《My Enchanted Tale》Charm 13 ❀ Training

Advertisement

Training fire.

***

"Be serious. Your true training will start now." Halos kumawala sa loob ng dibdib ko iyong puso ko, grabe kasi ang lamig at pagbabanta sa boses ni Louie. Napalunok na lamang ako, mukang mag-sisimula na nga ang tunay na training.

Pakiramdam ko tuloy ang laki ng galit nito sa'kin, kakaiba kasi maka-titig. Nakakapanghina. Hindi man lang ba siya natutuwa na parehas kami ng charm? Baka hindi nga, sabagay kailan pa sumaya ang lalaking ito ng dahil sa'kin o mga nagagawa ko, lagi lang naman siyang aburido o di kaya'y gusto lang ako pag-tripan.

Naglakad siya papunta sa gitna nitong malaki at walang ka-gamit gamit na training room, puno lamang ito ng espasyo, at ang mga walls ay tila isang 3D objects, maliwanag din ang ilaw dito, halatang high tech na high tech para sa training.

"Maglabas ka ng apoy." Halos mapatalon ako noong marinig ko ang baritonong boses niya, kaya't nag-pasya akong maging alerto mamaya kung ano pa gawin nito sa'kin. Baka sunugin ako ng tuluyan. Which is kung magagawa niya nga, kasi fire charm din ang hawak ko. Pero may pagka-masama ugali ng lalaking ito, hindi na ako magtataka kung may paso ako pagnagkataon.

Tumango ako sa kaniya bilang tugon, at nagsimulang mag-concentrate. Marahan ko ring iginalaw ang mga kamay ko upang mas makatulong, dahil doon unti unti nakapaglabas ako ng isang apoy, napangiti agad ako dahil doon, ngunit mabilis na wala ang ngiting iyon sa labi ko noong...

"Louie, ilag!" Agad na sigaw ko dahil bigla nag-wala yung maliit na fire ball at hindi ko ito nakontrol kaya't pumunta sa direksyon ni Louie, buti na lamang at mabilis kumilos si Louie at naiwasan niya ito agad.

"Wooh! Muntik na yun!" Kabadong sabi ko, tumingin naman siya saakin ng masama, napa-atras ako ng kauntian dahil doon.

"Can you be more careful?" Mahinang tanong niya. Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag noong iyon ang sabihin niya, akala ko kasi papagalitan o kung ano ano nanamang isusumbat niya sa'kin.

"Ulitin mo, concentrate more." Tipid na wika nito, kaya't napabuntong hininga ako, saka ko sinimulang gumawa ulit ng fire ball, dahan-dahan kong ginawa ito, nararamdaman ko talaga iying malakas na force na gusto nitong makawala sa'kin, pinilit ko ang sarili ko na kontrolin ito, dahil sa'kin nagmumula ito.

"It's your fire, your flame, your charm. Ikaw at ikaw lamang ang makaka-kontrol niyan." Malumanay na pahayag niya, habang pinapanuod ako na pilit na kinokontrol ang ginawa kong apoy. Dahil sa sinabi niya, mas ginawa ko ang kailangan kong gawin upang makontrol ito, kahit mahirap.

"Go on, control it, it's yours." Dugtong pa niya, habang marahan niya akong iniikutan sa kinatatayuan ko ngunit may kalakihang distansya kaming agwat.

"See if you can, manipulate it." He said, kaya kahit ramdam ko pa din ang force dito, ay tinesting ko itong pagalawin, pero dahil sa hindi ko ito ma-kontrol nag-wala nanaman ito ng kusa, at nabigo nanaman ako sa pag-kontrol nito.

Advertisement

Bigla na lamang ulit itong lumipad papunta kay Louie, mabuti at mabilis niya ulit itong nailagan. Dahil sa nangyari death glare ang natanggap ko sa kaniya. "Sorry." Mahinang usal ko. Napa-'tss' naman siya dahil doon.

Matapos pa noon, ay maingat siyang lumapit sa'kin na pinagtaka ko. Halos mapa-takbo pa ako sa kinatatayuan ko dahil doon. Ngunit nagulat ako noong parang mapa-iwas siya ng tingin sa'kin noong makalapit siya.

"Ryleen you're so stupid. Kahit sayo naggagaling iyang apoy na iyan. Magkakasugat at magkakasugat ka parin." Iwas tingin na banggit nito na parang pinatapang pa iyong noses, ngunit kahit ganoon mas naramdaman ko ang pag-aalala doon. Biglang lumambot ang puso ko dahil sa inakto niya, kahit pa may pa 'Ryleen you're so stupid' pa siya.

Ilang saglit kaming nakatingin sa isa't-isa, pero agad niyang binawi ang tingin niya. Na-ilang ako dahil doon. Lalayo na sana ako, ngunit hinawakan niya ako sa braso, kaya't napa-ngiwi ako noong may maramdaman akong hapdi doon.

