《My Enchanted Tale》Charm 22 ❀ Khyra's Dare

Advertisement

Sweet and caring on the inside.

***

"Ayisha!" Napalingon ako noong tawagin ako ni Bella. Nandito na kami sa school, at maraming linggo na din ang lumipas simula noong pumunta kaming mortal world. Mag-sisimula na nga ang mga test ngayon, dahil ang tagal ko na ding nag-aaral dito. Halos ilang buwan na din ako dito, mga apat siguro.

Close na kami ni Charlene at Kyle. Si Vien medyo ilang pa din kami sa isa't-isa pero nag-uusap kami, parang casual friends lang. Pagkatapos si Louie, araw araw magaspang pa din ang ugali, minsan nga gusto ko ng ilibing ng buhay sa sama ng ugali.

Minsan kasi nakikita ko na lang may pinagtritripan na estudyante gamit ang charm niya. Pagkatapos inaasar pa din niya ako, pero naasar ko na din siya dahil medyo nasasanay na ako sa company nila. Pero, minsan talaga snob lang si Louie, iyong tipong walang paki-alam sa mundo. Minsan nga sa akin lang nakikipag-usap. No wonder, bipolar ang tingin ko sa kaniya.

"Papasok ka na sa klase mo?" Natauhan ako noong biglang umimik si Bella.

"Ah? Oo." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Magkaiba kasi kami ng subject ngayon, sa kasunod na subject pa kami magkakasama.

Gym, iyong subject kung saan kami magkakasama, pati na din sina Kyle, Vien, Charlene at Louie. Mataas na din kasi ang level ko dahil nga sa nangyaring pagpapakita ko ng charm noon sa arena, pero kahit ganoon apoy pa din ang pinaka-kontrolado ko, dahil iyong iba mga basics pa lang ang inaaral ko. Hindi ko pa sila super kontrolado.

Maya maya lang nakarating din ako sa unang subject ko. May mga ilan pa ding natingin sa akin, pero karamihan ay wala ng paki-alam dahil ang tagal ko na dito, hindi na sila para mag-react pa ng kung ano ano.

Maliban na lang kay Khyra at sa mga alipores niyang laging mainit nag dugo sa akin. Kaklase ko pa naman sila sa karamihan ng subjects ko kabilang na iyong ngayon at iyong mamaya sa gym.

"Oh? Andito ka na pala." Asar na banggit niya sa akin na para bang sinira ko ang umaga niya.

Nag-roll eyes na lang ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi makakatulong sa akin kung papansinin ko siya, kaya bahala siya dyan.

"Hindi pa din talaga ako makapaniwala na Elemental Guardian ka, masyado kang mahina para taglayin ang charm na iyan." Iiling iling na sabi niya.

Lagi na lamang niya sinasabi iyan. Kasalanan ko bang taglay ko ang limang elemento? Kung papipiliin nga ako, okay na sa akin ang apoy lamang dahil medyo burden sa akin ang lima dahil hindi naman ako kalakasan na charmer.

"Okay, class good morning!" Masayang bati noong erudite namin. Iyon kasi ang karaniwang tawag sa teacher dito.

Save by the teacher. Mabuti na lamang at dumating na siya kaya hindi na nakapagsalita pa si Khyra at lumayo na sa akin. Wala naman kasi akong balak makipag-usap o makipag-talo sa kaniya. Paniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan. Basta ako, nandito sa school para mag-aral at para mas matutunan kong kontrolin ang mga charms ko.

Advertisement

Nagturo lamang ng ng turo iyong erudite, masaya din akong nakikinig dahil history ng charm world ang pinag-aaralan namin. Mga tungkol sa kung saan saan.

Nakakatuwa kasi makinig sa kaniya, dahil ginagamit niya ang kapangyarihan niya. May nalabas an hologram sa palad niya kapag may gusto siyang ipakita.

Subalit bago siya umalis ng room ay nagbigay siya ng announcement. "Our exam for History of Charm World will be next week so be ready." Matapos niyang sabihin iyon may mga nainis at naasar pero mayroon din namang na-excite. Samantalang ako ay nasa gitna lang noon, dahil aaminin ko hindi naman ako katalinuhan para ma-excite mas gugustuhin ko pa ngang huwag na lang mag-exam. Pero, wala naman akong magagawa. Kailangan kasi iyon.

Noong maka-alis iyong erudite, agad kong inimpis iyong mga gamit ko saka ako tumayo, pero hinarangan nanaman ako ni Khyra.

"Mag-tutuos tayo, at sisiguraduhin kong magiging akin ang charm mo." Mapanganib na bigkas niya sabay talikod.

