《Reaching the Sky》42

Advertisement

note: good morning! hindi ako nakaupdate yesterday because so pagod from our lakad, I attended 'yong graduation ng pinsan ko with my sister kasi nasa Dubai parents niya. congratulations and happy graduation doon sa mga grumaduate/ggraduate! anw, this will be my bawi. ang haba nito, inabot ako ng isa't kalahating page sa notes ko kasi naabot 'yong max characters HAHAHAHA for da barda and for da pasabowg ang ganap today! eat breakfast and enjoy, readers!

ps: kung magsshot puno kayo, sama niyo ako, chz. it's the 30th day of June, and today, we wear pink!

"Your hands have sugat pala, nak."

Mama saw Y/N's hand bruises. Galing doon sa nangyari kagabi.

"Okay lang po 'to, nabubog lang po," palusot niya.

Kahit sinabi niyang okay, I'm still.. worried.

And there's only one way to find out kumusta siya. The one who treated Y/N that night, Doc Cy.

Agad na hinanap ng mata ko si Doc Cy, nakita ko siya sa kabilang side ng sasakyan, sa may door ng shotgun seat.

Doon ba siya uupo?

Sa tabi ni Y/N?

Habang busy sina Mama sa paguusap tungkol sa kung sino ang mag mamaneho, pasimple akong nag lakad papunta kay Doc Cy.

"Doc," pagtawag ko sa atensyon niya.

Agad siyang napatingin at ngumiti sa akin.

She really do love to smile, 'yon ang madalas kong mapansin sa kaniya.

"Doc Tricia," aniya. "Anything you need po?"

I looked at Y/N and he/she's still busy talking to Mama. While Jill is nandoon kina Ate Aiks, kinukulit si Keith.

I leaned towards Doc Cy's ears. "How's uhm.." I faked a cough. "How's Y/N's hand?"

"Oooh," she said and looked at Y/N bago ibinalik ang tingin sa akin. "Nilagyan ko po gamot kagabi and bandage, Khit said it's still kumikirot minsan, but it's normal, isn't it? Mareklamo lang talaga ang isang 'yon," biro niya. "I just need to clean it again po mamaya,"

"That's good," I said and nodded. "Eventually, magheheal na rin 'yon,"

"Yes, Doc. Tho need pa rin po extra care," she answered. "Kasi paano po magheheal kung pinabayaan, diba?"

Napatingin ako sa kaniya at nakangiti lang siya sa akin kagaya kanina.

Iba ba ang gusto niyang iparating?

O ako lang 'yong nag iisip na may ibang ibig sabihin 'yon?

Doc Cy looks nice and genuine, especially towards Y/N.

The way kung paano niya alagaan si Y/N.. halatang hindi na lang dahil sa reason na Doctor siya.

But, for some reason, pakiramdam ko ay kailangan kong sumagot.

"Well, you know, Doc," I smiled at her. "May mga sugat na dapat hinahayaan muna sa konting panahon, lalo kung mas magiging okay sila ron, right?"

"Hmm, so hahayaan lang natin masaktan 'yong patient, Doc?" agaran na sagot niya. "We will let our patient suffer from pain kahit alam naman natin sa mga sarili natin na may magagawa tayo? Na may kaya tayong gawin?"

"Paano kung mas mawawala 'yong sakit kapag hinayaan muna natin?"

"So, what you're saying is basically yes, you are aware may magagawa ka.." she looked at me with her serious eyes this time. "Pero hindi mo ginawa, am I right, Doc Tricia?"

Doc Cy took one step closer to me. "Life lesson that I learned when I became a Doctor.. kung may magagawa ka, huwag mong hayaan lang,"

Hindi ako makapagsalita.

"Tricia," but when Y/N called me, I suddenly remembered kung ano ba talaga pinaglalaban ko, kung sino ba talaga.

Advertisement

I smiled at Doc Cy. "Kung para sa ikabubuti niya, gagawin ko," inilipat ko ang tingin ko kay Y/N. "Yes, Arki?"

