《My Enchanted Tale》9 ❀ Flame
Advertisement
Don't get burn by the blazing flame.
***
Napatitig ako sa kaniya dahil sa mga mata niya, hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako doon, o nakikita ko talaga ang pag-aalala.
"Ryleen?" He called my name. I blinked twice, dahil baka nag-aassume lamang ako, pero ang lapit talaga ng muka niya, nagulat pa ako noong bigla niyang inangat ang kamay niya, papalapit sa muka ko.
Akala ko kung anong gagawin niya, pinahid niya lamang pala ang luhang tumutulo sa pinsngi ko. Hindi ko alam pero lalong nagpakatakan ang luha ko sa mata sa gesture na iyon.
"Shh." He comforted. Napa-hikbi ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko iyong mabait na Louie, iyong lalaking may pagkalinga sa babae. Naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam na tila konektado kami sa isa't-isa.
Hinagod niya ang likod ko haggang sa kumalma ako.
Tuwing pipikit ako naalala ko ang itsura ni mama. Sa totoo nyan, ampon lang ako. Ayaw ipaalam sa'kin iyon ng magulang ko noong una, dahil baka masaktan ako, pero bago mamatay ang parents ko noon, sinabi nila sa'kin ang totoo.
Ang gabing iyon, buong buo pa sa ala-ala ko. Ang pinaka-nakakatakot na gabi sa buhay ko.
Malakas ang ihip ng hangin, at naririnig ko ang malakas na pagpatak ng ulan. Pa minsan minsan ay bigla ring lumiliwanag ang madilim na kalangitan dahil sa kidlat, at bigla na lang akong napapayakap kay mama kapag may malakas na kulog akong naririnig.
"Bumabagyo ata, Arisa. Sigurado ka bang kailangan na nating umalis?" Tanong ni papa kay mama.
"Seb, kailagan natin." Matigas na bigkas ni mama, saka ako hinawakan ng mahigpit sa kamay. Napabuntong hininga na lamang si papa noon, at saka sumakay sa kotse. Ganun din si mama.
"Mama pwede po ba dito na lang tayo sa likod? Natatakot po ako." Mahinag sabi ko kay mama, habang nakatakip sa tenga, dahil baka magulat nanaman ako sa malakas at nakakatakot na tunog ng kulog sa kalangitan.
Sumakay kami ni mama noon sa back seat at si papa naman sa drivers seat. He started the engine of the car, and started to drive. Yakap yakap ko noon sa bewang si mama at yakap niya rin ako. She's humming a song.
"Fireflies glow like a thousand charms," Pagkanta niya, paminsan minsan ay lilingon ako sa kaniya, at sasabayan siya.
"Mama!" Agad na lamang akong napa-iyak, dahil sa matinding gulat ng malakas na kulog at kidlat. Ramdam ko sa munting puso ko ang pagbilis ng tibok nito dahil sa takot.
"Shh. Huwag kang umiyak, Ayisha." Pag-papatahan nito sa'kin. Pinilit ko ang sarili ko noon na huwag humikbi at hindi umiyak dahil iyon ang sabi ni mama. Ngunit lalo akong napahigpit ng yakap sa kaniya.
"Gusto mo bang kwentuhan ka na lamang namin ni papa, para hindi ka na matakot sa kidlat at kulog?" She sweetly asked, and I nodded eargly. Ramdam ko ang lamig ng paligid noon dahil sa malakas na ulan.
"Once upon a time, there was princess named Shay." Pag-kwekwento ni mama sa'kin.
"She was the bravest, the most wise, and the prettiest of them all." Pagtutuloy naman ni papa, kahit nagmamaneho siya. Dahil sa pagkwekwento nila ng munting istorya na tumatak na sa'kin, unti-unti nawawala ang takot sa puso ko.
"Pero, ang munting prinsesang iyon, makulit, matigas ang ulo, at ayaw na magpapatalo! Parang si Ayisha namin!" Bigla akong kiniliti ni mama, kaya't natawa ako. Pinahid niya din ang luha na tumutulo sa pisngi ko.
"Alam ni Prinsesa Shay ang tama sa mali. Hindi rin siya ang pangkaraniwang prinsesa na laging nasa kastilyo. Lagi siyang nasa labanan, nakikipaglaban sa masasamang tao nagustong sumakop sa kaharian nila." Pagkwekwento ulit ni mama, habang nag gegesture pa ng kamay.
