《My Enchanted Tale》10 ❀ When It's Raining
Advertisement
Why can't you remember me?
***
"Run, run away from your cruel fate." Matinding pagtataka ang nangyari sa'kin dahil sa mga katagang iyon.
"Your charm will be yours, just wait and the time will come." Pagsasabi naman ng isang boses na pinagtaka ko. Mas malinaw at mas nangingibabaw kasi ito, kaysa sa narinig ko kanina.
"Run, Ayisha. Don't go near the flame!" Lalo akong nagtaka noong marinig ko ang boses nanaman na iyon, kilala ko ang malabong boses na iyon, na nagsabi kanina lang na tumakbo ako at nagsasabi pa din ngayon na tumakbo ako. Si mama iyon. Si mama.
"Just wait and the time will come." I heard again the powerful voice.
"Run Ayisha! Don't go near the flame, or you will experience the pain!" Nag-echo ng mabilis ang boses na iyon, hanggang sa parang hinigop nanaman ako ng isang dimension, at dahil sa nangyari iyon ay mabilis kong naimulat ang mata ko.
Noong maimulat ko iyon. Nagulat ako noong nakita ko ang mata ni Louie na nakatitig ng mabuti sa mga mata ko.
In those eyes, I saw a blazing flame, which causes a troubled feeling inside and I unconsciously said strange words.
"Don't get burn by the blazing fire, from his eyes." And everything went black.
***
"Ayisha! Ayisha!"
"Yisha!"
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, noong marinig ko ang pagtawag sa'kin ng iba't-ibang boses. Noong una ay malabo ang paningin ko, ngunit unti-unti naging malinaw din ito.
Nakita si Bella at Emerald, ganun din si Kyle, Vien at Charlene. Nagtaka agad ako dahil doon.
"Omygosh, okay ka na ba Ayisha?" Nag-aalalang tanong ni Bella. Marahan akong umupo at napahawak sa ulo ko. Medyo kumirot kasi ito. Tiningnan ko ng nagtataka si Bella.
"Eh?"
"Omygash! May amnesia ka?!" Nag-hyhysterical na tanong ni Bella. Muntik ko na siyang batukan dahil doon. Ang oa din talaga minsan ng kaibigan kong ito. Mana sa'kin, kaya't nagkakasundo kami.
"Sira ka talaga, Bella. Wala nagtataka lang ako bakit andito ako sa-- ah teka, asan ba ako?" Takhang tanong ko sabay tingin sa paligid, puro kulay puti kasi ang nakikita ko.
"Andito ka sa healing room, nahimatay ka daw kanina kaya't sinugod ka dito ni Louie." She explained, napatango at napa-'ahh' na lamang ako doon. Agad akong napalingon sa paligid at hinanap si Louie ngunit wala siya. Napabuntong hininga na lang ako, asa naman akong andito iyong kupal na iyon.
"Bakit ka ba na himatay?" Nag-aalalang tanong ni Bella.
"Ha? Ahh. Baka kasi hindi ko kinaya yung force na naramdaman ko kanina." Pagdadahilan ko. Alam ko lahat ng nangyari kanina, at nagtataka pa din ako bakit ganun ang sinasabi sa'kin ni mama. Anong meron sa flame? Bakit kailan ko lumayo doon? Bakit nakakita ako ng apoy sa mata ni Louie? Dahil ba fire charmer siya? Marahil ay ganun na nga.
"Sigurado ka?" Bella queried further. I just nodded.
"Oo." Plain na sagot ko. Napabuntong hininga na lamang siya doon. Saka ako napatingin kayna Kyle. Ngumiti sila sa'kin at tumango.
"Huwag ka na kaya muna mag-training ulit." Charlene suddenly suggested. "Mag-pahinga ka na muna, baka lalo kang manghina niyan." Dagdag pa niya, napatango na lamang ako doon.
Nag-stay muna sila sa clinic o healing room dito, para sa'kin, pero may parte sa'kin na si Louie ang hinahanap. Bakit? Anong meron? Simula pa noong una kong nakita si Louie, may kakaiba na sa'kin kaya nga naging crush ko siya, hindi kaya nag-iilusyon na ako? Bakit ba naman kasi ganito ang nararamdaman ko? Tsk. Nababaliw na ata ako.
