《Reaching the Sky》39

Advertisement

note: good afternoon! alam niyo, habang sinusulat ko 'to, para akong siraulo. kinikilig ako, tas mamaya malulungkot, tas matatawa, tas magagalit. like gorl? maling desisyon yata 'tong rts, nakakaloka HAHAHAHAHA anw, goodluck hehe do not forget to eat dinner later and enjoy, readers!

posted this a lil bit early kasi i have lakad!

"Keith, paabot naman nung lampin ni Lian,"

Nakatitig lang ako kay Aika habang buhat buhat niya si Lian.

Lord, napakaganda naman po nito.

Nagulat ako when she snapped her fingers sa mukha ko. "Hey, Keith!"

"Ha? Bakit po?" nauutal na sagot ko.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala," sagot niya at tumawa.

Bakit kahit tumatawa ang ganda ganda niya? Lord, gusto ko na lang po magpagulong gulong dito kung puwede lang.

"Ah hehe okay lang," sagot ko. "Ano 'yon? May kailangan ka ba?"

"Pinapaabot ko 'yong lampin ni Lian,"

Agad kong hinanap 'yong lampin ni Lian sa bag na dala namin at iniabot 'yon kay Aika. Pinunasan naman niya 'yong mukha ng bata.

"Beh, baka matunaw naman kakatitig," nagulat ako nang biglang bumulong si Doc Cy sa akin.

"Kung ganito naman kaganda tititigan, bakit hindi?" sagot ko at ngumiti.

Hindi pa rin mag sink in lahat sa akin. Parang noon ay lowkey lang akong nagsisimp kay Aika, sa twitter lang ako nagkakalat at umaasa na manotice niya. Well, until now naman hindi pa rin niya ako ninonotice sa twitter, hmp.

Okay lang, nandito naman siya sa harap ko ngayon.

I giggled dahil sa mga naiisip ko. Agad namang napatingin sa akin si Aika.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya at inilapat ang likod ng kamay niya sa noo ko.

Lord, I am not your strongest soldier po, please. Mahina po ako, nanghihina po ako.

Tumango tango ako at mabuti inalis na niya ang kamay niya dahil anytime ay baka mahimatay na lang ako rito sa kilig.

"Simp era niya, Ate Aiks," Arki said at inakbayan ako.

"Arki.." nagulat ako dahil kanina ay nandoon pa sila ni Jill sa labas. "Kumusta po?"

Arki just nodded at me and gave me a smile. Ibig sabihin ba nito.. tapos na?

"What ever you are thinking right now, tama 'yan," Arki said at ngumiti. "Jill is my bestfriend, and it will stay that way,"

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon mula sa kaniya.

Sa wakas, nagkaroon na sila ng matinong closure. They both deserve na maging masaya, at hindi nila 'yon magagawa sa piling ng isa't isa.

When I looked at Jill, nakatabi na siya kay Ate Aiks at nilalaro si Lian. Nang mapatingin siya sa akin ay agad siyang ngumiti.

"Are you okay?" I mouthed.

She nodded. Nag thumbs pa siya bago ibinalik ang atensyon kay Lian.

Nakakagaan ng pakiramdam malaman na okay na sila pareho. Kung ako rin naman ang tatanungin, mas okay na 'yong manitili silang magkaibigan.

"Atleast nag try at lumaban diba, Arki?" I asked and looked at Arki.

"Ayon ang mahalaga," he/she answered and tapped my shoulders bago lumapit kina Aika.

Napangiti ako nang makita silang tuwang tuwa at nakikipaglaro kay Lian.

Okay na ang lahat.

"Hey," Doc Tricia suddenly said pagkalabas ng kusina.

Charot lang, hindi pa pala okay.

"Tapos na kayo?" Aika asked her.

Tumango si Doc Tricia at lumapit din kila Lian samantalang kami ni Doc Cy ay nandito lang sa harap nila at nakatayo habang pinagmamasdan sila.

