《My Enchanted Tale》Charm 18 ❀ Mortal World
Advertisement
"Hey, babes, may lagnat ka ba?" Nagulat ako sa tanong saakin ni Louie, sabay lagay ng kamay sa noo ko at lapit ng nilapit niya ang muka ko sa muka niya. Omygosh. Le dies.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Bakit ba kase ang lapit nito?
"Kase sobrang pula ng muka mo." Plain na sabi niya sabay ngiti saakin at akbay ulit. Napahawak ako sa muka ko. Gosh! Ang pula nga ng muka ko, ang init kasi e.
Naglakad ako ngmabilis dahil sa kahihiya. Habang narinig ko pang tinawanan nila ako dahil doon. Louie naman kasi eh, anong nakain mo ngayon? Ibang klase, hindi ako sanay na ganito ang inaakto niya. Agh.
Hiyang hiya ako sakanila at kay Louie ngunit hindi nagtagal naging okay rin naman iyon, dahil nagkwentuhan kami habang naglalakad. Kahit papaano nawala iyong kakaibang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Louie kanina.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na naglalakad. Hanggang sa makarating na kami sa isang mall.
"Tara dali, nakakaka-excite!" Masayang wika ni Charlene at saka nagtatakbo papunta sa loob ng mall higit higit si Vien, natawa naman kami doon. Hindi halatang excited nga si Charlene. Haha. Ang cute niya.
Sumunod naman kami agad. Nagulat na lamang ako noong bigla akong hinigit ni Louie papunta sakanya. "Bakit?" Nagtatakhang tanong ko.
"Sabay tayo." Nakangiting sabi niya. Okaaaayyyy? Anyare? Bakit ang sweet nito ngayon? Hindi kaya na-acknowledge na niya na girlfriend niya ako? Agad akong umiling dahil sa naiisip ko. Omo. Saan galing iyon? Ghad! Saka girlfriend? Hindi kaya, sinigaw lamang niya iyon para mantrip at iwasan siya noong babaeng naghahabol sa kaniya. Tama tama. Ang daming pumapasok sa isip ko. Ibang klase ka Ayisha, ibang klase.
Noong makapasok kami lahat sa mall. Nagpaalam si Charlene at Vien na hihiwalay muna sila. "Bye bye muna, see you later. Tara na Vienny!" Nakangiting sabi ni Charlene at saka hinila si Vien. Natawa naman si Vien dahil doon. "Huwag mo nga ako higitin. Sasama ako." Sabi pa ni Vien.
Kaya't naiwan kaming apat nina Bella, Kyle, Louie at ako. Naglalakad kaming apat, ngunit mararamdaman mo ang awkward atmosphere, wala ring nagsasalita kaya't mas lalong naging nakakailang sa pag-itan namin.
Lumipas ang ilang minuto, magsasalita na sana ako. Ngunit nagulat ako noong may humawak sa kamay ko. "Hmm. Kunin ko muna si Ayisha ha?" Nakangiting sabi ni Kyle at saka ako hinila papalayo kayna Bella.
Bago pa ako maka-alma nakalayo na kaming dalawa, kaya't sumama na ako sa kaniya. "Ahm, Ayisha. Okay lang ba na kasama mo ako?" Biglang tanong ni Kyle. Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla sa tanong niya. At noong maka-recover ako ay, tinawanan ko siya ng kaunti. "Oo naman." Nakangiting sagot ko.
Ngumiti naman si Kyle doon na tila nahihiya. Kaya't natawa ako. Kahit medyo may kaunting ilangan sa'min, ay medyo nawala rin iyon. "Saan mo gusto pumunta, Ayisha?" Tanong niya sa'kin. Napaisip naman ako sa tanong niya.
"Hmm. Hindi ko rin alam eh. Ikaw ba may alam ka?" Tanging banggit ko sa kaniya. Ngumiti naman sa'kin si Kyle na parang sinasabi na siyang na ang bahala. Pagkatapos ay hinila niya ako ng marahan kaya't sumunod ako sa kaniya. Hanggang sa tumigil kami sa isang cake store.
"Sabi kasi sa'kin ni Bella mahilig ka daw sa sweets, kaya naisipan ko dito. Okay lang ba?" Tila nahihiyang tanong ni Kyle. Natawa naman ako doon. Ang cute kasi niyang mahiya.
"Oo naman. Ang cute nga dito." Masayang sabi ko habang pinagmamasdan ang paligid. Ang elegante na ang cute tingnan, ang dami ring magagandang display ng cake, ang sarap tuloy kumain. Pagkatapos iyong combination pa ng color nitong store na white, pink and brown. Saktong sakto, maakit ka talagang puntahan ito.
