《My Enchanted Tale》Charm 25 ❀ Unjust
Advertisement
Unfair is the definition of this game.
***
"Activate: Replica charm." Nakangising sabi ni Khyra na tila nang-aasar. Patay. Lalong mahihirapan sina Ayisha, dahil hindi na lamang lima ang babantayan nila kundi mas madami pa.
Nagsimula na uli ang game, tulad ng inaasahan pinadami na ni Khyra ang sarili niya at ngayon hirap na mag-bantay sina Ayisha. Kitang kita mo sa muka ni Ayisha ang pagiging determinado, kahit lamang ang kalaban.
Naka'y na Khyra ngayon ang bola, mababakas mo kay Ayisha ang pagiging tensyonado sa nangyayari. Kaharap niya ngayon iyong may hawak ng bola, hindi mo mawari kung iyon ba ang tunay na Khyra o hindi.
Sa isang kurap ng mata, nasa kamay na ni Ayisha ang bola. Vien suddenly concentrated kaya lumipad sa kamay ni Ayisha ang bola, papunta sa ring malapit na sana iyon, kaso biglang may nagtakbuhan na maraming clone ni Khyra papunta kay Vien, kaya't nawala ang concentration ni Vien at bumagsak ang bola.
Mabilis namang nakatakbo si Louie sa bola, at mabilis nag-rebound. Napatayo ako habang sumisigaw dahil sa nangyari. "Woo! Gooo, kaya nyo iyan!" Todo todong cheer ko. Pati na din ng ibang charmers na nasa oanig nina Ayisha.
Nakipag-high five si Louie kay Kyle at saka niya nilapitan si Ayisha at bahagyang niyakap, dahilan ng mas matinding sigawan dito. Maging ako ay napasigaw dahil doon.
Pawisan na silang lahat, dahil sa pagod pero hindi mo sila makikitaan ng panghihina ng loob. Si Ayisha ay ganoon din, makikita mo sa kaniya na komportable na siya sa court.
Agad nakipag-apir sina Vien at Charlene kay Louie. Pagkatapos ay itinaas ni Charlene ang kamay niya at sumigaw ng malakas. "Activate: Earth charm!" Biglang hiyawan ng mga lalaki ang narinig dahil sa sinabi niya.
Nagsimula na uli ang laban, naka'y Khyra ang bola, agad niyang pinadami ang sarili niya kaya't nagkalituhan ang kabilang team, dahil pinagpasa-pasahan nila iyon ng mabilis. Akala ko makaka-score na ulit sina Khyra,,pero bigla na lang parang lumindol kaya't lahat kami ay napatili.
Matapos ang tila pag-lindol na iyon, natumba lahat ng fake na Khyra peeo naipasa agad nila ang bola kay CJ. Pinigilan ni Vien si CJ gamit ang air power, pero bigla na lamang siyang sinugod ni Alyssa, kaya't nawala ang atakeng ginawa ni Vien.
Gumawa naman si Charlene ng parang mga baging para mapigilan ang kabilang team ngunit bigla siyang sinugod sabay ni Monica at Jeremei. Nawala din ang ginawa ni Charlene dahil doon. Agad tinulungan ni Kyle sina Charlene na nasasaktan. Samantalang si Louie at Ayisha ay nakipaglaro sa napaka-daming si Khyra para mapigilan ang bola.
Ngunit tumira na lamang agad si Khyra. Wala na silang nagawa dahil doon, kaya't nag-shoot ang bola.
Biglang nagkaroon ng malakas na sigawan dahil doon. Tss. Mga fans pa ata nina Khyra. Ngumisi pa siya ng mukang mangkukulam at saka nag-salita. "Activate: Invisibility charm."
Nag-simula na ulit ang laban. Nilito nila ang team nina Ayisha, may lalabas na Khyra sa harap nila tapos bilang mawawala, kaya litong lito sila, kung na kanino ang bola, dahil bawat na na-appear na Khyra sa kanila ay may dalang bola. Pati ako, hindi ko alam kung na kanino ang bola, ang daming magkakaparehas na muka ngayon sa court at lahat sila may hawak na bola. Hala? Paano na iyon?
