《My Enchanted Tale》Charm 12 ❀ Those Eyes

Advertisement

My true training starts now.

***

"Ayisha, omygad omygad! Congrats, girl!" Bigla akong napatili at napa sigaw at napa talon sa sobrang saya! Kanina lamang ay natulala ako dahil sa paglabas ng mga apoy sa kamay niya, ngayon nama'y nagtatalon na ako sa saya! I can't believe it! Sa wakas.

Worth it ang aking pagiging napaka-galing na artista! Grabe! Nung sinasabi ko iyon kanina para kong tanga, puro kasinungalingan na labas sa bibig ko. Omg. Iyong titig ko pati sa kaniya, talagang ginalingan ko, iniisip ko siya ang karibal ko kay Kyle mylabas, kaya gumaling ang acting skills ko.

Muntik na nga ako umamin na joke lang iyon nung makita kong umiiyak na si Ayisha. I know, ang hard ko sa mga sinabi ko, pero kailangan ko siyang galitin ng sobra eh, kahit iyong limit ko lumampas na, na pati tunay niyang magulang. Omygosh, mapatawad pa sana ako ni Ayisha. Huhu.

"Omygie! Ayisha! Sa wakas!" Malakas na sigaw ko papalapit sa kanya, habang nagtatalon.

Samantalang nakatulala lang si Ayisha, habang maluha luhang nakatingin sa apoy sa kamay niya. Sigurado hindi pa nag-si-sink in sa utak nito ang lahat. Slow kaya siya. Haha.

"You can use fire? Fire Charmer huh?" Rinig kong sabi ni Louie, habang naglalakas papalapit din sa kaniya. Sa mga pagkakataong iyon, parang natauhan si Ayisha.

Bigla naman nanlaki ang mata niya nung marealize niya ang lahat, pagkatapos ay nagtitili at nagtatakbo. Pft.

"Omygosh, omygosh! Louie, alisin mo yung apoy! Baka masunog ako! Bawiin mo na iyong apoy mo! Louie!" Natatarantang sigaw ni Ayisha habang tumatakbo, at pilit napinapagpag iyong apoy sa kamay niya. Napatawa naman ako ng sobra dahil sa inasta niya.

"Hahahaha!" Tawa ko sa kaniya, nakadrugs ata ito. Haha.

"Bella! Louie! Baka, masunog iyonh kamay ko!" Hindi magka-intindihang sigaw niya, pagkatapos bigla siyang lumapit samin at pilit na pinapatanggal iyong apoy. Wala na mas humagalpak na tuloy ako ng tawa. Ang sarap kaltukan ni Ayisha, napaka-slow talaga.

"Ahahahahhahaha!" Tawa ako nang tawa kay Ayisha, para siyang bata na hindi alam kung mapapaihi na ba o hindi pa. Ang likot niya paikot ikot siya.

"Ryleen, clam down." Louie uttered, saka niya hinawakan sa balikat si Ayisha at alugin ng kaunti ng matauhan, sinamaan pa niya ito ng tingin, kaya't natahimik ang magaling kong kaibigan, hahaha.

Advertisement

"Pero pero--- Louie! Ano ba gusto mo ha?! Tanggalin mo na kasi, baka masunog pa yung kamay ko." Takot na takot na sabi ni Ayisha kay Louie, na parang maamong tuta. Kahit kailan talaga, itong si Ayisha tingin niya sa sarili niya ang hina hina.

"Hahaha!" Napahawak na ako sa tyan katatawa kay Ayisha, ibang klase comedy din pala talaga ang ma-emote na buhay nito, hahaha. Nagulat ako noong samaan ako ng tingin ni Louie, kaya't nag-fake cough ako at nagsalita ulit, "Ayisha, kung kay Louie iyang apoy na iyan, sana kanina niya pa tinggal. Saka kanina pa iyang apoy na yan oh! Bakit nasasaktan ka ba ha?" Pangangatwiran ko, nagtaka naman siya dahil doon.

Parang nag-loading sa utak ni Ayisha iyong sinabi ko, at saka lamang siya natauhan noong dahandahan niyang itaas ang kamay niya.

"Teka ibig sabihin? Ibig sabihin? Apoy mo ito Bella? Omygosh!" Face palm. Napa-poker face ako bigla bigla sa tinanong niya.

"Aray!" Agad napa-sigaw si Ayisha noong batukan siya ni Louie, haha. Tama iyan, ng mawala ang pagiging slow niya.

"Aray! Napaka mo talagang Louie na bipolar ka. Bakit ka namamatok ha?" Asar na tanong ni Ayisha dito, napalakas nga naman kasi batok ni Louie, ang gentledog talaga nito kahit kailan. Tsk tsk tsk.

"Ang slow mo kasi." Poker face na sagot ni Louie, habang nakatingin ng malamig kay Ayisha, nag roll eyes naman si Ayisha doon. Ang cute talaga ng dalawang ito. Nakakaloko, parang hindi man lang natatakot si Ayisha sa sangganong Louie na ito.

"Oy! Mamaya na kayo mag-away! Ayisha, baka naman gusto mo tanggalin iyang apoy na iyan sa kamay mo?" Pang-iistorbo ko, hanggang ngayon kasi ay may apoy pa din iyon.

"Pero pano?!" Ayan natataranta nanaman siya.

"Concentrate!" Sabay na sabi namin ni Louie. Napaka-slow kasi nitong bestfriend ko.

