《My Enchanted Tale》Charm 17 ❀ Sweet Side
Advertisement
Kumpleto na kami at andito na kaming lahat nina Bella, Kyle, Vien, Charlene at Louie sa kakaibang punong ito. Iyong puno na pinag-bagsakan ko dati. "Ready?" Bella queried with the tone of excitement. Natawa naman ako ng marahan doon.
"Ready!" We said in unison, maliban kay Louie. Ano pa bang aasahan mo sa isang iyan? Matapos noon. May inimik si Bella na kung ano at bigla na lamang siyang tila hinigop noong puno pataas.
Sumunod naman si Kyle, Vien at Charlene, hanggang kami na lamang ni Louie ang naiwan.
"Ah. Hehe. Baka gusto mo ikaw muna, Louie?" Pagmamagandang loob ko, kahit medyo natatakot ako sa punong ito na nang-hihigop. Sinamaan naman ako ng tingin ni Louie doon, kaya't napa-irap ako. Asar talaga, hindi ba niya ako maaring pag-bigyan?
"You go first. Recite the spell written in there." Utos nito sa'kin. Kahit kinakabahan pinatatag ko ang loob ko at saka huminga ng malalim at ni-recite iyong sinasabi ni Louie. Matapos kong i-recite iyon, bigla na lamang akong hinigop noong puno.
"Ahh!" Sigaw ko dahil sa paikot-ikot ako dito. Omygosh! Para akong nasa loob ng washing machine at ang bilis ng pwersa. Patuloy ako sa pag-sigaw dahil doon. Naramdam ko din ako ng hilo dahil sa bilis ng pag-ikot.
Hindi nag-tagal sa parang lumagpak ako sa lupa na mayroong mga tuyong dahon. Napahawak ako sa ulo ko, dahil sa pagkahilo. "Agh." Napapikit tuloy ako ng mariin dahil doon. Hindi pa man ako nakakatayo, nagulat na lamang ako noong makita ko sa itaas ko si Louie na pabagsak sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakakilos agad, kaya't ang ending, nasa ibabaw ko na si Louie.
"Ayieee." Omygosh! Andito pala sina Bella! Agad kong naitulak si Louie dahil sa nangyari. Samantalang ang mga kasama namin tuloy ang tukso, maliban kay Kyle.
Inalalayan akong tumayo ni Kyle, dahil nakita niya atang medyo nahihilo pa ako. "Okay ka lang?" He sincerely asked. I nodded silently.
"Aish! Nakakahilo pala talaga iyan." Asar na banggit ko. Samantalang tinawanan lamang nila ako.
Noong medyo naka-get over na ako sa pagkahilo dahil sa portal na iyon. Nag-simula na kaming maglakad. Nauuna si Vien at Charlene paglalakad kasunod nila si Bella at Kyle at narito kami sa likuran ni Louie.
Sa katunayan medyo kinakabahan ako ngayon. Dadaanan kasi namin iyong school ko dati at siguradong oras pa lamang ng pasukan nila kaya't baka makita nila ako. Ano kayang magiging reaksyon nila? Mag-aalala kaya sila sa'kin o di kaya'y kasusuklaman lamang nila ako tulad ng dati. Aish, hindi ko alam.
Advertisement
"Are you alright?" Napalingon ako kay Louie noong tanungin niya ako noon. "Oo, okay lang ako." Pag-sisinungaling ko. Hindi na rin niya ako pinansin at naglakad ulit kami. Hindi nagtagal nakarating kami sa lugar na malapit sa school ko dati. Kitang kita ko ang mga estudyante na papasok pa lamang ng school. Pinilit kong itago ang muka ko dahil doon.
Bakit ba naman kasi dito lamang ang daan upang makapunta kami ng mall dito. Aish. Hiling ko na lamang huwag nila ako mapansin. Ngunit hindi nangyari ang hinihiling ko noong makarating kami sa bandang tapat na ng gate nitong school.