Advertisement
"Hi, ma'am and sir. Would you like to design your own cake?" Tanong noong babaeng lumapit sa'min na nag-aassist dito sa store. Tumingin naman ako kay Kyle upang hingin ang permiso niya, kaya't tumango siya. Napapalakpak ako at napangiti ng sobrang lapad dahil doon.
"Salamat, Kyle!" Masayang bigkas ko sa kaniya. "Wala iyon." Sinserong sagot nito.
Sinabihan kami noong babae na pumasok doon sa isang pinto, kaya't dumiretso kami doon. Sa loob noon, mayroong isang counter kung saan mayroong mga cute na cute na ingredients, ang iba naman ay may mga designs, icing, fruits at marami pang iba. "Pwede po kayong kumuha dyan ng pang-design." Nakangiting sabi pa nitong nag-a-assist, kaya't mas lalo akong natuwa.
Mayroon rin dito mga lamesa at upuan na pabilog at sa isang tabi pa may lalagyan ng utensils. Ang nice talaga. Ang aliwalas rin nitong lugar dahil sa mga ilaw at pintura ng wall na pink, at white with cute designs pa.
Dinalhan kami nung babae ng parang tinapay nung cake at puting cream. Inilapag niya iyon sa table at kumuha ng utensils, at saka niya kami tinuruan kung anong gagawin doon. Ang sabi niya palibutan lang namin iyong cake at pwede na naming lagyan ng designs pagkatapos.
Umalis si ate matapos niya kaming sabihan ng mga kailangan at bawal gawin. Mabuti na lamang kami pa lang ni Kyle ang nandito sa loob, kaya't nagkatuwaan kami habang pinapahidan itong cake ng cream. Nilagyan ako ni Kyle ng cream sa pisngi kaya't ginantihan ko siya.
"Ang kulit, Ayisha." Natatawang sabi pa niya, hindi ko kasi siya tinigilan at pinahidan ng napakaraming cream. Samantalang tawa lamang siya ng tawa sa'kin. Nawala iyong awkward atmosphere namin, at naging parang magkalaro kami ni Kyle.
"Haha. Ayoko na. Ayoko na." Natatawang sabi ko dahil ang dami ko na ring cream, ang lagkit.
"Ayoko na rin, ang lagkit. Hahaha." He cheerfully said, kaya't sabay kaming pumunta sa lababo upang mag-hugas at mag-hilamos. Mabuti na lamang at natapos na namin iyong paglalagay ng cream sa cake.
Habang naghuhugas ako ng kamay at bigla akong kiniliti ni Kyle sa bewang. "Hahaha. Kyle!" Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa ginawa niya. Ang kulit rin pala talaga ng isang ito.
"Haha. Ganti ko sayo, ang dami talagang cream." Natatawang usal nito at saka kami natapos mag-linis ng kaunti.
"Tara. Lagyan na natin ng design." Akit nito, kaya't tinungo namin iyong parang counter at pumili kami ng designs. Noong nakapili kami, inilagay namin iyon sa cake. Naging seryoso kami sa pagdedesign noon, nakakatuwa nga si Kyle, focus na focus kaya't niloloko ko. Samantalang ako naman ay nag-lalagay din ng icing design.
Hindi nagtagal natapos din iyong ginagawa namin i Kyle. Ang ganda nung gawa namin! Success! Pwede namin i-share sa barkada mamaya.
"Nice work, Ayisha!" Masayang sabi ni Kyle, at saka siya nakipag-high five sa'kin. Tuwang tuwa kaming umalis ni Kyle sa cake shop na iyon, habang dala dala niya iyong box nung cake. Naglibot kami sa mall ng sandali.
Habang naglalakad kami at nag-kwekwentuhan. Tumigil na lamang siya bigla, kaya't napatigil din ako. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya, ngunit nginitian lamang niya ako ng pagka-cute cute at saka ako hinila sa isang shop.
Nagulat pa nga ako sa kung saan niya ako hinila, sa isang shop na puro accessories. "Omygad, don't tell me, bibili ka ng accessories mo?" Natatawang tanong ko sa kaniya, kinutusan naman niya ako doon, kaya't pinaningkitan ko siya ng mata. "Aray ha." Biro ko sa kaniya, ngunit tumawa lamang siya ng marahan.
"Baliw ka. May bibilhin lang." Pagkatapos ay kinindatan pa ako ng loko, kaya't kinaltukan ko siya.
