《My Enchanted Tale》Charm 20 ❀ Idiot

Advertisement

When we first met...

***

"Matagal mo ng alam na ako iyong nakilala mong bata noon?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya, kaya natahimik na lamang ako.

Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor, nakain ng ice cream. Medyo na-naiinis din ako ngayon, dahil nga naalala ko na, na nagkakilala na pala kami dati pa. May atraso pa itong mokong na ito. Siya pala iyong batang nang-iwan sa akin basta basta.

"Paano mo ako nakilala?" Tanong ko pa ulit, kasi kung nakilala niya na ako dati pa, bakit hindi siya nagpakilala sa akin? Hindi agad sumagot si Louie sa tanong ko dahil kumain muna siya ng ice cream.

"Tanda mo? Noong napagtripan ka noong first day mo dito? Noong ilaglag ka basta basta sa stage at nasambot kita? Doon kita nakilala, kasi ganun na ganun din iyong nangyari dati. Nasambot din kita noon bago ka malaglag." Agad akong napatango-tango dahil sa sinabi niya.

"Kaya pala alam mo full name ko noon." Pagsasalita ko. Nagtataka kasi ako dati noon kung paano niya alam ang full name ko gayong, Ayisha lang naman ang sinabi noong mind reader, akala ko naman may kung anong telepathy power ito, iyon pala kasi nakilala niya ako.

"Hindi ka pa din nagbabago, ang daldal mo pa din at duwag ka pa din." Agad akong napa-roll eyes dahil sa sinabi niya, saka ko siya binatukan.

"Para saan iyon?" Tanong niya dahil sa ginawa ko.

"Una, para sa pagsasabi mo na duwag ako, samantalang kanina sabi mo ang tapang tapang ko. Sa totoo lang? Pabago bago ng statement? Pangalawa, oo alam kong madaldal ako, pero nabawasan na kaya. Shy type ito 'no." Pagmamayabang ko pa sa kaniya. Feeling ko mas naging komportable ako sa kaniya, ganito ko din naman siya kausapin dati.

Dahil sa sinabi ko, ako naman ang nabatukan niya. Hindi iyon masakit o kaya'y malakas, kaya sinamaan ko lamang siya ng tingin, pero natawa lamang siya ng marahan. "Shy type? Huh. Nakikipaglokohan ka na." Napaka talaga nito, hindi na lang maki-sakay sa trip ko e. Joke lang naman iyon.

"Ay teka may sasabihin pa pala ako, at siyempre kung may una, pangalawa, may pangatlo. Ang pangatlong rason ay dahil iniwan mo ako na lang ako basta basta noon." Sabi ko sa kaniya then I snorted.

"Pft. Kung alam mo lang, hindi talaga kita iniwan noon." He countered. Napataas naman ako ng kilay doon. Hindi ako iniwan? Sus, iniwan niya kaya ako noon. Takot na takot pa naman ako nung gabing iyon. Loko-lokong bata kasi.

"Mga iniisip mo Ryleen. Hindi ako loko-loko. Lagi kaya kitang pinagmamasdan noon, ang ingay mo pa nga lagi." Natatawang sabi pa niya.

"Anong pinagsasabi mo dyan? Crystal clear kaya sa ala ala ko ngayon na iniwan mo na lang ako. Akala ko pa naman may pag-asang maging friends tayo. Tapos sabi mo hindi ka nakikipagkaibigan sa mga taong bobo." Asar na banggit ko pa sa kaniya.

"Bakit? Totoo naman ah. You are still an idiot after a long time." Pakiramdam ko uminit ang tenga ko sa inis dahil sa sinabi niya. Ang sama talaga ng ugali, ang lakas manlait.

Ang totoo nyan, nagalit talaga ako kay Louie noong bata pa kami, kasi nga nakikipagkaibigan ako sa kaniya noon tapos tinanggihan niya ako dahil ang 'idiot' ko daw, tapos bigla na lang akong iniwan basta basta.

