《My Enchanted Tale》Charm 28 ❀ Strange Feelings
Advertisement
When jealousy strikes, reality shows, and emotion flows.
***
Pinunasan ko iyong luha na nanggagaling sa mata niya. Saka huminga ng malalim. Tumingin din ako sa kalangitan na kasalukuyang kulay bughaw at mayroong mga puting ulap na tila naglalakbay.
Kung iyong binanggit man ni Louie na pangalan ay pangalan ng babaeng mahal niya, wala namang masama doon hindi ba? Bakit ba ako mangingialam kung may mahal siyang iba? Kaibigan lang naman niya ako, at wala akong karapatan mainis.
Subalit, bakit ganito? Iyong puso ko parang may sariling isip na kumikirot, pagkatapos parang nag-o-over think pa ako ngayon. Ano ba ito, hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.
Napa-iling iling na lang ako dahil doon. Hindi, wala lang itong nararamdaman ko ngayon, baka nabigla lamang ako dahil sa biglang binanggit niya. "Wala lang iyan, Ayisha. Pabayaan mo na." Mahinang banggit ko sa sarili ko.
Sobrang tahimik ng paligid at ang presko pa ng hangin, kaya't unti-unti akong nakaramdam ng antok. Saka ko ipinikit ang mga mata ko.
***
Nakaramdam ako ng mga matang nakatitig sa akin habang nakapikit ako, kaya't medyo naalimpungatan na ako ng tuluyan mula sa pagtulog.
"Ryleen." Parang nanigas ang buong katawan ko noong bigla na lamang may mag-salita malapit sa tainga ko. Napamulat din agad ako at umayos ng upo.
"Ah?" Naiilang na sagot ko. Nakatulog din pala ako, tapos nakadntay na pala ako ngayon sa balikat ni Louie. "Kanina ka pa gising?" Tanong ko. Nakakahiya naman kasi kung matagal na pala akong nakatulog sa balikat niya.
"Kagigising ko lang din." Maikling sagot niya, kaya't napatango tango na lang ako. Tiningnan ko si Louie at nakita ko na seryoso pala siyang nakatingin sa akin. Nakapagdulot naman sa akin ng pag-kailang ang titig niya.
"B-bakit ka ganiyan makatingin?" I asked him as I tried to avoid his gaze.
Nanatili siyang tahimik at nanatiling nakatingin sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto bigla siyang nagsalita. "There's nothing special about you. Tss." Mahinang imik niya saka siya tumayo mula sa pagkakaupo.
"Eh?" Nagtatakang banggit ko. Alam ko naman sa sarili ko na walang espesyal sa akin. Anong pinagsasabi nitong si Louie?
Imbis na pansinin ako, tuloy tuloy lang siyang nag-lakad paalis dito, kaya't sumunod na din ako sa kaniya. Napatingin tuloy ako sa paligid. Maliwanag pa pero mag-sa-sun set na din. Hindi ako nakapasok sa klase ko. Patay.
"Oy, teka, Louie intay." Paghabol ko sa kaniya, ang bilis kasi maglakad. Hindi nagtagal nakaabot din ako sa kaniya.
Advertisement
Nanatili pa din siyang tahimik habang naglalakad. Sanay na akong ganiyan siya kadalasan kaya't hindi na din ako nagsalita. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa tumigil siya kaya't napatigil din ako.
"Huwag mo ako sundan." Napatingin ako sa kaniya noong sabihin niya iyon gamit ang seryosong boses. Kumabog din ng kauntian ang puso ko dahil doon. Galit ba siya sa akin?
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Para kasing may kakaibang aura na bumabalot sa kaniya ngayon, para bang naiinis siya sa akin. Kitang kita mo naman kasi sa mga mata niya iyong expression na iyon.
"Layuan mo ako." Lalo akong kinabahan dahil sa sinasabi niya.
"M-may nagawa ba ako?" Tanong ko sa kaniya, napaatras din ako ng bahagya dahil nakakakita ako ng kaunting flame sa mata niya, para bang konti na lamang makikita ko nanaman iyong cursed eyes niya.
