《My Enchanted Tale》Charm 19 ❀ Enchanted
Advertisement
I was enchanted to meet you.
***
Ilang minuto din siyang nakatigil lamang hanggang sa nakita ko siyang kumalma. "Tss." Usal niya. "Kasalanan mo ito. Bakit ka sumama kay Kyle, pwede namang sa'kin?" Mahinang dagdag pa niya na halos hindi ko marinig.
"A-ano?" Imbis na sagutin iyong tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin at saka nagsalita.
"This time; from now on, you'll be with me." Noong sabihin niya iyon, kumabog ang puso ko, at hindi ko nanaman alam kung ano iyong matinding emosyon na naramdaman ko.
"Eh?" Tanging banggit ko, dahil hindi ko alam kung anong pwedeng sabihin. Ang lakas kasi mag-bigay ng statement na ganoon. Saka hindi naman tanong iyon hindi ba? Kaya pwedeng hindi sagutin.
"Aray ko naman." Napahawak ako sa noo ko, noong pitikin niya ako doon, hindi ganun kasakit kaya okay lang naman. Saka iyong expression niya kanina na parang may galit sa mundo, okay na ngayon.
Unti-unti akong ngumiti sa kaniya. Hahaha. Bingo na itong lalaking ito, kanina pa siya pa sweet sweet. Saka ano daw? Bakit daw ako sumama kay Kyle? Topakin. Bakit bawal ba sumama kay Kyle?
"Nginingiti ngiti mo?" Akala mo aburidong sabi niya, pero mukang ngingiti na rin naman siya. Psh. Ang dami pala nitong alam kapag minsan.
"Wala." Maikling sabi ko sa kaniya. Nakakapanibago man na na ganito siya, okay na ito kaysa sungitan nanaman niya ako. Saka ayoko naman ng sobrang awkward na atmosphere sa pag-itan namin.
Matagal ko na din nakakasama ang Louie na ito. At ang masasabi ko lamang ubod ng sama ng ugali! Lagi na lamang akong inaaway, tapos utos ng utos kasi ngaa thrall niya daw ako. Saka kahit babae ka, kapag naiinis siya--siya iyong tipong: wala akong paki-alam. Tsk tsk tsk. Kaya naman ngayong ganito ugali niya, sasagadin ko na.
"Halika nga." Biglang sabi niya sabay higit sa akin. Noong hawakan niya ang wrist ko, nakaramdam ako ng parang electricity doon. Mygas! Ano iyon? Static dahil sa lamig dito sa mall?
"Ahm? Saan tayo?" Basag ko sa katahimikan, sobrang tahimik kasi namin habang nag-lalakad at nakakaramdam na talaga ako ng pagka-ilang kaya naman nag-salita na ako
"Kung saan, ngingiti ka." Boom! Para akong iniwanan ng kaluluwa ko dahil doon. T-teka? Tama ba ang pagkakarinig ko doon? Napatulala na lamang ako at hindi maka-react. Hanggang kailan ba ako ma-s-speechless ngayong araw na ito?
Nag-dire-diretso lamang kami at hindi na ako nagtanong. Bahala na kung saan mapunta. Saka si Louie naman ang nasuusnod, kahit nga opinyon ko hindi niya tinanong.
Maya-maya tumigil kami sa isang arcade. Tiningnan ko siya doon, kaya nginisian niya ako. Napa-simangot naman ako doon, panigurado may binabalak nanaman itong lalaking ito.
"Bakit tayo andito?" Tanong ko sa kaniya.
"Para maglaro. Utak nga, Ryleen." Iiling iling na sabi niya. Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon. Loko-loko na nga pilosopo pa. Tss. Nag-lakad na ako at inunahan ko siya noong higitin niya ako pabalik.
"Wait, let's have a deal." Huh? Bakit kailangan pa ng deal? Maglalaro lang naman kami.
"Maglalaro lang naman tayo ah? Bakit kailangan pa ng deal?" Dirediretsong tanong ko sa kaniya, kaya nakatanggap ako ng isang masamang tingin. Sabi ko nga, ayaw na ayaw niya na imik ako ng imik. Boss daw kasi siya, thrall ako.
"Thrall ka pa din hindi ba?" Agad akong napatango dahil sa sinabi niya. "Mawawalan na ng bisa ang pagiging thrall mo kapag, natalo mo ako sa limang game, pagkatapos may bonus pa na kakanta ako sa platform na kantahan diyan." Agad lumawak ang ngiti sa labi ko dahil doon.