Tiningnan niya ako bago nag salita. "Everything all right there?"

"Of course," I said and smiled.

Y/N nodded at me at ngumiti kay Doc Cy.

"By the way," napatingin ako kay Doc Cy. "I heard you passed sa Harvard," I nodded at ngumiti. Mukhang ako nga lang talaga ang may ibang ibig sabihin kanina. She looks okay. "Congratulations! You deserve it, Doc,"

"Thank you," tipid na sagot ko.

Nabalot kami ng katahimikan. When suddenly, Y/N talked.

"Let's go, I'll drive,"

Nang marinig namin 'yon, nagulat ako nang sabay naming hinawakan ni Doc Cy 'yong pinto ng shotgun seat para buksan 'yon. Nagkatinginan kaming dalawa, pero walang bumitaw.

"Ako d'yan," biglang singit ni Jill at siya ang nag bukas ng pinto, agad naman kaming napabitaw ni Doc Cy.

"I'll drive, nak. Sige na, huwag na makulit," Mama said at hinaplos ang braso ni Y/N. "Ipahinga mo 'yang kamay mo,"

Walang nagawa si Y/N kung hindi tumango, napangiti ako. She really can't say no to Mama.

Nag lakad siya papunta sa pwesto kung nasaan kami, at napatigil nang makita si Jill na nakaupo sa shotgun seat habang bukas 'yong pinto.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong niya. Lahat kami ay napatingin kay Jill.

"Dito ako," sagot ni Jill at tumaas taas pa ang kilay habang nakangiti. "Doon ka sa likod, bub tabihan mo silang dalawa,"

Lumapit sa kaniya si Y/N at agad naman akong napahakbang palikod dahil ang lapit niya rin sa akin.

Amoy na amoy ko 'yong pabango niya.

"Ikaw na ron sa likod," Y/N whispered at hinawakan ang kamay ng kapatid ko.

Napatingin doon si Jill at napatigil saglit pero agad ding binawi ang kamay niya.

"Nope!" tanggi niya. "Mama oh,"

Napatingin sa amin si Mama. "Sa likod na kayong tatlo, sige na. Sa akin na lang tabi si Jill,"

"Iba talaga pag paborito!" Ate Aiks suddenly shouted, ibinaba niya 'yong bintana niya at natawa.

"Boss!" Keith shouted at napatingin kami sa kaniya. "Arki, good luc-aray!"

Napatawa kami nang bigla siyang umaray, mukhang kinurot ni Ate Aiks ang hita niya.

"Huwag ka nang mang asar,"

"Good luck lang naman po!"

"Gusto mo doon ka na?"

Biglang tinakpan ni Keith ang bibig niya at tahimik na umayos sa pagkakaupo.

Under nga siya kay Ate Aiks talaga, tinamaan malala.

Napangiti ako sa naisip ko pero agad din 'yong nawala nang nakita kong pinagbuksan ni Y/N ng pinto si Doc Cy.

"Can I sit sa tabi ng window? You know me, mahiluhin," Doc Cy said. "Sa middle ka na lang, is it okay with you?"

"Ako na lang sa gitna," I offered at napatingin sila pareho sa akin.

"Hindi na, Doc. Si Y/N na lang," tanggi ni Doc Cy.

Gusto ba niya makatabi si Y/N kaya ayaw niyang sa gitna ako?

"No, I insist,"

"Huwag na p-"

"Ako na lang," Y/N suddenly said and looked at me. "Hindi ka rin sanay sa gitna,"

Patago akong napangiti sa narinig ko. My smile faded when I received a text from Ate Aiks.

"Trish, come on," nagulat ako at napaangat ng tingin nang marinig ko si Mama.

Ako na lang pala ang nasa labas ng kotse, nakaupo na rin si Y/N sa loob.

Nilingon ko saglit si Ate Aiks bago tuluyang pumasok at isinara ang pinto.