"They look so happy, no?" Doc Cy said.

"Oo nga po, eh."

"Pero wasak na wasak sila deep inside," dugtong niya at malungkot na ngumiti. "Despite of everything na nangyari, hindi ko maiwasang mamangha sa pamilya nila,"

Advertisement

Napangiti ako. "At the end of the day, sila lang naman ang matatakbuhan ng isa't isa, diba? Kahit anong mangyari, pamilya sila,"

"Nakakatuwa kung paano nila tanggapin si Khit, kung itrato nila ay parang pamilya na rin,"

"Matagal naman nang parte ng pamilya nila 'yang si Arki. Akala ko nga noon kapatid din nila 'yan," I said at natawa kami pareho. I looked at Doc Cy, nakatitig siya kay Arki. "Puwede ba akong mag tanong?"

"Sure," she said and smiled at me.

"Hindi ba't gusto mo si Arki?" tanong ko at tumango tango naman siya. "Then bakit mo siya hinahayaan na mapalapit ulit kila Doc Tricia at Jill? Alam mo naman 'yong past nila, diba? Wala lang, kung iba 'yan panigurado tinake advantage na nila 'yong kalagayan nung tao,"

Bago siya sumagot ay ibinalik niya ang tingin niya kay Arki. "Yes, Khit is very special to me, pero hindi ako ganoong klase ng tao," sagot niya. "Bago ako magdesisyon na ituloy 'yong nararamdaman ko para sa kaniya, I already accepted the fact na kakabit ng pagkagusto ko sa kaniya ay 'yong katotohanan na one day, kailangan niyang balikan 'yong nakaraang sumira sa kaniya,"

"Ang green flag mo, no?" I said at natawa.

Umiling iling siya. "Gusto ko lang siya talaga," sagot niya. "Hindi lang sa akin umiikot ang mundo ni Khit, bago pa ako.. nand'yan sila," she said and looked at Doc Tricia and Jill. "Nand'yan sila na nakasama at minahal niya higit pa sa akin, sino ako para ipagdamot siya?"

"You're selfless,"

"Hindi naman siya akin, Keith,"

"Paano kung.. bumalik siya kay Doc Tricia?"

She smiled. "Then I'll be happy for the both of them," she said. "I already told Khit na hindi ko siya pipigilan sa mga desisyon niya.. dahil isa lang naman ang gusto ko, Keith," she sighed. "'Yong magkaron ng genuine happiness si Khit, ako man ang hahayaan niyang mag bigay non o hindi.. basta okay siya, okay ako,"

"Gusto mo siya talaga, no?"

Tumango siya. "Khit's happiness will always be my top priority,"

"Paano ka?"

Napatigil siya bago ako nilingon habang nakangiti at sumagot.

"Ang ikaliligaya ng taong nag mamahal ay ang kaligayahan ng taong minamahal,"

Nang ibalik ko ang tingin ko kila Arki, nagkukulitan na sila. Medyo awkward pa nga kapag medyo nagkakalapit si Doc Tricia at si Arki.

While Jill and Doc Tricia, nakakatuwang makita na medyo nagtatawanan at nagpapansinan na sila.

"Si Ate Trish 'yon!" Jill said at tinuro si Doc Tricia.

"Ay, hindi ako 'yon! Ang layo ko kaya!" laban naman nung isa.

Nagtuturuan sila kung sino ang nagpaiyak kay Lian, dahil rinig na rinig ang ingay nung bata.

"Ate Trish, baka natatakot sayo," asar ni Jill sa kapatid niya.

"Sa ganda kong 'to, sis?"

"Kapatid kita, so.. sige, maganda tayo,"

Jill looked at Arki. "Sa'yo talaga natatakot, bubby lumayo ka na, please lang,"

"Ikaw, Therese ang sama mo so much," sagot ni Arki at sinamaan ng tingin si Jill.

