《My Enchanted Tale》Charm 23 ❀ Game Twist
Advertisement
Life's games are never worst but never better.
***
Napatulala ako habang nakatitig sa binabasa ko. Samantalang sina Louie ay biglang natahimik. Hinihintay nilang sabihin ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Pero hindi talaga ako makakilos.
Ano bang ginawa ko kay Khyra? Wala naman a, siya itong lagi na lamang akong pinag-didiskitahan. Alam kong galit siya sa akin. Subalit itong ginawa niya ngayon ay sobra na.
Agad hinablot sa akin ni Louie iyong papel at noong mabasa niya iyon. Narinig ko ang malutong ngunit mahinang mura niya. "That girl." Madiing bigkas pa nito.
Dahil sa naging reaksyon ni Louie, kinuha agad nina Bella iyong papel sa kamay niya. Natigilan at nainis din sila dahil sa nabasa.
"Sobra na talaga iyong babaeng iyon. Ang sarap sabunutan. Akala mo sinong sikat. Ilibing ko siya ng buhay, makita niya." Asar na asar na sabi ni Bella.
"Okay lang iyan, Ayisha. We will win this game." Pag-cocomfort sa akin ni Kyle. Kahit papaano pinilit kong pagaanin ang loob ko dahil sa sinabi niya.
"Tama si Kyle, huwag mo i-burden ang sarili mo." Vien added simply, kaya napangiti ako sa kanila.
"Ano bang meron sa papel na iyan? Effective ba talaga iyan? Pwede ba talagang maibigay ang kapangyarihan ko dahil dyan?" Sunod sunod na tanong ko. Medyo kinakabahan kasi ako. Ngayon na nga lang ako napabilang sa kanila, tapos biglang ganito pa ang nangyari. Dahil lamang sa inggit sa akin ni Khyra, nagkakanda gulo gulo na ang lahat.
"Unfortunately. Yes. In this state lalo na at umiilaw yung papel? Yes. Ang ibig sabihin kasi nung umiilaw na papel na tinanggap mo iyong hamon. At ang mechanics ng game is a dare, binigyan ka na nila ng dare. At kahit ano pa iyon, papayag ka, you'll sign that paper tapos, ikaw naman ang magbibigay ng dare sa kanila, and they'll also sign." Mahabang paliwanag ni Bella.
Bakit ang unfair naman? Hindi ako pumayag, iyong teacher na lang ang basta bastang nag-agree. Pagkatapos bakit may dare pa?
"Teka, ang unfair naman noon sa side ko. Hindi ako ang pumayag iyong erudite ang bigla na lamang nag-lista sa akin. Tapos bakit may dare?" Wika ko. Ang bigat bigat sa loob ng ganitong mga bagay.
"Kahit hindi ka pumayag, pero okay para sa erudite at tinggap niya iyon. Parang pumayag ka na din. Kaya ganun ang naging resulta. Ito namang dare, hindi naman talaga kasama iyan sa test, mukang ginamit lang talaga iyon na opportunity ni Khyra lalo na at alam niyang hindi kapapatol sa mga gusto niya, kaya ginamit niya iyong pag-sang-ayon ng erudite para wala kang kawala." Agad akong nanlumo dahil sa narinig ko kay Charlene. Wala pa talaga akong choice dito.
Advertisement
"Nakakainis sobrang unfair." I murmured.
"Imbis na mag-maktol ka dyan, gumawa ka kaya ng paraan para hindi ka matalo. Saka mag-bigay ka na din ng dare sa kanila." Vien suggested. Napabuntong hininga naman ako dahil doon.
"Ang ilagay mo doon sa dare mo, ganito: Dare- Khyra, pakamatay ka na. Oh, 'di ba? Mas bongga?" Medyo nagkatawanan kami dahil sa sinabi ni Charlene. Gayunpaman, sandali lang iyon dahil nagka-tensyon nanaman kami.
Hindi ko kasi maialis ang kaba sa nararamdaman ko at ang pag-o-over think ko sa pwedeng mangyari.
Maya-maya nag-labas ng papel si Charlene galing sa bag niya. Pagkatapos may ginawa si Bella para umilaw iyon.
"Dito mo isulat iyong dare mo." Nakangiting sabi ni Charlene. Kahit mabigat sa kalooban ko, kinuha ko iyong papel at saka nag-simulang mag-sulat.
Dare: Don't bother me again, after this.
Maikling sulat ko doon. Wala naman kasi akong ibang maisip na pwedeng ilagay. Ayoko naman na patulan pa ng mga kung ano ano iyong dare niya. Baka mas lalo pang gumulo. Ang gusto ko lang naman talaga. Tigilan na niya ako.
"Okay na." Plain na sabi ko sa kanila. Kinuha naman iyon ni Bell a sa akin at saka iyon lumipad ng kusa papunta sa isang direksyon, marahil ay papunta iyon kayna Khyra.
