《My Enchanted Tale》2 ❀ Believe
Advertisement
tanong nito sa akin. Agad akong tumango.
"Omygad! Paanong naka-punta ka dito?" Magiliw na tanong niya.
Siya si Bella, kilala ko siya dahil dati ko na siyang natulungan. Naging magkaibigan din kami, at siya lamang ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay, kaso minsan lagi siyang nawawala at hindi mahagilap.
"Eh?" Tanging reaction ko.
"Omygosh, andito ka Ayisha! Andito ka! Welcome to Charm World!" She excitedly told me, ngunit parang biglang nag-karoon ng madaming question mark ang ulo ko.
Ano daw? Anong pinag-sasabi niya? Bakit parang wala akong maintindihan? Charm World? Whut? Ano ba iyon?
"Ah, teka Bella ha? Bakit parang wala akong maiintindihan sa pinag-sasabi mo?" Takang tanong ko sa kaniya.
"Nako, Ayisha. Sa mundong ito, hindi nakakapasok ang mortal na tao lamang, kailangan may Charm ka para makapasok dito." Paliwanag niya.
"Ano? Mundong ito? Luh, naman Bella. Nasa earth tayo hindi ba?" Sabi ko sa kaniya. Tinawanan naman niya ako. Pagkatapos ay umiling-iling siya.
"Nope. Nope. Nope. Nasa Charm World ka! Isang magical world where magic and impossible things do exist." Nakangiting sabi niya sa'kin habang pinag-mamasdan ang buong lugar kung nasaan kami ngayon.
Natulala at natahimik ako dahil sa sinabi ni Bella, samantalang siya ay sobrang lapad na nakangiti sa akin.
Tinitigan ko ng mabuti si Bella dahil doon at saka biglang tumawa ng malakas.
"Hahaha! Takte naman Bella! Anong nasinghot mo?" Pagtatanong ko sa kaniya habang tumatawa ng malakas. Bigla naman nya akong binatukan dahil doon.
"Aray naman!" Alma ko sa kaniya. "Eh kasi naman, bakit ka ba natawa ha?" Asar na tanong niya, sabay ang biglang pag-pout.
Ang cute talaga ng babaeng ito kahit kailan. Haha. Pero mas cute ako. Joke. Haha.
"Grabe naman kasi iyang pinagsasabi mo. Nako, Bella muntik na akong maniwala ha. Muntik na." Biro ko sa kaniya, habang nakapamewang at saka ko tiningnan ang bughaw na langit. Bigla nanaman akong binatukan ni Bella dahil doon.
"Muka ba akong nakikipag-biruan Ayisha?" She seriously asked. Napataas ang kilay ko doon, at napatingin sa kaniya.
"Hmm? Pwede din. Hehe." Nakangiting banggit ko sa kaniya. Agad siyang napa-poker face dahil doon.
"Ayaw mo talaga maniwala?" Parang nang-chachallenge na tanong niya. Tinawanan ko ulit siya dahil doon.
"Bella naman, nasobrahan ka siguro sa panunuod ng mga fantasy movies o kaya kung ano ano siguro nababasa mo. Tsk. Tsk. Tsk." Iiling iling na sabi ko saka ko siya tiningnan.
Nagulat naman ako nung biglang umilaw iyong kamay niya, tila ba may nabuo doon na parang bilog na bagay na umiilaw.
"W-Woah." Manghang banggit ko habang nakatitig sa nakikita ko, ang ganda ng bagay na iyon. Anong klaseng bagay ba 'yon? Nakaka-akit tingnan. Matapos ang kaunting oras ay nawala iyon.
"Ano naniniwala ka na?" Tanong niya ulit, mabilis kong iniling ang ulo ko.
"Ay hindi." Proud na sabi ko pa.
"Light effects lang iyan. Ang galing ah, high-tech asan iyong katulong mo sa pagpapalabas niyan? Pakilala mo ako." Natutuwang suggestion ko.
