《My Enchanted Tale》Charm 24 ❀ Stranger
Advertisement
Success is not always an easy road.
***
Bukas na ang game namin nina Khyra. Kaya todong paghahanda ang ginagawa ko. Lalo kong kinakabisa ang fire charm, dahil hindi ko naman kontrolado ang ibang charms ko.
Naglalakad ako ngayon papunta sa daanan dito sa charm world para makapunta sa mortal world. Tapos na ang lahat ng mga klase ko ngayon kaya napagpasyahan kong pumunta doon.
Gusto ko din naman ng masinsinang practice sa basketball kahit solo ko lamang. Ayaw ko din naman maging burden lang kayna Louie. Sila na nga itong nagprisinta na tutulong sa akin. Ayaw ko abusuhin iyon.
Napalista ko na din sila kanina sa gym erudite namin kaya't pinal na talaga ang desisyon na labanan bukas. Kalat na kalat na din iyon sa school kaya naman mas nagkakagulo. Paano kasali daw si Louie, ang tagal na kasi noong hindi nasali sa test, paano laging exempted. Siya na talagang matalino.
Sinabi ko din kay Emerald na sabihin sa master niya na baka malate ako ngayon ng uwi. Mahirap na baka maghysterical si Bella kahahanap sa akin.
Hindi din nagtagal nakarating ako sa punong nanghihigop. Sinabi ko agad iyong parang spell doon, at hinigop na talaga ako nito.
"Ahhh!" Malakas na sigaw ko dahil paikot ikot nanaman ako sa loob noon.
Niong makatuntong ako sa lupa ng mortal world. Napapikit muna ako ng madiin. Pakiramdam ko kasi umiikot pa ako. Aish, ano ba naman ito. Ang sakit sa ulo.
Matapos kong magpahinga ng kauntian.
Naglakad lakad na ako. Hanggang sa narating ko iyong isang basketball court na malapit lamang dito. Walang bubung iyon, tangang mga upuan lamang sa may paligid at rings ang nandito.
Bumuga muna ako ng hangin mula sa bibig ko para makapag-concentrate. Napatingin din ako sa kalangitan na ngayon ay kulay orage na. Hapon na din pala.
Lumingon lingon ako sa paligid at sakto may nakita akong isang bola sa isang malaking parang net na basket. Dumiretso ako doon at kinuha iyong bila. Mabuti na lamang may nag-iwan ng bola dito ngayon.
Noong makuha ko iyon, nag-simula akong magtry na mag-shoot ng bola, pero lahat palya. Medyo kinabahan ako dahil doon, hindi pwedeng ganito ang ipakita ko bukas.
Nagtry ulit ako mula sa iba't-ibang posisyon, at nagawa ko namang i-shoot iyong kaunting shots ko, pero karamihan pa din ay palya. Kaya nagtry ulit ako ng nag-try hanggang sa parang unti-unti nasasanay na ulit iyong katawan ko.
Pumisisyon ako sa three-points shot. Tandang tanda ko pa noon kung paano kami maglaro ni Papa noon, tuwang tuwa siya kapag nakikita niyang nakaka-shoot ako. Isa ito sa mga naging bonding namin noon.
Tanda ko pa noon ang sinabi niya.
"Ayisha, lagi mong tatandaan huwag kang basta basta titira, tingnan mo muna iyong mas magandang opportunity, para mas mataas ang points, ang basketball hindi palakasan, hindi patangkaran- kundi isa itong laro kung saan matututunan mong gamitin ang utak mo kasama ang katawan mo."
Noong maalala ko ang mga katagang iyon mas naging desidido ako na mananalo kami at hindi mapupunta kay Khyra ang charms ko.
Nag-concentrate muna ako, saka ako tumalon para sa three-point-shot. Noong ibato ko iyon, parang nag-slow motion ang lahat lalong lalo na noong mapunta iyon sa ring at umikot lamang doon. Kinabahan pa ako dahil ang akala ko hindi ito papasok, pero laking tuwa ko na lamang noong nagtagumpay akong i-shoot iyon.
Nag-tuloy tuloy lamang ako sa pagprapractice. Medyo dumidilim na din dahil kanina pa ako.
Napagpasyahan kong pumunta sa half court, matagal tagal ko ring hindi nagawa ang ganitong klaseng tira, wala namang rule kung saan at kelan puwede mag-shoot, hindi ba? Baka magamit ko din ito bukas. Lalo na nagigising na iyong dugo ko sa pagbabasketball. Namana ko siguro ito sa papa ko.
