《Reaching the Sky》47
Advertisement
good eveninggg! we're finally down to our last chapter, writing this note is really making me emotional rn HAHAHAHA hindi naging madali isulat 'tong huling chapter, hindi dahil hindi ko alam isusulat, kundi dahil alam kong huli na at hindi ko pa kayang bitawan. pero sabi nga nila, lahat ay may katapusan. but also let us all remember na sa bawat dulo, may panibagong simula. for the last time.. enjoy, readers!
2 years later
"Akin na 'yan!" Keith shouted habang hinahabol si Jill. "Akin 'yan!"
"Akin 'to!" sigaw naman ni Jill at patuloy sa pagtakbo para hindi maabutan ni Keith.
"Huy, ano ba 'yan?" Ate Aiks suddenly appeared sa tabi ko at tiningnan 'yong dalawa.
"Nagaagawan sa damit," sagot ko habang natatawa. "Ang dami dami rito, oh." tinuro ko 'yong bagahe ko na puno ng damit.
"Ang dami nga, saan ba 'yan galing?" Ate Aiks asked while checking the shirts.
"From Bicol po," sagot ko. "Pinadala nila para sa inyo,"
"Oh, really?" hindi makapaniwalang tanong ni Ate Aiks habang nakangiti.
I smiled and nodded.
Matapos ng lahat nung nangyari, I decided to go back sa Bicol to fulfill my promise to Cha before she died. I helped those people na nangangailangan ng tulong kagaya ng ginagawa niya nung nandito pa siya.
I tried giving them all the things and services that they need. Nakipagtulungan na rin ako sa SkyArc para ron sa ibang kailangan ng matitirhan, and thankfully, they gladly helped without any hesitations.
Hindi ako ron totally nagstay, minsan ay umuuwi ako rito para magspend naman ng time with Lian and Inay. And of course, with Ate Aiks, Keith, Jill and Tita.
Tuwing uuwi ako, iba iba ang pinapadala nila sa akin para maiuwi ko rito. Madalas ay pagkain, at 'yong iba naman ay mga sariling gawa nila katulad nitong mga damit.
Naputol ang pagiisip ko nang maramdaman kong tinapik ni Ate Aiks ang balikat ko.
"Sigurado akong masaya si Doc Cy sa nakikita niyang ginagawa mo para sa mga tao," she said. "Nawala man s'ya, pero may taong pumalit at nag patuloy sa mga bagay na naiwan niya,"
"Siya sana ang gumagawa nito kung nandito siya.." malungkot kong saad. "Ate Aiks, do you think she's happy up there?"
Agad siyang tumango. "Unexpected nating nakilala si Doc Cy.. unexpected din siyang nawala. But for sure, sa mga oras na nandito siya.. naging masaya siya. At dala dala niya 'yung mga alaala na nabuo niyo together, palagi."
Ngumiti na lang ako bilang sagot dahil pakiramdam ko kapag nagpatuloy pa ang usapan namin tungkol sa kaniya, hindi ko na mapipigilang umiyak, dahil hanggang ngayon.. masakit pa rin.
"Keith!" tawag ko sa kaniya at nang lingunin niya ako ay ibinato ko sa kaniya 'yong damit na sinadya kong ipagawa para sa kaniya.
"Ano po 'to?" tanong niya at binuklat 'yong damit.
"Huwag mo na agawan 'tong isa," inakbayan ko si Jill. "Sayong sayo 'yan,"
Nang tuluyan niyang mabuklat 'yong damit, her jaw dropped.
"Laloves.." bigkas niya.
"Ano?" masungit na sagot ni Ate Aiks.
Oo nga pala, back to bardagulan na sila.
"Laloves ko.."
"Ano nga?"
"Laloves, ikaw 'to!" Keith exclaimed. "Look look, laloves!"
Natawa ako nang makita kung gaano siya kaexcited ipakita kay Ate Aiks 'yong damit.
'Yong pinagaagawan nila na damit ay may tatak na something related sa Bicol pero 'yong sinadya kong ipagawa ay may mukha ni Ate Aiks.
Sabi ko na, e. Magugustuhan nito.
"Ang ganda mo rito!" Keith said while smiling and looking at the shirt.
Advertisement
"D'yan lang?" biro ni Ate Aiks.
"Syempre.. hindi," sagot naman ni Keith. "Palagi kang maganda no,"
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood silang tatlo mag kulitan.
Sa kabila ng lahat nung nangyari, palaging may pagmamahal at kasiyahan na sasakop sa amin.