Advertisement
"Aba! Walang tatanggi dyan. Bonggang bonggang offer, makakalaya na nga ako sa pagiging thrall, maririnig pa kitang kumanta." Nag-thumbs up pa ako sa kaniya dahil ang ganda nung deal niya.
"But," Napasimangot agad ako doon nung may 'but' pa. "Kapag natalo mo lang ako."
"So kapag hindi kita natalo?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko dahil doon. Ayan na ayan na baka kung ano nanaman ipagawa nito sa akin.
"Ikaw ang kakanta at kailangan mo akong pag-bigyan sa isang hiling." Napa-isip muna ako sa sinabi niya. Okay naman iyong situation, kaya ko naman kumanta. Hobby ko naman iyon, pero iyong hiling, medyo kinabahan ako doon. Paano pala kung mahirap o kaya'y agrabyado ako sa hiling niya?
"So deal?" Naiinip na tanong niya.
"Teka, iyong hiling mo. Siguraduhin mong hindi masama iyon, o kaya'y dapat ay kaya ko." Paninigurado ko, mamaya sabihin niya pakamatay na ako e, ibang klase pa naman mag-isip ang isang ito. Joke.
"Hmm. Nasa sitwasyon." Sabi na nga ba, sabi na nga ba. Hindi basta basta papayag ito. Pero, magaling naman ako sa mga arcade games dahil nakakapaglaro naman ako dati dito. Why not risk?
Papaawa na lang ako kay Louie kapag mahirap iyong hiling niya. Hahaha. Joke, hindi ko maman ugali iyon. Basta, mag-titiwala na lang ako sa bipolar na ito, na sana hindi mahirap iyong hihilingin niya.
"Hmm. Okay, deal!" Masayang sabi ko, saka ko hinaya iyong kamay ko para makipag-apir sa kaniya pero itong lalaking ito ayaw pa ata. Kaya kinuha ko iyong kamay niya at pinilit na makipag-high five sa akin kaya wala siyang nagawa.
Nag-simula na akong maglakad at saka ako pumasok sa arcade nakasunod naman sa akin si Louie. Bumili kami ng token at saka nag-lakad lakad para makapili kung saan kami maglalaban.
Kailangan kong manalo, para kantahan niya ako. Hindi ako papayag na maging thrall sa mahabang panahon at syempre iyong hiling na sinasabi niya baka nakakatakot iyon.
Wala pa din akong nahahanap na pwede ko siyang matalo. Pero, bigla na lamang siyang tumigil at ngumisi sa akin. Noong una nagtaka ako, iyon pala may gusto siyang laruin na game.
"First game?" Hamon niya, habang naka-cross arms. Hmp, ang yabang at ang angas ng dating.
"Go." I stated simply. Hindi ako para magpatalo sa kaniya. Gagawin ko ang best ko. Hindi ako basta basta lamang.
Nasa harapan kami ngayon ng isang game machine, iyon bang may mga zombie tapos papatayin mo sila bago ka nila mapatay. Medyo creepy pa nga iyong mga nasa screen, pero hindi ko na ganun iyong pinansin. Nalaro ko na ata ito dati? Basta, kailangan kong manalo.
Nag-simula na kaming maglaro. Sobrang seryoso niya at ganoon din ako. Medyo kinakabahan pa ako dahil, nakakatakot pala ang laro na ito. Parang magugulat na lang ako may zombie na bigla na lang susugod sa akin, mabuti na lang nababaril ko sila agad.
Samantalang si Louie, pa easy easy lamang. Psh, paano siya ang pumili alam niyang lamang siya. Tss. Dapat hindi niya ako maliitin. Gagalingan ko at papatunayan ko sa kaniya na mananalo ako.
Hindi rin nagtagal natapos iyong game. At ang resulta? Talo ako. Nakakainis, mananalo na sana ako kaso, bigla na lang may lumabas na isang zombie bigla bigla, kaya imbis na barilin nagulat ako. Tawang tawa pa si Louie dahil nabitawan ko iyong baril sa gulat.
"Ang sama mo, sige tawanan mo lang ako." I told him, kaya lalo lamang siyang tumawa.
"That was epic. Nagulat ako sa sigaw at biglang pag-bitiw mo sa baril kanina." Pang-aasar niya pa. Tss. Nag-martsa na lamang ako at saka pumili ng kasunod na pwede naming laruin.
