《My Enchanted Tale》1 ❀ Charm World
Advertisement
grounds, is the spring that feeds the creek. Invisible as the wind, that you feel upon your cheek." Tahimik akong nag-gigitara dito sa rooftop ng school. Ramdam na ramdam ko ng ihip ng hangin na pumapalad sa buhok ko. Dinadama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat.
"And every breeze that whispers, reminds us constantly, sometimes what's real is something you can't see." Nakakagaan ng pakiramdam mag-gitara dito, solo ka, walang ibang tao at magaan sa pakiramdam.
"Believe in all that can be, a miracle starts-"
Agad akong napatigil sa pag-kanta noong biglang may humamblot sa akin ng gitara. Agad akong napatingin sa kung sino iyon.
"Hoy, magaling kong alalay! Andito ka lang pala." Mataray na sabi niya habang naka-pamewang sa harapan ko. Tatlo silang magkakasama.
Napasimangot agad ako dahil doon. Andito nanaman kasi ang mga bully na powderpuff girls. Tss. Akala mo kung sinong maganda, ay mas maganda naman ako sa kanila. Haha. Joke lang.
Kainis, dito na nga ako pumunta sa rooftop ng isang building para hindi nila ako mahanap at utus-utusan, nakita naman ako. Aish. May radar ata itong mga babaeng ito. Kahit saan ako magpunta nasusundan pa din ako. Tss.
"Ano pang tinatanga tanga mo dyan dukha? Umalis ka dito!" Maarteng sabi nung isa pa niyang kasama.
"Kung maka-pagsalita itong mga ito, akala mo naman may pangalan nila. Tsk." Mahinang bulong ko.
Syempre hindi ko pwede sabihin ng malakasan dahil baka masabunutan lamang ako ng powderpuff girls na ito. Hays, buhay nga naman. Tiis tiis, pero gusto ko na talaga sila keltokan. Asar.
"Umalis ka na dito, at ibili mo na kami ng pag-kain." Utos naman nung isa.
Napa-kamot na lang ako sa batok dahil doon. Aish! Pwede bang sabunutan ang mga ito, kahit isang beses lang? Nakakainis eh! Grr! Kung makapag-utos akala mo alalay nila ako! Nakakainis na talaga!
"Pano kung ayaw ko?" Mahinang sabi ko ulit sabay, tingin sa kaliwa, para hindi halata na sumasagot ako sa kanila.
Tumindig na lamang ako at nagsimulang impisin ang gamit ko, ganito naman lagi minsan pababayaan ko sila, pero sa utak ko sampung beses na silang namatay. Mouhahaha. Kinuha ko din iyong gitara ko sa kanila. Pababa na sana ako noong biglang may humablot sa akin.
"At saan ka pupunta?!" Galit na sigaw niya sa akin.
Agad napataas ang isa kong kilay dahil doon. Hindi ba ang sabi niya ay umalis ako, edi aalis na sana ako. Tapos bigla akong hihilahin at tatanungin kung saan ako pupunta? Naka-drugs ata ang mga ito. 'Yung totoo? Anong nahithit ng mga ito?
"Malamang aalis, sabi mo umalis kanina hindi ba?" Istratikong sagot ko.
Napatakip agad ako ng bibig. Saka ko lang kasi na realize na napalakas ang pagkakasabi ko noon at narinig nila. Patay! Mahina lang dapat iyon eh!
"Aba't sumasagot ka na?!" Inis at asar na bulyaw niya sa akin.
"Malamang may bibig nga hindi ba?" Mabilis na sagot nanaman ng bibig ko. Patay talaga, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi sumagot. Paano sobrang nakakairita na sila. Hay nako naman!
"Argh! Hampas lupa!" She angrily screamed at me, saka niya ako tinulak kaya't napa-upo ako sa sahig.
Tiningnan ko sila ng masama dahil doon. Ang mga babaeng ito, ilang taon ko na tinitiis ang emotional at physical na pambubully nila sa akin. Minsan sobrang nakakapuno na sila. Naiyukom ko na lang ang kamao ko, ang sakit nun ah. Aish. Sumosobra na sila, ang tagal ko ng nagtitimpi. Kaya't hindi ko din maiiwasan kung mapuno ako.
