《My Enchanted Tale》Charm 14 ❀ Eyes of Fire
Advertisement
The eyes they possess. Is it a blessing or a curse?
***
Nakarinig ako ng footsteps, at palakpak. Napangiti ako. Pagkatapos ay nakita ko si Louie. Lumapit sya saakin at inakbayan ako."Fast learner huh?" He said while grinning. Narinig ko pa ang marahan na pagtawa niya kaya't mas lumakas ang loob ko sa training.
"Haha. Syempre! Ako pa." Proud na sabi ko sa kaniya, habang naka-ngiti ng sobrang lapad. Pagkatapos ay napatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung namamalik mata lamang ba ako, o nakita ko nanaman ang kakaibang tila parang apoy sa mga mata niya.
"Anong meron sa mga mata mo?" I suddenly asked. Hindi ko namalayang nabanggit ko ang mga salitang iyon, kaya't napatakip ako ng bibig. Dumali nanaman ako, hindi ko nanaman iniintindi ang mga sinasabi ko. Agad akong lumayo sa kaniya dahil doon, nagkaroon nanaman kami ng awkward atmosphere namin.
Napansin kong natigilan siya at saka nagtatakang tiningnan ako. "H-How?" Nauutal na tanong niya. Napaatras naman ako ng marahan doon. Malalim ang pagkakasabi niya, at sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan ako.
"L-Louie." Hindi ko alam ang babanggitin ko ng mga pagkakataong iyon, lalong lalo na noong lapitan niya ako at pabalang na hinawakan sa braso. Parang binalot ang buong sistema ko ng takot lalong lalo na noong mas matitigan ko siya sa mata at mas makita ko doon ang apoy.
"How can you see these eyes?" Mahina ngunit punong puno ng pagtataka at galit na banggit niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil doon. Mabilis din niyang hinablot ang kamay ko, dahilan upang mapigtas ang bracelet ko doon. Mas lalo akong kinilabutan.
"Tell me. Anong nakikita mo." Seryosong bigkas niya sa bawat salita.
Kahit natatakot ay pinilit ko ang sarili kong umimik at sumagot. "A-apoy. K-kulay p-pula." Nauutal na banggit ko. Agad siyang napa-pikit dahil doon, saka siyang mabilis na umalis sa harapan ko. Para akong nabunutan ng tinik noong makalayo siya.
Napa-upo rin ako dahan-dahan sa sahig. Ang mga matang iyon, nakakatakot. Imbis na iyong normal na bilog lamang sa mata ang makikita mo, napapalitan iyon ng hugis apoy, hindi lamang iyon nagiging kulay pula rin ang mata niya. Ibang iba ito sa mga mata niyang normal na kulay brown lamang.
Hindi rin ito katulad ng mga matang nakita ko noon sa'kin, dahil ang matang nakita ko sa sarili ko, ay tanging kulay kahel lamang na may halong pula at kakaibang pattern. Normal na mata pa din kung titingnan iyong mga mata ko noon sa salamin noong umiiyak ako na nagiging fire crystal. Hindi tulad ng mga mata ni Louie na parang hindi na pang-tao. Nangilabot ako lalo dahil sa iniisip ko.
"Cursed eyes of the fire." Agad akong napa-tingin sa kaniya noong bigkasin niya iyon. Hindi siya nakatingin sa'kin at mukang may malalim na iniisip. "Hindi ko alam, kung bakit ako pa ang nagtataglay ng mga matang ito. Mga matang isinumpa." Naramdaman ko agad ang galit niya, sa mga katagang iyon.
"Sumpa?" Takhang tanong ko.
"Nag-iiba ang mga mata ko kapag may nararamdaman akong overwhelming emotions. Sobrang saya, sobrang galit, sobrang pag-aalala. Lahat ng sobra. Pag nag-iba ang mga mata ko, para akong nakukulong sa sarili kong apoy, hindi ko ito ma-kontrol. Ngunit noon iyon, nagagawa ko na itong kontrolin ngayon, ngunit hindi pa perpekto. Kapag nagbabago ang mga mata ko, may tendency pa din na makasakit ako, dahil hindi ko makontrol ang sarili kong kapangyarihan, higit sa lahat may tendency din na makapatay ako, maliit na tyansa na lamang iyon sa pagkakataong ito, hindi tulad dati. That's why it's cursed it can kill anyone intentional or not. Sa ngayon naman, kahit nag-babago siya, hindi na ganung umeepkto ang sumpa. Kaya kahit papaano, kapag sumosobra ang nararamdaman ko nagbabago lamang ito, at hindi ako nakakasakit o nakakapatay." Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam sa sarili ko pero imbis na matakot at layuan ko siya, lumapit pa ako sa kaniya.
