《My Enchanted Tale》11 ❀ Her Power
Advertisement
My power, well it's kinda hot.
***
Naalimpungatan ako dahil parang may mabigat na nakadantay sa balikat ko. Noong una hindi ko ito pinansin at iginalaw galaw ko lamang ito, dahil akala ko mawawala iyong bigat sa balikat ko. Subalit, habang tumatagal, parang lalong bumibigat.
Ano ba iyon? Tanong ko sa utak ko. Saka ako napahikab ng kauntian. "Hmmm." Mahinang imik ko, dahil inaantok pa talaga ako, kaso parang may nakayakap sa'kin? Eh?
Gayunpaman, dahil inaatok pa talaga ako, hinayaan ko na lamang ito. Ilang sandali pa nakarinig ako ng parang bulong bulungan, kaya't nagtaka ako ng sobra.
"Ano yan? Bakit magkasama sila?"
"Bakit sila andyan?"
"Omygosh! Si Louie, pagkatapos iyong babae, anong nangyari?"
Marami pa akong narinig. Kaya't nairita ako. Bakit ba ang ingay ingay? Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Noong una, malabo ang mga nakikita ko, pero parang ang daming tao, unti-unti luminaw ito, at tama nga ang daming tao. Tiningnan ko lamang sila ng parang wala lang, dahil inaantok pa ako.
Subalit, noong medyo narealize ko na nakatitig sila sa'kin ay tumingin ako sa katabi ko, dahil may naramdaman akong yumakap sa bewang ko. Biglaang nanlaki ang mata ko sa kasunod na nakita ko! OMG! Nakayakap sa'kin si Louie, habang nakapikit pa! Omo! Tulog pa ata siya! Muli napatingin ako sa mga nakatingin sa'min, at ang sasama ng titig nila, kaya't dali dali akong tumayo.
Nakakahiya! Pakiramdam ko tuloy, namumula ang buong muka ko. Aalis na sana ako doon,mngunit biglang nagsalita si Louie.
"Babes?" Bangag pa na sabi nito. Hindi niya ba alam na pinagtitinginan na kami?! Hindi ko sya, pinansin at lumakad lang ako palabas ng classroom na ito. Nakakahiya talaga.
"Babes!" Hindi ko siya pinansin noong tawagin niya ako. Bagkus, ay lalo akong nagmadaling umalis. Argh. Gusto kong bigwasan ngayon si Louie, dahil sa pagtawag tawag niya ng babes sa'kin. Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa'kin, at saka nito ako hinawakan sa kamay. Nanlaki ang mata ko doon, at sinamaan ko siya ng tingin.
"Louie." I warned, ngunit hindi niya ito pinansin at mas lalo lamang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Bakit ba ganito ito ngayon? Hindi ba lagi itong galit sa'kin? Tss. May sakit na talaga ito sa pag-iisip. Tss.
Binilisan ko ang paglalakad, pero walang kahirap hirap lamang niya akong sinabayan. Pa-cool cool pa siya, halatang nang-aasar. Aish! Pasalamat ka gwapo ka! Maya maya pa habang naglalakad kami bigla naming nakasalubong si Bella. Magsasalita na sana ako, ngunit inunahan niya ako.
"Ayisha! Mygad! Alalang alala ako sa'yo kagabi! Bakit hindi ka umuwi ha?" Sermon agad niya sa'kin, habang naniningkit ang mga mata.
"Pasensya na Bella, na lock kasi kami." Malumanay na paliwanag ko. Parang nakahinga naman ng maluwag si Bella doon.
"Ganun ba?" Tanging wika na lamang nito.
"Bella, pede umuwi muna ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Sige. Sabihin ko kay Emerald samahan ka. Pasensya na busy lang kasi talaga ako, may inutos iyong teacher ko." Paghingi ng paumanhin sa'kin ni Bella, tumungo na lamang ako.
"Okay lang." I said plainly, as I smiled at her.