Advertisement
"Louie, ang cute oh." Turo ko dun sa may mga stuff toys na nasa parang machine, iyong mahirap kuhanin.
"Hmm. Gusto mo ito ang next game? Paunahan tayong maka-kuha ng stuffed toy dito." Agad akong napatango sa suggestion ni Louie. Huh! Hindi na talaga ako magpapatalo dito, dahil lagi akong nagtr-try nito dati, kaso lang... nevermind. Basta gagalingan ko.
Nag-simula na kaming mag-concentrate ni Louie, kaso bigla akong nag-salita. "Louie iyong puting aso na fluffy ang kunin mo ah?" Suggest ko sa kaniya, gustong gusto ko kasi iyon. Super cute. Imbis na sumagot, ngumiti na lamang si Louie.
Pinagalaw ko na iyong machine, at saka ko dahan dahang tinarget iyong fluffy white dog stuffed toy. Kinakabahan akong pinindot iyong button at bumababa na iyong parang claw, noong bumababa na ito sa may mga stuffed toy, laking disappointment ko noong hindi nito makuha ang gusto ko, akala ko din wala akong makukuha, kaso biglang may danala iyong parang claw na kulay white na may gray na mukang wolf na puppy.
"Omygosh. Omygosh. Huwag kang malalaglag." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Malapit na malapit na siya doon sa box kung saan pwede siyang malaglag, kaya kinakabahan talaga ako, kasi baka mamaya hindi ko makuha iyon.
Ayan na. Ayan na. Malapit na. Konting tiis na lang at... "Yieepiee, may nakuha ako, Louie!" Masayang pahayag ko kay Louie. Napa-iling iling naman si Louie, dahil nalaglag iyong nakuha niya.
"Omo. Tapos panalo pa ako. Yehey." Tuwang tuwang sabi ko sa kaniya, kaya't napa-simamgot siya. Iniinggit ko pa si Louie gamit iyong nakuha ko na puppy stuffed toy na may blue eyes.
Louie snorted at saka siya nag-simula ulit na magtry samantalang ako ay nagpapakasaya dahil nakakuha ako ng puppy, kahit hindi iyong gustong gusto ko, cute pa din naman iyong nakuha ko.
Habang nagpapakasaya ako, nagulat ako noong biglang may ipakita si Louie sa muka ko na cute fluffy stuffed toy na dog. Omg! Iyong gustong gusto ko. Wide open ang mga mata ko noong tingnan ko si Louie. Mukang nakuha niya iyong gusto ko.
"Louie. Palit tayo, dali. Mas bagay ito sa'yo kasi parang wolf, tapos akin iyan kasi ang cute talaga." Pang-aamo sa kaniya para ibigay niya sa akin iyong cute na cute na bagay na iyon.
Ayaw pa ibigay sa akin ni Louie noong una, pero noong naglaon ay napilitan din siya, kulitin ko ba naman ng sobra. Napilitan tuloy. Haha.
Noong makuha ko iyong gustong gusto ko ay niyakap ko iyon kahit ang liit liit lang. "Ikaw na ngayon ay si... hmmm..." Wala akong maisip na pangalan agad, kaya nag-isip isip pa ulit ako.
"Alam ko na! Iyang hawak mo Louie, ang pangalan na niyan ay 'Woo' kasi muka namang wolf, tapos itong akin, siya na ngayon si 'Wee' kasi ang cute cute talaga. Tapos kapag pinag-sama natin ang name nila... Ang kalalabasan ay 'Woo Wee' ang cute hindi ba?" Natutuwang banggit ko sa kaniya.
"Tss." Natawa na lang ako ng marahan dahil sa inasta niya, hindi pa ako nasanay.
"Ang cute talaga. Woo Wee, parang Louie na utal lang." Dugtong ko pa. "Tss. Ang korni. Utal? Kagaya mo noon, ang laki mo na utal ka pa din." Medyo nagtaka ako dahil sa sinabi ni Louie.
"Kagaya ko noon? Huh? Nakilala na ba kita dati?" Tanong ko pa.
"Idiot. Try to remember it yourself." Plain na sabi niya sabay pitik sa noo ko, kaya't napahawak ako doon. Eh? Try to remember it myself? E di, magkakilala na kami dati? Totoo? Tsk. Baka pinag-tr-tripan nanaman ako ng loko na iyon.
Hinabol ko siya mula sa paglalakad, dahil nauna na siya. 1-1 na ang score namin ngayon.