Advertisement
Nagdribble na ako ng bola. Tinitigan ko iyog ring, bumuwelo ako sabay talon...
Kinakabahan ako sa magiging resulta kaya't nakatingin lang ako ng masinsinan sa bola, kitang kita ko kung paano iyon tumungo papunta sa ring at kung paano iyon ma-shoot. Halos magtatalon ako sa saya noong magawa ko iyon. Yes, nagawa ko! Mabuti naman at malakas pa ang pwersa ko.
Nagpatuloy ulit ako sa ginagawa ko. Pumapalya man ako,mkakaunting beses na lamang iyon at karamihan ay pulido na. Nag-try ulit ako mag-shoot ng bola mula sa mabilis na pag-dri-dribble na may ala-alang umatake sa akin. Tuwang tuwa nanaman ako ng mashoot ko iyon, ngunit nagulat ako noong bigla na lamang may pumalakpak ng marahan.
Napalingon tuloy ako sa dako kung saan ko narinig ang isang baritonong boses ng lalaki. Medyo napasingkit pa ang mata ko dahil hindi ko maaninag ang itsura nito at tanging silhouette lamang ang nakikita ko.
"Nice." Tipid na sabi ng malagong na boses.
"S-Sino ka?" Tanong ko sa kaniya at saka ko kinuha ang bola mula sa paanan ko, gumulong kasi doon iyong bola, matapos kong i-shoot.
"No need to know my name, I just wanna play with you." Narinig kong sabi nito, medyo napaatras din ako noong bigla itong lumapit sa akin. Unti-unti ko siyang naaninag dahil doon.
Kitang kita ko ang maputi na tila maputla niyang muka, pagkatapos noon ay ang maliit ngunit matapos niyang ilong at kulay pinkish na labi. Napatingin din ako sa mata niya, at kitang kita ko ang pagiging itim noon. Napa-atras nanaman ako ng kaunti dahil doon. Ngayon ko lang kasi siya nakita at hindi siya pamilyar, ang gwapo pang tingnan, pero baka mamaya kung anong kailangan niya sa akin.
"Makikipaglaro ka sa akin?" Tanong ko pa, mamaya kasi mali ang dinig ko. Saka nakakailang ng kaunti.
"Yes, pass the ball to me." As if on cue, parang kumilos ng kusa ang katawan ko para ibato iyong bola sa kaniya.
Pagkapasang pagkapasa ko sa kanya ng bola, nagsimula siyang magdribble tapos tumalon siya at nashoot niya agad iyong bola. Agad akong namangha sa nakita ko, ang galing niya.
"Come on, play with me." Aya pa niya sa akin, hindi na ako nagpakipot pa doon. Kailangan ko din naman siguro ng kasamang magkaro para mas maging maayos ang laro namin bukas.
Agad din akong nagsimulang makipaglaro sa kaniya, at ang bilis niyang kumilos nakakalimang tira na siya at wala pang sumasablay. Wala pa din akong natitira ni hindi ko nga mahawakan iyong bola. Hanggang ngayon siya pa lamang ang nakaka-score. Ang galing masyado.
Hindi ko alam kung pano ko siya tatalunin, pero kinabisado ko muna ang mga galaw niya, iyong pagititira niya sa kaliwa, iyong kanang kamay gagamitin niya kapag mag-three-point shot, tapos may panlito din siyang ginagawa iyon bang akala mo ititira n niya na pero hindi pa pala.
Lahat ng iyon kinabisado ko, hanggang sa nakuha ko na kung pano siya gumalaw. At for the first time, nakuha ko din sa wakas ang bola mula sa kaniya.
Ako naman ang tumira, at hindi niya makuha yung bola saakin. Natuwa akong makipag-laro sa kaniya dahil sobrang competitive niya. Patuloy lamang kaming dalawa at walang nagpatalo. Enjoy na enjoy ako, kahit nawawalan na ako ng enerhiya.
Nakakapagod din pala ito. Nasa akin ang bola, half court ang layo namin sa ring. Nagdridribble ako, siya naman nagbabantay sa galaw ko, umikot ako pakaliwa, sinabayan niya naman ito kaya mabilis akong umiba ng direksyon at nakalampas sa kanya, dahil alam kong hahabol sya, kaya nag ginawa ko kahit malayo pa, tumalon ako at tinira iyong bola.
Advertisement
Parang slow mo ulit iyong lahat, umikot ikot iyong bola sa ring, ikot lang ng ikot, habang ako nag-aabang kung papasok ba o hindi. "Pumasok ka pumasok ka, pumasok ka." I whispered to myself.
