《My Enchanted Tale》4 ❀ First Day

Advertisement

Huminga ako ng malalim, at saka sumunod kayna Bella. Kaya ko ito! I chanted to myself. Naglakad kami ni Bella hanggang sa nakarating kami sa isang lugar, at doon tumigil. Pinagmasdan ko ang paligid, na sa sobrang ganda ay parang imposible ng magkaroon ng ganoon.

"Come with me. Take my hand. Let's discover this world full of magic and light." Napalingon ako kay Emerald noong sabihin niya iyon. Napakunot noo tuloy ako. Emerald chuckled a little after that, "Cute ba? Cute ba? Kanta yan! Kanta yan!" Masayang dugtong pa niya.

I giggled. "Ang cute. Ang ganda pakinggan sa tenga." I said with a smile. "Kaso nga lang," Hindi agad naituloy ni Emerald ang sinasabi niya, pagkatapos ay nag-pout pa siya. "Kaso ano?" Tanong ko naman.

"Wala pang kasunod." Malungkot na sabi niya, sabay ang parang paglagpak ng makikintab niyang mga pakpak at maliit na balikat.

"Hmm? Don't let go, and fight for the beautiful sight, where everything can happen, in your wonderful life." I suggested with a grin, biglang nabuhayan si Emerald dahil doon. "Waa! Ang galing mo Master Yisha! Ikaw na!" Tuwang tuwang sabi niya saka niya hinalikan ang tungki ng ilong ko, kaya't lalo akong natuwa. Napaka-masayahin talaga ng fairy na 'to. Hahaha.

"Woah, magaling kong fairy. Ang bait mo kay Ayisha ah. Samantalang sa sariling amo. Tsk, tsk, tsk." Pagpaparinig ni Bella kay Emerald, pagkatapos ay dinilaan lamang siya ng cute na fairy, kaya't nag make face si Bella. Ang cute talaga ng mag-among ito. Haha.

Matapos ang pangungulit ni Emerald. Tahimik kaming nag-intay ni Bella ng iniintay namin dito. Napatingin na lamang ako sa paligid. Ang daming mga charmers, mukhang mga kasing edad lamang namin ni Bella. Napangiti na lamang ako ng palihim sa pinagmamsdan kong paligid.

Once in my life, I never believed in fairy tales, but now, I'm starting to believe in it.

"Bella, ano bang iniintay natin dito? Kasama ba natin lahat nung iba pang charmers na nandito?" Nagtanong na ako, hindi ko kasi mapigilan, nakaka-curious sila.

"Bus. Nag-iintay tayo ng nakaka-enjoy na school bus!" Bella showed me her mischievous smile. Pakiramdam ko tuloy kinilabutan ako doon. Ang hilig ngumiti ni Bella ng ganoon, pag may kalokohang nasa isip. May mali sa ngiting 'yon ni Bella. Parang may balak siyang masama. Pft.

"Tapos iyong mga charmers na iyan, I think newbies na papasok na sa Enchanted Charm Academy, para i-train ang powers nila, and for some i-discover ang powers nila. Dito kasi sa tamang edad ka lang pwede pumasok sa Enchanted Charm, may iba naman kasing school dito, maliban doon. Kaso iyon ang pinaka-prestigous at pinaka-kilala, at basta mga pinaka. Haha." masayang explain niya. Napa-tango tango na lamang ako doon.

"At saka nga pala, Ayisha, mamaya sa school magkakaroon ng leveling, iyon kasi yung traditional na ginagawa, mas mataas na level mas maraming opportunity, and syempre sikat sa school." Bella said. Taray! May ganun pala dito. May pa-level level pang nalalaman ah. Nakakaloka.

"Ikaw Bella, anong level mo na?" I curiously asked.

"Ako? Hehe. Level 19 lang ako." Nanlaki naman ang mata ko doon. "Wow! Ang galing, pagkatapos ni-la-lang mo? Aba! Ang taas kaya!" I uttered.

