《My Enchanted Tale》7 ❀ Fire
Advertisement
Some people will just turn your life, upside down.
***
Patuloy ang marahan kong pag-baba hanggang sa maramdaman ko na may sumambot saakin. Naramdaman ko ang pamumula ng muka ko. Sabay ng pagwawala ng puso ko. Tinitigan niya ako sa mata at saka siya ngumisi ng kakaiba.
Bakit nya ako sinalo? Ano ba nasaisip mo, Louie? Hindi ba't galit ka saakin?
Dahan-dahan niyang inilapit ang muka niya sa muka ko. Hindi ako maka-kilos noong pagkakataong iyon. Nanatili akong nakatulala at nakatitig sa kaniya. Parang tumigil din ang oras. Napapikit ako ng mariin noong sobrang lapit na niya.
Pigil hininga na rin ako, noong maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.
"You just owe me once again, Ryleen." He softly whispered in my bear ear, that made me flabbergasted.
Natigilan at napatulala ako dahil doon. Napatitig din ako sa mga mata niya na tila kumikislap. Para akong nahypnotismo bigla at hindi ko maialis ang mga titig ko doon. Nakakaakit.
Wala akong mabasang ni katiting na expression sa mga mata niya. Ngunit iyong mga titig talaga niya saakin, parang kinikilatis niya ang bawat angulo ng muka ko, parang tinitingnan niyang mabuti ang mga mata ko.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatitig sa isa't-isa, ngunit ramdam na ramdam ko mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Ayisha!'' Natauhan ako at bumababa sa pagkakabuhat nya saakin at inayos ang sarili ko. Dali dali akong umiwas sa mga titig niya, at nakaramdam ng matinding pagka-ilang. Agad na lamang akong lumingon kay Bella.
"Omygosh, okay ka lang ba Ayisha?'' Natatarantang tanong ni Bella, sabay hawak sa kamay ko, at saka tiningnan ang katawan ko kung may galos ba ako.
"Ahhh? Oo, okay lang ako." Binigyan ko sya ng pekeng ngiti pagkatapos nun. Napatingin din ako sa ibang estudyante at bakas sa muka nila ang pagkagulat dahil sa nangyari.
"Sigurado ka ba ha? Baka may sugat ka?" Hindi pa din mapakaling sabi niya, inikot ikot pa ako ni Bella at tiningnan kung may masamang nangyari sa'kin. Nakaramdam ako ng pagkaliyo sa ginagawa ni Bella. Juice ko.
"Teka! Teka! Bella, nahihilo ako sayo! Wag kang mag-alala okay lang ako. Ayan oh, buhay na buhay! Walang galos!" Medyo natatawang sabi ko kay Bella, para kumalma siya. Kahit papano sa ginawa ni Bella, kumalma ang buong sistema ko.
"Ahhhh-! Teka lang Bella!" Sigaw ko, bigla nya kasi ako hinila, palabas dito. Nagulat ako sa biglang ginawa ni Bella, pero nag-pahigit na lamang ako sa kaniya.
"Teka lang Bella! San ba tayo pupunta ha?" Halos pasigaw na tanong ko sa kaniya, habang tumatakbo kami, ngunit hindi siya sumagot at patuloy lamang akong hinila.
Ilang sandali ang lumipas, tumigil din kami sa pag-takbo. Napa-hawak naman ako sa dibdib ko, dahil sa sobrang pagkahingal. Grabe may lahing flash ata itong si Bella, ang bilis tumakbo.
"Wooo! Grabe," Hinihingal na banggit ko. "Teka, nakakapagod. Ang bilis mo tumakbo." Pagod na usal ko kay Bella. Natawa naman siya doon at saka nag-peace sign.
"Hehe. Pasensya na."
"Bella? Asan ba tayo? Bat dinala mo ko dito?" Naguguluhang tanong ko. Ang lakas kasi ng topak, biglang manghihila basta basta.
