《My Enchanted Tale》6 ❀ Charm Five

Advertisement

"So ikaw pala? Is your name Ayisha?" Sabi nya matapos lumapit saakin at bumulong sa tenga ko.

"One of my fan girls? I'm telling you, back off. You don't know me, unless you wanna meet satan." Halos kilabutan ako sa narinig ko, at napatulala ako saglit.

Satan? Demonyo? Omg. Ayoko.

Di ko alam ang iisipin ko sa mga pagkakataong yun. Mabait ba yung Louie na yun? Yung crush ko na yun? Bakit ba naman kasi crush ko yun? Alam na kasi gwapo haha. Pero bakit ganun? Parang ang yabang niya? Bawal na ba magka-crush ngayon? Grabe naman. Siya ba may ari ng ECA?

Bigla syang humarap saakin ng nakangisi.

Hindi dapat ako nagpapatalo, sa ganito! Dapat malakas na ako, matapos ang lahat ng nangyari saakin, dapat hindi na ako nagpapatalo. Ayaw ko na maging mahina tulad ng dating Ayisha.

Inayos ko ang sarili ko at tiningnan sya sa mata.

"Satan? Don't worry. I already met him. I'm not one of your fangirls." I told him. Totoo naman. Nakilala ko na si Satan, sa katauhan ng Auntie ko dati, yung mga nambubully saakin, at iba pa.

"Then, not one of my fangirls? Maybe one of the obsessed girls." Halos mamula ako sa sinabi nya. Hala, bakit ang yabang niya? Wala na ba ngayong freedom of crushes? Bakit ang cold niya din? Yung mga titig niya kasi.

Umalis na siya, pero hindi maalis iyong image niya na nakatingin ng masinsinan saakin, iyong dark niyang mga mata na walang ka-emo-emosyon at ang ilong niyang ang tangos, pati na din ang pinkish lips niya, at ang manly niyang jawline. Kaso, iyong mga titig niya talaga, may kakaibang dating saakin.

Noong umalis siya, naiwan yung isa niyang kasama na tinatawag ni Bella, na prince niya.

"Hi Bella! Hi Miss maganda! Pag pasensyahan nyo nga pala si Louie ah? Ako nga pala si Poging Kyle, miss?" Pagpapakilala nung kasama niya. Agad kong napansin sa kaniya, iyong dimples niyang lubog na lubog at ang pagkatamis tamis niyang ngiti. Nakakatunaw. Agad akong napatingin sa brown niyang mga mata na tila kumikislap sa saya. Kakaibang kakaiba dun sa Louie na iyon.

"Ah? Eh? Ayisha. Ayisha." I absentmindedly retorted.

"Pagpasensyahan mo na yun si Louie ha? Magandang Ayisha." Mahinahong sabi niya sabay wink saakin at bigla na lang umalis. Wow! Grabe! Mas gwapo siya sa malapitan. I was also, taken aback because of his gentleman gesture, na hindi ipinakita ni crush este ni Louie.

"Bye din pretty Bella!" Sabi naman ni Kyle kay Bella, habang kumakaway. Napatingin ako naman ako kay Bella. OMYGAD. Le faints. Parang mahihimatay na sya. I snap at her. Ayun nabalik sa katinuan. "Ah? Osige. Pag sabihan mo yun si Louie ah?" Sabi niya na lang, pero wala nanaman siyang kausap. Haha. Nababaliw na talaga itong si Bella.

"Ay? Umalis na pala." She said, noong nakita niya itong sumunod na doon kay Louie.

"Kilala mo talaga sila personally?" I asked, kase the way Kyle approached Bella, parang close na close sila.

"Oo naman sila pa!" Masayang sabi ni Bella. Napataas naman ako ng kilay doon. "Huwag mo sila alalahanin. Mabuti pa manuod na lang tayo ulit, at saka ipapakilala kita sa mga kaibigan ko mamaya." She said while beaming, kaya ngumiti na lang din ako sa kaniya.

"Ang yabang pala nun. Tss." Mahinang bulong ko sa sarili ko matapos niya akong lapitan. Wala na turn off na ako. Bakit may ganung klaseng lalaki sa mundo? Ang rude. Sayang iyong ganda ng muka niya, ang gaspang naman ng ugali. Tsk.

Binaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa stage, dahil doon. Wala na din kasing kwenta kung patuloy kong iisipin.