"Oo na, oo na. Mataas nga iyon. Syempre, ako pa!" Natawa naman ako doon, dahil nag-pogi sign si Bella pagkatapos ay kumindat. Binatukan ko siya bigla. "Tigilan mo hindi bagay." Dugtong ko pa.

"Napaka supportive mo!" Ala-alang galit na sabi niya sa'kin, tinawanan ko lang ulit siya. Halata namang nag-jojoke lang.

"Aww. So tampo ka na Bella?" I teased. Pagkatapos ay ako naman ang biglang na batukan, agad akong napahawak sa ulo noon, at saka siya tingnan ng masama.

Advertisement

"Tigilan mo hindi bagay." She playfully mocked. Pagkatapos ay sabay kaming nagkatawanan. Haha. Ang lakas nanaman ng trip ni Bella.

"Alam mo Ayisha, na-eexcite ako para sa'yo." Mahinang sabi niya. Napataas naman ang isang kilay ko doon.

"Na-eexcite saan?" I questioned her.

"Una, na-e-excite kasi, kasi gusto ko na malaman kung anong kapangyarihan mo. Haha. Ang pa-mysterious effect kasi, alam mo iyon, parang Light Charmer ka o kaya Manipulative. 'Di ba? 'Di ba? Nakaka-excite malaman!" She gracefully vocalized.

"Oo nga! Nakaka-excite, at the same time nakakaba din, kasi mamaya wala pala." I mumbled.

"Master Yisha naman!" Emerald spoke. "Ang nega, nega, nega mo. Naiintindihan mo nga ako eh!" She added, while hopping in circles around me.

"Kaya nga, Ayisha. Tama si Emerald. Ang nega mo, bes. May charm ka swear." Pang-eencourage pa sa'kin ni Bella. I gave her a flimsy smile.

"Eto naman! Iyong ikalawang rason, kung bakit ako na-e-excite, ay dahil. OMG. I'm soooo sooo excited to hear your screams! Mouahaha!" She cheerfully stated, habang parang tumatalon talon pa. Ibang klase talaga itong si Bella. Parang bata na nasa katawan ng isang dalaga.

"Haha. Screams! Screams! Screams! Nakaka-excite, marinig iyon ano Master Bella?" Biglang singit naman ni Emerald sa usapan. Napa-kunot noo naman ako doon. Ano kayang ibig sabihin doon ni Bella?

Scream? Omo. Hindi kaya--?

Hindi ko na naituloy ang iniisip ko when Bella squealed. At saka ako biglang hinila. "Teka!" I shrieked, ang bilis niya masyado. Kaya pala niya ako hinila ay dahil dumating na iyong bus na hinihintay namin.

"Halika dali! Nakaka-excite talaga!" Galak na galak na sabi niya.

Kaya ayun, pumasok na kami doon sa school bus, pagkatapos umupo kami ni Bella sa upuan. Nag-simula na ding pumasok iyong ibang estudyante at umupo sa mga kanya kanyang upuan.

"Enchanted Charm Academy, here we come!" Rinig kong sabi noong isang estudyante.

"Eto na talaga, eto na."

"Tabi dyan, uupo kami."

Kanya kanyang kwentuhan ang naririnig ko, kanya kanya ding mga saloobin at mga excitement. Lahat sila bakas sa muka ang tuwa at pagkasabik. Nakakatuwa silang pag-masdan dahil doon, ang lalawak ng ngiti sa labi na tila hindi kinakabahan. Mukang handang handa na sila.

"Hello new students! Are you ready?!" Agad akong napatingin sa unahan noong may biglang mag-salita na malakas ang boses. Naka-uniform siya ng parang pang-bus driver, mataba siya at malaki ang tyan, nakangiti siya ng sobrang lapad at halos hindi na makita ang mga mata niya. Muka siyang sobrang masiyahin dahil doon.

Napalingon naman ako sa ibang estudyate dito, muka silang kinakabahan bigla na ewan, parang kanina lang excited sila, pagkatapos ngayon, nag-iba iyong expression nila. Bakit kaya? May problema ba?