Ibinigay ulit sa akin ni Bella iyong papel nina Khyra. "Mag-sign ka dyan." Malumanay na bigkas nito.
"Paano? Simpleng pirma lang?" Tanong ko.
"No, use your blood. Patakan mo lang. Then, okay na iyon." Paliwanag naman ni Vien.
Naglabas si Kyle ng parang knife, kaya wala akong nagawa kundi kuhanin iyon. Natahimik na lang kaming lahat. Pagkatapos nagpaalam iyong mga fairy na aalis muna sila dahil sobrang tensyonado daw namin.
Si Louie naman tahimik lamang sa isang tabi, pero akala mo naman may pinapatay siya sa isip niya sa sobrang seryoso ng tingin sa amin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala na din akong nagawa at hiniwa ko iyong dulong parte sa may daliri ko saka ko pinatulo iyong dugo sa papel, matapos kong gawin iyon, parang kusang nagkaroon ng sulat at pirma ko, ang ganda na sana, kaso lang, bakit kapangyarihan ko ang kapalit?
Paano na ako kapag nawala ng charm ko? Hindi na ako kabilang dito? Babalik na ulit ako sa mortal world? Wala nanaman akong nagawa kundi ang mag-buntong hininga.
Pagkatapos naalala ko iyong mga gods at goddess na naka-usap ko noon. Agad tuloy akong nakaramdam ng determinasyon. Hindi ako dapat magpatalo. Para sa kanila dapat gawin ko ang best ko, dahil gusto ko patunayan sa kanila na nararapat ako sa charms na tinataglay ko.
Advertisement
Matapos ang mahabang katahimikan. Nagtanong ulit ako sa kanila. "Paano pala ang game mechanics?"
"The game mechanics are also unfair. Ewan ko nga ba kung bakit kahit test iyon, ang unfair pa din. Matagal ng walang nakakatalo kayna Khyra pagdating sa larong iyan." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Kyle. Na sinundan ng pagsang-ayon nina Charlene.
Pero, pinatatag ko ang loob ko. Hindi ko pwedeng biguin ang mga gods at goddess.
"Hindi ba, elemental charms ang meron kayo? Bakit hindi nyo sila natatalo?" Curious na tanong ko. As far as I know, halos kaming mga elemental charmers ang laging may matataas na level, kaya't nakapagtataka na halos walang makatalo sa kanila at kaunti pa ang chance.
"The game rule." Agad akong napalingon kay Louie, noong mag-salita na siya. Medyo kalmado na din ang muka niya. Marahil ay kaya hindi siya nagsasalita kanina ay dahil pinapakalma niya ang sarili niya.
"Game rule?" Mahinang tanong ko.
"Yes. Game rule is so unfair. Meron lang naman silang isang rule. Kahit anong gawin mong defense, attack or offense, basta mashoot mo lang iyong bola. At kapag naka-score o naka-shot ka na, pipili ka ng isa sa ka-teammate mo. Kapag napili mo siya, pwede na niyang magamit ang charm niya. Ganun lang lagi, one shot, one power will be activated." Bella stated simply. Agad naman akong napatango dahil doon.
Ganoon pala iyon, kailangan magaling ka mag-shoot para pagkatapos noon puwede kang mag-activate ng kapangyarihan ng kahit sino basta ka-team mo.
"Ah. Okay, medyo hindi naman tayo dehado, kasi marunong naman ako." Pagsasabi ko sa kanila, samantalang biglang napatingin sa akin si Louie. Marahil ay naalala niya iyong sa arcade noon.
Inirapan ko siya, hindi naman ako nagpapaturo noon. Siya na lang ang bigla biglang nagturo kahit marunong naman talaga ako.
"Hindi ganun ka dali Ayisha." Biglang sabi ni Charlene na pinagtaka ko.
"Eh?"
"Khyra is a duplicator, kaya niyang paramihin sarili niya. Mahihirapan tayo kapag nangyari iyon. Monica can be invisible, hindi natin siya makikita, at puwede niyang agawin ang bola, ano mang oras. Alyssa can control things, kayang kaya niyang kunin ang bola at ishoot ng walang kahirap hirap. Jeremei can fly, mas madali silang makakashoot dahil sa kaniya. Lastly, CJ is fast, kaya lalong mahirap dahil sa sobrang bilis niya. Hindi natin siya mahahabol at kayang kaya niya ring mashoshoot ang bola ng basta basta. At iyan ang pinakamahirap na part, kapag lahat ng powers nila, activated na. Subalit kahit walang powers na activated ang limang iyon. They are known to be great in basketball game." Mahaba at maayos na pagpapaliwanag ni Kyle.