Advertisement
"Ikaw, tandaan mo, isa ka lang walang kwenta! Utos-utosan! Uto-uto! At walang halaga! Intindi mo? Ang panget panget mo naman!" Sigaw niya at pag-duduro duro niya sa akin.
Argh. Agad ko siyang sinakal at itinapon pababa sa hagdan. Syempre sa isip ko lamang iyon. Baka mamaya lalo akong mapasama kapag ginawa ko talaga 'yon. Nakakainis talaga ang mga ito! Aish!
Tumayo ako nagsimulang maglakad at tinabig siya sa balikat, na lalong kinagalit niya. Kasalanan niya, araw-araw na lamang lagi nila akong inaapi, araw-araw na lang akong ginaganito. Hindi ko nga alam kung paano ako tumagal sa kanila.
Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at saka itinulak ng malakas papunta sa railings dito sa rooftop. Dahil medyo na out of balance din ako gawa ng malakas na pagkakatulak niya, kaya napatama ang likod ko sa railings. Argh! Ang sakit ng buto ko doon!
"Isa pang sagot mo malilintikan ka na!" Banta niya sa akin.
Pakiramdam ko uminit ng husto ang muka ko dahil sa matinding galit at inis. Gustong gusto ko na siya sugudin ngayon pa lamang dahil sa ginagawa niya! Sumosobra na talaga siya!
Lumapit sila ng dalawa niyang mga kasama sa akin. May mapaglarong ngiti din sa mga labi niya. Tiningnan ko siya ng masinsinan dahil doon. Bigla niyang tinulak ng bahagya ang braso ko. Napa-kapit ako noon ng mahigpit sa bakal na railings.
Hindi kasi ito kataasan, at pag napa-sobra ang tulak niya maari akong malaglag. Sa isang maling galaw ko, ay maaari akong malaglag dito.
"Ano lalaban ka pa?" Tanong nito.
Hindi ko siya pinansin at sandali akong tumingin sa likudan ko. Nalula agad ako sa taas nito. Nasa ika-anim na palapag kami o ang rooftop floor. Sinikap ko na patatagin ang loob ko kahit ang totoo'y natatakot na ko.
Tumingin ako sa kanila at agad na umiling iling. Natawa sila dahil sa naging sagot ko, parang ipinararating nila na nasa kanila ang huling halakhak. Muli niya ulit akong tinulak ng bahagya sa braso. "Ano? Lalaban ka pa?" She teased, I shook my head.
Nagtawanan sila, kaya't humanap ako ng paraan para maka-alis. Itutulak ko na sana sila, ngunit naunahan nila akong itulak ng malakas. Agad nanlaki ang mata ko dahil doon, dahil sa lakas nilang tatlo ay tuluyan na akong napabalikwas lampas sa railings.
"Ayisha!" Malakas na sigaw nila sa'kin dahil sa matinding gulat ngunit huli na ang lahat dahil unti-unti na akong nalalaglag mula sa rooftop.
Ano bang ginawa ko at bakit nila ako ginaganito? I asked myself habang ramdam na ramdam ko ang matinding paghampas ng hangin sa likuran ko. Unti-unti, ipinikit ko ang mga mata ko. Kamatayan ko na talaga siguro. Napangiti na lamang ako ng mapait.
Parang kanina lamang takot na takot ako, pero ngayong andito na ako sa pangyayari na ito, nawala ang takot na nararamdaman ko, siguro ay oras ko na nga para lumisan sa mundong ito.
Mamatay na kung mamatay, wala namang kwenta ang buhay ko. Wala namang nagaalala sa akin, at mas lalong walang nagmamahal sa akin. Mas gugustuhin ko pa na mamatay kaysa patuloy na mabuhay sa mundong ito.
"Aahhh!" Rinig kong malakas na sigaw ng mga estudyante, marahil ay nakita siguro nila ako. Hinayaan ko na lamang sila.
Pagod na rin naman akong mabuhay, mabuti na lang siguro iyong mawala na ako. Parang slow mo ang lahat, pero sa katunayan, ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagbagsak ng katawan ko, pababa sa lupa.
Advertisement
Handang handa na akong masaktan at bawian ng buhay ngunit biglang...