"Hello again, new students! Ooops! Hindi pala lahat new students! Hello there, Ms. Yzabella and little fairy Emerald!" Nakangiting bati nito habang kumakaway kay Bella.

"Hi there Mr. McGreen! Nice to see you again!" Bati naman pabalik ni Bella.

"Kamusta, kamusta, kamusta? Masaya ako makita ka ulit Mr. Taba! Haha! Tara na tara na tara na excited na ko bumalik sa academy!" Tila sigaw ng maliit na boses ni Emerald.

"Haha! Nice to see you again, Bella! So ikaw lang pala ang old student na nasa bus ngayon dito? Bakit hindi ka dun sumakay sa kabila, kasama ng iba pang old students?" Tanong ni Mr. McGreen kay Bella.

"At ikaw naman Emerald! Hindi ka parin nagbabago! Paulit ulit ka parin! Saka wag mo kong tawaging Mr. Taba dyan ha, lagot ka saakin!" Dugtong pa niya.

"Haha. Ayoko sa kabila, Mr. McGreen. Sanay ang mga iyon. Wala akong maririnig na sigawan. Gusto ko dito, panigurado, maingay." Bella declared, and she winked at him. Tumawa naman si Mr. McGreen at saka nag-thumbs up kay Bella.

Advertisement

"Good choice, Yzabella."

"Haha. Dali na Mr. Taba! Go go go na tayo!" Pangungulit ni Emerald. "Sandali lang fairy-ng paulit ulit." Loko ni Mr. McGreen kay Emerald, natawa naman kami ni Bella doon, samantalang iyong ibang estudyante parang clueless. Saka ko lang naalala na hindi lahat kaya intindihin ang isang fairy. Pero--teka.

"Sandali Bella, naiintindihan niya si Emerald? Akala ko ba mga katulad lang ng charm nilang mga fairy ang nakakaintindi sa kanila? Light Charmer din si Mr. McGreen?" Takhang tanong ko kay Bella.

"Naku hindi Ayisha! Ang charm kasi ni Mr. McGreen ay maka intindi ng iba't ibang dialect saka iba't-ibang sound. Basta may kinalaman sa hearing ang charm niya, at saka kahit bulong kung gugustuhin niya, maririnig niya iyon. Power of sound! Isa kasi siyang Sound Charmer!" Bella elucidate.

"Ah, ganun ba?" Nasabi ko na lang habang tumatango.

"Oo, malakas makarinig yan si Mr. McGreen kaya ingat ka! Ayaw niya na sinasabihan ng Mr. Taba! Si Emerald lang naman ang nangungulit dyan." Dagdag pa ni Bella.

"Nako nako nako, hindi kaya! Totoo naman kasi eh! Mr. Taba, Mr. Taba, Mr. Taba sya!" Emerald repeatedly declared and then she pouted. Ang cuteee. Gusto ko tuloy siya tirisin. Haha.

"Hey! Yzabella and Emerald! Itigil niyo na iyan! Rinig ko kayo!" Mr. McGreen demanded, at saka siya umupo sa driver's seat.

"See, rinig niya?" Pagpapatunay ni Bella sa sinabi niya kanina, kaya't tumango na lang ako. Ang galing naman noon! Ano pa kayang powers ang makikita ko mamaya? Parang na-kaka-excite na tuloy siya, kaysa nakakaba.

"Eto na ang pinaka-hihintay nating moment! Let's get ready!" Mr. McGreen cheerfully stated, kaya't nakaramdam ako ng matinding pagkasabik.

"Wooohoo! Eto naaa!" Bella and Emerald squealed.

"Okay, newbies! Fasten your seatbelts! And be ready, Enchanted Charm Academy! Here we come!" Malakas na sigaw nito, sabay taas ng kamay sa ere. Kaya't nag-seatbelt na ako ganun din iyong ibang estudyante.

Nakarinig ako ng engine sound, pagkatapos ay unti-unti naramdaman ko ang pag-andar noong bus, mabagal lamang iyon.