Advertisement
Hindi nag-tagal umalis na din sina Bella, dahil may klase sila. Naiwan ako doon at pilit na iniisip ang mga katagang narinig ko kay mama. Noong bata pa kasi ako noong mamatay sila, hindi ko iyon ganung natandaan dahil sa sakit na dinanas ko sa pagkawala nila. At ngayon lamang ulit ako naremind sa mga katagang iyon.
Flames? Bakit?
Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa puting kisame, patuloy na iniisip kung ano bang ibig sabihin noon. Naalala ko din na sinabi noon ni mama na, nakaguhit na ang tadhana ko. Hindi ba't tayo ang gumuguhit ng sarili nating tadhana? Nasa choices natin ito? Pero... bakit ganun ang sinabi sa'kin?
Napa-iling na lamang ako ng marahas. Nag-oover think na siguro ako. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, nagulat ako noong may pumasok dito at umupo sa tagiliran ng kamang hinihigaan ko.
Ni hindi man lang ako nito tingnan at para lamang akong hangin. Hindi pa ako nasanay ganito namang makatingin ang lalaking ito. Nanatili ang mahabang katahimikan sa'min hanggang sa nagsalita siya.
"You're seriously a trouble." Agad naman akong napataas ng kilay doon. Yabang talaga, lakas maka-trouble trouble. Kasalanan ko bang mawalan ako ng lakas at parang nawalan ako ng hinga noong makita ko iyong mata niyang may apoy?
Inirapan ko na lamang siya, pero nag-salita pa din siya. "I hate you for making me feel worried." Mahinang bigkas niya sabay ang pag-buntong hininga. Pero ako naman ay natigilan. Te-teka... Ano daw? Pwede paki-ulit?
Omg! Bigla akong na touch! Hindi ko alam ang mararamdaman ko! Totoo ba iyong naririnig ko? Totoo ba? Gosh, kung ito panaginip lang, huwag nyo na ako gisingin, syempre joke lang. Haha.
"E-Eh?"
Agad niya akong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi ko. "Tss." Asar na banggit niya habang nakakunot ang noo. Pero unti-unti lumambot ang facial expression niya saka napabuntong hininga.
"Why do I feel like you are deeply connected to me?" He suddenly asked that surprised me.
Nanlaki ang mata ko doon at napa-awang ang labi. "H-hindi kaya magkapatid tayo?" Gulat na tanong ko. Agad niya akong binigyan doon ng death glare niya, kaya't itinikom ko ang bibig ko.
"Tss."
"Hindi nga?" Pangungulit ko sa kaniya.
"Tss, don't make me repeat it." He coldly retorted. "And another one, why can't you remember me? Tsk." Agad naman napataas ang kanang kilay ko doon.
"Eh?"
Agad siyang napa-hilot sa sintido niya sa pagkaasar sa pagiging slow ko. Natawa naman ako doon, ang cute niya talaga asarin kahit kailan. Pero teka? Anong sabai niya ulit? Why can't you remember me? Bakit?
"Bakit?" Matinong sagot ko na sa tanong niya kanina. Actually, hindi pa din matino dahil sinagot ko ng tanong iyong tanong niya, aish! Nakakahawa ang pagiging moody niya!
"Nevermind." Matapos niyang sabihin iyon, umalis na siya ng basta basta. Habang ako ay naiwang nagtataka at nakatulala. Ibang klase, iniwan ako namay pala-isipan sa utak ko. Ang garapal talaga ng ugali kahit kailan. Kailangan ko na talaga dapat masanay.
Hindi nag-tagal umalis din ako doon, dahil uwian na. Nag-kita kami ni Bella at Emerald at matapos noon umalis na kami at umuwi.
* * *
"Bye! Ayisha, mag-ingat ka na sa training mo ha?" Pag-papaalala ni Emerald at Bella sa'kin, tumango tango naman ako doon at saka kumaway upang mag-paalam. Saka ako dali daling tumakbo sa meeting place namin ni Louie, para sa training ko.
Noong makarating ako doon, nakatingin siya sa wrist watch niya. "Just on time." He said with his monotone voice, agad naman akong napangiti doon. Mabuti na lang at on time ako, baka mamaya gawin nanaman akong thrall nito.
Advertisement
"Paano training natin ngayon?" I asked. Katulad ng inaasahan, hindi niya ako pinansin at nag-simula na ulit siyang mag-lakad. Snob talaga. Sinundan ko na lamang siya dahil wala akong magagawa.