Wala kaming magagawa kung magfofocus kami sa bagay na tapos na. Instead, we moved forward at iniwan na sa past ang lahat ng mabibigat na dalahin sa buhay.
"Mga anak, tama na 'yan," Tita suddenly appeared, galing siya sa kitchen. "Ayusin na natin 'to para makaalis na tayo,"
"Kami na po bahala rito, Tita," I said. "Kaya na po namin 'to, saka may niluluto pa po kayo, diba?"
I assured Tita na kami na ang bahala rito sa mga pinadala for them para makapagfocus siya sa ginagawa niya.
Weekends na kaya ron kami lahat magsstay sa bahay. Nang maging maayos ang lahat, we decided na tuwing weekends, it's our family time. Doon kami magsstay sa bahay lahat para makapagbonding.
And ever since, walang nakamiss sa family time namin. Except for Tita of course, pero madalang lang 'yon at naiintindihan naman namin.
Despite of our busy schedules, kapag weekends, it's our time for each other.
"You all ready to go?" I asked them nang matapos kaming lahat magayos ng condo at ng mga sarili namin.
They all excitedly nodded at sabay sabay na kaming bumaba papunta sa parking lot.
Hindi gasinong malala ang traffic ngayon kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay.
The moment we entered the house, as usual, si Toffee ang sumalubong. Binuhat ko siya at dumiretso kami ni Ate Aiks sa kusina kung saan nandoon si Inay. Si Tita, Jill at Keith naman ay kay Lian dumiretso.
"Oh, mga anak, nandito na pala kayo," Inay greeted and hugged both of us ni Ate Aiks. "Kumusta? Kumusta 'yong pamilya ni Doc Cy?"
"Okay naman po," sagot ko, kinuha ko sa kaniya 'yong box na buhat niya. "Gragraduate na po ng college 'yong kapatid niya,"
Napangiti ako with the thought na despite of what happened, nagpatuloy sa pagabot ng pangarap niya 'yong kapatid ni Cha.
Pero at the same time, every time nakikita at nakakasama ko sila.. the guilt is still hunting me.
(flashback)
"Are you sure you can do this on your own?" Ate Aiks asked, worried.
I told them na gusto kong ako mismo ang magsabi sa pamilya ni Cha tungkol sa nangyari. Gusto kong sa akin manggaling mismo kung bakit umalis si Cha ron na alam nilang babalik pa ito, pero dahil sa'kin.. wala nang Cha na uuwi sa kanila.
Ate Aiks wants to come with me but I said no. Buti na lang ay matapos nang konti pang pag tanggi ay pumayag na siya.
Imbes na mag kotse, I decided to take a flight to Bicol para mas mabilis at makaabot sila sa burol ni Cha.
When I reached their front door, napayuko ako. Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na kanina pang gustong kumawala.
"Arki?" nanigas ang katawan ko nang marinig ang boses ng isang babae sa likod ko.
Nang lingunin ko siya, I saw Cha's sister.
"Arki, kayo po pala," aniya. "Tara, pasok po kayo,"
Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, hindi ko magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
"Ma! Si Arki po nandito!" rinig kong sigaw niya at nilingon akong muli. "Halika na, Arki pasok po kayo,"
"Arki," Tita greeted me pagkababa niya, mukhang galing siya sa tulog. "Ba't ka ba nand'yan sa labas? Halika rito,"
Advertisement
Tita grabbed my hand at hinila ako papasok sa bahay nila. They offered me a seat at wala sa sarili akong naupo.
"Bumili ako ng burger, Arki sa'yo na po 'tong isa," Cha's sister offered me the burger na binili niya.
Nakangiti niya 'yong iniabot sa akin. And I saw Tita smiling at me too.
How.. how am I supposed to tell them that Cha is gone kung ganitong ngiti 'yong ipagkakait ko sa kanila?
"Oo nga pala," napaangat ako ng tingin kay Tita. "Hindi ba't pinuntahan ka ni Cy sa Manila?"
"Nasaan siya? Hindi mo ba siya kasama?"
Napatigil ako sa pag nguya nang marinig 'yon. Nanlamig ang kamay ko at dahan dahan kong inilapag sa plato 'yong pagkain.
"Kailan daw s'ya uuwi, Arki?" Cha's sister asked. "Sabihin niyo po miss ko na pajollibee niya sa'kin," she said at natawa.
I suddenly remembered those days na magugulat na lang ako magoorder si Cha ng jollibee and whenever I will ask kung bakit, ang isasagot niya ay naglalambing ang kapatid niya and she can't say no.
"Cha.." napapikit ako nang hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
I felt a tear escaped my eyes.