"Okay! Okay!" Tapos pumikit sya at pinagdikit niya iyong dalwang kamay niya na nag-aapoy. Nag-clap sya ng isang beses tapos nawala na iyong apoy. Ang galing!

"Bella?"

Agad naman ako lumapit sa kanya at niyakap sya, "Ayisha! Pasensya na sa mga sinabi ko kanina ha? Sorry talaga! Hindi ko naman intensyon yun eh, gusto ko lang talaga mapalabas na ang kapangyarihan mo. Sorry na, sorry." Sabi ko sa kaniya saka ko siya niyakap.

Advertisement

"Hindi ka galit saakin?" Inosenteng tanong niya. Kahit kailan talaga, masyado siyang mabait.

"Hindi, bakit naman ako magagalit sayo?" I countered.

"Kanina kasi ang sasakit kaya ng mga salitang sinabi mo." Naguilty tuloy ako bigla! Joke lang naman talaga iyon eh! Acting-acting lang.

"Pasensya na kung nasabi ko yun. Kaya ko lang naman ginawa iyon dahil plano yun ni Louie, galitin daw kita para lumabas kapangyarihan mo." Pagsasabi ko ng totoo. Napatango naman siya doon. Pagkatapos ay ngumiti.

"Sorry talaga, Ayisha. Sorry."

"Okay lang, basta magkaibigan pa din tayo ha?" She said sweetly. I eagerly nodded my head. "Oo naman! Oo naman." Masayang sabi ko pa. Kaya't ngumiti ulit siya.

"Oh? Tapos na ba? Drama nyo?" Biglang sabat ni Louie, panira moment of friendship itong sangganong ito.

"Paano ba iyan? Bukas na simula, ng tunay na training mo." Tila walang ganang sabi ni Louie tapos lumabas na siya. Naiwan kaming dalwa ni Ayisha dito.

"Ayisha! Congrats uli!" Masayang sabi ko sabay hug sa kaniya. Sa wakas, lumabas na iyong charm niya!

"Thanks, Bella. Mukang nakakapagod na training ang mangyayari bukas." Nakangiting sabi niya, hindi pa din siya siguro makapaniwala na lumabas na ang charm niya.

"Ayisha, ano ka ba! Kaya mo yan! Lalong lalo na alam mo na ang kapangyarihan mo!" Pang-eencourage ko sa kaniya.

"Fire, blazing fire." She murmured while looking intently in her hands, napatingin ako sa mata niya ng pagkakataong iyon, at bigla akong napa-atras. Naramdaman ko ang panlalamig ng buong katawan ko dahil doon.

Isang kulay kahel na kulay ang biglang nag-flash sa mata niya. Isang mata ng... pinakamakapangyarihang fire charmer.

Ang nabiyayaan ng pinakamalakas na taglay ng elemento ng apoy... Si Ayisha... Paano? Paanong mayroon siyang ganung klaseng mata? Ang mga pares pa ng matang iyan sa isang nilalang ko lamang nakita... sa fire god.

***

Sobrang saya ko ngayon dahil na rin sa wakas! Lumabas na ang kapangyarihan ko. Excited at natatakot na rin ako sa training ko. Andito na kami sa academy, nag-papaalam na rin ako kayna Charlene, Vien, Bella, at Kyle pati na rin sa mga fairy. Alam na rin nilang fire charmer ako, kaya sobrang ginaganahan ako ngayon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong kasiyahan.

"Bye bye! Yisha! Galingan mo!" Masayang sigaw ni Emerald. Ngumiti ako sa kanya.

"Ayisha, kaya mo yan! Galingan mo ha!" Sabi naman ni Bella. Ngumiti din ako sa kanya! Ito na talaga itona talaga.

"You can do it, Ayisha." Kyle said sweetly, pagkatapo ay binigyan niya pa ako ng ngiti niyang nakakatunaw, lalo na kitang kita pa iyong dimples. Ibang klase. Ngumiti ako sa kaniya saka nagpasalamat.

"Goodluck!" Charlene cheered. "Being a fire charmer or one of the element user charmer, ain't easy. Wish you luck." Vien warned. Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Kaya't kumaway na ako sa kanila at saka nagpa-alam.

"Sige! Una na ko!" I yelled as a waved goodbye. Pagkatapos pumunta na ko sa training room pagkadating ko doon. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto...

Parang slow mo, na ibinato ni Louie iyong apoy saakin. Hindi ako makagalaw, at na-estatwa ako. Parang nawalan ako ng lakas na umalis sa kinatatayuan ko, parang kahit gustuhin ko man, wala akong magagawa.

Malapit na iyong apoy, pero nanatili akong walang ka-response response.

Malapit na malapit na ito. Halos isang inch na lang nasa muka ko na ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, at nanlaki ng todo ang mata ko.

Bigla nalLang itong tumigil sa harap ng muka ko. Muntik na ako! Hoooo! Sobra! Hindi pa din ako maka-alis sa kinatatayuan ko. Hoooo! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko doon. Akala ko katapusan ko na!

"Tss." Nagulat ako kay Louie noong biglang nasa harapan ko na siya. Nakatitig siya sa'kin ng matalim, kaya't napalunok ako. Napatitig ako sa mga mata niya, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko nanaman ang mga apoy doon.

"Be serious, your true training starts now."

***

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click