"Babes." Biglang sabat ni Louie. Iwinakli ko iyong kamay niyang naka-hawak sa kamay ko, at saka ako nagmadaling maglakad, para matakasan ko siya.
Maya-maya pa, nagulat ako noong may maliit na bagay este fairy ang sumalubong sa'kin.
"Yisha!" Masayang tawag nito, pagkatapos ay inikutan ako ng inikutan na parang tuwang tuwa, kasi nakita na niya ako.
"Emerald, tara samahan mo ako babalik ako sa bahay." Mabilis namang tumango at sumunod sa'kin.
"Sige sige! Tara na!" Pumunta kami sa may ground dito, tapos parang tumawag ng Pegasus si Emerald.
Advertisement
Marami pang estudyante dito, nakatingin saakin ng masama. Paano ba naman kasama ko nanaman 'tong lokong si Louie, biglaan na lamang ulit sumulpot, at ayun kasama ko nanaman. Hindi ko alam, kahit medyo naiinis ako, kasi nagiging center of attention ako dahil sa kaniya, ang gaan pa din ng loob ko na siya yung kasama ko. Omg! Hindi kaya nababaliw na ako? Agad kong pinilig ang ulo ko dahil doon. Ano banaman itong naiisip ko.
Ilang sandali lang ang lumipas, dumating na iyong pegasus.
"Sige, una na ako." Sabi ko kay Louie. Ang bastos ko naman kung hindi ako magpapaalam. Siya pa naman ang nagpakalma sa'kin kagabi. Kahit malakas siyang mang-asar ng palihim, may nagagawa pa din naman siyang matino, kahit talaga minsan nakakapikon na.
"Sige, kita na lang tayo mamaya." Sabi niya kaya't tumango naman ako doon. Pagkatapos umalis na kami ni Emerald. Noong makarating kami sa bahay ni Bella. Naligo at nagpalit na ako. Nagmadali akong gawin iyon, dahil may klase pa ako mamaya at may training din kasama si Louie.
"Emerald?"
"Ano yun Yisha?" Nagitla ako noong bigla na lamang sumulpot si Emerald.
"Wala. Wala." Kagabi kasi may napaniginipan ako. Malabo iyon, pero may dalawang bata daw na pinagtagpo, pagkatapos pinaghiwalay, pero nagkita ulit sila at sa pagkakataong iyon, may nabuong string na galing sa puso nila.
Kung tutuusin parang sobrang true love iyon, at sobrang saya. Ngunit hindi ko alam, umiiyak iyong babae. Na parang hindi na niya kaya iyong pinagdadaanan niya. Pagkatapos noon nawala na iyong panaginip ko. Kaya't hindi ko na alam kung anong kasunod. Ngunit, may kakaiba akong naramdaman sa panaginip na iyon.
Wala lang naman siguro iyon, hindi ba? Siguro nga. Nag-oover-think nanaman siguro ako. Napabuntong hininga na lamang ako dahil doon.
Sa ngayon, dapat mag-focus ako sa training ko,muoang malaman ko na ang kapangyarihan ko.
***
Napapikit na lamang ako ng madiin. Kailan ba lalabas ang kapangyarihan ko? Naiinis na ako sa sarili ko. Why am I this weak? Wala na atang mas hihina pa sa'kin. Lagi na lamang akong pinagtatanggol nila Kyle at Louie. Lagi na lamang akong napapag-initan. Hindi ko alam kung kakambal ko lang talaga ang kamalasan o kakambal ko ang pagiging mahina.
10 days. Sampung araw. Ganiyan na katagal ang lumipas, ngunit wala pa ding progress kung may kapangyarihan ba ako o wala. Walang nangyayari sa training, pagkatapos noong dating may narinig pa ako, ngayon wala na.
Minsan gustong gusto ko na sumuko at bumalik na lamang sa mortal world, kasi ano pa bang silbi ko dito? Charm ko nga lang hindi ko pa mapalabas, paano pa kaya kapag iyong iba pang gawain dito? Wala na. Nganga na.