"Arki, bakit ka umiiyak?" Tita asked at hinawakan ang kamay ko.
"Cha is g-gone," I said. "She.. was shot," I felt Tita's hand na unti unting nanlalambot at lumuluwag ang pagkakahawak sa kamay ko.
I closed my eyes, I need to do this.
"She stayed with me until my birthday.." I continued, kahit sobrang bigat non sabihin. "And then the doctor announced her as.. brain d-dead,"
"Arki.. ano ba 'yan?" nanginginig na tanong ni Tita. "Hindi magandang b-biro 'yan,"
"Sana nga po.. sana nga biro lang," umiiyak na sagot ko.
"Si Ate Cy, Arki nasaan po s'ya?" tanong ng kapatid niya.
Her sister is a college student kaya alam kong kahit papano ay naiintindihan niya ang sinabi ko at ang nangyayari.
Kinuha ko 'yong bag ko at inilabas doon 'yong sapatos ni Cha na suot suot niya nung oras na nangyari lahat.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Lumuhod ako nang bahagya para mapantayan siya dahil nakaupo siya sa upuan.
"Ito 'yong huling sapatos na suot ng ate mo bago siya.. namatay," I said and handed her the shoes. "Keep it,"
She slowly hugged it and cried hard. When I looked down, I saw her wearing the same shoes.
Matching shoes with her Ate Cy.
When I looked at Tita, wala sa sarili siyang nakatitig sa sahig habang umiiyak, pilit na tinatanggap lahat ng sinabi ko.
"Tita.." umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niyang nanlalamig. "I'm s-sorry po,"
Dahan dahan kong inilabas sa bulsa ko 'yong bagay na alam kong sobrang importante kay Cha.
Her necklace, with a sun pendant that symbolizes her name.
Ibinuka ko ang palad ni Tita at inilagay 'yon doon.
"T-That thing is really important to Cha.." I said. "You should keep it, T-Tita for her,"
She slowly looked at the necklace na inilagay ko sa kamay niya. Nang makita niya 'yon ay mas lalo siyang umiyak.
"A-Anak ko.." she whispered. "'Yong anak ko, Arki.. a-anong nagawa niyang m-mali para mangyari sa kaniya 't-to?"
Wala akong masabi kung hindi sorry sa kaniya. I slowly hugged her.
"Ibalik n-niyo ang anak ko.." she said at hinampas hampas ang dibdib ko. "C-Charhy.."
"I'm sorry, Tita," paghingi ko ng tawag. "I promise to give her the justice na deserve niya.. I promise, Tita,"
Mahigit isang oras din bago ko sila napakalma pareho. Tumigil man sila sa pagiyak ay ramdam na ramdam ang lungkot sa mga mata nila.
Si Cha 'yong tumutulong sa nanay niya para mapagaral 'yong kapatid niya. But now that she's gone.. I promised Tita na ako ang tutulong sa kaniya hanggang sa makagraduate ng college 'yong bunso nila.
This is the least that I can do for her.. for them.
When I was about to go out, Tita called me.
"Arki,"
Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin.
Kahit na sobrang lapit na niya ay hindi siya tumigil hanggang sa maabot niya ang leeg ko.
Kahit hindi ko alam ang ginagawa niya ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at hinayaan lang siya.
"There," she said and tapped my chest. "Pakialagaan 'yan,"
When I looked down, I saw the necklace that I gave her kanina.
"Tita.. this is your—"
"Sa'yo 'yan," putol niya. "Alam kong mas gugustuhin niyang ikaw ang mag tago n'yan,"
Tita hugged me at sumunod naman 'yong kapatid ni Cha.
"Salamat, Arki," she said. "Sa konting panahon na nagkasama kayo ng anak ko.. doon ko lang siya nakitang totoong masaya," dugtong niya.
"Dios mabalos sa pagmamahal kay Ate Cy, Arki.. kahit bilang kaibigan."
Naputol ang pagiisip ko habang hawak hawak at nilalaro ang pendant ng kwintas na suot ko nang biglang nag ring ang cellphone ni Ate Aiks.
"I'll take this call lang po," paalam niya kay Inay at tumingin sa akin bago ngumiti nang bahagya.
Paglabas niya ay nagulat ako nang may maramdaman ako sa may bandaang paanan ko.
When I looked down, I saw Rocco.
"Rocco, baby.." gigil na saad ko at umupo para maabot ko siya.
Ngayon ay dala dalawang aso na ang buhat ko, at ang bigat nila pareho. Para na akong may dala dalang anak nito.
