《My Enchanted Tale》Charm 26 ❀ Upshot

Advertisement

In order to win every battle, you must put up a fight.

***

Nanlaki ang mata noong makita ko ng tuluyan ang muka noong naka-hood. "Mr. Stranger?" Mahinang bulong ko pa.

"Kilala mo siya?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Louie, kaya't napatango na lamang ako.

Agad kong nilapitan si Mr. Stranger. Siya iyong nakalaro ko kahapon. Nakaramdam ako ng tuwa dahil nandito siya. Pinagsawalang bahala ko muna kung paano siya nakapunta dito. Basta ang mahalaga, alam kong malaki ang maitutulong niya.

"Puwede ka ba talagang maging sub?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saka ginulo iyong buhok ko. "Oo." Maikling tugon pa niya, pero ang lambing ng boses niya ngayon.

Agad kaming dumiretso ngayon sa court. Wala ng angal angal sina Louie, dahil kailangan talaga namin ng sub, at mas naging confident ako ngayon dahil kay stranger.

Nagsimula na ulit iyong game, naka'y stranger agad iyong bola pagkatapos na pagkatapos ng pag-pito noong robot na charmer, walang ka gatol gatol at walang inaaksyang oras. Sa isang tira lamang, gamit ang isang kamay. Nashoot niya iyong bola!

Dahil sa sobrang tuwa ko, nayakap ko siya agad. "Ang galing mo talaga!" Masayang sabi ko pa habang nagtatalon. Natawa naman ako dahil sa inasta ko.

Kitang kita ko ang inis sa muka nina Khyra dahil sa mabilis na pangyayari. Nginisian ko naman siya ng pang-asar dahil doon. Hindi ako matatalo ng hindi lumalaban.

***

Nagsimula na ang laban, nashoot agad ni Ash iyong bola. Kilala ko na siya matapos ko siyang titigan ng masinsinan. Mailap sa mga charmer ang misteryosong lalaking iyan. Pero, napansin ko siya noon dahil sa get up niyang napaka mysterious.

Manghang mangha ako dahil sa ginawa ni Ash. Like omy gee. Ang cool at ang angas ng unang impression na binitawan niya. At dahil doon, lahat ng girls na nandito ay sobrang nagtitili na.

Advertisement

Ang dating misteryosong lalaki mukang makikila na talaga ng crowd dahil sa ginawa niya ngayon. Omg. He deserves it though, ang lakas agad ng hatak niya sa mga charmers.

Nagsimula na ulit silang maglaro, mas mahigpit ang laban ngayon, nakakabawi na rin sina Ayisha, dahil na din sa tulong ni Ash. I never thought he would be this good, talo niya nga si Louie at Kyle. Pero, siyempre may ibubuga din naman iyong dalawa.

Medyo nahihirapan parin sila, dahil wala si Vien hindi nila agad nakukuha ang bola, at walang kasiguraduhang ma-sho-shoot ito dahil walang nag-kokontrol ng hangin, apoy lamang din ang ginagamit ni Ayisha, dahil hindi niya pa kontrolado ang iba pang elemento.

May ginawang technique ang team nina Ayisha, lahat ng kalaban ay hindi makagalaw dahil sa ginawa ni Charlene, gumawa siya ng kamay na hahawak sa mga paa ng kalaban gamit ang lupa. Naka'y Louie ang bola, kaya't madali niya tong naitira at na-i-shoot.

Sina Khyra naman ay halatang naiinis na, dahil hindi sila makatira, ang bilis ni CJ ay pinapatiggil ni Kyle gamit ang tubig, ang paglipad naman ni Jeremei ay pinipigilan ng apoy ni Louie at iyong pagiging invisible ni Monica, ginawan ng paraan ni Ayisha, pumipikit sya at tanging sense of hearing lamang ang ginagamit niya, kaya't natutukoy niya ang invisible na si Monica.

Si Alyssa naman mabilis paring naagaw ang bola at na-sho-shoot pero pinag-aapoy ito ni Louie at inaagaw ang pwersa. Teamwork ang ginagawa nila kaya, kahit mahirap nakakahabol sila.