Nakakahiya na din pati kay Louie, lagi na lamang siyang aburido dahil hindi niya mapalabas ang charm ko, kahit anong gawin namin.
10 araw na ang nasasayang ko, siguro nga hindi ako karapatdapat dito.
Napabuntong hininga na lamang ako, at napa-upo sa isang sulok dito sa training room. Wala pa si Louie dito at hindi pa narating, marahil ay nasawa na siya sa kasesermon sa'kin dahil wala namang nangyayari.
Hindi ko alam pero unti-unting tumulo ang luha sa isang mata ko siguro dahil na rin sa stress at over thinking kaya't naiiyak na lamang ako, pagkatapos ay tila kumintab iyong luha ko at naging tila parang maliit na apoy, kaya't nanlaki ang mata ko.
Anong nangyari?!
***
"Ano Bella, nakapagdisisyon ka na ba?" Walang ka-emo-emosyong tanong sa'kin ni Louie. Napa-atras ako ng kauntian dahil lumapit siya sa'kin habang nakapamulsa. Napaka-sama talaga ng ugali ng isang ito kahit kailan. Paano kaya ito natatagal ni Ayisha sa halos sampung araw at mahigit na magsama sila? Tsk.
Advertisement
"Hindi ko alam, Louie." Natatakot na bigkas ko. Hindi ko alam kung magagawa ko ba. Ayoko talagang gawin iyon. Bakit ba ako ang inuutusan niyong si Louie? Tss. Inis, maigi pa sana kung si Kyle ang kasama ko ngayon kaysa itong sangganong ito.
"Para kay Ryleen naman, hindi ba?" Ang lakas maka-konsensya, ngunit ang pagbibitaw niya ng salita parang bale-wala lamang. No wonder he's a deadly fire charmer.
"Pero kasi---" Mag-dadahilan sana ako ngunit, sinamaan ako nito ng tingin, kaya't natigilan ako. Ong! Kyle help me, a monster is about to eat me!
"If you really, want to help her. You'll do it." Ibang klase mag-isip ng way itong si Louie. Doon lagi sa risky at nakakasakit, iyong mahirap na way lagi. Sanggano nga talaga itong lalaking ito.
"Pero kasi---" Aalma pa sana ulit ako, ngunit binigyan nanaman ako ng death glare. Grabe naman ito! Siya na ngang nag-de-demand, siya pang galit. Pabatukan ko ito kay Ayisha eh!
Tumalikod siya sa'kin pagkatapos ay prenteng nag-lakad habang naka-pamulsa, na para bang wala lang sa kaniya ang lahat. Argh! May damdamin pa ba ang Louie na iyan! Jusko! Hindi ko alam kung paano naging mag-best friend si Kyle mylabs ko, sa lalaking ito!
"Eh! Louie naman kasi!" Pagmamartsa ko papunta sa kaniya. "Ikaw na lang kaya! Girlfriend mo naman iyon!" Dahilan ko sa kaniya, kaya't tumigil siya sa pag-lalakad, napatigil din ako dahil doon. Bakit baga nakakatakot ang simpleg kilos niyo? Ayoko na dito! Ang sarap batukan ni Louie! Parang hindi ako niyo kaibigan ah.
"Think Bella. Think Bella." Napa-tungo na lamang ako sa dahil mahinang sabi ni Louie, ngunit punong puno ng babala. Kahit kailan talaga. Argh!
Hindi ko alam kung papayag ba ko sa plano nitong si Louie, pero sampung araw na ang lumilipas, at nasasayang. Hindi naman makakaya ng konsensya ko kung mapapaalis si Ayisha dito ng wala akong ginawa! Aish.
Think Bella, think. Litong lito na ako. Pero para kay Ayisha naman hindi ba? Argh. Bahala na si batman! Iligtas mo na lang ako Kyle mylabs.