Nag make face lang si Jill sa kaniya.

"Oo nga, Arki tabi ako na d'yan," pakikisali ko.

"Pati ba naman ikaw, Keith!?"

"Syempre," sagot ko at natawa naman kami habang si Arki ay napaface palm na lang.

"Ay, sabagay sus gusto mo lang makatabi si lalove—"

"Siguro sa akin talaga natakot si Lian kahit sobrang layo ko, diba?" pagputol ko sa kaniya at tinakpan ang bibig niya.

Ang issue, gusto ko lang naman mangasar kaya biniro ko siya na ako na ron sa pwesto niya na katabi ni Aika..

Advertisement

Well, sige isama na rin natin 'yong gusto ko talaga s'ya makatabi.

"Ingay ingay mo sa twitter tapos ngayon nasa harap mo na tameme ka," Jill said.

"Ang sama ng ugali mo sa akin,"

"Wait wait, ano 'yan? Late na naman ba ako sa chismis?" Aika said.

Siniko naman ako ni Arki and I did the same. Para kaming tanga na nagsisikuhan dito.

"Ah, Ma'am Aika kayo raw po kasi 'yong laloves ni Keith,"

My jaw dropped when I heard Doc Cy talked.

Bakit.. parang pinagkakaisahan ako rito?

Alexa! Play Traitor by Olivia Rodrigo!

Aika looked at me.

Putangina.

"Uy, gay panic 'yan!" Arki said at kinurot ako.

"Nakakaloka ka, Keith tinatanong lang niya anong laloves!" si Jill naman ngayon.

Kahit anong asar nila ay hindi ako makasagot. Nag rereplay lang sa utak ko 'yong sinabi ni Aika.

Laloves.

Laloves.

Laloves.

Laloves daw po, Lord dapat na ba akong mag lapag ng marriage certificate? Cheret.

"Bakit niyo inaasar? Laloves is cute," Aika said.

Mas lalo akong hindi nakaimik dahil sa sinabi niya.

Lord, totoo po ba 'to? Pakisampal naman po ako if not.

When I looked at Jill, Arki and Doc Cy, lahat sila ay nagulat din sa pinagsasabi ni Aika.

Kumuha ako ng unan at pinagbabato sila. "Deserve! Deserve! Deserve!" sigaw ko.

"May kakampi na ako! Kala niyo ah!" I said at inirapan sila. Tumingin ako kay Aika at ngumiti. "Salamat hehe,"

Keith ano 'yon? Ang pabebe, tanggal angas don, ah.

Nagpatuloy ang tawanan namin at naputol lang nang biglang lumabas sina Inay sa kusina.

Kinuha niya 'yong jacket niya at isinuot 'yon. Tinulungan ko naman siya agad. "Saan po kayo pupunta?"

"Bibili lang ice cream d'yan sa 711 malapit,"

"Ay, ako na po, Nay," I offered. "Gabi na po, oh. Saka madilim po, baka kung ano pa mangyari sa inyo sa daan, ako na lang po,"

"Sigurado ka ba?"

"Sigurado pa sa sigurado, Nay!" I said and smiled at her.

"Napakabuti mo talagang bata," aniya at ginulo ang buhok mo.

"Ako lang po 'to," sagot ko at natawa naman kami.

When I was about to leave, Doc Cy stood up at lumapit sa akin.

"I'll go with you,"

"Ha? D'yan ka na lang, Doc mapapagod ka p—"

"Sama ako, gusto ko rin mag lakad lakad," she said at ngumiti.

Wala akong nagawa kung hindi pumayag at sabay kaming bumaba, while walking hindi ko maiwasang mapansin na parang may gustong sabihin si Doc Cy.

"Okay ka lang ba, Doc? May.. gusto ka bang sabihin?" tanong ko at pabirong tinap ang likod niya.

She stopped walking at ako rin ay napatigil.

Napalunok siya. "Miguel.. is your brother, right?"