Advertisement
Noong makalapit ako nag-alinlangan pa ako. Pero nilakasan ko ang loob ko at umupo katabi siya. "Dalawang beses ko na nakita ang mga matang iyan. Noong una ay noong nagising ako ng umiiyak, at saka ngayon. Nakakaramdam ka ba ng sobrang emosyon ngayon?" I asked.
Napa-lihis siya ng tingin dahil doon. "H-hindi. A-ano bang pinagsasabi mo?" Halata sa boses niya ang pag-kailang dahil doon. Gusto ko sana siyang tuksuhin dahil sa response niya. Ngunit natakot ako ng kauntian dahil baka mapasobra naman ang inis niya sa'kin.
"Tss. Nag-alala at sobrang nataranta siguro ako noong makita kang umiiyak. Ewan ko ba. Tss. Normal naman sa'kin na kontrolin ang emosyon ko. Hindi ko alam pero kapag ikaw ang kasama ko, lumalabas ito ng kusa. Tsk." Hindi ko mapagilan na mapatawa ng marahan dahil sa sinabi niya. Halata naman kasing nakakaya niyang kontrolin minsan ang sarili niya, napaka calm and collected kasi.
"Eh, ngayon? Bakit lumabas ang mga matang iyan?" Tanong ko ulit. Nakarinig ako ng famous niyang 'tss.' At saka niya ako sinamaan ng tingin. Napa-taas naman ako ng kamay dahil doon. Oo nga pala, hindi kami close. Baka sabihin nito ang echos ko.
Ngumiti na lang ako ng pilit. "Hehe. Joke lang. Baka kasi sobrang nainis ka lang sa'kin. O siya, hindi na ako magtatanong sa mga matang iyan. Pero, hindi nga. Ang ganda nan. Nakaka-akit." Nahihiyang banggit ko sa kaniya. Nahagip ko naman ang pagtataka sa muka niya na tila hindi makapaniwala na nagandahan ako sa mga mata iyon, imbis na matakot.
Tumayo ako para i-collect ang sarili ko, dahil kailangan ko pa nga pala mag-training. Nag-lalakad na ako noong marinig ko si Louie na mag-salita. "How come, nanakikita mo ang mga mata kong ito?" Wika niya.
Agad naman akong napaharap sa kaniya ng nagtataka. "Ano?" Tanong ko.
"When I was a child. I met the fire god, and he gave me a spell, so that no one can ever see my eyes when it ablaze." Napatigila ko panandalian dahil sa sinabi niya. Paano ko nga ba nakikita?
"Walang nakaka-alam na mayroon akong cursed eyes of the fire. Dahil isa lamang itong myth dito sa charm world besides my family, little did charm world know, I possess it." Malamlam na banggit nito.
"Pangako, mananatili itong sikreto." I said as I gave him my genuine smile. "Kung paano ko naman nakikita? Maybe because... I possess these eyes..." Pumikit ako at nag-simulang mag-concentrate. Inisip ko na magiging kulay kahel ulit ang mga mata ko. Hindi ko alam, kungbakit ko ito ginagawa pero, gusto ko lamang ipakita sa kaniya, na hindi siya nag-iisa dahil mayroon din akong taglay na kakaibang mata.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko matapos ang sandaling konsentrasyon. Noong maimulat ko iyon, agad siyang nabato sa kinatatayuan niya. Nanatili siyang nakatitig sa'kin ng masinsinan. Napa-awang din ang mga labi niya.
"T-Those eyes." Nauutal nabanggit niya habang nakatitig sa'kin. Ngumiti lamang ako sa kaniya at pumikit ulit. Saka ko naramdaman nabumalik na sa dati ang mga mata ko.
We both have peculiar eyes, his eyes are cursed. How about mine?
***
Nag-simula na akong mag-training sa tulong ni Louie. Matapos ang nangyari kanina, at matapos naming makita ang mga kakaibang mata ng isa't-isa, hindi na namin pinag-usapan iyon. Marahil hindi kami parehas komportable sa usapang iyon, kaya't hinayaan na lamang namin.
Kanina niya pa din ako tinuturuan ng iba't-ibang techniques at mga guides. Minsan nga, nasusugatan ako kaya't nagagalit siya ng kauntian at wala siyang magawa kundi gamutin ako gamit ang healing fire.
