《My Enchanted Tale》Charm 15 ❀ Twisted Power

Advertisement

Weakness can be your strength, so does my twisted power.

***

Kinakabahan at natataranta na ako ng todo. Hindi gumagana ang charm ko, paulit ulit na iyan lamang ang tumatakbo sa isip ko. Parang gusto ko na ring maiyak dahil sa mga mapapangutyang titig nila sa'kin na akala mo'y nakagawa ako ng isang malaking krimen.

Napahawak na rin ako ng mahigpit sa dalawa kong kamay na nanlalamig at nanginginig. Nakakahiya ako. Nangyayari nanaman ang mga kamalasan ko sa buhay. Pinanghihinaan na rin ako ng loob dahil sa nangyayari.

"Ms. Heartlock?" Napatingin ako dun sa head, mukang naiinip na siya ng todo. Napa-iling iling na din sya. Noong mga pagkakataong iyon, binalot ako ng mas matinding kaba. Nag-hahalo halo ang emosyon sa damdamin ko, at hindi ko na alam kung ano ang pinaka nangingibabaw sa mga iyon.

Parang matatalas na kutsilyo rin ang mga walang kagatol gatol na titig nila. They hate me, they resent me. Napaatras ako ng kauntian dahil doon. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at patatagin ang loob. They don't define me, they don't.

Mukang tumigil din iyong apat sa pagpapanatili noong shield, binababa na kasi nila iyong mga kamay nila. Saka pumanhik iyong head sa stage at nagtanong. "What's happening?" Kalmadong tanong nito sa akin.

"Hindi ko po alam." Mahinang saad ko dito, at saka ako napatungo sa hiya. Ano ba kasing nangyayari? Okay naman ang training ko nitong mga nakaraang araw ah, maayos lahat kaya't nagtataka ako kung bakit may mali ngayon.

"Try again." Sabi niya pagkatapos nagbuntong hininga at bumalik dun sa baba. Nag pwesto ulit iyong apat na parang robot at itinaas ulit iyong mga kamay nila. Senyales na may shield na. Nagbuntong hininga ako. Pinilit ko ang sarili ko na palabasin ang charm ko ngunit walang nangyari.

Ang tagal kong andun na walang magawa, at kasamaang palad. Hindi ko maipakita ang kapangyarihan ko. Unti unti ng umalis iyong mga nanunuod. Pati iyong head mukang disappointed, bigla na ding binababa nung apat iyong kamay nila. Aish! Ano ba kasing nangyayari?

Maya maya, nabato ako sa kinatatayuan ko ng biglang magdilim ang paligid at magkaroon ng sabay sabay na sigawan.

Pinilit ng mata ko ng mag-adjust sa kadiliman, ngunit masyado talangang madilim kaya't sobrang hirap. Ginawa ko ang best ko na kapain ang paligid ko kung mayroong taong papalapit o malapit sa'kin, ngunit wala naman akong maramdaman.

Bakit ba nangyayari ito? Bakit hindi ko magamit ang charm ko? Bakit namatay ang mga ilaw ngayon? Paano ako makakakita sa ganito ka dilim na lugar? Aalis na ba ako sa charm world? Pero may kapangyarihan naman ako ah, iyong fire, fire ang charm ko, isa akong fire charmer at higit sa lahat iyong mata ko nagiging bloody orange na may kakaibang pattern--- t-teka? Tama, tama, iyong mga mata kong iyon.

Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at pinagdikit ang kamay ko, at saka tahimik na bumanggit ng mga salita sa utak ko, at inisip ko rin ang itsura ng mga mata kong iyon. Ilang sandali lamang, nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya. Hindi ko alam pero mabilis akong napa-mulat dahil doon.

Pagkamulat na pagkamulat ko, nagitla ako dahil sa limang tila bilog na may iba't ibang kulay na umiikot sa'kin, ang mga bilog na iyon may iba't-ibang simbolo. Hindi ko alam, pero parang hinigop ako ng enerhiyang iyon, at nagpadala ako.

