kayo?" I asked. Bigla kasi akong nakakita ng takot sa mga mata nila na parang masama ang hatid ng binaggit ko na pangalan. Medyo kinabahan din ako dahil sa inaakto nila.

"Ayisha, don't ever bring that name up, again." Vien stated seriously as she avoid my gaze.

"Ha? Bakit? Ano bang masama sa simpleng pangalan? Sino ba kasi si Fiona?" Sunod sunod na tanong ko. Subalit nanatili silang tahimik na parang ayaw talaga nilang pag-usapan.

"Leave it be, Ayisha. It's just a simple name after all." Ash told me. Kaya't napabuntong hininga na lamang ako. Mukang wala kasi talaga akong magagawa kundi putulin na iyong topic, dahil mukang kahit anong pilit ko wala akong mapapala o makukuhang sagot.

Masyadong pribado ang mga bagay bagay sa charm five, they know the word trust and secret. Para bang may sarili silang rule na kapag sikreto mananatili ito hanggang dulo. Kaya siguro ang tagal na ng pagkakaibigan nila, marunong sila rumespeto at hindi bumali ng tiwala.

Nanatili ang katahimikan sa amin, noong bigla kaming nakarinig ng malamig na boses. "She's nothing." Pakiramdam ko biglang nag-stiff ang katawan ko at biglang nagwala ang puso ko. Ang pamilyar na scent na iyon, ang malamig at katatakutan mo na boses, kilalang kilala ko kung sino ang nagmamay-ari doon.

"L-louie." Nauutal na banggit ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba noong makita ko ang apoy sa mga mata niya. Mukang kanina pa niya kami pinagmamasdan at ngayon lamang siya pumunta dito.

"T-Teka mag-usap t-tayo ng mahinahon." Kinakabahang wika ko. Ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Dahandahan din akong tumayo dahil doon.

"Wala tayong pag-uusapan." Malamig na wika nito. Ngunit hindi ako natinag doon dahil ang tanging naiisip ko lamang ay ang mga mata niya, kung magpapatuloy ito, baka kung anong mangyari ngayon.

"L-Louie." Banggit ko ulit sa pangalan niya, umaasang mawawala ang mga apoy sa mata niya na ako lamang ang nakakakita. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pag-itan namin, na maging ang barkada ay hindi na nangingialam.

Hinawakan ko ang kamay niya kahit nanginginig at nanlalamig ang kamay ko. Agad niyang iwinakli iyon at sinamaan lamang ako ng tingin.

"Don't you dare mention that name again." He remarked coldly, that made me startle a bit.

"Teka, kumalma ka muna." I said, kahit sa sarili ko naman nag-papanic na ako. Ang ironic lang, I told him to calm down, yet I'm the one who needs to stay still.

Ang tanging tumatakbo lamang sa utak ko ngayon ay ang pakalmahin si Louie dahil natatakot ako sa mata niya, mali natatakot pala ako sa pwede niyang magawa, lalo na hindi niya ganoong kontrolado ang charm niya kapag nakikita ko ang cursed eyes.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya't lalo akong natakot. "Listen, please listen to me." Mahinang sabi ko kahit nanginginig ang boses ko.

"No. Why would I listen to you? Sino ka ba sa buhay ko? Ano bang paki-alam mo sa akin?" He asked irritatedly which causes a little pang in my heart. Tama siya, sino nga ba naman ako? Wala lang naman ako sa kaniya, kundi isang pasaway at pampagulo lamang sa buhay niya.

"Huwag mo pag-salitaan ng ganyan si Ayisha." Nagulat ako noong biglang sumabat si Ash habang nakatayo at nakayukom na ang kamao. Kitang kita ko sa muka niya ang pagka-asar kay Louie, hinawakan ko ang braso ni Ash dahil mukang susugudin niya ito.

"Oy, kayong dalawa. Kumalma nga kayo. Anong bang probelma n'yo?" Sumabat na si Bella at hinawakan si Louie, ngunit winakli ulit niya iyon.

"Problema?" Istratikong tanong ni Louie, habang tiim bangang na nakatingin kay Ash at sa akin. "Iyang babaeng iyan, lang naman na iyan ang probelma ko." Natigilan ako dahil sa binaggit niya, akala ko doon na natatapos iyon pero hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ng napaka-higpit kaya't napangiwi ako. Mangiyak ngiyak na din ako dahil sa biglaang ginawa niya.

"Nakakairita. Naiirita ako sa'yo kapag nakikita kita, hindi lang pala ikaw, isama mo na iyang Raven na iyan." Galit na wika nito.

"N-nasasaktan na ako L-louie." Nauutal na pagsasalita ko. Napapikit na din ako ng mahigpit dahil doon. Ang higpit talaga ng pagkakahawak niya sa akin.

Noong ma-realize ni Louie kung anong ginagawa niya ay binitawan niya ako. Agad naman siyang sinugod ni Ash dahil doon. Mabuti na lamang at biglang inawat sila nina Kyle.

"Anong problema mo Louie?" Inis na sigaw ni Charlene sa kaniya.