"Louie, sandali! Pumapayag na ako!" Sigaw ko sa kanya, saka ko siya hinabol naglakas ulit kasi. Noong maabutan ko siya, nakita ko ang kakaibang ngisi sa labi niya. Mygad, sana makalabas pa ako ng buhay sa gagawin ko.
"Good. Lets go. She's waiting at the training room." Pagkasabi niya noon ay tumungo na kami sa training room.
***
Nanlaki ang mga mata ko ng dahil sa nasaksihan ko. Patuloy pa ding tumutulo ang luha ko galing sa mata ko, at ganun pa din ang nangyayari. Nagiging parang maliliit na crystal fire ito. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko noong mga pagkakataong iyon. Anong nangyayari?
"Bakit?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. "Ano ito?" Banggit ko pa ulit. Lumulutang ang mga patak ng luha ko na ngayon ay fire crystal na maliliit lamang ito. Unti-unti kong inilapit ang hintuturo ko sa crystal na iyon, at nagulat ako noong parang sumabog ito na tila naging hologram. May ipinakita doong isang heart shape.
Inilapit ko ulit iyong hintuturo ko sa mga crystals at ganun ulit ang nangyati kaya't tila bumuo ng kakaibang hologram ang isang tila parang lugar, mayroon doong malaking puno pagkatapos ay mayroong dalawang puso, iyong nasa ibaba ng puno at isang nasa itaas!
Namangha ako sa nakita ko. May kapangyarihan ako! Mayroon! Ito ba iyon? Ang pag-crecreate ng hologram? Kahit parang ang weak noon, natuwa ako. Tumindig ako at lumingon lingon sa paligid, dumiretso ako sa bag ko at kumuha ako doon ng salamin, gusto ko kasing makita iyong pag ba talaga tumutulo ang luha ko magiging ganun iyon.
Noong mahawakan ko iyong salamin, mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Te-teka? Ano ito? Pakiramdam ko pinanindigan ako ng balahibo sa batok dahil sa nakita ko. Nanginginig na din ang mga kamay ko.
Iyong mata ko... Kulay orange... Iyong orange na parang kulay ng apoy, pagkatapos ay tumulo ulit ang luha ko sa mula sa kahel na mga mata ko, at biglang naging fire crystal ito. Napa-atras ako sa nakikita ko.
"Run away from the blazing flame." Nagulat ako noong mag-echo iyon sa utak ko, kaya't nabitawan ko ang salamin. Noong mabasag iyon, napatingin ulit ako doon at pinahid ang luha ko sa mata, nakita ko doon na unti-unting bumalik ang kulay ng mga mata ko sa dati, kaya't nakahinga ako ng maluwag.
Napa-upo na lamang ako sa sahig dahil sa sobrang shock. Anong nangyari kanina lamang? Bakit naging ganun ang kulay ng mga mata ko? Napa-hawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkalito.
Hindi nagtagal, nagulat ako noong bigla komg marinig ang pag-bubukas ng pinto. Napalingon ako doon at nakita ko si Louie. "Louie, bakit ngayon ka lamang---oh, Bella." Nasabi ko na lamang noong makita ko si Bella na pumasok din dito sa training room.
Lumapit ako kay Bella, at ngumiti. Ikwekwento ko sana iyong nangyari kanina. Noong nasa harapan ko na siya, hindi ko alam pero wala man lang siyang ka-expression-expression sa muka. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata, ang mga mata niya walang ka-emo-emosyon, ang lalamig ng titig niya. At higit sa lahat parang tumigil ang oras ko sa kasunod na ginawa niya.
"B-Bella?" Napatitig ako at nauutal na binanggit ang pangalan niya, napahawak din ako ng marahan sa pisngi ko na sinampal niya. Nanginginig ang buong katawan ko dahil doon, kakaibang kabog din sa dibdib ko ang naramdaman ko. Bakit niya ko sinampal? Puno ng pagtataka ang binigay kong titig sa kanIya.