"Wooohooo!" Sigaw ni Bella at Emerald pagkatapos ay biglang umaatras iyong bus, at-

"Waaaaa! Omygosh!" Malakas na sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa seatbelt ko, kasi ramdam ko na imbis na mag-start siya ng diretso tulad ng normal na sasakyan sa mortal world, ay biglang-

"Bella?-- Aaaah!" I yelled in panic. Omygosh. Omygosh. Omygosh. Waaah!

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod at binti ko dahil imbis na simpleng pag-andar ang ginagawa ng bus ay hindi! Dahil ang bus na ito ay lumulusong paitaas! Lumilipad ito! Tekaaaa. Bakit?!

Ganto ba pag nasa eroplano ka? Hala huwag naman! Nakakatakot! Gusto ko pa naman sana sumakay balang araw doon.

"Waaaaa!" Halos mapatama ako, sa likod upuan, sa sobrang lakas ng impact, dahil sa sobrang bilis na pagpapatakbo ni Mr. McGreen. Ang lakas lakas din ng hangin.

"Wooohooo! Fasteeeer! Mas mabilis pa dito Mr. McGeen!" Enjoy na enjoy naman na sigaw ni Bella na nasa tabi ko. Parang nag-ro-rock 'en roll pa ang peg ng loka, halatang tuwang tuwa, samantalang...

"Aaaaaaah!"

"Kyaaaaah!"

"Waaaaaah!"

Sigaw ng mga charmers dito sa loob ng bus. Napapikit ako sa sobrang takot! Kyaaahh! Sobrang bilis ng bus ngayon, at saka pakiramdam ko kinukuhanan ang ng kaluluwa. Huwaaa!

"Waaaah! Woah!" Nagulat ako noong biglang medyo lumiko itong bus, kaya't muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko, mabuti na lamang at may seatbelt ako. Lalo naman akong napahawak sa seatbelt dahil doon.

Nag-dasal na ako ng kung ano anong dasal, tinawag ko na ang mga santo, humingi na ako ng kapatawaran. Jusko! Maawa kayo! Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang takot!

Yung ibang mga estudyante, sobrang lakas din ng sigaw, at halatang takot na takot din. Waaa! Grabe. Si Bella, Emerald at Mr. McGreen lamang ata, ang nasisiyahan dito eh!

"Kyaaaah!"

"Waaaaah!"

Grabe. Nakakaliyo. Nakakasuka. Nakakapangilabot. Nakakatakot. Nakakanginig. Ayoko na, ayoko na, ayoko na, bakit ganito ito? Akala ko nakaka-enjoy, pero mali ako. Mas gugustuhin ko pa sumakay sa Pegasus, kaysa sa bus na ito.

"Waaaah!"

"Kyaaaah!"

"Aaaaaah!"

Walang tigil ang sigaw ng mga estudyante dito at isa na ako dun. Lalong bumilis ang bus na ito! Tumingin ako sa gilid ko nakita ko yung ibang mga bus, mas mabilis pa sa sinasakyan namin! OMG. Paano nalalampasan ng mga andun ang ganun kabilis na pagpapatakbo?

Dahil sa bibilis ng ibang bus, mas binilisan din ni Mr. McGreen! Napasigaw ko lalo sa isip ko. Parang nagkaron tuloy ng karera ng mga bus. Jusko, magkarera sila, huwag lamang pag-may nakasakay na mga estudyante!

"Waaaah!"

"Kyaaaah!"

Sigaw kami lahat ng sigaw, samantalang sina Bella, ay tila tuwang tuwa hindi magkanda mayaw sa sobrang saya, parang nag-sasayaw pa ito. "Wooo! Kaya nyo iyan malampasan niyo iyan!" Sigaw pa ni Bella sa tabi ko, sabay ang pagtawa niya. Gusto ko ngayong batukan si Bella, dahil doon. Ibang klase talaga.

Talagang parang nagkakarera iyong mga bus, ang bibilis nila, at paliko liko pa. Mahigpit talaga akong napapikit at napahawak sa kinauupuan ko, dahil pakiramdam ko ay tatalbog at malalaglag ako ano mang oras.