"Just leave me alone, okay?" Madiin ang wika niya sa bawat salita kaya't agad akong napatango. Nag-simula na ulit siyang maglakad dahil matapos niyang sabihin iyon. Samantalang ako ay naiwang nakatulala at nagulat sa inakto niya.
Hindi naman siya ganito sa akin dati ah? Kapag may nagagawa ako sa kaniya na kinaiinis niya. Pag-tritripan lamang niya ako, o di kaya'y pipitikin sa noo. Iyong ipinapakita niya kasi ngayon iba. Parang ayaw talaga niya akong makita.
Bagsak ang balikat ko habang naglakakad ako pa-iba ng patutunguhan. Habang naglalakad hindi ko pa din maiwasan mapa-isip kung ano iyong nagawa ko. Hindi ko naman inaasar nitong nakaraan kaya bakit ganoon na lamang siya?
Aish. Huwag mo na munang pansinin Ayisha. Parang hindi mo kilala iyang si Louie, kita mong napaka-bipolar niyan. Pagsasabi ko sa sarili ko kaya't napabuntong hininga na lamang ako.
Wala na din naman akong kasunod na klase, napag-isip isip ko na umuwi na lamang tutal wala na din namang gagawin dito sa school.
Tinahak ko na ang way papunta sa gate ng school, noong may tumawag sa akin. "Ayisha!" Napalingon agad ako dahil doon.
"Oh? Ash." Kinawayan ko siya agad. Tumakbo naman siya papunta sa akin.
"Pauwi ka na?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya doon, saka ako tinanong kung pauwi na din ako, tumango na lang din ako.
"Hatid na kita?" Pang-aaya niya. Agad naman akong umiling doon. "Nako, hindi na. Nakakahiya naman. Saka kaya ko naman, baka nakakaabala na ako ng sobra sa iyo."
Tumawa siya ng marahan dahil sa sinabi ko. "Hindi. Wala din naman akong gagawin." He said. I smiled.
Advertisement
"Ganoon ba? Mag-pahinga ka na lang. Baka napagod ka sa game kanina." I sincerely told him.
"Okay lang ako. Halika na, hatid na kita." Noong hawakan na ni Ash ang kamay ko ay wala na akong nagawa kundi pumayag sa kagustuhan niya, muka kasing hindi din magpapatalo ang isang ito.
Noong nasa gate na kami, tumawag siya ng pegasus. Inalalayan din niya akong umakyat doon. Pagkatapos siya ang kasunod na umakyat. Paalis na sana kami noong may maramdaman akong mga matang nakatingin sa amin. Napalingon lingon tuloy ako at nakita ko si Louie sa isang dako.
Kakawayan ko sana siya, ngunit mabilis siyang tumalikod na lamang. Saktong utos ni Ash sa pegasus kaya't lumipad na ito.
Napa-isip tuloy ako sandali. Bakit ba ganun makatingin si Louie sa akin? Para bang naiirita siya. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil sa ginagawa niya.
Maya-maya lang nakarating na kami sa bahay ni Bella. Tinulungan akong bumababa ni Ash, saka siya nagsalita.
"Hey, you owe me." Pagsasabi nito sa akin kaya't natawa ako.
"Oo alam ko, ang laki ng naitulong mo sa test ko kanina." I told him while beaming.
"Kita tayo sa weekend." He said while smiling pagkatapos ay nag-salute siya at sumakay ulit sa pegasus.
"Ha? Bakit, anong meron sa weekend?"
"Gusto ko lang mas makilala ka pa. Wala namang masama, hindi ba?" Casual na sabi nito sa akin. Napa-isip ako ng kaunti doon. Tama siya wala namang masama, at saka wala din naman akong gagawin.
"Ganoon ba? Osige." I said, saka siya nagpaalam.