Pero ngayon, ewan ko ba, wala naman akong nararamdaman na galit sa ginawa niya, parang simpleng inis lang at wala ng hihigit pa doon. Saka past is past, uso naman siguro mag-move on sa simpleng bagay na iyon at ang mahalaga ngayon, hindi man niya aminin na kaibigan niya ako, nararamdaman ko naman iyon ng sobra sobra, kahit pa talaga ang hangin at ang sama sama niya minsan.

Advertisement

"Teka, ikaw ha. Tanda mo pa ba kung paano tayo nagkakilala noon?" Tanong ko sa kaniya, mamaya ako lang ang nakakatanda tas pangalan at muka lang ang tanda niya sa akin.

"Oo naman, akala ko talaga unggoy ka noon. Kababaeng tao, umaakyat sa puno. Psh." Natawa ako ng kauntian dahil sa sinabi niya. Tama nga, alam na alam pa niya.

Papunta ako ngayon sa place kung saan sinabi ni papa na gagawan niya ako ng tree house. Malamig na ngayon dahil gabi na. Madilim din ang kalangitan ngunit makikita mo ang liwanag ng bituin at ng buwan kaya't hindi ako natatakot.

Halos dalawang taon na din ang lumipas simula ng mamatay sina mama at papa, kaya't solo na lamang ako sa pinamana nilang bahay, dahil wala namang may balak kupkupin ako. Mabuti na lamang at pinupuntahan pa din ako nina Auntie tuwing weekends pero para lamang icheck kung maayos pa ang tinitirahan ko at hindi mismong ako.

Dahil din boring sa bahay at walang magawa, naglalakad lakad na lang ako at patungo ako sa isang lugar na espesyal sa amin nina mama.

Sa lugar na iyon lagi kaming nag-pi-picnic, saka ang sabi sa akin ni papa noon gagawan niya ako ng tree house doon, kaso hindi naman niya nagawa, dahil wala na siya at malaki na ako.

Noong makarating ako sa medyo may kalakihang punong iyon, pinagmasdan ko ang itaas noon. May isang sangga doon kung saan ako pwedeng umupo, nag-ready naman ako at nag-simulang mag-balak na akyatin iyon.

Unang try ko medyo nalalaglag pa ako, dahil hindi maganda ang pagkakakapit ko sa puno. Aish. Ano ba iyan.

Hindi ko alam kung ilang beses ako nag-try pero paulit ulit lamang iyong nangyari lagi akong hanggang kalahati lang.

Lumalim na ang gabi kaya't napagpasyahan kong umuwi na lamang. Mabilis lang iyon dahil malapit lamang ang bahay ko. Noong makarating ako doon, sinarado ko na agad iyong pinto at natulog na ng mahimbing.

"Ryleen." Natauhan ako sa pag-babalik tanaw noong tawagin ako ni Louie. Napa-tingin ako sa kaniya ng nagtataka.

"Twelve ka pa lang nung una tayong nagkita hindi ba?" Agad akong napatango sa sinabi niya. Oo, twelve lamang ako noon. And it's been seven years.

"Ikaw? Charmer ka pala noon, paano ka pala nakapunta sa mortal world?" Mahinang tanong ko kasi mahirap na baka marinig kami ng ibang nandito.

"Tumatakas." Maikling sagot niya, kaya napatango na lamang ako. "Alam mo, noon." Naging interesado agad ako noong para bang magkwekwento siya.

"Napansin na agad kita. Ikaw iyong batang laging bumabalik tuwing gabi doon sa isang lugar na may isang malaking puno at lagi kang nag-tr-try na umakyat doon. May lahing unggoy ka nga talaga." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Paano kasi natatawa din ako kapag naalala ko iyon, gabi gabi kasi akong nag-tr-try na akyatin talaga iyong punong iyon.

"Ay teka, as in nung unang beses akong pumunta doon?" Tanong ko.