Advertisement
"Matapang ang puso ng prinsesa. Hindi siya sumusuko sa kahit anong laban." Pagtutuloy naman ni papa.
"Lagi pa niyang sinasabi sa sarili niya. Ang mga katagang, 'kapag nakipaglaro ang tadhana, huwag itong susukuan, dapwat ito'y iyong sabayan..." Agad tumingin sa'kin si mama, kaya't ngumiti ako sa kaniya at sinabing--
"At labanan!" Masayang sabi ko noon habang nakataas pa ang kamay. Nakatawanan namin kami dahil doon.
"Ano iyon sa ingles, Ayisha?" Pagtatanong naman sa'kin ni papa.
"When fate started to play! Be sure to beat the game!" Nakangiting saad ko, kaya narinig ko ang pagiging proud ng magulang ko at mga pure nilang tawa.
Patuloy akong kinuwentuhan ni mama at papa about sa prinsesa si Shay.
"Ayisha. Ikaw tandaan mo ha? Dapat maging katulad ka ni prinsesa Shay. Mabuti ang puso, matapang, mapagmahal, at higit sa lahat alam ang tama, at kaya itong ipaglaban." She sweetly told me.
"Opo! Opo!" Masayang sagot ko sa kaniya.
Kumanta na lamang kami tatlo noon habang nagbyabyahe. Hanggang sa...
"Ayisha!" Malakas na sigaw ni mama saka ako niyakap, at kasabay noon ang pag-silaw ng matingkad na ilaw sa mga mata ko, at malakas na tunog ng sasakyan. At naramdaman ko ang parang pag-tilapon namin habang yakap yakap ako ni mama, at kasunod noon ang sakit na naramdaman ko.
Hindi ko alam noon, pero malabo ang paningin ko. Ramdam ko din ang lamig ng hangin at pagpatak ng butil ng ulan sa buong katawan ko. Pinilit kong igalaw ang kamay ko noon, at tumigin sa gilid ko.
Hindi ako makatayo at nararamdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko. "M-mama." Umiiyak na sambit ko, dahil nakaramdam ako ng matinding takot. Natatanaw ko din ang tila sira sirang dalawang sasakyan sa magkabilang dako, at isang lalaking ika-ika na tila kinakabahan at paalis.
"P-papa." Hirap na hirap na bigkas ko. Ngunit walang sumagot. Pilit akong lumingon sa kabilang dako, at doon ko nakita si mama na nakahiga malapit lamang sa tabi ko, marahan ding umaagos ang dugo niya mula sa noo.
"M-mama." Pilit na tawag ko sa kaniya, maya maya ay tila nag-mulat siya. Nalilito ako, sa kung anong nangyari at kung bakit kami nasa kalsada, at hindi ko makita si Papa. Pero unti-unti nagiging malinaw ang lahat sa isip ko. Naaksidente kami. Nagkabanggan ang dalawang kotse, dahil sa sama ng panahon.
"M-mama." Hirap na hirap na banggit ko muli, tumingin siya sa'kin at pilit na inabot ang kamay ko, kaya't pinilit ko ding abutin ang kamay niya.
"A-Ayisha." Nahihirapang bigkas niya, noong pagkakataong iyon nabalot ng takot at pag-alala ang puso ko, tuloy tuloy din ang pagbagsak ng luha ko, kahit may ulan.
"Makinig k-kang mabuti A-Ayisha." Mahinang sabi nito, kasabay ang pag-ubo ng dugo. Umiling iling ako noon, gusto ko sabihin sa kaniya na huwag siya magsakita dahil baka mas lalo siyang masaktan.
"Huwag kang u-umiyak. Maging matatag ka. Lagi mong papairalin ang kabutihan ng puso mo ha?" She said and I saw a tear streaming down her beautiful face. "The necklace I gave you, keep that. Huwag na huwag mong hahayaan na may ibang makakita nan. Iyo iyan, at ikaw lamang ang nagmamay-ari niyan." She continued.
Marahan akong tumango doon, at hinawakan ang nakasuot na kwintas sa'kin. "H-hindi ako ang tunay na mama mo, Ayisha. Hindi kami ang tunay na magulang mo." Noong sabihin iyon ni mama, tila gumuho ang mundo ko, at mas lumakas ang pag-iyak ko. Hindi din ako makapag-salita dahil kumikirot ang lalamunan at puso ko. Umiling iling ako noon, at pilit na itinanggi sa sarili ko ang naririnig ko.