Advertisement

Ramdam kong ang luwag pa at ang laki ng space na nilaan nila sa akin.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Mukhang dikit na dikit si Y/N kay Doc Cy.

I faked a cough. "Marami pang space rito, puwede kang mag move konti,"

Y/N slowly moved a bit. "Thanks,"

Buong byahe ay tahimik lang kami, not until Mama talked.

"Y/N, anak dito ba nagsstay si Doc Cy?"

"Ah, no po. Sa Bicol po siya, since sa ospital din po doon siya nakaduty,"

"I see, ayaw mong lumipat dito, nak?" Mama asked at tiningnan si Doc Cy mula roon sa salamin. "Sa ospital na pinagtratrabahuhan ni Tricia, you can be workmates!"

"Ma, mukhang bad idea 'yan," biro ni Jill at natawa.

"Bubby," saway ni Y/N kay Jill.

"What? Bakit naman?" Mama asked.

"Well, Tita as much as I want to work with Doc Tricia, since I know how galing she is po and it would surely be an honor to work with her," Doc Cy stated. "But, I do believe also po na kailangan din po ng mahuhusay na Doctor sa Bicol, lalo po sa mga lugar na malalayo sa ospital. Kung hindi po kami ang pupunta at tutulong doon, sino po ang gagawa?"

"Hmm, you do have a point," Mama answered. "A Doctor's mindset indeed,"

"Salamat po,"

"Tita, Doctora ng bayan po 'to!" pagmamalaki ni Y/N. "Muse rin,"

"Oh, really? Beauty and brains right there, I see," sagot ni Mama bago tumingin sa akin. "Like my daughter, Tricia. She recently got accepted sa Harvard!"

I smiled. Mama looks so proud.

"Baka Ate ko 'yan!" Jill said.

"Really? Natanggap ka?" Y/N asked at tumingin sa akin.

When I looked at her, diretso ang tingin niya sa akin.

"Bubby! Late ka na sa balita!"

"Sorry ha," Y/N said at umirap kay Jill. "Congratulations," aniya at ngumiti.

That smile.. a genuine one.

I missed that.

"You never really failed to amaze me,"

Nang marinig ko 'yon, bumilis ang tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko anytime lalabas na sa dibdib ko 'to. At baka naririnig niya ngayon dahil sa sobrang lakas.

"T-Thank you," tanging nasabi ko at nautal pa.

Thank you lang 'yon, Tricia ano ba. Si Tricia ka, huwag mawalan ng angas.

After the kwentuhan, natahimik ulit sa loob ng sasakyan and when I looked at Jill dahil hihiramin ko sana ang powerbank niya, she's already sleeping habang nakasandal sa upuan.

"What do you need?" Y/N whispered.

Agad akong napalingon at sobrang lapit ng mukha niya.

"Powerbank, lowbat na ako," I tried to answer nang hindi nauutal at iniharap sa kaniya ang cellphone ko.

Binuklat niya ang bag niya at kinuha ron 'yong powebank bago iniabot sa akin.

"You can use that muna, ibalik mo na lang,"

"Why are you whispering?" I asked dahil para kaming magnanakaw na nagplaplano rito.

Y/N pointed at Jill and Doc Cy, tulog na rin pala siya. "Baka magising sila,"

Napatango tango ako bago isinaksak ang cellphone ko.

Doon ko lang napansin na nasa hita ni Y/N ang kamay ni Doc Cy habang natutulog ito.

Matutulog na lang kailangan doon pa nakapatong ang kamay?

Hindi ba puwedeng sa sarili niya na lang na hita?

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana, admiring the view na dinadaanan namin nang mapansin kong bumabagsak ang ulo ni Y/N pero agad din niya 'yong inaayos.

"Are you sleepy?" tanong ko.

"No, it's okay," sagot niya at saktong nahikab siya.

Natawa kami nang bahagya.

"Hindi sleepy 'yan ah," biro ko.

Umiling iling siya habang natawa. I moved a bit closer to him/her and tapped my left shoulder.