Napa-iling na lamang ako dahil doon. Pakiramdam ko talaga inggit lamang iyang si Khyra sa akin kaya lagi akong pinagtutuunan ng pansin. Siguro kung hindi ako ang elemental guardian hindi ako pakikialamanan ng babaeng iyon.

Hindi ko na lang ganung pinansin ang sinabi niya at naglakad ako papunta sa gym na subject namin, kung saan makakasama ko ang barkada. Habang naglalakad papunta doon.

"Ayisha!" Agad akong napalingon sa tumawag sa akin, kinawayan ko din siya biglang ganti sa pag-bati. Mabilis din niya akong naabutan kaya nag-sabay na kami.

"Kamusta? Magkakaroon na ng mga exams ah." Natatawang sabi pa ni Kyle, sa akin.

"Kaya nga e, hindi pa naman ako matalino. Bahala na si batman kung papasa ako." I retorted. Ginulo naman ni Kyle ang buhok ko kaya napa-pout ako. Sanay na ako doon, lagi naman kasi niyang ginagawa iyon sa akin.

"Ikaw pa ba? Kaya mo 'yan." Pag-eencourage niya sa akin, kaya ngumiti na lang ako.

Maya-maya lang nakarating din kami ni Kyle sa gym, sa isang dako, kumaway sa amin si Charlene, nandoon na sila nina Vien at Bella, pero wala pa si Louie. Dumiretso na lamang kami ni Kyle doon.

"May exam na tayo, dito sa gym sa susunod na araw, sigurado 'yan." Biglang sabi ni Charlene. Napataas naman ang kaliwang kilay ko doon. Dalat next week pa ah, bakit sa susunod na araw agad?

"Agad agad?" Tanong ko. Kawawa pa naman ako sa gym, hindi naman kasi ako mahilig sa physical games, medyo lang.

"Oo, karaniwan kasi ng exam sa gym, laging nauuna. Saka basketball game ang laging exam dito." Sabi ni Charlene. Oh, basketball. Okay lang iyon, marunong naman ako. Kaso matagal na akong walang practice noon.

"Pero, mahirap ang game na iyon dito." Iiling iling pa na sabi nina Charlene. Siguro nga, exam kasi iyon. Talagang mahirap.

Ilang sandali lang dumating na iyong erudite, pero si Louie wala pa. Hindi na ako magtataka kung wala nanaman siya. Napaka hilig kasing mag ditch ng class ng lokong iyon.

Advertisement

Nag-discuss ng kaunti iyong erudite, kagaya kanina nakikinig lang ako. Samantalang ang ibang estudyante ay halatang bored na bored na. May ilan pa ngang nahikab o di kaya'y patulog na. Mga tamad talaga kahit kailan.

"We'll be having a test the next day." Biglang pagsasabi noong erudite, kaya't biglang nagising ang lahat at nakinig. Para kasing ang terror nung announcement para sa kanila.

"The test will be the basketball game." Matapos sabihin iyon ng erudite, kaniya kaniyang bulungan ang narinig ko. Mayroong sana hindi na lang daw sila ang mapili na makalaban nina Khyra at madami pang iba pero all in all, puro may kinalaman kayna Khyra ang naririnig ko.

"Sinong gusto mag-volunteer for the first game?" Agad nagtaas ng kamay si Khyra, kaya medyo parang natakot iyong mga estudyante dito. Bakit? Ano bang meron sa basketball game at parang ayaw nilang makalaban si Khyra?

"Okay. Sino sino ang isasama mo sa team mo Miss Victrym?" Tanong ng erudite. Agad namang sumagot si Khyra. "My usual teammates sir. Jeremei, Alyssa, CJ and Monica." Nakangiting sagot pa niya na tila ba excited.

"Furthermore sir, I challenge our Elemental Guardian." Noong banggitin niya ang elemental guardian ay agad akong kinabahan at nainis. Ako nanaman. Kailan ba ako titigilan ng Khyra na iyan.

"So, it's settled then. Our first game will be between Miss Victrym and Miss Heartlock." Nanlaki naman ako noong sabihin iyon nung teacher. Hala? Hindi ba ako pwedeng kumontra?

"But sir---" Kokontra sana ako pero wala akong nagawa.

"No buts, Miss Heartlock. It's a test. Now, tell me who will be your teammates?" Tanong pa ni sir. Napatingin ako kayna Bella dahil doon, pero parang pinag-bagsakan din sila ng langit at lupa.

"Sir, pwede po bang bukas ko ng sabihin kung sino?" Tanong ko, dahil baka ayaw naman nina Bella. Mabuti ng kausapin ko muna sila pagkatapos ng klase, ayoko naman na napipilitan sila dahil sa akin.