Napagkasunduan namin ni Louie na basketball ang kasunod na laruin. Naglakad kami papunta doon sa may medyo likod ng arcade dahil doon nakapusisyon iyong mga basketball games.
Noong makarating kami doon. "Marunong ka?" Tanong ni Louie sa akin. Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lamang siyang lumapit sa akin. Nagulat na lamang ako dahil sa kasunod na nangyari.
Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko at tinakasan ako ng kaluluwa ko, napa-tigil din ako sa paghinga dahil sa pagiging stiff. Paano ba naman kasi, pumunta na lamang sa likudan ko si Louie na mayroong hawak na bola, pagkatapos ay pinahawak niya sa akin iyon at parang yumakap siya sa akin mula sa likod.
Louie. Umalis ka sa likod ko! Hindi. ako. maka. hinga.
Imbis na magsalita walang lumabas na tinig mula sa bibig ko, kaya ayun, tuloy tuloy lang si Louie sa pag-tuturo sa akin, tapos napa-side pa ng konti iyong muka ko dahil naiwas ako pero wrong move, kasi bigla din siyang tumingin sa side kaya't sobrang lapit ng muka namin sa isa't-isa.
Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan, umakyat sa pisngi ko, hindi lang iyon, pakiramdam ko din naduling ako ng biglaan.
Noong bumalik iyong kaluluwa ko. Bahagya kong itinulak si Louie para makalayo na siya sa akin. Sobrang nakakailing iyong nangyari. Hindi ko na din alam kung paano ko siya haharapin. Omg.
"Ano gets mo na?" Parang balewalang tanong pa niya. Loko-loko din ito, hindi ba niya alam na marunong akong mag-basketball? Tinuruan kaya ako ng papa ko noon. Bigla bigla lang kasi siyang pumunta sa likod ko, kahit hindi pa ako nakakasagot.
"A-ah? O-oo." Nauutal at naiilang na sagot ko sa kaniya sabay iwas ng tingin. "S-sige, start na rin tayo." Dugtong ko pa, dahil ayaw ko siyang makausap kahit panandalian lamang. Hindi ko pa kaya! Baka himatayin na ako, siyempre joke lang iyon. Pero talaga, yakapin ka ba naman ng isang ubod ng gwapo minus lang ang kasamaan ng ugali nang lalaking ito? Nakakaloka kaya iyon.
Nag-hulog na ako ng token at ganun din ang ginawa niya, Sabay kaming naglaro na dalawa, pinilit kong mag-concentrate dahil magaling naman talaga ako dito, bonding namin ito ng papa ko noon. Pero, madaming pumapalya sa mga shots ko, paano ba naman naalala ko iyong ginawa ni Louie kanina lang.
Hindi kaya taktika ng mokong na ito itong ginawa niya? Kung ganoon. Nagtagumpay siya. Nagawa niya iyong plano niya, dahil sobrang distracted ko.
In the end, I lost the game. "Panalo na naman ako." Pagmamayabang niya.
"Che." I said as I snorted. Kadayaang taglay nito. Inakbayan niya ako bigla, kaya bigla kong tinanggal iyon. "Huwag ka nga." Dugtong ko pa. Subalit hindi nanaman niya ako tinigilan kaya wala na akong nagawa.
Usap-usapan na din kami noong ibang naglalaro dito. Mukang natutuwa sila o di kaya naman ay naiinis dahil sa amin, pero wala sa kanila ang pansin ko, dahil ramdam na ramdam ko ang pamumula ko. Letche ka Louie, ano bang ginagawa mo sa akin?
Isinantabi ko na lang muna iyong nararamdaman ko at patuloy kaming naglaro. Hindi rin naman nagtagal ay napalagay ulit ang loob ko sa kaniya na parang tropa lamang kami, nakukulit ko na ulit siya kahit masamang titig ang ibinibigay niya, mabuti na iyon kesa iyong super awkward na pakiramdam ko kanina.
Patuloy ang game sa pag-itan naming dalawa, hanggang sa napag-disisyunan namin na isang game na lang. Tie kasi kami ngayon, at 8-8 ang laban. Ang sabi niya kung sino man ang mananalo sa last an game ay iyon na talaga ang winner, kaya pumayag na din ako dahil nakakapagod na din naman.
"Saan kaya?" Tanong ko sa sarili ko habang naglilibot ulit kami dito.
Ilang saglit pa napatigil kami ng sabay sa isang game. Nagkatinginan pa nga kami dahil doon. "Game?" He challenged while beaming.
"Game on." I answered while smiling.