"Bella? B-bakit mo ko s-sinampal?" Tanong ko. Imbis na isang sagot ang makuha ko.
Isang sampal nanaman ang nakuha ko. Napatitig ako sa kaniya ng puno ng lungkot at pag-tataka. B-bakit? Hindi ko alam ngunit naiiyak nanaman ako. Anong ginawa ko? Bakit galit si Bella?
"Nagtataka kung para saan yan?" Walang ka-emo-emosyong banggit nito. "Para iyan sa lahat ng katangahan mo! Isang walang kwenta at traydor na kaibigan!" Lalong naging doble ang tensyon na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.
"Te-Teka? Ano ba pinagsasabi mo Bella ha?" Pag-mamaang-maangan ko.
"Anong pinagsasabi ko?! Sinasabi ko lang naman na isang kang walang kwentang kaibigan, at simula ngayon hindi na kita kaibigan, nakakatawa lang dahil naitiis pa kita noon! Ang pathetic!" She yelled at my face angrily.
"Bella---" magsasalita sana ako, kaso hindi niya ako pinatapos.
"Alam mo, tama lahat sila! Lahat ng andito sa school! Isa kang bitch! Walang kwenta! Saka sasabihin ko sayo Ayisha, kailan man hindi kita tinuring na kaibigan! Galing ko magpanggap ano?! Napaikot nga kita sa mga kamay ko, para ka lang isang mumurahing laruan na madaling itapon! Masyado ka kasing mabait eh! Haha! Tama lang talaga na matanggal ka sa school na ito, kasi inagaw mo saakin ang lahat! Ang lahat-lahat, ikaw na sikat ngayon! Dahil girlfriend ka na ni Louie! Eh ako?! Para tuloy akong naging katulong mo ng dahil nga ikaw na ang sikat! Nahiya naman ako sa'yo. Inagaw mo saakin ang lahat! Tama sila dapat, pinapatanggal ka na dito sa school na ito!" Gulat na gulat ako dahil sa isinigaw ni Bella, pakiramdam ko rin bumigat ang loob ko ng dahil doon. Sumakit ang lalamunan ko doon. Hindi ako makapagsalita. Nanginginig ang buong katawan ko sa pagka-inis at pag-ka-lungkot.
Bakit Bella? Ano ba ginawa ko? Magkaibigan tayo hindi ba? Bakit mo sinasabi sa'kin iyan? Gusto kong tanungin ngunit hindi ko magawa. Hindi nga niya pala akong itinuring na kaibigan. Nakakasama ng loob. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit nahihirapan ako, pinilit kong magsalita at hindi ko pinansin ang mga narinig ko kaninang masasakit na salita. "Hindi kita maintindihan---"
"Hindi mo ko maintindihan?! Tss, dyan ka naman magaling ang mag-maang maangan! Wala ka talagang kwenta!"
"Bella!"
"Alam mo, isang malaking pabigat! Bakit?! Kasi ikaw lang naman ang walang kapangyarihan dito, pinagsisiksikan mo pa sarili mo! Hay. Uto uto ka rin pala! Feel na feel mo naman na naging kaibigan mo ko ano!? Ha-ha-ha! Kelan man di ko ituturing na kaibigan ang isang katulad mo!"
"Bella, please tama na..." Umiiyak na banggit ko na takot na takot kay Bella. Gusto ko pa naman sabihin sa kaniya iyong nangyari kanina na mayroon akong kapangyarihan, ngunit mukang hindi niya iyong ikakatuwa, mukang gusto na niya akong umalis dito. Ang sakit ng mga sinasabi niya.
"Ano?! Natatakot ka ba narinig ang isusumbat ko sayo ha?! Well well well! Ano pa aasahan ko sa isang katulad mo?! Alam mabuti pa bumalik ka na sa mortal world! Doon sa lugar na kinatatakutan ka! Kinasusuklaman ka! Bagay na bagay ka nga dun eh!"