Advertisement

"So much for the new students? What do you think? Can we call on the old students? To make their level more higher?" Excited na tanong nung head. Bigla namang nag-karoon ng sobrang lakas na cheers at palakpakan kasabay pa noon ang sobrang lakas na music. Ramdam na ramdam ko tuloy ang vibration.

"Yeah!"

"Yes! Old students naman!"

"Tama! Old students naman! Mamaya na uli yung mga Newbies!"

Sigaw ng karamihan. Buti pa nga! New students naman, para mawala ng konti yung kaba ko. Mamaya pa ko matatawag! Nakakaba kais talaga, lalo na kung cluless ka sa charm mo.

"Okay let's start from the Charm five? What do you think?" The head queried, and the students all cheered saying yes. Woah? Sikat ba iyong Charm Five?

"Bella, sino sila?" I inquired, nakakapagtaka kasi parang sobrang popular nila sa school na ito, o di kaya naman parang sila yung pinakamakapangyarihan.

"Secret!" Then she giggled. Napaharap na lang ulit ako sa unahan, dahil ayaw pa sabihin ni Bella. Makikita ko rin naman sila, kapag andun na sila sa stage. Okay na din iyon.

"Charm Five!"

"Charm Five!"

"Charm Five!"

"So whose charmer from charm five, would you like to see first? The water charmer, the air charmer, the earth charmer, the fire charmer, or the light charmer?" The head teased, and the crowd screamed kung sino ang gusto nila.

"Light Charmer! Bella!"

"Water Charmer! Kyle!"

"Earth Charmer! Charlene!"

"Air Charmer! Vien!"

"Fire Charmer! Louie!"

May kanya kayna silang sinisigaw, pero sa lahat ng sinigaw nila si Bella lang ang kilala ko, dahil sabi niya nga Light Charmer siya. Omo? Kabilang siya sa Charm Five?

Tiningnan ko si Bella dahil doon, agad naman niya akong kinindatan. "Yes, Ayisha. I'm one of them. Huwag mo na muna ako tanungin, at manuod ka sa mga charmer na yan. They are the most powerful here in school." She said while grinning, kaya tumango tango na lang ako, dahil excited din akong makita ang kakayahan ng tinatawag na "Charm Five."

"So, May we call on, the Earth Charmer? To be the first?" Tanong nung head. Lahat biglang naghiyawan, at ang sinisigaw nilang pangalan ay--"Charlene" iyan ang tanging pangalan na naririnig ko. Sikat talaga grabe.

"Let's welcome her back! Ms. Charlene Kim Staad (stad)! The Earth Charmer!" Proud na sabi noong head, pagkatapos ay marahang pumanik ang isang babae sa stage. Mahaba ang kulay maroon niyang buhok at medyo may pagka-curly, she also has a fair complexion and a nice body, medyo matangkad din siya, at parang may glitters sa paligid ng mata niyang kulay itim na mata. Mayroon din siyang mga ngiti sa labi na mas lalong nakapag-paganda sa kamiya. Woah. Dyosang dyosa ang dating niya.

"Shield?" Tanong nung head. Matapos makapanik ni Charlene.

"Yes!" Masayang sabi nito, sabay ang mahinang pagpalakpak ng isang beses. Ang cute niya! Tapos parang ang childish childish niya, at ramdam na ramdam mo ang masayang aura na bumabalot sa kaniya.

Pagkatapos noon ay nabigla na lang ako ng magkaroon ng invisible force o shield. Hindi ko alam kung ano yun, basta parang invisible force sya o kung ano man.

Siguro shield nga iyon.

Nag step ng tatlong beses yung babae. Or should I say yung Charlene. Nagitla na lang ako ng biglang may mga tumubong na halaman, at puno patuloy siyang gumawa noon hanggang sa parang, nagkaroon ng parang mini forest sa stage! Ang cool!

Itinaas niya yung kamay niya, tapos biglang namulaklak yung mga puno. Pati na rin yung mga halaman. Nag-stamp uli sya ng tatlong beses at biglang nagkaron ng malaking tipak ng lupa sa kinatatayuan nya, naging square ito at pinagalaw nya.

Advertisement

Nawala yung parang forest, at naging purong plain lang na lupa ang tinutungtungan niya, tapos itinaas niya ng kaliwang kamay niya, kasabay nito ang pag-taas din ng lupa, parang may binubuo sya.

"Woaaaaah!" Manghang sabi naming lahat.

Ang ang ganda ganda nung ginagawa niya. Gumawa sya ng globe--malaki sya, gawa sa lupa tapos nilagyan nya ito ng kulay gamit ang pagpapatubo ng iba't ibang bulaklak doon.