Advertisement
"Nakaguhit na ang tadhana mo Ayisha, pero labanan mo. Malupit at mahirap ito, pero alam kong kakayanin mo. Find your true self, you're Ayisha Ryleen." She said, habang marahang pumipikit ang mga mata niya.
"Anger and flame, please. Sweetheart, a-avert those." Matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, tuluyan ng pumikit ang mata niya. At napatitig na lamang ako sa langit na tila umiiyak, at nagagalit.
"Shhh." Patuloy na pag-cocomfort ni Louie, habang yakap yakap niya ako. Kahit kumalma na ako, hindi niya ako pinakawalan sa yakap, marahil ay ramdam niya ang takot at lungkot na nararamdaman ko.
Matapos ang gabing iyon, nagising na lamang ako noon sa ospital, at ang sabi noon sa'kin parehas dead on arrival ang magulang ko. Sumugod ang tiyahin ko noon, akala ko para sa'min, ngunit para lamang pala sa yaman namin.
Galit na galit ako noon sa auntie ko, pero wala akong magawa dahil bata pa lamang ako noon. Ipinamuka niya rin na ampon lamang ako, kaya't mas karapatdapat siyang mag-may-ari ng yaman ng magulang ko--ng mga itinuring kong magulang.
Mula noon, naging solo na lamang ako sa buhay. Pinapalhan ng pera ni autie, ngunit hindi sapat, kaya't kumayod ako ng mag-isa, para sa sarili ko. Hindi ko kinalimutan ang sinabi ni mama na maging mabuti ang puso ko, at itinago ko din ang kwintas na lagi kong suot.
Ngunit isa lamang ang hindi ko maintindihan, ang huling sinabi niya. Anger and flame. Anong kinalaman noon? Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon, pero pilit ko pa ding hinahanap ang kasagutan.
Ang gabing nawala ang mama at papa ko, iyon na lang ata ang pinaka natatandaan ko simula bata ako, hindi kasi mawala-wala ang pakiramdam ng takot at lungkot sa puso ko.
Maya maya pa, ako na ang humiwalay sa yakap ni Louie. "O-okay na ako." Nauutal na sabi ko sa kaniya. He looked at me in the eyes. "Sigurado ka?" He asked. I nodded mutely.
Marahan niya akong itinayo matapos noon, at saka hinawakan sa kamay at dinala sa labas ng healing room.
"Louie hindi na kailangan." I said.
"Tss. Pumasok ka na lang." Bossy na utos niya. Napakunot noo naman ako doon, ang bilis mag-bago ng mood, poker face na ulit siya.
"Ayoko. Okay na ako." Pagsasabi ko sa kaniya ng totoo. Nadala lang naman talaga ako ng emosyon kanina, dahil si mama ang napanaginipan ko.
"Isa, Ryleen." Madiing bigkas niya, saka mahigpit na kinapitan ang kamay ko. Napangiwi ako ng kaunti doon, dahil medyo masakit, noong makita niya ang ekspresyon ko ay binitiwan niya ako.
"Dalawa, Louie." I countered, sinamaan niya ako ng tingin dahil doon. "Hindi na nga kailangan, okay na ako. Masama lang talaga iyong panaginip ko kaya't hindi ko namalayan na umiyak na pala ako ng umiyak." I mellowly told him.
I saw his facial expression lightened. "Sigurado ka?" Tanong pa niya ulit. Mabilis akong tumango dahil doon at saka siya nginitian ng totoo. Napahawak na lang siya sa sintido niya. Omo! Eto nanaman ang gwapo! Pagkatapos ay hinila niya ako paalis sa labas ng healing room o parang clinic dito.
Marahan niya akong hinihila, hanggang sa may mga babaeng lumapit sa kaniya, baka walang klase itong mga babaeng ito, kaya ganun.
"Hi Louie!" One of the girls greeted.
Louie scoffed at naramdaman ko agad ang pagkainis ng aura niya, ang bilis talaga mag-bago ng mood ng isang ito. Bipolar nga ata ito.
"Louie, pwede ka bang pumunta sa party ko?" Tanong pa nung babae. Napataas kilay naman ako doon. Grabe, ang desperada, may mga ganito pa pala talaga.
Tiningnan lamang siya ni Louie na parang hangin. Pagkatapos ay hinila ulit niya ako, wala na akong nagawa doon. Pero nagulat ako noong biglang sumigaw iyong babae.