Maya-maya napansin ko na wala si Monica. Omo. Si Monica nga pala ang may invisibility na power. Pinahahingin bigla ng malakas ni Vien at sinabayan pa ulit ng pag-lindol ni Charlene, kaya't nawala lahat ng clone sa court.
Pagkatapos noon, nakita nila na niisa walang may hawak ng bola sa kanila. "Damn. The invisibility charm! Naka'y Monica!" Kyle yelled, saka nag-appear bigla si Monica, habang hawak ang bola. Aagawin sana ni Vien ang bola gamit ang hangin, ngunit hindi na niya iyon nagawa noong pag-tulungan siya ng mga clones.
Advertisement
Samantalang si Kyle at tumakbo papunta kay Monica, mapipigilan na niya sana kung hindi lamang biglang nawala nanaman si Monica, kaya't naging clueless siya.
Maya-maya biglang lumitaw ulit si Monica, ngunit huli na ang lahat. Na-shoot na niya ang bola. "Ah! Nakakainis." Asar na wika ko habang nagmamaktol sa kinauupuan ko.
Hindi lang ako ang nagmamaktol dahil pati iyong ibang charmer na nadito, naiinis na din sa nagiging laban. Paano kasi, halata naman iyong sobrang kadayaan nina Khyra dahil nanakit na talaga sila.
"Activate: Controller's charm." Nakangiting sabi ni Khyra, kinakabahan na ako, tatlo na silang pwedeng gumamit ng charm. Lalong na-aagrabiyado sina Charlene.
Mahirap na ang magiging laban.
Masyadong pisikalan ang laro laging natutumba ang team nina Ayisha, sina Louie at Kyle naman hindi makabwelo para tulungan sila o para makatira dahil lagi silang bantay sarado, lahat ng nanunuod dito tahimik, kinakabahan. Wala pa ding ulit nakakapuntos ngayon. Dahil sa charm ni Vien at Charlene, napipigilan nila silang maka-score, pero hindi naman nila makuha ang bola.
Maya-maya pa, I saw a glint of anger in Ayisha's eyes. Kanina pa kasi nasusugatan sina Charlene at Vien dahil sa mga tricks na ginagawa ng kabilang team.
Magkatapatan ngayon si Khyra at Ayisha. Alam ni Ayisha na nasa kaharap niya ang tunay na bola, dahil kanina pa niya pinapanuod ang mga nangyayari at nakikita kong tutok na tutok siya.
Walang sinayang na oras si Ayisha at biglang nag-steal ng bola. Gulat na gulat si Khyra kung paano nakuha ni Ayisha iyon. Kahit ako, nagulat sa nangyaro pato na din ang manunuod, ang lakas kasi ng oagkakahampas ni Ayisha sa bola kaya tumalbog ito at mabilis niyang nasalo
Agad niyang ipinasa kay Louie ang bola noong makita niyang maraming clone ang nasugod sa kaniya. On the other hand, walang bantay si Louie kaya't mabilis niyang tinira ang bola. Noong mapansin ni Vien na medyo sasablay ang bola at ginamit niya agad ang kapangyarihan ng hangin. Mukang balak pang pigilan iyon ni Alyssa na kayang mag-control ng mga bagay, pero agad pinalindol ni Charlene, kaya't natumba lamang siya at hindi nagawa ang dapat gagawin niya. Naka-score ang bola nina Ayisha dahil doon.
Agad naglapitan ang lahat kay Louie at nakipag-high five. Halata sa muka nila ang saya, kahit pagod na pagod na sila.
Nakita kong niyakap ni Louie si Ayisha, para i-comfort kahit papaano.