"Oo, naging tambayan ko iyon dati kapag tumatakas ako, tapos makikita na lamang kita na nandoon nag-aala unggoy, kaya nagtatago na lamang ako sa isang tabi.

Loko loko pala talaga ito, ibig sabihin pala lagi niya akong nakikita noon, kahit hindi ko alam ang existence niya.

"Pagkatapos ng mga ilang linggo na lagi mong pagbalik doon, sa wakas naka-akyat ka na din hindi ba? Kaso lang, hindi ko ba alam kung tanga ka lang talaga o tanga, dahil muntik ka ng malaglag at lumanding sa lupa ng diretso." Pag-kwekwento pa niya.

"Muntik lang naman." Sabi ko sabay belat sa kaniya. "Hindi naman ganung natuloy dahil dumating ka noon, para saluhin ako." Dugtong ko pa. Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.

Advertisement

Ganoon pala ang nangyari noon. Mas nauna niya akong nakilala dahil sa pagpupumilit kong pag-akyat sa puno, at noong talagang naka-akyat na ako muntik naman akong maglaglag at saka siya lumabas sa akto.

Ilang linggo na akong pabalik balik sa lugar namin nina mama, dahil gusto ko talagang umakyat ng puno. Habang naglalakad excited pa ako noon dahil sa bawat araw na sinusubukan ko, nagaling na ako, may improvement na.

Hindi din nagtagal nasa harapan na ako ng puno na iyon. Nag-try ulit akong umakyat dahandahan. Ang tindi pa ng kapit ko noon, at talagang tinutukan ko ang bawat galaw ko. Hanggang sa...

Tuluyan na akong naka-akyat at nakatung-tong na ako ngayon sa isang malaking sanga. Maingat at marahan kong tinuntong ang dalawang paa ko sa isa pang malaking sanga kung saan ko gusto tumuntong at saka humawak sa isa pang sangay para hindi ako malaglag.

"Yehey! Naakyat ko na." Masayang wika ko pa, saka ko dinama ang ihip ng malamig at preskong hangin. Pinagmasdan ko din ang mga bituin na tila kumikinang sa madalim na kalagitan.

"Mama, papa. Huwag na po kayo mag-aalala sa akin ha? Kahit mahirap mag-solo, kahit ang lungkot na nung buhay ko ngayon at lagi na lamang akong inaapi, hindi po ako magpapatalo. Pangako po iyan. Tulad nga po ng itinuro ninyo sa akin." Huminga muna ako ng malalim at saka ko binaggit ang palaging sanasabi nina mama kapag gusto ko ng sumuko at parang ayaw ko na sa takbo ng buhay at ng tadhana ko.

"When fate started to play, be sure to beat the game. When life soaked you in the rain be sure to dance and don't complain." Malakas na pahayag ko at saka ko itinaas ang dalawang kamay ko. Huli ko na na-realize na naka-bitaw na pala ako sa hinahawakan kong sanga.

Nakaramdaman na lang ako ng pagka-out balance at pagkalaglag mula sa puno, akala ko ang ending ko ay sa masakit na lupa, ngunit nagulat ako noong parang may mga braso na sumalo sa akin.

Agad din akong napa-mulat noong matauhan ako na may talagang sumambot sa akin. Nagulat na lang din ako bigla noong mapahiga din siya sa lupa, dahil siguro mabigat ako, kaya naman natumba din kaming parehas.

Akala ko pa naman hindi ako eending sa lupa, iyon pala doon din.

Kahit medyo masakit iyong landing, tumayo agad ako at nilapitan iyong bigla na lamang sumulpot. Batang lalaki siya. "Oy, bata ayos ka lang?" Mahinang tanong ko sa kaniya habang kinukuhit sa braso.

Nanlaki naman ang mga mata ko noong humarap ito sa akin. "Sa tingin mo, ayos lang ako? Ang bigat mo." Asar na wika pa niya, kaya napa-cross arms ako. Nako, bahala ka dyang bata ka na nakahiga sa lupa. Tss. Pero joke lang, ang sungit kasi nung bata.