"Si Ayisha iyon hindi ba?"
"Oo nga! Siya yun! Sino mga kasama niya?"
"Gosh! The monster is here!"
Kahit naririnig ko ang mga bulong-bulungan nila ay pinilit kong hindi magpaapekto at bale-walain lamang ito. Hindi ko sila kailangan patulan dahil mga wala silang paki-alam sa buhay ko. Tumingin na lamang ako ng diretso sa daan dahil doon.
Lumapit naman saakin si Bella at sinabing, "Ayisha, wag mo na pansinin." Tumango na lamang ako sa kanya. Naglakad lamang ako at hindi sila binigyan ng tingin man lang, ngunit nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari.
"Aray!" Napasigaw na lamang ako noong mapa-upo ako sa daan dahil sa biglang pananabunot sa'kin ng isang babae. Ang muka nito kilalang kilala ko pa, ito iyong kabilang sa powderpuff girls na lagi na lamang ginulo ang tahimik kong buhay noon.
"How dare you!" Nagulat na lamang ako noong bigla na lamang sumigaw si Bella at sinugod iyong babae. Halata sa muka ni Bella ang pagka-inis dahil sa ginawa noong babaeng iyon sa'kin.
"Serves her right!" Sigaw naman nung babae saakin. Si Bella naman mukang hindi nakapag-pigil at sinabunutan din iyong babae at sinabing, "Wala kang karapatang gawin iyon kay Ayisha!" Hanggang sa nagsabunutan din sila. Argh! Bakit ba naman kasi ang war freak din nitong si Bella.
Ako naman inabutan ng kamay ni Kyle, tatangapin ko na sana kaso, tinabig sya ni Louie. Wala na ko nagawa, at iyon ang tinggap ko. Pagkatayo ko, inawat ko agad si Bella. "Bella, itigil mo 'yan. Tara na hayaan mo na sila," Mahinanong sabi ko sa kanila, lumapit naman si Kyle kay Bella at inilayo ito sa babaeng inaaway niya.
Hindi nagsalita si Bella at padabog na umalis dun, at halata pa din sa ekpresyon ang pagkainis ng sobra dahil sa nangyari, nag-simula na ulit kaming maglakad at umalis doon. Akala ko magiging maayos na ang lahat ngunit---
Advertisement
"Tama na!" Sigaw ko ng sabunutan nung babae si Bella. Tinggal ko agad iyong kamay nung babae sa buhok ni Bella, at ngayon--- "Agh!" Ako naman ang napagdiskitahan at ako ang sinabunutan.
"Ano ba!" Naiinis na sigaw ko, tapos biglang natigil 'yung babae, napatingin ako. Hinawakan ni Louie ang kamay nung babae, at matalim itong tiningnan.
"Touch her once again, and you'll be in hell." Malamig at walang ka-emo-emosyon na sabi nito, nangatog at natigilan iyong babae at dali daling umalis dahil sa ginawa ni Louie.
Si Charlene at Vien naman handa na sana sumugod sa kanila pero pinigilan sila ni Kyle, buti na lang magaling nakiramdam si Kyle, at alam niyang ayaw ko ng gulo. Agad naman akong umuna sa kanila, dahil ayaw ko na ng away, noong mauna akong maglakad naramdaman kong may sumabay sa'kin napatingin ako sa kung sino iyon si Louie pala, akala ko kasi si Bella.
"Bakit hinayaan mo lang sila?" Nagulata ako noong biglang mag-salita si Louie ng napapamulsa. Napataas kilay naman ako sa tinanong niya, ngunit binigyan niya ako ng pamatay niyang tingin kaya't sumagot ako.
"Wala naman kasi ako mapapala kung papatulan ko sila, saka hayaan mo na sila sanay na ko doon. Matagal na silang ganoo---kulang sa pansin, saka nila na sila iyong napapansin na mayroong masamang ugali kaya sila ng nam-bubully, kasi ang lagi nilang pinupuro iyong mas mahina sa kanila." Paliwanag ko sa kaniya.