"Aww. Ang sweet sweet sweet ni Master Louie." Narinig ko pang comment ni Emerald, iyong ibang fairies na kasama ko ay kanina pa din imik ng imik hindi ko lang maintindihan at saka ang ingay ng mga nasa paligid kaya hindi ko din sila marinig.
"Activate: Water charm." Malakas na sigaw ng gwapong gwapong si Kyle. Ang hot este ang cool (para bagay sa power niya) tingnan ni Kyle, kaya't todo tili na itong mga babaeng nandito. Psh. Akin lang iyan 'no. Joke.
Pagkatapos noon, nag-start na ukit ang laban. Mas maging magulo at kaabang abang ang laban, dahil tigatlo na ang activated na charms. Matinding dayaan din ang ginagawa nina Khyra, pero hindi nagpapatalo sina Charlene.
Lahat sila kita mong pagod na pagod na. Matagal na din na minuto ang lumipas pero wala pang nakaka-score ulit dahil sa tindi ng depensa sa bawat panig.
Napalingon ako kay Ayisha noong pagkakataong iyon. Kita ko ang panginginig ng mga binti niya, marahil ay dahil kanina pa siya takbo ng takbo at dumidepensa o kaya'y umaatake.
"Time out!" Malakas na sigaw ni Louie. Pumayag naman ang erudite pati na din sina Khyra kaya't natigil ang laban.
Umupo ang team nina Ayisha sa baba kung saan ako naka-upo kaya't nag-madali akong pumunta doon.
Advertisement
Noong makarating ako, inabutan ni Kyle ng bote ng tubig si Ayisha, agad naman iyong tinaggap ni Ayisha at saka siya uminom.
"Ayisha. Omygosh, ang galing nyo." Masayang sabi ko. Ngumiti lamang sa akin si Ayisha, mukang pati pag-sasalita pagod siya. Hindi ko na lang siya ginulo dahil doon.
Nilapitan ko naman si Kyle dahil doon. "Kamusta. Galing natin hubby ah." Pang-loloko ko sa kaniya.
"Baliw ka, wifey. Tumigil ka." Natatawang sabi niya. Lokohan lang namin ni Kyle iyong hubby at wifey. Nag-simula iyon noong mapunta kami sa mortal world, noong panahong nawala na lang sina Ayisha at Louie, kami ang naging magkasama. Simula noon, mas naging close kami. Ilang buwan na din mula noon, at sana konting push pa, baka pwede ng malaglag sa akin si Kyle. Siyempre joke lang.
"Bella, pamasahe nga sa balikat." Biglang sabi ni Kyle. Bigla naman akong kinilig dahil doon. Siyempre hindi na ako tumanggi at kumuha ng towel sak ako siya pinunasan, saka minassage.
Noong makita iyon ni Ayisha, kinindatan niya ako. Natawa naman ako dahil doon. Loka loka din talag aiyang best friend ko na iyan.
"Pagod ka?" Narinig kong tanong ni Louie sa kaniya. Tumango lang si Ayisha, tapos hinawakan ni Louie iyong ulo niya saka dinantay sa braso. Ayiee. Sila nga din ang sweet. Haha.
Sina Charlene at Vien naman tahimik lang naka-upo at naka-pikit hakata mo din na nawawalan na sila ng enerhiya dahil sa pag-gamit ng kapangyarihan.
"Ang daya nina Khyra. Nakakainis." Biglang sabi ko.
"Hayaan mo sila wifey, makakarma din ang mga iyan." Kyle vocalized mellowly, saka siya uminom ulit ng tubig. Nag-baba taas tuloy ang kaniyang adams apple. Ang gwapo talaga.
Ilang sandali lang may malakas na pito ulit kaming narinig, simbolo na tapos na ang time-out. Natayuan na ang team nina Ayisha dahil doon.
"Good luck! Kaya n'yo 'yan! Fighting bes, Louie, Charlene, Vien at Kyle!" Masayang cheer ko sa kanila with the fairies, kaya't nginitian nila ako. Matapos noon, bumalik na ulit ako sa upuan ko kanina.