Nanlaki na ang mga mata ko, dahil sa biglang malakas na impact na naramdaman ko.
Parang may malakas na shield na tila hangin ang biglang tumama sa likod ko, ngunit hindi ako nakaramdam ng kung ano mang sakit. Parang tumigil ang oras noong mga panahon na iyon.
Nanatili akong nakatulala sa maliwanag na langit na natatanaw ko. Ngunit unti-unti din akong nagtaka. T-Teka? Hindi ba't? Hindi ba't nalalaglag ako kanina? Dapat sa pagkakataong ito, duguaan at walang malay na ako ah? Pe-Pero? Bakit? Wala akong nararamdamang sakit o kung ano man at para lamang akong nakahiga sa lupa. A-ano ba talagang nangyayari?
"Paanong?"
"Buhay pa siya?"
"Anong nangyari?"
Dahan-dahan akong napatingin ako sa mga tao sa paligid ko.
Punong puno ng pangungutya at takot ang mga mata nila. Para bang pinapahiwatig ng mga mata nila na ako'y isang halimaw. Napaatras din sila noong tumayo ako, mula sa pagkakahiga.
Agad kong tiningnan ang sarili ko. Wala akong kahit anong galos. Wala akong namataan kahit maliit na sugat sa katawan ko.
Tumingin ako sa itaas ng gusali ng paaralan. Ang taas noon. Ika-anim na palapag iyon. Ngunit paanong?
May ginawa ba ako para mangyari ang bagay na iyon? Hindi ko talaga maintindihan gulong-gulo ako.
Teka... Ang nangyari kanina ay nalaglag ako mula sa mataas na gusali ng paaralan namin, pero ngayon, eto ako nakatindig buhay na buhay, walang galos at walang nararamdamang sakit? Sa totoo lang? Nananaginip lang ba ako ngayon?
Napatingin ako sa sementong tinutungtungan ko. Napakarami nitong crack. Napaatras ako ng kaunti dahil sa nakikita ko sa tinutungtungan ko. Ano ito? Ako ba may gawa nito?
Hindi ko alam, pero maging ako ay kinabahan sa nakikita ko. Hindi ako maka-paniwala. Lahat kami - hindi makapaniwala.
Mas paniniwalaan ko pa sana kung tigok na talaga ako eh, kaso bakit ganito? Nalilito ako! Anong nangyayari?
Lalapit sana ako sa isa sa mga estudyante ngunit bigla silang naglayuan at sumigaw, "Layuan nyo iyan! Halimaw iyan! Tara na!" Sigaw ng karamihan sa kanila.
Bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot at takot sa sarili ko. Napatitig ako sa sementong warak-warak. Para bang may bulalakaw na bumagsak doon dahil sa malalaking crack sa semento. Kinilabutan ako dahil doon.
Agad na lang akong tumakbo papaalis sa eskwelahan. Hinayaan ko ang mga paa ko, kung saan ako dadalhin nito. Takbo lamang ako ng takbo. Hanggang sa napagod at napa-upo na lamang ako sa isang bato. Saka ko lamang napansin nasa isang parang gubat ako.
Ngayon ko lamang ito nakita. "Nasaan ako?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.
Feeling ko nababaliw na ako, dahil kanina lamang ay nakaligtas ako sa kamatayan, pagkatapos ay napadpad naman ako ngayon sa ganitong lugar, hindi kaya na-engkanto ako?
Habang nakayakap sa sarili, dahan-dahan akong naglakad, ang daming tuyong damo sa tinutungtungan ko.
Pagkatapos ay agad akong napalingon sa isang banda noong may makita akong isang waterfalls, agad nanlaki ang mga mata ko doon. Kailan pa nagkaroon ng ganito dito? Wala namang ganitong lugar dito dati ah? Ano ba talagang nangyayari sa akin?
Lumapit ako papalapit doon sa waterfalls, kaya't medyo nabasa ako. May isang malaking bato malapit lamang doon.
Pinagmasdan ko ito, tila kumikinang ang magandang batong iyon, kaya lumapit ako.
"Aperi vero corde, cum venustum tuum felt." Basa ko sa mga nakalagay doon.