Naka-alis na siya, kaya't pumasok na ako sa loob. Doon ko nakita si Bella at Kyle na nasa salas mukang may pinanunuod. Kasama din noong dalawa si Emerald at Onyx.
"Bella, Kyle." Bati ko sa kanila. "Hi din Onyx at Emerald." I added.
"Ayisha! Halika, manuod ka din. Nanunuod kami ng movie ni Kyle, kanina pa pagkatapos noong game nyo, matapos naming bisitahin si Vien. Tinamad na kaming pumasok." Natawa ako dahil sa sinabi ni Bella.
"Ikaw ha, ang tamad mo na din." Panloloko ko sakaniya.
"Baliw ka. Si Kyle ang tinatamad nadamay lang ako." Pag-depensa ni Bella sa sarili niya. Umupo ako sa katabi ni Kyle dahil doon.
"Ikaw, saan ka galing Ayisha?" Tanong ni Kyle sa akin.
"Nakatulog ako sa lotus light garden kasama si Louie. Pagkatapos noon," Napatigil ako sandali dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba na mukang asar na asar sa akin si Louie ng hindi ko alam ang dahilan o hindi. "Ahm, iyon pagkagising ko wala na siya, kaya napagpasyahan kong umuwi, pagkatapos nakita ko si Ash, kaya hinatid niya ako dito. Naka-alis na din siya." I told them. Hindi ko na binaggit iyong kay Louie, baka wala lang iyon. Sa ugali ba naman noon.
Nag-kwentuhan kami nina Bella at Kyle. Si Kyle ang daming tinatanong sa akin mukang nakalimutan na nandito si Bella. Pero kahit ganoon, kita ko sa mata niya na iba ang tingin niya kay Bella.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakapansin noon, pero simula noong mga nakaraang buwan, mas naging close si Bella at Kyle. Mukang na-f-fall nga sila sa isa't-isa pero hindi sila aware. Lalong lalo na si Kyle, para kasing sa akin siya lagi nakatingin pero ang totoo si Bella naman ang mas pinahahalagahan niya. Action speaks louder than words ika-nga.
Hindi namin napansin gabi na pala. Kaya umalis na din si Kyle.
"Oy, paano mo nakilala si Ash?" Pang-iintriga sa akin ni Bella. Wala akong nagawa kundi ikwento sa kaniya iyon. Tuwang tuwa pa siya na parang kinikilig sa kinuwento ko, gayong wala namang nakakakilig doon. Mukang tinamaan nanaman ng katopakan si Bella.
Habang nag-kwe-kwentuhan kami ni Bella. Kumuha ako ng tyansa para itanong sa kaniya, ang kanina pa bumabagabag sa utak ko.
"Bella, may kilala kang Fiona?" Pagkasabing pagkasabi ko doon. Agad natigilan si Bella pati na din si Emerald na nagtatahi ata gamit ang maliliit niyang kamay.
"A-Ayisha." Nagulat pa ako noong tila mautal siya dahil doon.
"Kilala mo siya?"
"Saan mo nakuha iyang tinatanong mo?" Halata mo sa muka niya ang pagiging uneasy. Kaya't nakaramdam ako ng kaba. So, mukang iyong binaggit na pangalan nga ni Louie ang babaeng mahal niya?
"May uganayan ba siya kay Louie? Mahal ba siya ni Louie? Paki-sabi naman para alam ko kung saan ako lulugar." Pagsasabi ko sa kaniya. Ayaw ko naman na makakasira ako ng relasyon.
Oo ang tagal ko na dito, ilang buwan na din pero wala akong nakikitang Fiona. Baka nasa ibang lugar lang siya kaya ganoon, at baka bumalik na din siya, kaya ayaw kong mang-gulo.
"Wala akong karapatan sabihin ang mga nalalaman ko Ayisha. Siguro mas makakabuti kung si Louie mismo ang tanungin mo." She stated. I sighed.
Fiona. Ikaw ba talaga ang mahal ni Louie? Bakit parang naiinis ako sa hindi malamang dahilan?