***
Nag-sisimula na uli ang laban.
Hindi ako mapakali sa tayo ko, mabilis lumilipas ang oras. Pati na din ang mga pangyayari. Lahat ng mata tutok na tutok. Ramdam na ramdam ko ang anticipation sa crowd.
Matatalo ba sila o mananalo? Hindi ko alam. Kabadong kabado na ako dahil sa nagiging takbo ng game. Basa din ang court dahil sa ginawa ni Kyle kanina lang, pero kahit iyon walang nagawa sa pagiging agresibo nina Khyra.
Ilang beses bumagsak sa semento sina Vien, Charlene at Ayisha dahil sa ginagawa nina Khyra. Samantalang sina Louie at Kyle ginagawa lahat ng makakaya niya para tulungan ang mga babae pero hindi iyon nagiging sapat.
Dehado sila dahil activated na ang lahat ng charm ng kabilang team samantalang sila ay tatlo pa lamang ang activated.
"Kaya nila iyan master Bella. Magtiwala ka kay master Yisha." Pagsasabi sa akin ni Emerald. Kaya't nag-cheer na lamang ulit ako sa kanila at sunundan ako ng crowd. Kahit sa cheer man lang gusto kong malaman nila na magagawa nilang baguhin ang takbo ng game.
***
Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Hindi mo talaga malaman kung anong magiging resulta ng laban. Ngayon lahat ng charms ay activated na. Nagawa nina Ayisha na mai-activate ang lahat ng charm sa team nila.
Pero, ang laki pa din ng lamang nina Khyra. Sobrang tindi na nga ng nagiging laban dahil, minsan bigla na lamang babaha, tapos minsan bigla na lamang magkakaroon ng sobrang laking apoy sa court, tapos mamaya biglang mapupuno ang court ng napakaraming clones, o di kaya'y lilindol nanaman, o kaya'y magkakaroon ng tornado, mayroon ding biglang pagdami ng halaman sa court. Lahat na ata ng puwedeng gawin sa mga kapangyarihan ay ginawa na nila, para lamang maka-score.
I'm so antsy right now because of what happening. Twenty minutes na lamang ang nasa orasan. At ang score ay 27-20 in favour of Khyra's team.
Nakita ko na lamang bigla ang pag-kilos muli ng team nina Ayisha. Pero naging palpak nanaman ang pag-try nila na mashoot ang bola.
Parang may kakaibang aura kay Ayisha, talagang desperada na siya ngayon para manalo. Kahit ako ang nasa pusisyon niya ganoon din siguro ang magiging reaksyon ko. Charm ko ang kapalit, hindi ako magpapa-easy easy lamang.
Ilang sandali lang naka'y Ayisha ulit ang bola, ginawa naman nina Vien, Charlene, Kyle at Louie ang lahat, para hindi mahara ng kabilang grupo si Ayisha, nasa half court ulit siya, pero hinarang siya ni Khyra, bawat galaw niya sinasabayan ni Khyra, pero nakita ko ang biglang pag-ngisi ni Ayisha.
Papunta sa kanan siya, kaya't mabilis itong sinundan ni Khyra pero, umikot siya, para mapapunta siya sa kaliwa, kaya't nalampasan niya si Khyra, at kahit malayo pa tumira na lang bigla si Ayisha, walang nagamit na kapangyarihan si Ayisha umaasa lang na ma-shoot, hindi din sila matulungan nina Charlene dahil pinagkakaisahan nanaman sila ng clones.
Lumipad pa si Jeremei para pigilan ang pag-shoot ng bola, pero bigla na lamang parang nag-wala si Vien at nag-concentrate upang ma-shoot na ng tuluyan ang bola. Nag-tatalon kaming mga charmers na nasa side ng team nila dahil sa nangyari.