Kinabahan ako sa dahil sa sinabi niya. So, sobrang liit pala talaga ng tyansa naming manalo? Paano na lang ako? Napatungo tuloy ako sa lamesa dahil sa naiisip ko. Kung kailan gustong gusto ko na namanatili dito, saka ganito ang nangyayari.
"Don't worry we'll help you." Narinig kong sabi ni Charlene. Saka niya hinawakan ang kamay ko, napaangat naman ako ng tingin doon at nakita ko siyang nakangiti. Para tuloy akong naging assured kahit papano dahil sa ngiting iyon.
"I'm in." Vien suddenly uttered while beaming. Kaya nadagdagan ang kaunting lakas ng loob ko.
"Siyempre, kasama ang gwapo." Napatawa naman kami ng marahan dahil sa sinabi ni Kyle, at least nawala ang tensyon na kanina ko pa nararamdaman. Kahit papaano.
"Count me in. We'll win, Ryleen." Seryoso at mahinang sabi pa ni Louie. Saka niya hinawakan ang kabilang kamay ko.
Dahil sa suporta nilang iyon, medyo naging okay ako. Napalingon pa ako sa kanila, naka ngiti silang lahat. Para sa kanila, para sa god at goddess at para sa sarili ko. Gagawin ko ang lahat para manalo.
"Thank you, guys." Nakangiti at sinserong banggit ko sa kanila. Sobrang swerte ko talaga sa kanila.
"So ang lalaban ay sina Vien, Charlene, Kyle, Louie and Ayisha. Goodluck guys, i-checheer ko kayo!" Masayang sabi ni Bella. Mukang hindi sasali si Bella dahil masosobrahan kami sa team members. Pero, sapat na iyong nandyan si Bella sa tabi ko.
Matapos noon, tumawa na lang kami at saka nag-simulang mag-impis dahil may kasunod pa kaming klase. Nakakatuwa at may mga kaibigan akong ganito.
Subalit, ano kayang mangyayari sa game?
***
Advertisement
- In Serial33 Chapters
13.AI
AI means Artificial Intelligence. But those words don't match Al, either of them. Neither Artificial, nor Intelligent. At least not at the beginning. No, an AI requires input, trial & error, and careful observation. But at that point, what makes it any different than human? How are binary choices any different than the choices in a human life. I wager that there is no difference. But what will he think?
8 102 - In Serial14 Chapters
The Adventures of a Dhampir
This story is undergoing a complete rewrite, all-new chapters will be eventually published on my webnovel account under the same name here: https://www.webnovel.com/book/the-adventures-of-a-dhampir_22103870805270105
8 72 - In Serial54 Chapters
Violet and the Cat
Violet is a lonely young girl living in a small village, surrounded by the uncertain darkness of an endless forest. All her life she has been taught that only evil things come from beyond her village, for the woods are filled with demons...and they are growing hungrier and more powerful all the time. Yet, when she encounters an only slightly devious talking cat, Violet must abandon all she thinks she knows about the world in order to set out on a grand, dangerous journey and try to save her village as best she possibly can.
8 151 - In Serial17 Chapters
Era Bounded: You Are Not the Chosen One!
[participant in the Royal Road Writathon challenge] A young man suddenly awakes from a cryo-sleep casket with no memory and nothing to his name. He wanders into an unfamiliar landscape and into a completely new world, full of early Neolithic tribes and extremely advanced technological societies. Will he manage to find his past, and explore the brand the new world ahead of him? This is a fantasy sci-fi progression novel. This is my first original work that I plan to continue, so please feel free to comment and give feedback. I will try to post 1 chapter every 2 - 3 days Each chapter is between 2000 - 3000 words long
8 173 - In Serial61 Chapters
My Best Friend
Copyright © 2015 by VICMAD -All rights reserved. This book or any portion thereofmay not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.Dr. Elizabeth (Lizzy) Johnson and Sean Gipson have been friends since birth. They were born the same day, were next door neighbors and even attended the same schools until Sean was drafted to the NFL and Lizzy went to medical school. They have been there for each other but now that they are older, Sean's feelings are no longer of a brother and sister love but more of a life partner.Unfortunately in walks Aries Wilson, Sean's arch nemesis. Aries plays for the team that beat Sean in the Super Bowl the previous year and now he is after Lizzy. Aries is pulling out all the stops to win Lizzy's heart that he eventually ask her to marry him.What is unknown to Lizzy, is that Aries has secrets that could not only destroy Lizzy and Sean's friendship but it could also determine the fate of their lives. How far does friendship last and can Sean and Lizzy save each other before it's too late?This is a mature story so there will be adult themes. Each chapter has a song that inspired me to write it. Hope you enjoy. ❤️**disclaimer- please read my profile page if you issues with the mature situations*****Currently Editing***
8 115 - In Serial21 Chapters
Paper Airplanes||Xu Minghao
Paper Airplanes with written feelings.(Book 1)© 2016All rights reserved
8 224