"Louie!" She screamed. "Bakit mo ba ako sinasaktan?!" Nanlaki ang mata ko ng dahil doon. Hala? Anong drama iyon? Sinasaktan? Ang lalim. May pinaghuhugutan si ate.
"Ang sakit na, lagi mo na lang akong binabale-wala!" Halos paiyak na sabi niya saka lumapit sa'min, napatigil kasi si Louie noong sumigaw iyong babae, kaya't napatigil din ako.
Noong makalapit ito sa'min, ay may tumutulo na talagang luha sa mata niya. Nanlaki talaga ang mga mata ko dahil doon. Grabe! Best actress. Napalibutan tuloy kami noong ilang estudyante na nakatambay dito sa parang lounge garden ng mga estudyante sa ECA.
"Ano ipinagpalit mo na ako sa babaeng iyan?!" Sigaw pa niya, sabay duro sa akin. Napataas naman ako ng kaliwang kilay doon. Seriously? Nagawa lang ang babaeng ito ng commotion. Tss.
"Miss," Biglang pagsasalita ni Louie, sabay tingin doon sa babae. "Hindi nga kita kilala, ano bang pinag-sasabi mo?" Boom! Natigilan si girl ng dahil sa sinabi ni Louie.
Ngunit hindi pa din ito nag-paawat at lalong lumakas ang iyak. "Ano?! Hindi mo ako kilala?! Ipinagpalit mo na talaga ako sa babaeng iyan!" Sabay turo nanaman sa'kin at biglang duro sa balikat ko.
"Ano malanding babae?! Masaya ka na?! Kinuha mo na sa'kin si Louie!" Naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya. Talaga? Weh? Gusto ko sanang sabihin kaso, nakakasura lang makipagtalo sa mga ganitong best actress.
Nagulat pa ako noong sasabunutan sana niya ako, pero agad iyong sinalag ni Louie. Woah. Pamilyar yung scene. Parang kanina lamang si Kyle ang nagtanggol sa'kin. Ang weak ko tuloy, lagi na lang akong pinagtatanggol ng iba. Aish!
"Do you know this girl?" Madiin at nakakatakot na tanong ni Louie sa babae. Agad napa-iling iyong babae. Napa-singhal naman si Louie dahil doon.
"Hindi? Pwes, ngayon malalaman mo na kung sino siya." Diretsong wika niya, sabay wakli sa kamay noong babae, at akbay sa'kin. Eh?
"She's Ayisha Ryleen Heartlock, and she's my girlfriend. So don't you dare touch her." Parang tumigil ang oras ko noong sabihin iyon ni Louie. Napatulala ako at nanatiling naka-estatwa sa posisyon ko. Say whut?!
"Let's go, babes." Pagkatapos ay bigla bigla na lang ako hinila ni Louie paalis sa lugar na iyon. Samantalang wala sa sarili lamang akong nagpapahila.
Teka, ano nga ulit iyong nangyari doon kanina? Si Louie, sinabi niya na huwag akong saktan. Tama tama. At ang dahilan ay... dahil girlfriend niya ako?! Another, say whut?!
Pagkatapos ay hinila niya ako papaalis doon at tinawag na... babes?! Hanoooo?!
Agad nanlaki ang mata ko doon at saka natauhan. "Hoy anak nang! Walangya ka Louie!" Agad na sigaw ko sa kaniya, ngunit patuloy lamang niya akong hinila ng hunila hanggang sa makarating kami sa isang room na empty space lamang.
"Anong sinabi mo doon kanina?!" Pagwawala ko dahil, parang ayaw tanggapin ng sistema at utak ko iyong nangyari.
"Na girlfriend kita?" Patanong na sagot niya na parang hindi big deal iyong nangyari. Walangya talaga.
"Wow ha! Nahiya naman ako, kailan pa?!" Asar na tanong ko. Letche talaga siya, kanina lamang na-appreciate ko siya dahil sa pag-aalala niya sa'kin noong umiiyak ako, at doon sa sasampalin ako noong babae tapos ganito?
"Kanina?" Halos napa-poker face ako sa sagot ng lalaking ito. Jusme! Baka mapatay ko ito sa imagination ko! Napaka ang itsura pa ngayon, parang walang nangyari kanina!
"Bakit mo sinabi iyon ha?!"