Sa gitna ng kasiyahan na iyon, bigla na lamang may nagibabaw na sigaw. "AHH!" Agad akong napalingon sa pinagmulan ng sigaw na iyon, at nagulat ako sa nakita ko.
Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko at matinding pag-durugo ng tuhod at binti ni Vien, kitang kita mo din ang sakit sa expression niya. Muka ding na twist ang ankle niya dahil doon. Napayukom ako ng mahogpit dahil sa nakita ko. Shit.
Mukang noong nasa bola ang pansin namin ay may ginawa nanaman sina Khyra na kadayaan.
Mabilis na tumakbo ang barkada papuntankay Vien. Dali dali pa siyang binuhat ni Louie papunta sa healing charmer. Maging ako ay napasugod na din doon dahil sa nangyari. Narinig ko pa ang malakas na tunog ng maliit na bell sa fairy ni Vien na si Pearl, mukang nararamdaman din niya ang sakit na nararamdaman ni Vien.
Noong makarating ako doon. Halos maiyak si Vien sa sakit na nararamdaman niya.
"Fuck." Rinig ko pang mura ni Charlene. "Bullshit, masasabunutan ko si Khyra mamaya para lang maiganti si Vienny." Galit na galit na bigkas ni Charlene, while pacing back and forth calming herself down.
"Okay lang po ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Ayisha sa healing charmer.
"Vien..." Mahinang banggit ko. Wala kasi akong masabing comforting words, dahil bakas na bakas sa muka niya ang pain.
"Kaya namin siyang magamot pero, she needs rest. Hindi siya pwedeng bumalik sa court, dahil baka mas lumalala." Agad napa-bagsak ang balikat naming lahat dahil sa sinabi ng healing charmer.
"Damn it." Susugod na sana si Kyle papunta kayna Khyra, mabuti na lamang nahawakan ko siya sa braso.
"Kyle, lalong gugulo." Mahinang banggit ko. Napadabog na lamang siya dahil doon.
Hindi kami ganoong magkaintindihan dahil kakaunti na lamang ang time sa game o test. "Paano ito?" Halos mangiyak ngiyak na sabi ni Ayisha.
"Kaya natin ito, Ayisha. We'll play." Disididong sabi ni Charlene, habang namumula ang muka dahil sa pagod at galit. Babalik na sana silang apat sa court, pero bigla silang pinigilan noong monitoring charmers na parang robot.
"You can't play without a substitute." Nagulat sila dahil sa sinabi nito. "Pero--" Aalma pa sana kami, ngunit nagsalita ulit ito. "Madidisqualified kayo."
Narinig ko ang pag-mumura ng malutong ni Louie at Kyle. Napa-takip naman si Ayisha sa muka niya kaya't niyakap siya ni Charlene.
Saktong napatingin pa ako kayna Khyra, at kitang kita ko ang ngisi niya kasama ang mga alipores niya. Napa-yukom ako doon ng kamao. Kung may hawak lang ako na kung ano baka nabato ko na ang babaeng ito. Alam kong sinadya nila ang nangyari kay Vien.
Inis na inis ako kayna Khyra noong bigla akong may naisip. "Wait, baka puwede akong maging subs---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko noong bigla na lamang may sumulpot na lalaki mula lamang sa crowd. Naka-itim na jacket ito at may nakalagay na hood sa ulo.
Sabay sabay napatingin sa kaniya ang lahat.
"I will be the substitute." Pagkasabing pagkasabi niya noon ang pag-aalis niya ng hood niya. Saka ang biglang pag-silay ng ngiti sa labi niya.
Napa-kunot noo naman ako dahil doon. Muka siyang bad boy na mayroong maamong muka. Napataas ang kilay ko doon, inaalala kung sino iyon, peeo narinig ko ang biglang pag-sasalita ni Ayisha.
"Mr. Stranger?"
***
Advertisement
The Main Character! : The Hero's Epic Journey Begins!