29-28 na ang score bias parin kayna Khyra. Siympre magaling din sina Khyra sibrang hirap kaya nilang talunin. Pero I must say, mas magaling talaga sina Ayisha, dahil sa game na ito, hindi sila gumamit ng sobra sobrang dirty trick, hindi gaya nina Khyra.

Napatingin ulit ako sa orasan. 5 minutes more.

Hindi pa din nagagalaw ang score, kinakabahan na ko, lamang pa din sina Khyra. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pagka-tense, at pagka-excited sa nangyayaring laban.

Advertisement

Naka'y Louie na ang bola, mabilis siyang kumilos at ipinasa iyon ay Ash dahil mas malapit kay Ash ang ring.

Napatingin agad ako sa orasan. 3 minutes. Grabeng pakiramdam na ang nararamdaman ko. Napatayo na din ako sa upuan ko, ganun din ang ibang nanunuod.

"Kaya n'yo 'yan. Kaya n'yo 'yan." Paulit ulit na sabi ko pa. Napa-cross finger na din ako dahil sa anticipation.

Pinalibutan agad si Ash ng mga clone ni Khyra, pero gumawa ng conter attvk si Ayisha at Charlene. Pinalindol ng kaunti ni Charlene ang court at gumawa ng fire balls si Ayisha at itinira sa mga clones.

Nanatiling nakatayo lamang si Ash, habang may kakaibang ngiti sa mga labi. Mas kinabahan ako dahil doon. Ano bang iniisp ng lalaking ito?

Pakiramdam ko nasa court din ako at nakikipaglaro dahil sa sobrang taranta. Naagaw agad ni Khyra ang bola, kaya't full defese sila Ayisha ngayon, ang daming Khyra sa paligid lahat may hawak na bola, tulad ng kanina hindi nila alam kung sino ang tunay at kung mapapansin mo, nasa katabi ng isang ring si Jeremei, nakabantay sa tabi noon, si Alyssa naman ready to control things na, at si Monica, hindi mo makikita.

Pinagalaw ni Alyssa lahat ng bola, umugtol ang lahat ng mga ito, lalong naguluhan sina Ayisha, feeling ko, hindi sila titira inuubos lang nila ang oras, at tama ang ginagawa nila para manalo.

Last 1 minute na lang. Nagulat ako noong maagaw ni Ash bigla ang bola sa isang clone at dang! Tunay na bola ang naagaw niya, agad siyang tumira at walang sablay. Nag-shoot ang bola.

Tie na ang laban, kaya't halos lahat kami dito ay hindi na makahinga.

Nag-time out muna ng kauntian, pagkatapos ay nag-simula ulit. 40 seconds on the clock. Naka'y Ayisha ang bola

Naging full force defense sina Khyra, pero ready din sa counter attack sina Louie.

Lahat ng mga mata namin naka'y Ayisha. Samantalang siya ay mukang natataranta at na-pre-pressure na din, kaya't nalilito siya kung anong gagawin.

30 seconds left.

Ipinasa ni Ayisha ang bola kay Ash. Mabuti na lamang at mabilis na nasalo ni Ash ang bola. Noong hawak niya iyon, agad siyang tumakbo kahit alam niyang pwedeng maagaw ang bola dahil sa sobrang daming clones at hindi mo pa makita si Monica sa paligid.

20 seconds left.

Nag-aabang kami sa kasunod na gagawin ni Ash. Noong tumakbo siya, agad na nawala ang mga clones, doon ko napansin na nagsama ng pwersa si Ayisha at Louie, para sa invisible fire. Pagkatapos noon ay pinayanig pa no Charlene ang buong lugar at nilagyan ng parang banging si Jeremei para hindi makalipad. Samantalang hawak hawak na ni Kyle si Monica.

5 seconds left.

Nasa harap na ng ring si Ash. Ibinato na niya ang bola. Umikot pa iyon sa ring.

1 second left and...

Agad akong napatingin sa bola. Nag-shoot iyon, ngunit... Huli na ang lahat. "Damn, sayang!" Rinig na rinig mo ang disappointment ng ibang mga charmers dahil sa nangyari.

Napa-upo na lang din ako bigla dahil sa sobrang panghihinayang. Andun na. Nag-shoot na, kaso naunahan ng oras. Napatingin ako kay Ayisha dahil sa nangyari. Nakatulala siya na parang hindi makapaniwala.

Damn it. Talo sila.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click