Habang nag-lalakad kami hindi ko maiwasan mailang, dahil pinag-titinginan kami ng mga estudyante, hindi lamang iyon ang dami dami din nilang sinasabi. Kesho, girlfriend daw ba talaga ako ni Louie, ang chaka ko naman daw para maging girlfriend ng kupal na ito. Argh. Mga charmers nga naman na ito. Lakas din maka-panghusga. It's a nature in human being though, I mean speacial human beings pala sila.
Nagulat ako noong tumigil si Louie sa pag-lalakad kaya't napatigil din ako. Mas nagulat ako noong bumalik siya sa'kin saka hinawakan ang kamay ko at inintertwined iyon. Hala?
Pagkatapos niyang gawin iyon, nagsimuka na ulit kaming maglakad. Samantalang ako dumbfounded nanaman sa ginawa ni Louie. Bakit baga ang unpredictable at ang hirap basahin ng taong ito. It's like he'll do anything which will please him.
"Don't mind them, babes." He suddenly whispered near my bear ear, and I suddenly felt my cheeks heated. Say whut?! Bigla-biglang gumaganon? Sa totoo lang? Ibang klase ka talaga! Hindi ko alam mararamdaman kapag kasama ka!
Hindi nagtagal tumigil kami sa pag-lalakad, at nagulat ako sa kung saan kami tumigil. Nasa labas kami ng "Bibliothece." O ang library o archieve dito. Binuksan niya ang pinto doon, saka kami pumasok.
Agad akong namangha sa nakita ko, dahil ito iyong parang lumang library sa mortal word, iyong tipong sobrang tataas noong mga book shelves at mayroong mataas na ladder upang maabot ito. Mayroon ding mga glass display na parang mga artifacts o pinaka-lumang libro na sibrang importante. Nakakatuwa itong pag-masdan para akong dinala sa ibang era. Nakakamangha lamang.
Hinila ako ng hinila ni Louie hanggang sa mapunta kami sa dulong parte ng bibliothece kung saan mayroong mga upuan at lamesa kung saan pwede kang magbasa.
"Mag-aaral ka ngayon, huwag ka na muna mag-training physically dahil baka masaktan ka lamang." He said. Agad akong napatango tango doon.
"Stay here." Mahinahong wika nito, at saka siya umalis. Nag-hintay lamang ako doon na bumalik siya. Noong makabalik siya, nalaglag ang panga ko.
"Seryoso?" Tanong ko sa kaniya. Agad siyang tumango doon. "Seryoso." Pagsasabi pa niya. Hala? Parusa din ito! Sobrang dami niyang dalang libro. Alam niya bang hindi ako ganun katalino at marunong lamang? Bakit niya ako pinapahirapan. Ang sama talaga ng ugali.
"Bakit ang dami?" I inquired.
"Kasi hindi maunti." Ay walangya. Magaling nga din pala mambara ang kupal na ito. Sinamaan ko na lamang siya ng tingin doon at saka padabog na kinuha iyong librong dala dala niya. Marahas kong binuksan ang pahina noon.
"Ingatan mo iyan. Baka gusto mong mag-bayad dito." Nag-make face na lamang ako sa sinabi niya. Nakakainis siya. Hindi nga ako magpapakahirap mag-training ng pisikal, ganito naman. Nakakatamad kaya magbasa minsa, kung hindi naman story ang binabasa mo tss.
Nag-simula na akong mag-basa samantalang siya ay tumabi sa'kin at umub-ob. Mukang matutulog pa. Hinayaan ko na lamang siya, saka ako nag-basa. Medyo naging interesado din ako sa binabasa ko dahil about ito sa iba't-ibang kaoangyarihan ng charmers, ang history ng mga nangyari sa charm world, pati na din ang Beelzebub World.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag-babasa doon, minsan nag-skip ako dahil may mga pictures naman, minsan naman tutok na tutok akong nagbabasa dahil nakakamangha iyong mga nababasa ko.
Hindi ko namalayan na halos nakaka-limang libro na din ako. Pero sa mga librong iyon, inis-scan ko lamang iyong iba, kaya't mabilis. Wala naman kasing interesting doon sa iba.