Agad napa-busangot si Bella doon. "Mukang mahaba-habang explanation pa." She mumbled.
Samantalang nanatili akong nakatingin sa kaniya ng puno pa din ng pagtataka. Ano ba kasing pinag-sasasabi niya?
"Aish. Basta, Ayisha ang mundong tinatapakan mo ngayon ay mundo ng mga magics. Ang tawag dito sa mundong ito ay Charm World. At saka, iyong pagkalaglag mo dyan mula sa puno, maiipaliwanag mo ba ha? Hindi ba't galing ka sa itaas? Eh, kung tutuusin, ano ito? Impiyerno? Hindi naman di ba? Kaya, nako. Maniwala ka sakin, bakit naman kita lolokohin ha?" Agad naman akong natahimik at napa-isip sa sinabi ni Bella.
Advertisement
Oo nga, may point siya. Kasi parang hinigop nga ako kanina doon sa tinutungtungan ko, para bang nabuslot ako. Pagkatapos biglang naglaglag ako sa isang puno dito.
Hala? P-Pero? Bakit parang ang hirap paniwalaan? Bakit parang ang hirap iprocess sa utak? Bakit parang walang nagsi-sink in sa utak ko ngayon?
"Wala bang scientific explanation ito?" Biro ko kay Bella, hindi pa din talaga nag-proprocess sa utak ko ang lahat. Jusme. Baka na-istock na sa isang parte ng utak ko at hindi na nag-loading. Argh.
"Nakikipaglokohan ka ba Ayisha?" Poker face na tanong niya.
Agad akong napa-pilit ng ngiti. Eh kasi naman eh, ang ganda nga nung paligid pero parang ang creepy naman huhuhu.
Hindi kaya maraming engkanto dito? Ay, bakit parang hindi natatakot si Bella? Hala naman. Magtatanong pa sana ako kay Bella noong bigla siyag sumipol, kasabay noon tila mabilis na paghangin sa paligid at biglang-
Agad nanlaki ang mata ko dahil sa biglang lumitaw na napaka-elegante at napaka-gandang species sa harap ko. "T-Totoo iyan?" Nauutal na tanong ko dahil sa nakikita kong hayop. Omygulay. Nasaan ba ako?
"Hahaha. Itsura mo Ayisha. Priceless. Nacre-creepy-han at the same time namamangha. Sa totoo lang?" She teased.
Sinamaan ko siya ng tingin panandalian lamang at saka ulit, tiningnan iyong napakagandang hayop na kabayong may pakpak.
Ano ulit tawag doon? Nakalimutan ko na, pero dati nabasa ko na 'to sa mga fantasy books.
Para itong anghel. Sobrang linis, ang puti puti, ang mga pakpak niya, naglalaglagan ang kaunting feather, at tila kumikintab ang mga ito. Napaka-amo din ng tingin mga mata nito, at tahimik na tila nag-iintay sa harap namin.
"Bella?" I asked her.
Bella slowly showed me her genuine smile, tingnan niya din ako na parang sinasabi niya na mag-tiwala ako sa nakikita ko.
"Don't just open your eyes Ayisha. Open your heart. Believe in everything because nothing is impossible." She said in her soft voice, nakakaakit ang mga salitang iyon.
Parang kanta sa pandinig ko, para bang inaanyayahan ako ng mga simpleng salita na iyon, na maniwala ako, na buksan ko ng tuluyan ang puso ko at tanggapin ang lahat ng nalalaman ko.
Sumakay si Bella doon sa pegasus. "Pegasus iyan hindi ba?" I asked. Agad tumango si Bella doon. Sa wakas, natandaan ko na kung anong tawag sa nilalang na nasa harap ko! Yehey!
Ngumiti siya pagkatapos inabot niya ang kamay niya sa akin na tila ba ina-anyayahan niya akong sumakay. Agad akong nakaramdam ng tuwa dahil doon. Muka kasing nakaka-excite sakyan.