"Ah? Andito tayo sa garden dito sa Academy. Sigurado ka, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya padin, at saka ako tiningnan ng sobrang sincere, sobrang nag-aalala talaga siya.
Umupo na lamang ako sa isang bench doon, at saka napa-buntong hininga.
Sa totoo lang hindi ko alam kung okay lang ba ako. Naramdaman ko na naman kanina na hindi ako kabilang dito. May charm ba talaga ko? Bakit ganto? Walang nalabas? Sobrang nakakahiya lang iyong nangyari kanina.
Advertisement
"Tatapatin kita Bella, hindi ko alam kung okay ako. Bella sabihin mo nga, iyong totoo at walang halong panloloko. May charm ba talaga ako?" Baka kasi pinapagaan lamang ni Bella ang loob ko. White lies, ika nga.
"Oo naman! Omygie, Ayisha, the fact that you're here, in Charm World. Makes you special. Epic fail lang talaga iyang charm mo at ayaw lumabas! Hahaha!" Napatawa si Bella dahil sa sinabi niya, agad naman akong napangiti dahil doon. Nasa seryosong usapan kami, biglang gumanon. Ibang klase talaga itong si Bella.
"Hay nako, Bella." Tanging nasabi ko na lamang.
"Pero grabe talaga Ayisha, muntik na akong atakihin sa puso kanina!" Halos parang over acting na sabi ni Bella, with matching hawak pa sa noo at iiling iling.
"Ano ba, Bella. Nababaliw ka nanaman." Pagsususway ko sakaniya.
"Ay hindi talaga! Hindi!" Alma niya, sabay upo sa tabi ko, saka ako tiningnan ng maigi, agad akong napataas ng kanang kilay doon. Inaatake nanaman ng kabaliwan ang magaling kong kaibigan.
"OMG. As in Omy gulay! Ang taas kaya nung muntik mo ng pagbagsakan kanina! Grabe! Parang tumigil ang oras, hindi ako agad nakagalaw. Omg, talaga." Dugtong niya pa.
"Oo nga, mabuti na lamang sinalo ako ni Louie." Nakangiting sabi ko sa kaniya, pero iyong ngiti ko, peke. Makakangiti pa ba ako sa lagay ko ngayon? Hay.
"Yun na nga eh!" Nagulat ako noong biglang sumigaw si Bella at saka tumayo. Nag-cross arms pa siya. Pinaningkitan niya ako ng mata.
"Huh?" Takhang sabi ko kay Bella. Ang weird kasi ng sinasabi. Niligtas na nga ako nung pesteng crush este nung Louie na iyon.
"Alam mo bang grabe ang kaba ko, dahil sa ginawa ng Louie na iyon kanina ha?" Pigil galit na wika ni Bella, with matching acting ulit na nakayukom ang kamay at nag-aact na nagpipigil ng galit. Pwede ng artists itong isang ito. Matinde.
"Bakit naman?" Inosenteng tanong ko.
"Apoy." Seryosong sagot niya, sabay tingin din ng seryoso sa'kin.
"Apoy?"
"Oo, alam mo namang nag-apoy ang likudan mo kanina hindi ba? At dahil sa apoy na yun, dandahan ka bumaba! Pero... alam mo ba, buti na lang talaga! HINDI KA NASUNOG!" Parang hindi nag-process sa utak ko iyong sinabi ni Bella. Natigilan ako saglit hanggang sa...
"Ano?!" Halos pa-sigaw na tanong ko. Ako? Muntik ng masunog?!
"Oo! Hindi ko nga alam ang pumasok sa isipan ng Louie na yun at ginamitan ka ng apoy! Pero, dahil naman sa ginawa nya naligtas ka! Pero, dahil dun kala ko masusunog ka na!" She furiously said, saka ulit umupo sa tabi ko, habang ako naiwang nakatulala.
Apoy? Masunog? Ako? Joke ba ito?