Maya-maya tumindig siya at nag-pagpag ng damit. Doon ko nakita iyong muka niya ng tuluyan. Ang angas at ang gwapo ng dating. Black na black iyong mga mata, tapos ang tangos ng ilong at mayroong pinkish lips, saka iyong pagkakatayo niya ang lakas ng dating.

"Ahm. Bakit ka andito? Saka pano mo ako nasambot? Saan ka galing? Okay ka lang ba? Sorry, mabigat ata ako, hindi ko naman alam na may sasambot pala sa akin." Dire-diretsong sabi ko sa kaniya.

"You should have been more careful, idiot." Walang ganang wika niya. Sabay dugtong ng 'tss' isnabero ng konti ang batang ito.

Hinayaan ko na lamang siya at umupo sa lilom nitong puno. Napayakap na lang ako sa binti ko. Napatingin din ako doon sa lalaking bata, mukang ka-edadan ko lang naman siya.

Akala ko kung anong gagawin niya pero bigla siyang umupo sa may tabi ko. Tahimik lamang kaming dalawa doon. Dahil medyo naiilang ako sa awkward atmosphere na bumabalot sa amin. Subalit kahit ganoon, nag-simula akong magsalita.

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala kang paki-alam." Wika niya. Napa-simangot naman ako doon. Mukang ayaw niya sabihin kung sino siya. Ang sungit talaga.

"Ah, so ang pangalan mo ay wala kang paki-alam?" Pang-aasar ko sa kaniya, bigla na lamang siyang tumingin sa direksyon ko at sinamaan ako ng tingin, kaya't napa-iwas agad ako ng tingin. Ang sama naman ng ugali nito, masamang mamilosopo?

"Idiot." Mahinang wika niya pero nakarating naman sa pandinig ko.

"Ang sama naman ng ugali mo. Idiot ka dyan? Hindi ako bobo ano." Pag-dedepensa ko sa sarili ko, pero hindi niya ako pinansin at tumingin lamang siya sa langit.

"Ang ganda ng buwan ano?" Pag-gagawa ko ulit ng usapan. Gusto ko kasing makipagkaibigan sa kaniya, kahit parang ayaw niya, baka puwede naman siyang mapilit. Siyempre joke lang. Baka kasi naiilang pa siya kaya ganoon. Pero hindi mo talaga maitatanggi na medyo magaspang ang ugali nito.

"Bakit ka nandito sa labas? Gabi na ah." Pahayag ko pa.

"Tss." Tanging bigkas niya, saka ulit tumingin sa kawalan. Ano ba iyan. Ano bang pwedeng masabi para kausapin niya ako?

Daldal ako ng daldal sa kaniya pero hindi niya ako pinapansin, pagkatapos laging 'tss' o kaya 'wala kang paki-alam' ang natatanggap kong sagot sa kaniya.

Maya maya pa bigla na lamang siyang tumindig at saka nagsalita. "Malalim na ang gabi, umuwi ka na, idiot ka pa naman." With that word, nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Kaya katulad ng sinabi niya umuwi na din ako.

***

Tuwing gabi excited ako laging pumupunta sa puno na iyon. Umaakyat din ako sa sanga at saka doon umuupo, maayos ko ng nagagawa iyon. Pagkatapos ko ding maka-upo sa sanga bigla na lamang susulpot iyong batang lalaki. Ganun gabi gabi ang nangyayari, lagi ko siyang kinukulit at kahit papaano nagkakaroon ng improvement dahil minsan nakikipagkwentuhan na din siya sa akin.

Halos pang-apat na gabi ko ng nakakasama iyong bata. Sabi niya umuwi na daw ulit ako dahil baka gabihin nanaman ng sobra, kaya ayun nagsimula na ulit akong umalis, kaso may naisip ako.

"Oy, bata ano pa kasing pangalan mo?" Malakas na sigaw ko sa kaniya noon, gusto ko na talaga malaman ang pangalan niya.