Sumakay kaming dalawa doon ni Bella, at saka biglang bumuka iyong pakpak ng pegasus. "Huwaw!" Mahina ngunit manghang sabi ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga pakpak niya. It's so magnificent.
"W-Woah!" Agad akong napahawak kay Bella noong bigla na lamang lumipad iyong pegasus na sobrang bilis.
"Aaahh!" Hindi mapigilang sigaw ko dahil sa biglang takot na naramdaman ko, pakiramdam ko tinanggalan ako ng kaluluwa at bumagsak ang puso ko sa lupa sa sobrang kaba at takot.
Habang patuloy ako sa pag-sigaw rinig na rinig ko naman ang pagtawa ni Bella dahil doon.
Omygash, Bella bakit hindi mo ako winarningan na ganito? Gusto ko sanang sabihin sa kaniya, ngunit hindi ko magawa.
Hindi nagtagal, unti-unti at maingat ding bumababa iyong pegasus sa lupa.
Noong tuluyan itong makababa, agad akong tumalon pababa doon at napa-hawak sa dibdib ko. Mas hiningal pa ako kaysa doon sa pegasus. Bakit ganoon? Haha.
"Na-na-na." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sa pagkahingal ko, at dahil nanlalambot ang tuhod ko dahil sa nangyari. Tinawanan naman ako ni Bella doon at saka inalalayan.
Advertisement
"Hahaha. Ang cute mo, Ayisha. Takot na takot ka. Haha." Gusto ko talaga batukan itong si Bella eh. Pero hindi ko magawa. Ang saklap.
Noong medyo naka-hinga na ako. Dumiretso kami ni Bella sa isang parang city dito. Ngunit ito ay medyo kakaiba, dahil parang ito iyong mga nasa fairytale books, iyong simpleng mga tindahan, mga simpleng tahanan. Oo, medyo may pagka-mukang sinauna, pero makikita iyong tinatawag na "royal look" dahil ang lakas at ang payapa ng dating nito sa mata ko. Napaka-aliwalas nito sa paningin ko.
"Halika doon tayo sa bahay." Masiglang aya sa akin ni Bella saka niya ako hinawakan sa wrist at hinila patakbo.
Habang hinihila niya ako, may ilan kaming nakakasalubong, binabati nila ako, kaya't ngumingiti ako. May mga ilan din akong nakita, na nagpapalutang ng mga bagay. Mayroon ding tila nag-iiba iba ng kulay ng mga damit. Ang galing, ang ganda, ang magical.
"Totoo ba talaga lahat ng nakikita ko?" I asked.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko. Pagkatapos ay bigla na lang akong nagulat noong may sumulpot na bata sa harap ko, at biglang nawala habang tumatawa. Jusme. Ang creepy nu'n ah.
"Totoong totoo." Sagot ni Bella sa tanong ko, at saka ako kinindatan. Maya maya pa ay tumigil kami sa harap ng isang bahay.
Ang ganda nito. Mukang tree house, pero ang laki at ang elegante tiningnan.
"Tara dali!" Excited na akit niya saka hinila ako papasok ng bahay na iyon. Noong nakapasok kami ay mas lalo akong na-mangha.
"Wow." Tanging nasabi ko na lang, dahil para pa ding tree house dito sa loob, pero muka ding normal na bahay sa mortal world. Para bang pinag-mixed, pero ang ganda talaga, bagay na bagay lamang sa design noong bahay.
"Ay pag-pasensyahan mo na itong bahay ko." She softly told me while giggling.
"Pagpasensyahan? Sobrang ganda nga." Masayang sabi ko.
Naglakad ako papasok noong bahay ni Bella noong biglang- "Aww." Napahawak agad ako tungki noong ilong ko dahil may bumangga doon.
Pagkatapos noon ay tila naduling ako dahil sa maliit at cute na cute na tila tao na umiiling iling malapit sa ilong ko, mayroon ding itong matitingkad at maliliit na pakpak.