"Tapos mo na ba?" Nagulat ako noong biglang mag-salita si Louie, gising na pala itong kupal na ito, hindi ko namalayan dahil masyado akong focus sa binabasa ko ngayon.
About kasi ito sa "fate" na kung paano, hindi makawala ang mga iginuhit na ang tadhana sa malupit na kakaharapin nito. Habang nababasa ko nga iyon, nalulungkot at bumibigat ang pakiramdam ko. Ang lupit naman kasi noong mangyayari sa kanila.
"Siguro." I retorted, pagkatapos ay nag-basa ulit ako.
Maya-maya pa umalis kami at nag-lunch, pagkatapos naming mag-lunch ng medyo maaga, kaya't walang tao sa cafeteria, ay bumalik na din kami dito, at nag-simula nanaman ako mag-basa.
Nag-basa lamang ako ng nag-basa hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala, kaya pala dumadami ang tao dito sa bibliothece. Napalingon pa ako sa mgababaeng nag-kukumpulan na nakatingin sa'min ni Louie, dahil rinig na rinig ko ang ingay nila.
"Sa tingin mo totoo na sila na ni Louie?"
"Ang sweet naman nila, lagi mag-kasama."
"Alam nyo di sila bagay."
"Bukas gagawa tayo ng plan."
"Hayaan nyo na sila."
Kaya-kayang usapan, at mga pinag-sasabi. Hindi ko na lamang sila pinansin, para naman kasing ikakaganda nila ang pagiging chismosa nila. Hindi ba nila alam na nakakamatay ang pagiging usisera? Tss.
Umalis ako sa kina-uupuan ko at naglakad lakad dito sa library. Naniningin ako ng libro na pwede basahin kada book shelves. Nothing interesting. Wala man lang akong nakita na magandang basahin. Hays.
Nagpatuloy akong mag-lakad dahil doon. Hanggang mayroong nakapukaw sa pansin ko. Ang ganda, parang na ilaw yung libro, kaso bawal ata kunin gawa ng nasa glass display ang libor na iyon. Tapos sa bawat corner nun ay may mga susi, iyong susi may iba't ibang shape star, leaf, waves, fire. Tapos sa gitna nung libro may nakaukit na hugis susi dun. Puso na parang kwintas naman sya.
Teka parang pamilyar?
Hinawakan ko yung salamin na kinanalalagyan ng libro tapos, hinawakan ko yung kwintas na bigay saakin ni mama na nasa loob ng damit ko, saka ko dandahang inilapit ang kamay ko sa glass display na iyon, hanggang sa...
"BABES!"
"Ay babes!"
"Tinawag mo akong babes?" Agad akong napatingin sa bigla bigla na lamang tumawag sa'kin este sa nag-salit pala ng babes, agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil doon. Tss.
"Asa ka, bakit kita tatawaging babes? Mga ka-kupalan mo talaga." I retorted. He chuckled, ang lakas mang-asar noong tawang iyon. Kakaltukan ko na talaga itong bipolar na ito.
"Bakit ka ba kasi pa-wala wala?" Pag-iiba niya ng topic.
"Naghahanap kasi ako ng magandang libro, ang boring kasi noong ibang ibinigay mo sa'kin." Paliwanag ko, he nodded mutely. "Huwag na. Bukas na lamang, umalis na tayo, magsasara na rin ang academy." Casual na sabi niya, kaya't sumunod na lamang ako sa kaniya.
Noong maka-alis kami sa bibliothece, si Bella agad ang hinanap ko, ngunit hindi ko siya makita. "Asan si Bella?" Tanong ko kay Louie, baka kasi alam niya kung nasaan.
"Malay ko kay Bella." Psh. Sabi ko nga wala akong makukuhang matinong sagot sa kanya.
"K. Fine." Iyon na lang sinagot ko. Baka mainis nanaman ako sa lokong 'to. Patuloy na lang kaming nag-lakad hanggang sa naka-salubong namin si Charlene.
"Ayisha!" Bati niya sa'kin, kaya't ngumiti ako at binati din siya. "Hello, Charlene." I cheerfully spoke.
"Pinapasabi nga pala ni Bella, sabay ka daw muna umuwi kay Louie," She said while beaming. Pagkatapos ay bumaling siya kay Louie. "Louie ihatid mo daw si Ayisha sa bahay ni Bella. May mahalaga lang gagawin si Bella. Bawal tumanggi! Bye!" Tapos nagtatakbo na sya. Wait, what, ano daw?