"Yes!" Masayang sigaw ko noong pumasok iyon. Pero, agad din akong napa-upo noon sa semento dahil sa pagod.
"Good enough for a girl like you." Nakangiting wika ni stranger, na naka-upo din sa tabi ko. Napa-higa din ako bigla dahil pagod na pagod talaga ako. Saka ko napansin na ginaya din ako ng stranger na ito.
"That was a good game." Hinihingal na sabi pa nito pero bakas doon ang kasiyahan. Napangiti naman ako doon, ngunit hindi na nagsalita pa dahil parang battery low na ako.
Habang nakatingin sa langit na mayroong madaming bituin. Alam ko sa sarili ko na may pag-asa kaming manalo bukas. Sana naman pumanig sa akin ang langit at pag-bigyan ako na manalo.
Ngayon ko lang nakakamtan ang unti-unting kasiyahan sa buhay ko. Sana huwag na ipagkaila sa akin iyon.
Napangiti na lamang ako noong may makita akong bituin na parang kumindat sa akin dahil sa pag-kislap nito. Matapos noon, naramdaman ko si stranger na biglang bumangon sa tabi ko.
"I'll go ahead." Nakangiting sabi pa nito noong maka-tayo at saka ako tiningnan habang nakahinga. Nag-thumbs up na lamang ako sa kaniya saka ngumiti.
Noong nagsimula siyang maglakad, umupo na ako at saka ko nakita ang silhouette niya, nakapamulsa pa siya. Ang cool tuloy niyang tingnan.
"Salamat, Mr. Stranger!" Malakas na sigaw ko. Kaya't napatigil siya saka itinaas iyong kanan niyang kamay na parang nag-paalam. Natawa naman ako ng marahan doon. Mabuti na lamang nakalaro ko siya, nagkaroon tuloy ako ng katiting na confidence sa sarili ko. Ang galing galing niya kasi.
Maya-maya lang napag-disisyunan ko ng umalis. Tummungo na ako sa crescent garden at nagtungo sa charm world. Noong makarating doon. Napahawak muna ako sa puno, dahil parang umiikot pa iyong mundo ko. Pagkatapos noon, tumawag ako ng pegasus at nagpahatid sa bahay nina Bella.
Hindi nagtagal nakarating din ako doon. Papasok na sana ako kaso bigla na lanang may humigit sa akin.
"Saan ka galing?" Kamuntik na akong sumigaw dahil sa takot. Mabuti na lamang napigilan ko at nakita ko kaagad kung sino iyong humigit sa akin.
"Nakakagulat ka naman. Sumusulpot bigla bigla." Iiling iling na sabi ko sa kaniya. Bigla naman siyang napa-poker face doon. Kaya napangiti ako. "Ewan ko sa'yo, galing akong mortal world. Bakit ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Gabing gabi na pumunta ka pa doon?" He queried firmly. Nag-cross arms naman ako doon.
"Kanina pa akong hapon galing doon. Nag-practice lang. Medyo natagalan kaya't ngayon lang naka-uwi, pero huwag ka ngang oa dyan. Maayos ako, okay?" Pagsasabi ko sa kaniya.
Kahit medyo mukang labag sa loob niya, kumalma ang itsura niya. "Ikaw bakit nandito ka?" Tanong ko.
"Wala kang paki-alam." Tipid na sagot niya. Kaya binatukan ko siya. Agad akong nakakuha ng masamang tingin doon, pero hinayaan ko na lamang siya.
"O siya, anong kailangan mo ngayon? Ako'y magpapahinga na." Mahinang wika ko.
"Wala, pumasok ka na sa loob." Plain na bigkas niya saka ako pinagtulakad, dahil pagod na ako, wala akong laban at pumasok na din lang. Natanaw ko din siyang umalis na kaya't tumungo na ako sa kwarto ko dito.
Naligo muna ako, bago matulog. Mananalo kami bukas. Gagawin ko ang lahat para mapatunayan na kaya ko.
***
The day.
Ngayong araw na ang game. Kaninang kanina pa ako hindi mapakali. Parang bumalik nanaman ako sa araw kung saan ako nagpakita ng charm ko sa arena. Aish.
"Master Yisha! Ishtap!" Pag-sasabi sa akin ni Emerald, pero tuloy tuloy lang ako sa pag paced back and forth. Ramdam na ramdam ko iyong malakas na tibok ng puso ko na parang gusto ng kumawala sa dibdib ko. Isama mo pa ang panlalamig ng kamay ko dahil sa matinding kaba.