"Aray!" Napahawak agad ako sa ulo ko noong batukan ako ni Bella.
"Processing? Processing?" Sarcastic na tanong niya. Inisnab ko siya, kaya't natawa siya. "Hindi na mabiro. Cheer up, Ayisha!" She said while grinning.
"You know what? May natuklasan ako." Biglang sabi niya kaya't naging interesado ako. Ngunit binigyan lamang niya ako ng isang makahulugang kindat, ngali ngali kong batukan si Bella ng isa't kalahati doon. Ayaw pa ata sabihin.
"Joke lang. Haha. Eto na, sasabihin ko na. Mangangain ka na sa tingin mo." Biro niya, I pouted. She laughed.
"Kasi alam mo ba, haha. Nakakatuwa, hindi ka nasunog!" Masayang sabi niya, muntik ko na talagang mabatukan si Bella doon, nakahaya na iyong kamay ko, pinigilan lang niya.
"Oh. Oh! Joke lang. Haha. Seryoso kasi Ayisha. Nakakatuwa na hindi ka nasunog sa ginawa ni Louie, dahil isa lamang ang ibig sabihin noon. May charm ka." She stated and winked at me. I was taken aback.
Advertisement
Parang hindi nanaman ako makapaniwala. So ibig sabihin? Kaya ako hindi ako nasunog kanina doon sa apoy na nagbaba saakin ng marahan ay dahil sa parte iyon ng charm ko?
Bigla akong ginanahan doon. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. She eagerly nodded. I chuckled, ang cute kasi niya.
"Oo, kaya nga ako sobrang natataranta kanina, akala ko lapnos na iyang likod mo, at puro galos ka na, pero nagulat ako nung okay ka kaya't hinila kita." She spoke at saka siya nag-thumbs up.
"Pero panong, hindi ako nasaktan kanina?" Tanong ko. Obviously, dahil maarning parte iyon ng kapangyarihan ko, pero gusto ko pa din marinig kay Bella iyong mga katagang iyon, para mapanatag ang naguguluhang utak ko.
"Syempre dahil parte iyon ng kapangyarihan mo!" Masayang sabi nito, kahit papaano sa mga simpleng salitang iyon, napangiti ako ng totoo, at nagkaroon ng kaunting lakas ng loob sa puso ko.
"Magtiwala ka Ayisha Ryleen Heartlock, you have a charm." With those words, gumaan ng sobra ang pakiramdam ko.
* * *
Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon ni Bella, hanggang sa napag-disisyonan namin na bumalik na. Naglalakad kami pabalik muli sa ECA Auditorium.
Noong makarating kami doon.
"Ay! Wala na?'' Wala na kasi kaming inabutan. Wala ng charmers at patay na ang mga ilaw.
"Sayang naman. Hindi natin nakita powers nung iba!" Nanghihinayang na sabi ni Bella. Napabuntong hininga ako dahil doon. Sayang hindi namin nakita iyong iba.
"Tara? Alis na lang tayo?" Pagtatanong ni Bella, napatango na lamang ako ng marahan dahil wala na rin kaming inabutan, mabuti pang umalis na kami. Noong naglakad kami paalis ni Bella, biglang may sumigaw, kaya't sabay kaming napalingon doon.
"Ms. Heartlock! Ms. Gartone!" Natanaw namin sa hindi kalayuan iyong headmister ng school.
"Mr. Kleizer?" Takang tanong ni Bella, noong makalapit ito sa'min. Tumingin saakin iyong head at nag-salita.
"Ms. Heartlock, alam mo naman siguro na hindi mo pa alam ang charm mo? Hindi ba?" He directly asked, I slowly nodded my head. Bigla akong kinabahan. Matatanggal na kaya ako dito?
"Ngayon, ikaw na lang ang walang echelon dito sa Academy. Wag kang mag-alala bibigyan ka namin ng time para malaman mo charm mo." He mellowly said. Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag doon. Akala ko matatanggal na agad ako.