"Teka lang!" Sigaw ko pero dire-diretso parin si Charlene. Napa-bagsak na lamang ang balikat ko, dahil wala na akong magagawa. Aish.
"Pano yan?" Malungkot na tanong ko kay Louie.
"Ano pa nga ba," Walang ganang sabi nito, sabay kibit balikat, at naglakad ng nakapa-mulsa, kaya't sinundan ko na lamang siya, kung saan siya papunta.
Maya-maya pa naka-rating kami sa isang room. Pagkatapos parang may hinahanap siya. Naupo na lang muna ako dahil ang boring din.
"Louie, ano ba hinahanap mo ha?" Tanong ko. Kanina pa kasi siya kalkal ng kalkal kung saan saan dito sa room na ito.
"Book of charmers." Simpleng sagot niya. Hinayaan ko na lamang siya na mag-hanap ng hinahanap niya.
Tumingin ako sa labas ng binta ng room na 'to. Tsk. Mukang uulan pa, makulimlim na kasi sa labas. Wala pa naman akong payong. Saka ayaw ko ng ulan. Natatakot ako. Naalala ko iyong nangyari kayna mama at papa noon.
Ang tagal naman nitong si Louie. "Psst. Wala pa din?" Inip na tanong pero hindi niya ako pinansin o ni tiningnan man lang. Katulad kanina, pinabayaan ko lamang siya, at pinag-masdan ang kalangitan.
Unti-unti may pumapatak na na-ambon, at dumudilim ang langit. Nakaramdam ako ng panlalamig at takot doon, tila bumabalik nanaman sa'kin ang itsura ng langit noong araw na umalis kami kaya't naaksidente sina mama at papa.
Napalingon ako kay Louie, gusto ko na siyang akitin paalis, ngunit busy pa din siya. Kaya't hindi ko na lamang siya inusisa, at napayakap sa sarili ko, dahil sa nagbabadyang malakas na ulan sa labas.
Maya-maya pa ay halos mapatalon ako sa gulat at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba noong biglang mag-sara iyong pinto at gumawa ng malakas na tunog. Kasunod noong ang mabilis din na pag-sasara ng mga bintana, kaya't lalo akong nag-taka.
Biglang natigil si Louie noon sa pag-hahalungkat at mabilis na tumakbo sa pinto at saka ito kinalabog. "Open this fucking door!" He angrily yelled.
"Damn it! Open it!" He bellowed. Lumapit naman ako sa kaniya ng nagtataka. Ang laki ng galit niya sa pinto ah.
"Teka nga, bakit ba ha?" Mahinahing tanong ko habang nakayakap sa balikat ko. Ang totoo niyan kinakabahan na ako dahil nakakarinig na ako ng mahihinang kulog at malalakas na pag-patak ng ulan, idagdag mo pa ang lamig ng paligid.
Kung mayroong mga taong gustong gusto ang ulan, ayaw na ayaw ko naman nito, dahil ibinabalik noon ang ala-ala ng masamang nakaraan.
"Ano ba Ryleen, natrap tayo oh!" Nabigla ako sa sinigaw ni Louie, at napa-atras ng kauntian, napatitig ako sa kaniya dahil doon. Hindi ako makapag-salita sa kaniya, at lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Ahh!" Nagulat si Louie noong bigla akong sumigaw, kasabay ng malakas na kulog. Agad akong napa-takip ng kamay sa tenga noon, at dahan-dahang napa-upo habang nanginginig.
Unti-unti nanginig ang mga labi ko. Unti-unti bumalik sa ala-ala ko ang gabing kinatatakutan ko.
Halos mapatalon nanaman ako sa gulat noong biglang lumiwanag ng sobra dito dahil sa kidlat kasabay din noon ang malakas na kulog, kaya't napayakap ako ng mahigpit sa sarili ko. Pinilit kong pakalmahin ang sistema ko.
Napansin ko si Louie na lumapit sa'kin. "Okay ka lang?" He asked. Tinakpan ko lamang mabuti ang tenga ko dahil doon.