With his blood wielding Best Friend at his side, an angelic Stalker following him wherever he goes, a Glasses Kid as his know it all teacher and his psychotic Rival failing to surpass him, can Main Character harness the powers of anime genres and become the hero of the ancient futuristic world of Steam Punk? The Main Character is a psychological action animestyle parody created to set a new standard for Shounen protagonists! Expect tons of anime refrences and unique abilities! This meta experience blends comedy and the epic action sequences SOC is known for!
8 163Re:Insanity
Jeff became a test subject of a dark organization that specializes in doing inhumane experiments, enhancing human abilities and creating their own assassins. Day by day Jeff resisted the painful experimentation that was done to him to remain his sanity, but even if he clings to his sanity, his mind still developed an abnormal sense that kinda made him into a psychopath. When the day that he was about to be mind controlled by the organization to do an assassination. A strange phenomenon occurred in the lab. And this is the story of a man with a kind heart and a slight insane mind ————————————————————————————————————————— Hello guys J.Nashiro here, this is my first fiction so please feel free to rate if you want to but please don't be too harsh on me. Please note that English is not my native language so you might find some wrong grammars and spellings. Anyway, I hope that you enjoy this amateur's story.
8 180Black Wind, White Lotus
In this world, there are haves and have nots. The former are pureblooded humans, some of whom are capable of manipulating qi, the mysterious energy that flows through every living creature, to miraculous results that defy the laws of nature and physics. Wen Feili was one such cultivator. However, she allied with the have nots- the anthropomorphic hybrids incapable of channeling qi-and dabbled in forbidden demonic arts, seeking to change the very composition of reality. This did not end well for her, and she was consumed by her own flames. A decade later, far in the northwestern mountains, her daughter Wen Fengli is working as a lowly servant of the minor Shuangshan sect. In between sweeping the floor and avoiding bullies, she secretly trains with a wooden sword, hoping to become a warrior cultivator at some point in the future. However, since she's part-human, part-wolf, it's just a pipe dream. ....or so she bitterly thought. However, one day a mysterious amulet that belonged to her mother falls into her hands. A deranged old master, a terrible conspiracy, a mysterious past? None of that matters to tomboyish wolfgirl, who only seeks to become stronger. She embarks on a journey of adventure and self-discovery, towards the mysterious southern lands where pure demi-humans are said to live...as spectre of war once again envelops the world of man. This is a Chinese-themed fantasy story set in a fictional world. You can classify it as xianxia, if you wish, but it's a rather low fantasy variant; the heavenly realm is silent, no one reached immortality in generations, and magical artifacts of old are locked away and feared. Magical beasts and spirits have been driven to the corners of civilisation, and "ordinary" abilities such as flying or controlling swords through telekinesis are considered spectacular feats. The main plot of this book revolves around a kemonomimi girl who seeks power, no matter the cost. This story also features multiple character pov, and will not always follow the perspective of the mc- there are two major plotlines, one connected to conspiracy and war ongoing in the political background of the presented world, and the other focusing on the main character's physical and metaphorical journey. The cover image was drawn by minyaxj, per my request, on a commercial license.
8 97Daydream of Gods
“There is no strongest creature in this world, only stronger” In a world which can be described only as Daydream, Four Gods broke from their imprisonment after thousands of years and chose four humans to help them carry out their will. Unknown to the people, the Gods and their Saints started to roam the continent to fulfill their own wishes, ranging from simple exploration to the extermination of humanity. This is the story of their path and their freedom.
8 147Operation S.H.I.P (See, He Is Perfect) A Inquisitormaster Light X Charli Fanfic
Light and Charli are the bestest of friends! The love each other, they love each other so much that they both will ditch their plans with the other squad members just to hang out with each other! But what happens when Jaxx finds out? Will Jaxx eat them out? Or will he let destiny pick their path? But plot twist, Jaxx is destiny!
8 191Soul eater girlfriend scenarios
Just Small hand cannons about you and the soul eater cast ⚠️ I don't own anyone from soul eater or you⚠️
8 165