"Alright." Plain na sabi nito. Saka nag-simulang mag-impis ng gamit. Ganoon talaga ang mga erudite dito kapag nakapag-disisyon wala ng atrasan pa. Aish. Napatingin tuloy ako ng masama kay Khyra pero isang maoang-asar na ngisi lamang ang ibinigay niya.

"Class dismissed." Pinal na sabi nito, at saka nag-eing ang bell. Matapos noon. Nag-simula na kaming mag-ayos ng gamit.

"Bella, Cha, Kyle. Ano ba kasing meron sa basketball test na iyan? Bakit parang ayaw nila makalaban sina Khyra?" Tanong ko.

"Halika muna sa cafeteria, Ayisha. Gutom na kami." Natatawang sabi ni Charlene, para mawala iyong awkward atmospehere namin. Kaya naman nagsimula kaming tumungo papunta doon.

"Huwag ka ngang malungkot dyan, Ayisha." Biglang sabi ni Kyle, noong mapansin niya akong nakasimangot.

"Oo nga, Ayisha. Huwag kang mag-alala tutulungan ka namin." Nakangiting sabi pa nina Bella at Charlene. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

Maya-maya lang nakarating na kami sa cafeteria. Umupo kami sa usual spot anmin at nandun ang mga fairies, nag-kukulitan. May kaniya kaniyang mundo kami ngayon.

"Here's the food." Nakangiting sabi ni Kyle noong ilapag niya iyong mga pagkain namin. Umupo na siya matapos noon, saka kami kumuha ng pagkain na pinabili namin.

"Ganito iyon Ayisha." Biglang pag-sisimula ni Charlene. Si Vien naman tahimik lamang sa tabi niya.

"Mahirap kasi kalabanin sina Khyra sa game na iyon." Dagdag pa ni Bella. "Kahit nga kami hirap manalo kaoag nakakalaban namin sila, minsan nga talo pa." Biglang sabi ni Kyle.

Nanlumo agad ako sa narinig ko. So ganun pala talaga kahirap iyong test?

"Ano bang mayroon bakit mahihirapan tayo sa test na iyon?" Tanong ko.

"Kasi---" Naputol ang sinasabi ni Bella noong biglang may dumating. Nandito na si Louie at naka-poker face nanaman na umupo sa tabi ko. As usual.

"What's the matter?" Tanong nito sa akin, noong makita nita ang muka ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Iyon kasing si Khyra dumali nanaman." Biglang pagsasalita ni Vien.

Nakaramdaman naman agad ako ng pag-init ng ulo ni Louie, kahit hindi agad ito nag-salita. Kitang kita mo sa ekspresyon ng muka niya ang pagka-inis.

"Anong ginawa sa'yo ni Khyra?" Tanong niya sa akin. Napalunok naman ako doon bago sumagot. Nakayukom kasi iyong kamao niya.

"May test kasi kami-este tayo pala, sa gym. Tapos nag-volunteer siya na maglalaro sa first game tapos bigla niya akong hinamon. Iyong erudite naman pumayag na lang basta basta na wala iyong consent ko. Kaya ayun, si Khyra makakalaban ko. Tapos wala pa akong teammates." Nanlulumong paliwanag ko.

Nakarinig naman ako ng pag-'tss' ni Louie at saka siya nag-simulang kumain. "List us, we'll be your teammates. Kasama naman kami sa klase na iyon." Natigilan agad ako noong sabihin iyon ni Louie.

"Te-teka, baka ayaw nyo naman nina Vien." Nahihiyang wika ko.

Agad naman akong nakaramdam ng pagpitik niya sa noo ko. "Babo. Baka. Idiot. Sa ayaw at sa gusto nila isama mo sila. Ako ang nasusunod dito." Agad akong napalingon kayna Charlene noong sabihin iyon ni Louie.

Akala ko pag-simangot ang makikita ko sa kanila, pero nakangiti sila sa aking lahat. "Louie ha. Ang sweet, kahit ang yabang noong pagkakasabi. Gusto rin namang tulungan si Ayisha." Biglang pang-aasar ni Charlene, kaya't sunod sunod na nagkantyawan ang barkada pati na din ang mga fairies, pero si Kyle natahimik na lang.

"Shut up." Maikling sabi ni Louie, kaya mas lalo silang natawa. Natawa na din ako dahil doon.

Maya maya nag-kwentuhan na lang kami noong bigla lang may parang papel na lumipad sa harap ko. Umiilaw pa ito.

"Ano ito?" Takhang tanong ko, saka ko ito kinuha at binuksan. Noong makita ko ang nakasulat doon at literal akong natigilan.

Dare: Give up your charms to Khyra.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click