"I missed you both!" paglalambing ko at pinanggigilan silang dalawa.
"Nako, 'yang anak mong si Toffee napakachoosy sa pagkain ha," Inay said. "Gusto lagi ay manok,"
"Edi ibigay ang gusto ng anak," sagot ko at hinalikan si Toffee. "Right right right, baby?"
"Ayan, kaya nasspoiled ang bata,"
Natawa ako nang bahagya. Literal na parang totoong tao ang pinaguusapan namin ni Inay.
"How about this baby?" tanong ko, pertaining to Rocco. "Kumusta naman po si Rocco?"
"Ilang araw na 'yang tamlayin," aniya at hinaplos nang bahagya si Rocco. "Sa sobrang pagalala ko ay dinala na namin si vet pero wala naman daw problema," dagdag niya.
"What's happening to you, big baby? Why tamlay?" I talked to Rocco.
"Malungkot siguro iyan at alam mo naman, ang tagal nang hindi nakikita ang nanay,"
Napatigil ako nang marinig ang sagot ni Inay.
I was about to answer nang biglang sumulpot si Ate Aiks and patted Rocco's head.
"Don't worry," she said. "Makikita mo na ulit ang nanay mo,"
Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.
"You mean.."
Ate Aiks looked at me and gave me a smile before caressing my cheeks using one of her hand.
—•—
"Ate Aiks, it's me!"
The moment Ate Aiks answered the phone, hindi ko maiwasang maging excited.
"Of course, I know this is you," aniya. "Mukha bang hindi nakasave sa'kin number mo, Trish?"
Natawa ako sa sagot niya. "Making sure lang,"
"Oh, bakit ka pala napatawag? Hindi ka ba busy?" tanong niya. "I thought may mga inaayos kang papeles para makauwi na rito,"
"I'm not busy," I smiled as I look at the view in front of me, airplanes. "I'll actually ask you for some help, Ate Aiks,"
"Sure, ano 'yon?"
"Sunduin mo ako sa airport,"
"Of course, Trish susunduin kita. Kailan ba? This month na ba?"
"No.."
"So, when? Hindi pa rin keri this month?" nanghihinayang na tanong niya. "We miss you so much, lalo na si Jill,"
"Sunduin mo ako mamaya," I said.
"Oh? Mamaya? Anong ora—WHAT!?"
Hindi ko mapigilan matawa nang marinig kung paano siyang nagulat nang marealize niya ang sinabi ko.
"Teka, what do you mean mamaya?"
I decided to surprise them sa paguwi ko, ang sabi ko sa kanila ay may mga kailangan pa akong ayusin na papeles sa school para tuluyang makauwi but the truth is.. flight ko na today.
"So, you're going home?" she asked after I explained everything.
"Yes, Ate Aiks uuwi na ako," sagot ko.
"Uuwi na ako sa kaniya."
Pagkalabas na pagkalabas ko ng airport ay agad na hinanap ng mata ko sina Ate Aiks.
Nang makita ako ni Jill, she quickly ran towards me and hugged me.
"Ate!" sigaw niya. "Welcome back!"
"Hindi ako makahinga," I joked and tapped her back.
Nang pakawalan niya ako, I saw her tearing up. I cupped her face and made her look at me.
"Why are you crying?" tanong ko at natawa nang bahagya.
She wiped her tears away. "I missed you so much,"
"This lil sister of mine talaga," natatawang saad ko at muli siyang niyakap nang mahigpit. "Ate's here na,"
"Trish," Ate Aiks greeted me at siya ang sunod na niyakap ko. "Namiss ka namin sobra,"
When I looked at Mama, she's taking a video of us.
"Mama, nandito na ako't lahat sa harap mo, nagvivideo ka pa rin," pabirong reklamo ko.
"Ang tanong, ikaw ba ang vinivideohan o ang paboritong anak?" Ate Aiks whispered at natawa.
"Ayan na naman kayo ah," Mama said and gave me a hug. "How are you, anak?"
Nang matapos ang maikling kamustahan at kwentuhan namin, naalala ko siya.
Bakit wala siya rito?
Patago kong inilibot ang paningin ko while we're walking papunta sa sasakyan.
But suddenly, naramdaman kong siniko ako ni Ate Aiks. "Looking for someone?"
"H-Huh?"
"Don't you dare deny in front of me ha," aniya at natawa. "He/she's there,"
I looked at Ate Aiks, confused.