Iiling iling niya iyong pinag-masdan. May burn kasi doon, marahil ay dahil sa pagwawala noong apoy sa posisyon ko, bago pumunta sa direksyon ni Louie.

"A-aray." Mahinang banggit ko sa kaniya, dahil medyo humigpit ang pagkakahawak niya doon.

"Tss. May sugat ka agad. Paano pa kaya mamaya." Disappointed na wika niya, pagkatapos ay hinila niya ako.

"Dahan-dahan, maskit kaya!" Alma ko sa kaniya. Ngunit hindi niya ako pinansin. Hanggang sa may pinindot siyang button sa wall. At ang nangyari parang naglabas ng bench iyong pader. Hindi na ako namangha dahil ganito naman iyon dati pa. Medyo nasanay na ako.

"Akin na yan." Malumanay na sabi nito pagkatapos hinila niya ako pa-upo sa tabi niya. Matapos noo nag-labas siya ng apoy sa kamay niya, pero nag-iba kulay nito, kulay puti ito.

"Oy! Oy! Baka lalo--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko, noong tingnan niya ako ng masama kaya't natahimik ako.

"It's healing fire, idiot." Walang ganang tugon niya, ilalapit na niya saakin iyong apoy, medyo kabado ako dahil baka masunog lang iyong balat ko. Subalit, hindi nangyari iyon, bagkus parang malamig na cotton ang dumampi sa'kin. Ang gaan noon sa pakiramdam, kaya't napangiti ako.

Maya maya lang nawala na iyong apoy.

"Okay na iyan, hindi naman ganun kalala." He said mellowly, saka siya tumayo. Napangiti ako ng palihim dahil doon. Itong lalaking ito kahit aangas angas at ayaw ipakita na nag-ca-care siya, nararamdaman ko pa din. Ibang klase.

"Paano mo nagawa iyong healing fire?" I asked curiously, para kasing ang cool noon, at ang gandang gamitin, lalong lalo na healing iyon, para kahit masugatan ulit ako maari ko na rin itong magamit.

"You'll learn it, after you learn the basics." He simply retorted, I nodded in delight.

"Now, simulan at ayusin mo na ulit ang ginagawa mo kanina." He said plainly.

"Yes! Sir!" Nakangiting sagot ko. Bigla tuloy akong sumaya at ginanahan.

Nagsimula ako gumawa ng apy, dandahan, unti unti, concentrate, concentrate! Woah! Okay na sana, kaso--- palpak nanaman, paano ba naman kasi, edi okay na, kaso biglang lumiit at nawala. Pffttt.

Advertisement

Epic fail!

"Ryleen." Agad akongnapalingon kay Louie noong banggitin niya ang pangalan ko. "Tss. Never mind." Eh? Ibang klase, tatawagin ako pagkatapos biglang walana lang daw. Tsk. Ano kaya iyon?

Wala na siyang sinabi noon, kaya't umupo ako.

"Bakit umupo?" Waanb kagana-ganang tanong niya. Napa-irap naman ako ng kauntian doon. Wala lang tri ko lang, symere joke lang. Haha. Nag-upo ako, para mas concentrated ako.

"Basta, mag concentrate ako. Huwag kang maingay." I retorted plainly.

"Ryleen---"

"Sabi mo ako lang ang makakagawa nito. Hayaan mo ako, in my own way, I can." Seryosong sabi ko sa kaniya. Mukang na gets at nirespeto niya naman iyong sinabi ko kaya't, tumahimik na sya. Ako naman nag-simula na mag-concentrate.

Pumikit ako at nag-Indian seat. Pinakalma ko ang sarili ko, at ginawa ang lahat ng makakaya ko upang maging nasa komportable at maayos na pusisyon at ganun din ang sistema ko. Matapos kong gawin iyon, nagsalita ako ng isang spell.

"Et uoco deus ignis. Me ducens, monstrate, tua vera pulchritudo." Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon, naramdaman ko nanaman ang isang malakas na pwersa na parang humihigop sa'kin. Hinayaan ko ang sarili ko na dalahin noon.

Nabasa ko ang spell na iyan dati sa library. Ginagamit daw iyan para maka-usap ang mga gods at goddess. Ilang saglit pa tila nawala ang pwersang humihigop sa'kin, at nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Nanatili akong nakapikit hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.

"Ayisha."

Matapang ngunit tila mahinahn na tawag ng isang boses lalaki. Nag-mulat ako, pagkamulat ko nasa isang maapoy na lugar na ko. At may nakita akong lalaki na parang nag-aapoy ang buong katawan. Humarap siya at lumapit saakin.