Advertisement
Hindi rin maiwasan na sumigaw siya dahil sa mga pag-kakamali ko. Kahit ganun, alam kong hindi pa siya sumosobra sa emosyon dahil hindi ko pa ulit na kikita ang mga kakaibang mata niya. Hanga ako sa galing niyang mag-kontrol sa sarili. Siguro simula bata pa lamang siya, ganoon na ang ginagawa niya upang hindi siya makasakit at iba pa.
Patuloy pa rin akong gumagawa ng mga iba't-ibang armas para sa apoy, para sa atake. Mga fire balls, blades, force, waves at iba pa. At halos kalahati sa lahat ng iyon palpak. Lagi kasi akong nasusugatan at napapaso, kaya't nagagalit sa'kin si Louie. Halata ang pag-titimpi niya dahil doon.
Nag-try pa ako ng nag-try hanggang sa kahit papaano, nagagawa ko ng ang mga bagay na iyon. Ngunit hindi ko talaga maprotektahan ang sarili ko sa apoy.
"Have a rest." Napalingon ako kay Louie noong marinig ko siya, napa-hilot nanaman siya sa sintido dahil doon. Ang gwapo nanaman. Kaya siguro ganan ang gawain niya ay para makontrol niya ang emosyon niya. Matapos niyang sabihin iyon ay pumunta na ako sa isang gilid at tila may pinindot sa pader kaya't gumawa iyon ng isang upuan.
Nakakapagod ng sobra, akala ko magiging madali ito pero hindi pala ganun kadali, meron mang madali ko natututunan pero, meron din namang na sobra akong hihirapan. Kakayanin ko kaya sa araw na ipapakita ko na sa lahat ang kaya kong gawin? Kinakabahan na ako.
Maya maya parang may lumapit sa'kin kaya't napatingin ako sa kung sino iyon. Si Louie, pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko ay inilagay doon ang mga beads. Ah, iyong napatid na bracelet ko kanina. Napabuntong hininga ako dahil doon. Binili pa kasi sa'kin iyon nila papa noon, ngunit naoatid na ngayon.
Hindi siya nag-salita matapos niyang ibigay iyon, at naglakad papalayo. Napatitig na lamang ako sa mga piraso noong bracelet. Mukang hindi ko na maayos ito. Itatabi ko na lamang itong natirang piraso.
Nakatulala lamang ako noong bigla na lamang may magsalita sa harapan ko, kaya't natauhan ako.
"Here." Napatingala naman ako sa biglang umimik, akala ko si Louie.
"Kyle?" Si Kyle pala. Napalingon ako sa dako ni Louie, at andun siya mukang nag-papahinga. Composed at collected pa din gaya ng dati.
"Kamusta training Ayisha? Lunch na kasi hindi pa kita nakita sa cafeteria kaya baka hindi ka pa kumakain, kaya't ito nagdala ko para sayo." Nakangiting sabi niya, sabay abot saakin g dala niyang packed lunch. Baka pinapack niya sa cafeteria.
"Hmm. Ang bago naman nito!" Masayang sabi ko, gutom na rin kasi ako. Kakatuwa naman si Kyle! Dinalhan pa niya ako ng pagkain dito. Sweet! Si Bella din kaya, dinadalhan niya ng ganito?
"Pwede sumabay na ko sayo dito? Pagkain?" Tanong pa niya. Agad naman akong tumango dahil doon.
"Oo naman!" Dugtong na sagot ko pa, dahil na rin kanina pa ko pagod at gutom dito, hindi na ako tumanggi sa kaniya. Saka ko pinindot ulit iyong parang manual menu sa pader para magkaroon ng upuan at table dito.
Umupo nakaming dalawa ni Kyle doon. Kakain na sana ako noong bigla na lamang may sumigaw. "Ayisha!" Napalingon ako sa pinto nakita ko si Bella.
"Bella!" Kaway ko sa kaniya.
"Ay sayang!" Agad niyang sabi noong makalapit siya saamin ni Kyle. Nagtaka naman ako kungbakit sayang ang sinabi niya.
"Dinalhan kita ng lunch, iyon pala meron na," Naka-pout na sabi niya. Napatawa naman ako ng marahan doon. Oo nga, sayang. Agad naman akong napalingon noon kay Louie na nasa isang dulo. Tatawagin ko sana siya, ngunit naunahan ako ni Bella.