"Omo." Halos hindi ko alam ang sasabihin ko, kaya't iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Gusto ko kurutin iyong maliit na bagay na iyon. Teka? Bagay nga ba? O fairy?
"Peek-a-boo!" Biglang sabi nito at saka dumila saakin. Agad naman akong napahagalpak ng tawa doon. Muka kasingg gusto ako takutin ng cute na cute na fairy na iyon. Agad siyang lumipad papunta sa balikat ni Bella.
"Hala. Master, napaka duga naman niyang kasama mo! Bakit hindi man lang nagulat saakin?!" Alma noong cute na fairy. Haha. Gusto ko siyang pisain sa yakap ko. Ang cute cute cute talaga.
"Ayisha, si Emerald nga pala. Fairy ko sya." Bella sweetly said.
"OMG. Hindi nga? Iyo 'yan? Omoooo." Hindi makapaniwalang tanong ko. Waa! Ang cute kasi, parang gusto ko din tuloy. Huhuhu.
"Hello! Hello! Kamusta? Kamusta? Ako nga pala si Emerald, ang pinaka maganda fairy sa buong Charm World!" She playfully vocalized, at saka siya umikot ikot saakin.
Lalo akong na-cute-tan, dahil kada saan siya mapunta para bang may pixie dust na sumusunod sa kaniya. Kumikinang din 'yung pakpak niya na parang may glitters doon.
"Ang cuteee!" Masayang sabi ko kay Bella, she chuckled a little at saka ako hinila ni Bella papunta sa salas.
"Massssteeerrr naman eh, nakikipaglaro pa ako kay Ayisha eh! Huwag mo siya hilahin!" Alma noong cute na fairy, ang cute nya mag-salita parang natunog na bell mahina lamang iyon, ngunit naiintindihan ko.
"Hahaha. Mamaya ulit Emerald, saka ka makipaglaro sa akin." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Nakakatuwa siya eh, parang ang sarap tirisin. Haha.
Agad natigilan si Bella sa sinabi ko, pati na din si Emerald. Sabay pa silang nagkatinginan at sabay kumindat sa isa't-isa. Bigla akong nakaramdam ng excitement dahil doon. Ang cuteee nila! Parang copy-cat ni Bella si Emerald.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Bella told Emerald mischievously.
"Malamang ay parehas nga tayo ng naiisip Master. Ikaw master naiisip mo ba ang naiisip ko?" Pfft. Hindi ko alam kung magtataka ako, o i-aadore ko na lang ang ka-cute-tan ng fairy na ito. Ang sarap yakapin! Daig pa ang fluffy na bear, kahit maliit lamang siya.
Sabay silang tumango at saka ako nilapitan. "Eh?" Nagtatakang tanong ko sa kanila, para kasing sinusuri nila akong dalawa.
"Ayisha, magsabi ka nga ng totoo." Panimula ni Bella. "Anong charm mo?" Sunod naman ni Emerald. Pakiramdam ko ay dumami naman ang question mark sa ulo ko.
Sa totoo lang? Anong pinagsasabi ng dalawang ito? Juice ko. Ano ito? Hot seat? Haha.
"Huh? Charm?"takang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yes. Anong kapangyarihan mo? Nakapasok ka dito sa Charm World, ibig sabihin mayroon kang kapangyarihan, next naintindihan mo si Emerald, so meron ka talagang kapangyarihan." Tila nag-iisip na sabi ni Bella, nakalagay pa ang isa niyang kamay sa baba niya.
"Teka, teka, ako'y naguguluhan. Pwede paki paliwanag mo muna lahat? Alam mo kasi hanggang ngayon ay parang hindi pa nag-sisink in sa utak ko ang lahat. Alam mo iyon? Hindi ko nga alam iyang Charm World chuchu na iyan, pati na din iyang charm charm na iyan. Saka iyong mga nakita ko kanina, iyong pegasus, pati na iyang fairy mo. Nakakalito ha. Oo, ang cool niya, pero at the same time, ang creepy." Pag-sasabi ko kay Bella ng nararamdaman at naiisip ko. Pinaupo niya ako sa upuan, at saka ngumiti.