Nag-clap siya ng dalwang beses at nawala yung globe, matapos ang ginawa niya nag-smirk sya, at nag-gawa uli sya ng mga square square gamit ang lupa at hinampas o pinagtatapon nya ito. Halos muntik na kong sumigaw ng ibato nya ito! Pano kung may matamaan , iiwas na sana ako ng mapansin kong kalmado lang lahat! Omygosh! Nagitla na lang ako ng hindi tumagos lampas sa stage yung ibinato nya, pero nagkaroon ng malakas na impact. So ibig sabihin may invisible shield talaga. Napatingin ako sa paligid. May mga parang robot na nakataas ang kamay na akala mo'y may inilalabas na powers. Yun na pala, sila yung nagkokontrol dun sa shield. Kung wala sigurong shield malamang kami na ang natamaan nyang mga pinagbabato ni Charlene. Mukang sorbrang lakas pa naman ng pagkakabato.

Yung mga robot ay apat para silang iyong mga nasa movies na may iba't-ibang nakakabit sa katawan. Nasa kada side sila ng stage matahil ay nag-ma-maintain sila nung shield. Siguro shield charmers sila.

Patuloy sya sa ginagawa niya. Napapaatras din ng konti yung nagkokontrol ng shield dahil dun. Ang lakas ng ginawa niya, nagkaroon tuloy ng pag-yanig dito sa loob ng buong auditorium o arena.

Tinapos nya yung pang-babatong ginawa nya. Then, out of that soil na nakagawa sya ng isang lobo. Wolf nagawa sa matitigas na tipak ng lupa. Kulay green ang mga mata nito. Sinugod ng lobo ang invisible shield na nakapaligid sa stage, nawari ba'y galit nagalit na gusto itong sirain. Napatingin ako sa shield charmers, mukang hirap na hirap na sila. May isa pa nga nanapatigil na sa paggagawa ng shield sa sobrang lakas, at napaupona lamang ito. Atake lang ng atake ang lobo hanggang sa...

"Times up! Ms. Staad!" sabi nung head, kaya napatigil yung Charlene sa ginagawa niya. Grabe, sobrang lakas nya. Pano niya nagawa yun? Napatumba niya ang isa mula dun sa apat na naggagawa ng shield!

Pumalakpak ang lahat dahil sa pagkamangha sa ginawa ni Charlene. Nag bow naman siya at kumaway, kaya't ang resulta nag sigawan lahat ang mga lalaki na tuwang tuwa!

"No wonder, you're the strongest Earth Charmer, at your young age, you almost learn fast all the techniques that Earth Charmer does. You almost take down our four shield charmers! You really want to get a higher echelon huh?" The head teased while grinning.

Ngumiti naman yung Charlene. "I took down one out of the four strongest shield charmer. That's really an accomplishment." She said.

Parang sobrang challenging na mapatumba iyong apat. Siguro nga sobrang lalakas talaga nila.

"Bella?" Mahinang tawag ko kay Bella. Gusto ko kasing makasigurado sa iniisip ko. "Bakit may apat na charmer dyan na mukang robot? Saka bakit parang gusto nyang patumbahin silang lahat?" Tanong ko.

"Yung apat na nakapaligid sa bawat side ng stage, they are known as the strongest shield charmers. Magaling at matibay sila gumawa ng shield. Pag sila ang naggawa ng shield, maunti lang ang possibility na masira yun. Malalaman mong may damage ang shield pag may natumba o may nanghina sa kanila. Kanina may natumba na isa, it means na malaki na ang damage. Lalo na pag dalwa, tatlo o lahat sila napa tumba mo. Kaya shield ang tinitira, para mas mataas ang echelon." Paliwanag ni Bella.

Ibig sabihin sobrang tibay ng shield na gawa nung apat na yun? May nakasira na kaya sa shield na ginawa nila? "May nakasira o nakapagpatumba na sa kanilang apat ng lahat lahat?" Curios na tanong ko.

"Wala pa. Kapag nasira mo yan. You're the strongest here in the academy." Sabi ni Bella, saka tumingin sa unahan. Tumingin na din ako, pero nahagip ng paningin ko yung isang natumba kanina, parang ginagamot sya.

Healing charmer yata yung naggagamot sa kanya, para ibalik yung lakas niya. Matapos maging okay nun, bumalik na ng baling ko kay Charlene. May lumabas na ulit na screen sa unahan, para malaman ang echelon ni Charlene. "Now let's see what level did you reach, Ms. Staad." The head announced.