"Ah! Louie!" Sigaw ni Bella. Agad namang tumingin sa direction namin si Louie.
"Sayo na lang ito! Dapat kay Ayisha ito eh!" Tapos lumapit naman si Bella kay Louie at binigay yung lunch na dala niya. "Tss." Tangging banggit nito saka tiningnan ng masama si Bella. Hindi naman nagpaawat si Bella at hinila niya si Louie papalapit sa table kung nasaan kami ni Kyle.
Magkatabi si Bella at Louie, at kami ni Kyle ang magkatabi, pero katapatan ko si Louie, at katapatan ni Kyle si Bella.
"Ayisha eto pa oh." Medyo nabigla ako noong bigla na lamang akong abutan ni Kyle ng pag-kain. Napatingin naman sina Bella dahil sa ginawa niya. Ngumiti na lamang ako sa kaniya. Para kasing ang awkward. Alam ko naman na may gusto si Bella kay Kyle pagkatapos ako pa itong inaasikaso ni Kyle, idagdag mo pa ang masamang tingin ni Louie. Agh.
"Ryleen, hindi ba, hindi ka nakain nan?" Nagulat ako noong biglang sabihin iyon ni Louie. Huh? Nakain naman ako nito ah. Tapos bigla pa siyang tumingin saakin ng masama with death glare. Bigla akong kinabahan sa tingin na iyon, baka mamaya makita ko nanaman iyong cursed eyes niya. Wala naman akong ginawang masama. Bakit kaya ganito makatingin ang isang ito?
"Pasensya na pero hindi nga ako nakain nito, tama si Louie." Nahihiyang banggit ko kay Kyle. Tama na rin siguro itong maki-agree ako kay Louie, baka magselos si Bella. Saka nahihiya rin ako sa kinikilos ni Kyle.
Namayani ang katahimikan habang kumakain kami. Noong matapos iyon tumayo si Louie, at saka walang ganang nag-salita. "Pwede na kayo umalis, mag-tra-training pa si Ryleen."
Sobrang tahimik nung nakain kami.
"Ah ganun ba? Sige, Louie at Ayisha una na kami." Nakangiting sabi ni ni Bella tapos nagsimila na silang maglakad paalis ni Kyle. "Bye, Ayisha." Nag-wave ng hand saakin si Kyle, pakatapos ay ngumiti, nakita ko nanaman ang kyot na kyot niyang dimples. Ang simple at ang amo ng muka ni Kyle, pero kapag nakikita ko talaga iyong dimples na iyon, natutuwa ako. Nakakainggit.
Nag-si ula ulit kaming mag-training. Sinasabihan niya pa din ako ng mga gagawin at minsan naiinis siya dahil hindi ko ito makuha.
"Repeat it."
"Again."
"Fuck, be careful."
"Idiot. Do it again."
"Ryleen, be serious!"
Nakakaiyak itong si Louie, seryoso naman ako. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan minsan dahil natataranta ako. Paulit-ulit ang nangyari, kapag nagsusugatan ako ginagamot niya ako, pagkatapos gagawa ulit ako ng iba't-ibang fire attacks. Nakakapagod din, ngunit pinilit kong hindi sumuko dahil para sa'kin ito. Hindi namin namalayan ni Louie ang oras ng mga pagkakataong iyon, hanggang sa palabasin na kami sa training room ng isang voice command, kaya't umalis na rin kami.
Napabuntong hininga na lamang ako matapos noon. 6 na araw na lamang ang natitira, bago ko ipakita sa lahat ang charm ko. Sana sa araw na iyon, maayos ko na itong nakokontrol.
***
The next day
Hindi na kami nag-aksaya ng oras noong makarating ako sa training room. Sinimulan agad namin ang training, palapit na kasi ng palapit ang araw, pagkatapos kapag gumagawa ako ng malalaking apoy, nagwawala ito at nasusugatan ako, minsan nga nakikita ko nanghihina na rin si Louie dahil na rin siguro, lagi niya akong ginagamot.
Ngayon, nagawa ako ng shield, tinuruan niya ako kanina kung paano gawin iyon, kaya't ginagawa ko ang best ko upang magawa ko iyon ng maayos at hindi ako ganung nasasaktan. Ang tagal ko ring ginagawa iyon, at matapos ang ilang trials at fails.
"Yes!" Napasigaw ako sa tuwa, dahil sa wakas nagawa ko na rin sya, iyong shield ng maayos.
Lumingon naman ako kay Louie at mukang nakahinga siya ng maluwag at napangiti na lamang.