"Louie!" Malakas na sigaw niya sa kabilang dako.

"Ano? Chu-wee?" Tanong ko. Bigla naman siyang natigil sa paglalakad dahil sa sinigaw ko. Sa hindi ko ganoong maintindihan ang sinasabi niya dahil malayo layo na din kami sa isa't-isa.

"Idiot! Louie Blake is my name!" He yelled.

"Ha? Woo wee?" Tanong ko ulit, pero bigla na lamang niya akong tinalikudan ulit at nagsimulang maglakad ng kanya.

"Bahala ka sa buhay mo. Idiot!" Agad akong napasimangot dahil noong isigaw niya ito, rinig na rinig ko na. Napaka.

"Ewan ko sa'yo! Basta ikaw na si Woo Wee! Nga pala, Ayisha Ryleen Heartlock naman ang pangalan ko!" I screamed happily, at saka ako tuluyan nagtatakbo paalis.

***

Kinagabihan, mga alasais ng gabi, nagsimula na ulit akong maglakad papunta doon sa may puno. Ganung oras ako lagi pumupunta doon. Madilim na agad dahil malapit ng magpasko.

Noong makarating doon, agad akong umakyat ng puno. Madali ko ng nagagawa iyon dahil nakasanayan ko na. Ilang sandali lang nakarating na din si Woo Wee.

"Oy Woo Wee!" Tawag ko pa sa kaniya.

"Idiot." Walang kagatol gatol na banggit niya. Natawa naman ako doon, lagi na lamang akong tinatawag na idiot niya. Sapukin ko siya ng makita niya.

"Umakyat ka muna dito." Sabi ko sa kaniya. Napa-tss muna siya pero umakyat din naman, noong naka-akyat siya umupo siya sa isang sanga pa, medyo mas mataas iyon kaysa sa inuupuan ko, pero kita ko pa din siya.

"Saan ka nakatira?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala kang paki-alam." Napa-simangot nanaman ako dahil sa sinabi niya. Imbis na malungkot gumawa na lang ako ng bagong topic.

"Mag-kwento ka na lang ng kahit ano." Masayang wika ko. Imbis na makatanggap ng sagot, tanging katahimikan ang biglang namayani. Mawawalan na sana ako ng pag-asa, pero bigla siyang nagsalita.

"I met a girl, and this girl is really an idiot." Pagsisimula niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya, pero natawa na lamang siya ng marahan sa inasta ko.

"She always talk, and I hate her voice. She kept insisting something, and many more, for short she kept bugging me." Patuloy pa niya sa pang-aasar.

"Hoy lalaking masama ang ugali, para namang hindi mo ako ginugulo ah." Banggit ko sa kaniya.

"Hindi nga. Bakit ginugulo ba kita? Ikaw ang laging nanggugulo dyan." Plain na sagot niya. Kaya napa buga na lang ako ng hangin sa ilong ko. Ang lakas mang-alaska ng batang ito.

"Ilan taon ka na ba?" Tanong ko na lamang.

"Twelve going thirteen. Why?" Simpleng sagot niya.

"Parehas tayo!" Masayang sabi ko. Saka ko siya binigyan ng sobrang laking ngiti. Natawa na lamang siya ng mahina doon.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa, este ako pala iyong kwento ng kwento, pero nasagot o di kaya'y nasabat na din siya kapag nagsasalita ako. Ngunit, hindi nagtagal umuwi na din kami sa kanya kanyang bahay namin.

***

Bumalik ulit ako doon, kinagabihan. Tulad ng palaging nangyayari dumadating si Woo Wee at nag-uusap kami, naiinis pa nga siya dahil 'Woo Wee' ang tinatawag ko sa kaniya kahit alam kong Louie naman iyon, ang saya kasi niya asarin.

"Oy, magkaibigan na tayo ha?" Sabi ko sa kaniya noong medyo gabi na at kailangan na ulit naming umuwi.