Hanggang sa unti-unti, pumikit ang mga mata ko ng kusa.

***

Bigla na lamang namatay ang ilaw kaya't nagulat ako. "Hala, hala. Emerald!" Tawag ko sa fairy ko, dahil wala akong makita. Kinabahan din ako ng todo dahil nakikita kong nanghihina si Ayisha, gustong gusto ko na siyang puntahan ng pagkakataong iyon, ngunit hindi ko magawa, para bang may nagsasabi sa isip ko na mag-intay lamang ako.

Advertisement

"Master Bella! Huhu, hindi nagana iyong pixie charm ko. Anong gagawin natin? Nakakatakot ang dilim." Rinig kong banggit ni Emerald.

Nakiramdam ako sa paligid marami pa ding tao malapit sa'kin, marahil ay hindi rin sila makagalaw sa sobrang kadiliman. "Master Bella, try mo gamitin charm mo, pleeeaaasee!" I heard Emerald say, kaya't tumago ako sa kaniya.

Gagawa na sana ako ng light charm, ngunit biglang may maliit na liwanag ang nakapukaw sa pansin ko, at sa stage iyon nanggagaling. Tiningnan kong mabuti ang maliliit na liwanag na iyon, hanggang sa lumawak ang sakop ng liwanag na iyon, at nagulat ako sa nakita ko, hindi lamang ako lahat ng nandito dahil narinig ko ang pag-singhap nila.

Kitang kita sa liwanag at tila projector sa stage ang mga matang kulay dugo na kahel. Kinilabutan ako sa mga matang iyon. Mga matang walang takot, ang mga pares ng mata ng fire god, nakahalintulad ng kay Ayisha. Marahil ay hindi alam ng iba ang itsura ng matang iyon, dahil sa piling charmers lang ang nakakakita sa kanilang gods, ngunit isa ako sa masusuwerteng nakakita doon, at sigurado akong isa rin si Louie sa mga iyon.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko noong pagkakataong iyon, at kasabay pa noon ang biglang paglitaw ng tila mga bilog na may iba't-ibang kulay. Kulay pula, kulay asul, kulay puti, kulay berde, at kulay dilaw. At makikita mo sa limang bilog na iyon ang limang simbolo ng elemental charms, ang apoy, tubig, hangin, lupa, at liwanag.

Nakita kong pumikit si Ayisha, at biglang parang pumasok sa loob niya ang mga bilog na iyon, kaya't nakagawa iyon ng tila parang fireworks, dahil sa liwanag. Namamangha ako sa nakikita ko, ngayon lamang ako nakasaksi ng ganitong bagay.

Ang tahimik ng buong paligid, ngunit alam kong humahanga rin sila sa nakikita nila ngayon. Hindi pa doon natatapos ang lahat, bigla na lamang lumipad si Ayisha sa ere, habang nanatiling nakapikit. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nakikita ko, dala siguro ng excitement at pagkamangha ng sobra.

Nagsimulang magkaroon ng iba't ibang kulay ng parang background, habang nakalutang siya.

Nagkaroon ng matingkad na liwanag na wari mo'y kulay dilaw, sa buhok ni Ayisha. Nagkaroon ng kulay ang buhok nya. Dandahan papababa nagiging matingkad na parang kulay brown na hinaluan ng malamlam na pula ang kulay nito, at pagdating sa dulo, nagkakaroon ito ng kulot. Lahat napa-nganga sa kanilang nasasaksihang pagbabago kay Ayisha. Naging straight kasi ulit ang buhok ni Ayisha noon matapos ang ilang araw, noong mag-salon kami, marahil ay lagi niya kasing pinupusod. Napatitig na lamang ako sa kagandahan ni Ayisha, para siyang manika.