Hindi pa man ako nakakapag-react, ay nagitla ako noong bigla akong higupin noong lupa! Para akong nabuslot sa isang hole dahil doon.
"Wooo-Aaah!" Malakas na sigaw ko dahil biglang umikot ikot ang paligid. Juice ko! Ano ito?! Mamatay na ba talaga ako? O na-eengkanto ako?! "Ahhh!" Patuloy na malakas na sigaw ko dahil sa nangyari. Nahihilo na din ako dahil sa nangyayari sa akin ngayon.
"Ahhh!" Hindi ko alam kung gaano ako katagal sigaw ng sigaw sa loob noon dahil sa sobrang takot at liyo. Pakiramdam ko talaga may higanteng humila sa'kin dito sa lupa eh. Huhuhu. Iligtas niyo po ako.
"Woooah!" Nagitla na lang ako noong bigla akong parang nalaglag mula sa isang puno.
"Ahh! Aray!" Agad akong napatayo mula sa pagkaka-upo dahil nga nalaglag ako sa puno.
Napahimas ako sa ulo ko dahil doon. Napahawak din ako sa likod ng bewang ko dahil sa sakit na nararamdamn ko. Argh!
Ngunit bigla akong natigil sa pagka-inis at pag-iisip ng kung ano anong bagay noong makita ko ang lugar kung nasaan ako. Napa-nganga na lamang ako bigla.
"W-Wow." Nauutal na banggit ko. Ang ganda. Para akong nasa isang mala-fairytale na lugar.
Mayroon akong natatanaw na malaki at tila kumikintab na kastilyo, malawak kulay berdeng na field na mayroong iba't ibang matitingkad at makukulay na bulaklak, maraming matataas at magagandang bundok, malinaw at malinis na tubig na parang dagat, at madami pang nakakamanghang bagay.
Ang lugar na ito, kitang kita mo ang magandang nature dito. Maaliwalas din ang paligid at maganda ang sikat ng araw, ramdam na ramdam ko din ang presko at malamig na hanging humahaplos sa balat ko.
Patuloy kong pinag-masdan ang lugar kung nasaan ako. Parang panaginip. Hindi ako makapaniwala. Talagang hindi kapani-paniwala ang lugar na ito.
Nangyayari ba talaga ito? Kung panaginip man ito, huwag na sana akong magising pa. Mas gugustuhin ko pang dito na lang ako.
"Ahhh!" Agad akong napalingon lingon sa paligid noong bigla akong makarinig ng isang matinis na sigaw. "Ahhh!" Sigaw muli ng tinig na iyon, ngunit wala naman akong makita hanggang sa-
"A-aray!" Sabay na sigaw namin ng isang boses, agad akong napa-tingin sa babaeng biglang nang-galing din sa itaas ng puno at nadagaan sa akin.
Mukang galing din siya sa pinang-galingan ko kaya't bumagsak din siya doon. Nauna akong tumayo kaysa sa kaniya, kaya't inabutan ko siya ng kamay. "S-Sala-"
Magpapasalamat na sana siya, ngunit bigla siyang natigilan. Hindi lang siya ang natigilan, ganun din ako. Napakurap kurap pa ako ng mata dahil doon.
Napatitig ako sa muka ng babaeng dumagaan sa akin. "Bella?" Takang tanong ko. Bakas pa din sa muka niya ang pag-kagulat saka siya marahang tumayo at pinagmasdan maigi ang muka ko.
"Ayisha?" Hindi makapaniwalang na tanong nito sa akin. Agad akong tumango.
"Omygad! Paanong naka-punta ka dito?" Magiliw na tanong niya.
Siya si Bella, kilala ko siya dahil dati ko na siyang natulungan. Naging magkaibigan din kami, at siya lamang ang naging kasangga ko sa lahat ng bagay, kaso minsan lagi siyang nawawala at hindi mahagilap.
"Eh?" Tanging reaction ko.
"Omygosh, andito ka Ayisha! Andito ka! Welcome to Charm World!" She excitedly told me, ngunit parang biglang nag-karoon ng madaming question mark ang ulo ko.
Ano daw? Anong pinag-sasabi niya? Bakit parang wala akong maintindihan? Charm World? Whut? Ano ba iyon?
