《My Enchanted Tale》Charm 27 ❀ Rival

Advertisement

Don't be threaten, I'm just your rival.

***

Kitang kita ko sa muka ni Khyra ang ngiting tagumpay. "You lost." She teased. Nag-simula na akong maglakad papunta kayna Ayisha. Ang dami kong naririnig na murmur dahil sa naging resulta ng laban.

Akala kasi nila, matatalo na sina Khyra, pero wala din palang nangyari.

Lumapit agad ako kay Ayisha, pero tulala lang siya. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, kaya't nagsalita ako. "Ayisha..." Tawag ko sa kaniya. Ngunit, hindi pa din siya nag-salita.

Hindi siguro nag-proproseso ng maayos sa utak niya ang resulta ng laban, lalong lalo na dahil na din ang ibig sabihin nito ay ang pagbibigay niya ng charm kay Khyra.

Noong maisip ko iyon, para akong nanghina, hindi ako ang mawawalan ng charm pero pakiramdam ko mawawalan din ako.

Bakit sila natalo? Bakit ang daya ng laban? Hindi ko maiwasan mag-isip ng kung ano ano.

Sina Khyra, kung makangiti akala mo naman sila na ang pinaka pinakamakapangyarihan na charmer dito. Nakakainis! This can't be happening. This is all nonsense.

"No. Hindi patas ang laban. Kitang kita naming lahat kung paano kayo maglaro, Khyra. Mapakadumi ng laban niyo." Madiing banggit ko sa kaniya. Ngunit tinawanan lamang niya ako ng mapang-asar.

"Bakit Bella, hindi mo matanggap ang pagiging talunan nila?" She ridiculed. Konti na lang talaga mahihigit ko na ang buhok ng babaeng ito.

"Accept it. You loss." Maarteng ulit pa ni Khyra. Matapos niyang sabihin iyon, nawala na iyong mga clones niya at saka naging maayos ang court wala nang gumagamit ng kapangyarihan dahil tapos nanaman ang laban.

Maya maya pa biglang nagsama sama ang grupo nina Khyra at nag-group hug sabay noon ang pag-sigaw ng mga charmers na nasa panig nila. Samantalang sina Ayisha at unti-unti na lamang naglakad papunta sa isang banda dito.

Bago pa man maka-upo sina Ayisha sa upuan. Muntik na itong matumba, mabuti na lamang at naalalayan siya ni Louie.

Pagka-upo nina Louie, bigla na lamang nagyabang sina Khyra. "We won!" She cheered, pati na din ang crowd naki-sali dahil doon. Habang nagsasaya sila. Napansin ko si Ash na nakatayo pa din sa court at may kakaibang ngisi sa labi. Kinilabutan tuloy ako dahil sa ngisi na iyon.

"Oh? Bakit ka pa andito?" Mataray na tanong ni Alyssa sa kaniya. Pero, parang hindi siya pinansin ni Ash, at kinuha iyong bola na nasa semento at saka ulit nag-shoot. Huh? Bakit? Para saan ang ginawa niya?

"The game is already over, c'mon." Maarteng wika ni Jeremei.

"Who said that? It's not yet over." Napantig ang tenga ko dahil sa may kalakasan na sinabi ni Ash. Maging sina Ayisha ay tila nagulat. T-teka? Ano daw? Hindi pa tapos ang game? Tama ba ang pagkakaintindi ko?

Tumawa ng mapangutyansi Khyra pero makikita mo naman sa muka niya ang kaba. "Dream on, psh." Tapang-tapangan na banggit pa nito, ngunit parang hindi natinag si Ash at muling nag-shoot ng bola na mas lalo naming pinagtaka.

"Well, the game is not yet over. Just look at the time." Noong sabihin iyon ni Ash halos lahat ng mga charmer na nandito ay sabay sabay na napatingin sa orasan. At laking gulat ko na lang noong makita kong may sampung segundo pa doon.

Advertisement

"Papaanong?" Hindi makapaniwalang tanong nina CJ. Unti-unti gumalaw ulit ang oras, at sabay sabay kaming naki-countdown.

"Ten, nine, eight, seven, six, five, four, three, two one, zero." Pagkatapos na pagkatapos ng zero, bigla na lamang may tumunog na parang buzzer at biglang sumabat ang isang nag-momonitor na charmer.

Medyo hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari, kanina kitang kita ng mga mata ko na nag-reach na sa one ang countdown. Wait... Did I say one? Ibig sabihin hindi pa nag-ze-zero kanina iyon? Oo, tama iyong naiisip ko. Pero, bakit at paano naging ten ulit iyon? Teka...

"Anong nangyayari dito? Wala ng oras kanina, kitang kita ko i-iyon." Halos mautal utal na pag-kontra ni Khyra, ngunit isang ngisi lamang ang natanggap niya kay Ash.

Matapos noon, nag-simula na si Ash maglakad papunta sa kinaroroonan namin. Noong malapit na siya sa amin. Tumigil siya. "Kanina pa activated ang charm ko, simula noong maka-shoot agad ako ng bola. Hindi n'yo man lang ba napansin iyon?" Nakangising tanong nito.