"Hindi." Tipid na sagot niya. Nalungkot naman ako dahil doon.

"Bakit?" Asar na tanong ko.

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga idiot na kagaya mo." Napa-cross arms naman ako dahil sa sinabi niya. Ang dami talagang alam ng Woo Wee na ito. Binelatan ko na lamang siya at saka tumakbo papaalis.

Matapos ang huling pag-uusap na iyon, hindi na ulit bumalik si Louie sa punong iyon. Noong una akala ko dahil baka hindi siya pinayagan ng parents niya, pero sa bawat paglipas ng araw, wala na talaga. Hindi na siya bumalik pa. Iniwan na lang niya ako ng basta basta.

Sobrang lungkot ko noon, kasi akala ko sa wakas may kaibigan na ako iyon pala wala nanaman. Naisip ko nga noon, kaya ba niya ako iniwan basta basta ay dahil ayaw niya talaga ako maging kaibigan?

Hindi din nagtagal, unti unti naalis siya sa ala-ala ko. Dahil ang bata ko pa naman noon, pero mukang napaglaruan kami ng tadhana kaya ngayon, nagkita na ulit kami.

"Louie, bakit ka nga pala umalis noon ng walang pasabi? Bakit ka na lang hindi pumunta doon? Pero ang sabi mo naman kanina, lagi mo akong pinagmamasdan noon?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

"Tss." Tanging sagot niya. Ngali ngali kong batukan ulit si Louie dahil sa sagot niya.

"Dali na. Ano nga?" Pangungulit ko pa. Mukang ayaw pa niyang sabihin, kaya't kinulit ko siya ng kinulit kahit ang dami ko ng death glare na natanggap.

"Dark sorcerers." Plain na sabi niya.

"Oh anong meron sa kanila?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung mayroong mga charmers sa mortal world, malamang meron ding dark sorcerers at naamoy nila kami kapag nandito kami. Noong huling gabi ng pag-uusap natin, natunton ako ng ilang dark sorcerers, mabuti na lamang at nakatakas agad ako. Simula ng gabing iyon, hindi na ako nag-risk na maging malapit sa'yo kasi baka mapahamak ka lang, lalo na araw araw pwede akong balikan noong mga nakakita sa akin doon. Luckily, kahit hindi na ako araw araw pumupunta doon at minsan minsan na lang nakikita pa din kita, kaso sa malayo ng lang at hindi na din ako nagtangkang lumapit sa'yo kasi mahirap na baka biglang may sumulpot na lang. Napaka-ingay mo pa nga noon, lagi mong sinisigaw iyong utal na pangalan ko, saka nagsasalita ka laging mag-isa." Mahina pero asar na wika niya.

Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Louie. Hindi ako magkakaila, ganoon nga ang gawain ko noon simula ng hindi na siya magpakita. Akala ko kasi baka pwede siyang sumulpot na lang kapag tinawag ko siya.

"Tara na. Tapos ka na ba kumain nyan?" Biglang tanong niya. Agad naman akong tumayo saka ngumiti sa kaniya, tapos ko nanaman iyong kinakain ko na ice cream.

"Louie, may napansin ako. Haha. Ito oh." Sabi ko sabay pakita iyong aso na nakuha namin kanina sa arcade, nasa isang paper bag iyon. "Kanina hindi ko pa naalala na Woo Wee tawag ko sa'yo noon, pero binuo ko name nila at ginawang Woo Wee. Ang cute lang." Natutuwang sabi ko pa.

"Babo. Baka. Idiot." He scoffed. Kaya natawa na lamang ako. Pikon talo ang lokong ito ngayon.

***

Kanina pa kami nag-lalakad lakad ni Louie, hanggang sa napadpad kami sa sinehan. Disney movie iyong pinanuod namin dahil iyon ang gusto ko. Nakaltukan pa nga ako ng lalaking ito, dahil iyon ang ticket na binili ko.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click