Advertisement
"Aray, makaganti 'to!" Natatawang sabi niya sa'kin, kaya't tinawanan ko na lamang din siya. Focus na focus si Kyle habang namimili ng accessories. Nagtataka nga ako kung para saan iyon, hindi kaya para kay Bella? O di kaya'y para sa kapatid? Ang tanong may kapatid ba? Parang wala naman.
Hindi nagtagal, may tinuro si Kyle sa isang display. Agad naman iyong kinuha noong saleslady. Ang nice din nung napili ni Kyle, simpleng pearl bracelet na kulay puti. Noong iabot iyon sa kaniya noong saleslady, sinabi niya na kukunin na niya iyon. Noong matapos niya iyong bayaran. Tinanong ko siya kung para kanino iyon. "Para sa kapatid mo?"
Agad siyang umiling, at walang pasabing kinuha ang kamay ko. Mas lalo kong kinagulat ang kasunod niyang ginawa... sa'kin niya isunuot iyong bracelet. Hindi agad ako nakapagsalita dahil doon, at nanatiling nakatulala. Magtatanong sana ako kung bakit, ngunit inunahan niya ako.
"Napatid ba iyong bracelet mo noon? Paltan na lang natin." Nakangiting banggit niya, at saka niya ako hinila palabas ng store.
Pakiramdam ko namula ako dahil sa akto ni Kyle. Mygas, napansin niya iyong bracelet na nasa'kin dati? Iyong napatid noong pagtatalo namin ni Louie noon. Hindi ko akalain. Ibang klase, ang sweet naman niya, nakakatuwa.
Hindi ko mapigilan mapangiti dahil doon, habang pinagmamasdan iyong simple ngunit eleganteng tingnan na bracelet na bigay ni Kyle.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, noong bigla naming makasalubong si Vien, Charlene, at Bella. "Oh?" Gulat na banggit ko noong makita ko silang magkakasama.
"Ayisha!" Masayang banggit ni Bella at Charlene, at saka ako biglaang hinigit. "Teka, teka." Gulat na banggit ko.
"Kyle, kunin muna namin si Ayisha ha? Girls bonding muna. Pumunta dun sa direksyon na yun si Louie!" Masayang sabi ni Charlene at saka nila ako hinigit papalayo kay Kyle saka kami tumakbo. Nadala na rin ako sa kanila dahil sa pwersa, pero napalingon pa ako nun kay Kyle at nakita ko siyang kakamot kamot sa ulo. Ang cute. Haha.
"Ikaw, Ayisha ha. Bakit kasama si papa Kyle? Akala ko ba kay Louie ka?" Natatawang tanong ni Charlene. Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Ano ba naman kasing klaseng tanong iyon.
"Bella, ikaw? Saan ka pumunta?" Pag-iiba ko ng topic.
"Ah, ako? Ayon naiwan ako sa isang sanggano. Kakikita ko lang din kayna Charlene, noong iwan na lamang ako bigla noong lalaking iyon." Maktol ni Bella, dahil sa facial expression niya pinagsakluban ng langit at lupa ay natawa kaming tatlo nina Vien.
Naglakad lakad kami hanggang sa napansin nila na puro icing at cream iyong damit ko, kaya ang ending, ayun nandito kami sa isang store slash boutique para palitan ang damit ko. Aish, itong mga ito talaga.
"Nope, balik hindi bagay." Walang kagatol gatol na komento ni Vien, kaya't palit nanaman ako ng damit. Pangatlong set na ito. Jusme, naoagtripan ata ako.
"Next please." Napa-tingin ako sa kanila ng masama lalo na kay Bella dahil sa sinabi niya. Aish! Ulit nanaman. Sila kaya magsukat ng magsukat.
"Again."
"Not that one."
"Nope."
Jusme! Hindi ko alam kung ilang set na ng damit ang nasuot ko, at paulit ulit silang nagkakasundong tatlo na hindi daw bagay sa'kin. Napa-buntong hininga na lamang ako. Ano bang gusto ng tatlo iyon? Bago ulit lumabas, pinagmasdan ko ang sarili ko.
Simple. Iyon ang suot ko ngayon. Stripes na kukay blue na short dress. Hindi siya ganun kagarbo, hindi tulad nung mga sinukat ko kanina, at hindi rin ganun ka liberated. Sana naman okay na ito, ayaw ko na mag sukat pa ng iba, nakakapagod eh. At saka nasa mall lang kami for pete's sake, hindi ko kailangan ng sobrang sosyal na damit.