***
Advertisement
- In Serial308 Chapters
Glamorous Journey Of The Female Protagonist
"Set up all of these hundred items for tomorrow's auction." The lady ordered as she took a seat on her golden throne.
8 10774 - In Serial32 Chapters
The Ballad of Tears
The Shadow looked at what they did, and saw and loved, and feared. And the Shadow shivered, and the world shivered with them. And then they said:‘I will be one with what I made, but promise me, father, promise to look after this world. Let no evil touch it.’And the father gave his word to the child he loved the most.He failed.Before the dawn of time, a god gave themselves to protect this world. Their name and form are lost to history. Only the Regent remembers but the last person the Regent talked to, was the very First Vandrainor – a being more legend than legit: She rallied the forces of the continent to fight against the darkness that threatened to take over the world for the Unknown.Wonders were lost in this war. The giants are gone now, the Green Mountains fell in the wrath of the gods –But the twospirits, the Vandrainor of Old, they are still there. And as humanity’s strength weakens, they are called to the Dead Mountains, driven by mystery, prophecy even.To face a long lost foe – and answer the last question: How important are warriors – if there is no war? This is my first fiction and I'm kind of learning my way around here.Currently, I upload a new chapter every Wednesday (Around 16pm CEST).When I split a chapter into parts, there are usually more uploads a week but the new chapter will always start on the next Wednesday. (I am still playing around with the uploading rhythm, and whether to break up chapters in the first place).
8 204 - In Serial18 Chapters
Grieyes Mages - Unknownly Superior Type Magician
A sixteen year-old girl was subjected to a Magic Possession Test to determine and evaluate her magic, however when the result came out as none, it became a huge problem for her. Being assaulted violently by her parents and penetrating her with hateful words by her siblings, as a matter of fact, it is unacceptable for their family to have not possess magic. The country has a unique law "An individual who does not posses magic, shall receive penalty." The penalty given to her was deportation. She had been exiled. Grieyes Mage is a magician who's capable of doing everything using magic and they posses limitless power, not like any other common ordinary mage, they need to push themselves to reach the limit of their power and strength, and transcend even more to achieve greater level. The magic in this world is controlled by those who have knowledge and can be executed through the use of Language of Magic, but in this era, local language or dialects can now be used to cast magic spell. The Language of Magic is in form of Programming Codes/Language. ------------------- Main Character: May (Female Lead) and ????? (Male Lead). PS: I am not a native english speaker, sometimes I use translator to translate words from my local language. If anything like Misspelling or Wrong Grammar, please tell me in the comment section and I'll be gladly to correct it. Critics are welcome as well.
8 193 - In Serial16 Chapters
Left the World as Villager A. Came Back a Mecha Pilot.
Synopsis:Myst Evrard was your typical rural village kid. He once dreamed of fame and a life of adventure but quickly gave up on the idea after realizing he just wasn't cut out for that sort of stuff.It doesn't really help that his best friend became a monster and demon slaying hero and his first crush turned out to be a long lost princess of the kingdom. As he finally resolves himself to live a mundane village life, he suddenly encounters an unfortunate accident and dies. Just when he thought things couldn't possibly get any worse...But when he opened his eyes next, fully expecting to find himself in the netherworld, what he saw was... Giant robots?! What the heck was going on?
8 153 - In Serial12 Chapters
The Legend of JaWal by WarWalker
Jason Walker was nothing. His family was an entire ruin. His father left him when he was little and his mother can't be called a mother. His entire life he was mocked by his schoolmates or ignored. No one really liked him. All this got even worse when the game RoyalRoad came out. He couldn't afford it and so the mockery got worse. Even some teachers mocked him because of it. A democracy where teachers should help their students? What a joke. But wheels of fate had different objectives. What will happen to Jason as he discovers an entire new site of himself?
8 186 - In Serial10 Chapters
Her Revenge
What happens when the people who you thought would die for betrayed you? A lot of things happen... Especially revenge...
8 225