"Naiintindihan ko po." I replied as I nodded slowly.
"Meron kang 20 days para malaman ang kapangyarihan mo, at pagkatapos ng 20 days, mag-peperform ka sa arena o auditorium. Kung hindi mo magagawa iyon. Pasensya Ms. Heartlock, mukang matatanggal ka sa school, this school year." Paliwanag niya, wala akong nagawa kung hindi sumang-ayon. Kahit hindi ko alam mismo sa sarili ko kung kakayanin ko ba.
20 days? Parang ang ikling araw noon.
"Opo.'' tanging sagot ko, hindi ko ipinakitang pinanghihinaan ako ng loob dahil mag-aalala lang saakin si Bella, ayaw ko naman pag-aalalahin ko pa sya, para nga nagiging pabigat lang ako sa kanya, dahil lagi na lamang siyang nag-e-effort na palakasin ang loob ko.
"Ms. Gartone, see me, this afternoon. I'll talk to you." The head spoke to Bella.
"Okay po." Bella replied politely.
Umalis na yung head, at naiwan kami ni Bella dun, nakatulala pa din ako. Sana kayanin ko. Sana malaman ko na charm ko.
"Go Ayisha, ang haba kaya ng twenty days!" She cheered, noong hindi ako nag-salita.
"Oo kaya ko 'to! Fight!'' Nakangiting sabi ko, kahit sa loob loob ko kinakabahan ako.
"Haha, iyan ang kilala kong Ayisha! Tara sa cafeteria! Lunch tayo!" Masayang sabi ni Bella, habang patalon talon pa. Nakakatuwa siyang pagmasdan. Ang saya lang lagi ng aura niya.
Sinabayan ko si Bella sa paglalakad, pagkatapos ay biglang may maliit na boses kaming narinig.
"Yisha! Yisha! Yisha! Master Bella! Master Bella! Master Bella!" Matinis na pagtawag nito saamin, saka kami pinaikutan, si Emerald. Sino pa ba? Haha.
"Hoy! Bibwit san ka galing?" Ala-alang galit na tanong ni Bella kay Emerald.
"Kasama si Garnet at Pearl! Ang saya saya saya nga eh!" Tumatalon talon na sabi ni Emerald. Hindi man lang natakot sa amo haha.
Biglang nawala iyong parang galit-galitan sa sinabi ni Bella at agad nagtanong kay Emerald. "Ah. Kasama nila si Kyle?" She asked. Grabe, eto nanaman siya sa Prince daw niya. Haha.
"Secret! Secret! Secret!" Mapang-asar na sabi ni Emerald habang natalon talon sa ere. Haha! Ang cute! Pero bat ayaw niya sabihin? Siguro inaasar niya iyong amo niya. Haha.
"Aba! Sino Master mo ha?" Tanong ni Bella, sabay pamewang. Haha! Mag-aaway pa ata.
"Ikaw! Ikaw! Ikaw! Wala naman ako sinabing iba ah!" Naka-pout na sabi ni Emerald. Cute talaga ng fairy na 'to! Sarap kurutin!
"Yun naman pala ah! Oh? Nasan sina Kyle ha?" Mataray na tanong ni Bella. Pft, hindi bagay, mas sanay ako sa jolly at madaldal na si Bella. Haha.
"Secret nga, ang kulit mo naman Master eh." Hahaha. Ibang klaseng fairy. Ang saya siguro magkaroon ng ganiyan. Haha.
"Aba! Aba! Talaga naman! Tamo! Titirisin kita dyan eh!" Warning ni Bella, pagkatapos ay mabilis namang nag-tago si Emerald sa likudan ko. Ang kulit.
"Yisha, si master oh!" Pagsusumbong saakin ni Emerald.
"Hahaha! Ang kulit nyong dalwa!" Natatawang sabi ko. Gawin daw ba kong taguan ni Emerald mula sa master niya. Haha!