"You're not weak, actually you are braver than them." Maikling banggit nito napinagtaka ko.
"Huh? Ako? Matapang? Hindi ko nga kaya ipagtanggol ang sarili ko, lagi na lamang kayo ang nagtatanggol sa'kin." Malungkot na sabi ko sa kaniya. Iyon naman kasi ang katotohanan.
"Kapag hindi lumalaban ka lumaban at hindi mo kaya ipagtanggol ang sarili mo, Hindi ibig sabihin noon duwag ka na. You're brave because you're not afraid to face them, at nauunahan ka lang talaga ng iba bago mo pa man ipagtanggol ang sarili mo." Nagulat ako sa haba at meaningful ng sinabi ni Louie sa'kin.
Hinawakan ko iyong noo niya dahil doon, minsan lang talaga makausap ito si Louie ng ganito eh. "Teka nga? Bakit mo hinwakan noo ko?" Takhang tanong niya, habang nakakunit ang noo at nakasimangot.
"Baka kase may lagnat ka. Teka? Wala naman ah." Nagtatakang saad ko. Hindi naman kasi siya mainit.
"At bakit naman magkakaron ako ng lagnat?" Maangas na tanong niya.
"Kase, himala, may kwenta kang kausap ngayon! Ibang klase ka mag-sabi ah, hugot. Pwede ka pa lang matinong kausap." Masayang sabi ko, habang abot tenga ang ngiti ko.
"Ryleen--!" Warning na sigaw niya sa'kin. Huli ka balbon! Haha ang bait ni Louie ngayon. Kakaiba. Hindi mo talaga matimpla ang mood ng isang ito.
"Ano?"
"Alam mo panira ka ng mood." Pinitik niya ako sa noo dahil doon, ngunit tinawanan ko lamang siya. "Tss." Iiling iling na sabi niya, pagkatapos ay bigla niya akong inakbayan. Napataas ang kanang kilay ko doon, ngunit nag-smirk lamang siya. Kaya't tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya. Ngunit ibinalik niya ulit. Aish! Naging pauilit ulit ang ginagawa namin dahil doon. Ang lakas mang-asar. Tch!
"Ang kulit mo!" Natatawang sabi ko. He just gave me a smirk, pagkatapos ay inakbayan ulot ako, imbis na makipagtalo, hinayaan ko na lamang siya.
Pagkatapos ay nagulat ako pagkatapos ay nagulat ako noong ilapit niya nag muka niya sa muka ko at hawakan niya ang pisngi ko. "A-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko. Omg. Sobrang lapit niya!
"May konting sugat ka sa muka kanina kaya ginamot ko." Nakahinga ako ng maluwag doon. Kaya pala may kakaiba rin akong naramdaman sa pisngi ko noong hawakn niya. Marahil galing iyong sugat sa nangyari kahapon noong nagpakita ako ng charm.
"Hoy! Wala ba kayong, balak manghintay dyan ha?!" Napalingon kami parehas ni Louie. Hala? Ang layo na pala namin sa kanila, nauuna kami ng todo.
"Wala talaga." Medyo malakas na asik ni Louie. Eh? "Balak ko solohin si Ryleen, may angal kayo?" Maangas na dugtong pa nito. Omg! Omg! Omg!
Pwede paki-ulit? Hindi joke lang. Haha. Pero, omygosh! Anong sabi niya? Balak niya akong solohin? Omg! Bakit kahit iyon lang ang sinabi niya ang lakas na ng epekto? Hala? Saka bakit lakas niyang maka-announce ng ganoon. Omg! Feeling ko sobrang pula ng muka ko! Damn, Louie.
"Hey, babes, may lagnat ka ba?" Nagtala ako sa tanong saakin ni Louie, sabay lagay ng kamay sa noo ko at lapit ng nilapit niya ang muka ko sa muka niya. Omygosh. Le dies.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Bakit ba kase ang lapit nito?!