"At Doc Cy's grave," she said. "We'll take you there,"
Advertisement
- In Serial64 Chapters
Echoes of Valhalla
(Currently Updates at about 3 chapters a week, generally on Tues, Wend, Thur if I can swing it. 2k average words per chapter) As a cashier at Trollhålans combined corner store and gas station, Saga is stuck out in nowhere, Sweden. Having recently lost their mother, they are at their wit's end as they are pushing close to 30 with a dead-end job and only a few friends that they hold semi-reasonable contact with. Most of them have families, jobs, and lives that they do not. In what is a stroke of extraordinarily bad luck, they come face to face with a being not from their world. A creature not supposed to be there. A being that kills them over a bag of sliced bread. Only for Saga to reincarnate in another world. Armed with nothing but a poor temperament and a strange magical guide, they find themselves in a strange, yet oddly familiar new world, surrounded by runic magic, undead, magical beasts, half-giants, and more. Now Saga must find a way to make a new life for themselves while also figuring out how to not end up dead, again. Journey alongside Saga as they find themselves and grow, both as a warrior and as a person. Note: The author has English as their second language and has ADD. Grammatical errors are continuously fixed throughout as they are noticed or pointed out.
8 194 - In Serial73 Chapters
Am I the Evildoer?
A defeated hero sat collapsed at the base of a tree. His previous grandeur, self-assurance, and heroic spirit were long gone and in its place was a humble, broken look. He gazed at the woman above him and weakly asked, "Why? I have never harmed you! So why?!""It's simple," she calmly replied, "I want your fate, your luck, your entire destiny to be mine!"A bright light escaped from her eye, appearing like a second sun as she devoured everything previously his.Follow Qin Yao, a serial killer from the 21st century who was reborn into a xianxia world with one goal in mind, to become the strongest in her new world.
8 177 - In Serial180 Chapters
Sigil Weaver: An Old Man in An Apocalypse
A magical apocalypse? Monsters and mayhem? A war with aliens? Sorry, that's a no from Rory. Sadly, his happy retirement ends when he crashes his truck to save a kid. When he wakes up, he finds nearly everyone has evacuated his town, leaving him behind to figure out this new system that grants classes and skills through magical coins called Sigils. He's got a Legendary Sigil — it lets him turn anything in the world into a Sigil, at the cost of not being able to use them himself. That's fine. He's too old to fight anyway. Punching monsters makes his arthritis flare and dodging fireballs leaves him bedridden for days. Instead, Rory is going to gather the survivors and make sure they have the best Sigils possible. The apocalypse didn't end Rory's retirement, it just gave him a new line of business. Sigil Weaver is a LitRPG Apocalypse story, with a focus on slice-of-life elements and exploring magic. Updates daily! Come yell into the void on my discord Also got a patreon for up to 20 advanced chapters (well, 18 so far, but 20 soon!)
8 474 - In Serial30 Chapters
Blind | The Blind Ninja: Book I | Naruto
Disclaimer: Written in the time of my early days of Wattpad. Full of cliches and cringe. Proceed with caution if you decide to read.The Blind Ninja: Book I::"I want to prove to people that I can be a awesome shinobi of the leaf, even if I'm blind! That's my Ninja Way!"Umiko Mikami is blind. She is the twelve-tailed jinchuuriki. She has been traveling when she was 3, when her clan was wiped out and found Konoha when she was 6. There, she lives her life, makes friends with everyone, and learn secrets. But she doesn't know what's gonna happen in the future.
8 153 - In Serial20 Chapters
fuck you
It's really a "enemy's" to lovers type of thing. I will most likely make it a slow burn because getting into things really fast just annoys me so much. This is a fanfic about ashtray from euphoria. He's not gonna be a 12 year old in this. You and him are 16. And i will try to put out as much chapters as i can at once.(now looking back at it they're not really enemy's but it's ok)
8 144 - In Serial23 Chapters
Return to Ninjago (Book 2 of the Enchanted DVD Player tetralogy)
Y/n is summoned back to Ninjago just as Lloyd is about to be possessed by Morro. After she releases Lloyd from the ghost's hold, things don't get easier from there. The ninja soon find out that the cursed realm is not what it seems.In the meantime, the overlord is planning his return to New Ninjago City, never giving the ninja team a break. The overlord is after Lloyd's golden power, but soon he discovers that y/n might actually be more valuable...•Book 2 in the "The Enchanted DVD Player" seriesHighest Rankings:#1 Lloydxreader 26/09/2019#1 ninjagoships 12/04/2020#1 ninjagofanfiction 14/01/2022Started: September 2019Completed: October 2019Notice: if this story is found on any website other than Wattpad, then it has been taken without permission
8 125