"Haha, grabe ka Ayisha! Hahahahahha! Sige hala, sigaw pa, sigaw pa!" Bella laughingly screamed.

"Bella! Hu-humanda ka sakin! Mamaya!" I yelled back. Nakakaloko si Bella, edi siya na ang hindi takot.

"Hahahaha! Epic fail Ayisha! Huwag mo kahawakan yang seatbelt, grabe. Baka maputol iyan sa sobrang higpit ng hawak mo!" Bella demanded. Lumingon ako sa kaniya, at saka siya tingnan ng masama.

"Bella!" I warned her, she just giggled.

"Omg omg omg!" Sigaw ko ng biglang tumigil ito ng malakas. "Ouch!" Nauntog ako dun sa likod na nasa unahan naming upuan, dahil doon. Bakit kasi bigla biglang tumigil ng ganun kabilis? Hindi uso dahan-dahan dito, tsk.

Pakiramdam ko nung tumigil ito, nakahinga ako ng maluwag pero para akong nalantang gulay, dahil sa sobrang panlalambot ng buong katawan ko. Argh. Curse this bus.

"Hahahahahaha! Saya grabe, para kayong timang kanina!" Tuwang tuwang sabi ni Bella, halata ngang nag-enjoy siya doon.

"Oo nga, oo nga! Hahaha! Ang sasama ng muka nyo kanina. Lalong Lalong lalo ka na Yisha!" Pang-aasar naman ni Emerald.

Samantalang ako, nanatili akong naka-upo, pakiramdam ko umiikot iyong paligid ko. Naliliyo ako! Pakiramdam ko naranasan ko ulit yung time noong, nalaglag ako sa kung saan at lumagpak sa isang puno. Ayoko na talaga.

"Tara na baba na tayo! Gusto mo ulitin?" Tanong ni Bella. Agad akong naging alerto doon at saka tinanggal ang seatbelt at tumayo.

"No thanks Bella, ikaw na lang." I firmly declared, she chuckled.

"Haha! Joke lang! Pano ba iyan halika na!" Akit niya sabay higit sa akin. Tumayo na ako, saka ko napansin ang mga ibang estudyante na andito sa bus. Ang gugulo ng buhok nila, mapa-lalaki o babae, parang nahihilo pa sila, at iyong iba mukang galing mental. Haha. Ang epic din ng itsura nila. Mabuti na lang naka-braid ako, nako kung naka-lugay ako, baka muka na akong sadako. Buti na lang talaga.

"Thanks for the ride Mr. McGreen!" Sabi ni Bella, noong maka-daan kami kay Mr. McGreen, pagkatapos noon ay bumababa na kami sa bus, at ganun din iyong ibang mga estudyante.

Nag-intay muna kami ng ilang sandali, pagkatapos ay umalis na iyong bus. Noong maka-alis iyon sa harapan namin, natigilan at nagulat ako sa nakita ko.

Naka-tulala lamang ako sa nakikita ko. W-woah. Breathtaking. Nakaka-speechless, iyong makikita mo. Sobrang nakakamangha, sobrang ganda nito.

"Bella," Mahinang banggit ko, sabay marahang tiningnan siya. "Is that the Air Heaven Land?" I asked. Hindi ko man tanaw lahat lahat dahil sa mga ulap, nakakakita ako ng tila, gintong mga poste na parang sa greek mythology, pagkatapos ay mataas na pader na may kakaibang disenyo, at tila mga nag-liliparang mga pegasus, mula doon. Medyo malayo iyon, pero matatanaw mo pa din.

"Correct! Tama ka, iyan ang air heaven land!" Naka-thumbs up na wika ni Bella sa'kin, hindi ko pa din inaalis ang titig ko doon, dahil na mesmerize talaga ako. Para tuloy gusto ko lumipad papunta doon.

"Ang ganda niya." Naka-ngiting bigkas ko, Bella chuckled happily, saka niya ako hinila, papunta sa isang sobrang laki at sobrang taas na bakal na gate.