Hindi ko alam Kung ano mararamdaman ko sa sinasabi ni Bella, tinuring ko siyang kaibigan pero bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito? Ganun ganun na lang ba talaga? Okay lang naman na marinig ko ang mga salitang iyon, sa inaraw-araw ba naman ng buhay ko, ang masakit lang iyong sa mismong itinuring ko pang bestfriend, at nag iisang kasangga ko.
"Ano?! Alam mo! Tanga ka talaga eh noh?! Hindi ka na nga nakuntento, inagaw mo na laht saakin, baka naman sunod mong agawin yung taong gusto ko?! Tss. Alam mo Ayisha, sa ugali mo tama lang na ipinamigay ka ng tunay na magulang mo!"
Nung sinabi iyon ni Bella, lalong lalo na iyong sa tunay na magulang ko. Para kong nakaramdam na kakaibang enerhiya. Pati ba naman ang nakaraan na sinabi ko sa kaniya, gagamitin niya sa'kin?! Matatanggap ko pa iyong mga ibang sinusumbat at pang-mamaliit niya, pero iyong magulang ko?
You reach the limit Bella. Huwag mo kwestyunin ang pagakatao ko, dahil hindi mo alam ang sakit na dinanas ko!
"Haha! Tama sila na ipamigay ka, dahil wala kang kwenta! Hindi lang pala walang kwenta! Isa kang malaking pabigat! Alam mo kawawa ka naman, kasi Hindi ka pa man lumalaki, itinapon ka na nila, siguro kasi alam na nilang malas ka!" Hindi totoo iyan! Hindi totoo! Ang sabi sa'kin ni mama, matatangpuan ko rin sila, because I'm Ayisha Ryleen.
"TAMA NA!" Malakas na sigaw ko habanh naka-pikit ng madiin. Nagulat ako noong katahimikan ang namayani, kaya't marahan kong iminulat ang mata ko, at nakita kong nakatulala si Bella, at naka-awang ang labi, kasabay noon ang nanginginig na pag-turo niya sa mga kamay ko, kaya't marahan ko iyong inangat.
At noong gawin ko iyon, napatulala na lamang ako sa nakikita ko...
...fire.
***
Advertisement
Nevertheless, A Fantasy World
Aldieas, a world where five races exist in harmony namely, the Humans, Vasters, Serensis, Oreals, and the Alpsis. Before, this world was bathed in a gruesome bloodbath because of countless war between the races that created their own kingdoms. The lack of progress of the Era earned the disapproval of the God who created the world resulting in sending thirteen Demon Lords to dominate the world and erase any existing races. As the five races fell into despair, they summoned a hero as last resort to fight off the Demon Lords. The hero that was summoned, a lone man, has brought hope and salvation to everyone. Eventually, the hero defeated the Demon Lords but because of what he witnessed about this world, he himself becomes dismayed and chose isolation. Thousand of years has passed and the world has reached a new Era. Right then, the Hero decided to check on things. Author's Note: Do think that this is extremely similar to my other story settings. It's slightly r-15 but I guarantee that any explicit will be tone down. Further emphasis on the story genre will be updated soon.
8 150Puzzle: Theo's Virtual Quest
Children’s imagination is known to run wild, but Theo’s creative power always seems to have neither boundaries nor limits. Due to the unableness, to go out and about in society. Theo’s father, Robert, came up with an amusing idea to keep Theo’s fictitious thinking entertained throughout this period of isolation. We journey along with Theo on his Pure Adventure around the house to track down all fifty of the hidden puzzle pieces. Witnessing the numerous difficulties, he comes across in achieving his goal of gathering every puzzle piece to complete the set. With the aid of an advanced prototype VR headset, Theo found it in the attic where his father had hidden it. Turning Theo’s house into a whole new world to explode with his imaginary friend, Linos, and guides his mind into a Pure Imagination made him travel from feat to feat. An odyssey that takes him to all kinds of contrasting scenes. Such as a Halloween party, a Caribbean island, a race around the Metropolis of Motor City, and more. He meets a shedload of fascinating characters that gives young Theo life lessons and morals along the mind trip.