"Sa wakas na gawa mo din. Next try to make a bigger fire that you can control." Agad napabagsak ang braso ko dahil sa sinabi ni Louie. Sa technique na ito ako pinaka nahihirapan at kinakabahan, ito kasi ang pinaka-kahinaan ko.
Pilit ko parin ni-labanan kahinaan ko at gumawa ako ng apoy dandahan, at ginawa ko rin itong palaki ng palaki. Hirap na hirap akong kontrolin ito. Ramdam na ramdam ko iyong malakas na force, ramdam na ramdam ko iyong urge na gusto mag-wala ng apoy na ito.
Hanggang sa hindi ko na makontrol!
"Louie!" Bigla itong nagwala at ang hirap nitong iwasan sapangkat malaki. Muntik na si Louie pero naiwasan niya ito. Ngayon papunta ito sa direction ko.
"Ahh!" Ang tanga ko hindi ko nanaman alam ang gagawin ko. Higit sa lahat, hindi nanaman ako makalikos sa kinatatayuan ko. Ang bilis ng pangyayari... Ang sakit ng buong katawan ko, ng tumama iying apoy saakin. Nanghihina na ako.
"Ryleen!"
Hindi ko alam sa pagkakataong iyon, naging malabo ang paligid, hanggang sa nag-dilim na ang lahat. Ngunit isa lamang ang nasa isip ko ng pag-kakataong iyon. Nasayang nanaman ang isang araw sa training ko.
***
3 days later.
"Yes!" Napa talon ako sa sobrang tuwa, kasi sa wakas nakagawa ako ng malaking apoy na nakokontrol ko na! Salamat naman kasi simula noong napunta nanaman ako sa clinic matapos akong tamaan ng malaking apoy na ginagawa ko, ginawa ko na ang best ko uoang hindi na iyon maulit. Sa susunod din na araw gaganapin ang pag-papakita ko ng charm ko sa arena o audi dito. Kinakabahan na ako.
"Good." Kahit papaano napangiti ako dahil sa sinabi ni Louie. Pagkatapos noon, agad pa siyang magturo ng mga kakaibang spells at technique, sinusundan ko naman ang ginagawa at pinapagawa niya.
"Now, you must protect yourself from fire." Noong banggitin niya iyon kinabahan agad ako. Marahan akong tumago sa kaniya, kailangan kong gawin ito, para makumpleto ang training, hindi naman ako pwede mag-perform at pagkatapos ay marami akong sugat at galos pagkatapos.
"Kailangan protektahan mo ang sarili mo sa apoy na nangagagaling din mula sayo. Para naman hindi ka na nasusugatan." Malumanay na banggit niya.
Tumango ako sa kanya at nagtanong. "Paano ko gagawin iyon?"
"Concentration. Isipin mo na hindi ka matatablan ng apoy, at hindi ka nito, masasaktan pang muli, dahil sayo naman ang apoy na iyan, magkakampi kayo, hindi magkalaban."
Umupo na ulit ako sa sahig dito at nagsimulang mag concentrate.
Ilang sandali pa nakaramdam ako ng mainit na pakiramdam, parang nakakulong ako sa apoy. Iminulat ko ang aking mga mata at nasa isang maapoy na lugar ako. Hindi ko akalain na ganun kabilis ang pangyayari, na andito na lang ako bigla sa isang kakaiba at maapoy na lugar.
Inilibot ko ang paningin ko sa lugar, puro bulkan, magma, apoy, crack ng lupa na parang may lava at napaka-init dito, biglang namawis ang noo ko dahil sa nangyari. Naglakadlakad ako, hanggang sa bigla na lang ako atakihin ng mga apoy dito.
Agad akong tumakbo, ngunit sinusundan nila ko, wala na akong nagawa kung hindi lumaban.
Naghagis ako ng mga kung ano anong technique dito, at sumasabog naman ito, kapag natitira ko pero kahit marami ng nawalang apoy, patuloy parin itong nadadagdagan. Parami ito ng parami, hanggang sa pinalibutan na ko ng mga ito.
Noong palibutan ako ng mga iyon pang isang segundo, sabay sabay silang sumugod saakin, wala akong lusot. Subalit, mabilis akong naka-isip ng paraan, at nakagawa ng way upang hindi ako matamaan ng mga ito.