Nag-hulog na siya ng token at saka kami kumuha ang remote. Nasa dance revolution kami ngayon at ito ang last game namin.
Pumili kami ng kanta na napag-kasunduan namin. Ilang sandali lang nag-simula na iyong tugtog kaya't napangiti kami sa isa't-isa.
Noong mag-simula kaming mag-sayaw bigla na lamang dumami ang mga nanunuod sa amin, may kanya kanyang comment pa akong naririnig. Hindi ko na lamang sila pinagtuunan ng pansin at tiningnan ang screen para makapag-concentrate.
May mangilan ngilang beses din akong tumingin kay Louie habang nag-sasayaw, at isa lang ang masasabi ko ang hot niya. Iying tipong kahit may pawis na bigay todo pa din, saka ang swabe lang ng bawat galaw niya. Hindi na talaga ako magtataka na maraming may gusto sa kaniya.
Habang nakatingin kay Louie, bigla na lamang siyang lumingon sa akin at saka ako mabilis na kinindatan kaya't nanlaki ang mata ko. Agad din akong napaiwas ng tingin at nag concentrate sa screen.
Hindi nagtagal natapos iyong sinasayaw namin. Nakipag-high five pa nga si Louie noong matapos iyon, saka niya ako niyakap ng marahan.
Ngayon ang iniintay na lang namin ay ang result. Sana manalo ako, ayoko na maging thrall ng napaka-moody na lalaking ito.
Kabadong kabado ako at ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, marahil ay dahil sa pagkapagod kaya ganoon. Ilang sandali lang lumabas na iyong score sa screen at...
Yehey! Omg! Talo ako. Letche.
"You lost." Pang-aasar pa sa akin ni Louie. Napabagsak naman ang balikat ko doon dahil sa sobrang disappointment. Sobrang sayang kung nanalo lang sana ako sa game na ito.
Nagpahinga muna kami ng kaunti ni Louie, mayroon namang parang bench dito kaya doon muna kami umupo, inabutan din niya ako ng tubig dahil bumili siya kanina.
"Pinahanda ko na iyong mini stage, dyan ka kakanta." Sabi niya. Napatango na lamang ako dahil doon. Kahit naman hindi ko matanggap iyong pagkatalo ko, may isang salita naman ako. Gagawin ko pa din iyong deal, huwag lang sana malala iyong hihilingin niya.
Matapos namin magpahinga na sandali, umakyat na ako sa stage. Samantalang si Louie ay prenteng nakatingin lamang sa akin. Goodluck sa akin, sana hindi maging epic fail ang pagkanta ko?
Pumili na ako ng kanta sa options at noong makapili na ako, nagsimula na iyong melody. Kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, ang dami pa namang nanunuod bigla.
Lahat sila nakatingin sa akin at ganoon din si Louie, titig na titig siya na parang ayaw niyang alisin iyong mga mata niya sa pagmamasid sa akin. Bago magsimula iyong unang verse, huminga muna ako ng malalim. Pagkatapos noon ay sinimulan ko na din ang pagkanta.
♪♫ There I was again tonight forcing laughter, faking smiles
Same old tired, lonely place
Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy
Vanished when I saw your face ♪♫
Nakatitig lamang ako sa kaniya na parang siya lamang ang nakikita ko, ganoon din naman ang ginawa niya. Kahit paglihis ng tingin hindi ko magawa, dahil parang may kung anong magic na nagtutuon lang ng pansin ko sa kaniya.
Dahil na din sa mga titig niya na iyon, nawala iyong hiya at kabang nararamdaman ko, kasi feeling ko kaming dalawa lamang ang nandito.
♪♫ All I can say is it was enchanting to meet you. ♪♫
I hate to admit this. Pero, the song says it all. I was enchanted to meet him. Napatawa na lang ako sa utak ko. Kahit naman ubod ng itim ng budhi ng isang iyan, hindi mo maikakaila na kapag mas nakilala mo siya, makikita mo iyong katotohanan na mabait siya.
♪♫ Your eyes whispered "Have we met?"
Across the room your silhouette
Starts to make it's way to me
The playful conversation starts counter all your quick remarks
Like passing notes in secrecy. ♪♫
Habang kinakanta ko ito para na 'Your eyes whispered have we met?' Parang biglang may nag-flash na image sa akin, malabo iyon at hindi klaro pero parang mula sa mga ala ala ko noon.