"Ayisha! Ilabas mo iyang si Emerald, Ayisha. Titirisin ko yan!" Pang-loloko ni Bella kay Emerald.
"Ilabas mo yun Yisha!" Dagdag pa ni Bella. Biglang lumabas si Emerald at nakapamewang ang lokang fairy. Ahaha! Ang cute!
"Master Bella! Wag ka gaya gaya, ako lang natawag kay Ayisha ng Yisha." Mataray na sabi ni Emerald. Pati ba naman yun? Pag-awayan? Haha!
"Hoy! Bibwit! Tumigil ka dyan, asan ba sina Kyle ha?" Tanong uliy ni Bella kay Emerald, pero ayaw talaga paawat ng fairy na 'to!
"Ayaw! Ayaw! Inaaway mo si Emerald!" Maktol na sabi ni Emerald. Haha! Parang batang may tantrums.
"Emerald, asan sila?" Warning na sabi ni Bella.
"Teka nga! Ang kulit nyong dalawa!" Awat ko. Ang kulit kasi, sila mag-amo, tapos sila ang nag-aaway, pero alam ko namang joke lamang iyon.
"Siya kase!" Sabay na sabi ni Bella at Emerald at sabay pa ang turo sa isa't-isa. Haha! Nakakaloko na 'tong dalwang 'to ah!
"Haha! Mag-amo nga kayo!" Natatawang sabi ko. Sana magkaroon din ako ng fairy, siguro nakakatuwa ng sobra iyon.
"Ayisha, itigil mo yan." Natatawang sabi ni Bella, saka kami nag-apir. Nasakyan ko kasi mga kalokohan nila. Haha.
"Emerald asan ba kasi sila?" tanong ni Bella kay Emerald.
"Nasaan pa Master? Malamang andun sa cafeteria." Naka-pout na sabi ni Emerald. Pagkatapos ay nauna na siya, kaya't sumunod kami papunta sa direction an pinuntahan niya.
Nawala panandalian sa isip ko iyong sinabi nung head dahil kayna Bella at Emerald. Patuloy pa din kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria na sinasabi nila Bella.
"Ayun sila!" Masayang sabi ni Emerald, saka mabilis ma lumipad patungo doon.
"Tara!" Nakangiting sabi ni Bella sabay higit saakin.
Agad naman siyang pumunta sa bakanteng upuan na katabi ni Kyle, tapos tumingin naman sila saakin noong makalapit ako sa kanila. Iyong Charlene ngumiti saakin, iyonh Vien tinaasan ako ng kilay tapos yung Prince charming ni Bella, ngumiti din saakin, si Louie naman nanatiling nakain, na parang hindi kami dumating ni Bella.
"Ayisha! Upo ka na." Nakangiting saad ni Bella, wala na ko nagawa kaya umupo na rin ako. Pag nga naman minamalas ka. Katabi pa ni Louie. Bigti na tayo! Ang malas ko talaga. Sa lahat ng pwedeng katabi si Louie pa.
Dahil naiilang ako at katabi ko si Louie, napatingin ako sa paligid, at mukang maling move iyong ginawa ko dahil ang sama ng tingin nila saakin, Tsk. Eto na naman. Ganto tingin saakin sa mortal world noon.
Tumingin naman saakin yung sina Vien, Charlene at Kyle. Si Louie nakain lang. Hindi na ako nag-taka, halata namang wala siyang paki-alam saakin.
"Ahmm. Guys, si Ayisha nga pala." Pagpapakilala saakin ni Bellamsa kanila.
Ngumiti ako ng kauntian, at saka nag-salita. "Hello." Medyo naiilang na bati ko sa kanila.
"Kamusta Ayisha? Prince Kyle Clifford nga pala." Tapos ngumiti yung Prince Charming ni Bella. Omygie, nakakabighani ng bongga iyong singkit niyang mata habang nakangiti at iyong lubog na lubog na dimple niya.