Lahat kami nakatitig sa screen. Ano kaya echelon niya? Ang lakas niya kasi talaga. Maya maya lumabas na ang echelon niya. "Echelon 27." Iyon ang nakalagay doon sa screen.

Wow! Ang galing! No doubt! Ang galing ng ipinakita nia kanina! Saka, she's an old student. At sabi pa nga, powerful earth charmer daw sya.

"So far, Ms. Staad. Highest echelon ang 27 na nakuha mo. Congrats." Sabi ng head. Wow! Highest sya! Ang galing! Yung iba kayang kabilang sa tinatawag nilang Charm Five?

Si Bella kaya? Mataasan niya kaya si Charlene? Nakakaexcite.

"Now lets call on, Ms. Linzi Vien Amethyst. Our Air Charmer!" Sabi nung head. Biglang nagtilian nanaman lahat. Sikat talaga ang charm five! At ibig sabihin sikat na sikat din si Bella! Ang galing naman!

May umakyat na babae sa stage, muka siyang mataray. Straight hair, pero curly sya sa dulo, tapos ang kinis ng muka niya at may kulay brown na mata at matangos na ilong at manipis at maliit na lips. Maputi din sya, at medyo mapayat.

"Let's start. Staad! I'm gonna beat you!" Tapos tinuro niya pa si Charlene. At nag-smirk sya. Magkaaway ba sila? Napatingin naman ako kay Charlene at dinilaan lang niya si Vien, ang cute nya.

Bumababa ulit yung head sa stage. Tapos yung apat na parang robot, they position themselves on the sides of the stage at nagtaas ulit ng kamay. Siguro may invisible shield na ulit sa stage.

Ngumiti muna yung Vien at bigla na lang syang lumipad. Mula sa taas nagpakawala sya ng isang malaking tornado. Nagulat ako ng makita ko yun. As in wow! Ang galing niya rin! Bumangga yung tornado sa bawat sulok ng shield, kinakabahan padin ako, kasi parang akala mo tatama sayo, para kasing walang shield na nakapalibot sa stage. Tapos maya maya tinaggal niya rin yung tornado, malaking impact din ang ginawa nung tornado halos yung apat kasi napaatras dahil doon.

Nagpakawala naman sya ngayon ng isang air circles. Bilog na hangin sya tapos meron syang matatalas na blade sa paikot, medyo malalaki din ito. Pinatamaan nya uli yung invisible shield, halos mapangwi naman yung mga mukang robot dahil sa lakas. Saka tuwing tatama ito sa invisible shield napapaatras ng kaunti yung apat na nagproprotekta doon.

She also released air bombs, kada tapon nya dito, sumasabog ito, dahilan ng lalong panghihina nung mga gumawa ng shield. Ang lakas niya din, parang si Charlene! Matapos noon, bumababa sya mula sa pagkakalipad at pumikit.

Matapos ang ilang sandali biglang may lumabas na, isang air eagle, ang laki nito mas malaki pa sa kanya ng kaunti. Sinenyas ni Vien yung kamay nya, at sumunod naman ang eagle sa kanya. Kulay blue ang mga mata ng eagle. Ang lakas nito. Rinig na rinig mo ang vibration dahil sa pag gawa nito ng tunog.

Pinuntirya muli ng eagle ang shield. Bumuwelo sya. Ang bilis ng lipad niya. Kinakabahan ako kasi mamaya baka bumigay yung apat, halos hinang hina na din kasi sila. Nagulat na lang ako ng biglang mapaupo yung isa! One down! Tatama na sana ang eagle sa shield kaso...

"Times up Ms. Amethyst!" Biglang sigaw nung head. Sayang! Muntik na nya sanag mapatumba din yung isa!

"Muntik na yun miss Amethyst, you almost take down 2 of them! But, just like Ms. Staad. You only took down, one." Sabi ng head. Kita naman sa muka ni Vien ang panghihinayang.MNapailing na lang yung Vien sa nangyari, at halatang halata ang disappointment sa muka.

Lumabas na ulit yung screen. "Now, let's take a look if you beat Ms. Staad." Then tumingin yung head sa screen, ganun din ang ginawa namin.

"Echelon 27." Wow! Parehas sila ni Charlene!

Medyo inis ang muka nung Vien tapos nagsalita sya. "Maybe I didn't beat you, but at least we are tie." Asar na sabi niya sabay tingin dun sa Charlene.