"Mahirap man paniwalaan, maniwala ka. Andito ka na oh, nakikita mo na iyong mga tila impossible. Hindi ka pa din ba naniniwala?" Mahinahon at malambing na tanong niya.
Hindi ako sumagot doon, dahil ewan ko. Ang gulo kasi, hindi naman kasi basta basta na oo na lang. Para kasing panaginip pa din ang lahat.
"Ito ang mundo kung saan ka nabibilang, ito ang mundo kung saan walang imposible, ito ang mundo na punong-puno ng magic, Charm World ang tawag dito. Ang mga nakatira dito ay Charmers, lahat ng andito mayroon silang mga kapangyarihan." She explained.
"Ang charm world ay mayroon limang land, kumbaga sa mortal world, parang mga continents. Kung sa mortal world may seven continents, dito may lima." Bigla akong naging interesado dahil sa sinabi ni Bella.
"May ganun dito? Ano iyong limang iyon?" I curiously asked. Ngumiti siya ng pagkalapad lapad at si Emerald naman ay tumango tango sa akin, na para bang sinasabi nila na magtanong lang ako ng gusto kong malaman.
"Oo may ganito dito. Iyon ay ang Water tribe land, fire circle land, earth wall land, air heaven land at ang huli ay ang enchanted land." Agad akong napatango tango doon. So, para pa ang iyong mga land ay based sa elements. Ang nice.
"Sa water tribe land doon mo makikita ang napaka-gandang scenery ng mga anyong tubig, sobrang refreshing ng lugar na iyon. Karamihan ng nakatira sa land na iyon ay mga water charmers at iba pang charmers na may kinalaman sa tubig ang kapangyarihan." Paliwanag niya.
"Ang cool." Manghang sabi ko, ang ganda siguro doon. Parang ang saya pumunta doon, relax relax sa beach o kaya falls. Nice. Parang gusto ko ng pumunta doon.
"Next, ang fire circle land. Ito naman ang land kung saan maraming volcano at iba pa, ang init init doon, pero kahit ganan ang ganda ganda pa din. Ang lugar na iyon, andun ang mga dragons, at fire charmers at iba pa. Medyo nakakatakot nga lang doon, dahil strict ang mga tao." Natawa naman kami ng sabay doon at saka sya nagpatuloy sa pag-papaliwanag.
"Another is, the air heaven land. Nakakatuwa ang air heaven land, dahil matatagpuan mo ito sa langit, nakalutang ito, hindi katulad ng ibang lands. Doon din nag-mula ang pegasus na sinakyan natin kanina, at syempre doon nakatira ang mga air charmers at iba pa."
"Nice, parang ang ganda pumunta doon." Masayang sabi ko. Ngumiti lamang sa akin si Bella.
"The earth wall land, ito namang land na ito, halos gubat ang dating pero iyong gubat na hindi nakakatakot bagkus ay maaliwalas, payapa, at nakaka-relax ang pakiramdam pag-andun ka. Ramdam na ramdam mo ang salitang "nature" sa mga puno, at fields doon. Syempre ang nagpapanatili ng ganda noon ay ang mga earth charmers."
"Waaa. Parang gusto kong puntahan lahat ng iyon. Ang gaganda." I uttered. I heard Bella giggled because of that.
"And lastly, ang Enchanted Land. Sa land na ito, andito ang hari at reyna ng charm world, ito din ang pinaka-makapangyarihang lugar, dahil andito ang mga mayroong iba't-ibang taglay na kapangyarihan tulad ng pagiging invisible, makapag-kontrol ng bagay bagay, mga mind readers, future teller, at marami lang iba. Dito din nakatira ang mga light charmers, kagaya ko." Nakangiting paliwanag niya.
"Kaya pala." Tanging sagot ko. Ewan ko ba, pero parang unti-unti natatanggap na ng sistema ko ang lahat lahat.