Napatingin naman agad ako kay Louie at hindi na kinausap si Ash na nag-sasalita sa tabi ko. Walang alinlangan ko siyang hinawakan sa kamay at hinigit palabas ng cafeteria.

"Bullshit. Let go of me!" He yelled furiously, ngunit hindi ko siya hinayaan kahit nahihirapan akong hawakan siya dahil nag-pupumilit siyang makawala.

Hindi nagtagal nakarating din kami sa training room kung saan kami dati nag-tratraining. Noong bitawan ko siya doon, bigla na lamang niyang sinuntok iyong pader kaya't napatalon ako ng kauntian sa gulat.

Nag-aapoy pa din ang mga mata niya kaya't nataranta na ako. "Louie, parang awa mo na. Kumalma ka. Kumalma ka please? Kanina ko na nakikita iyang mga mata mo." I told him, subalit hindi niya ako pinansin.

"Bakit mo ako dinala dito?" He asked while staring at me intently. Bigla din nag-apoy ang dalawa niyang kamay. Natigilan siya doon at saka napapikit ng mariin.

"Bullshit. I can't control my power!" He suddenly yelled, at pagkatapos noon ay biglang na lamang nag-apoy ang paligid ng training room. Dahil mabilis ang reflexes ko ay pinalibutan ko ng fire shield ang sarili ko.

Tuloy-tuloy si Louie sa pagwawala ng mga apoy niya, muntik na din akong matumba sa loob ng shield dahil sobrang lakas ng pwersa noon.

"Calm down, Louie!" I yelled at him, pero mukang hindi na siya nakikinig. Parang kinakain siya ng sariling apoy niya. Takot na takot ako sa nakikita ko. Ang lakas ng sigaw ni Louie, ngunit patuloy lamang ang pagwawala ng kapangyarihan niya.

Pinilit kong lumapit sa kaniya, ngunit hindi ko magawa dahil ako ang tinatarget ng mga apoy na nagmumula sa kaniya. Sa hindi inaasahang tira, bigla na lamang natanggal ang shield ko kaya't napa-upo ako at napalibutan ng fire circle sa sahig.

Ramdam ko ang init ng apoy na iyon at mas nagulat ako noong tumaas iyon para makulong ako sa loob. Nagliliyab ito, at pakiramdam ko masusunog ako kapag nagtagal pa ito.

I used my charm, ngunit parang kinakain ng charm ni Louie ang apoy ko at mas lalo lamang lumalakas ang kaniya. Sinaktan din ako mg sarili kong charm at hindi ko ito makontrol.

"Shit! Don't use your fire, or any of your charm!" I heard Louie yelled in pain. Sa sinigaw niya ramdam na ramdam ko doon na pinipilit niyang kontrolin ang charm niya kahit hindi niya magawa.

Sinunod ko ang sinabi niya ng walang tanong tanong. "Ahhh!" I screamed in pain. Napahawak na din ako sa katawan ko dahil para akong masusunog sa loob ng napakalaking apoy na nakapalibot sa akin.

"Ryleen!" Louie shrieked in throe.

Mangiyak ngiyak na ako sa loob ng apoy dahil ang sakit sakit na ng balat ko. Hindi ko din magamit ang charm ko dahil alam ko na hindi iyon basta basta makakatulong sa akin. Katulad ng nasaksihan ko kanina, imbis na makalabas ako sa apoy na ito para makatakas ay para ko pang dinagdagan ang kapangyarihan ni Louie na hindi niya makontrol.

"Louie, tulungan mo ako." Hindi ko napansin na may mga luhang pumapatak na sa mga mata ko dahil sa takot at niyerbyos. Nanginginig din ako sa pag-iisip na ako ang may kasalanan nito, kaya nagalit ng sobra si Louie ay dahil sa akin.

"Ryleen, can you hear me?" I heard his deep voice, para itong pagod na pagod na at sobrang nahihirapan. Lalo akong pinag-hinaan ng loob dahil doon. Ang bigat bigat sa puso.

"Ryleen... please... answer me." He beseeched. Wala akong makitang kahit ano, dahil sa laki ng apoy na nakapaligid sa akin, pero ramdam na ramdam ko pa din ang halos pagkabog ng buong lugar na parang may lindol.

"L-Louie, help me..." I said between my sobs. "Louie, kumalma ka na, please. Natatakot na ako. Takot na takot na ako." I can't help but hug myself to ease the fear I'm feeling.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ko dahil sa init at biglang parang pag-atake ng apoy sa katawan ko. Parang may sariling buhay ang mga apoy na ito ngayon na kumikilos lamang base sa gusto nila.

Dahil sa takot ko, unconsciously nagamit ko ang kapangyarihan ng tubig, ngunit nagulat ako noong imbis na makatulong iyon sa akin ay para ko din iyong naging kalaban.

Tinakpan noon ang bibig at ilong ko, at agad akong nakaramdam ng kapos sa pag-hinga. Napakit ako ng madiin habang may naglalabasan na luha sa mata ko.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click