Natulala ako noong makita ko siya, lalong lalo na ang mga mata niya. Ang matang iyon, kagaya ng naging itsura ng mata ko noong lumabas ang kapangyarihan ko.

"Sa wakas! Tinanggap mo din ang paanyaya ko." Nawala bigla ang iniisip ko, dahil sa malakas na pag-sigaw niya na tila ang saya saya.

"Po?" Takang tanong ko.

"Tinanggap mo na ang elemento ng apoy! Salamat." Nakangiting wika niya. Nakatingin lang ako sa kanya inuunawa ang mga sinasabi niya. Magtatanong pa sana ako ngunit bigla siyang nagsalita.

"Paalam. Nawa'y magalak ka!" Nakangiting pahayag niya.

Nag-simula na siyang mag-lakad kaya't medyo nataranta ako. Hala? Iiwan niya ako dito ng magsolo? Huwag naman! Nakakatakot pa naman dito, parang may dragon na lalabas na lamang bigla bigla at papatayin ako.

"Teka lang po!" Tawag ko sa kaniya, pero unti unti nanlabo na ang paningin ko, at biglang dumilim ang lahat.

"Ryleen!" Halos mapatalon ako noong bigla na lamang ay sumigaw malapit sa tenga ko.mkaya't napamulat agad ako. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Louie. Ang sama nanaman ng titig niya sa'kin.

"Ano magsasayang ka pa ba ng oras? You've wasted enough time. Idiot." Agad napakunot ang noo ko ng dahil sa sinabi niya.

"Eh?" Tanging biglas ko. Agad naman siyang napahilot sa sintido niya ng dahil doon. Omo! Eto nanaman ang gawain niya pag naiinis siya! Ang gwapo talaga kapag ginagawa niya iyon.

"Kalahating oras ka lang naman nakapikit dyan. Sabihin mo nga? Natulog ka lang ba?" Asar na wika niya, saka ako namasamang tingnan. Napalunok naman ako dahil doon. Omo! Ganun katagal akong nakapikit? Weh?

"Eh? Limang minuto lang kaya." I murmured. Noong marinig niya ang sinabi ko, binigyan lang niya ako ng death glare, kaya't napa-takip ako ng bibig. Huwag ka na mag-salita Ayisha. Baka kung ano nanaman ang masabi mo. Sabi ko sa sarili ko. Kaya't hindi na ako nag-salita pa.

Maya-maya pa sinabi ulit sa'kin ni Louie na gumawa ako ng apoy. Kaya't agad akong nag-concentrate dahil doon. Mabilis naman akong nakagawa ng apoy.

Ilang sandali lang. Parang nakokontrol ko na ito, kaya napangiti ako. Nakita ko si Louie na nakangisi rin, kaya sinabi niya kasunod kong gagawin.

"Tirahin mo iyon." Malumamay na wika niya sabay turo sa isang parang malaking dart board dito.

Ginawa ko naman ang sinasabi niya at... ang galing nga! Nakokontrol ko na iyong apoy, matapos ko makausap yung taong apoy na iyon kanina, parang naging okay na ang lahat.

Ang dami niyang pinagawa saakin, pero kinaya ko naman lahat. Kahit minsan nag-kakasugat ako, pero ginagamot naman niya. Hanggang sa lumipas ang oras. Ang tagal namin dun, walang pahinga kung wala talaga. At ngayon kaya ko na ito kontrolin!

"Bukas, I'll teach you more techniques and spells about fire." Nakangiting sabi Nya. Nakangiti sya! Ibig sabihin kahit papano! Nagawa ko gusto niyang ipagawa! Nakaramdam ako ng matinding kasiyahan dahil doon.

***

The next day.

Masaya akong naglalakad papunta sa training room. Ang lawak pa ng ngiti sa labi ko dahil sa wakas, mga techniques at iba pa ang gagamitin ko. Hindi na iyong paano lamang kontrolin. Masaya ko pang naiisip na gagawin ko ang best ko para maging maayos ang training ko ngayon.

Noong makarating ako sa training room, agad kong binuksan ang pinto. Pag-bukas na pagbukas ko ng pinto... ay katulad kahapon. Isang Apoy nanaman ang sumalubong saakin.

Hindi tulad kahapon na nakatulala lamang sa apoy, ngayon ay nilabanan ko na ito. Mabilis din ang naging kilos ko. Gumawa ako ng sarili kong apoy at binato rin ang patungong apoy sa'kin. Pagkatapos ng pangyayaring iyon malakas na pagsabog ang narinig ko.

Sumabog ang dalwang apoy na nag-kasalubong, kaya't nagawa iyon ng tila fireworks.

Nakarinig ako ng footsteps, at palakpak. Napangiti ako. Pagkatapos ay nakita ko si Louie. Lumapit sya saakin at inakbayan ako.

"Fast learner huh?" He said while grinning.

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click