Nagulat ako sa tanong niya dahil sobrang random pero agad din akong sumagot. "Opo, Doc half brother po,"

"Kung ganon.. ako lang ba ang nakakahalata pero parang.. parang may mali sa kanila ni Doc Tricia?"

Napatingin ako sa kaniya.

"Kanina ko pa 'yon napapansin, ayoko lang sana sabihin kay Khit dahil baka mastress siya,"

I was about to answer her when someone tapped my shoulders from the back.

Paglingon ko..

"Kuya," I said.

"Keith," aniya at naamoy ko agad ang alak sa hininga niya. "Kumusta ka?" he asked and looked at Doc Cy. "Kumusta kayo? Parang ako ang topic niyo, ah."

"Kuya, lasing ka ba?"

"Ako? Hindi, bakit naman ako malalasing? Tingin mo ba.. magpapakalasing ako dahil lang sa Arki na 'yon?"

"Tama na, Kuy—"

"You're an asshole," nagulat ako nang biglang nag salita si Doc Cy at diretso ang tingin niya kay Kuya.

"Doc Cy, d'yan ka na lang po mun—"

"What did you say?" Kuya said, halata sa boses niya na irita siya.

I tried holding his arms para pigilan siya sa paglapit kay Doc Cy pero marahas niya 'yong inalis.

"I said, you're an asshole.."

"Doc C—"

Naputol ang sasabihin ko nang sampalin siya ni Kuya.

Agad akong tumakbo palapit kay Doc Cy at humarang sa harap niya.

"Kuya, ano ba?"

"Umalis ka d'yan, Keith," banta niya.

"Please, Kuya ikaw na lang ang umalis,"

"Alis, Keith. Hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan,"

"Kuya, tumigil ka n—"

"Sabing alis!" sigaw niya at itinulak ako, napahiga ako sa sahig at naramdaman kong gumasgas ang braso ko kaya nagdugo ito.

When he was about to slap Doc Cy again, ibinato ko sa kaniya 'yong nakita kong bato sa gilid.

He slowly looked at me at dahan dahang lumapit.

"Stop this, Kuya alam ko lahat ng ginagawa mo," banta ko pero hindi siya tumigil sa pag lapit.

Hinawakan niya ang mukha ko. Hindi ko itatanggi na masakit 'yon dahil ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Talaga ba? Ang dami mo namang alam, masyado kang maingay," he said.

"Dahil masyado kang masama,"

There, he slapped me.

"How dare you?" gigil na sabi niya. "Kapatid mo ako, Keith."

"Nakakahiya kang maging kapatid,"

Naramdaman kong lumapat muli ang kamay niya sa pisngi ko, mas malakas this time.

"Keith!" I heard Doc Cy shouted at akmang lalapit.

"Stay there," pigil ko sa kaniya.

"Wow, you're protecting someone na hindi mo naman masyadong kilala kaysa sa kapatid mo?" Kuya said.

Idinura ko sa sahig 'yong dugo na nalasahan ko mula sa labi ko at tumingin sa kaniya.

"Tama nga si Doc Tricia.. talunan ka nga,"

Nakahanda na ang kamay ni Kuya na sampalin ako muli nang may kamay na pumigil sa kaniya.

When I opened my eyes, I saw Arki sa likod ni Kuya.

"Don't you dare slap Keith again," Arki said at sinapak si Kuya.

Napaalis sa ibabaw ko si Kuya at napahiga sa sahig dahil sa lakas ng suntok ni Arki.

Agad akong lumapit kay Doc Cy na ngayon ay kasama na nina Jill, Aika at Doc Tricia. Dala dala pa nila sa Lian, tingin ko ay dapat susunduin nila kami.

"Ikaw na naman, palagi ka na lang pabibo," Kuya said causing Arki to stop walking towards us pero tumuloy din siya.

Dumiretso siya kay Doc Cy at hinawakan ang mukha nito.