"Chill ka lang, Ayisha. Kayang kaya mo iyan." Pagpapakalma pa sa akin ni Bella. "Oh? Andyan na sila Vien oh, huwag ka ngang mataranta dyan." Dugtong pa niya, saka ako napalingon at nandoon na nga ang team ko.
"Tara na, malate pa tayo." Wika ni Charlene na parang hindi man lang kinakabahan. Mabuti pa siya.
Sabay sabay kaming naglakad at tumabi sa akin si Louie at saka ako hinawakan sa kamay. "Don't worry, okay?" Napa-hinga na lamang ako ng malalim at saka tumango.
Pagkadating namin doon, lalo akong kinabahan dahil sobrang daming charmers na nanunuod. Mukang nag-cut ng klase para lamang nakapanuod ng test namin. Noong makita nila kami biglang lumakas ang sigawan nila.
"Huwag mo silang pansinin." Narinig kong bulong pa ni Louie, kaya kahit gusto ko ng tumakbo palabas dito dahil sa pressure ay tumango na lamang ako. Mas matinding kaba ata ang nararamdaman ko ngayon, kaysa noong dati.
Maya-maya lumapit sa amin ni Khyra mula sa kabilang dako. Ngumisi siya sa akin. "Puwede ka pang umalis." Pang-aasar niya, ngunit napa-irap na lamang ako.
Mukang makikipag-away pa sana si Khyra pero biglang pumito iyong erudite namin, kaya't pumunta kami sa gitna ng court. Ang ibig sabihin kasi noon, magsisimula na iyong game.
"Wooo. Kaya ko ito." Pagsasabi ko sa sarili ko kahit nanginginig iyong boses ko.
Pumusisyon na kami, may nakita akong tatlong robot na chramers sa isang banda. Iyong tatlong parang robot ata iyong parang magiging taga-bantay sa game or test, may nakikita rin akong healing charmers sa gilid, mukhang pisikalan din pala ang test na ito. Isang oras lang daw ang test, at kung sino ang maka-puntos ng mas marami ay siyang tatanghalin na palano.
Napatingin ako sa paligid ko sobrang dami talagang nanunod, kanya kanyang cheer din sila, pero ang pinaka-nangingibabaw na cheer ay kay Louie at Kyle, samantalang iyong dalawa ay snob lang.
Napalingon naman ako sa isang dako at doon ko nakita si Bella na nag-chi-cheer. "Kaya n'yo iyan!" She acclaimed blithely. Kasama din ni Bella ang mga fairies.
Pumikit ako ng madiin. Matatapos din ang larong ito, at kami ang mananalo. Pagkamulat na pagkamulat ko, malakas na pito ulit ang narinig ko at isang malakas na announcement.
"The game starts now!"
Alam ko maliit ang tyansa na manalo kami, pero kakayanin ko, papatunayan ko sa gods at goddess na kaya ko, na hindi sila nagkamali ng pinili.
Nagsimula kaming maglaro, wala pang kapangyarihan ang ni-isa sa magkabilang grupo, nasa akin ang bola. Mabilis akong tumakbo dahil papunta sa ring dahi doon pero...
Nakuha nila ang bola sa akin dahil gumamit sila ng dahas, muntik na nga akong matumba sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak sa akin. Mabuti na lamang naalalayan agad ako ni Kyle.
Sinundan ko agad si Khyra dahil nasa kaniya iyong bola, hangga't maari hindi namin hahayaan maitira nila iyong bola. Alam kasi naming mahihirapan kami ng sobra kapag nakapuntos agad sila.
Mabilis kumilos si Khyra, parang iyong nakalaro ko kahapon, sinabayan ko iying kilos niya, binilisan ko rin pero bigla na lamang niya akong siniko kaya napa-upo agad ako sa semento.
Medyo napangiwi ako dahil masakit iyon. Naramdaman ko naman na may lumapit sa akon para tulugan akong makatayo. Si Louie, noong maitayo niya ako. "Kaya natin ito." He encourage me, saka siya ngumiti. Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng panibagong lakas dahil doon.
Agad kaming bumalik sa laro ni Louie matapos noon.
Nakakuha agad ako ng chance at nakuha ko ang bola kay Khyra, half court ang layo, at nakabantay si Khyra sa akin. Ngunit, hindi ko na pinansin iyon. Tumalon ako kaya't tumalon din si Khyra. Nauto ko siya dahil doon. Agad akong umiba ng direksyon at ipinasa kay Vien ang bola mabuti na lamang at nasalo niya iyon, dahil wala siyang bantay. Mabilis niyang naitira iyon at na-shoot niya ang bola, kaya't nag-apir apir kami.