Parang gusto ko na talaga maniwala sa mundong ito. Kahit may part sa akin, na parang panaginip pa din ang lahat.
"Ayisha! Master Ayisha! Paano ka napunta dito? Anong charm mo? Light charmer ka din ba? Kyaaa!" Tuwang tuwang tanong naman ni Emerald, habang iniikutan ako.
"Naiintindihan mo ako 'di ba, 'di ba?" Dugtong niya pa, habang may sobrang sayang ngiti sa labi.
"Oo, naiintindihan kita. Napunta ako dito matapos kong malaglag mula sa rooftop ng school namin, kaso eto buhay pa din, walang galos o hindi man lang nasaktan, bigla na lang may malakas na impact akong naramdaman, tapos pagkatayo ko madami ng crack iyong semento, kaya nga pinagtabuyan at kinatakutan ako, kaya't ayun nagtatakbo ako, hanggang sa mapadpad ako sa isang lugar na may falls, may binasa ako doon, tapos nabuslot na lamang ako at poof! Andito na ako." Paliwanag ko sa kanilang dalawa, biglang hinawakan ni Bella ang kamay ko.
"Sigurado, may charm ka talaga. At ang naiisip ko, Light Charmer ka, kasi naintindihan mo si Emerald, ang totoo kasi nyan. Hindi mo maiintindihan ang isang fairy kung hindi mo kaparehas ang charm niya. Halimbawa, light charmer ako, light fairy naman si Emerald, kaya nagkakaintindihan kami, kaya master niya ako." Paliwanag ni Bella, agad akong napatango tango doon.
May ganoon pa pala iyon? Hindi kayo magkakaintindihan kung hindi magkaparehas ang charm niyo?
"Hay nako, hindi ko na alam eh." Pag-sasabi ko ng totoo. Parang information overload kasi sa akin. Sa sobrang dami kong nalaman ngayong araw na ito parang ayaw ng mag-sink in nu'ng iba sa utak ko.
"Matanong kita, Bella. Bakit nakilala kita sa mortal world noon? Kung dito ka naman nakatira?" I asked. She smiled before answering.
"Syempre, may pagka-gala ako. Haha. Hindi joke lang, kasi iyong mga magulang ko, noong bata pa ako, doon nila ako pinalaki kasi daw may digmaan dito noon, at noong matapos iyong digmaan na iyon, bumalik kami dito. Kaso napamahal na din saakin ang mortal world, kaya ayun lagi akong bumibisita, kaya nakilala kita." She mellowly explained.
"Kaya nga, kaya nga. Pilya kasi 'tong si Master!" Singit naman ni Emerald, huhulihin sana siya ni Bella, kaso naka-lipad agad siya, kaya't nagkatawanan kami ng kaunti.
"Ikaw, Ayisha. Pagkaka-alam ko solo ka na lang? Kung dito ka na kaya tumira? Para lagi mo na akong kasama at hindi na pawala wala bigla bigla, nawawala lang naman kasi ako kasi nga dito ako nabibilang. Ikaw din, charmer ka na. Nakapunta ka sa Moonlight Cresent Garden, at dito mismo sa charm world, pati na din iyong nangyari sa iyo kanina, nalaglag ka sa mataas na lugar, pero walang nangyaring masama? You really have a charm. I know, you have a charm hidden inside your body. Would you stay here?" She held my hand and I saw in her eyes the honesty na gusto niya akong manatili dito. Agad akong napa-iwas ng tingin doon.
Advertisement
Immortal Mortal
Here, only those with spiritual roots can cultivate while those with mortal roots are destined to stay mortal.