Nakaramdam din ako ng kakaibang pakiramdam na parang komokonekta sa akin at sa kaniya. Iyong sinabi niya kanina, 'try to remember it yourself' hindi kaya? Magkakilala na talaga kami dati pa? Pero paano? Kailan at saan?
♪♫ And it was enchanting to meet you
All I can say is I was enchanted to meet you. ♪♫
Medyo isinantabi ko na lamang iyong bumabagabag sa akin at saka ako nakita si Louie na ngumiti, sa hindi malamang dahilan napangiti din ako dahil sa sayang naramdaman ko na lang bigla.
♪♫ This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you. ♪♫
Louie Blake Stanford, masayang masaya akong dumating ka sa buhay ko, kahit karaniwang ginagawa mo ay inisin at pagtripan ako. Kahit ang cold mo din minsan, sana magpatuloy ka lang sa pagiging masikretong mabait, at sa akin mo lang ipakita iyon.
Advertisement
Monarch of Heaven's Wrath.
Liang Chen was a normal youth, one could easily find countless others like him in the Qing clan. He thought that his normal and unremarkable existence would continue for the rest of his life, a thought that was shattered when he was 12. His parents were forced to take the blame for something that they had not done, causing them to be publicly executed. Liang Chen had been told about how just the heaven's were, how they would punish evildoers and those who killed the innocent. But now his parents were dead, and the man responsible for it walks free without suffering anything. That was when Liang Chen learned the truth. The heaven's aren't just, they are indifferent. That was when he decided, if the heaven's won't send down their wrath on the man who caused his parents to die, then he would. If the heaven's have no wrath, then he will become that wrath.
8 528Affinity for Fire
Enzo was lazy. Not irredeemably so, but just enough to screw him over. Destined to burn, he now has a choice. Take his lumps and deal with his fate, or start over in a new, unforgiving world. Chapters posted Tues/Thurs/Sat unless otherwise noted.
8 119How to Make a Wand
When mage Magdala Gallus gets suspended from Magisterium for making explosives instead of focusing her rare alchemical skills on more productive pursuits, her mother ships her off to her uncle, the absent-minded but brilliant Lord Kalan, as punishment. Hard at work creating an instrument capable of converting magic, her uncle soon draws Magdala into his quest for a dragon scale—the only thing that can prove his theory that magic is the same for everyone. However, as Magdala, Lord Kalan, and Lord Kalan’s unusual apprentice, Dwayne, soon realize, it’s an impossible mission. With bandits populating the region where the dangerous creatures live and a pair of mercenaries who aren’t who they seem, it will take more than their magic to find and kill a dragon . . . and stay alive.
8 87Eternal Eclipse Of Destiny
" I can't change what is the order of the heavens" "I can't give you what I don't have.." ".. but that doesn't mean I won't keep trying" " I can't bring light into your world so I will walk with you through the darkness" SheJin transmigrated into a cultivation novel before he finished reading it. He knows that there is a lot of bad endings in the novel. That shouldn't be a problem as long as he stays in the sidelines he will be out of this place. However he keeps feeling inclined to help this one character.. The more he intervenes, he knows that the storyline could change but for some reason it feels like that matters less. As long as he can give them happiness, even death feels like a privilege. Irregardless of the price to be paid, he will do what it takes.
8 259Unbroken Strife: Rising Conflict
Uncertain survival has become the ethos of many citizens in Venezuela under the rule of a vicious regime, while foreign corporations are stripping out the country of a prized, strategic resource for an intergovernmental military alliance. Suddenly, enigmatic alien meteorites crash all over Earth, those who manage to take a closer look to one of them are bestowed with beyond human capabilities. Alejandro, one of many commoners enduring the perils of a hostile environment, becomes one of the lucky winners, although he and like-minded people choose to employ his newfound abilities for the common good, others act out by rapacity and domination. As time passes, Alejandro contemplates how the clandestine schemes of the government are causing a rampant increase in crime, poverty and distrust, harming his family, friends and community, exasperated by the situation, he decides to act against his oppressors rather than remain passive, even if that means being marked for death. He slowly becomes enmeshed in a web of corruption and strife, and as he goes deeper into the rabbit hole, he soon discovers this local predicament is only a symptom of a complex, broad conflict encompassing the world… one defined by a new breed of supersoldiers and cutting-edge technology.
8 73The Little Mermaid [HAVOK/ALEX SUMMERS] - ON HOLD
t h e l i t t l e m e r m a i d [full summary inside] [based on the movie x-men: first class] [alex summers/havok fanfiction]
8 123