"Nice one." Masayang sabi pa ni Charlene. Kaya't ngumiti kami sa isa't-isa.
Narinig ko naman na napamura sina Khyra. Subalit hindi ko iyon pinansin dahil nagsasaya pa kami. Hindi ko akalain na kami ang unang makakapuntos.
"Activate: Air charm." Nakangising banggit ko. Mas lalong lumakas ang loob ko. I hope. Sana talaga, maipanalo namin ito.
***
Napasigaw kami ng mga fairies ng ma-shoot ni Vien iyong bola, ang galing nila. Naka-activate na din ang power ni Vien, may advantage na sila. Sana magtuloy tuloy lamang ito.
Mukang inis iyong kabilang team dahil sa nangyari at ngayon. Pumito yung monitoring charmer at nagsimula ulit ang laro nasa kabilang grupo ang bola, mabibilis silang kumilos.
Binabantayan ni Ayisha si Khyra, si Kyle kay Monica, si Louie kay CJ, si Charlene kay Alyssa at si Vien kay Jeremei.
Naka'y Khyra ang bola pinasa nya ito kay CJ at dali daling kumilos si CJ para ishoot ang bola napigilan naman ito ng hangin ni Vien, buti na lang talaga. Ang higpit ng laban forty minutes na lang an natitira pero hindi pa nakakashoot sina Khyra, pero ganoon sina Ayisha, dahil pilit nilang binubuyo si Vien para hindi nito magamit ang kapangyarihan niya.
Naging mas pisikalan ang laro. Kitang kita ko kung gaano kadumi maglaro sina Khyra, kaya't nakaramdam ako ng inis doon. Gustong gusto ko na silang batuhin ng hawak kong soft-drink na nasa can.
Maya-maya lang, dahil sa ginagawa nina Khyra, naka-shoot sila ng bola. Dahil doon, napatayo ako at napa-mura. "Damn it. Napakadaya." Asar na banggit ko.
Malakas ang naging sigawan ng mga charmers dito dahil doon.
"Activate: Replica charm." Nakangising sabi ni Khyra na tila nang-aasar. Patay. Lalong mahihirapan sina Ayisha, dahil hindi na lamang lima ang babantayan nila kundi mas madami pa.
***
Advertisement
Game of Divine Thrones
In a survival game to select new Gods, mankind is summoned to another world filled with different races.An endless competition in order to fill the Divine Thrones, but despite 40 years having passed, the game still hasn’t ended.Humanity’s strongest, Overlord Chun Woohyuk, decides to start anew.With his return to the past, everything will change.
8 691Core Chronicles
Core Chronicles is a series of interrelated stories, including in-depth major story arcs and shorter side stories about Cores and those affected by them through direct and indirect means. The first arc is planned to be Dungeon Core with City Building elements in an Urban Fantasy setting. It will mainly follow one main character's point of view, but on occasion, the POV may shift to side characters to give more information about what is happening in the wider world. The stories will also examine how the world changes with the introduction of magic and its various purposes. The System will be between soft and crunchy, with discrete levels and stats for characteristics and skills. But, for example, the health statistic will be a less clear indicator rather than a distinct stat.
8 173Star Wars : Rise of the New Order
The Order has fallen and the Jedi are dead or scattered in the Universe, all hope is lost.But what if...But what if there was a young man who could stop all this before it happens? Someone who could guide Skywalker or warn the Order of the Evil in their middleOr... Someone who makes his own order?
8 131Not one of your Victim (Gojo Satoru x Reader)
An super serious y/n and an goofy Egoistic Gojou Satoru. Unlike the other people who gets easily smitten by his Handsomeness. Reader have bluntly said to his face that only his appearance is the best but not in the inside.Making Satoru laughed at how straightforward she is.Jujutsu Kaisen characters are not mine, even the use images and videos for this video, All credits to the rightful owner.Only the story belongs to me.
8 139Thieves Thrive From Failure
A naive thief who avenged her father from the Crimson Guards is now a fugitive in the city of Yeverii. Set in the time of noblemen to peasants, Griem's only goal is to see the city built on blood, crumble to pieces. Overtime she attracts the attention of the local Thieves Guild all while being held in the grasp of a more experience female thief, Aylie. Can Griem run from the clutches that start to close their distance to her neck? The story of two female thiefs, young versus experienced. [Updates every 2-3 days!]
8 77BRUINS
Welcome to the most dangerous trilogy of women's soccer. (1/3)
8 139