"Wala trip ko lang." Walang ganang sabi niya. Naglakad ako papalapit sa kaniya at akmang susuntukin sya pero napigilan nya agad ako. Napaka sama talaga ng ugali! Ang sarap gawing punching bag nito!
"Hindi mo kailan man magagawa iyan." Nang-aasar na sabi niya. Psh! Kakainis!
Hindi ako nag-salita at dire-diretso siyang sinuntok ng paulit ulit, pero paulit ulit niya rin itong sinalag.
"Oy, babes. Huwag mo nga akong gawing punching bag!" Natatawa tawang sabi niya at halagang halata mong nang-aasar ito. Nakakainis ka talaga Louie Blake Stanford!
"Pwede ba, huwag mo kong tawaging babes! Nakaka-aduwa ka!" I furiously yelled at him, but he just chuckled. Tingnan mo! Tingnan mo! Iba nanaman ang mood niya, ang bipolar talaga!
"Babes. Tigil na." Agh! Ang lakas nyang mang-asar! Binilisan ko pa ang pag-suntok sa kanya pero walang epekto. Natatawa lamang siya dahil sa ginagawa ko.
"Huwag na huwag mo kong tatawaging babes! Bipolar!" Asar na sigaw ko sa kaniya.
"Alam mo, babes na nga kita naangal ka pa." Wow naman, ang landi din pala ang lalaking ito. No wonder, kaya ganun na lamang iyong babae kanina.
"Alam mo, nakakasuka ka! Yuck! Ew!" Pinalo palo ko sya, kaya paatras siya ng paatras, ako naman pa-abante lang ng paabante. Sinasalag niya lang lahat ng palo at suntok ko sakaniya.
Patuloy ang pag-atras at pag-abante namin. Hanggang sa...
"Ahhh!" Nagulat ako noong matilapid ako at--
"Ah? Nakakaistorbo pala ko! Sige! Bye!" Bilang may nag-salita kaya sabay kaming napatingin sa pinto. Agad nanlaki ang mata ko noong makita ko si Bella. Omygosh!
Hindi din niya mantindihan ang gagawin niya, kaya't bigla na lamang niyang sinara ang pinto. Mygad!
Omygosh talaga! Dahil kakaiba ang tingin sa'min ni Bella, dahil nakapaibabaw sa'kin si Louie! Walangya! Ang laswa. Nakakainis kasi noong matilapid ako tutulungan niya sana ako pero, nadala lamang siya. Letche! Mabuti na lang hindi masakit pagkakabagsak naming dalawa. Pero ang laswa talaga! Kaya't dali dali kong tinulak si Louie.
"Aray ko naman, babes." He said, saka pinagpagan ang sarili niya at tumayo, tumayo na rin ako dahil doon.
"Nakakadiri ka. Yuck talaga. Saka huwag mo nga ako matawag tawag na babes diyan!" Asar na banggit ko, ngunit ngumisi lamang siya.
Matapos naming magtalo noon. Nag-simula na din akong mag-training.
"Umupo ka dun sa gitna mag-concentrate ka." Utos niya, dahil pagod na pagod na akong makipag-talo, ay sumunod na lamang ako.
"Mag-concentrate kang mabuti. Isipin mo Lahat ng masasayang bagay, at alalahanin mo lahat ng masasayang sandali mo. Hear the goddess inside you." Sinunod ko naman ang sinasabi niya, at tila gumaan ang pakiramdam ko.
"Concentrated ka na ba?" He asked softly. "Ngayon sabihin mo ito," Dugtong niya pa.
"Exaudi me dea." Inulit ako ang sinabi niya. "Da virtutem." Katulad kanina, ay sinabi ko din ulit ito. "Da mihi cor exstinguere lucis metu." Matapos kong sabihin iyon, tila parang may kumuha sa'kin at dinala ako sa ibang dimension.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa nangyari, ngunit pinilit ko pa ding mag-concentrate. Habang nangyayari iyon, may narinig akong boses.
"Run, run away from your cruel fate." Matinding pagtataka ang nangyari sa'kin dahil sa mga katagang iyon.
"Your charm will be yours, just wait and the time will come." Pagsasabi naman ng isang boses na pinagtaka ko. Mas malinaw at mas nangingibabaw kasi ito, kaysa sa narinig ko kanina.
"Run, Ayisha. Don't go near the flame!" Lalo akong nagtaka noong marinig ko ang boses nanaman na iyon, kilala ko ang malabong boses na iyon, na nagsabi kanina lang na tumakbo ako at nagsasabi pa din ngayon na tumakbo ako. Si mama iyon. Si mama.