***
Advertisement
- In Serial72 Chapters
MAD Wendigo
Eternal youth, the eradication of disease. Researchers believed humanity could ascend to another level of existence with the help of a unique condition. Megalemic Autoimmune Diplioma. But, not long after the MAD-Pathogen was discovered, a mysterious new virus appeared in the general public and began taking lives. With those first deaths, the virus evolved and mutated the recently deceased. It made wendigos. MAD Wendigo chronicles the struggles of those trying to survive amidst the reanimated, man-eating creatures in a harsh changed world.
8 184 - In Serial15 Chapters
Local Heroes
Where do you go when you run out of options? The Honorable Guild of Vagabonds and Wayfarers accepts everyone, regardless of past indiscretions. Records are wiped clean, crimes are forgotten, and futures can be forged anew. At least that's how it's advertised. When Corwin Walker is banished from his village he thought that he could join up with the Guild and start making right for what he did but the process is more complex than he realized. Finding a master, outfitting himself and learning the ways of a Wayfarer catapults him from one crisis to another. Vash McMartin finds himself in a strange city with no money, no home, and no shoes. Taken in by strangers he learns to fight for other part-elves like himself. However, everything is not as it seems as Vash stumbles onto dark secrets that many would prefer were kept buried. As a scion of a magical dynasty Galia Amneris was assured a place at the Towers of Osterlan. When the Tower of Changes chose her as an apprentice, however, things became infinitely more complex. Now she tries to complete her magical education while struggling to match the ideals of her family. An ongoing tale of magic, intrigue, and adventure that asks just one very important question: So, you want to be a hero?
8 131 - In Serial13 Chapters
A Boku No Hero fiction
Given a second chance in life. Who would not take it? Well maybe not billionaire or someone like Elon Musk but our mc is not someone like that! A normal person given the chance and power to live a free life. But will he though? P/s : A novice writer! Suck at grammar cause like English ain't me first language but do take a look at my stuff! Please dont be too mean, okay? Im a delicate flower TT3TT
8 54 - In Serial74 Chapters
Serenity's Children
Mothership Serenity The most beautiful vessel to ever grace the Milky Way. At 310 kilometers in diameter, the sheer metal moon was Humanity's greatest endeavor. A near-eternal symbol of peace, of togetherness and forgiveness. The day of her maiden voyage would be the end of a long and bloody history of constant conflict and strife. Such were the feelings infused into the miniature planet fitted with every luxury and facility imaginable, from giant casinos to expansive natural reserves and multi-purpose factories. However, the stars had a far different fate for the vessel, her escort ships, and the six hundred thousand souls aboard them all. Bitter rivalries between interstellar nations, personal hatreds, vendettas, righteous fury, and horrors that lurk in the lightless empty - one can only ask, what else could be awaiting them? All we know is that a select few souls will lie at the center of it all. They who will eventually be called; Serenity’s Children. (New chapters will be posted once a week, around Friday or Saturday 8:00 PM. They might also be posted on Tuesdays depending on the backlog I have built up, to allow for substantive editing just in case.)
8 203 - In Serial22 Chapters
The Red Saint
Gabriel is an orphan who wants to be a doctor to help other people with his knowledge.One day when he walked toward his apartment, He died that day because of some accident he doesn't know.His journey is not to stop there as he wakes up afterward.
8 215 - In Serial15 Chapters
Lynn's story
An omegas curse is that they would never have a mate. They are the weakest wolf in the pack so they are usually not respected either. Some omegas are born very weak even though it's rare. I, Lynn, was an example of a rare very weak omega. Abandoned as a child by my parents, I was taken in by the Alpha of my pack. Unfortunately, by the age of 3, the Alpha was told I was an omega. Once the Alpha had heard that I was kicked out of the castle. Now I live in a crumbled apartment building on the outskirts of the city. I spend my time on the streets, trying to hide from being beaten and raped by the pack. But little did I know, my luck was about to change for the better and the worse. A visiting fox clan from England was about to change my life. I was going to meet the fox kings brothers and things would change. My normal life would turn upside down within 3 days. I would learn information that I wish I hadn't and I would learn what telling the truth does to someone.
8 196