Noong sabihin niya iyon, unti-unting namuo sa isipan ko kung ano ba talaganh nangyari kanina.

"What are you saying? Sinasabi mo bang isa kang---" Hindi na naituloy ni Khyra ang sinasabi niya noong si Ash na mismo ang magtuloy.

"Time manipulator." Noong sabihin niya iyon, agad akong napasigaw sa sobrang saya at ganoon din ang ibang charmers na kanina ay nanghihinayang. Rinig na rinig mo na ngayon dito sa court ang kasiyahan ng bawat isa.

Agad namang lumapit si Charlene kay Ash. "Omg! Maraming thank you, ang cool cool mo. Teka, ano bang name mo? Pamilyar ka e." Masayang wika ni Charlene, ngunit nginitian lamang siya ni Ash.

Nakipag-apir naman si Kyle sa kaniya, pero si Louie nakabantay lang kay Ayisha na hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari.

Napatingin din ako sa score board at lamang ang team nina Ayisha kaysa kayna Khyra kaya't mas lalo akong nalatalon sa saya. Agad ko ding hinigit si Ayisha at niyakap. "Omg! Bestfriend, panalo kayo!" I cheered joyfully. Then, I heard Ayisha's giggle, kaya lalo akong nakaramdam ng saya.

Hindi man ako iyong naglaro, ramdam na ramdam ko pa din iyong achievement. "Hindi ka na mawawalan ng charm. Tapos makukuha mo pa iyong hinihiling mo na tigilan ka na nila!" Dagdag ko pa, habang masayang natatalon.

"Teka, teka, Bella umiikot ang paningin ko sa'yo." Natatawang sabi ni Ayisha noong humiwalay ako sa yakap.

Tinawanan ko naman siya. "Sorry, masyado lang akong nadala." Nakipag-high five naman ako matapos noon.

Napansin naman ng mata ko ang kabilang team na mukang pinagsakluban ng langit at lupa at saka ito tuluyang nag-walk out. Mabuti nga sa kanila la, karma na nila iyon. Sobrang dami nilang pandadaya. Deserve nina Ayisha manalo.

Naki-pag-high five din si Ayisha kayna Kyle, Louie at Charlene pero nagulat ako noong bigla itong tumakbo papunta kay Ash at bigla itong kayakin. Sobrang palad pa ng ngiti ni Ayisha noong nakayakap dito. Samantalang si Ash, ay nakangiti din at unti-unting din niya itong inakap. Ginulo pa nito ang buhok ni Ayisha at saka sila nagtawanang dalawa.

"Tss." Napalingon naman agad ako sa isang tabi at doon ko nakita si Louie na masamang nakatingin doon sa dalawa. Napatingin ako sa kamay nito at nakayukom iyon.

Advertisement

Napangisi tuloy ako sa reaksyon ni Louie. I smell something fishy I mean jelly.

Nagkwentuhan pa iyong dalawa, na lalong nakapag-padilim sa muka ni Louie. Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako kay Kyle at Charlene. "Yes, panalo kayo." Masayang sabi ko sa kanilang dalawa.

"Tama ka Bella. Grabe, ang kabado ko 'nung huling oras." Sabi pa ni Charlene.

"Tara kay Vien. Nasa healing room daw siya." Aya ko sa kanila. Doon naman kasi talaga dinala si Vien noong sabihin na kailangan niya ng pahinga.

"Sina Ayisha ba?" Biglang tanong ni Kyle.

"Hayaan mo sila. Andun si Ayisha kay Ash, tapos si Louie mukang gustong sunugin si Ash." Natatawang sabi ko. Nanlaki naman ang maya ni Charlene doon at saka lumingon sa kanila.

"Ash?" Kyle suddenly queried.

"Oo. Pangalan nung naging sub. Naging kaklase ko na iyon dati, hindi iyan nakikipag-usap sa iba, o kahit nga lumapit minsan hindi niya magawa, kaya nga nagtataka ako, kasi kinakausap at mukang close sila ni Ayisha." Paliwanag ko.

"Because no one can resist the good heart of Ayisha." Nakangiting banggit ni Kyle sa amin ni Charlene.

Tama siya, sa una aakalain mong simpleng babaeng lang siya, aakalain mo nga din na mahina siya at mabilis mo lang mapapatumba. Ang hindi nila alam, kapag nakilala mo na siya ng tuluyan, gugustuhin mo siyang makasama at maging kasangga sa kahit anong laban.

***

Umalis kami ni stranger sa court. Naglalakad lakad kami ngayon papunta sa cafeteria. Pagod kasi ako at gusto kong kumain. Gusto ko ding i-treat si stranger kaya inakit ko siya.

Hindi ko na din kasi makita sina Louie, Kyle, Charlene at Bella. Sayang isasama ko din sana sila, kaso hindi ko sila mahagilap. Kaya ang resulta kami na lamang nito ang magkasama.