"Thank you Ms. Amethyst. Now let me call on, Ms. Yzabella Fyzerille Gartone!" Agad akong napatingin kay Bella, dahil sa sinabi nung head! Wow! Si Bella na!

Bumababa na yung Vien sa stage. Si Bella naman kinindatan ako. "Goodluck, Bella!" Masayang sabi ko sa kanya, sabay bigay ng fighting sign.

"Manuod kang mabuti." Sabi ni Bella saakin, nginitian ko naman sya. Tumingin ako sa stage, ginagamot ulit yung apat, para ma-regain yung energy.

Pumunta na si Bella sa stage, bigla nagpalakpakan at naghiyawan lahat. Sikat nga talaga si Bella dito, nakakatuwa naman!

"Okay! So Welcome back our Yzabella!" Sabi nung head, lalong naghiyawan Lahat. They chanted the name of Bella. Nakakatuwa ang crowd dito nagkaka-isa.

Bella chuckled, "It's nice to be back! Can I start?" Tanong ni Bella, saka ngumiti at kumaway sa mga nandito. Tumango yung head at bumababa na sa stage. at biglang namatay ang mga ilaw dito, halos wala akong makita dahil doon. Teka, bakit pinatay yung mga ilaw?

Unti unti nag-karoon ng liwanag dun sa stage, para siyang fireflies. Maya maya nakita ko na si Bella, sa kanya pala nag-mumula ang liwanag! Wow! Ang galing! I'm so proud of her!

Biglang lumiwanag ang buong paligid. Muli galing ang enerhiya na ito kay Bella, inikot ni Bella ang kamay nya at nagkaroon doon ng isang parang maliwanag na malaking bola. Hinagis nya ito sa shield, dahilan para muntik na kong umilag akala ko lasi tatama nanaman saamin. May shield nga pala, napaatras agad yung apat dahil sa lakas nito, halos mapangiwi nga sila.

Nag-gawa si Bella ng mga light circles, shuriken, bomb, at iba pa at pinatama sa invisible shield. Sa ginawa nyang yun, one down! Wow! Halos pang-lima pa lang atang tira one down na! Ang lakas nya! Ang cool din ng charm niya!

Naglakad si Bella sa stage at hinawakan yung invisible shield nakita ko naman na halos mapaupo yung tatlong natitirang nakatayo dahil sa nagyari. Yung dalwa sa kanila nakaluhod na. Isa na lang ang nakatayo! Gosh! So powerful! Hindi mukang mapanganib at malalakas ang move ni Bella, pero ganun ang epekto. Ang cool talaga.

Iba iba ang kulay na inilalabas ni Bella. Nagiging white, orange, yellow, blue, red, green, light blue, golden brown at iba pa! Ang ganda! Maya maya pumikit sya at parang nag-concentrate. Pagkatapos biglang lumabas doon sa ang isang tigre. Umiilaw din ito, at kulay orange siya. Ang mga mata kulay puti.

Tapos biglang sinugod nito ang invisible shield at biglang napahiga yung isa pang shield charmer! Wow! Two down! Yung dalwa lang natitira hinang hina na! Grabe ang lakas! Titira pa sana si Bella kaso...

"Times up Ms. Gartone!" The school headmister interrupted.

Suddenly, bigla nag dilim uli sa arena, pero matapos ang kaunting minuto ay nagbukas na din ulit ang mga ilaw dito. Wow lang! Dalwa ang mapatumba ni Bella! Agad namang lumapit yung mga healing charmers dun sa apat at ginamot nanaman sila.

Nakita ko naman si Bella nakangiti. Grabe! Dalawa iyong napatumba niya. Dalawa.

"Congrats Bella, you've done great job! The shield charmers are ahm just tired, because of what you did!" Sabi nung head.

Bella giggled at lumabas na ulit iyong screen. "Now lets see what echelon our Light Charmer will be!" Nakangiting sabi nung head. Napatitig akong maigi doon sa screen dahil sa pag-ka-excite na nararamdaman ko, feeling ko tuloy ako yung bibigyan ng echelon. Haha. Ang galing kasi talaga ni Bella!

"Echelon 29." Nakalagay sa screen. Wow! Ang galing. Isa na lang 30 na!

"Wow! Super impressive! Excellent!" Proud at tuwang tuwang sabi nung head. Ngumiti naman si Bella at nagbow ng kaunti saka bumaba. Pumunta sya saakin at niyakap ako.

"Congrats, Bella!" Tuwang tuwang sabi ko sa kaniya.

"Thanks!" Masayang sabi naman niya saakin at saka kami nag-high-five.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click