"Hindi, hindi okay lang--" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko noong biglang kumulog nanaman, napapikit ako ng mariin doon. Naiinis ako sa sarili ko, ang simple simpleng bagay lamang nito, pero nanginginig na ako sa takot. Bakit ba ang hina hina ko? Bakit ba ang duwag duwag ko?
Patuloy ang pag-kidlat at pag-kulog. Nilalamig na din ako dahil sa lamig ng paligid. Unti-unti sumasakit na din ang lalamunan ko, naiiyak na ako dahil sa takot na nararamdaman ko.
"Ryleen?" I heard Louie say, as I felt his arms draped around me.
"L-Louie." Nauutal na banggit ko sa pangalan niya, saka tumulo ang isang luha galing sa kanang mata ko. Hindi ko mapigilang maiyak dahil bumabalik sa ala-ala ko iyon.
"Shhh..." He comforted, while hugging me tightly. "Don't cry I'm here." Pag-papakalma niya sa'kin. Hinahagod na din niya ang likod ko. Kahit papaano, nawala iyong panginginig ko doon, pero bigla na lamang kumulog ng malakas, kaya't nagulat ako at napasigaw.
"Keep calm." He uttered, ngunit naiiyak pa din ako. Nararamdaman ko nanaman iyong sakit noong makita ko si mama na marahng pumikit noon at bawian ng buhay.
"Louie, pwede mo bang gamitin ang charm mo dito, para makalabas na tayo?" I asked.
Advertisement
All Soccer Abilities Are Now Mine!
Woo Hoyoung has returned to the past and gained the ability to steal the abilities of others!
8 1296Memory Lane
Five child prodigies are invited to an elusive tech CEO's private island. Surrounded by enigmatic geniuses, Daniel is forced to face his past through everlasting, haunting, memories. Unravel the mysteries of the island along with the characters inside, but try not to get killed. How does one move on? Must you forget about your past to truly overcome it? If this is going to be the future, why live in the present? Complete
8 110Dopamine
The meaning of life is to protect the ego, because it makes the dopamine. Horm is worried that the future is happening too slow. He's afraid he might miss it. So he makes a plan to speed things up using dopamine - the brain chemical that drives motivation. It could work. Disclaimer - This book is weird.
8 562Anonym & Switch, Obtaining Power to Retaliate (Complete)
On the planet of Roneglaise the reincarnating soul of Anonym is full of resentment and hopelessness.For much more then centuries Anonym had to reincarnate to remember nothing, until the last moments before each death to learn upon all her previous life’s once again.But this time Anonym was able to master the art of Soul Scribing and inscribed her soul, so that this time when she is reincarnated…She would remember everything!Along the quest of discovering and completing talents, Anonym has no fear and only gets more and more powerful!And then there’s Switch and his best friend Presley…As Switch gets to know Anonym, and her ruthless ways, he finds her quite unique and can’t help but want to follow her… This is a prequel story of 'Universal Creations', but is also a prequel to another story called 'Unyielding Beloved'. Needs some editing
8 181Draconic Transcendence: Cinders and Ashes
In the world of Aesir, there lies magic and beasts, gods and heroes. A world amongst many. In a particular era of prosperity, there lies the Apollyn Empire, a large Empire stretching across most of the western continent, and the most powerful nation in the world. It is during an age where Humanity turns away from the Gods, turning from Faith to Science. From this viewpoint, magitech exists, miraculous inventions that make life easier than before. But the world is vast, and filled with myths. Legends point to a select few individuals, who throughout history are born from magic alone, and gifted with immense power. All are destined for tragedy, however, and to wreak chaos. With power surpassing that of the Gods and Dragons, it is they who have been behind nearly all the major calamities of the world; these are beings known as "Harbingers". In the slums of Harlup, Capital of Apollyn, a young girl is found in the ashes of a burnt building, and adopted by a homeless woman searching for something of value. Raised from the ground up, and evemtually finding her way to the Gran Sars, an organization of magicians dedicated to war magic, she will rise through the ranks with her partner, and eventually discover that she too, is destined for tragedy. Her path forced by the Gods, she must fight to save the ones she loves, and at the same time face her destiny, and surpass it. Because if she does not, the world will burn, and all she knows and loves will crumble to cinders and ashes.
8 166fanfiction | taegguk
Where in Jeongguk reads a Taekook fanfiction and Taehyung finds out.| COMPLETED |cc: -strawberrykoo
8 85