"Ayisha!" Natauhan ako noong marinig ko si Bella, kaya't dali dali na akong lumabas.
Noong makalabas ako. Pinagmasdan ako noong tatlo. Kinabahan pa ako dahil titig na titig sila, at dahil ayaw ko na rin magpalit pa ulit. "Okay!" Nagulat ako noong tumayo si Charlene at pumalakpak ng kaunti.
"Suit you well, lalo na nasa mall lang naman tayo." Vien said while beaming.
"Tama! Iyan na ang pwedeng panggala dito at bagay na bagay sa'yo!" Masayang agree ni Bella. Matapos ang nangyaring iyon, umalis na kami nila Bella doon.
Nagreklamo si Charlene na nag-gugutom na siya kaya't dumiretso kami sa isang restaurant. Tinawagan din ni Bella sila Kyle na pumunta na sila dito, para na din makakain na kami, dahil hindi lang si Charlene ang nagugutom, kami din.
Habang nag-iintay ng order namin at saka pati na rin kayna Kyle. Nag-kwentuhan na lamang kami. Masaya kong nakakausap si Charlene at Bella, pero si Vien, tahimik lamang sa isang tabi, naiilang din ako sa kaniya ng kaunti dahil medyo mataray ang itsura niya.
Maya maya biglang natigil sa pag-uusap si Bella at Charlene, at nagkatinginan.
"Wow naman!" Masayang sabi pa ni Bella na pinagtaka ko.
"Destiny ba itooo?" Parang nagniningning ang mga mata ni Charlene habang sinasabi iyon. Samantalang kami ni Vien, tahimik na nagtataka sa kanila. Katabi ko pala si Vien, kaya medyo naiilang din ako. Samantalang si Bella at Charlene nakaharap sa'min. May vacant seat din sa tabi ni Bella-- para kay Louie at Kyle.
"Nice." Mas lalo akong nagtaka noong umimik si Vien habang nakatingin sa entrance ng restaurant. Out of curiosity napatingin na rin ako.
Hindi ko alam kung anong pwedeng reaksyon noong makita ko si Louie sa entrance. Hmm. Mapopogian? Ay jusme, malandi ka Ayisha! Hmm, kikiligin? Ay langyang utak ito.
"Ayieee." Tukso nila sa'min. Paano ba naman kasi! Letche, parehas iying design ng mini dress kong ito, sa damit ni Louie. Pakiramdam ko tuloy namumula ako dahil doon. Jusme, ke-simple simpleng bagay ganito epekto ng lalaking iyon.
Nakarating si Louie sa pwesto namin at ganun din si Kyle. Sa'kin tumabi si Louie at si Kyle naman kay Bella. Tiningnan ko pa si Louie noon, ngunit isang matalim na titig lamang ang ibinigay niya sa'kin. Luh? Bad mood?
"Haha. Ang muka, Louie. Ang muka. Bakit ka nakabusangot?" Tanong bigla ni Bella.
"Pft, hindi ka pa nasanay Bella." Natatawang sagot naman ni Charlene, kaya't nag-apir sila.
"Kanina pa iyan, ang init ng ulo, habang kasama ako." Biglang sali ni Kyle sa usapan, kaya't lalong kinanchawan ni Bella at Charlene si Louie. Samantalang si Louie, nakapoker face lamang pero may kakaibang aura.
Ilang sandali dumating na rin iyong pagkain kaya't kumain na kami, pero iyong aura talaga ni Louie kakaiba. Natapos na kami lahat lahat pagkain ganun pa din.
"Louie, hoy, galit ka?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami paalis nitong restaurant. Ngayon lang ako naglakas loob na kausapin ulit siya, dahil nakakatakot siya masyado kanina, parang mainit talaga ang ulo.
Tumigil si Louie sa paglalakad, at saka niya ako nginitian ng kakaiba. Pakiramdam ko nangilabot ako ng bongga dahil doon. "W-Why?" Nauutal na tanong ko. Pagkatapos ay bigla niya akong hinila ng mabilis kaya't napatakbo ako.
Napasigaw pa sina Bella at iba pa noon dahil sa ginawa ni Louie, samantalang ako ay dumbfounded.
"A-ano ba!" Suway ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinakinggan, kaya't nagpadala na lamang ako. Baka kainin ako eh. Nakakatakot masyado.
Ilang sandali tumigil din kami, at medyo hiningal ako dahil doon, kaya hindi ako makapagsalita, samantalang siya ay ganun din. Noong makabawi ako ay tiningnan ko siya ng masama at ganun din ang ginawa niya, dahil doon binawi ko rin ang tingin ko sa kaniya. Siya na siya na may panindak na mata, lalo na nung nakita ko nanaman doon iyong apoy.