"Hello din! Ako naman si Charlene!" Pakilala ni Charlene sa sarili niya, sabay ngiti ng sobrang lapad, ang ganda niya lalo sa ngiting iyon. Muka din siyang masiyahin dahil sa ipinapakita niya.
"Nice meeting you." Nakangiting sagot ko, para naman medyo mawala iyong awkwardness na nararamdaman ko.
"Yisha! Yisha! Yisha! Eto naman sina Garnet at Pearl, tapos ito si Jasper at Onyx!" Pag-papakilala ni Emerald doon sa mga fairy na biglang naglabasan. Ngumiti ako ng malapad dahil doon, ang cute nilang lahat.
"Ang cute nyo. Sila pala mga kaibigan mo?" Tanong ko kay Emerald. Nakakatuwa silang pag-masdan.
"Oo! Oo! Mababait sila!" Tuwang tuwang sabi ni Emerald. Kakatuwa naman sila! Gusto ko tuloy sila lahat kurutin!
"Sino mga Masters nila?" Tanong ko kay Emerald.
"Ahhh! Eto si Pearl Master nya si Vien! Air Fairy sya." Iyong pearl ay nakasuot ng puti na dress maikli lang, parang flower yung dress nya. Ang ganda nya! Master niya pala si Vien.
"Eto naman si Garnet! Master nya si Charlene! Earth fairy sya." Pakilala ni Emerald sabay turo dun sa fairy na cute, naka green na dress naman sya, parang yung kay Pearl din, green nga lang. Si Charlene pala kanya. Natutuwa akong makita itong maliliit na nilalang na ito, dahil nakakabano. Haha.
"Tapos eto, si Onyx! Master nya si Kyle, water fairy sya." Lalaki naman itong fairy na 'to at naka kulay blie sya. So, sya pala ang fairy ng Prince Charming ni Bella.
"At eto si Jasper! Fire Fairy, master nya si Louie!" Lalaki din ito, nakapula naman. Psh. Mukang mayabang parang amo niyang napaka cold. Tsk.
"Ahh! Hello sainyo!" Masayang bati ko sa kanila, saka ko sila kinawayan.
Bigla namang lumapit yung ibang fairy kay Emerald. Parang nag-tipon tipon sila at nag-usap usap.
"Naiintindihan ka nya?" Tanong nung Onyx.
"Light Charmer din sya?" Dugtong naman nung Garnet.
"Tsk! Panong naiintindihan ka nya?" Maangas na tanong naman nung Jasper.
"Duh~ Wag nga kayo! Malay nyo hindi naman!" Pagkontra naman nung Pearl.
"Haha, kayo talaga! Syempre naiintindihan ko kayo! Bakit anong meron?" Natatawang tanong ko, ang seryoso kasing mag-usap masyado.
"Lahat kami naiintindihan mo?!" Gulat at sabay sabay nilang tanong maliban kay Emerald.
"Oo. Bakit?" Inosenteng tanong ko. Agad naman nanlaki ang mata nila, at saka sila lumipad papalapit saakin at saka ako pinag-masdan. Samantalang sina Vien, Charlene, at Kyle ay natigilan. Napatingin din ako kay Bella at nanlalaki ang mga mata nila.
"Lahat sila naiintindihan mo?'' Hindi makapaniwalang tanong ulit ni Charlene. Eh? Big deal?
"Oo nga." Sagot ko, kulit nila ah? Paulit ulit?
"Panong? Hindi kaya Sound Charmer ka?" Interesadong tanong ni Charlene. Sound charmer? Parang si Mr. McGreen? Sound charmer naiintidihan kahit anong language saka malakas ang pandinig, kaso nga lang hindi e.
"Hindi." Mabilis na sagot ko. kasi kanina habang naglalakad kami ni Bella, may mga fairy rin akong nakita hindi ko sila maintindihan puro sound lang ng bell kaya nga nagtataka ako, at naintindihan ko ngayon silang lima, pero kahit nakakapagtaka ay natutuwa at naaliw talaga ako sa kanila.