"Charmer ka pala?" Pag-gagawa ko ng usapan. Hindi ko kasi siya nakikita dito. Ang dami naman kasing nag-aaral dito, kaya hindi na ako magtataka na hindi ko siya kilala. Hindi naman kasi ako mahilig magtanda ng mga itsura ng mga ibang charmers.

"Yes. Kilala na kita noong makipag-laro ako sa'yo. Elemental guardian, right? Wala atang hindi nakakakilala sa'yo." Nakaramdam ako ng hiya dahil sa sinabi niya.

"Bakit ayaw mo magpakilala sa akon kahapon?" I asked curiously.

"Wala lang." He retorted simply.

"Ngayon, siguro puwede kana magpakilala. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya, gusto ko malaman ang name niya para naman mapasalamatan ko siya gamit iyon at hindi lamang Mr. Stranger.

"Ash Terrence Raven."

Ang sosyal naman pala ng pangalan nito. Mas lalong naka-gwapo ng dating niya. "Ang ganda ng name mo. Thank you talaga. Ahm. Ash?" Medyo naiilang kasi ako baka ayaw niyang tawagin ko siya sa pangalan na iyon.

"It's fine. Just call me Ash." He retorted as he smiled. Ngumiti din ako sa kaniya dahil doon.

"Okay, Ash. Thank you talaga sa ginawa mo kanina. Hindi ko talaga expected na bigla bigla ka na lang mag-vo-volunteer na sub. Sobrang kabado ko pa naman kanina kung may pag-asa pa ba kaming manalo." I said.

"I can see your determination, even yesterday. Kaya noong marinig ko iyong sinabi ng isang charmer na kailangan ng sub, I didn't even think twice, because I know I need to help you." He told me sincerely.

"Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo. May gusto ka ba? Mag-sabi ka lang." Ayoko naman kasi na parang sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya, hindi kaya ng konsensya ko. Gusto ko din na may magawa ako para sa kaniya.

Noong makapunta kami sa cafeteria, walang ganung charmer marahil ay may klase na iyong iba. Kumain lamang kami ni Ash at nag-kwentuhan. Magaan agad ang pakiramdam ko sa kaniya.

"Ang cute naman ng piercings mo sa tainga." Sabi ko sa kaniya, ang cool kasi ng dating. Natawa na lamang siya dahil pati iyon napansin ko.

"May klase ka mamaya?" Tanong ko.

"Mayroon, kaso baka hindi ko attendan iyon. Nakakatamad kasi." Si pleng sagot niya. Natawa naman ako ng marahan doon. May taglay din palang katamadan ang lalaking ito.

Hindi din nagtagal natapos kaming kumain at magkwentuhan. Humiwalay na din siya ng way dahil may gagawin pa daw siya. Nagpaalam na din ako sa kaniya at dumiretso ako sa lotus light garden.

Doon na lamang ako mag-papahinga ng tuluyan. May kasunod na klase pa kasi ako mamaya at kailangan ko ng kaunting time para makapag-recharge ng energy sa nakakapagod na laban or test na iyon.

Noong makarating ako doon. May nakita agad ako sa lilom ng isang puno. Nilapitan ko agad iyon, at nakita ko doon si Louie natutulog. Kaya pala hindi ko siya makita kanina nag-solo na dito.

Umupo din ako sa katabi niya at pinagmasdan ang muka niya. Ang tangos talaga ng ilong, napaka puti din ng muka. Nakakainggit. Kaya baliw na baliw sa kaniya ang mga babae dahil sa natural na charm na taglay niya.

Nagulat ako noong biglang tumagilid ang ulo niya, mabuti na lamang at nandoon ang balikat ko, kaya't mukang naging kumportable siya sa pagkakatulog. Natawa naman ako ng marahan dahil doon. Halata kasing pagod na pagod din siya.

"Louie na bipolar, Woo Wee na masama ang ugali, ikaw na lagi na lamang akong pinagtritripan o di kaya'y iniisnab. Bakit pakiramdam ko may connection talaga tayong dalawa?" Mahinang bulong ko. Hindi kaya nahahawa lamang ako sa mga pinag-iisip ng loko-lokong ito noon? O sadyang meron lang talaga? Kasi, hindi lang naman ako ang nakakaramdam siya din ganoon.

Dahil tulog si Louie, unti unti ko ding ipinikit ang mga mata ko. Nakaramdam ako ng gaan ng pakiramdam noong idantay ko ang ulo ko sa ulo ni Louie, pero panandalian lamang iyon dahil...

Nakaramdam ako ng matinding kaba at mabilis na tibok ng puso noong mag-salita si Louie habang natutulog. Pakiramdam ko may kumirot sa puso ko.

"Fiona."

Pagkasabing pagkasabi pa niya ng salitang iyon. May pumatak na luha sa mga mata niya, na mas lalong nakapagparamdam sa akin ng kaguluhan sa isip at puso ko.

Sino si Fiona? Bakit niya binabanggit ang pangalan nito?

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click