Lumiwanag naman ang buong katawan ni Ayisha, at marahang nag-iba ang sout niya. Isang napaka-puting tela, ang bumalot sa katawan niya. Unti unti rin itong humaba hanggang makarating sa paanan niya. "Wow." Tanging banggit ko, para kasing may nag-tratransform na goddess ngayon.

Nagkaroon ang damit ng makikintab na design. At may pumalibot naman na kulay gold na parang sinturon sa tyan ng damit ni Ayisha, na lalong nagpaganda sa kanya. Grabe, ngumanganga ako ngayon sa nangyayari.

Nanatiling siyang nakapikit at nagliliwanag. Nagkaroon din ang kanyang ankle sa paa ng parang dahon na paikot, na pumapalibot dito. Ang mga kamay niya naman ay nagkaroon din ng ganun. "M-master Bella? Si Master Ayisha ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Emerald, dahil nakatutok lamang ang tingin ko kay Ayisha, napatango na lamang ako.

Ang balikat niya sa likudan ay unti unting nagkakaroon ng ukit. Para itong tattoo na sya lang ang nagtataglay. Nakikita namin iyon, dahil sa projector sa stage.

Bigla namang nagkaroon ng liwanag sa bandang leeg ni Ayisha, at lumikha ito ng isang kwintas, at ang mga nakalagay sa kwintas ay ang simbolo ng limang elemento.

Advertisement

Umilaw ang mga simbolo isa-isa, unang nag-liwanag ang waves o simbolo ng tubig, nagkaroon ng malaking alon ng tubig sa likudan ni Ayisha na parangbackground. Sumunod ang pag-ilaw ng isang dahon sa kwintas, ang simbolo ng earth. Nagkaroon naman ng mala forest background si Ayisha.

Lalong akonh mangha, siguro lalo na iyong ibang nakakasaksi sa nangyayari. Huh! Ano kayo ngayon, ano lalaitin nyo pa si Ayisha? Eh, parang nagtratransform na nga bilang goddess! Patay kayo. Mayabang na isip ko sa sarili ko. Tss. Masyadong malanghusga ang mga charmer na ito. Matulala kayo ngayon.

Umilaw naman ang parang cloud na simbolo, ang simbolo ng hangin, agad namang nagkaroon ng malakas na hangin sa paligid. Matapos noon umilaw naman ang isang simbolo ng apoy, At nagkaroon ng malaking apoy sa likudan niya. Ang huling simbolo na umilaw ay ang bituin, ang simbolo ng liwanag. Noong umilaw ito parang may kung anong liwanag ang sumabog at nagkalat ang mga kakaibang kulay na naglalaglagan na akala mo'y confetti na nailaw.

Umaapaw ang nararamdaman kong saya para kay Ayisha. Omygosh! Elemental Gurdian! Ang nakatakda!

Nagkaroon ng kulay ang kaniyang mga eyelids, humaba ang pilik mata niya, at nagkaroon din ng kulay ang kanyang labi naging mas pula na pinkish ang mga ito. At nagkaroon ng parang face paint ang pisngi nito, habang inuukit ito, nagliliwanag muna ang inuukit nito. Matapos ito...

May parang koronang gawa sa mga bulalaklak ang dandahang bumababa sa ulo ni Ayisha, sabay ng pagpatong ng parang korona sa ulo niya ay pagbubukas ng mga mata niya... at mas lalong kininagulat ko ang ay paglabas ng iba't-ibang kulay dito. Naging kulay dugo na kahel, berde, asul, gold, at gray ito. The rare eyes of the most powerful guardian in the prophecy, the eyes of the gods that symbolizes their guidance and power, and most of all it's the blessed eyes of the chosen one.

Marahan akong napatungo dahil doon. At saka binanggit ang mga katagang... "Hail to the chosen one; hail to the Elemental Guardian." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Marahil ay ako lang ang may alam sa chosen one, at sa ibig sabihin ng matang iyon. Sa katunayan kakaunti lang talaga ang may alam noon. At kahit ako hindi rin sigurado sa meaning ng mga naka-takda. Ang tanging alam ko lang, parte siya ng isang napakahalagang propesiya.