"Siya ba may gawa niyan?" Arki asked, referring sa maliit na sugat sa labi ni Doc Cy.

"Okay lang ak—"

"Tell me, Cha siya ba?" 'yong boses ni Arki, very soft pero halata ang galit sa mga mata niya. Yumuko si Doc Cy. "Tell me he did that to you and I'm gonna make sure that he'll regret doing it,"

"Bubby, kalm—"

"Cha, I need an answer," Arki said at titig na titig pa rin kay Doc Cy.

Doc Cy slowly nodded.

Arki let go of Doc Cy's face at tumingin kila Aika.

"Kayo muna bahala sa kanila,"

After Arki said that, he/she turned around at dire diretso sa pag lapit kay Kuya.

He grabbed Kuya Miguel's polo na patayo pa lang sana.

"Who.. gave you the rights to touch Charhy?" gigil na sabi niya.

Ramdam na ramdam ang galit sa boses ni Arki. Ngayon ko lang siya narinig at nakita na ganito.. kahit ang mga kamay niya ay nanginginig sa galit.

"Sorry not sorry, ang ingay kas—"

"Wala kang kwenta!" Arki shouted and punched Kuya once again.

Tatawa tawa lang si Kuya kahit na bumagsak na siya sa sahig.

Pinaibabawan siya ni Arki at pinaulanan ng suntok.

"Ang gago mo!" sigaw ni Arki.

Patuloy lang siya sa pag sigaw habang sinusuntok si Kuya.

"Wala kang kwentang tao!"

I saw how wounded Kuya Miguel's face is. Mag lalakad na sana ako papunta sa kanila para awatin sila but Aika stopped me.

"Hayaan mo siyang ilabas ang galit niya, we all know Arki.. hindi 'yan gagawa ng bagay na hindi niya pinagisipan, macocontrol niya sarili niya, trust Y/N with this,"

Sa galit ni Arki, natatakot ako sa puwede niyang gawin. Halos isubsob na niya ang mukha ni Kuya sa sahig.

Wala akong nagawa kundi panoorin silang dalawa. Patuloy si Arki sa pagsuntok kay Kuya.

But what's weird is..

Kuya's looking at Aika.

Who's carrying Lian.

Dahan dahang humina ang suntok ni Arki at dahan dahan siyang napaupo rin sa sahig. Nagdudugo na rin ang kamay niya.

Kuya tried to stand up and walked towards us kahit na nanghihina siya at patuloy ang pagdugo ng mukha niya. Agad kong hinarangan sina Aika at hinarap si Kuya.

But he's staring at Lian.

When I looked at Arki, he/she just nodded at me at tumayo.

Dahan dahan akong umalis sa harap ni Aika. Kuya took one step closer.

"Is.. that child yours?" he asked Aika.

Umiling siya and when I looked at Kuya.

I saw pain and sadness sa mga mata niya.

Ipinagpag ni Arki ang damit niya at dahan dahang lumapit sa amin.

"Hmm, hindi siya kay Ate Aiks.. it's not Jill's and Tricia's either," Arki said. "And of course, hindi 'yan kay Cha," tumabi si Arki kay Kuya. "Ikaw, Miguel? Tingin mo? Kanino 'yan?"

The way Arki said that, it's sarcastic.

"K-Kanino?" Kuya asked habang nauutal at tumingin kay Arki.

I saw Arki smirked.

"Sa kapatid ko, Miguel. Sa kapatid ko.. familiar?"

Kuya turned back his gaze to Lian who's crying.

Kuya smiled, a bitter one.

A tear escaped his eyes.

    people are reading<Reaching the Sky>
      Close message
      Advertisement
      You may like
      You can access <East Tale> through any of the following apps you have installed
      5800Coins for Signup,580 Coins daily.
      Update the hottest novels in time! Subscribe to push to read! Accurate recommendation from massive library!
      2 Then Click【Add To Home Screen】
      1Click