"Pero panong naiintindihan mo silang lahat? Ako nga ang naintindihan ko lang sa kanila ay si Garnet, dahil Earth fairy sya." Saad ni Charlene saakin.
"Hindi ko din alam." Tanging sabi ko.
Advertisement
Guild Wars
Draco had risen to the top of the world through his exploits in the legendary FIVR game, Boundless.
8 12750Small Chests Are Fine Too
It is an undeniable fact that good things come in small packages. More often than not, it is necessary to trim the fat in order to bring what really matters to the forefront. Having extra bulk may seem like a good idea, but in reality it is merely a crutch that will one day become a hindrance, as it is no substitute for personality nor ability. Indeed, often times it is the small things in life that brighten up our daily lives and constantly remind us exactly why we do the things we do. However, it is important to keep an open mind, for while bigger is not always better, there are also times when it is. This holds especially true when it comes to hopes and dreams, which have been known to require a suitably large container from time to time. And while dreaming big could potentially lead to massive dissapointment, one will never truly reach fulfilment if they think too small. A truth that one small woman with meager aspirations is about to find out. DISCLAIMER: This is a spin-off/side story of my main series, Everybody Loves Large Chests, which is also mandatory reading to understand this one. It runs parallel to the main plot, branching off from the chapter titled Upheaval 2, so there will be spoilers for anyone who hasn't reached that point.
8 62Shivaay
A boy name Shivaay was born into a different world consisting of many powerful figures. Every 7 year old receives a blessing from different gods and goddess of hindu mythology acquiring different weapons and powerful skills.His blessing from a high-god becomes the reason for envy of someone really poweful. Can he really overcome his hurdles? If you are reading the note from this amatuer writer, thankyou for supporting me. I tried my best to improve the error and plot holes in the story, but if any reader finds out anything please inform me. Shivaay is a normal boy sometimes he is timid, sometimes brave and sometimes foolish. As bravery, cleverness comes from experience, together with you I will also follow Shivaay in his journey to acheive greatness. Please write your suggestion I will be happy to improve myself. Note: The image was taken from http://evolvinglaunda.com/2020/08/lord-shiva-images/
8 138FINAL WAR: ENTOMONS
In the year 2623... a galactic war broke out between Humans and the Entomons. The war brought humanity to their knees and almost sent them into their extinction. For the sake of their survival and as the last resort, they created a time portal that could transfer particles of information into the past. At the cost of crippling their whole civilization, they transferred the memory of their finest general through the portal, into the body of a 1-month-old baby. --------------------- Come and join us on this thrilling adventure as we explore the Universe.
8 130The Fallen
In a world where magic has begun to lose its wonder and might, where the dragons of old have been gone for more than 10,000 years. The last strand of ancient magic forms itself on a young boy. Follow Raiden and watch as the strings of fate bring a child Fallen to the depth of life rise once more and shake the Dacia Continent.-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------Hello, well this is my first fiction, so while I would love opinions and criticism to better my writing, please take into account that English is not my first language. The tags can be submitted to change. I hope you guys enjoy this story. Hopefully I'll be posting once every week is my hope. I'm coming back after having had to set my life in order and now I can dedicate more time and effort to pursuing this passion.
8 141A Broken Promise
Sayhas was a killer. He was a mindless blade. A mercenary, a brigand, an outlaw Thief, Assassin. Murderer. He's done it all. Now, he's had a change of heart; he wants to go home and grow old by a fire with the ones he holds dear. But the past cannot be so easily forgotten, and grievances of long ago haunt him at every step. Instead, he travels the world, waiting for old friends to come and collect their dues, hoping that there will come a day when he can finally go home. Unfortunately, Sayhas' talents have caught the unwanted attention by the gods themselves. And when even the god's nasty plots are intertwined with Sayhas, he has two options: To run and pray it all blows over. Or to fight, and to pick a side.
8 96