Ang tanging nakakaalam lang ng mga iyon, ay ang mga mismong sinabihan ng god at goddess. So all this time, the light goddess was refering to Ayisha? Grabe! Ang tagal na pala, sana matagal ko ng dinala si Ayisha dito ng sapilitan, de joke lang.

Elemental Guardian. Iyan siguro ang itatawag sa kaniya, dahil iyon ang tawag sa kayang mag-kontrol ng limang elemento. Ngunit ang pagiging nakatakda niya, mananatiling sikerto. Dahil naka-seal ako ng pangako sa Light Goddess na hindi lalabas sa bibig ko o hindi maaring malaman ng iba kahit pa ang mismong Elemental Guardian, ang tungkol sa gagampanan niya sa propesiya.

Kahit katiting lang ang alam ko hindi ko pa din ito maaring ipaalam sa ina. Kahit ang alam ko lang ay nakatakda at wala ng iba, mananatili itong sikreto, ngunit isa lamang ang pinangangambahan ko, ang mapahamak ang kaibigan ko. Sana hinding hindi mangyari iyon.

Pero ngayon, kailangan muna naming mag-saya. Iyong bestfriend ko! Ang lakas ng charm! Party party!

***

Noong pumikit ako. Nakakita ako ng limang tao. Tao nga ba talaga? O dyos at dyosa? Nakatalikod sila mula saakin, unang humarap ay ang lalaking may hawak na tubig, baka siya ang Water god.

Lumapit siya unti unti saakin. "Salamat naman at tinanggap mo na. Ang kapangyarihan ng tubig. Elemental Guardian." Malumanay nabanggit niya, ngunit nagtaka ako. Eh? Ano bang sinasabi niya hindi ko maintindihan. Hindii ba apoy ang charm ko?

"Ano pong sinasabi nyo?" Naguguluhang tanong ko.

Marahan itong tumawa, pagkatapos ay nagsalita din. "Hindi mo parin talaga alam ano?" Syempre! Magtatanong ba ako kung alam ko?

"Ang alin po?" Magalang na tanong ko.

"Ikaw, ikaw ang napili at ikaw ang nakatakda." Hindi ko alam pero, sobrang makahulugan iyong sinabi niya, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam dahil doon. Napili? Nakatakda?

"Po?"

"Maiintindihan mo rin, pagdating ng panahon. Sa ngayon tanggapin mo muna ang kapangyarihan ng tubig, at nasayo na ang aking basbas." Nakangiting sabi nito. Saka niya hinawakan ang kamay ko at ibinigay niya iyong tubig na hawak hawak niya kanina, napakalambot at ang kinis ng kamay nito, nakakagaan ng pakiramdam, matapos noon ngumiti siya at bumalik sa pusisyon nito kanina.

Sunod naman lumapit saakin, ay isang napakagandang babae. Ang amo ng muka nito, higit sa lahat dyosa na dyosa ang dating nito. Kulay green na dress ang suot nya, iyong parang sa mga gubat, pero purong green lamang at may parang dahon sya na gold malapit sa tenga niya (parang sa Greek mythology) lumapit naman siya saakin at nagsalita.

"Lagi mong pairalin ang kabutihan ng puso mo. Nawa'y magtagumpay ka." Matapos niyang sabihin iyon hinaplos niya yung pisngi ko at hinawakan ang kamay ko sabay abot ng isang puting bulaklak, tanging bulaklak lamang ito walang tangkay.

"Nasayo na ang aking basbas--- ang basbas ng kapangyarihan ng lupa." Marahang banggit niya, at sa huling pagkakataon ngumiti sya saka bumalik sa pusisyon niya kanina.