"Just wait and the time will come." I heard again the powerful voice.
"Run Ayisha! Don't go near the flame, or you will experience the pain!" Nag-echo ng mabilis ang boses na iyon, hanggang sa parang hinigop nanaman ako ng isang dimension, at dahil sa nangyari iyon ay mabilis kong naimulat ang mata ko.
Noong maimulat ko iyon. Nagulat ako noong nakita ko ang mata ni Louie na nakatitig ng mabuti sa mga mata ko.
In those eyes, I saw a blazing flame, which causes a troubled feeling inside and I unconsciously said strange words.
"Don't get burn by the blazing fire, from his eyes." And everything went black.
***
Advertisement
Undead
A man has been brought back to life for a fell purpose. He inhabits the body of a ghoul: a lesser undead being. He must kill and eat, both to accrue power for himself and to serve the purposes of the mysterious woman who summoned him. WARNING: This novel is not suitable for underage or otherwise susceptible readers. Take the tags seriously.
8 152Re:Cheat
After trading his own life to save a little girl Daichi Akiyama found himself in an empty space where nothing exist nothing but his consciousness, until one day a black hole appeared out of nowhere and transferred him to another world. (Thanks for reading my first story! And yes the cover and all illustrations in the story are made by me just in case you want to know.)
8 137Star Passenger
Nick is an ordinary youth with a passion for astronomy, who has dreamt of the stars his entire life as he works a customer service job. One day he picks up a signal from the stars that turns his life upside down - little does he know at the time that the fate of Humanity depends on how he deals with the discovery! Goose, who is not at all happy to be named Goose, has travelled across the Galaxy as a data signal only to be woken to life inside a virtual machine. Together with Nick's sister Sae and their friend Rashi, Nick and Goose set out to explore the mysteries of the Universe and to find out what has happened to Goose's people. However; before they can succeed on their quest, they must outsmart a relentless detective backed by a sinister government that are doing everything they can to stop them. Caught between forces as ancient as the Universe, Nick and his friends uncover secrets that will shake the foundations of the very fabric of time and reality.
8 123I, Mor-eldal: The Necromancer Thief
As a budding little necromancer, I soon discovered that the world of city people is complicated. When my master kicked me out of the cave, he warned me not to talk about my “dark” magic, because people here don't like the undead. I am not really an undead, I just have a skeleton hand, but it is better to be careful. Anyway, that's not my biggest worry. In the Black Dagger brotherhood, I learn a lot of things, such as illusionist magic, which turns out to be quite handy to survive in this maze of streets: in the Cat Quarter, we have thugs of all kinds that are best avoided. But we also have good people, goodhearted “gwaks”, as we say around here. Little did I know that I would soon be caught up in an infamous traffic that would entangle my life even more. With a mix of lighthearted adventure and picaresque, this story narrates the hectic life of a good-spirited street child and his companions in a medieval urban fantasy setting with some nineteenth-century influences. Updates Mondays and Fridays. This is a Creative Commons By work. It is a translation of a trilogy I wrote in Spanish between 2017 and 2018.
8 157Fragment of a Dragon Soul
eX-0281 is a sub-dragon, a basic enemy grunt subject to a terrible workplace. All he looks forward to is an afternoon spent basking under his heat lamp after work. Life is good. That is until... the power goes off. Any dragon would be outraged if his heat lamp went out! When eX-0281 decides to investigate, he meets a fellow clone. Together, they hatch a lizard-brained scheme to leave the company. But if they want freedom, they must escape the underground city first.... Fragment of a Dragon Soul is set in the futuristic world of Burden of a Fire Dragon! Release Schedule: Monday, Wednesday, Friday at 9:00 PM EST. Cover Art by the author.
8 153The Gathering (Sky: Children of the Light)
A Sky: Children of the Light FanfictionHere is the website for it! https://thatskygame.com/I don't understand the copyright thingy down there.Book two: The RebellionBook three: The EldersCover by Learnerslibrary Darkness is creeping in on the Sky Kingdoms, and the Elders are making mysterious plans. When three Sky Children notice the mentions of shadow magic, and uncover a secret that could change everything, how do they fix the Sky Kingdoms? With magic, wits, and talent, they must save the realms from an evil lurking in the shadows.But even more, what if they are part of something bigger? Something more important, that they never even thought possible.
8 130