Noong pumasok kami doon, agad akong na-mangha, dahil may malaking fountain na pinalilibutan ng nag-gagandahang bulaklak ang makikita mo sa gitna, pagkatapos ay may mga katamtamang puno at mayroon ding mga benches. Mukha tuloy park, pero may mga building din sa kalayuan.

"Wow, school ba ito?" I vocalized.

"Yes! Welcome to Enchanted Charm Academy, Ayisha!" Bella and Emerald welcomed me. Napangiti na lang ako ng sobrang lapad doon, at pinagmasdan ang ganda noong lugar, habang may preskong hagin na tila yumayakap sa'kin. Ang gaan sa pakiramdam dito.

Nag-simula na kaming mag-lakad lakad ni Bella. Ang daming mga estudyanteng nag-lalakad at nag-tatawanan, may ilang parang hindi alam kung saan pupunta, mukang mga bago din, iyong iba naman pumupunta sa barkada nila. Nakakatuwa silang pag-masdan lahat, halata mo ang pagkasabik nila.

Tumingin tingin pa ako sa paligid at, "Wow ang galing naman nya!" I declared noong may makita akong babaeng gumagamit ng charm niya.

"Haha, isa siyang Plant Charmer! Tingnan mo ang ganda nung ginagawa nyang puno!" Masayang wika ni Bella, habang naka-turo doon sa punong ginawa noong babae, ang bilis yumabong noon, at nagkaroon ng mga pink na dahon. Muka iyong cherry blossom, it's so pretty.

"Cherry blossom ba iyon? Ang ganda!" Manghang sabi ko, grabe. Iyong mga bagay na gusto ko lang makita noon, nakikita ko na ngayon. Iyong mga akala kong imposible at hindi ko pinaniniwalaan, ngayon nasasaksihan na ng mismong mata ko, at natatanggap na din ito ng puso ko.

"Master Yisha, master Yisha, master Yisha, iyon iyon iyon! Tingnan mo iyon!" Agad akong napatingin sa sinasabi ni Emerald. At noong nakita ko iyon, agad akong napa-wow.

"Woah! May buto pa ba iyan?" Manghang tanong ko.

"That one is a Flex Charmer! Parang lastic ang katawan niya ano?" Bella happily retorted. Naglakad-lakad pa kami at hindi ko maipaliwanag iyong nararamdaman ko sa mga nakikita ko, ang gagaling, ang gaganda.

"Woah! Ice charmer?" I asked while pointing at a boy na parang nag-skating, habang ginagawan niya ng parang skating ice iyong daan niya, pagkatapos ay nawawala din iyong ginagawa niya, kapag nakalampas na siya. Ang nice.

"Tama! Ang cool niya ano?" Natawa naman ako sa sinabi ni Bella, at saka nag-salita. "Sinabi mo pa." I smiled. Naglakad-lakad pa kami pagkatapos ay bigla na lang akong hindi makagalaw.

"Woah! Bella bakit hindi ako makagalaw? Bella tulong." I said, dahil kahit anong try ko umalis sa pwesto ko ay hindi ako maka-alis.

"John! Itigil mo iyan." Bella suddenly said, pagkatapos ay nag-tapos siya ng parang maliit na bola, na gawa sa isang matingkad na kulay yellow na charm, mukang ginamit ni Bella iyong charm niya.

"Woah! Muntik na ako doon, Yzabella. Teka nga, sino ba siya ha?" Sabi nung lalaking biglang humarap saakin. Ang yabang ng muka niya, siya pala iyong may gawa noon kung bakit ako natigil.

Pinakawalan din ako nung lalaki, pagkatapos ay lumapit na ako kay Bella. "Kamusta? Long time no see." Bati noong lalaki kay Bella. Inirapan lang siya ni Bella.

Pagkatapos ay hinila ako ni Bella, papalakad ulit. "Sino siya? Paano niya nagawa iyon?" I queried. Habang nag-lalakad kami, sinagot ni Bella iyong tanong ko.

    people are reading<My Enchanted Tale>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click