Sunod naman na humarap ay ang isang muling napakagandang babae, napakapayapa ng muka niya, at ang puti niya at may pagkamatapang din ang muka. Pure white ang suot niyang damit hindi ganun kahaba hindi ganun kaiikli. Dandahan siyang lumapit saakin.

Ngumiti muna sya bago mag-salita. "Sana'y magawa mo ng maayos ang responsibilidad mo, mahirap man, sana'y kayanin mo," Napakalumay nyang magsalita. Nakakagaan ng loob parang panatag ka na makakaya mo.

"Gagabayan ka ng hangin, at lagi mo itong kasama at proprotektahan ka. Minsan ka na nitong pinrotektahan noong muntik ka ng malaglag sa building ng rooftop floor noon, sa lakas ng impact noon ng hangin, pati lupa ay na buwal dahil doon."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, hanggang sa maalala ko iyong araw na nakapunta ko sa Moonlight Crescent Garden, iyon yung time na may nagawa akong kakaiba. Ibig sabihin matagal na nasa akin ang kapangyarihan ng hangin?

"Ibig sabihin?--"

"Oo, hindi mo lamang ito agad na tuklasan pero matagal ng na sa'yo yan, bago mo pa man, makuha ang kapangyarihan ng apoy." Ngumiti at tumango na lamang ako sa kanya. Ang tanga ko pala hindi ko man lang naisip yun.

"Dahil matagal mo ng tinggap ang kapangyarihan ng hangin. Basbas na lang ang kailangan. Ngayon ika'y aking binabasbasan na. Nawa'y mapagtagumpayan mo ang lahat ng makakaharap mong problema." Sa lahat ng naka-usap ko sa kanya magaan ang loob ko. Sobrang bait niya. Ngumiti muna sya sa huling pagkakataon saka bumalik sa una niyang pusisyon. Pagkatapos ay lumapit naman sa akin ang lalaking apoy, ang fire god.

"Matagal ko ng binigay ang basbas ko sayo. Sana'y wag mong piliin ang kasamaan. Kabutihan ang lagi mong pairalin. Napaka buti talaga ng puso mo." Ang tapang ng pagkakabanggit niya, ngunit ramdam ko ang sinsiredad at kabaitan doon. I smiled at him.

"Lagi kitang gagabayan tandaan mo yan." Matapos nyang sabihin yun umalis na sya.

Matapos iyon lumapit naman saakin ang isang babae, nakaksilaw sya. Ang liwanag niya Kasi, nguniti sya at hinaplos ang buhok ko. "Mag-ingat ka sa kakambal ko, Ang Dark goddess. Siya ang pina-mahigpit mong kalaban. Mag-ingat ka. Ibinibigay ko na ang basbas ko sayo."

Tapos parang sinabuyan niya ko ng kakaibang kulay ng ilaw. Pumikit ako matapos niyang gawin iyon, at pagkamulat ko, tumambad saakin ang mga charmers dito na manghang mangha ang tingin saakin. Naramdaman ko naman unti unti akong bumaba. Naguguluhan ako sa nangyayari.

Matapos kong bumababa galing sa ere.

Lumuhod iyong head at sinabing, "Give honor to the Elemental Guardian." Tapos sunod sunod lahat lumuhod ang lahat pati na rin sina Bella. Anong nangyayari?

Maglalakad sana ko pababa sa kanila nung naramdaman kong iba na ang suot ko. Hala?! Bakit ganto suot ko? Nagtataka akong nakatingin sa napakatingkad na kulay puting suot ko, at gayun na rin sa mga charmers na naka-luhod na unti unting tumatayo.

Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong nag-ready na yung apat na parang robot na nagkokontrol ng shield.

Hindi alam pero kusang kumilos ang kamay ko, at naglabas ng tubig. Nag concentrate akong mabuti upang hindi ito magwala, dahil ramdam ko kahit nasa akin na ang basbas, hindi ko naman agad agad nakokontrol ito ng basta basta.