"Kase sobrang pula ng muka mo." Plain na sabi niya sabay ngiti saakin at akbay ulit. Napahawak ako sa muka ko. Gosh! Ang pula nga ng muka ko! Ang init kasi e!
***
HAPPY ONE MONTH!!
Advertisement
- In Serial58 Chapters
The War Wolves
If you’re good at something, never do it for free. That’s what Ludgar’s uncle taught him. Sellswording isn’t the most glamorous life, but it pays well if you’re good at it. Interesting as well, if you ignore the very probable possibility of a swift, sticky end at the hands of pointy things. When the mercenary lifestyle grows incompatible with the Kingdom of Evandis, he and his merry band of misfits set off west to seek those with a better proclivity for warfare and with much deeper pockets. At his side: a wandering barbarian who teeters on the edge of savagery, a girl who would have a heart of gold if she didn’t pawn it off to the nearest fence, a wannabe knight who is absolutely overcompensating for something, and the last person in the universe who should be anywhere close to magic. But, as most mercenaries find, the right decisions are quite an expensive luxury, and the wrong ones happen to pay very well. Then again, what are the value of morals to a hungry wolf?
8 219 - In Serial18 Chapters
9 Dragon War God
The greatest scholar [of Dragon God Universe] "Bai Shen" desperate to save her dying child "Long Shen" ( 龍 = Lóng , 神 = Shén) [who was attacked by the "Nether Death Curse"] alters the "WHEEL of SAMSARA" by sacrificing herself, implants her entire wisdom into Long Shen's soul in the form of a Heavenly book & transmigrates the dying boy into a world of Martial Arts where he is reborn as an abandoned new born child rescued by an Old Monk. Long Shen embarks on a Journey to Discover his Destiny / Identity where he meets Princesses who can topple kingdoms with their beauty, Peerless beautiful Saintesses, Godly Maidens & forms bonds of friendship & Love. The Fate of the 9 Heavens hangs in jeopardy as Long Shen fights against destiny to stop the Apocalypse, defies the heavens & alters the destinies of millions in his ascension to GOD HOOD. Will he realize his destiny ? Can he save his mother ? What will happen to the 9 heavens ?
8 226 - In Serial10 Chapters
Word Wise
A war is brewing. These young men, and women, will come of age, and be forced to make decisions, that in turn will make them. Follow their journey, as they leave their names in Lione's history books.
8 144 - In Serial116 Chapters
Animalistic Desires
I do not own the images in this story. What evil lurks in the hearts of most men, or in this case--mythical creatures? Amorous lust, desire, and obsession are what drives these seductively dark mythological beings to possess the reluctant objects of their affections. The human brides they seek belong to them, and only them. They will stop at nothing to make these fair maiden theirs. Even if it means resorting to abduction, seduction, murder, or even disregarding their chosen objects of desire's own free will. Nothing will stop them from claiming the passionate love that they seek.A complication of dark erotic stories of love, desire, passion, obsession, and even horror with supernatural and fantasy elements to fulfill your darkest desires. These seductive monsters are every man's nightmares, and every woman's fantasy. 18 +.Stories may contain trigger Warnings:NudityViolence MurderSexual AssaultAdult Language
8 176 - In Serial11 Chapters
This World Just Got A Whole Lot More Confusing | MCD and MyStreet Crossover
A crossover between MCD and MyStreet. A lot less plot line driven than some of the others I've done. Prepare for Lizzie to earn the catchphrase 'My brain hurts.'Yes, I use Lizzie. Again. Fite me.I do not own any of the characters aside from Lizzie and maybe a few side ones I'll throw in. The rest belong to Aphmau.
8 199 - In Serial24 Chapters
My Lovely Dogs
This is a book I'll be putting cute or weird pics of my 6 dogs in. Names:LightningIsisChewyJazzWaffle Boss(rip)And sometimes Bella.Wendy(someone else now owns her)
8 208