Lumipad ako at mabilis akong narining ng malakas na pagsabog sa ibaba ko. Napangiti ako dahil doon, ngunit panandalian lamang iyon, dahil halos malaglag ang puso ko sa sa sobrang kaba noong ma-out of balance ako. Hindi ko kabisado ang technique na ito, ginawa ko lamang ito, dahil nakita ko ito kay Louie noon.
Bumababa na ako matapos noon, akala ko tapos na pero, sinugod nanaman ako ng mga apoy na tila may sariling buhay o may nagkokontrol sa kanila. Fire blades naman ang sumugod saakin. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para iwasan ito.
"Ouch!" Nadaplisan ako sa muka ko. Naramdaman ko ang pagtulo dugo dito. Ilang saglit pa nagsimula nanaman sila sa pag-sugod. Kaya gumawa ako ng fire shield, upang protektahan ang sarili ko.MAng dami at ang bibilis ng apoy dito. At duguan na ko at naghihina na. Sa bibilis ng mag apoy, minsan hindi ko na ito napapansin. Hinanghina na ako.
Napaupo ako dahil sa pagod. Mabuti na lang at tapos na sumugod ang mga apoy na iyon. Nakahinga na ako ng maluwag dahil doon. Akala ko tapos na ang lahat, ngunit nakarinig ako ng tila parang ungol ng isang mabangis na hayop. Agad binalot ng kaba at takot ang buong sistema ko.
Advertisement
The Moth Princess
A Moth Princess who spent eight years as a captive is rescued by a Templar Knight. She emerges into the world as a clueless adult and is thrust into dangerous situations she has little control over. Can a fifteen-year-old in a twenty-year-old's body learn to control the situations that unfold around her?
8 263For The Right Price
Follow the adventures of Jack, the aloof, carefree and highly sarcastic bounty hunter and his buddy, the all-serious, all knowing Spike, in their adventures as bounty hunters for The People's Federation, a multi-billion dollar corporation specializing in the finding and retrieval of the missing spouses and runaway mistresses of the 1%. If you have a problem, and the money to solve it, The People's Federation has the solution. Completely discreet, completely effective.
8 159Close friends
"Keep trying me and imma put a cap in yo ass""You love me so I'd like to see you try"-Post daily-
8 91There love could never be Camilo Madrigal x reader
A new Encanto happend to the family Madrigals. A mistery girl transported threw Camilo's door. The Madrigals are cleuless why she is here. She knows alot about them. Mirabel and Camilo wants to help Y/n to find out what happend to her. Y/n finds out she has powers her own but she struggels to control it. She feels like she is going mad. With Camilo, Pepa and Dolores on her side they try there best to help her. Pepa can show her how to control her powers. Dolores can show her some tips and tricks on how to use it.What secrets does her past hold? Was there another magical family she is related to that the Madrigals didin't even know?Why did Casita choose her and give her these gifts?Why is she here and why does it had to be her?"Everything changed because of YOU."Is it possible to get her back to her universe? It's worse to get stuck in a Disney movie but even more to fall in love with a special person...Highest ranking:66 in Camiloxreader
8 327Being The Bad Boy's Possession
If you're reading this its too lat-Thank you so much! :)
8 205*morsmordre* - [hermionexdraco]
- 𝗧𝘄𝗼 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗮𝘁𝘁𝗹𝗲 𝗼𝗳 𝗛𝗼𝗴𝘄𝗮𝗿𝘁𝘀. 𝗩𝗼𝗹𝗱𝗲𝗺𝗼𝗿𝘁 𝘄𝗶𝗻𝘀. 𝗗𝗿𝗮𝗰𝗼 𝗠𝗮𝗹𝗳𝗼𝘆, 𝗮𝘀 𝗵𝗶𝘀 𝗵𝗲𝗮𝗱 𝗗𝗲𝗮𝘁𝗵 𝗘𝗮𝘁𝗲𝗿 𝗱𝗲𝗰𝗶𝗱𝗲𝘀 𝘁𝗼 𝘀𝗮𝘃𝗲 𝗛𝗲𝗿𝗺𝗶𝗼𝗻𝗲 𝗚𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿 𝗵𝗶𝘀 𝗺𝗼𝗿𝘁𝗮𝗹 𝗲𝗻𝗲𝗺𝘆, 𝘄𝗲𝗹𝗹, 𝗳𝗼𝗿𝗺𝗲𝗿 𝗺𝗼𝗿𝘁𝗮𝗹 𝗲𝗻𝗲𝗺𝘆. -- 4 in dracoandhermione -- 78 in deathlyhallows - - 683 in dramione - - i don't own any of the characters -
8 97