8 199Tales from the Triverse
Tales from the Triverse is part detective drama, part fantasy adventure and part space opera. I’m influenced by the likes of Iain M Banks, Isaac Asimov and ND Stevenson and work including The Wire and Gotham Central. It begins with an incident two hundred years ago which crashed three parallel universes together. Portals open up in 18th century London, sending England down a very different path. We pick up events in the 1970s, with the Metropolitan Police having established a new department to handle portal-related criminal activity. The story is about intolerance, immigration, multiculturalism and power. It’s about what happens when incompatible viewpoints are weaponised to seed discontent, and the efforts of some to create a fairer world. In the tradition of the best science fiction, fantasy and crime fiction, I’m using the setting to examine themes that matter to me in the real world. Who is it for?If you like science fiction or fantasy, or a mix of both, this is for you. It’s my first foray into crime fiction, but I hope if you’re a fan that you’ll enjoy yourself - especially if you’re looking for something a bit different. I write fiction that is optimistic, progressive and empathetic. Bad things can happen to good people in the stories, but the overall arc tends to be hopeful. Note that if it were a movie, Tales from the Triverse would be a 15 certificate in the UK.
8 125Another World: Scientist
This is the story of a scientist in another world filled with magic and everything else fantasy. We shall see how he survives, reacts and explores this world bit by bit for not everything... Shall go right.
8 151MOAS ; Coming Home
We're the line between the world and the much weirder world. We protect people from news they aren't ready to hear. So when they need us, we fight the battles they can't. And when we can't do that, we keep them safe. That is S.H.I.E.L.D.... We are S.H.I.E.L.D.Book 4(No Intended Love Interest)(Marvel's Agents Of S.H.I.E.L.D. Season 3)
8 117Catharsis | AVOOCU Sequel
SGVsbG8/IERlYXIgcmVhZGVyLCBpcyB0aGlzIHdvcmtpbmc/IEkgdmVyeSBtdWNoIGhvcGUgc28uIEl0IGlzIGEgbGl0dGxlIG1vcmUgY2hhbGxlbmdpbmcsIHVzaW5nIGEgZGlmZmVyZW50IHNvZnR3YXJlLCBJIG1lYW4uIEhtbS4uLiBQZXJoYXBzIEkgc2hvdWxkIGp1c3QgZG8gaXQgYXMgSSB1c3VhbGx5IGRvLiBPbmUgbW9tZW50Li4u.- .... --..-- / - .... . .-. . / .-- . / --. --- .-.-.- / ... --- .-. .-. -.-- / .- -... --- ..- - / - .... .- - -....- -....- / .. / ... .. -- .--. .-.. -.-- / .-- .- -. - . -.. / - --- / -... . / .- / .-.. .. - - .-.. . / -.-. .-. -.-- .--. - .. -.-. / - .... . .-. . .-.-.- / .- -. -.-- .-- .- -.-- --..-- / .. - / ... . . -- ... / -- . --. ..- -- .. / .- -. -.. / .... .. .-. --- / .... .- ...- . / --. --- - - . -. / .. -. - --- / .- / .-.. .. - - .-.. . / - .-. --- ..- -... .-.. . .-.-.- / ..-. ..- ..-. ..- --..-- / .. / -.. --- / .... --- .--. . / -.-- --- ..- / . -. .--- --- -.-- / - .... . .. .-. / ... - .-. ..- --. --. .-.. . ... / ..-. --- .-. / .... .- .--. .--. .. -. . ... ... -....- -....- / .. / -.- -. --- .-- / -- -.-- / -.. . .- .-. / -.-. .-. . .- - --- .-. / .-- .. .-.. .-.. .-.-.-
8 159