8 4855Tearha: Titan War
A war had raged on for centuries in an isolated part of the world. Under a smog of burning rust, the continent of Katoki tore itself apart with Titan battles between mechs and golems. With Adelaide Wiltkins and Joashden Stalewaver at her side, Lucinda Baerrinska returns to the Titan War she escaped from in hopes of finding a doctor to save her comatose sister, only to arrive to a new threat. Elsewhere, deserter Shou Kenta performs an experiment that could change the outlook of the war and put an end to the conflict but finds himself back in the crosshair of the army he had escaped from. As the players move onto the board, the wheels of the eternal conflict begin to tremble.
8 127On Astral Tides: From Humble Freelancer To Astral Emperor
What would you do if one day you were told you were one of the chosen who would have to battle to save the world? Akio was an average guy, having moved to the big city from his humble town in the mountains. Sure, his IT freelancing job wasn't making him big money, and he wasn't exactly a hit with the ladies, but life wasn't all that bad... until one day a mysterious angel-like being visited him to tell him the Earth was in danger. Many would be chosen to fight this fate, but would any succeed? Of course, if one could have the usual cheat skills everything would work out, wouldn't it? So why was his skill like a garbage pay-to-win mobile game? Akio would have to not only hone his skills and build his Astral Empire, but he would need to raise money, secure land and become a player on Earth too! Facing this challenging task alone would surely be impossible, so Akio needs to make strong and beautiful allies to take on all those who would oppose him. Who would that be, you ask? The old myths of Earth are returning, alien invaders are waiting outside on the Astral Tides, Cultivators are looking for their next faces to slap, Demons are whispering poison into the ears of anyone who would listen, and whoever was trying to save Earth by granting various people powers were making some really awful choices... Join Akio as he starts at the bottom of the ladder, clawing his way to the top and discovering one can change their destiny, so long as they work hard (and have a boat-load of money!). [Note this story is Harem, and since many don't like that, be warned! It's more Sevens than Isekai Smartphone though. There will be some R-15/18 scenes for the Harem (though I have toned down the one posted here from the original drafts more to the R15 side.] The story is pretty much evenly split between progression fantasy and real-world character building and events, hopefully blending together to make a compelling narrative about how someone could change themselves and the people around them for the better if given the chance by some miraculous intervention, while also hopefully saving the world (and maybe other worlds too.] Update schedule revised: Minimum 3/week - Tues/Wed/Thurs but will aim to hit 5/week where possible If you have any questions re: future plot turns/types of things that might happen and want to know so you know whether you'd find it worth your time reading, feel free to drop me a PM and I'll let you know. No story is for everyone, so no worries!
8 1129Cursed Blood ✔️
Three centuries faded away like dust but he's waiting still, groaning in pain as his glued tongue wouldn't let him scream. Longing for his mate to liberate him and if his plan permits, she'll soon be in his embrace.🥀 🥀 🥀Damien Sullivan. The Vampire Lord to once rule on both the living and dead, dreaded yet never predicted the so much probability of this day since the beginning of time. He's isolated in a restricted position to even move the tip of his finger. He's in a deep stupor where cold and darkness and death persistently kisses his soul.In spite of his physical state, his plan's in motion. And his men are working tirelessly to find the one he's desired. The one meant for him, the one to stand by his side, and the one to love till the end of his eternal life.Although Destiny's the most unpredictable being, no? Neither him nor his men would've ever considered in their diabolical brains the probable possibility of a glitch in their well sought out itinerary. Could a person have two suitors at once? For a human: yes, for a vampire: flat No. Little did Damien know Edward will stop at nothing to protect the poor girl once he discovers Damien's dirty plans for her.🥀 🥀 🥀🥈 Phoenix Awards 2022 in werewolf/vampire.Highest rankings ―>1st in #soulless (6 - 9 - 22)1st in #cursed (9 - 9 - 22)
8 112La Vie en Rose
අදහස් කැටි කර දැක්වීමට ඇබ්බැහි වූ කල ... නිසදැස් ලිවීම නවතාගත නොහැක ...
8 229sad quotes 2
She walks around trying to fix everything,but she's the one who's broken.❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀*None of these quotes are written by me unless stated otherwise*~ please support my other books as well ~ ❤️
8 84