"Aish!" Nagulat ako noong mapa hilot siya sa sintido niya na parang nagpipigil ng asar o galit.
"B-bakit?" Nauutal na tanong na tanong ko, at napa-atras din ako ng kauntian dahil deadly aura talaga siya. Jusme, Bella! Iligtas mo ako dito.
Ilang minuto din siyang nakatigil lamang hanggang sa nakita ko siyang kumalma. "Tss." Usal niya. "Kasalanan mo ito. Bakit ka sumama kay Kyle, pwede namang sa'kin?" Mahinang dagdag pa niya na halos hindi ko marinig.
"A-ano?" Imbis na sagutin iyong tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin at saka nagsalita.
"This time; from now on, you'll be with me." Noong sabihin niya iyon, kumabog ang puso ko, at hindi ko nanaman alam kung ano iyong matinding emosyon na naramdaman ko.
***
Advertisement
- In Serial9 Chapters
Colourland
Colourland is the story of Crayon, Colourea, Colouruke and Artby. They live together in Colourland and they work for a man named Challenger. They get into fights. The link to my story is here: https://m.webnovel.com/book/colourland_15008946506548905
8 116 - In Serial13 Chapters
Living With Magic
Arthur, a young magician, is struggling with crippling social anxiety. The issue has reached a point where he likely won't graduate from University. Reaching a crossroads, he must decide whether to try and return to a family he despises or make his own path in the world. Is the magical power he has actually beneficial in the real world? Authors Note: I'm terrible at writing a synopsis, but over time I hope to write a better one. One of my favorite series of books is the Magicians by Lev Grossman and I hope to follow that same line of thinking within my story. How would a society built around magic actually exist and is power and magic actually as great as other stories make it out to be? The story and characters will be completely original and I will try to update the story on a regular basis. Also, any feedback would be greatly appreciated.
8 114 - In Serial8 Chapters
Power Rangers: Mythos
The year is 2600. An evil alchemist has poisoned the Morphin' Grid, weakening it and spawning terrible creatures. Gravely wounded, Fae Lockart - the last remaining Power Ranger - builds a device capable of teleportation through the timestream. Five legendary warriors from Rangers-past are chosen to help purify the Grid. However, only three arrive. They must quest to locate their new Morphers and destroy the evil plaguing the very source of their power. With the power of mythological beasts in the palms of their hands, this new team constructed of old blood will have to put aside their differences and save the world.
8 219 - In Serial488 Chapters
Undetermined
Death and Taxes. The two insurpassable laws of the universe. So long as humans exist in this world, these things will remain. However, there is a 3rd law which has always, and will always implement itself on people. Suffering. Reincarnated in a new world, five people are forced to learn this the hard way. Placed on 'Nightmare mode' and being reincarnated as monsters, they are forced to survive under incomprehensible conditions. However it is only through suffering, that we grow as people. And it is only through suffering, that we truly become monsters. "Nightmare mode.... eh? Tell me, what exactly was this mode supposed to mean again? Were our lives supposed to become nightmares?" Without suffering, there is no change in anything. "Or were we supposed to become the nightmares?" This is the story of the antiheroes. [participant in the Royal Road Writathon challenge]
8 334 - In Serial20 Chapters
The Magi Magic Games
The planet of Vextel is home to Mana, an essence that can be harnessed and be used as Magic. Not everybody can use Magic, however. Only people born with Stigmas can wield Magic. People with this unbelievably amazing power are referred to as “Prophets”. Prophets from across the world are gathered into various schools to learn and master their acquired arts. Then the best students from these schools compete as representatives in the annual Magi Magic Games. The winners are then sent to the Zone, to fight other magic users from the planets: Craynax, Skyria, and Oeria. The winner then gets their deepest desire granted by the Beings; all-powerful creatures that created the games, and life. Elenore Magnus, a seventeen-year-old girl, a Prophet, dreams big. She wants to participate in the Zone Games to get her deepest desire granted. What is her deepest desire? To have her brother set free, who has been accused and branded a traitor for supposedly rebelling against the Beings. She wants her brother back and the truth. But first, she must win the Magi Magic Games.
8 82 - In Serial7 Chapters
Krowe's Nest
Caught up in a life of crime and violence, gang leader Krowe must lead his gang to the top of Venus' underworld whilst avoiding the law and a trouble that was searching for him.
8 62