Kaya ginawa ko lahat ng makakaya ko. Gumawa ako ng malalaking alon and I protected myself dahil baka mabasa ako. Matapos kong gumawa ng alon, pinatama ko ito sa shield. Napaatraas ang apat na parang robot dahil dun, matapos kong gawin iyon, kusa ng nawala lahat ng tubig. Tapos parang yung paa ko kusang gumalaw, at bawat galaw at lakad ko, lumalabas ang lupa. At itinira ko ito sa shield muli nagkaroon ito ng malakas na impact, causing na matumba yung isa sa apat, at tumalbog pa ito. Mygash! Hindi ko sinasadya yun!

Gumawa naman ako ng tipak ng lupa na merong magkakaibang taas at tinatalunan ko lamang ito. Nung nasa pinakamataas na parte na ko, tumalon ako. Hindi ko alam, kusang nagalaw ang parte ng katawan ko, malamang tinutulungan ako ng gods and goddess ngayon, dahil hindi ko pa itong ganung kontrolado.

Pagkatalon na pagkatalon ko mula sa taas ng stage. Malakas na impact nanaman ang nangyari at biglang natumba yung ikalawa sa apat.

Matapos kong gawin yun, nawala uli ng kusa ang mga tipak ng lupa at parang may kung anong nag-udyok sa katawan ko sundan ang kumpas ng hangin sa stage. Para tuloy akong nagsasayaw. Bawat kumpas ng sayaw ng katawan ko ang pag-lakas ng hangin sa stage, buti na lang may shield dito.

Bumilis ang mga paa ko sa pagsasayaw, hanggang sa makalipad na ako, habang nasa ere ako, umikot ikot ako pero hindi ako naliliyo, at nagkaroon ito ng malakas na air tornado, na bumangga sa lahat ng sides ng shield. Nung una kinabahan ako akala ko kasi tatama sa mga manunuod. Pero andun naman yung invisible shield.

Ramdam ko ang panghihina nung natitirang nagkokontrol ng shield. Dalwa na lang sila.

Pagkababa ko galing sa ere, naglabas naman ako ng malakas na apoy. Pinasayaw ko yung apoy, gamit ang pagsunod nito sa kumpas ng kamay ko, hanggang sa patamain ko ito sa stage. Nakakatakot, ang init na mararamdaman mo ito sa stage buti na lang may shield kung hindi apektado ang ibang charmers, gayunpaman hindi ako naaapektuhan ng init nito.

Matapos ang malakas na impact ng apoy. Hinawakan ko naman ang invisible shield at umilaw ito. At pagka-ilaw nito kitang kita ko ang pagluhod ng dalwang natitirang nagkokontrol ng shield. Para ulit akong nagsasayaw habang parang may naulan ng iba't ibang kulay ng ilaw dito.

Gumawa ako ng isang bilog na ilaw, at ibinato sa shield at...

Sabay na napatalbog ang dalwang natitira at sabay silang natumba. Napakalakas na impact ang nangyari, mabilis na nahagip ng mata ko na mabilis ang naging kilos ni Bella, at nakagawa ng Light shield, nakahinga ako ng maluwag doon, dahil kung hindi nagawa iyon ni Bella, malamang ay talbog na ang lahat ng andito.

Matapos mangyari iyon. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa boung EC Auditorium, kung titingnan mo ang mata ng bawat isa, isang ekspresyon lamang ang makikita mo. Ang pagkamangha. Ngumiti ako, napakasaya ng pakiramdam ko, parang lumakas din ako hindi lamang doble kung hindi limang beses pa. Napatumba ko iyong apat na nagkokontrol o nagmamanage ng shield. Napatumba ko silang lahat. I felt proud of myself.

Siguro sa buhay ko, minsan kailangan kong maging mahina, upang matuklasan ko ang kalakasan ko.

Elemental Guardian? Great responsibilty, yet I'll still accept it with my whole heart.

****

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click