Y/N looked at me, confused.

"Sleep here,"

"Okay lan-"

"Hindi ka makakatulog nang maayos kung bumabagsak ulo mo d'yan," I said and smiled. "Sige na,"

"Are you.. sure?"

"Uhuh, come here na," malumanay kong sabi.

Y/N slowly leaned his/her head sa balikat ko. Pareho kaming nanigas nang maglapat ang balat namin.

"Are you really sur-" Y/N was about to lift her head again pero pinigilan ko 'yon at dahan dahang ibinalik sa balikat ko, hindi na siya nanlaban.

"It's okay," sagot ko. "I like this,"

Nang pareho kaming maging comfortable sa pwesto namin ay doon ko nakitang medyo nakakatulog na ulit siya.

Medyo malubak 'yong daan at pansin kong nagagalaw 'yong ulo niya. I slowly held it at inalalayan para hindi magulo ang pagtulog niya.

Nagising siya nang bahagya at ang akala ko ay aalisin na niya pero mas lalong siyang lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko.

I smiled a bit. I gently tapped her cheeks para makatulog siyang muli.

"Anak, how about you? Hindi ka inaantok?" biglang tanong ni Mama.

Umiling ako. "Okay lang po, Ma hindi po,"

"I know you, inaantok ka," she said. "Pero ayaw mong matulog dahil nakahiga sayo 'yang isa, ano?"

"Ma.."

"Don't worry, alam kong naappreciate 'yan ni Y/N," aniya at ngumiti. "Those sacrifices you made for her, makikita niya rin 'yon, anak."

"Inaantok po ako pero mas kailangan niya ng pahinga," sagot ko. "Makita lang siyang nakakapagpahinga nang maayos, okay na po ako,"

Mama gave me a smile at nilingon ako saglit dahil saktong nakatigil kami.

"You're really willing to do anything for her, aren't you?"

I nodded at inabot naman niya 'yong kamay ko.

"Kaya hindi mo hinayaang mawala 'yong napakaimportanteng bagay sa kaniya," she said which made me looked at her, confused

(flashback)

"Anong meron?" I asked Miguel who's busy sa pagaayos ng mga pagkain sa lamesa.

Ang daming pagkain, dalawa lang naman kaming kakain. At ang nakakagulat pa, sasabay siya sa akin?

Mula noon, never kami nagsabay kumain, palagi akong mag isa. Mabuti ay pumapayag 'yong mga helper dito na saluhan ako.

"Sit down, hon," alok niya at pinaghila ako ng upuan.

"Kaya ko umupo mag isa," I said at kusang hinila 'yong upuan palapit sa akin.

I heard him took a deep breath. "Masyadong good ang mood ko para mainis kaya palalampasin ko 'to,"

Hindi ko siya pinansin at nang kukuha na ako ng pagkain ay pinigilan niya ako.

"What?"

"Let's wait for Daddy,"

Napairap ako at walang nagawa kung hindi bitawan 'yong kutsara.

Bakit kaya siya pupunta rito?

Matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating siya at agad na lumapit kay Miguel.

"My big boy," he said and hugged Miguel.

Big boy? Cringe.

"And of course, Doctora Tricia," when he was about to hug me, lumayo ako.

Natawa siya at bumalik sa upuan niya.

"Mailap pa rin itong asawa mo, ha."

"Sorry, Dad may period siya," pagdadahilan ni Miguel.

Lame excuse. Sadyang ayoko lang sa ama mo, at sayo mismo.

"I see, maybe next time, I guess?"

Next time? Mas sungitan ko next time.

"So, let's eat?" aya ni Miguel at nagsimula kaming kumain.

"Anak, naibalita mo na ba rito sa asawa mo ang good news?" Engr. Valdez suddenly said.

Kumuha si Miguel nang tissue at ipinunas 'yon sa bibig niya bago nag salita.

"Ngayon pa lang, Dad." sagot niya at tumingin sa akin.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click